Apolinario Mabini

  • Uploaded by: Anonymous ztldaBXw
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Apolinario Mabini as PDF for free.

More details

  • Words: 1,560
  • Pages: 21
Loading documents preview...
APOLINARIO MABINI

Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas EDUKASYON Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon. Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo. Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pagaalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay angPrograma Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino. Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan

MIGUEL MALVAR

Ipinanganak si Malvar noong Setyembre 27, 1865, sa San Miguel, isang baryo sa Santo Tomas, Batangas, nina Máximo Malvar (higit na kilala bilang Kapitan Imoy) at Tiburcia Carpio (higit na kilala bilang Capitana Tibo). Hindi lamang tanyag ang mag-anak na Malvar sa kanilang bayan dahil sa kanilang yaman subalit pati sa kanilang pagkamapagkaloob at kasipagan.[1] Unang nag-aral si Malvar sa paaralang bayan ng Santo Tomas. Kinalaunan, pumasok siya sa isang pribadong paaralan na pinatatakbo ni Pari Valerio Malabanan sa Tanauan, Batangas, isang tanyag na institusyon pang-edukasyon sa Batangas noong mga panahong iyon, at kung saan naging kamag-aral niya ang kapwa rebolusyonaryo na si Apolinario Mabini. Lumaon lumipat siya sa isa pang paaralan sa Bauan, Batangas, at pagkatapos

noon ay napagpasiyahan niya na huwag nang ipagpatuloy ang pagaaral sa kolehiyo saMaynila, na pinili na lamang na maging isang magsasaka. KABISERA NG RIZAL

ANTIPOLO

Sakop ng Antipolo ang buong kalaparan ng gitnang bahagi ng Rizal .Itoy nasa paanan nang Sierra Madre kung kayat malaking bahagi ng lungsod ay bulubundukin na may karaniwang 150metro

Kasaysayan ng Rizal Ang Rizal ay nasa Rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Ito ay may 20 kilometro ang layo sa Maynila. Ang Rizal ay hango sa pangalan ni Jose Rizal. Lungsod Antipolo ang kabesera ng lalawigan kahit na ang kapitolyo ay matatagpuan sa Lungsod Pasig sa Kalakhang Maynila. Ang Rizal ay nasa hanggahan ng Kalakhang Maynila sa kanluran, ng Bulakan sa hilaga, ng Quezon sa silangan at Laguna sa timog. Ang lalawigan ay nakahimlay sa hilagang baybayin ng Lawa Laguna. Ang Rizal ang tinatawag na "Duyan ng Pambansang Sining". Ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Carlos "Botong" Francisco,Vicente Manansala, Maestro Lucio San Pedro ay pawang mga taga-Rizal. Ang Rizal ay nahahati sa 13 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Rizal ang Angono, Angono, Binangonan,Cainta, Cardona, Jalajala, Morong,

Pililia, Rodriguez, San Mateo, Tanay, Taytay at Teresa. Ang nag-iisang lungsod nito ay ang Antipolo na siya ring kabesera ng lalawigan. WIKA at EKONOMIYA Tagalog ang pangunahing wika na ginagamit ng mga naninirahan sa RizalAng pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Rizal ay ang pagbababuyan, pagsasaka, at pakikipagkalakalan. Maraming taga- Maynila ang nagpapaalaga ng baboy sa mga taga- Rizal habang ang pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga taga- gawing hilaga at ang mga nakatira sa katimugang bahagi ng lalawigan ay pangingisda ang ikinabubuhay.

Traditoin Kultura at pagdiriwang SINAKULO

Noong panahon ng modinisasyon sa Rizal ang mga tradisyon ay naging mas marangya lalo na tuwing mahal na araw . Ang pinakakilalang ritwal ay ang cenakulo (isang palabas na nagpapakita sa pagpapahirap at pagkamatay ni kristo ) at ang pagpapako (iang palabas sa pagpako sa krus ni kristo)

HIGANTE FESTIVAL

Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga “pahadores”, (mga deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga “higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.

Mga kilalang Tao

Isinilang si Carlos "Botong" Francisco sa Angono, Rizal noong 4 Nobyembre 1912 at yumao noong 1969. Nagsimulang magtrabaho bilang layout artist at ilustrador sa Philippine Herald at Manila Tribune si Botong. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine Arts. Si Botong ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta. Kasama sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, nagpinta siya ng sari-saring mural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod Maynila; Capitol Theater; The Golden Gate Exposition, San Francisco; State Theater; at sa mga tahanan ng mga sikat na tao, tulad nina Ernesto at Vicente

Rufino at Pang. Manuel L. Quezon. Makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Botong ang naging pangunahing pintor ng mural sa Filipinas.

Makasaysayang Pook HINULUGANG TAKTAK

Ang Hinulugang Taktak ayisang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Liwasan ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na

panturismo sa Lungsod ng Antipolo, and kabisera ng Rizal, kasabay ng Katedral ng Antipolo. Noong 1990, inihayag bilang isang Pambansang Dambanang Makasaysayan ang Hinulugang Taktak sa pagpasa ng Batas Republika Blg.6964

Magagandang Tanawin EASTRIDGE

MT.TAGAPO

TALIM ISLAND

Mapa ng Rizal

*Table of Content*

*Part 4 Rizal* 

Mapa ng Rizal



Kabisera ng Rizal



Kasaysayn ng Rizal

 Kultura Tradisyon Pagdiriwang 

Kilalang Tao



Makasaysayan Pook



Magandang Tanawin

Table of Content* *Part 5 Quezon*  Mapa ng Quezon  Kabisera ng Quezon  Kasaysayan ng Quezon  Kultura,Tradition at Pagdiriwang  Kilalang Tao  Makasaysayang Pook  Magagandang Tanawin

Mapa ng Quezon

Kabisera ng Quezon Ang Lungsod ng Lucena ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ito rin ang kabisera ng Quezon. Ayon sa senso noong 2005, ang lungsod ay may populasyon na 220,834.

Kasama ang bayan sa Ikalawang Distrito ng lalawigan. Ang mga kalapit na bayan ng Lucena ay ang Pagbilao (silangan), Tayabas (hilaga) at Sariaya (kanluran).

Barangay Ang Lucena ay nahahati sa 33 barangay.

                  

Barangay 1 (Pob.) Barangay 2 (Pob.) Barangay 3 (Pob.) Barangay 4 (Pob.) Barangay 5 (Pob.) Barangay 6 (Pob.) Barangay 7 (Pob.) Barangay 8 (Pob.) Barangay 9 (Pob.) Barangay 10 (Pob.) Barangay 11 (Pob.) Barra Bocohan Mayao Castillo Cotta Gulang-gulang Dalahican Domoit Ibabang Dupay

             

Ibabang Iyam Ibabang Talim Ilayang Dupay Ilayang Iyam Ilayang Talim Isabang Mayao Crossing Mayao Kanluran Mayao Parada Mayao Silangan Ransohan Salinas Talao-talao Market View

Kasaysayan ng Quezon Ang Quezon ay nasa Rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Ang "Quezon" ay hango sa pangalan ng Pangulong Manuel L. Quezon, ang ikalawang pangulo ng Republika ng Filipinas. Lungsod Lucena ang kabisera nito. Ang Lungsod Quezon ay hindi matatagpuan sa Quezon at hindi dapat maipagkamali sa lalawigan ng Quezon. Ang Lungsod Quezon ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila, na nasa gawing kanluran ng Rehiyon ng CALABARZON, habang ang Quezon ay nasa silangang bahagi ng CALABARZON.

Kultura,Tradition at Pagdiriwang Kilalang Tao

Si Manuel Luis Quezon y Molina ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng

Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.

Makasaysayang Pook Magagandang Tanawin

Related Documents

Apolinario Mabini
January 2021 0
Apolinario Mabini
February 2021 0
Apolinario Mabini
January 2021 0
Apolinario Mabini
January 2021 4

More Documents from "Malou Mico Castillo"