Aralin 1- Akademikong Pagsulat

  • Uploaded by: Precious Ladica
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Aralin 1- Akademikong Pagsulat as PDF for free.

More details

  • Words: 1,599
  • Pages: 64
Loading documents preview...
AKADEMIKONG PAGSULAT

Sagutin ng FACT o BLUFF ang sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat. Magbigay ng maikling paliwanag kaugnay ng inyong sagot

Ang wikang Filipino ay isang wika ng intelekwalisasyon.

FACT

Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ay isa sa opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.

FACT

Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula sa elementarya hanggang hayskul ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat.

FACT

Ang sanaysay, maikling kwento, awit, at dula ay hindi kabilang o maituturing na isang akademikong pagsulat

BLUFF

Ang pagsulat ng balita, pananaliksik, at iba pang korespondensiya ay bahagi ng pagsulat ng pakikipag- ugnayan sa tao at lipunan.

FACT

Mahalagang isaalang- alang ang wika, paksa, at layunin sa anumang uri ng pagsulat.

FACT

Ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal ay mahalagang bigyan pansin sa pormal na pagsulat ng pananaliksik.

BLUFF

Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing na akademikong pagsulat.

FACT

Ang mga guro, manunulat, at magaaral lamang ang dapat na matuto ng propesyunal na pagsulat.

BLUFF

Layunin ng reperensiyal na pagsulat na bigyang pagkilala at rekomendasyon ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng kaalaman.

Akademikong Pagsulat Pagtugon sa bokasyon o trabaho

Libangan Matugunan ang pangangailangan sa pag- aaral

Mabilin (2012) Ang pagususulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaring magpasalin- salin sa bawat panahon.

5 Makrong Kasanayan 1. 2. 3. 4. 5.

Pagbasa Pakikinig Panonood Pagsasalita Pagsulat

Kumukuha o dumaragdag ng kaalaman sa kanyang isipan

Nagbabahagi ng kanyang isipan at nalalaman

EDUKASYON

PAGTATRABAHO

May masagot sa pagsusulit na nangangailangan ng masususing pagpapaliwanag Makabuo ng organisadong ulat Makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon Makalikha ng mga papel na pananaliksik

Marunong sumulat ng liham ng aplikasyon May kakayahang gumawa ng project proposal Gumawa ng anunsyo Umapila sa paglilikom ng pondo Sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente Makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinapagawa ng manager

ANG PAGGAMIT NG AKADEMIKONG FILIPINO

Institusyong pangedukasyon na maituturing na haligi sa pagkakamit ng mataas na kasanayan at karunungan.

Akademya

Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag- aaral, guro, administrador, gusali, kurikulum, at iba pa

Instrumento upang mapakilos ang akademya at maganap ang mga mithiin at misyon nito_____________

Instrumento upang mapakilos ang akademya at maganap ang mga mithiin at misyon nito- WIKA

Filipino- isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan ayon sa Konstitusyon

AKADEMIKONG FILIPINO

Vivencio Jose (Mga Diskurso sa Wika at Lipunan, 1996)

Epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya. Masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang dumadaloy sa wikang Filipino. Higit na epektibo ang pagkatuto ng mga magaaral kung sa wikang alam niya ito matatamo.

SENIOR HIGH SCHOOL AKADEMIKONG PAGSULAT Lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag- aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino Paggawa na sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan , pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng pamanahunang papel, at pananaliksik

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

ROYO (2001), aklat ni Dr. Eriberto Astorga , Jr.

“Pagbasa , Pagsulat, at Pananaliksik”

Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam- agam, bungang- isip, at mga pagdaramdam. Nakikilala ng tao ang kanyang sarili

Pangunahing layunin ng pagsulat Mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumulat

Mabilin (2012), Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1. Personal o ekpresibo- makabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.

2. Panlipunan o sosyal- makipagugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsulat ay transaksyunal.

Kahalagahan o ang mga Benepisyo na Maaaring Makuha sa Pag- aaral at Pagsasawa ng Asignaturang Ito:

1. Masanay ang kakayahang mag- organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinagawang imbestigasyon o pananaliksik 3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag- aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon

3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag- aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon 4. Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit mg aklatan sa paghahanap ng nateryales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat

5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman sa lipunan 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pagaaral at akademikong pagsisikap 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

Paano maging mahusay na manunulat?

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.

Mga bagay nadapat isaalang- alang sa pagsulat partikular sa akademikong pagsulat Wika Paksa Layunin Pamamaraan ng pagsulat Kasanayang pampag- iisip Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin

Wika  Behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

Paksa  Pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda

Layunin  Magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng sulatin

Pamamaraan ng Pagsulat 1. 2. 3. 4. 5.

Paraang Impormatibo Paraang Ekspresibo Paraang Naratibo Paraang Deskriptibo Paraang Argumentatibo

Kasanayang pampag- iisip • • •

Kakayahang mag- analisa o magsuri ng mga datos Kailangang maging lohikal ang pag- iisip Kailangang maging obhetibo sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng impormasyon

Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat

Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin • Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at maisining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat 1. 2. 3. 4. 5.

Obhetibo Pormal Maliwanag at organisado May paninindigan May pananagutan

1.Obhetibo Kailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan na ginawang pag- aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang tinalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka- haka o opinyon. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

2. Pormal Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.

3. Maliwanag at Organisado Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakikitaan ng maayos na pagkakasunod- sunod at pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa.

3. Maliwanag at Organisado Maging ang mga pag- uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilim- pili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa katangiang kaisahan at maayos na pagkakasunod- sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o maintopic ay dapat mapalutang o mabigyang- diin sa sulatin.

4. May paninindigan Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang- pansin o pag- aralan. Ibig sabihin, hindi maganda ang magpabago- bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisasagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.

5. May pananagutan Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginagamit na sanggunian. Bukod sa ito ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makakatulong upang higit na mapagtubay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa.

Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat 1.Malikhaing Pagsulat 2.Teknikal na Pagsulat 3.Propesyunal na Pagsulat 4.Dyornalistik na Pagsulat 5.Reperensyal na Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwang ito ay naisusulat bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaring batay sa runay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang- isip lamang.

1. Malikhaing Pagsulat Mabibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa.

2. Teknikal na Pagsulat Ang anyo ng akademikong pagsulat na ito ay ginagawa sa layuning pag- aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumubuo ng isang pag- aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Bagamat maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na makaunawa lamang nito ay ang mga mambabasa

2. Teknikal na Pagsulat na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City, at Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

Related Documents


More Documents from "Retarded Kirito"