Banghay Aralin Filipino

  • Uploaded by: Rachelle Rellora
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Banghay Aralin Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 2,143
  • Pages: 6
Loading documents preview...
I.

Layunin: a. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa akda b. Naiuugnay ang mga kasispan sa akda sa tunay na buhay c. Naisasadula ang ilang kaisipan na nakapaloob sa akdang binasa

II.

Paksang-Aralin: Panitikan: Nobela – Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal Kabanata 3: Ang Hapunan Sanggunian: Panitikang Asyano 9 (Gabay ng Guro), ph. 125 at 143; Mga Tala at Patnubay sa Pag-Unawa sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal, pp. 8-10; Ang Pinaikling Bersiyon ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal’ pp. 10-12; Wattpad.com; at Google.com.ph. Kagamitan: Mga larawan, kopya ng aralin, visual-aid, at chalkboard.

III.

Pamamaraan: GAWAING GURO

A. PANGGANYAK - Sinu-sino sa inyo ang nakakain/nakatikim na ng tinolang manok? - Ano ang lasa nito?

GAWAING MAG-AARAL - (Magsisipagtaasan ng kamay ang mga magaaral na nakakain/nakatikim na ng tinolang manok.) - Ang lasa po ng tinolang manok ay masarap.

- Tama! Masarap ang tinolang manok lalo na kung masarap ang pagkakaluto nito at kung ang kakain nito ay nasa magandang kondisyon. - Kung talagang nakakain/nakatikim na kayo ng tinolang manok ay piliin nyo po mula sa mga larawang narito ang mga sangkap para sa pagluluto nito. - Pumunta po sa harapan upang piliin ang mga tamang sangkap sa pagluluto ng tinolang manok.

LARAWAN NG MGA SANGKAP

LARAWAN NG: karne ng manok, papaya, dahon ng sili, paminta, patis, bawang, sibuyas, luya, malinis na tubig, at mantika,

- Magaling! Iyan po ang mga sangkap para sa tinolang manok kung saan ang tinolang manok ay may kaugnayan sa araling ating tatalakayin ngayon. B. Pag-aalis ng Sagabal: - Bago tayo dumako sa ating tatalakaying aralin ngayon ay pagtuunan muna natin ng pansin ang mga salitang naririto. - Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagpili ng mga sagot sa kabilang hanay. Isulat sa patlang ang wastong titik ng tamang sagot sa patlang at pagkatapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap. ___ 1. pinagsisikaran a. durugin ___ 2. natuntungan b. panguluhan ___ 3. kabisera c. kayabangan ___ 4. lapirutin d. nakaharang ___ 5. kapalaluan e. pinagsisipa f. natapakan

1. e 2. f 3. b 4. a 5. c (Nakasalalay sa mga mag-aaral ang paggamit sa sariling pangungusap)

- Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagpili ng mga sagot sa kabilang hanay. Isulat sa patlang ang wastong titik ng tamang sagot sa patlang at pagkatapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap. ___ 1. pinagsisikaran a. durugin ___ 2. natuntungan b. panguluhan ___ 3. kabisera c. kayabangan ___ 4. lapirutin d. nakaharang ___ 5. kapalaluan e. pinagsisipa f. natapakan C. Paglalahad: - Ngayong araw na ito’y tatalakayin natin ang Kabanata 3 ng Noli Me Tangere na “Ang Hapunan,” kung saan ay ipaliliwanag nyo ang mga kaisipang nakapaloob dito,iuugnay nyo ang mga kaisipang ito sa tunay na buhay at pipili kayo ng kaisipan na inyong isasadula. - Maliwanag po ba? - Magaling kung ganun! D. Pagbasa: - Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Kabanata 3 ng Noli Me Tangere na: “Ang Hapunan,” at humanda para sa mga katanungan mamaya. Basahin nyo ito sa loob lamang ng tatlong minuto. E. Paglinang ng Kasanayan: - Handa na ba para sa mga katanungan? - Bubunot po ako ng numero kung saan kung kaninong bilang/numero ang matapatan nito ay siya ang ang sasagot ng aking katanungan. (Bago bubunot ng numero ay ibibigay na ang katanungan sa kung sinumang mag-aaral ang matatapatan nito.) - Bakit pinamagatang: “Ang Hapunan” ang kabanatang ito?

- Magaling! Kung gayun sinu-sino ang mga tauhang nabanggit dito?

- Sinong tauhan ang nagalit kay Tenyente Guevarra at ano ang dahilan ng pagkagalit nito?

- Kung ikaw ang nasa katayuan ni Donya Victorina, tatanggapin mo ba ang paumanhin ni Tenyente Guevarra? Ipaliwanag. - Tama! Kung may taong humingi sa atin ng paumanhin ay tanggapin natin ito lalo na’t kung di-naman ito sinasadya. - Ano ang ipinahihiwatig ng pag-uunahan nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng upuan?

1. e 2. f 3. b 4. a 5. c (Nakasalalay sa mga mag-aaral ang paggamit sa sariling pangungusap)

- Maliwanag po Madam!

- (Babasahin at uunawaing mabuti ang Kabanata 3.)

- Handa na po Madam!

- Pinamagatang “Ang Hapunan” ang kabanatang ito dahil dito nagsalu-salo ng tinolang manok at nag-usap-usap ang mga tauhan. - Ang mga tauhan na nabanggit dito ay sina Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Padre Damaso, Padre Sibyla, Tenyente Guevarra, Donya Victorina, Don Tiburcio, at Laruja. - Ang tauhan na nagalit kay Tenyente Guevarra ay si Donya Victorina sa kadahilanang di-sinasadyang natapakan ng tenyente ang dulo ng bestido ng donya dahil na din sa katitingin nito sa kulot na kulot na buhok ng donya. - Kung ako ang nasa katayuan ni Donya Victorina ay tatanggapin ko ang paumanhin ni Tenyente Guevarra, sapagkat ito’y isang aksidente/di-naman sinasadya.

- Ang ipinahihiwatig ng pag-uunahan nina

- Sa kasalukuyang panahon, may mga tao pa bang naguunahan sa pag-upo sa mas mataas na katungkulan sa lipunan? Patunayan. - Tama! Dahil kahit sa kasalukuyang panahon ay marami pa ding mga tao ang gustong maupo sa mas mataas na katungkulan upang magkaroon ng kapangyarihan. - Dapat bang tularan si Padre Damaso kahit na sabihing siya’y isang alagad ng simbahan? Pangatuwiranan.

- Magaling! Dahil ang pagiging inggitin ay walang magandang maidudulot. - Papapaano nakisalamuha si Crisostomo Ibarra kay Padre Damaso sa kabila ng pagpaparunggit nito sa kanya?

- Ipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa akda at iugnay ito sa tunay na buhay.

- Magaling! Palakpakan nyo ang inyong mga sarili ng “Aling Dionisia Clap!” F. Paglalapat: - Sa mga kumakain ng sabay-sabay na kasalo ang buong pamilya, sino ang kadalasang nasa kabisera ng upuan? Ano ang ipinahihiwatig nito? - Tama! Ano ang gagawin mo kung halimbawang tinolang manok ang inyong ulam at nation na napunta sa iyo ang parting leeg at pakpak ng manok?

Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng upuan ay kung sinuman ang nakaupo dito ay siya ang mayroong mas mataas na katungkulan sa lipunan. - Sa kasalukuyang panahon ay mayroon pa din pong mga taong nag-uunahan sa pag-upo sa mas mataas na katungkulan sa lipunan, agay na lamang ng mga tumakbo nating mga kandidato noong nakarang halalan/eleksyonlalo na ang mga tumakbong pangulo ng ating bansa kung saan sa bandang huli ay ang nanalo ay ang Pang. Rodrigo Duterte. - Hindi nararapat na tularan si Padre Damaso kahit na sabihing siya’y isang padre/alagad ng simbahan, sapagkat ang mga ugaling ipinakita niya ay hindi maganda, lalo na ang kanyang pagiging magiging inggitin.

- Nakisalamuha si Crisostomo Ibarra kay Padre Damaso sa pamamagitan ng pakikisalo niya sa pagkain at pakikipag-usap kahit na sa kabila ng lahat na di-magandang ugali ang ipinapakita sa kanya ng padre. - Pagtanggap sa paumanhin kung saan kapag ang taong di-sinasadyang nasaktan tayo gaya ng di-sinasadyang pagbangga sa atin na humingi ng tawad/paumanhin ay tanggapin natin ito ng taos puso. - Pagkakaroon ng katungkulan sa lipunan na siyang pinag-aagawan ng mga tao ngayon lalo na sa larangan ng politika, basta’t magkaroon lamang ng katungkulan o kapangyarihan sa lipunan. - Huwag tayong maging inggitin. Dahil ang pagiging mainggitin ay walang magandang maidudulot. Kung ano man ang mayroon tayo sa ngayon sa ating buhay ay magpasalamat tayo sa Diyos. - Maging mapagkumbaba, dahil kapag tayo ay may narating na sa buhay at dipinapatulan ang mga taong naiinggit o galit sa atin tayo ay masasabing isang mabuting tao na gaya na lamang ng ginawa ni Crisostomo Ibarra na di-niya na lamang pinatulan si Padre Damaso. - (Papalakpak ng Aling Dionisia Clap!)

- Ang kadalasang nasa kabisera ng upuan ay ang ama/tatay na kung saan ang ipinahihiwatig nito ay siya ang nagsasabing lider ng pamilya. - Kung halimbawang napunta sa akin ang parte ng leeg at pakpak ng manok ay kakainin ko pa din ito sapagkat ito’y isang biyaya at napakasarap na ulam na dapat nating ipagpasalamat lalo na sa Diyos.

- Magaling! Dapat lang na makuntento tayo kung ano ang mayroon tayo at wag ng magreklamo pa. G. Paglalahat: - Sa kabuuan, ano ang natutunan nyo ngayon?

- Ang natutunan po naming ay ang pagkakaroon lagi ng mabuting asal/paguugali kahit saan man tayo naroon.

- Tama! IV. Ebalwasyon: - Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo kung saan sa mga kaisipang nabanggit kanina ay pipili kayo dito ng isa upang inyong isasadula na siyang iuugnay nyo sa tunay na buhay. Pagkatapos ay ipaliliwanag nyo kung bakit ito ang kaisipang inyong napiling isadula. Pamantayan sa Pagganap:  Nilalaman - 40%  Pag-arte/ Ekspresyon ng Mukha - 30%  Partisipasyon/Disiplina - 15%  Pagkamalikhain - 10%  Dating sa Madla - 5% Kabuuan - 100% - Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong minuto upang pag-usapan ang inyong gagawin at pagkatapos ng oras na inilaan ko sa inyo ay bubunot na ako ng pangkat na siyang magtatanghal na hindi naman lalagpas sa tatlong minuto - Magaling! Palakpakan nyo po ang inyong mga sarili! - Narito po ang inyong mga puntos (Sasabihin ang puntos ng bawat pangkat).

- (Gagawin ang ipinapagawa ng guro, subalit nakasalalay sa mga mag-aaral ang kanilang gagawin.)

- (Papalakpakan ang mga sarili)

V. Takdang-Aralin: - Basahin at unawaing mabuti ang Kabanata 4: “Ang Erehe at Pilibustero” sa Noli Me Tangere. - Alamin ang ibig sabihin ng Erehe at Pilibustero.

Inihanda ni:

RACHELLE O. RELLORA

I.

Layunin: a. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa akda (F9PB-IVg-h60) b. Naiuugnay ang mga kasispan sa akda sa tunay na buhay c. Naisasadula ang ilang kaisipan na nakapaloob sa akdang binasa (F9PU-IVg-h62)

II.

Paksang-Aralin: Panitikan: Nobela – Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal Kabanata 3: Ang Hapunan Sanggunian: Panitikang Asyano 9 (Gabay ng Guro), ph. 125 at 143; Mga Tala at Patnubay sa Pag-Unawa sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal, pp. 8-10; Ang Pinaikling Bersiyon ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal’ pp. 10-12; Wattpad.com; at Google.com.ph. Kagamitan: Mga larawan, kopya ng aralin, visual-aid, at chalkboard.

III.

Pamamaraan: A. Pangganyak: -

Itanong sa mga mag-aaral kung nakakain na ba sila ng tinolang manok. Sinu-sino sa inyo ang nakakain nan g tinolang manok? Ano ang lasa nito? Pipiliin ng mga mag-aaral ang mga larawan na sangkap para sa pagluluto ng tinolang manok.  Karne ng manok  Bawang  Sibuyas  Luya  Mantika  Malinis na tubig  Patis  Paminta  Bunga ng papaya  Dahon ng sili

B. Pag-aalis ng Sagabal: - Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagpili ng mga sagot sa kabilang hanay. Isulat sa patlang ang wastong titik ng tamang sagot sa patlang at pagkatapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap. ___ 1. pinagsisikaran ___ 2. natuntungan

a. durugin b. panguluhan

___ 3. kabisera

c. kayabangan

___ 4. lapirutin ___ 5. kapalaluan

d. nakaharang e. pinagsisipa f. natapakan

C. Paglalahad: - Ibigay sa mga mag-aaral ang kaukulang gagawin/layunin para sa Gawain ngayon. D. Pagbasa: - Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Kabanata 3:” Ang Hapunan.” Bsahin ito sa loob lamang ng tatlong minute at pagkatapos ay humanda para sa mga katanungan. E. Paglinang ng Kasanayan: - Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan: 1. Bakit pinamagatang; “Ang Hapunan” ang Kabanata 3? 2. Sinu-sino ang mga tahuhan na nabanggit?

-

F.

3. Sinong tauhan ang nagalit kay Tenyente Guevarra at ano ang dahilan ng pagkagalit nito? 4. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Donya Victorina, tatanggapin mo ba ang paumanhin ni tenyente Guevarra? Ipaliwanag. 5. Ano ang ipinahihiwatig ng pag-uunahan nina Padre Damaso at Padre Sibyla sa kabisera ng upuan? 6. Sa kasalukuyang panahon may mga tao pa ba na nag-uunahan sa pag-upo sa mas mataas na katungkulan sa lipunan. Patunayan. 7. Dapat bang tularan si Padre Damaso kahit na sabihing siya’y isang alagad ng simbahan? Pangatuwiranan. 8. Papaano nakisalamuha si Crisostomo Ibarra kay padre Damaso sa kabila ng pagpaparunggit nito sa kanya? Ipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa akda at iugnay ito sa tunay na buhay. - pagtanggap sa paumanhin - huwag maging inggitin - katungkulan sa lipunan - maging mapagkumbaba

Paglalapat: Sa mga kumakain ng sabay-sabay na kasalo ang buong pamilya, sino ang kadalasang nasa kabisera ng upuan? - Ano ang ipinahihiwatig nito? - Ano ang gagawin mo kung halimbawang tinolang manok ang inyong ulam at nation na napunta sa iyo ang parte ng leeg at pakpak ng manok? -

G. Paglalahat: - Sa kabuuan, ano ang natutunan n’yo ngayon? IV.

V.

Ebalwasyon: - Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat kung saan pipili sila ng isang kaisipan mula sa akdang tinalakay na kanilang isasadula at iuugnay ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ang kaisipang ito ang kanilang napiling isadula. Pamantayan sa Pagganap: Nilalaman - 40% Pag-arte/ Ekspresyon ng Mukha - 30% Partisipasyon/Disiplina Pagkamalikhain Dating sa Madla

- 15% - 10% - 5%

Kabuuan

- 100%

Takdang-Aralin: - Basahin at unawaing mabuti ang Kabanata 4: “Ang Erehe at Pilibustero” sa Noli Me Tangere. - Alamin ang ibig sabihin ng Erehe at Pilibustero.

Inihanda ni:

RACHELLE O. RELLORA

Related Documents


More Documents from "Cei Reyes"

Banghay Aralin Filipino
February 2021 1
Soooooocs 2 Pages
January 2021 0
Sa Mata Ng Mga Single
February 2021 0
Business Plan
March 2021 0