Banghay Aralin Sa Filipino 2

  • Uploaded by: Jessica Prias Moscardon
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Banghay Aralin Sa Filipino 2 as PDF for free.

More details

  • Words: 824
  • Pages: 7
Loading documents preview...
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2 I. Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Masasabi ang mga salitang naglalarawan ng mga bagay ayon sa kulay, hugis, laki, bilang at dami b. Magagamit sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan ng mga bagay ayon sa kulay, hugis, laki, bilang at dami c. Bigyang halaga ang kulay, hugis, laki, bilang at dami ng mga bagay sa kapaligiran II. Paksang-Aralin Paksa:" Salitang Naglalarawan ng bagay ayon sa Kulay, Hugis, Laki, Bilang, at Dami" Sanggunian: Batyang Aklat, mga pahina 106-108 Kagamitan: Mga bagay na dala ng mga mag-aaral, tula, nilimbag na salita, T-chart, larawan III. Pamamaraan Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain 1. Panalangin -Inaaanyayahan ang lahat na tumayo at tayo'y manalangin 2. Pagbati/Pagtala sa liban - Magandang Umaga mga bata.... - Maari na kayong umupo - Sinong absent ngayon? - Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayonng umaga,,,, ihanda ninyo muna ang inyong sarili, umupo ng maayos, walang magiingay habang nagsasalita ang guro sa inyong harapan, makinig ng mabuti at kung gusto ninyong sumagot itaas lang ang inyong kanang kamay.... naintindihan niyo ba mga bata?....... 3. Pagganyak - Ngayon mga bata, ilabas ninyo sa inyong bag ang anumang bagay na nais ninyong ilarawan. Ilarawan ito ayon sa kang kulay, hugis, laki, bilang at dami. Halimbawa, mayroon akong payong, maganda at matibay ito, iyo ay kulay lila at isa lang ang payong na

Gawain ng Mag-aara -Sa ngalan ng Ama, ng Anak ng Espiritu Santo....... Amen - Magandang Umaga po maam.... - Salamat po....... - (sagot)

- opo ma'am.......

- (Subaybayan ang mga bata sa palalarawan ng kanilang napiling bagay)

hawak ko. - Ngayon, inaaanyayahan ko ang bawat isa na magbigay ng inyong mga halimbawa. - Magaling mga bata!!!,,,, - Mayroon tayong tula na babasahin ngayon..... Makining ang lahat at sabay-sabay nating tuklasin kung tungkol saan ang tula. Handa na ba kayo??

Minsan isang gabi, ako'y nag-aaral, Nang biglang namatay itong mga ilaw. Ang sigaw ay "brown out" o kay dilim naman, Malaking bintana, dagli kong binuksan. Aba! Anong ganda ng buwang mabilog. Itim na paligid wari ko kay lugod, Maraming bituin tila alitaptap Sa buwang iisa tanglaw ay liwanag. - Opo ma'am,,,,, - Tungkol sa Brown out -Nag-aaral - Ang buwan, bituin at paligid

- Naintindihan niyo ba ang tula? - Tungkol saan ang tula na ating binasa? -Tama! Tungkol sa Brown-out. Ano ang ginagawa ng mga bata bago magbrown-out? Ano ang kanyang nakita sa pagbukas niya ng bintana? -Ano ang nagsilbing tanglaw o liwanag sa paligid sa panahon ng brown-out? - Saan inihambing ang bituin? - Ano ang natuklasan ng bata dahil sa brown-out? - Tama! magaling mga bata.......

-Buwan - Alitaptap - Kahalagahan ng kalilkasan- buwan at mga bituin.

- Malaki - Maganda, Mabilog

B. Paglalahad - Itim ( Magtatanong ang guro kaalinsabay ng pagsasagaw ng T-chart) -Marami - Anong salita ang ginamit para ilarawan - Isa ang laki ng bintana? - Anu-anong mga salita ang ginamit upang ilarawan ang buwan? - Anong salita ang ginamit upang ilarawan ang kulay ng paligid? - Anong salita ang ginamit upang ilarawan ang dami ang bituin? - Anong salita ang ginamit para ilarawan ang bilang ng buwan?

T-CHART Naglalarawan ng: Salitang Naglalarawan Laki Malaki Hugis Bilog Kulay Itim dami marami

- Mayroon pong mansanas, isda, talong, buhok, bola, lobo at lapis

- Mayroon tayong iba't-ibang larawan dito, sabay-sabay nating pag-aralan ang bawat isa ayon sa inilarawan. - Ano-ano ang nakikita niyo sa larawan? - TAMA!!

-Alin sa mga bagay sa itaas ang naglalarawan ng kulay? Sabihin ang mga salitang ginamit - Alin ang naglalarawan ng laki? Anu-anong

- Talong at buhok, kulay lila at itim - Ang dalawang lapit, mataas at maliit

mga salita ang ginamit? - Anu- anong mga salita ang naglalarawan ng dami? - Anu-anong mga salita ang naglalarawan ng hugis ng mga bagay - Sabihin ang mga salitang naglalarawan ng bilang ng mga bagay

- Ang mga mansanas, kaunti at marami - Ang bola ant lobo, bilog at biluhaba - Ang mga isda, isa at lima

C. PAGLALAHAT  May mga salitang naglalarawan ng bagay ayon sa hugis, laki, bilang at dami.

D. PAGLALAPAT Piliin at basahin ang mga salitang naglalarawan ng mga bagay. 1. sumulat, puti, kanin, mataba 2. takbo, papaya, bilog, parihaba 3. maliit, kulisap, dampa, asul 4. walo, bao, niyog, pula 5. marami, babae, kaunti, aso

IV. PAGTATAYA A. Piliin sa ibaba kung ano ang naglalawawan sa mga bagay ayon sa dami, kulay, at hugis. Isulat sa isang malinis na papel ang bilang 1-13. Lagyan ng / ang bilang na naglalarawan ng dami, X ng kulay, at ng hugis.

B. Gamitin sa pangungusap ang mga larawan na naglalarawan ng mga bagay ayon sa guhis, laki, at bilang. Halimbawa: 1. Ako ay may payong na kulay pula.

Payong 2.

Daliri

3.

Orasan

4.

Higante

5.

mga hayop

V. TAKDANG-ARALIN Magtala ng sampung salitang naglalarawan ng bagay ayon sa kulay, higis, laki, bilang 0 dami. Isulat sa papel.

Hinanda ni: JESSICA PRIAS-MOSCARDON Beed-4

Related Documents


More Documents from "The Good News Center"

March 2021 0
Alumbrado Publico
February 2021 0
Nikomeid.pdf
February 2021 0