Banghay Aralin Sa Filipino 4 (1)

  • Uploaded by: The Good News Center
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Banghay Aralin Sa Filipino 4 (1) as PDF for free.

More details

  • Words: 472
  • Pages: 4
Loading documents preview...
Banghay Aralin sa Filipino 4 Pang-abay

I.

Layunin: a. Nakilala ang pang-abay sa pangungusap; b. Nagagamit ang mga pang-abay sa pangungusap.

II.

Paksang Aralin: a. Paksa: PANG-ABAY b. Sanggunian: “Ugnayan: Wika at Pagbasa” ni Magdalena O. Jocson, Ruth Legaspi, Celia Luces at Lydia Lalunio. c. Kagamitan: flash card, mga bagay, kahon, larawan ng isang, tourist spot, activity card, aklat, letter cut outs. d. Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa kultura at pagiging Pilipino

III.

Pamamaraan: a. Panimulang Gawain 1. Pagdarasal 2. Pagbati 3. Balik-aral Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan. b. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Pagpapabuo sa mga mag-aaral ng salitang “pang-abay” 2. Paglalahad:

Ipakilala ang pang-abay sa mga mag-aaral. Ibigay ang katuturan ng pang-abay. (Ang pang-abay ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay) Magbibigay ng halimbawa ng pang-abay. HALIMBAWA: 1. Masarap lumangoy sa dalampasigan ng Palawan.  Anong inilalarawan ng salitang masarap? (lumangoy)  Anong bahagi ng pananalita ang lumangoy? (pandiwa) 2.

Tunay na masaya ang mag-anak nang mamasyal sa Palawan.  Ano inilalarawan ng salitang tunay? (masaya)  Anong bahagi ng pananalita ang lumangoy? (pang-uri)

3. Talagang masayang mamamasyal sa Palawan.  Ano inilalarawan ng salitang talaga? (masaya)  Anong bahagi ng pananalita ang Talaga? (pang-abay) 4. Mabilis tumakbo ang kuneho.  Ano ang inilalarawan ng salitang mabilis? (tumakbo)  Anong bahagi ng panamalita ang tumakbo? (pandiwa) Samakatuwid, anu-ano ang mga salitang inilalarawan ng mga pang-abay? 5. Totoong mabilis ang kuneho.  Ano ang inilalarawan ng salitang totoong? (mabilis)  Anong bahagi ang pananalita ang mabilis? (pang-uri)

C.

Pangwakas na Gawain

1. Pagsasanay: A. Panuto: Salungguhitan ang pang-abay sa loob ng pangngungusap. 1. Malakas nang kumain ang mga tuta na akong alaga. 2. Mabilis mapudpud ang tasa ng aking lapis.

3. Natuyo agad ang mga damit na aking isinampay. 4. Masiglang kumilos ang mga batang malulusog. 5. Nakatulog nang mahimbing si Itay dahil sa pagod. B. Panuto: Gamitin ang pang-abay sa pangungusap. Mahusay Maayos Tamad Mahinahong Bukas

sa skwelahan kanina madalas sa bahay tuwing umaga

2. Paglalahat: Ano ang pang-abay? 3. Paglalapat: Magpangkat-pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng pang-abay sa loob ng kahon. Gamitin ito sa pangungusap at basahin ang nabuong pangungusap. Maaga parke

MaingatSa Maingay

Tuwing hapon Sa bahay Madalas Malakas

Malungkot

Tahimik paaralan

Mahinahong

BukasSa sa kalye

Paminsan-minsan

IV.

Malimit tuwing linggo Pantay-pantay sa bakuran Mahin-hin

Pagtataya: A. Punan ng tamang pang abay ang patlang. Pumili ng tamang sagot sa kahon. Tuwing hapon Sa bahay Mabilis Maagang masayang

1. Maagang pumasok si Noel. 2. Sinagot nang mabilis ni Jessie ang bugtong ng guro. 3. Tuwing hapon, naglalaro ng bugtungan ang mga magkakaibigan. 4. Dadalaw kami sa bahay nina Lola Nena. 5. Masayang nagbugtungan ang mga magkakaklase.

V.

Kasunduan

Gumawa ng isang talata tungkol sa iyong karanasan nang nakaraang bagong taon. Gumamit ng ng pang-abay na hindi bababa sa 5 beses. Isilat ito sa isang pirasong malinis na papel.

Related Documents


More Documents from "Cei Reyes"