Banghay Aralin Sa Filipino

  • Uploaded by: Crstyne Dlcrna
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Banghay Aralin Sa Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 619
  • Pages: 6
Loading documents preview...
Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino II I.

Layunin a. Natutukoy ang salitang kilos sa pangungusap. b. Nagagamit ang mga salitang kilos tungkol sa ibatibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.

II.

Paksa ng pagkatuto Paksa: Pandiwa Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Pilipino 2 p.117-119 Kagamitan: Powerpoint, mga larawan

III.

Pamamaraan

Gawain ng Guro A.

Gawain ng mga Mag-aaral

Panimulang Gawain

1. Panalangin ______, pangunahan mo ang ating panimulang panalangin sa araw na ito.

Opo ma’am (sa ngalan ng ama, ng anak, at espirito santo, Amen.

2. Pagbati Magandang Umaga mga bata!

Magandang Umaga rin po ma’am!

3. Pagtala ng Liban (Tatawagin ng guro ang class monitor) ______may lumiban ba sa araw na ito?

Wala po ma’am.

B.

Panlinang ng Gawain

1. Pagganyak Pangkatang Gawain: Mayroon ako ditong inihandang maliliit na piraso ng papel na may nakasulat na mga tunog ng hayop at bubunot kayo isa-isa upang malaman

kung saang pangkat kayo mapapabibilang. (mga tunog: Meeee-meee, Baaa-baaa,Aww-aww,Miyawmiyaw,at oink-oink)

(Bubunot ang mga bata)

Ngayon ay sasambitin ninyo ang tunog na inyong nabunot at hahanapin ninyo ang katulad ng inyong tunog, at yun ang inyong magiging pangkat.

(Magsisimula na silang maghanap ng kanilang mga kagrupo sapamamagitan ng tunog na nabunot nila)

Ngayon ay ipapaliwanang ko ang panuto sa ating gagawing activity. Pipili kayo ng isang miyembro na bubunot ng papahulaang salita sa inyo sapamamagitan ng kilos o galaw lamang. Bibigyan ko lamang kayo ng dalawang minuto upang mahulaan ang salita. Magsisimula na tayo sa grupong may tunog na Meee-meee, tapos susunod ang Baaa-baaa, tapos sunod naman ang Awwwawww, susunod ang Ngiyawngiyaw, at ang huli ay ang Oink-oink. Naintindihan?

Opo. (magsisimula na ang hulaan)

Magaling mga bata!

Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos? (tatawag ng estudyante)

Ang tawag po sa mga salitang kilos ay Pandiwa.

Tama! 2. Pagtatalakay Ang pag-aaralan natin ngayon ay Pandiwa. Ano nga ang Pandiwa mga bata?

Ang Pandiwa ay salitang kilos o gawa.

Tama. May ipapakita akong larawan sa inyo at bumuo ng mga pangungusap at tukuyin ang mga salitang kilos na ginamit sa larawan.

Posibleng Sagot: Ang babae ay nagbabasa. Ang salitang kilos ay nagbabasa. Ang mga bata ay naglalaro. Ang salitang kilos ay naglalaro. Sina Lolo at lola ay namamasyal. Ang salitang kilos ay namamasyal.

Magaling mga bata! 3. Paglalapat May mga larawan ako dito sa pisara. Ang gagawin ninyo ay gagawa kayo ng pangungusap batay sa larawan at

salunguhitan ninyo ang salitang kilos.

Posibleng Sagot:

Ang dalawang bata ay nagbabasa.

Si Mang Kulas ay nag-aararo sa bukid.

Si Ginang Lorna ay nagtuturo sa kanyang klase.

Ang magkapatid ay nagwawalis sa kanilang tahanan.

Ang mga bata ay nagtatanim ng puno sa parke.

4. Paglalahat Ano nga ulit ang Pandiwa? (tatawag ng estudyante)

Ang Pandiwa ay mga salita na nagsasaad nag kilos.

Tama! Magbigay ng mga halimbawa ng Pandiwa.

(Posibleng sagot) (Mag-aaral (Mag-aaral (Mag-aaral (Mag-aaral

A)Nagwawalis B) Nagbabasa C) Nagsusulat D) Nagtatanim

Mahusay! Ngayon ay naintindihan nyo na kung ano ang ibig sabihin ng Pandiwa.

IV.

Pagsusulit Panuto: Salungguhitan ang salitang kilos na ginamit sa pangungusap.

1. Si Aling Bebang ay nagwawalis sa bakuran. 2. Ang mga bata ay nagtatampisaw sa ulan. 3. Si Mang Ben ay bumili ng itlog sa tindahan. 4. Ang aking lola ay nagdarasal sa simbahan. 5. Nag-ehersisyo ang mga mag-aaral. 6. Kumain ng saging ang alagang matsing ni Intoy. 7. Ang aking ama ay sumakay sa kalesa. 8. Ang aking ina ay nagsaing. 9. Si Jose ay nagsulat sa kwaderno. 10. Naglaro ng buhangin sa tabing dagat ang magkaibigan.

V.

Takdang Aralin Panuto: Magbigay ng sampung (10) salitang kilos at gawan ito ng pangungusap.

Gawa nina: Jessalyn T. Balza Michelle E. Blasabas Cristine E. Dela Cerna Irish R. Magistrado Edilly T. Martirez Winasto ni: Gng. Ma. Cleta Santos Guro sa Filipino

Related Documents


More Documents from "The Good News Center"