Banghay Aralin Sa Filipino - Mga Elemento Ng Maikling Kuwento.docx

  • Uploaded by: Marianne Serrano
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Banghay Aralin Sa Filipino - Mga Elemento Ng Maikling Kuwento.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 663
  • Pages: 2
Loading documents preview...
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7 I.LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kuwento 2. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kuwento sa tunay na buhay 3. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro II. PAKSANG ARALIN: Paksa: “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute Sanggunian: Filipino 7 Supplemental Lesson Plan pp.24-30 Kagamitan: Yeso, scotch tape, pentel III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagbati c. Pagtala ng mga lumiban d. Pagbabalik-aral B. Panlinang na Gawain a. Pagganyak -Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang “Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng ideya tungkol sa salitang “mabuti.” b. Pag-alis ng Sagabal -Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng letra at kanila itong aayusin upang mabuo Ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita: 1. Karakter-hautan 2. Paksa-amte 3. Labanan-tngglnuia 4. Burador-aabnghy 5. Tipanan-tgaupan c. Pagbasa sa Kuwento -Tatawag ng isang mag-aaral na siyang babasa ng kuwento sa harapan -Audiobook d. Pagtalakay sa Nilalaman ng Kuwento -Dito tatalakayin ang mga gabay na katanungan -Tatalakayin ang mga kaisipang ipinahihiwatig ng kuwento e. Pagtatalakay sa Kuwento bilang Akdang Pampanitikan -Ano nga ba ang kuwento? -Anu-ano ang limang mahahalagang elemento ng maikling kuwento? -Ano ang kaugnayan ng kuwento sa totoong buhay? f. Pagpapahalaga -May naging guro kaba na laging nagpapayo sa klase? Ano ang mga payo niyang kinalulugdan mo? -May naidulot ba ito sa iyong buhay estudyante?

g. Malikhaing Gawain a. Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hinihingi sa pamamagitan ng pagsasadula: Unang Pangkat- Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralan na malayo sa kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay kana sa mga marurusing at maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina? Pangalawang Pangkat- Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa iyong guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal sa nobyo niyang German. Balak daw nilang manirahan sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang siyang pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa isa’t-isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang narinig mo? Pangatlong Pangkat- Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Nilapitan ka niya bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamasyal ang pamilya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagka’t minsan lamang siya kung mag-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong buong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salo-salo o sa pamamasyal? IV. PAGTATAYA: -Kumuha ng isa’t-kalahating papel. MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO Hanapin sa loob ng kahon ang salita na tinutukoy sa bawat aytem. _______________ 1. Ito ang pangunahing ideya o paniniwala ng kuwento. _______________ 2. Ito ang sunud-sunod na pangyayari o okasyon ng tauhan. _______________ 3. Ito ang mga tao o minsan hayop na gumagawa ng kilos o aksyon ng isang kuwento. _______________ 4. Lugar at panahon kung saan naganap ang kuwento. _______________ 5. Ito ang paglalaban sa pagitan ng dalawang tauhan. Maaari rin itong maging laban sa pagitan ng pangunahing tauhan at lipunan o kapaligiran. V. TAKDANG ARALIN: Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gustonggusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper). Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang guro.

Inihanda ni: MARIANNE C. SERRANO Guro II

Binigyang Pansin ni: RONALDO A. PUNLA Pang-Ulong Guro

Related Documents


More Documents from "Cei Reyes"