Batayang Kaalaman Sa Mga Teorya Sa Pananaliksik Na

  • Uploaded by: ベンディヴ ジュリアス
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Batayang Kaalaman Sa Mga Teorya Sa Pananaliksik Na as PDF for free.

More details

  • Words: 1,302
  • Pages: 36
Loading documents preview...
BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O MULA SA LIPUNANG PILIPINO

1. MGA TERMINOLOHIYA

TEORYA Ayon kay Abend (2013), ang mga teorya ay binuo upang "magpaliwanag, magbigay ng prediksyon o makatulong sa pag-unawa sa penomenon, at naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman."

BATAYANG TEORETIKAL 1. Nagbibigay lalim sa pananaliksik at nakapagaambag ito sa pagpapalawak,pagpapaliwanag, at paglikha ng mga konsepto o kaisipan. 2. Ekstrukturang nagtatahi o sumusuporta sa teorya ng pananaliksik. 3. Binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa pananaliksik

MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG TEORYA BILANG BAHAGI NG BATAYANG TEORETIKAL

• Pagiging akma sa pananaliksik • Linaw at/o dali ng aplikasyon sa pananaliksik • Bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik.

PAANO NAPATITIBAY NG BATAYANG TEORETIKAL ANG PANANALIKSIK? •

Tinutulungan ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik



Iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at panahon



Tinutulungan ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang mga tanong ng pananaliksik



Nililinaw nito ang salaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik

2. MGA DISKURSO SA NASYONALISMO AT TEORYANG DEPENDENSIYA

MGA DISKURSO SA NASYONALISMO • Ayon kay Renato Constantino, ang nasyonalismo ay hindi lamang isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko rin. • "Ang edukasyong pilipino ay dapat maging isang Pilipinong Edukasyon. Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa.”

NASYONALISMO JOSE RIZAL Sa halip na pamantayang global, katutubong kultura at kapakanan ng sambayanang pilipino ang matatag na pundasyon ng edukasyon.

ANDRES BONIFACIO

EMILIO JACINTO

Lahat ng mahalaga sa buhay - kasama na ang karunungan at edukasyon - ay dapat ialay sa bayan.

Ang tunay na dangal ng isang mamamayan ay masusukat sa kaniyang paglingap o pagmamalasakit sa kanyang bayang tinubuan

TEORYANG DEPENDENSIYA Pambansang salbabida at kadena ng dependensiya: Isang kritikal na pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas”

BAKIT HIGIT NA MALAKI ANG PAKINABANG NG BANSANG MAUNLAD SA KAPITAL SA GANITONG SISTEMA? 1. Ang puhunan nila sa Third World ay tumutubo nang malaki. 2. Kontrolado nila ang maraming pinansyal na institusyong gaya ng IMF, World Bank, at maging malalaking pribadong bangko na nag papautang sa mga bansang third world.

3. Hindi nila gaanong tinutulungan ang mga bandang Third World na umunlad sa teknolohiya. 4. Migrasyon ng mga propesyunal mula third world

tanging bansang maunlad ay nakababawas sa pangkalahatang tao (human resources) na

kaylangan muna nilang maiahon sa dependensiya ang kaniyang sarili.

3. MARXISMO

MARXISMO Ginagamit sa larangang panitikan upang suriin ang kalagayan sa lipunan, kaugalian, motibasyon ng mga tauhan sa kwento o akda.

Isang kaisipan o ideya na karaniwang ginagamit sa bansang Pilipinas sa larangan ng pananaliksik.

MGA KATANUNGAN NA NAGING BATAYAN NG MANANALIKSIK SA PAGGAMIT NG MARXISMO (SAN JUAN ET AL., 2019) 1. Ano-ano uring panlipunan ang nasa teksto, pelikula at iba pa. 2. Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula atbp.? 3. Sino ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan sa teksto, pelikula at iba pa?

4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan? 5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter?

6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter? 7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli?

KARAGDAGANG MGA TANONG NG MGA MARXISTA AYON KAY SAN JUAN (2010) •

“Sa anong paraan nagsisilbing propaganda ng status quo ang katha; o ito ba'y nagtatangkang sumalansang sa status quo?



Ano ang sinasabi ng katha ukol sa pagsasamantala; o isinasantabi ba nito ang mga tunggalian sa lipunan o dili kaya'y isinisisi sa ibang bagay?



May solusyong bang inihahapag ang katha sa mga suliraning inilahat nito....? “(San juan et al., 2019)

KONSEPTONG PAG-AKLAS/PAGBAKLAS/PAGBAGTAS NI TOLENTINO (2009) SA PANUNURING PAMPANITIKAN ANG TATLONG HAKBANGIN NG PANUNURING PAMPANITIKAN AYON KAY TOLENTINO (2009): •

Pag-aklas bilang impetus sa panunuring historikal at panlipunan na susing kawing ang panitikan.



Pagbaklas bilang pagbuwag sa naunang formaliktiko at makasentrong-sining na panunuring pampanitikan.



Pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing nagsasaalang-alang ng makauring panunuri.

4. FEMINISMO

FEMINISMO Ang Feminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin ang magtakda, magtatag, at maipagtanggol ang pantay na pampulitika, pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga karapatan para sa mga kababaihan.

POKUS - Ang Femenismo ay maituturing na malapit na malapit sa Marxismo bilang batayang teoretikal. - Ang pokus ng femenismo ay ang pang-aapi o pagsasamantala sa isang particular na kasarian o ang mga kababaihan.

JUDY TAGUIWALO Si Judy Taguiwalo ang professor ng Unibersidad ng Pilipinas ay malinaw na ipaliwanag ang ugnayan ng Marxismo at Feminismo sa kanyang sanaysay na “Ang Marxista lapit sa isyu ng kababaihan”.

Ayon kay Karl Marx, kinikilala ng Marxismo na imposibleng magkaroon ng lahatang panig na panlipunang transpormasyon kung walang aktibong partisipasyon ng kababaihan at imposibleng magkaroon ng mga dakilang panlipunang pagbabago kung hindi kalahok ang kababaihan.

• Ayon sa sanaysay ni Judy Taguiwalo (2013) ang paglaya ng kababaihan ay hindi lubusang makakamit kung hindi mapapawi ang mga iba't-ibang uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan sa ating lipunan.

• Ang mga halimbawa ng diskriminasyon na ito ay inilahad ni August Bebel na dahil mas nakakahanap ang babae ng dumaraming pagkakataon sa trabaho sa tabi o bilang kapalit ng lalaki dahil mas kakaunti ang kanyang mga materyal na kahilingan kaysa sa lalaki.

Para naman kay Alexandra Kollontai: (“The followers of historical materialism reject the existence of a special woman question separate from the general social Question of our day. Specific economic factors were behind the subordination of women; natural qualities have been a secondary factor in this process. Only the complete disappearance of these factors, only the evolution of those forces which at some point in the past gave rise to the subjection of women, is able in a fundamental way to influence and change their social position.”)

Sa sanaysay ni Judy Taguiwalo, kanyang sinabi na “may pagpulà or criticism sa marxismo bilang bulag sa isyu ng opresyon ng kababaihan, naniniwala akong may malinaw na tindig sa teorya at praktika ang marxismo sa usapin ng kababaihan at hindi komprehensibong marxismo ang nagsasabing marxismo ito nang hindi sinasaalangalang ang aping kalagayan ng kababaihan at ang pangangailangan sa kanilang paglaya."

Mahalaga ang marxistang programa para sa pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan ang pagkakaroon ng kababaihan ng sariling ikinabubuhay o ang paglahok sa produktibong gawain. Habang nakakulong ang kababaihan sa makitid na sulok ng tahanan at umaasa sa kalalakihan para sa kanilang ikabubuhay, mananatiling api at sekundaryo ang kanilang posisyon sa lipunan. Hindi nangangahulugan ito na awtomatikong magkakaroon ng pagkakapantay ang kababaihan at kalalakihan kapag nagkaroon ng sariling ikinabubuhay ang kababaihan. Pero naglalatag ito ng kondisyon para lumawak ang mundo at pananaw ng kababaihan sa mga usaping panlipunan. Kung gayon ang paglahok ng kababaihan sa produksyong sosyal ay “kailangan pero hindi nakasasapat para wakasan ang lahat ng manipestasyon ng pangaapi sa kababaihan.”

5. MGA PANANAW

PANTAYONG PANANAW Nilinang ni Zeus Salazar (1997) - Ito ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura at iba pa

PANTAWANG PANANAW

Nilinang ni Rhoderick Nuncio (2010)

- Ito ay nakapokus sa katutubong pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng mga Pilipino.

6. TEORYA NG BANGA, SIKOLOHIYANG PILIPINO AT BAKOD/BUKOD/BUKLOD

TEORYA NG BANGA BUOD NG MGA IDEYA NI PROPESOR COVAR (1993) -“Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.” - “Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino”

SIKOLOHIYANG PILIPINO - Naglalahad ng kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip at kamalayan ng Pilipino.

SIKOLOHIYANG PILIPINO • VIRGILIO ENRIQUEZ – isang kilalang sikologong Pilipino. • PE-PUA AT PROTACIO MARCELINO (2000)

-Ang sikolohiyang Pilipino ay paraan ng pag-aaral sa sikolohiya na bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino at pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng damdaming Pilipino.

BAKOD/BUKOD/BUKLOD NI MORALES-NUNCIO (2012) Sangang-daan ng ilang konseptong Marxista at ng mga konseptong sariling atin ang pagdadalumat.

WAKAS!

Related Documents