Mga Tradisyon Sa Visayas

  • Uploaded by: Renzo Torres
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Tradisyon Sa Visayas as PDF for free.

More details

  • Words: 1,075
  • Pages: 4
Loading documents preview...
Mga Tradisyon sa Visayas Ang mga Bisaya ay isa sa mga katutubong Pilipinong na binubuo ng malaki at maraming porsyento ng tao at naninirahan sa rehiyon ng Kabisayaan at ilang bahagi ng Mindanao. Pinapanatali pa rin ng mga Bisaya ang mga nakasanayang tradisyon dito sa Pilipinas, tulad ng: *pagdidiwang ng kapistahan *paghahanda ng pagkain sa mga namayapang kamag-anak tuwing Araw ng Patay sa paniniwalang bumibisita sila *pagsasa-ulog ng Santacruzan o Flores de Mayo *Visita Iglesia tuwing Mahal na Araw *pagpapakasal bago magkapamilya *mahigpit na pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak Sa Visayas, may tatlong diyalektong ginagamit: ang Hiligaynon ng Kanlurang Kabisayaan, Bisaya ng Gitnang Kabisayaan, at Waray ng Silangang Kabisayaan. Pangunahing pamumuhay ang pagsasaka, pangingisda, pagkuha ng kopra, Binibigyang halaga at sobra-sobra ang kanilang pagpapanatili at pagmamalaki sa kasaysayan at nakaraan. Malapit ang pakikitungo sa pamilya at kilala rin nila (kahit malayong kamaganak na). Maraming kaugalian ang mga Bisaya na pinupuri ng ibang katutubo sa Pilipinas. Ilan sa ito ang pagiging relihiyoso at pagiging deboto, may malasakit sa kapwa kahit ano pa man ang itsura o pinagmulan o paniniwala, pagiging matulungin sa lahat ng bagay (kahit sa problema ng kapit-bahay o malayong kadugo), pagbibigay respeto at hindi pangingialam sa pribadong buhay ng ibang tao at ibang aspeto nito, pagiging maasikaso sa panauhin, makakalikasan, at pagiging masayahin.

Kaugalian Ang Kuratsa ay isang tradisyonal Sayaw ng panliligaw kung saan ang lalaki ay lalapit at susuyin ang babae sa isang anyo ng isang sayaw. Ito ay nangangahulugan ng ang panliligaw sa pagitan ng mga tandang at inahing manok. Ang Kuratsa ay mataas na napaboran sa pamamagitan ng mga

Bisaya mga tao, higit sa Waray, ang rehiyon sa silangang bahagi ng Visayas. Ito ay ipinapakita sa bawat mahalagang okasyon sa komunidas Kaugalian sa Panliligaw Noon sa panahon ng mga ninuno natin ang pagtatagpo ng babae at lalaki ay hindi pinapayagan. Gawain ng lalaki sa tahanan ng babae: 1. magsibak ng panggatong 2. mag-igib ng tubig 3. tumulong na magkumpuni ng bahay at kung anu-ano pang pipagagawa ng mga magulang ng babae. inaabot ng ilang buwan, at minsan taon, ang paninilbihan nito sa tahanan ng babaing nais ligawan. 4. bigay-kaya 0 dote ito'y maaaring pera ginto o bagay na mahalaga ang semonya ng kasalan ay dinaraos sa pamumuno ng BABAYLAN o KATALONAN. Pagdiriwang Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili. Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Sinulog Festival - Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang

pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid. Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos ng tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng tambol. Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography. Kasaysayan Naging tradisyon ang Dinagyang matapos ipakilala ni Padre Ambrosio Galindez, isang pari sa parokya, ang debosyon sa Santo Niño noong 1967. Noong 1968, isang replica ng orihinal na imahen ng Santo Niño de Cebu ang dinala sa Iloilo ni Padre Sulpicio Enderez bilang isang regalo sa parokya ng San Jose. Ang mga miyembro ng simbahan, na pinangunahan ng Confradia del Santo Niño de Cebu ng Iloilo, ay nagtulung-tulong upang mabigyan ang imahe ng patron, kaya pumarada ang mga ito mula sa mga kalsada hanggang sa paliparan ng Iloilo. Noong una, ang pagdiriwang ay ginagawa lamang sa loob ng simbahan ngunit nang maglaon ay dinala na ito sa labas. Napagkasunduan ng Confradia na itulad ang selebrasyon sa Ati-Atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan ang mga kalahok sa selebrasyon ay nagsasayaw sa daan habang ang kanilang mga katawan ay mayroong uling. Ang Pista ng Binirayan ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan ng Antique tuwing katapusan ng Abril bilang paggunita sa pagsapit ng sampung datu ng Borneo sa Malandog, Hamtic, Antique noong ika-13 siglo. Isa ring itong pagkilala sa lahing Malayo bilang ninuno ng mga katutubong mamamayan ng Antique. Kasaysayan Kaiba sa mga pista sa Kabisayaan na nagpapakita ng debosyon o pananalig sa banal na Santo Niño, ginugunita sa pagdiriwang na ito ang mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Antique. Sa Pista ng Binirayan,

muling binabalikan at isinasadula ang Alamat ng Maragtas na nagsasalaysay sa pagdaong ng sampung datu mula sa Borneo sa Sapa ng Sirwagan. Ati-atihan Festival - Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.

Related Documents


More Documents from ""