Mga Tulang Panudyo, Tugmang De Gulong,.pptx

  • Uploaded by: Michelle Corona
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Tulang Panudyo, Tugmang De Gulong,.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 539
  • Pages: 18
Loading documents preview...
PONEMANG SUPRASEGMENTAL PANLAPI

TULANG PANUDYO isang uri ng akdang patula na kadalasan ang ay manlibak, manukso o mang-uyam. awiting ito ay karaniwang pumapaksa sa pagibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan, pagasa, at kalungkutan o maaaring ginawa upang maging panukso sa kapuwa.

TUGMANG DE GULONG mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at traysikel. Karaniwa’y ito’y batay sa nakatutuwa, lalo na’t ang karamihan sa mga tugmang ito ay nakabatay sa mga kasabihan o salawikain na dati nang batid ng mga Pilipino. HALIMBAWA And di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.

BUGTONG Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma.  Ang pantig naman nito ay maaaring apat hanggang labindalawa.

BUGTONG riddles sa wikang Ingles ay mga pahulaan na pangungusap na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. HALIBAWA Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin. Sagot: Saging

PALAISIPAN Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig. Sa una akala mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin, ang palaisipan ay nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot. Halimbawa: May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta? Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa.

PALAISIPAN binabalangkas ito sa anyong tuluyan ginagawa ito upang subukin ang katalasan nang isipan sa paraang upang masagot agad ang katangan. HALIMBAWA SUDOKU CROSSWORD

SALAWIKAIN nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa. Ang layunin ng salawikain ay ang pagsasabi ng katotohanang hindi mapasusubalian na naging bahagi na ng ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at ang iba nama'y mula pa sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinlahi.

PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN PANLAPI - o morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita. UNLAPI GITLAPI HULAPI KABILAAN LAGUHAN

Pangkatang Gawain Bumuo ng bidyo n nagpapakita ng mga sumusunod.

Unang pangkat: awiting panudyo Ikalawang pangkat: tulang panudyo Ikatlong pangkat: tugmang de gulong Ikaapat na pangkat: palaisipan Ikalimang pangkat: bugtong

PONEMANG SUPRASEGMENTAL Ang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Inihuhudyat o sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang pahayag.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL Diin – ginagamitan ito ng simbolong dalawang magkahiwalay na bar (//) o tuldok (.) upang matukoy ang pantig ng isang salita na may diin na nangangahulugan ng pagpapahaba ng naturang pantig na may kasamang patinig.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL Tono – ito ay paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit, marahan, o kaya’y waring laging aburido kundi man nasasabik. Halimbawa: Ikaw pala! (nagulat)

PONEMANG SUPRASEGMENTAL Antala – nangangahulugang paghinto o pagtigil ng pagsasalita na maaaring panandalian (sa gitna ng pag-uusap) o pangmatagalan (katapusan ng paguusap). Ito ay sinisimbolo ng tuldok (.) at kuwit (,). Halimbawa: Maria/ Rhodora Antonio/ ang tawag sa kanya./ Maria Rhodora/ Antonio ang tawag sa kanya.//

May pagkakaiba ba sa kahulugan?

Salamat sa pakikinig!

P.S

Maghanda para sa unang pagsusulit sa ikatlong markahan

SANGGUNIAN https://prezi.com/yfv_pxqdy0q9/tulangawiting-panudyo/ https://filipinojournal.com/palaisipan/ https://www.pinoyedition.com/salawikain/ www.rexinteractive.com

Related Documents


More Documents from "Alyssa Cruz"