Panimulang Linggwistika (kabanata 3)

  • Uploaded by: Ma. Kristel Orboc
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Panimulang Linggwistika (kabanata 3) as PDF for free.

More details

  • Words: 8,352
  • Pages: 32
Loading documents preview...
KABANATA 3

Morpolohiya

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 57

Morpolohiya Alam mo ba? Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

Layunin sa Pagkatuto Sa pagtatapos ng aralin, bilang guro sa hinaharap ay dapat na: ✓ Naipakikita ang kaalaman sa pagsusuri sa anyo at uri ng morpema at ang pagbabago morpoponemikong naganap dito ✓ Naipakikita ang kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita ✓ Naipakikita ang kaalaman sa paggamit ng mga salitang pangnilalaman at pangkayarian sa pagsulat ng posisyong papel hinggil sa mga napapanahong isyung pangwika na tumutugon sa kontekstong panlipunang lokal at nasyunal.

Magsimula na Tayo!

Panuto: Magbibigay ng mga salitang mabubuo sa mga letra sa ibaba.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 58

Tayo na at Tumungo! Bago natin simulan ang ating talakayan, tanungin mo ang iyong sarili kung gaano kahalaga ang pagbuo ng salita? Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga katanungan. Halina’t ating buksan ang ating isipan sa panibagong kaalaman. Tayo na at tumungo!

Siyasatin Natin!

Aralin 1 Morpolohiya Morpolohiya Isang makaagham na pag-aaral sa pagbuo naman ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema. Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasamasama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema.

Katuturan ng Morpema Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }. Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang “marami ng isinasaad ng salitang-ugat”. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nito’y “maraming kahoy”. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy. Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 59 tayong kahulugan sa baba at aba ngunit gaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae. Uri ng Morpema May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang pangungusap sa ibaba. Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic. 1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod: Pangngalan: Panghalip: Pandiwa: Pang-uri: Pang-abay:

Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing, Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa uring ito ang mga sumusunod: Pang-angkop: Pangatnig: Pang-ukol: Pananda:

na, -ng kaya, at, o saka, pati sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Mga Anyo ng Morpema May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod: 1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang “kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 60 propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa: Doktora Senyora Plantsadora Kargadora Senadora

-

{doktor} at {-a} {senyor} at {-a} {plantsador} at {-a} {kargador} at {-a} {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang: bombero kusinero abugado Lito Mario

-

na hindi {bomber} at {-o} o {-a} na hindi {kusiner} at {-o} o {-a} na hindi {abugad} at (-o} o {-a} na hindi {lit} at {-o} o {-a} na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito: tao pagod basa

silya tuwa laro

druga pula aral

payong liit kain

jet taas sulat

3. Morpemang panlapi Mga PANLAPI: (Narito ang mga iba’t ibang gamit ng mga panlapi a. -an o - han •lalagyan ng marami sa bagay na isinasaad ng salitang-ugat hal. aklat= aklatan, manok = manukan •pook na ginaganapan ng kilos na isinasaad ng salitang-ugat hal. luto = lutuan, tahi = tahian •gantihang kilos hal. damay = damayan, turo = turuan •panahon ng pagganap o maramihang pagganap hal. ani = anihan, tanim = taniman b. -in o –hin •nagsasaad ng aksyon o galaw hal. kamot = kamutin , ihaw = ihawin •relasyong isinasaad ng salitang-ugat hal. tiya = tiyahin , ama = amahin c. ka•kasama sa pangkat hal. lahi = kalahi, baro = kabaro •nagsasaad ng relasyon ayon sa sinasabi ng salitang-ugat hal. kambal = kakambal, galit = kagalit

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 61

d. ka – an, han •nagsasaad ng pinakagitna ng salitang-ugat hal. sama = kasamaan, sulat = kasulatan •nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari hal. tindi = katindihan, bagsik = kabagsikan e. mag•nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang-ugat hal. ina = mag-ina, lolo = maglolo f. pa-an •nagsasaad ng ganapan ng kilos hal. aral = paaralan, limbag = palimbagan •nagsasaad ng paligsahan ng kilos hal. galing = pagalingan,taas = pataasan g. pala - an •nagsasaad ng sistema o pamamaraan hal. bigkas = palabigkasan, tuldik = patuldikan h. pang-/pam-/pan•nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang-ugat hal. bata = pambata, sahog = pansahog i. taga•nagsasaad ng gawain hal. laba = tagalaba, masid = tagamasid •nagsasaad ito ng doon nakatira hal. bundok = tagabundok, Baguio = taga-Baguio j. tag•nagsasabi ito ng panahon hal. lamig = taglamig, araw = tag-araw k. ma•nagsasaad ng pagkakaroon ng katangian hal. kisig = makisig, talino = matalino •nagsasaad ng pagkamarami hal. tao = matao, bunga = mabunga l. maka•nagsasaad ng kampi o kapanalig hal. tao = makatao, bayan = makabayan m. mapag•nangangahulugang “ may ugali “ hal. usisa = mapag-usisa, biro = mapagbiro o. pala•nangangahulugang “ laging ginagawa “ hal. dasal = paladasal, tawa = palatawa Mga Alomorp ng Morpema

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 62 -

ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito ALOMORP- galing sa salitang Ingles na ALLOMORPH, na hinati sa salitang griyego na ALLO ( kapara ) at MORPH ( yunit / anyo ) Pang-, Mang-, Sing- Pam-, Mam-, Sim- Pan-, Man-, Sina,e,i,o,u K,g,h,m,n,ng,w,y b,p d,l,r,s,t Panggabi Manggagawa Singgaling Pambansa Mambabatas Sim Pandikdik Mandamay Sintalino Pagbabagong Morpoponemiko Tinatawag na pagbabagong morpoponemiko ang alinmang pagbabagong nagaganap sa ordinaryong anyo o hitsura ng isang morpema na sanhi ng bias ng kaligiran nito. Ang kaligirang ito ay tumutukoy sa mga kalapit na ponemang maaaring makapagdulot ng pagbabago sa hitsura ng morpema. Halimbawa: Ang pagbabagong nagaganap sa morpemang [pang-] dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. [pang-] + gastos → panggastos [pang-] + dilig → pandilig [pang-] + bunot → pambunot Ang morpemang [pang-] ay nagiging [pan-] kapag ito ay ikinakabit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa d, l, r, s at t. Ito rin ay nagiging [pam-] kapag ikinakabit sa mga salitangugat na nagsisimula sa p at b. Sa kabilang dako, walang pagbabago sa panlaping [pang-] kapag ito ay inuunlapi sa mga salitang nagsisimula sa patinig at sa iba pang katinig na hindi binanggit sa unahang talata gaya ng mga ponemang k,g,h,m,n,ng,w at y. Halimbawa: [Pam-] pampuno pambata

[Pan-] pandakot panligo

[Pang-] pang-abono pang-ihip

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko Asimilasyon May pagbabago sa / ŋ / o / ng / sa pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. Ang / ŋ / ay nagiging / n / o / m / o nananatiling / ŋ / ng dahil sa kasunod na ponema. Maaaring asimilasyong ganap o di-ganap ang pagbabago. [pang-] + bayad [pang-] + dama [pang-] + kahoy

→ pambayad → pandama → pangkahoy

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 63

d.l.r,s,t PAN MAN SIN SAN

b, o p PAM MAM SIM SAM

Halimbawa Pan+ dikdik =Pandikdik

pam + bayan =pambayan

k,g,h, m, n, ng,w, y PANG MANG SING SANG

pang + gabi =panggabi

Uri ng Asimilasyon 1. Asimilasyong Parsyal - tanging ang pagbabago ay sa pinal na panlaping -ng lamang kapag ikinakabit sa mga salita. - ang pagbabagong naganap sa isang morpema ay sanhi ng posisyong pinal na sinusundan ng mga salitang nagsisimula sa bigkas ng pailong. Ang /pang/ay nagiging /m/ o /n/ at mangyayari ay mananatili ang (j) ayon sa kasunod na tunog. HALIMBAWA: sing + dali = sindali pang + lasa = panlasa pang + paligo = pampaligo sing + bagsik = simbagsik

2. Asimilasyong Ganap - nangyayari kapag matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/ at /m/ Halimbawa: pam + pitas = pampitas = pamitas mang + pitas = mangpitas = mamitas pang + bilang = pangbilang = pambilang = pamilang Pagpapalit ng Ponema May mga ponemang nagkakapalitan sa pagbuo ng mga salita. Nasasabayan nito ang pagpapalit ng diin kung may ganitong pagpapalitan. /d/→/r/ a. Halimbawa: Ma+dami → marami Ma+dumi → marumi b. Lipad + -in → lipadin Pahid + -an → pahidan c.

→ liparin → pahiran

Sapilitan ang palitan ng / h / at / n / sa panlaping / -han / ay nagiging / n /

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 64 Halimbawa: Kuha + han → kuhahan → kuhanan d. Ang ponemang / o / sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging / u /. Kapag inulit ang salitang nagtatapos sa / o / ay nagiging / u / sa unang hati. Halimbawa: Laro + an → laruan Bunso → bunsung – bunso Metatesis Nagkakapalit ang pusisyon ng / l / o / y / ng salitang-ugat kapag ginigitlapian ng [-in] ang mga ito. Halimbawa: -in- + laro → nilaro -in- + yari → niyari Bukod sa pagpapalit ng pusisyon ng dalawang ponema, may pagkakaltas pang nagaganap. Halimbawa: Silid + an Atip + an

→ silidan → atipan

→ sidlan → aptan

Pagkakaltas ng Ponema Ang pagbabago rito ay makikita kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi rito. Halimbawa: Bukas + an Asin + an

→ bukasan → buksan → asinan → asnan

Paglilipat-diin Kapag nilalapian ang mga salita nagbabago ang diin nito. Maaaring malipat ang diin ng isa o dalawang pantig patungong huling pantig o unahan ng salita. Halimbawa: basa + -hin takbo + -han uwi + -an

→ basahin → takbuhan → uwian

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 65 May Angkop Kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang. Halimbawa: Wikain mo Hayaan mo Winika ko

kamo hamo ikako

Maysudlong o Pagdaragdag ng Ponema Kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/ Halimbawa: Antabayanan, antayan Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan Bahagi ng Pananalita 1. PANGNGALAN (Noun) Mga Uring Pansemantika 1. Pantangi (Proper Noun)– partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Hal. Miguel, Clarissa, Bb. Luz De Guzman Tagpi, Muning, Brownie, Spotty Magasing Panorama, Mongol 2 Talon ng Maria Cristina, Ilog Pasig Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975 2. Pambalana (Common Noun)– tumutukoy sa pangkahalatang-diwa. Hal. bata, lalaki, babae, lolo, abogado aso, pusa, insekto lapis, kotse, relo, radio ilog, lungsod, kabundukan sayawan, gulo, banggaan 3. Tahas (Concrete) – ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na material. Hal. tao, hayop, puno, gamut, pagkain 4. Basal (Abstract) – ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa at kaisipan. Dalawang uri ng tahas: Di-palanasak at palansak. Palansak (Mass Noun) – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Hal. Buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkal Di-palansak – tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isaisa. Hal. Saging, bulaklak, sundalo, tao, kamatis, manok

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 66 Mga Uring Pangkayarian 1. Payak – ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang. Hal. asin, bunga, balak, diwa 2. Maylapi o Hinango – kung binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan. Hal. kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan 3. Inuulit – ang pangngalan kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit. Dalawang uri ng Inuulit: Pag-uulit na di-ganap o pag-uuli na parsyal at ang pag-uulit na ganap. Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal – ay yaong bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit. Hal. bali-balita, Sali-salita, tagu-tagumpay pagtuturo, pagpaplano Pag-uulit na ganap – pag-uulit sa buong pangngalan Hal. kuru-kuro, bayan-bayan, sabi-sabi 4. Tambalan – ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa. Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika. Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan. Hal. 1. Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na matiyaga. 2. Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang. 3. Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin ng magulangsa anak. Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina. Hal. ang mga anak, ng mga anak, sa mga anak, nina Maria, kina Maria, sina Maria Mga Kakanyahan ng Pangngalan 1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan - ang nagsasabi kung ang pangngalan ay tumutukoy sa taong nagsasalita, taong kumakausap, o taong pinag-uusapan. Halimbawa : Ako si Don Diego. Ikaw si Don Diego. Siya si Don Diego 2. Kailanan ng Pangngalan – nalalaman natin kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isa, dalawa o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Ito ay maaaring isahan, dalawahan, maramihan o lansakan. Halimbawa: Isahan : Dalawahan : Lansakan : 3. Kasarian ng Pangngalan

kapatid kambal kawan – pangngalang may sekso at walang sekso.

Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian Mga Pangngalang may Kasarian Tiyak na Kasarian Panlalaki Pambabae Di-tiyak na Kasarian

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 67 Mga Pangngalang Walang Kasarian Halimbawa: Mga Pangngalang Tiyak na Panlalaki Mario kuya Ginoong Ramos tandang Don Jose ninong Mga Pangngalang Tiyak na Pambabae Maria Ana ate Gng. Ramos ninang dumalaga Donya Perez Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian Estudyante manok kapatid guro manananggol kalabaw Mga Pangngalang Walang Kasarian Bibliya diwa Bulking Mayon aklat Maynila laro 4. Kaukulan ng Pangngalan – ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap. Dalawang Uri ng Kaukulan ng Pangngalan 1. Kaukulang Palagyo – kung ginagamit itong simuno, pamuno sa simuno, pangngalang patawag, kaganapang pansimuno, o pamuno sa kaganapang pansimuno. Simuno gamit ang pangngalan Si Rizal ay Dakilang Malayo Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo. Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan Carisa, alagaan mo si Choy. Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan Si Mabini ay Dakilang Lumpo. Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko. 2. Kaukulang Palayon – ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol o kung pamuno sa alinman sa dalawa. Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan Ang masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuran Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan Ibigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos. Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin. Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 68 2

PANGHALIP (PRONOUN)

Pananaw na Pansemantika : ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa ngalan. Pananaw na Istruktural : and panghalip ay maikilala dahil sa impleksyon o pagbabagong- anyo. Uri ng Panghalip 1. Mga Panghalip na Panao - ay panghalili sa ngalan ng tao. Anyong ang (palagyo)

Anyong ng (paukol)

Anyong sa (paari)

Una

Ako

Ko

Akin

Ikalawa

Ikaw, ka

Mo

Iyo

Ikatlo

Siya

Niya

kanya

Una

*(kata) Kita, tayo

*(nita) Natin

*(kanita) Atin

Ikalawa

Kayo

Ninyo

Inyo

Ikatlo

Sila

Nila

Kanila

Una

Kami

Naming

Amin

Ikalawa

Kayo

Ninyo

Inyo

Ikatlo

Sila

Nila

Kanila

Panauhan Isahan

Dalawahan

Maramihan

2. Mga Panghalip na Pamatlig – humahalili sa sa ngalan ng tao, bagay, atb. na itinuturo o inihihimaton. I. Pronominal Anyong ang (Paturol) *ire (ibang anyo : yari) ito iyan (ibang anyo : yaan) iyon (ibang anyo :yaon) Anyong ng (Paari) *nire (ibang anyo :niyari) nito niyan noon (ibang anyo: niyon, niyaon) Anyong sa (Paukol) *dine dito diyan doon II. Panawag-pansin o Pahimaton 1. *(h) ere 2. (h) eto 3. (h) ayan 4. (h) ayun III. Patulad

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 69 *ganire ganito ganyan ganoon (ibang anyo: IV. Palunan *narini (ibang anyo : narito (ibang anyo : nariyan (ibang anyo : naroon (ibang anyo :

gayon) nandini) nandito) nandiyan) nandoon)

3. Panghalip na Panaklaw – sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy. Halimbawa: isa anuman iba alinman balana sinuman lahat ilanman tanan kailanman madla saanman pawa gaanuman

magkanuman kuwan

4. Panghalip na Pananong – yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. na ginagamit sa pagtatanong. Halimbawa: Isahan sino ano alin kanino ilan

Maramihan sinu-sino anu-ano alin-alin kani-kanino ilan-ilan

3. PANDIWA (VERB) Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito. Kayarian ng Pandiwa Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitangugat at ng isa o higit pang panlapi. Kaganapan ng Pandiwa Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 70 Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwa ¢ kaganapang tagaganap ¢ kaganapang layon ¢ kaganapang tagatanggap ¢ kaganapang ganapan ¢ kaganapang kagamitan ¢ kaganapang sanhi ¢ kaganapang direksyunal Mga Pokus ng Pandiwa 1. Kaganapang Tagaganap – panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa Halimbawa : 1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. – 2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata. (Ang bata ay kumain ng suman at manggang hinog.) 2. Kaganapang Layon – panaguring nasa pokus sa layon ng pandiwa + paksa Halimbawa : 1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. – 2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata. (Ang suman at manggang hinog ay kinain ng bata.) 3. Kaganapang Tagatanggap – panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa Halimbawa: 1. Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nagbalikbayan. – 2. Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong nagbalikbayan. (Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw na kapis.) 4. Kaganapang Ganapan – panaguring nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksa Halimbawa: 1. Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming katulong. – 2. Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran. (Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming katulong.) 5. Kaganapang Kagamitan – panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa Halimbawa: 1. Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa pamamagitan) ng basahang malinis. – 2. Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang alinis. (Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga kasangkapan.) 6. Kaganapang Sanhi – panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa Halimbawa: 1. Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit ng opyo. – 2. Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit ng opyo. (Ang labis na paghithit ng opyo ay ipinagkasakit niya.) 7. Kaganapang Direksyon – panaguring nasa pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa Halimbawa: 1. Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa Peace Corps. –

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 71 2. Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang Tagaytay. (Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.) Mga Aspekto ng Pandiwa Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. Salitang-ugat

Aspektong Perpektibo

Aspektong Imperpektibo

Aspektong Kontemplatibo

mahal

minahal

minamahal

mamahalin

asa

umasa

umaasa

aasa

aral

nag-aral

nag-aaral

mag-aaral

“nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“, “-an”, at “na-“ 1. Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan – naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping. Halimbawa: nag-inum, nag-aral, uminum, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita 2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa Apektong Perpektibo. “nag-“, “um-“, “-in-“, “-nan”, “ni-“, “-an”, at “na-“ Halimbawa: naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom) minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon) nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an) 3. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap – naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: “mag-” , “ipag-“, “maka-“, “naka-“. Maaaring ding gamitin ng sabay. Halimbawa: gagawa (ga-gawa), maglalaba (mag-la-laba) Di-Karaniwang Pandiwa 1. Maykaltas – di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig. Salitangugat buhos

Panlapi

Karaniwang Ayos ng Pandiwa

Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

-an

buhusan

busan

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 72 higit

ma- / -an

mahigitan

mahigtan

lagay

-an

lagayan

lagyan

takip

-an

takipan

takpan

2. Maylipat – karaniwang ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik ng salita ay naililipat, at may ilang titik o pantig na nawawala. Salitang-ugat

Karaniwang Panlapi Ayos ng Pandiwa

Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

tanim

-an

taniman

tamnan

atip

-an

atipan

aptan

silid

-an

silidan

sidlan

3. Maypalit – napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan. Salitangugat

Panlapi

Karaniwang Di-Karaniwang Ayos Ayos ng Pandiwa ng Pandiwa

dinig

ma-

madinig

marinig

dugtong

ka-

kadugtong

karugtong

halik

-an

halikan

hagkan

bayad

-an

bayadan

bayaran

4. Maysudlong – di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.

Salitang-ugat

Panlapi

Karaniwang Ayos ng Pandiwa

antabay

-an

antabayan

antabayanan

kuha

-in

kuhain

kuhanin

mata

-in

matain

matahin

buti

pag- / -an

pagbutian

pagbutihan

Di-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

Pokus ng Pandiwa Pokus – relasyong semantika ng pandiwa at simuno 1. Pokus sa Tagaganap-ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang simuno ng pangungusap ang tagagawa ng kilos. Halimbawa: Nakapag-aral si Marvino kahapon. (pandiwa) (simuno-tagaganap) Si Marvino (simuno-tagaganap)

ay nakapag-aral kahapon. (pandiwa)

2. Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 73 Halimbawa: Bantayan mo ang sinaing at baka masunog. (pandiwa) (tagaganap) (simuno-layon) Ang sinaing ay bantayan mo at baka masunog. (simuno-layon) (pandiwa) (tagaganap) 3. Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa. Halimbawa: Pinintahan niya ng berde ang mga tulay. (pandiwa) (tagaganap) (simuno-ganapan) Ang mga tulay ay pinintahan niya ng berde. (simuno-ganapan) (pandiwa) (tagaganap) 4. Pokus sa Tagatanggap-nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung ang simuno ang tagatanggap ng kilos. Halimbawa: Ikuha mo (pandiwa) (tagaganap)

si TinTin ng bagong damit. (simuno-tagatanggap)

Si TinTin ay ikuha mo ng bagong damit. (simuno-tagatanggap)(pandiwa) (tagaganap) 5. Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap. Halimbawa: Ipangguhit mo ang lapis sa papel. (pandiwa) (tagaganap) (simuno-gamit) Ang lapis ang ipangguhit mo sa papel. (simuno-gamit) (pandiwa) (tagaganap) 6. Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos. Halimbawa: Ikinatuwa ni Czarina ang biro ni Zeus. (VERB)(tagatanggap)(simuno-sanhi)(tagaganap) Ang biro ni Zeus ay Ikinatuwa ni Czarina. (simuno-sanhi) (tagaganap) (VERB) (tagatanggap) 7. Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang pandiwa. Halimbawa: Pinuntahan ko ang Boracay noong isang linggo. (VERB) (tagaganap) (simuno-direksyon) Ang Boracay ang pinuntahan ko noong isang linggo. (simuno-direksyon) (VERB) (tagaganap)

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 74 4. PANG-URI (ADJECTIVE) Gamit ng Pang-uri 1. Panuring Pangngalan Mararangal na tao ang pinagpapala. Panuring Panghalip Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay. 2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo. 3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno Mga madasalin ang mga Pilipino. Kayarian ng Pang-uri 1. Payak- kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi. Halimbawa : Maiinit ang ulo ng taong gutom. Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit. 2. Maylapi - kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Halimbawa : kalahi kayganda mataas makatao malahininga 3. Tambalan – kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa. Halimbawa : Karaniwang Kahulugan taus-puso biglang-yaman bayad-utang hilis-kalamay Patalinghagang Kahulugan kalatog-pinggan ngising-buwaya bulang-gugo kapit-tuko Kailanan ng Pang-uri May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan. Halimbawa: Kalahi ko siya. (Isahan) Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan) Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan) Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri Iba’t ibang Antas ng Kasidhian ang Pang-uri 1. Lantay – naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghambingan. Halimbawa: Kabigha-bighani ang pook na ito. 2. Pahambing – nagtutulad sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. 2 Uri ng Paghahambing 1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing aymay patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlapingkasing, sing, magsing, magkasing o kaya ay ng mga salitanggaya, tulad, paris, kapwa at pareho.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 75 Halimbawa: Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin. 2. Paghahambing na di-magkatulad – ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri: a. Pasahol - kung ang hinahambing ay mas maliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino. Halimbawa: Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa Zamboanga. b. Palamang - kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitanghigit, labis at di-hamak. Halimbawa: Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke. 3. Pasukdol – ay katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghambingan. Halimbawa: Ang ganda-ganda ng Palawan. Walang kaparis sa ganda si Glenda. Pang-uring Pamilang – mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng mga numero. Uri ng Pamilang 1. Patakaran o Kardinal- ginagamit sa karaniwang paraan ng pagbibilang ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: isa, dalawa, tatlo 1. Panunuran o Ordinal- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkasunud-sunod ng mga pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pang- at ika-. Halimbawa: pang-una, pangalawa, pangatlo, una, ikalawa, ikatlo 1. Pamahagi- ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati sa kabuuan ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ika- at ka-. Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4) 1. Palansak- ginagamit sa pagsasaad ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga pangngalan o panghalip. Halimbawa: aanim, anim-anim, tig-anim, animan, dadalawa, dala-dalawa, tigdadalawa, dalawahan 1. Pahalaga- ginagamit sa pagbibigay ng halaga ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ma- attig-. – pera ang tinutukoy. Hal: Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito. 1. Patakda/tiyak na bilang – inuulit ang unang pantig ng salitang bilang. Hal. iisa,tatatlo, dadalawa, aapat Si Teresa ay nag-iisang anak. Sasampung piso ang natira sa kanya. Mga Panlaping Makauri 1. in, ma+ugat+in (madaling maging o madalas maging) – ma+ugat+on, ka+ugat+on 2. tabain – matabaon, katabaon sakitin – masakiton, kasakiton bugnotin – masaputon, kasaputon dumihin – mabulingon, kabulingon

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 76 siponin – masip-onon, kasip-onon matulogin – matuyugon, katuyogon matampohin – malisoron, kalisoron mainisin – masaputon, kasaputon 2. ma+ugat (may taglay) – Asi: ka+ugat, ma+ugat Pwede ring gamitin ang hulaping on o hon ngunit hindi ito umaakma sa lahat ng salitang ugat. Paminsan-minsan di’y nagagamit ang hulaping an o han. maganda – kaganda, maganda mabaho – kabaho, mabaho, bahoan mabato – kabato, mabato, batoon mahalay – kauyag, mauyag, uyagon madaya – karada, marada, radaon, radaan Ang panlaping ka ay malimit na gamitin kung ang pang-uri ang nagsisilbing panag-uri (predicate) ng isangpangungusap. Halimbawa: Karada sida. Sida ay karada. (Madaya siya. Siya ay madaya.) Kung hindi, ma ang ginagamit. Halimbawa: Sida ay maradang kaidamo. (Siya ay madayang kalaro.) Sa on/hon o an/han naman, hindi mahalaga kung paano ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Radaon/Radaan sida. Sida ay radaong/radaang kaidamo. Sa mga paghahambing, ang panlaping dapat gamitin ay ma. Halimbawa: mas madaya – mas marada, pinakmadaya -pinakamarada. Maraming mga salita sa Pilipino na likas na mga pang-uri. Kung walang katumbas ang mga ito sa Asi na likas na pang-uri-rin, ang mga nabanggit na panlapi rin ang dapat gamitin. Halimbawa: tahimik – kahipos, mahipos tamad – katamar, matamar, tamaran 3. maka+ugat (para sa) – Asi: maka+ugat Halimbawa: makatao – makatawo maka-Diyos – maka-Dyos 4. may / marami (hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) – Asi: ugat+on, ugat+hon Halimbawa: may / maraming galis – galison may / maramimg kulangot – otngohon may / maraming ipis – tabakongon 5. medyo (bahagya, hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) – Asi: ma+ugat-ugat, maSu+ ugat Halimbawa: medyo maganda – maganda-ganda, maguganda medyo pangit – mayain-yain, mayuyain medyo malakas – makusog-kusog

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 77

Ang maSu+ugat ay maaring gamitin kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig at kung ang unang pantig nito ay hindi katunog ng o o u. Ang S ang nagrerepresenta sa simulang katinig ng salitang-ugat. 6. napaka+ugat, ugat+ugat, pang-uri+panh-uri (ubod ng) – Asi: pagka+ugat; pagkau+ugat, kau+ugat (kung angsalitang-ugat ay nagsisimula sa patinig maliban sa u o o); ka+ugat-ugat, pagka+ ugat-ugat (kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig); pagkaSu+ugat, kaSu+ugat (kung nagsisimula naman sa katinig kung saan ang S ang nagrerepresenta sa unang titik nito) Halimbawa: napakaganda – pagkaganda, pagkaguganda, kaguganda napakapangit – pakayain, pagkayuyain, kayuyain napakagaling – pagkaayo, pagkauayo, kauayo, kaayo-ayo, pagkaayo-ayo napakaasim – pagkaaslom, pagkauaslom, kauaslom, kaaslom-aslom, pagkaaslom-aslom napakaliit – pagkaisot, pagkauisot, kauisot, kaisot-isot, pagkaisot-isot napakahalay- pagkauyag, kauyag-uyag, pagkauyag-uyag maputing-maputi, puting-puti – pagkaputi, kaputi-puti, pagkaputi-puti Ang pagkau, kau, pagkaSu o kaSu ay mas mataas ang antas sa pagka. 7. kasing+ ugat, magkasing+ ugat, magsing+ ugat, (magkapareho) – walang panlaping katumbas ito sa Asi at sa halip ay ginagamit ang salitang pareho o kapareho Halimbawa: kasingganda – kapareho’t ganda magkasingganda, magsingganda – pareho’t ganda 8. pinaka+pang-uri (nakahihigit sa lahat) – Asi: pinaka+pang-uri Halimbawa: pinakamataba – pinakamataba pinakatahimik – pinakamahipos 9. pang+ugat, ika+ugat (pamilang) – pang+ugat, ika+ugat halimbawa: pang-apat, ika-apat – pang-ap-at, ika-ap-at pangsampu, ika-sampu – pangsampuyo, ika-sampuyo 5 PANG-ABAY (ADVERB) Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala. Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay. Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga katagang lagging suusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan. ▪

ba

daw/raw

pala

man

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 78 ▪

kasi

din/rin

tuloy

muna



kaya

naman

nga

pa



na

yata

lamang/lang

Halimbawa : ▪ Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan? ▪

Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.



Kumain muna sila bago umalis.



Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.

2. Pang-abay na salita o parirala 1. Pamanahon – (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos. ▪

May Pananda

nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang Hal. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw? Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan. ▪ Walang Pananda kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandal, atb. Hal. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. Ipagdiriwang ngayon n gating pangulo ang kanyang ika-40. ▪ Nagsasaad ng dalas Araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, atb. Hal. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanitili ang kanyang kahulugan. 1. Panlunan – (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos. Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. kay/kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina. 2 Nagpaluto ako kina Aling Myra at Luisa ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan. 1. Pamaraan – (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa. Ginagamitan ng panandang nang o na/-ng. Halimbawa : ▪ Kinamayan niya ako nang mahigpit. ▪

Natulog siya nang patagilid.



Bakit siya umalis na umiiyak?

1. Pang-agam - pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos. Hal. Marahil, sigurong, tila, baka, wari, atb. ▪ Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. ▪

Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.



Waring natutupad din ang ating mga pangarap.

1. Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pangabay na nagsasaad ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng “affirmation” sa Ingles. Ang ilan sa ganiton pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, atb.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 79 Halimbawa: Opo, susundin ko po ang utos ninyo. Tunay, na maganda siya. 1. Pananggi – (Adverb of Disagreement/Negation)pang-abay na nagsasaad ng hindi pagsangayon tulad nghindi/di at ayaw. Halimbawa: ▪ Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na kanser. ▪

Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa pagsisigarilyo.

1. Panggaano o Pampanukat – nagsasaad ng dami, halaga o timbang Halimbawa : ▪ Tumaba ako ng limang libra. ▪

Dinagdagan niya ang biniling lansones nang apat na guhit.



Tumaagal ng limang oras ang operasyon niya.

1. Pamitagan (Adverb of Respect)- nagsasaad ng pagrespeto 1. Kailan po kayo uuwi? Opo, aakyat a po ako. 1. Panuring – nagsasaad ng pagsasalamat o pagtanaw ng utang na loob. Hal. Maraming salamat at tinulungan mo ako. 1. Pananong – pang-abay na ginagamit sa pagtanong 2. Panunuran – Pagsusunud-sunod ng mga salita, hanay o kalagayan. Hal. Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda. 1. Panulad – (Comparative Adverb) pang-abay na nagsasaad ng paghahambing Hal. Di-hamak na masipag si Ana kaysa kay Trining. 1. Kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon pa ay nagsasaad ng kundisyun para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag at pagka-. Hal. Luluwag ang ekonomiya ng bayan japagnakapagtatag ng maraming industriya ditto sa atin. 1. Kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa. Hal. Nagkasakit si Vianning dahil sa pagpapabaya sa katawan. 1. Benepaktibo - nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa. Halimbawa : o Mag-aroskaldo ka para sa maysakit. o Magbili ka ng mga alaga mong manok para sa matrikula mo. 1. Pangkaukulan- pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol. Halimbawa : o Nagplano kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang. o Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang pagiging magnobyo. MGA PANG-UGNAY Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 80 6

PANGATNIG (CONJUNCTION)

Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang. Mga Uri Ng Pangatnig ž Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.Ang mga pantuwang na pangatnig ay: at, saka, pati. Halimbawa: ▪ Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay. ▪

Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.



Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin.

ž Pantulong naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na dimakapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay. Nag-uugnay ng dimagkapantay na salita, parirala o sugnay: kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil sa. Halimbawa: ▪ Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit. ▪

Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap

ž Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan. tulad ng o, ni, man, maging at kaya. Halimbawa: ¡ Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon. ž Paninsay o Pasalungat – kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay:ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit. Halimbawa: ¡ Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob. ¡ Ang mamamayang pilipino, bagama’t hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng kasiyahan. Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap. Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga tagaibang bansa dahil sa maling nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay dumaragsa. ž Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali. 1. ▪

Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang ang iyong lupa.



Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating ng araw.

ž Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “bakit?” – Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 81 ▪

Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga.



Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan.

ž Panlinaw– kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp. Hal. ▪ Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak nating kawikaan: “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang. ž Panulad– ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad. ▪ Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin. ▪

Kung alin ang pinagkapili-pili, ay siya pang nakuha ng bungi.

ž Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadyang nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay:upang, nang, sa wakas. ▪ Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng patutunguhan. ▪

Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.

7. PANG-ANGKOP (LIGATURE) – ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g). May Tatlong Pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita 1. Pang-angkop na na – ginagamit kung ang salitang sinisundan ay nagtatapos sa katinig. Halimbawa: Mataas na kahoy ang kanyang inakyat. 2. Pang-angkop ng ng – ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig. Halimbawa: Masayang naglalaro ang mga bata. Ang pang-angkop na –ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titil na n sa hulihan ng salita ay kinaltas na lamang. Kaya ang angkop na –ng at hindi –g ang ginamit. Hal. Luntian ng halaman – luntiang halaman Maraming banging matatarik sa ating bansa. 3. Pang-angkop na g – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n. Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy. 8. PANG-UKOL (PREPOSITION) v Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. v Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 82

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol sa/sa mga ng/ng mga ni/nina kay/kina sa/kay labag sa nang may tungkol sa/kay mula sa hinggil sa/kay nang wala para sa/kay laban sa/kay ayon sa/kay tungo sa alinsunod sa/kay Dalawang pangkat ng Pang-ukol 1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa. Halimbawa: ▪ Ukol sa mga Filipino ang paksa ng usapin. ▪

Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.



Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao – ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay. Halimbawa: ▪ Para kay Juan ang pagkaing ito. ▪

Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.



Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.



Ang napili naming paksa para sa dula ay tungkol kayAndres Bonifacio.

9. MGA PANANDA – ay nagsisilbing tanda ng gamit ng pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap o ayos ng mga bahagi ng pangungusap. 1. Mga Pantukoy (Article/Detreminer) – Ay katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o kagaganapang pansimuno o panag-uri o alinman sa dalawa. Dalawang Uri ng Pantukoy 1. Pantukoy na Pambalana – tumutukoy sa pangngalang pambalana ang, ang mga, mga ang (isahan) Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. mga (maramihan) Halimbawa: ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod. 2. Pantukoy na Pantangi – tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 83 si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino. Sina (maramihan) Halimbawa: nanguna sa paglilinis ng barangay sina G. at Gng. Dela Cruz. Ni (isahan) Halimbawa: Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras. Nina (maramihan) Halimbawa: hindi ininatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis. Kay (isahan) Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam. Kina (maramihan) Halimbawa: Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.

Maligayang pagbati! Natapos mo na ang nilalaman sa unang Aralin, ngayon sigurado akong handa ka na sa pagsagot sa mga katanungan.

Pagsasanay Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pagbabagong morpoponemiko kung ito ay Asimilasyon, Metatesis, Pagkakaltas ng Ponema, Pagpapalit ng Ponema, Paglilipat-diin, may-angkop o may sudlong. Pagbabagong naganap Uri ng Morpoponemiko Hal. Gabi = Pagsasanay: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.

panggabi =

Asimilasyon

Atipan ______________________ Ikako ______________________ Taniman _______________________ Pantali _______________________ y ariin _______________________ silidan _______________________ halikan _______________________ pangpamayanan _____________________ lapadan ______________________ 10. tawidin ______________________

________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________ ________________________

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 84

Gaano na Kalayo ang Ating Narating?

Komparatibong Analisis Panuto: Paggamit ng mga estratehiya na nalilinang ang kritikal at mapanuring pag-iisip gaya ng paggawa ng talahanayan na magpapakita ng iba’t ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko. Sa bawat hanay ay makikita ang proseso at pagsasagawa o modipikasyon sa morpema at ilang mga halimbawang salita.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 85

Pagyamanin Natin

Socratic Dialogue Panuto: Pagpuna sa iba’t ibang isyung pangwika o ebolusyon ng wika sa kasalukuyan (e.g, jejemon, gay linggo, millenials, social media jargons) sa epekto nito sa kumikasyon at sa istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Filipino.

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 86

MUNGKAHING BASAHIN: Basahin at panoorin ang mga sumusunod na artikulo at bidyu sa tinukoy na website. ✓ https://www.youtube.com/watch?v=CRRRH3XI-P0 ✓ https://www.youtube.com/watch?v=McRJi9zPwAo

SANGGUNIAN Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang linggwistika sa Pilipino. REX Book Store. Maynila Dela

Cruz, Rosalyn V. (2013). Kasaysayan ng www.slideshare.net/jhengcute/kasaysayanng-linggwistika-1

Linggwistika.

REPLEKSIYON NG KABANATA Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at ibahagi ang iyong mga sagot sa loob ng chat sa pangkat ng Facebook Messenger bilang bahagi ng aming pagsubaybay. 1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan mo pagkatapos ng araling ito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang buhay bilang isang mag-aaral at sa iyong pangarap na pangarap? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong matutunan? Bakit? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

P a n i m u l a n g L i n g g w i s t i k a | 87 ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________

PUNA SA KURSO Sa bahaging ito maaring magtala ng mga puna sa kurso. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________

Related Documents

Kabanata 28
February 2021 3
Kabanata 22.docx
January 2021 1
Kabanata 1 - Ang Wika
March 2021 0
3
February 2021 0

More Documents from "Stan"