Panukalang Saliksik

  • Uploaded by: Dan Raymond Russel Lajera
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Panukalang Saliksik as PDF for free.

More details

  • Words: 3,187
  • Pages: 52
Loading documents preview...
PAGBUO NG PANUKALANG SALIKSIK Ikapito na grupo Lajera, Presas, Gurrea, Vallente, Vertulfo

Mga Layunin: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: 1. Matukoy ang mga bahagi ng isang panukalang saliksik. 2. Maipaliwanag ang kahalagahan ng isang panukalang saliksik. 3. Masuri ang isang halimbawang panukalang saliksik.

4. Makabuo ng isang panukalang saliksik.

Pagpaplano ng Saliksik sa Isang Panukalang Saliksik Ang tagumpay ng anumang proyektong saliksik ay nakasalalay sa isang pinag-isipan at sistematikong plano. Isang masalimuot na proseso ang pananaliksik na binubuo ng maraming hakbang. Kaya naman sa simula pa lamang, dapat ay malinaw na sa isip ng mananaliksik ang direksyon ng kaniyang proyekto. Ang plano ay dinedetalye sa tinatawag na research proposal o panukalang saliksik.

Gaya ng mahihiwatigan sa termino, ang planong ito ay isang panukala lamang, na ang ibig sabihin ay para sa konsiderasyon o pagsasaalang- alang ng eksperto o nakababatid tungkol sa proyekto. Maaari pa itong mabago sang-ayon sa mga komentaryo at mungkahi ng mga eksperto at iba pang magbibigay pansin o puna rito.

Karaniwan, ang panukalang saliksik ay inihaharap sa isang tagapayo o pangkat ng tagapayo, kundi nama’y sa isang tanggapan o institusyon na maaaring sumuporta para maisagawa ang saliksik. Sa una, ginagawa ito bilang kahingian bago sulatin ang tesis para sa digring batsilyer, masteral, o doctoral. Sa ikalawa naman, ginagawa ito bilang kahingian ng tanggapan o institusyong nagbibigaypondo para matasa kung karapat-dapat ang proyekto na paglalaanan ng tulong pinansiyal.

Gayumpaman, sa mga sitwasyon na ang gagawing saliksik ay hindi naman kahingian para sa isang digri o kaya’y hindi naman hihingan ng pondo, makabubuti pa ring gumawa ng panukalang saliksik upang makabuo ng plano at maging malinaw sa simula pa lang ang magiging direksiyon ng saliksik. Mahalagang sumulat ng pananaliksik kahit sa pansariling gamit lamang.

Ang isang panukalang saliksik ay karaniwang binubuo ng sumusunod na bahagi:

1. Introduksiyon 2. Paglalahad ng Suliranin 3. Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral

4. Layunin 5. Kahalagahan ng Pag-aaral 6. Teoretikal na Balangkas

7. Metodo 8. Saklaw at Delimitasyon 9. Daloy ng Pag-aaral

Dapat banggitin na ang mga bahaging nakalista ay ang nabuong kumbensiyon (kung paano nakagawiang gawin ang isang bagay o aktibidad) sa mga akademikong rekisito tulad ng pagsulat ng tesis at disertasyon. Bagaman sa ibang konteksto ay maaaring may ibang mga format at may ibang mga katawagan sa mga bahagi, humigit-kumulang ay hindi na rin nalalayo ang mga ito sa nabanggit na mga bahagi.

Mga Bahagi ng Panukalang Saliksik Introduksiyon Tinutukoy na sa bahaging ito ag paksa at suliranin ng saliksik upang magkaroon agad ng ideya ang babasa ng panukalang saliksik kung tungkol saan ang pag-aaral. Mahalagang mapag-iba ang paksa at suliranin. Ang suliranin ng saliksik ay isang bahagi o aspekto lamang ng paksa. Ang suliranin ng saliksik ay isang katanungan hinggil sa isang aspekto ng paksa.

Ang suliranin ng saliksik ay isang katanungan hinggil sa isang aspekto ng paksa. Halimbawa, kung ang paksa ay “wika at agham”, isang posibleng suliranin ng saliksik ay “Bakit kaunti o halos walang nagsusulat ng siyentipikong babasahin sa wikang Filipino?” Karaniwan, sa introduksiyon din ipinaliliwanag ang mga personal at panlipunang dahilan kung bakit napili ang paksa. Madalas, ang isang saliksik ay nagsisimula sa isang pansariling interes, kuryosidad, o problema.

Hindi naman nakahihiyang banggitin ang mga personal na sirkunstansiyang ito, ngunit hindi sana magtapos sa sarili lamang ang kahalagahang mapagaralan ang paksa. Maipaliwanag din sana ang kabuluhan ng paksa sa mas malawak na lipunan.

Paglalahad ng Suliranin Gaya ng nabanggit, magkaiba ang paksa at suliranin ng saliksik. Kapag nakaisip na ng isang paksa, humahanap pa ng isang mas maliit at mas espesipikong aspekto ng paksa—isang suliranin. Karaniwan, ang suliraning ito ay ipinapahayag sa pamamagitan ng isang tanong. Ang suliranin ng saliksik ay dapat na iisa lamang. Kung may iba’t ibang suliranin , hihilahin ang saliksik sa iba’t ibang direksiyon at magiging magulo ang pagaaral. Gayumpaman, sa ilalim ng isang suliraning ito ay maaaring magkaroon ng iba pang kaugnay at mas tiyak na mga suliranin.

Sa bahaging ito, kailangang muling ilahad ang paksa at suliranin ng pag-aaral. Maaari ding ipaliwanag kung paano natukoy ang suliraning ito. Maaari ding ilahad kung bakit mahalagang mapag-aralan ito. Dito rin puwedeng ipaliwanag ang mga susing konsepto na nakapaloob sa suliranin ng saliksik.

Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral

Ang kaugnay na pag-aaral ay tumutukoy sa mga nagawa nang pag-aaral na may kinalaman sa pinaplanong pag-aaral. Ang Rebyu ng Kaugnay na Pagaaral ay paglilista at anotasyon o deskripsiyon ng mga pag-aaral na ito, at pag-uugnay-ugnay sa mga pagaaral para mapatingkad ang nasabi na tungkol sa paksa o suliranin at kung ano ang dapat pang malaman tungkol dito. Sa anotasyon o deskripsiyon, dapat na matalakay ang nilalaman ng pag-aaral at ang relasyon nito sa ginagawang sariling pag-aaral.

Kaya ang Rebyu ng Kaugnay na Literatura ay hindi lamang talaga paglilista kundi pagpapaliwanag sa nilalaman ng mga babanggiting pag-aaral at sa kaugnayan nito sa pinaplanong saliksik. Napakahalaga ng rebyung ito dahil dito makikita kung may nakagawa na ng saliksik na katulad ng ipinapanukala. Dito rin malalaman ang kahalagahan ng saliksik dahil maipapakita kung ano ang nagawa na noon at kung ano ang magiging ambag naman ng sariling pag-aaral.

Layunin Sa bahaging ito maaaring isa-isahin ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na tumutukoy sa mga espesipikong gagawin sa saliksik. Dahil ang mga layunin ay tumutukoy sa dapat gawin, nakasulat ang bawat layunin gamit ang mga verb o pandiwa. Karaniwan, may tatlo hanggang limang tiyak na layunin ang isang may katamtamang habang saliksik. Ang bawat layunin ay dapat na espesipiko, maaaring isakatuparan, at nasusukat. Kapag naisulat na ang saliksik, karaniwang binabalikan ang mga tiyak na layunin para matiyak kung natamo ang lahat ng mga layuning ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral Dito ipinaliliwanag kung bakit mahalagang gawin ang pag-aaral. Maaaring mahalaga ang pag-aaral dahil sa maiaambag nito sa isang akademikong disiplina, maidaragdag naimpormasyon o kabatiran hinggil sa isang napapanahong isyu, o maibibigay na sagot sa isang problema ng lipunan.

Teoretikal na Balangkas Para sa marami, isang mabigat na salita ang teorya. Karaniwan, iniuugnay ito sa mga salitang nagtatapos sa ismo" tulad ng pormalismo, marxismo, peminismo, posestruktralismo, atbp. Pero hindi lang naman ang mga salitang ito ang maituturing na teorya, maaari ding gamitin ang salitang konsepto o ideya. Sa teoretikal na balangkas, ipinaliliwanag ang mga ideyang gagamitin sa pagtingin, pagpapahalaga, o pasusuri sa mga datos na natipon sa saliksik. Sa bahaging ito rin ipinaliliwanag kung paano ilalapat ang mga ideyang ito sa datos.

Kapag sinabing konsepto o ideya, maaaring nasa anyo ito ng mga salita o pangungusap. Ang mga konsepto o ideyang ito ay maaring nabuo ng ibang mananaliksik, iskolar, o eksperto mula sa kanilang sariling malawakan, malaliman, o tuloy-tuloy na pananaliksik sa isang larang. Dahil sa kahalagan ng kanilang nabuo o nadebelop na konsepto o ideya, maaaring gamitin din ng ibang mananaliksik o iskolar ang mga konsepto o ideyang ito sa pag-aaral ng ibang paksa o ng ibang aspekto ng paksang niluwalan ng konsepto o ideyang ito.

Metodo Ang metodo ay tumutukoy sa mga paraan ng pagsasagawa ng saliksik o sa mga paraan ng pagkuha at pagtitipon ng mga datos. Ilan sa pangkaraniwan ay ang saliksik sa aklatan, panayam, sarbey, questionnaire, focus group discussion, at obserbasyon. Sa bahaging ito ng panukalang saliksik, kailangan ipaliwanag kung ano sa mga paraang ito ang gagamitin at kung paano ito gagamitin sa pag-aaral.

Saklaw at Deliminasyon Sa bahaging ito naman tiniyak ang saklaw ng pagaaral. Tumutukoy ito sa maliit na bahagi o aspekto ng paksa na patutuonan sa pag-aaral. Ipinapaliwanag din kung bakit ang bahagi o aspektong ito ang napili. Kasama ring tiniyak ang delimitasyon. Dapat linawin na ang delimitasyon ay iba sa limitasyon ng pag-aaral. Ang limitasyon ay hindi kontrolado ng mananaliksik. Halimbawa, walang informant, kulang sa pondo, o limitado ang panahon ng saliksik.

Hindi na kailangan pang banggitin ang mga ito sa panukalang saliksik. Sa kabilang banda, ang delimitasyon ay sadyang itinatakda ng mananaliksik. Kung minsan, ang delimitasyon ng pag-aaral ay nakabatay sa limitasyon.

Daloy ng Pag-aaral Ang daloy ng pag-aaral ay ang balangkas ng pagaaral. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi kapag isinulat na ang pag-aaral. Ang susunod na halimbawa ay isang panukalang saliksik.

ANG TANAWING PANGWIKA SA ILANG PILING LUGAR SA UP CAMPUS: ILANG MUNGKAHI SA PAMAMAHALANG PANGWIKA

Introduksyon Ang saliksik ay nakatuon sa linguistic landscape o tanawing pangwika sa UP campus. Ang tanawing pangwika ay tumutukoy sa mga sign na makikita sa pampublikong espasyo tulad ng kampus ng isang pampamahalaang pamantasan. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sign sa kalsada, sign na pambabala, pangalan ng gusali, commemorative marker o pangguntang marker, sign sa mga bagay na makikita sa paligid gaya ng basurahan, adbertisment, sign na nagbibigay ng impormasyon, at maging graffiti.

Suliranin ng pag-aaral ang pag-alam sa kung anuanong wika ang pinili at ginagamit sa mga sign nang sa gayo'y mapalitaw ang mga ideolohiyang pangwika o paniniwalang pangwika ng mga taong gumagawa o pinagmulan ng mga sign. Ang mga tagapagsulong ng wikang Filipino ay laging nakatuon sa pagtataguyod nito sa larang ng edukasyon, pamahalaan, agham at teknolohiya, korte, at iba pang mahahalagang larang. Ngunit hindi pa nakikita ang kabuluhan ng paggamit at pagigiit ng wikang Filipino sa tanawing pangwika.

Halimbawa, bakit ang lahat halos ng pangalan ng gusali ay nakasulat sa Ingles, kahit iyong gusali ng mga ahensiya ng pamahalaan? Dapat bang tanggapin na lamang ang ganitong kalakaran? Kaya naman ang panukalang saliksik ay magsisikap ding magbukas ng isang bagong direksyon para isulong ang wikang Filipino sa tanawing pangwika.

Paglalahad ng Suliranin Sa pangkalahatan, nais sagutin ng pag-aaral ang tanong na: Anu-ano ang mga wikang ginagamit sa tanawing pangwika sa UP? Kasunod nito, nais ding sagutin ang iba pang kaugnay na tanong: Ano ang function o gamit ng bawat wikang matatagpuan sa tanawing pangwika? Ano ang ipinahihiwatig ng ganitong paggamit ng mga wika tungkol sa paniniwalang pangwika?

Ang paniniwalang pangwika, na tinatawag ding ideolohiyang pangwika, ay tumutukoy sa pananaw o pagpapahalagabsa wika na maaaring mahiwatigan sa iba't ibang konteksto ng paggamit sa wika.

Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral Marami-rami nang pag-aaral tungkol sa tanawing pangwika sa ibang bansa. Sa "Managing Public Linguistic Space" ni Bernard Spolsky na nasa koleksiyong Language Management (2009), itinampok niya ang tanawing pangwika bilang isa sa mga domain o larang na napakahalaga rin ng paggamit ng wika. Ang iba pang larang ay ang edukasyon, pamilya, pamahalaan, relihiyon, batas, teknolohiya, atbp. Bagaman naeengkuwentro lagi sa pang-araw-araw na buhay ang tanawing pangwika, hindi ito napag-aaralan. Marami sa pag-aaral sa wika ay nakasentro lamang sa wika sa larang ng edukasyon.

Ang kasalukuyang pag-aaral ay tugon sa kasalatan ng pag-aaral tungkol sa tanawing pangwika. May ilan ring importanteng koleksiyon ng pag-aaral tungkol sa tanawing pangwika sa ibang bansa. Kabilang dito ang Linguistic Landscape: Expanding the Scenery, inedit nina Elana Shohamy at Durk Gorter at Semiotic Landscapes: Language, Image, Space, inedit naman nina Adam Jaworski at Crispin Thurlow. Ang dalawang koleksiyong ito ay naglalaman ng mga pag-aaral tungkol sa iba't ibang anyo ng linguistic landscape sa mga lugar at lipunan sa ibang bansa.

Sa Pilipinas, may ilang sanaysay na nailimbag tungkol sa paggamit ng wika sa mga pampublikong espasyo. Isang halimbawa nito ang “Pagbibinyag ng Kalsada” ni Virgilio S. Almario na lumabas sa Philippine Daily Express noong 1982 at muling nalathala sa koleksiyon niyang Filipino ng mga Filipino: Mga Asterisko sa Istandard ng Ispeling, Estilo sa Pagsulat, at Paraan ng Pagpapayaman sa Wikang Pambansa, 1993. Sa sanaysay na ito, pinuna ng awtor ang kawalan ng Sistema at patakaran sa pagbibigay ngalan sa mga kalye sa Pilipinas. Bagaman ang pagpapangalan ng mga pampublikong espasyo tulad ng mga kalye ay sakop ng larang ng tanawing pangwika, hindi pa talaga natalakay sa sanaysay na ito ang mga konsepto at usapin gamit ang lente ng tanawing pangwika.

Makikita sa rebyu ng kaugnay na literaturang ito na bagaman sa ibang bansa ay masigla na ang pag-aaral sa tanawing pangwika, sa Pilipinas ay wala pa halos nagagawang pag-aaral sa larang na ito. Inaasahan na sa pamamagitan ng saliksik na ito, magkakaroon ng interes ang iba pang mananaliksik tungkol sa larang na ito ng pagaaral ng wika.

Layunin Sa pangkalahatan, layunin ng saliksik na mailarawan ang tanawing pangwika sa UP Campus upang makapagbigay ng ilang tiyak na mungkahi sa pamamahala ng tanawing pangwikang ito. Ang mga tiyak na layunin naman ay ang sumusunod: 1. Maidokumento ang iba’t ibang sign na ginagamit sa ilang piling lugar sa UP Campus.

2.

Masuri ang mga natipong sign ayon sa iba’t ibang aspekto tulad ng wikang ginamit, tungkulin ng sign (at ng wika na rin), at pinagmulan ng sign (kung sino ang gumawa o nagpapagawa).

3.

Tukuyin ang mga ideolohiyang pangwikang ipinapahiwatig ng paggamit ng wika sa mga sign.

4.

Magbigay ng ilang mungkahi sa pamamahalang pangwika sa tanawing pangwika sa UP.

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral ay maituturing na unang detalyadong dokumentasyon at kritikal na pag-aaral hingil sa tanawing pangwika sa UP. Ngunit lampas pa sa bakuran ng UP, posibleng isa ito sa mga unang pag-aaral tungkol sa tanawing pangwika sa Kamaynilaan at iba pang lungsod sa Pilipinas.

Mahalagang pagtuonan ng pansin ang tanawing pangwika Una, mahalaga ang tungkulin ng tanawing pangwika sa pagtatanghal ng mga institusyon o organisasyong panlipunan. Marahil, bukod sa mass media, ang tanawing pangwika ang may kakayahang makapagpakilala ng mga institusyon at organisasyong ito sa mga mamamayan. Ibig sabihin nito, ang isang institusyon ng pamahalaan tulad halimbawa ng MMDA ay nakilala dahil sa mga sign na ipinapaskel nito sa mga pampublikong espasyo, bukod pa sa mga balita na natutunghayan natin sa mass media. Kung wala ang mga signa na ito, marahil ay kakaunti rin ang mababatid hinggil sa katangian, tungkulin, at gawain ang ahensiyang ito ng pamahalaan. Gayundin sa kaso ng maraming iba pang institusyon at organisasyong panlipunan.

Pangalawa, itinuturing na pinakadinamiko ang tanawing pangwika sa paghugis ng isang espasyo. Ang isang espasyo ay kinokonstrak ng mga aspektong arkitektural, dami at katangian ng mga taong nagdaraan o gumagamit ng espasyo, at ng tanawing pangwika. Itinuturing na pinakadinamiko ang tanawing pangwika sa tatlong aspektong ito dahil ang mga elementong bumubuo sa tanawing pangwika, ang mga sign, ay nahuhugis at mulingnahuhugis ng iba’t ibang aktuwal na actor – ang may-ari ng sign, aktuwal na gumagawa ng sign, awtoridad na may control sa pagdispley ng sign, ang publiko. Ibig sabihin nito, kahit ang mga ordinaryong tao ay maaaring lumahok sa paghugis ng tanawing pangwika, sa aktuwal na paggawa man ng sign o sa pag-impluwnesiya sa paggawa nito.

Teorikal na Balangkas Ang tanawing pangwika o linguistic landscape ay isa sa mga domain o larang ng pamamahalang pangwika. (Ang pamamahalang pangwika naman ay tumutukoy sa mga paraan o estratehiya para mabago ang sitwasyong pangwika sa isang larang). Tumutukoy ito sa mga sign na nakikit sa mga pampublikong espasyo lalo na sa kalungsuran. Naghain si Spolsky ng taxonomy of signs at kabilang dito ang karatula sa kalye, advertising signs, babala, pangalan ng mga gusali, karatula ng nagbibigay impormasyon (direksiyon, oras ng pagbubukas at pagsasara), plakeng panggunita, mga bagay (tulad ng basurahan), at graffiti (2009, 34).

Ilalarawan ang tanawing pangwika sa UP Campus ayon sa iba’t ibang aspekto nito: mga uri ng sign na makikita sa tanawing pangwika; piniling wika sa paggawa ng sign; mga actor o institusyon, tanggapan, organisyasyon, o taong lumikha nga mag sign (Ben-rafael 2009, 49). Ang deskripsyong ito ay hahantong sa pagpapalitaw ng mga ideolohiya o paniniwalang pangwika sa tanawing pangwika. Tumutukoy naman ang paniniwalang pangwika sa mga pananaw at pagpapahalaga, o kawalan ng pagpapahalaga, sa wika na mahihiwatigan sa paraan ng paggamit o di-paggamit ng wika. Sa katapusan, magbibigay ang pag-aaral ng ilang mungkahi sa pamamahala ng tanawing pangwika sa UP Campus.

Sa pag-aaral na ito, ikakategorya ang mga sign na matitipon sa ilang piling lugar sa UP Campus batay sa taxonomy na ibinibigay ni Spolsky. Kung may sign na hindi sakop ng alinmang kategorya, bubuo ng sariling kategorya. Tutukuyin din kung anong wika ang ginagamit sa iba’t ibang kategorya ng sign. Ang mga kategoryang ng sign na rin ang titiyak kung kanino nagmula ang sign. Halimbawa, ang mga sign na pangalan ng gusali ay ipagpapalagay ng galin sa administrasyon dahil sila lang naman ang may kapangyarihang magtakda kung ano ang nilalaman ng pangalan ng gusali at kung ano ang wikang gagamitin dito.

Ang mga adbertisment naman ay ipagpapalagay na galing sa mga pribadong kompanya o mga indibidwal dahil malaya naman ang publiko na gumawa ng kani-kaniyang adbertisment. Sa pagtukoy kung anong wika ang namamayani sa iba’t ibang kategorya ng mga sign, mahihiwatigan na rin kung ano ang paniniwalang pangwikang umiiral sa tanawing pangwika sa UP Campus.

Metodo Ang Saliksik ay isasakatuparan sa sumusunod na hakbang: 1. Pagbabasa ng mahahalagan literatura tungkol sa paksa

2. Pagtukoy sa mga tiyak na lugar sa UP Campus na pagkukunan ng datos -Pokus ng pag-aaral ang tatlong pangunahing lugar sa UP:

1. Loob na bahagi ng Academic Oval

2. Labas na bahagi ng Academic Oval

3. Ruta ng ikot ng jeep

3. Pagkuha ng larawan ng mga sign sa tanawing pangwika - Sa loob at labas na bahagi ng academic oval, lalakaran ang mga espasyong ito para kunan ng larawan ang lahat ng sign. - Sa ruta naman ng ikot jeep, kukunan ng larawan ang lahat ng sign na matatanaw habang nakasakay sa isang sasakyan.

4. Anotasyon ng bawat larawan o sign sa tanawing pangwika -Ilalarawan ang bawat sign na matatanaw sa tanawing pangwika ayon sa iba’t-ibang aspekto nito:

1. Kategoryang kinabibilangan ng sign ayon sa taxonomy ni Spolsky 2. Wikang ginamit sa sign 3. Mga aktor o ahensiyang lumikha o pinagmulan ng mga sign 4. Pagsusuri at pagsasakonteksto

5. Pagsusuri at pagsasakonteksto ⁃ Ang pagsusuri ay hahantong sa pagpapalitaw ng mga aktuwal na praktis ng paggamit ng wika sa tanawing pangwika, paniniwalang pangwika, at mungkahi sa pamamahala ng wika sa tanawing pangwika. 6. Pagsulat ng Saliksik

Saklaw at Delimitasyon

Nakatuon lamang ang pananaliksik sa tatlong lugar sa UP campus, ang panloob na bahagi ng Academic Oval; ang panlabas na bahagi ng Academic Oval; at ang ruta ng Ikot Jeep. Pinili ang mga ito dahil dito ang pinakamatao at gamiting lugar sa UP campus. Sa hinaharap, inaasahan na mapapalawak pa ang sakop ng pag-aaral. Nakatuon din lang ang pagsusuri ng mga datos sa pagtiyak sa mga wikang ginagamit, mga aktor na pinagmulan ng sign, at sa paniniwalang pangwika na mahihiwatigan sa pagpili ng wika ng mga sign.

Marami pang ibang aspekto ang puwede pa sanang pansinin at suriin sa isang sign tulad ng pagkakaayos o layout ng mga salita sa sign, disenyo ng sign, laki ng font, at iba pa. Ngunit sa ngayon, ang tatlong aspektong nabanggit lamang muna ang pagtutuunan ng saliksik.

Daloy ng Pag-aaral

Ang presentasyon ng saliksik ay nakaayos ayon sa sumusunod na bahagi: • Unang bahagi, ang introduksyon. Dito ilalahad ang suliranin ng saliksik, rebyu ng kaugnay na pag-aaral, layunin, kahalagahan ng pag-aaral, teoretikal na balangkas, metodo ng pag-aaral, saklaw at delimitasyon, at daloy ng pag-aaral.

• Pangalawang bahagi, ang pagpapaliwanag sa konsepto ng tanawing pangwika.

• Pangatlong bahagi, ang paglalahad ng mga datos na binubuo ng mga sign na nakuha sa ilang piling lugar sa UP campus. • Pang-apat na bahagi, ang pagsusuri sa mga datos-wikang ginamit sa mga sign, aktor na gumawa ng sign, paniniwalang pangwika. • Panlimang bahagi, ang kongklusyon ng pag-aaral at mungkahi sa pamamahala ng tanawing pangwika s UP campus.

Salamat Sa Pakikinig! 

Related Documents

Panukalang Saliksik
March 2021 0

More Documents from "Anne Carmel Tan"

Panukalang Saliksik
March 2021 0
January 2021 0
Les Tremies Attaques
January 2021 1
La Llave
February 2021 2
January 2021 1