Posisyong Papel

  • Uploaded by: sean clifford dela cruz
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Posisyong Papel as PDF for free.

More details

  • Words: 1,368
  • Pages: 5
Loading documents preview...
Death penalty: Pabor o Di-pabor? Ang batas na death penalty o parusang kamatayan ay matagal ng pinaguusap-usapan sa ating bansa, kung ito ba ay ipapatupad muli. Marami ang pabor dito at marami rin namang hindi pabor sa pagbuhay muli sa death penalty. Ito ay kontrobersyal na isyu at pinagtatalunan nating mga Pilipino. Ano nga ba ang death penalty o parusang kamatayan? Ayon sa Republic Act No.7659, ang death penalty o parusang kamatayan ay parusang ipinapataw sa mga gumagawa ng kagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis, nakaririmarim, kakilakilabot, at nakapopoot. Ilang halimbawa ng mga krimen na humantong sa kaparusahang ng kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, at rape, drug pushing. Ito ay mabigat na hatol kung ikaw ay gumawa ng karumal-dumal na krimen. Ito na ang pinakamabigat na hatol kung saan ang buhay ng isang kriminal ay nasa kamay ng gobyerno. Ngunit hinde ganun kabilis ang paghatol, dahil ito ay nakabase parin sa bigat ng krimen na ginawa. Ako ay PABOR sa pagpapatupad ng death penalty o sa parusang kamatayan. Hindi na biro sa ating bansa ang sunod-sunod na krimen na nangyayari. Nararapat lang na ibalik ang death penalty saganon ay makaramdam ng takot ang mga naglilipanang kriminal. At pati narin ang hinde matapos-tapos at maubos-ubos na corrupt o ang mga magnanakaw sa pera ng bayan na opisyal ng gobyerno. Napakarami na ang krimen sa ating bansa oras-oras ay may krimeng nangyayari saan mang lugar sa ating bansa. Isa narin dito ay ang napakaraming corrupt sa pera ng bayan na silasila rin ay mga opisyal ng gobyerno, kaya’t tayo parin ay isa sa mga mahihirap na bansa. Wala naring sinasanto ang kriminal ngayon at pati narin ang mga pulis na nangunguna sa krimen, dahil sakanilang posisyon ay sila ay kinikilala bilang isang malalakas, magigiting, at may baril kaya’t

naman sila ay malayang gawin ang kanilang ninanais gawin torture, at rape yan ay ilan lamang sa mga kasong nababalitang ginagawang krimen ng mga pulis, kasama narin ditto ang mga pari na nagsisilbing mabuting ehemplo sa ating mga simbahan, ngayon sila narin ang naglalaman ng mga balita dahil sakinalang ginawang paggahasa, at paghahalay sa mga dalagita. Sobrang taas na ang kriminalidad sa ating bansa dahil hinde sila takot sa ating gobyerno, wala silang ikinababahala dahil kung sila lamang ay mahuhuli at makukulong ay maaari pa silang makalabas sa kulungan, kung kaya’t meron batas na kaparusahang kamatayan ay tiyak na makakatulong ito upang bawasan ang kasong kriminalidad sa ating bansa, tiyak ang mga nagnanais gumawa ng krimen ay matatakot. 7 taon halos bago matuldukan ang isang kaso at mas mapapagastos kaya’t mas mapapabilis nalang ang kaso kung ito ay hahatulan ng sentensyang kamatayan. Masyado ng masikip ang mga kulungan ngayon siksikan na ang mga preso at nagkakahawaan narin sila ng iba’t ibang klase ng sakit, kaya’t mas magandang bitayin nalamang ang merong mga mabibigat na sentensiya. Ang batas na ito nalamang ang kinakailangan ng ating bansa ngayon, ating isipin kung meron itong batas na ito ay Malaya tayong maglakad ng gabi sa mga kalsada ng ligtas at walang rapist. ang mga kawani ng gobyerno narin ang nagsisilbing butas ng mga batas kung ang batas na ito ay maipatupad tiyak pati narin ang mga kawani ng gobyerno ay matatakot. Hinde lamang ang mga kriminal ng mga rapist at murder at iba pa ang pinaguusapan dito imulat rin natin ang ating mga mata sa ating gobyerno dahil maraming krimen rin ang nangyayari sa loob ng gobyerno, ang pagnanakaw ng pera ng bayan kaya’t naman napakaraming naghihirap sa ngayon kaya’t yan ang nagtutulak sa kanila upang humithit at suminghot para mawal sa kanilang isipan ang salitang kahirapan. Kaya’t kung ang batas na death penalty ay maipatupad ang tiyak mapupuksa ang mga salot at magnanakaw sa ating gobyerno sa ganon ay pati narin ang kahirapan sa ating bansa ay tiyak na mapupuksa. Ito man ay labag sa mata ng simbahan lalong lalo na sa mga katoliko, ang pagpatay o ang pagkitil sa buhay

ng isang tao, dahil sila ay umaasa parin ng magbabago ang tao, gayun man marami ang nagbabago ngunit hinde lahat marami parin ang bumabalik sakanilang gawain pagkalabas sa bilangguan. Laganap narin sa ating bansa ang mga karumal-dumal na krimen na hanggang ngayon ay hinde parin mapuksa, kaya’t sila’y hinde takot katapwat ang batas na ito lamang ang may kakayahang makapuksa sa karumal-dumal na nangyayari sa ating bansa, kahit an gating pangulo ngayon ay hinde masulusyunan ang isyung ito at siya rin ay sang-ayon sa death penalty sapagkat kanyang nakikita na ito nalamang ang solusyun. Sa ngayon ang mga ginahasa at pagpatay sa mga inosenteng tao nalamang ang laman ng balita, katulad nalamang ang karumal-dumal na sinapit ng 16 anyos na batang babae na si Christine lee silawan na mula sa cebu. Ang 16 anyos na estudyante na natagpuang patay at balat ang mukha sa bakanteng lote sa barangay bangkal, lapu-lapu city noong marso, ang kanyang brutal na pagkamatay ay walang kasing sama at walang awa ang gumawa nito sa kanya, ilang lamang loob ang inalis sa katawan ng 16 anyos na babaeng na natagpuang patay at kita ang bungo sa lapu-lapu city, cebu. Inalis din ang dila, esophagus, at trachea ni Christine lee silawan at tinanggal din umano ang kaniyang kanang tainga. At isa rin sa brutal na natamo nito ay nagtamo rin ng 30 saksak, dalawampu’t isa rito ay stab wounds at 9 ay defense wounds. At hinde parin nakukumpirma kung ito ba ay ginahasa. Isa lamang si Christine lee silawan ang nagsapit ng ganitong sobrang brutal na pagkamatay. Ito rin ang naging daan ang pagkamatay ni Christine lee silawin para muling ipanawagan ang pagbabalik ng death penalty sa ating bansa. Dahil sa isyung ito ay nabulabog ang ating bansa at umingay ang kanyang kaso, dahil ito nga ay isa nasa pinaka brutal na nasapit ng isang batang babae at meron ring mga naunang karumal-dumal na isyu bago ang paglabas ang isyu nito. Marami mang isyu tungkol sa mga nangyaring judicial error mula sa panahon na may batas pang death penalty o parusang kamatayan, ito ay hadlang upang hinde ipatupad muli ang death penalty sa ating bansa, dahil tayo ay nasa henerasyon ng matatalino,

magagaling, at merong totoong presidenteng nakaupo na si Presidente, Rodrigo Roa Duterte, siya ay isa sa buong mundo na kinakatakutan na presidente dahil siya ay matapang at totoo at lalonglalo na hindi siya tumatanggap ng suhol upang panglinis sa isang dumi ng mga mayayaman. Ngayon ay nawala na ang ingay ng karumal-dumal na isyu ng mga naunang nakatamasa ng mga brutal na pagamatay, at hinde rin natamasa ng mga pamilya nito kahit pa ang mga suspek ng krimen ay nakakulong na ay hinde parin tanggap ng mga pamilya nito, gusto rin nilang ipatamasa ito sa mga gumawa nito. Kaya’t mas lalo nang umingay ang panawagan para death penalty o parusang kamatayan. Kung ito ay hinde parin maipapatupad ang batas na ito ay mas lalo lang lalaganap ang mga ganitong krimen sa ating bansa at isa rin ako na sumusuporta para sa death penalty, ito ay hinde masamang pumatay ng masama dahil ito ay ang kanilang mga pagbabayad pinsala sa kanilang ginawang mga karumal-dumal na gawain. Ang paglabag sa batas ay isa sa hindi magandang desisyon kaya’t mas isipin natin ang mga ikakabuti natin at ng iba. Ang paglabag sa mga batas ay isang mabigat na kasalanan sa mata ng ating mga diyos. Ang pagpatupad ng batas na ito ay makakatulong sa atin at pati narin sa ating mga kinabukasan at sa kinabukasan ng ating bansa. At piliin parin nating gumawa ng tama ng saganon ay tayo rin ang makikinabang. Sa ngayon ang ating kaylangang gawin nalamang ay ang maging mapagkumba, magsikap, at mahalin ang ating kapwa tao, mas matimbang ang magmahal sa kapwa kaysa sa pagpatay ng kapwa. Isipin din natin ang mga desisyon ng iba sa ganun ay ito ang ikabubuti ng sambayanan. Kung ayaw nating matamasa ang mga karumal-dumal na ito ay tulungan nating suportahan ang pagpapatupad ng Death Penalty sa ating bansa. “ it is time for us to fulfill our mandate to protect our people. Tapos na ‘yan. For so long we have to act decisively on this contentious issue. Capital punishment is not only about deterrence, it’s also about retribution” -Presidente Digong

Related Documents

Posisyong Papel
March 2021 0
Posisyong Papel
March 2021 0
Papel
March 2021 0
Papel Tornasol.docx
February 2021 0

More Documents from "Javo Alex"