Presentation

  • Uploaded by: nicole
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Presentation as PDF for free.

More details

  • Words: 971
  • Pages: 22
Loading documents preview...
z

Yunit IV Aralin 5

Pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino

z

Pagtuklas at Pagtatanong Tungo sa Pananaliksik Mga Uri ng Tanong 

Praktikal na tanong – may kagyat na solusyon o aplikasyon

Halimbawa: Paano patitibayin ang bubong ng bahay? Paano magpalit ng gulong ng sasakyan na imimpis o nabutas na? 

Espekulatibo o pilosopikal na tanong – humihingi ng palagay o pagpapalagay tungkol sa isang bagay o sitwasyon.

Halimbawa: May ikalawang buhay ba matapos mamatay ang tao?



Panandalian o tentatibo o mga tanong na batay sa prediksiyon at probabilidad – z batay sa panahon o pagkakataon kung kailan ito naganap o itinanong. sinasagot

Halimbawa: Uulan ba bukas? Ano ang halaga ng piso kontra dolyar sa susunod na linggo? 

Imbestigatibong tanong – tanong na umuusisa o ssumisiyasat.

Halimbawa: Sino ang nagnakaw ng mga manok sa bakuran? Paano nalason ang matandang lalaki? 

Disiplinal na tanong – tanong na umiikot sa mga paksang tinatalakay sa isang disiplina ng pag-aaral.

Halimbawa: Sikolohiya ng wika: Ano ang naibubulalas ng taong bugnutin? Ekonomiks: Ano ang totoong halaga ng perang padala ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa?

z

Proseso sa Pagsulat at Pananaliksik

Pagpili ng paksa z Interesante ito sa pananaw at kalooban ng manunulat. Limitahan ang paksa upang matapos sa loob ng panahong ilalaan. Pagpapahayag ng layunin Kinakailangang makasulat ng panimulang layunin ang manunulat bago simulan ang akda. Bahagi rin ng panimulang layunin ang pagsasaad ng pangunahing ideya o tesis ng ginagawang sulatin. Paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya (kung kailangan) Ayusin ang mga tala at isulat ang ngalan ng may-akda, paksa, at pamagat ng materyal (libro, dyornal, magasin, diyaryo, Internet, at iba pa.)

z

Paggawa ng pansamantalang balangkas Ito ang nagsisilbing gabay sa daloy ng susulating papel. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na papaksa, balangkas na pangungusap, at balangkas na patalata. Pangangalap ng mga datos Datos ang pinakamahalagang yunit ng pananaliksik o anumang akda. Walang pananaliksik kung walang datos. Maaring makuha ang datos mula sa mga mismong taong kalahok sa pananaliksik. Pakikipanayam,focus discussion, at sarbey ang kadalasang metodong gamit.

Nahahati sa dalawa ang mga pinagkukunan ng datos: z



Pangunahing sanggunian – tumutukoy sa orihinal na dokumento na naglalaman ng pangunahin o orihinal na impormasyon tungkol sa paksa.

Halimbawa: talaarawan, pakikipanayam, liham, o orihinal na gawang sining 

Sekondaryang sanggunian – pagbibigay ng interpretasyon sa impormasyong nanakuha.

Halimbawa: reaksiyon hinggil sa isang aklat, palabas, manuskrito, isang kilalang indibidwal, at buod ng isang akda.

z

Ang pinal na balangkas Maaring ang pansamantalang balangkas na narebisa na o maaaring panibagong balangkas. Maaring tanggalin o dagdagan ang ilan sa mga nakalap na datos o sanggunian. Nagsisilbing gabay ang pinal na balangkas upang maisulat ang unang burador.

z

Pagsulat ng burador at pagwawasto Proseso ng pagdaragdag at pagtatanggal ng mga datos o pagbabago ng daloy ng pagtatalakay sa papel o akda. Pagsulat ng kongklusyon Nagtataglay ng pangkabuuang paliwanag hinggil sa nais sabihin ng mananaliksik. Kasama rin dito ang muling pagbanggit sa tesis ng pag-aaral at ang mga tanong na sinagot sa pag-aaral.

z

Tseklist sa pagsulat at proseso ng pananaliksik

z

z

A. Pag-iisip ng paksa

1.

Dapat na manggaling ang paksa sa mismong estudyante at hindi sa ibang tao.

2.

Maaring manggaling ang paksa mula sa karanasan, sariling ideya, pang – araw – araw na gawain at iba pa.

B. Pangunahing ideya ( tesis) ng pag - aaral z

1.

Binubuo ito ng isa o dalawang pangungusap lamang na nagsasaad ng pinakamahalagang ideya na idedepensa ng manunulat o mananaliksik sa kabuuan ng papananaliksik.

2.

Isinasaad din nito kung ano ang nais iparating na mensahe/kaisipan/ideya/ hypothesis ng mananaliksik.

z

C. Layunin kung bakit pinili ang paksa

1.

Ano ang nais makamit ng mananaliksik?

2.

Tentatibong kasagutan ito sa tanong ng mananaliksik o mga pala-palagay.

z

D. Suliranin ng pag – aaral o paglalahad ng problema

1.

Gingawang tanong ang layuning isinaad. Ito ang paglalahadpatanong ng layunin ng pag-aaral. Sa bawat tanong, maaaring dagdagan ng ilang maliliit na tanong.

2.

Ito ang mga tanong na dapat sagutin ng mananaliksik. Iikot ang buong pagsulat at pagsasagawa ng pananaliksik sa mga tanong na ito.

z

E. Paglalahad ng magkakaugnay na pag-aaral 1.

Ipinapakita ang mga pangunahing sanggunian na gagamitin sa pananaliksik.

2.

Inilalahad ang mga hawak nang sanggunian at kaugnay na pag-aaral.

3.

Inilalahad din kung may kakulangan sa mga sangguniang ginamit at pagtitibayin kung paano mapupunan ng pananaliksik ang kakulangan ng mga sanggunian.

4.

Isinasaad kung paano nagkakaugnay – ugnay ang mga sanggunian upang masagot ang suliranin ng pananaliksik at kung paano magbibigay ng bagong kontribusyon ang pag-aaral.

z

F. Metodolohiya

1.

Inilalahad ang proseso na isasagawa upamh makalap ang mga datos. Nagpapakita ng partikular na sistema, dulog, at lapit upang makalap ang impormasyon.

2.

Maaring pagkuhanan ng impormasyon o datos ant aklat, diyaryo, dyornal, panayam, sarbey, internet, at iba pa.

3.

Isinasaad ang ginawang disenyo ng pananaliksik kung quantitative,qualitative, o kombinasyon nito.

z

G. Teorya o dalumat

1.

Ito ang gumagabay sa interpretasyon ng mga datos.

2.

Inilalahad kung anong mga batayang konsepto ang ginagamit sa pag-aaral.

3.

Ipinapaliwanag ang mga abstraktong ideya o konsepto.

z

H. Sakop at limitasyon

1.

Ipinapaliwanag ang saklaw at hangganan ng pag-aaral.

2.

Ipinapanukalang sa ibang pag-aaral gawin ang mga di saklaw na bahagi

z

I. Pagtatalakay sa resulta ng pananaliksik 1.

Ipinapakita ang lohikal na presentasyon ng datos at resulta batay sa mga tanong na sinagot.

2.

Mabusisi at masusing talakayan ito ng napatunayan o napabulaanang tesis o hypothesis ng pag-aaral.

3.

Isinasaalang – alang dito ang paggamit ng tsart, hanay, mga rubrik, estadistika, at modelo upang maging malinaw ang presentasyon ng datos at madaling maunawaan.

z

J. Kongklusyon

1.

Nagsasaad ng buod ng pag-aaral.

2.

Pag-uulit ng mahahalagang puntos mula sa unang bahagi o kabanata ng pag-aaral:tesis,layunin,suliranin,konseptuwal na balangkas mga salita, o komento.

3.

Pagtalakay sa naging tugon sa mga suliraning inihain sa pagaaral.

z

Mga Tagapagtalakay:

Bohol Rioja

Related Documents

Presentation
February 2021 3
Presentation
January 2021 1
Presentation
January 2021 1
Presentation
January 2021 1
Presentation 3
January 2021 2
Reviewer Presentation
January 2021 1

More Documents from "Kimberly Mae Borja Nuestro"