Reflektibong-sanaysay

  • Uploaded by: joy
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Reflektibong-sanaysay as PDF for free.

More details

  • Words: 1,413
  • Pages: 3
Loading documents preview...
Reflektibong Sanaysay Dekada 70 Ni lualhati Bautista Base sa aming napanood na pelikula ay nalaman ko kung bakit ganoon na lamang ang paghahangad ng mga Pilipino na wakasan ang paninibilhan ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa ating bansa. Dahil sa pagkasa ng pangulo ng batas military sa pilipinas ay nagkaroon ng iba’t-ibang kilusan para ipatigil ito. Sapagka’t sa pagkakaalam ng nakakarami, na maraming mga Pilipino ang namatay dahil sa kagagawan ng mga walang pusong mga sundalo. Sa kadilanan naging sakim na sila sa pera at nabalot na ang buo nilang pagkatao sa taglay na kapangyarihang kanilang tinatama. Ngunit, hindi lingid sa lahat na pawing mga madilim na bahagi lamang ng panahong yaon ang naalala ng mga tao. Hanggan ngayon nga ay nilalabanan parin ng mga biktima ang nangyari noon. Hindi ba nila naisip na malaki ang magandang naidulot ng batas military sa ating bansa. Sa aking pagkakaalala marami parin mga tao na hanggan ngayon ay hinahangaan ang dating pangilo dahil sa abilidad nito sa pamumuno sa ating bansa. Sabi ng mga matatanda ng dahil sa batas military ay nagkaroon ng katahimikan ang buong pilipinas. Sapagka’t ang mga criminal, drug addict at mga masasamang Gawain ng tao ay nawala nalang bigla dahil sa takot sa mga sundalo at pulis. Kaya lamang malaki ang disgusto ng mga ibang tao lalo nayong mahilig gumimik ay dahil bawal ng manatili sa kalsada sa kalaliman ng gabi. Mayroon kasing pinalabas na batas ang pangulo na curfew para hulihin ang mga tao na nagpagala-gala pa sa gabi na siyang sinangayunan naman ng mga matatanda, dahil hindi na sila mahihirapan sa paghahanap sa kanilang mga anak. Sa kabilang banda naman, ang masasalamin ko ,ang sarili ko kay Amanda. Katulad niya wala rin akong kalayaan na gawin ang gusto ko sa buhay palagi na lamang ako sumusunod sa mg autos at kagustuhan ng aking tito at tita. Madalas ko ngang sabihin sa isip ko na bubukod talaga ako sa aking pamilya at tatayo sa aking mga paa. Sakadahilanang gusto ko rin mabuhay sa sarili kong mga kamay at pawis. Kundi rin para makawala na ako sa bilangguan na matagal ko ng gusto makalaya. Dahil sa pagkokontrol nila sa buhay ko ay nasasakal na ako. Gaya ng ginawa ni Gng. Amanda. Gusto ko rin iparating sa kanila o ipaintindi na mayroon din akong sariling isip para magdesisyon sa sarili ko. Sa nakita naman nating sa kwento. Madalas na sunod-sunuran lamang siya sa kagustuhan at sa utos ng kanyang asawa. Siguro nanatakot lamang siya na bhalewalain lamang siya o kaya’y iniisip lamang niya ang kanyang mga anak. Sa pagkakaalam ko kasi, parang laki sa layaw ang limang anak niya. Hindi mo pa mapagkakaila na sunod sa gusto dahil inispoil ng kanilang ama. Kung kaya’t kapag may nagawang kabulastugan ang isa man sa lima ay p[inapakausap niya ang asawa para pagsabihan lamang. Ngunit sa kanyang nakikita ay kinukunsinti pa niya ang mga Gawain ng kanyang mga anak at pinapayuhan pa. pero kapag si Amanda naman ang may gusting gawin ay nagagalit naman agad ang asawa nito. Sa palagay ko hindi naman mga dekorasyon ang mga kababaihan na palagi nalang nasa loob ng bahay at nag-aalaga sa kanyang mga anak at asawa. Mayroon din kaming karapatan na gawina ang gusto naming ang mabuhay sa mundong ito na na pantay- pantay lamang sa kalalakihan.

Liwanag at Ningning

Ni Emilio Jacinto Base sa inulat ni Ginoong Jomarwin..nasasalamin ang akdang ito sa nangyayri sa ating lipunan. Dahil sa matagal nating pagkakalipin sa ibang tao ay naghangad tayo ng kalayaan na magkaroon naman tayo ng laya na gumalaw sa sarili nating bayan. Ngunit, sa biyayang binigay ng poong maykapal sa ating lahat ay nagkaroon tayo ng lamat sa ating kapwa. Tayo ay pantay-pantay sa mata ng tao at sa panginoon . subalit ano ang ginagaw a ngmga taong nakakaangat sa buhay. Imbis na tulungan ang mahihina ta mahihirap ay lalo pa nilang nilulugmok sa kahirapan. Hindi siguro lahat ng pag-aari ng mga dayuhan ay dinala ng mga ito sa sariling bansa dahil napapansin ko na mayroon pang natitira na katiting na masamang ugali na na naipasa at nakagawian ng mga Pilipino. Makikita natin ang tunay na nangyayri sa ating lipunan. Halimbawa nito ay kung may dadaan na may dalang kotse sa ating harapan ay mamangha tayo sa ganda at madali tayong napapasunod ng taong iyon gamit ang kanyang yaman. Sa paningin kasi ng mayayaman ay mga hangal tayo sa pera.na siya naming totoo. Habang ang mga taong nagpapakahirap sa buhay ay kinakahiya natin. Hindi ba natin na isip na ang kanilang ginagawa ay marangal . sapagka’t ginagawa nila ang lahat para lamang mabuhay sa mundong ito, hindi katulad ng iba na maginhawa nga sa buhay hindi naman galing sa dugo at pawis ang pera na ginagasta nila sa pagkain, libangan at mga kagamitan. Hindi tulad ng pangkaraniwang tao, kahit na nagpapakahirap sila sa pagtratrabaho ay makikita mo naman ang pagiging kontento at Masaya sa kanilang ginagawa. Alam naman nati na kung sa sarili mong mga kamay nanggaling ang mga perang yaon lubos na ginhawa ay kaligayahan nag iyong nararamdaman sa iyong sarili na kahit ganito ka, alam mo sa kaibuturan ng iyong puso na naging mabuti ka s iyong kapwa, lipunan at sa panginoon.

Pagkilala sa may Akda -Si Federico B. Sebastian ay ang unang pangulo ng "Kapisanan Nang Mga Propesor Sa Pilipino. Siya ay isa sa mga may akda ng “Balarila ng wikang pambansa 1-4”, “Panitikan sa mataas na paaralan 1-4”.

II.

Uri ng Panitikan

Ang “Ito na Pala Iyon” ay isang sikat na dulang pangkomedya.

III. -

V. -

V.

Layunin ng may Akda

Ibig nito mapakita ang pagkakaiba ng mga ugali at kultura nag tao. Gusto rin maipahayag ang mga ugali ng mga Pilipino tungkol sa pagtangkilik sa mga produkto at kaugalian ng dayuhan.

Tema o Paksa ng May-akda Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa kaugalian ng mga tao na naapektuhan ng komersyalismo at dayuhan. Pati na rin ang hindi nakukontento sa mga bagay na mayroon na tayo.

Mga Tauhan sa Akda

-

Claro (Clary) – Galing sa Maynila na asawa ni Berto

-

Alberto (Berto) – probinsyano at mahirap lamang at may mga anak na.

VI. -

Tagpuan/ Panahon

Probinsya

II. Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari -

Nagpapakita ng kultura ng bansa sa isang nakakaaliw na bansa. Maganda ang paraan na ginamit ng may akda dahil naipakita niya ang mga ugali at sitwasyon ng Pilipinas sa akda. Malinaw na mapapansin ang agwat ng lipunan at ang kanilang panananaw sa buhay. Naging maganda ang daloy ng kuwento dahil matatawa ka habang naiinis kay Clary. Ang wakas naman nito ay nakakabitin dahil tila may kulang pang eksena. Ngunit ang isa pa rin itong maganda at nakakaaliw na dula.

III. Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda -

X. -

Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin ito. Sumasakop dito ang kaugalian ng Pilipino sa pag-angkop ng kanluraning kultura. Simpleng halimbawa ay ang pangalan ni Claro na iniba niya na at nanging Clary. Naipakita dina ang agwat ng lipunan, dahil sa mga bagay na kinasanayan ng isang mahirap. Malalaman din dito ang payak na pamumuhay sa probinsya,

Istilo ng Pagkakasulat ng Akda Naging kawili-wili ito at nagawa ng may akda na gawin itong mas nababagay sa mga estudyante. Mayroon siyang mga ginamit na salita tulad ng “Oh my God”, na nakakragdag sa aliw at gaan sa pagbabasa nito. Naging epektibo ang mga salitang ginamit pati na rin ang narasyon.

Buod -

Si Clary ay may kaya sa buhay na nagpaksal kay Berto na probinsyano. Lingid sa kanyang kaalaman, ang paraiso palang sinasabi ng asawa ay ang pagtira nila sa probinsya. Tila isa itong malaking pasakit kay Clary dahil hindi siya sanay sa ganitong buhay. Nariyan ang walang kuryente, tubig na sinasalok pa sa malayo, walang kwarto at iba pa. Ngunit hindi lamang iyon ang malalaman niya tungkol sa asawa. Mayroon na itong mga anak. Dahil doon ay umalis si Clary at doon na lamang daw siya maliligo at magbibihis.

Ang kwentong pinamagatang "Ang ningning at ang liwanag" ay tungkol sa pagkakaiba tunay na kahulugan ng ningning at liwanag. Ang ningning sabi sa akda ay madaya kaya't kailangan nating makita ang tunay na liwanag. Ito ay tungkol sa kung paano nabulag ang mga Pilipino sa ningning ng mga salita, kilos, at paniniwalang Espanyol na pilit nating sinusunod ngayon at maging ng iilan sa kasalukuyan. Matagal tayong nadaya bago natin nakita ang tunay na liwanag at makamit ng kalayaan mula sa mapanlinlang na ningning ng mga Espanyol.

More Documents from "joy"