Sa Tabi Ng Dagat

  • Uploaded by: rhea penarubia
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Sa Tabi Ng Dagat as PDF for free.

More details

  • Words: 768
  • Pages: 4
Loading documents preview...
Sa Tabi Ng Dagat Ildefonso Santos

Marahang-marahang manaog ka, irog, at kata’y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom ng rosas!

Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…

Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nangingimi, gaganyakin kita sa nangaroroong mga lamang-lati;

doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapithapon, kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw… Talagang ganoon: Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan…

Iba-iba kasi ang interpretasyon sa tulang ito. Nasa iyo naman iyan. Sa diskusyon namin, sinabi na hindi daw tradisyonal ang paksa ng tula sapagkat hindi wagas ang pag-ibig na tinutukoy sa tulang ito. Ngunit sa dulo daw ay sinabihan na naaagnas na ang puso. Ang tradisyunal na pag-ibig ay yung panghabambuhay at wagas, pero dito parang naagnas ang puso ng lalaking nagsasalita. May isa pang analysis ang guro ko. Ang sabi naman ng guro ko, sekswal daw ang pinahihiwatig ng tulang ito. Susubukin kong ipaliwanag bawat taludtod o kaya naman bawat saknong. Marahang-marahang manaog ka, irog, at kata’y lalakad, <–dahan-dahan daw bumaba kaya baka ibig sabihin tumatakas sa bahay] maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; <–magkasama silang dalawa sa tabi ng dagat, malamang ay sa naglalakad] di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom ng rosas! <–Huling tatlong taludtod: mayaman ang babae dahil balatsibuyas ang paa at mapula ang sakong. Ibig sabihin, maputi at naiingatan.] Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; <–Dito magtatalik na sila. Nasa damuhan lang sila at madaling araw pa lang kasi basa pa ang damo ng luha ng mga bituin aka may hamog pa.] patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay, hanggang sa sumapit sa tiping buhangin…<–Dito, nagtatalik na daw sila tapos wala daw ingay hanggang maabot na iyong rurok. Yung tiping buhangin dun iyong buhangin kapag bumaba na yung alon sa dagat. Parang ang analohiya dito, yung hangin di ba nagdadala ng alon tapos parang ayun habang nagtatalik sila, palapit nang palapit hanggang sa climax, which is iyong tiping buhangin.] Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nangingimi, <–pagkatapos nung rurok ng kanilang pagtatalik, mangingimi daw iyong babae. Ang ibig sabihin ng ngimi parang hiya pero sa kontekstong ito, parang iyong relapse after ng rurok.] gaganyakin kita sa nangaroroong mga lamang-lati; doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha-bighani, <–sabi ng propesor ko, phallic symbols daw ang tahong at talaba ng female parts kaya sekswal daw talaga ito.] hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapithapon, kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw… Talagang ganoon: Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,

lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan… <–Sa hapon daw, ibabalik na si babae sa kanyang pinanggalingan, sa bahay nya. Sugatan ang paa at sunog ang balat, kasi naman kayo ba naman buong araw sa damuhan di ba. Pero sa dulo, malalaman natin na hindi na mahal ng lalaki ang babae. Yan ay kung minahal nya ba talaga ang babae. Sa huli ay pawang sex na lang ang habol nya. Kurt Russel, college na kasi ako. At multiple Palanca award winner iyong prof ko na tumalakay nito kaya baka exagg na ang analysis nya. Pero kung high school ka lang, hindi mo naman ata iyan pwedeng talakayin sa klase na ganyang level, may nahanap kong ibang analysis. Tungkol daw ito sa life cycle o kaya sa pag-ibig. Sa simula daw mag-nobyo at nobya na mahal ang isa’t isa. Tapos sa pangalawang saknong, magasawa na. Sa pangatlo, may mga anak na (tahong, talaba, etc) tapos sa dulo, kahit mag-asawa na, nawawala din ang pag-ibig. Na kung di aalagaan daw, pwedeng maagnas ang pag-ibig. Na hindi sila naghihiwalay, malamang dahil sa respeto o dahil sa mga anak sila, same routine lang pero sa totoo lang, naagnas na ang pag-ibig para sa isa’t isa. Yung analysis naman na buhay ng tao, sa simula daw bata pa. Tas sa dulo, madami na napagdaanan kaya sugatan na iyong paa at sunog na ang balat. Siguro mas child-friendly iyong sinabi nilang analysis. Dito ko pala nakuha http://kreyziforyou.multiply.com/journal/item/81/sa_tabi_ng_dagat_ni_ildefonso_santos tsaka dito http://khuletzslapshock31.blogspot.com/2008/12/sa-tabi-ng-dagat-ni-ildefonsosantos.html Pero kung college ka na naman, mas groundbreaking na analysis yung sinabi ko di ba? Haha!

Related Documents


More Documents from "Janine Rose Mendoza"

Sa Tabi Ng Dagat
January 2021 2
Psychology For Musicians
January 2021 2
Practical Research
March 2021 0
Lesson 2 Chapter 5-2
March 2021 0
Understanding The Self
January 2021 2
Reviewer Cfas
February 2021 0