Unang Markahang Pagsusulit Sa Araling Panlipunan Iv Sy 2019-2020

  • Uploaded by: May Anne Almario
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Unang Markahang Pagsusulit Sa Araling Panlipunan Iv Sy 2019-2020 as PDF for free.

More details

  • Words: 3,013
  • Pages: 9
Loading documents preview...
3. Nakapagbubuo ng kahulugan ng bansa (AP4AAB-IB-2) 4. Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa (AP4AAB-Ib-3) 5. Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon (AP4AAB-Ic-4) 6. Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at mundo (AP4AAB-Ic-5) 7. Nakapagsasagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala, distansya at direksyon (AP4AAB-Id-6)

1

1

Kinalalagyan

1

25%Pagsasagawa

1

60%Pagpoproseso

1. Nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa (AP4AAB-Ia-1) 2. Naiisa-isa ang mga katangian ng bansa (AP4AAB-Ia-1)

15%Kaalaman

LAYUNIN

ArawBilang ng

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV SY 2019-2020 Talaan ng Ispisipikasyon

1 2

1

1

3

1

1

4

2

2

5, 6

1

7, 8

2

1

2

2

9, 10

8. Natatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa (AP4AAB-Id-7)

2

9. Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropical (AP4AAB-Ie-f-8)

2

10.Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalaman sa klima ng bansa (AP4AAB-Ief-8)

2

2

11. Nailalarawan ang klima sa ibat- ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapang pangklima (AP4AAB-Ie-f-8)

2

1

12.Naipapaliwanag na ang klima ay may kinalaman sa uri ng mga pananim at hayop sa Pilipinas (AP4-AAB-Ie-f-8)

2

2

19, 20

13.Naipapaliwanagang katangian ng Pilipinas bansang maritime o insular (AP4AAB-Ig-9)

2

2

21, 22

14.Napaghahambing ang iba’t-ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig sa bansa (AP4AAB-Ig-h-10)

2

1

15.Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa (AP4AAB-Ig-h-10)

2

1

1

25, 26

2

1

1

27, 28

1

1

13, 14

2

15, 16

1

bilang

16.Naiisa-isa ang mga magagandang tanawin at lugar pasyalan bilang yamang likas ng bansa (AP4AAB-Ig-h10) 17.Naihahambing ang topograpiya ng iba’t-ibang rehiyon ng bansa gamit ang mapang topograpiya. (AP4AAB-Ig-h-10)

2

1

11, 12

1

1

17, 18

23, 24

29, 30

18.Naihahambing ang iba’t-ibang rehiyon ng bansa ayon sa populasyon gamit ang mapa ng populasyon (AP4AAB-Ig-h-10) 19.Nailalarawan ang kalagayan ng Pilipinas na nasa “Pacific Ring of Fire” at ang implikasyon nito. (AP4AAB-Ii-11) 20.Natutukoy ang mga lugar sa Pilipinas na sensitibo sa panganib gamit ang hazard map.(AP4AAB-Ii-j-12) 21.Nakagagawa nang maagap at wastong pagtugon sa mga panganib. (AP4AAB-Ii-j-12) 22.

Nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa. (AP4AAB-Ij-13) KABUUAN

1

2

2

33, 34

1

35, 36

2

1

2

37, 38

1

1

39, 40

24

10

40

2

2

40

6

UNANG MARKAHANG PAGUSUSULIT SA AP IV

1

31, 32

2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliiin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kultura, wika, pamana, relihiyon at lahi ay tinatawag na bansa. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang bansa? A. Bangkok

B. London

C. Makati

D. Pilipinas

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangiang kinakailangan ng isang bansa para sa pagbuo ng maunlad na pamayanan? A. Kultura at Paniniwala B. Mamamayan

C. Pamahalaan at Kalayaan D. Teritoryo

3. Si Carlo ay mag-aaral sa baiting-apat. Nagkaroon sila ng takdang-aralin sa Araling Panlipunan na kung saan ay bibigyan nila ng kahulugan ng isang bansa. Alin sa sumusunod ang pinakamainam na dapat niyang isagot? A. may kalayaang tinatamasa. B. Tumutukoy ito sa mga teritoryong sakop nito. C. nagtataglay ito ng apat na elementong kailangan upang umunlad. D. binubuo ito ng mga taong naninirahan dito kaya tinatawag itong bansa. 4. Kabilang ang Pilipinas sa napakaraming bansa sa mundo na nagtataglay ng mga katangiang dapat niyang taglayin. Paano mo mapapatutunayan ang salaysay na ito? A. may mga taong nagsisilbing instrumento nito sa pag-unlad. B. kabilang siya sa samahan ng mga bansa sa daigdig. C. mayroon itong pamahalaang nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan D. mayroon itong mamamayan, pamahalaan, teritoryo at kalayaang nagsasakatuparan ng mga paraan para sa kaunlaan. 5. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang bumubuo sa kontinenteng Asya. Maaaring matukoy ang kinalalagyan niya batay sa relatibong lokasyon nito. Kung ang pagbabatayan ay ang pangunahing direksyon, anong bahagi ng tubig ang nasa silangan ng Pilipinas? A. Bashi Channel B. Dagat Celebes

C. Karagatang Pasipiko D. Timog Dagat Tsina

6. Kung ang babatayan naman ay ang pangalawang direksyon, makikita ang Dagat Pilipinas sa hilagang silangan nito. Saang bahagi naman ng Pilipinas natin matatagpuan ang Borneo? A. Hilagang Kanluran B. Hilagang Silangan

C. Timog Kanluran D. Timog Silangan

7. Ang Pilipinas ay ikalawang pinakamalaking kapuluang matatatagpuan sa rehiyong Timog Silangang Asya. Tinagurian ang Pilipinas na “Pintuan ng Asya dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko.Ano ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo? A. 4 – 20 H latitude at 116 – 126 S longhitud B. 4 – 21 H latitude at 116 – 126 S longhitud

C. 4 – 20 H latitude at 116 – 127 S longhitud D. 4 – 21 H latitude at 116 – 127 S longhitud

8. Bilang isang Pilipino, mahalagang matukoy mo ang lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa mga nakapaligid dito gamit ang una at pangalawang direksyon. Saang bahagi ng Asya makikita ang Pilipinas? A. Kanlurang Asya B. Silangang Asya

C. Timog Asya D. Timog Silangang Asya

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop na paliwanag sa Pilipinas? A. na ang Pilipinas ay binubuo lamang ng iisang pulo B. isang kapuluang napapalibutan ng mga anyong tubig

C. ang bansang Pilipinas ay nasa kanlurang bahagi ng Asya D. mas malaawak ito kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia 10.Sa direksyon ng Pilipinas sa Asya makikita ang mga bansang malapit sa kanya. Kung distansya ang titingnan sa mapa, aling bansa ang mas malapit sa Pilipinas? A. Brunei B. Indonesia

C. Malaysia D. Thailand

11. Makikita sa mapa na ang Pilipinas ay humigitkumulang sa 1 000 kilometro ang layo mula sa kalakhang Asya. Maraming bansa, dagat at karagatan sa paligid nito. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Pilipinas? A. isang pulong napapalibutan ng mga anyong tubig. B. hindi bahagi ng Asya kundi ng Karagatang Pasipiko. C. malapit lamang ito sa malaking kalupaan ng bansang Tsina. D. bahagi ng kontinenteng Asya at nabibilang sa rehiyong Timog-Silangang Asya 12. Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,100 mga pulo. May 1,851 kilometro ang haba nito mula sa hilaga patimog at 1 107 kilometro naman mula kanluran pasilangan. Gaano kalaki ang lawak na sakop ng Pilipinas? A. 200 000 kilometro kwadrado B. 300 000 kilometro kwadrado

C. 400 000 kilometro kwadrado D. 500 000 kilometro kwadrado

13.Malapit ang kinalalagyan ng bansang Pilipinas sa ekwador at nasa mababang latitud kaya’t tropikal ang klimang nararanasan dito. Direktang nakakatanggap ng sikat ng araw ang bansa at maalinsangan din ang klima. Alin ang tamang paglalarawan ng klima sa bansang Pilipinas? A. B. C. D.

Napakainit sa Pilipinas Napakalamig sa Pilipinas Malamig at mainit sa Pilipinas Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas

14.May mga bahagi ng mundo na direktang nasisinagan ng araw at mayroon din namang bahagya lamang ang nararamdaman sa loob ng isang taon. Saan pangkat kabilang ang Pilipinas ayon sa kinalalagyan nito sa mundo? A. Rehiyong Kontinental B. Rehiyong Polar

C. Rehiyong Temperate D. Rehiyong Tropikal

15.May mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa tulad ng temperatura at dami ng ulan. Ito ay batay rin sa lokasyon o kinalalagyan ng isang bansa sa mundo. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperature ng Pilipinas? A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas. B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas. C. Karamihang malamig ang klima sa mga lugar sa Pilipinas. D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa Pilipinas sa kanyang temperatura. 16.Ang Pilipinas ay nakararanas ng malamig na panahon dulot ng hanging nanggagaling sa hilagang-silangan ng Siberia. Sa salik na nabanggit, anong buwan nararamdaman ito sa ating bansa? A. Enero B. Abril C. Agosto D. Disyembre 17.Gamit ang mapang pangklima ng Pilipinas, anong klima ang nararanasan sa may kanlurang bahagi ng Cagayan at Silangang Palawan?

A. B. C. D.

unang uri ng klima. ikalawang uri ng klima. ikatlong uri ng klima. ikaapat na uri ng klima.

18.Narinig mo mula sa radyo na ang inyong lugar ay isa sa mga tatamaan ng bagyo na may babala bilang tatlo. Bilang isang magaaral, ano ang nararapat mong gawin? A. Pumasok sa paaralan upang wala kang maitalang liban. B. Tumigil sa loob ng bahay at laging makinig sa update tungkol sa bagyo. C. Huwag pumasok sa paaralan at magtungo sa mall sapagkat ligtas doon. D. Makipaglaro na lamang sa kapitbahay dahil malakas ang ulang dulot nito. 19.Maraming pananim gaya ng niyog, tubo at iba pa ang makikita sa Pilipinas dahil may kinalaman dito ang uri ng klimang nararanasan ng ating bansa. Bakit kaya palay ang pangunahing pananim sa bansa? A. Nakatutulong sa pagtubo ng palay ang lupang di-gaanong malagkit kung magputik at ang maulan at mainit na klima dito sa bansa. B. Hindi bababa sa 30֯C ang temperatura at may katamtamang dami ng ulan sa lahat ng dako ng bansa. C. Nakakubli sa hangin ang pananim na ito na angkop sa mga lugar sa bansa na may katamtamang patubig lamang. D. Ang temperaturang hindi bababa sa 21֯C at hindi naman tataas sa 32֯Cay mainam para sa mga palay. 20.May kinalaman ang klima kung bakit natatangi ang mga pananim at hayop na sa Pilipinas lamang makikita. Ano ang pinakamainam mong gawin upang hindi mamatay at maubos ang mga likas na kapaligiran tulad ng mga hayop at pananim sa ating bansa? A. Tangkilikin sa tuwi-tuwina. B. Ipagmalaki sa mga dayuhan C. Pasyalan at gawing pook libangan D. Pangalagaan at panatilihin ang kaayusan 21.Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang matatagpuan sa Timog Silangang Asya ngunit masasabi din na ito ay nakahiwalay sa ibang bansa ayon sa lokasyong insular nito. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa? A. Napapaligiran ng mga dagat at karagatan B. Napapaligiran ng mga bansa sa Asya C. Kakikitaan ng maraming baybayin D. Mayaman sa yamang dagat 22.Masasabing maganda ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa sapagkat maraming dahilan upang mapaunlad nito ang bansa. Alin ang hindi kapakinabangan ng pagiging isang bansang insular ng Pilipinas? A. Madaling masasakop ng ibang bansa ang ating bansa. B. Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal mula sa ibang bansa. C. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin nito. D. Ang kainaman ng mga daungan sa bansa na nagsisilbing daanan ng mga sasakyang pandagat. 23.Napakaraming anyong lupa at anyong tubig sa bansa na mainam na pagkunan ng mga yaman na makakatutulong sa pag-unlad nito. Kung paghahambingin ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig sa bansa, alin sa mga sumusunod na salaysay ang HINDI wasto ang isinasaad?

A. Ang kipot at tsanel ay parehong nagdurugtong sa dalawang malaking anyong tubig. B. Ang lawa at ilog ay parehong anyong tubig na di gaanong kalakihan at maalat ang tubig nito C. Ang lambak ay tulad din ng kapatagan na may patag na lupa at malawak na lupain na nasa pagitan bundok. D. Ang talon at bukal ay parehong anyong tubig na umaagos mula sa mataas na lugar samantalang ang bukal ay nagmumula sa ilalim ng lupa. 24.Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig. Ang mga ito ay nagiging daan upang makaakit ng maraming turista sa bansa tulad ng Bulkang Taal sa Batangas, Chocolate Hills sa Bohol, Banawe Rice Terraces sa Baguio at marami pang iba. Alin sa palagay mo ang mas pinapakinabangan ng ating bansa? A. mas maraming yaman ang nakukuha sa mga bundok at kapatagan ng bansa. B. mas maraming yaman ang nakukuha sa iba’t ibang anyo ng yamang tubig ng bansa. C. Walang gaanong pakinabang sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa D. Parehong malaki ang pakinabang sa mga yaman ng anyong lupa at anyong tubig ng bansa. 25.Ang mga yamang mineral ay mahalagang sangkap sa paggawa na kailangan ng mga pabrika at industriya. Nakukuha ito sa ilalim ng lupa. Aling yamang mineral ang panlima sa Pilipinas na may pinakamayamang deposito nito? A. bakal

B. ginto

C. nickel

D. tanso

26.Ang mga likas na yaman ay mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, lawa, ilog, dagat at iba pa kasama na rito ang mga mineral. At mapalad ang Pilipinas sapagkat marami nito ang bansa. Ano-ano ang pangunahing biyayang dulot nito sa mamamayan? A. Kayamanan at pasyalan B. Palamuti at industriya

C. Pagkain, damit at tirahan D. Pasyalan, pahingahan at turismo

27.Maraming bulkan ang matatagpuan sa Pilipinas. Anong bulkan ang matatagpuan sa Albay na itinuturing na pinakamaganda dahil sa halos perpektong hugis nito? A. Bulkang Bulusan B. Bulkang Mayon

C. Bulkang Kanlaon D. Bulkang Taal

28.Sa bahaging Mindanao, makikita sa Lungsod ng Iligan sa Lanao del Norte ang pinakamataas na talon sa bansa na may taas na 320 talampakan. Aling talon ang may lakas na kayang magtutustos ng koryente sa malaking bahagi ng lungsod? A. Talon ng Limunsudan B. Talon ng Maria Cristina

C. Talon ng Pagsanjan D. Talon ng Tinago

29.Ang topograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng isang lugar at ang bansang Pilipinas ay nahahati sa ibat-ibang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang pinagbatayan sa pagkahati-hati ng bansa sa ibat ibang rehiyon? A. Pisikal na kapaligiran B. Pagkakaisa ng kultura C. pagkakaugnay ng mga produkto at hanapbuhay D. lahat ng nabanggit 30.Kapag pinaghambing ang 17 mga rehiyon sa bansa na may sariling yaman at katangian, aling bahagi o rehiyon ng bansa mas mainam manirahan? A. Sa mga rehiyon ng Luzon dahil maraming mga hanapbuhay ang maaasahan dito. B. Sa mga rehiyon ng Bisayas dahil sagana ito sa mga magagandang tanawin na maaaring pagkakitaan. C. Sa mga rehiyon ng Mindanao dahil may mga malalawak kapatagan at mayayamang anyong tubig. D. Kahit saang rehiyon ng bansa ay maaaring manirahan dahil maraming likas na yaman sa bawat sulok ng bansa

31. Ayon sa datos ng populasyon, pinakamarami ang naninirahan sa CALABARZON na may sukat ng lupa na 16, 386 kilometro kwadrado kaysa NCR na may 638.55 kilometro kwadradong sukat o lawak lamang ng lupa. Samantala, ang CAR ay may sukat na 18, 294 na may pinakamaliit na bilang ng naninirahan. Ano ang ibig ipahiwatig nito? A. Batayan ang laki ng sukat o lawak ng isang lugar sa laki ng populasyon. B. Hindi batayan ang laki ng sukat o lawak ng isang lugar sa laki ng populasyon. C. Pagliit ng sukat o lawak ng isang lugar, pagliit din ng bilang ng populasyon dito D. Paglaki ng sukat o lawak ng isang lugar, paglaki din ng bilang populasyon ditto 32.Bakit marami ang nagnanais na manirahan sa Kalakhang Maynila o National Capital Region kaysa sa ibang rehiyon? A. makabago ang rehiyong ito B. nasa sentro ito ng ating bansa C. maraming naggagandahang gusali dito D. maraming oportunidad dito para makapag-aral at kumita. 33.Halos buong Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire dahil nakalatag dito ang maraming aktibong bulkan at malimit nagaganap ang paglindol. Ano kaya ang maaaring masamang dulot nito sa tao o mamamayan? A. nagiging resilient o matatag ng tao B. naghahatid banta sa buhay at ari-arian ng tao C. nagbibigay ng matabang lupa na mainam sa agrikultura D. nagpapabilis sa pag-unlad ng teknolohiya at makinaryang pangkaunlaran 34.Bagamat may masamang dulot ang pagiging bahagi ng Pacific Ring of Fire ng bansang Pilipinas, alin sa mga sumusunod ang magandang dulot nito sa ating bansa? A. Paglalaan ng malaking pondo para sa paglilikas ng mga tao sa panhon ng kalamidad B. Naghahatid ng mayamang lupa na mainam para sa agrikultura C. Winawasak o sinisira nito ang ating mga magandang kalikasan D. Lumalawak ang kalupaan para sa panirahan ng mga tao 35.Ang hazard map ay nagpapakita ng mga lugar na panganib sa baha, bagyo at storm surge. Aling lugar kaya ang pinakamainam na puntahan upang makaiwas sa panganib? A. Mabababang lugar B. Makakahoy na lugar

C. Masisikip na lugar D. Matataas na lugar

36.Alin sa mga sumusunod ang angkop gamitin upang alamin ang mga lugar sa bansa na mapanganib at magsilbing batayan sa paghahanap ng lugar na malilipatan sa orsas ng kalamidad? B. Demographic map A. Climate map C. Hazard map D. Physical map 37.Habang nasa loob ka ng silid-aralan at abala sa pagsasagot ng inyong pagsusulit ay bigla mong naramdaman na lumilindol. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin? A. Sumigaw na mayroong lindol B. ipagwalang bahala ang naramdaman C. Sabihin sa mga kaklase na tumakbong palabas D. Maging alerto at magsagawa ang “duck, cover and hold.”

38.Maaga kang nagising dahil sa lakas ng ulan at hangin sa labas ng bahay. Narinig mo rin sa radyo na kabilang ang inyong lugar na apektado ng bagyo. Ano ang nararapat mong gawin kung wala pa namang anunsyo sa pagkakansela ng klase? A. Manatili sa loob ng bahay. B. Maghintay humina ng ulan bago pumasok. C. Dali-daling magbihis upang makapasok agad nang maaga. D. Ipagwalang bahala ang narinig at yayain ang kapatid na pumasok. 39.Ang pagiging arkipelago o pagkakaroon ng malalaki at maliliit na pulo gayundin ang pagkakaroon ng mahahabang bulubundukin ay may malaking pakinabang sa pag-unlad ng bansa. Ano ang kahalagahan ng katangiang pisikal na ito sa bansa? A. Nagsisilbing panangga sa mga bagyong dumarating. B. Nagbibigay ng iba’t ibang mga produktong makukuha dito

C. Nagiging magandang pasyalan ng mga mamamayan at ng mga turista D. Lahat ng nabanggit ay mahalaga sa pagpapa-unlad ng bansa. 40.Malaki ang naidulot sa bansa ng pagiging mayaman nito sa katangiang pisikal kagaya ng mga anyong lupa gayundin ang napakagagandang dalampasigan, ilog, lawa at talon. Ano ang naging kahalagahan nito sa ating bansa? A. Napagkakakitaan ito ng mga mamamayan. B. Napaunlad nito ang pagiging matatag at determinado ng mga mamamayan. C. Nagkaroon ng pagkakaisa, pagtutulungan at malasakit sa kapwa ang mga mamayanan. D. Malaki ang pakinabang ng bansa sa katangiang pisikal nito kabilang ang nasa titik A, B at C.

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SY 2019-2020 SUSI SA PAGWAWASTO 1. D 2. A 3. C 4. D 5. C 6. A 7. B 8. D 9. B 10.A 11.D 12.B 13.C 14.D 15.C 16.A 17.C 18.B 19.A 20.D 21.A

22.A 23.B 24.D 25.C 26.C 27.B 28.B 29.D 30.D 31.B 32.D 33.B 34.B 35.D 36.C 37.D 38.A 39.D 40.D

Related Documents


More Documents from "GraceMargate"