Venus Docs Fsw

  • Uploaded by: Venus Arriane Acid Obnasca
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Venus Docs Fsw as PDF for free.

More details

  • Words: 1,773
  • Pages: 8
Loading documents preview...
Pagsusuri ng Napiling Pelikula Hinggil sa Isyung Migrasyon at Diaspora na Pinamagatang

“FOUR SISTERS AND A WEDDING”

Isinulit ni: Obnasca, Venus Arriane A. BSBA2FM-B2

Isinulit kay: Manneth O. Boncales

PAMAGAT:

Four sisters and A wedding Para sa akin ang pelikulang ito ay gumigising sa kawilihan at pananabik ng mga manonood. Isa pa, ito ay orihinal na isinulat ng isang batikang tagasulat ng senaryo na si VANESSA R. VALDEZ at hindi nagbubunyag ng wakas. Sapagkat sa huli ng kwento mapapaisip ang manonood kung sino ba talaga ang totoong ikakasal. Ang pelikulang ito ay kapupulutan ng aral ng mga manood hindi lamang para sa mga bata, teenager at pati na rin mga magulang.

MGA TAUHAN:

MGA KARAKTER NA GINAMPANAN NG MGA ARTISTA SA PELIKULA: May kani-kaniyang sikreto at problema ang magkakapatid na Salazar. Si Teddie (Toni Gonzaga), ay hindi kagalingan na guro sa Espanya na ngayo'y isa na lamang katulong at waitress. Hindi niya maamin sa kanyang pamilya ang totoo niyang trabaho dahil ayaw niyang mapahiya. Si Toni Gonzaga ay kilala natin bilang isang aktres na madami ng napatunayan sa larangan ng pag-arte sa industriya ng showbiz. Hinggil dito masasabi ko sa kanyang naging karakter sa pelikulang ito ay nagampanan niya ng maayos at kung kelangan niyang umiyak o magpatawa ay nagawa niya. Si Bobbie (Bea Alonzo), ay nasa New York City bilang matagumpay na Communications Manager. Naging mahirap man sa kaniya ang mapahiwalay sa sariling pamilya, ngunit hindi ito naging hadlang para maging matagumpay siya sa kaniyang propesyon na tinahak. Para sa akin isa siyang batikang aktres na hindi kumukupas sa larangan ng pag-arte sa industriya ng showbiz. Ang ginampanan niyang karakter sa pelikulang ito ay maihahalintulad ko sa mga nauna niyang pelikula tulad ng “One More Chance”, “A Second Chance” at “The Mistress” at marami pang mga pelikula. Hindi pa rin kumukupas ang galing niya sa larangan ng pag-arte bagkus lalo itong nagpapahusay sa karakter na kaniyang ginampanan. Si Alex (Angel Locsin), isa siya sa hinahangaan kong batikang “versatile na aktres” sa larangan ng pag-arte sa industriya ng showbiz. Bukod sa marami na siyang napagtagumpayan at napatunayan kagaya ng paghirang sa kanya na “best actress” sa pelikulang “One More Try” at ang pagtangkilik sa kanyang teleserye na “The Legal Wife” na “top trending” sa social media at talagang minahal at sinubaybayan ng buong sambayanan. Sa pagganap niya bilang si Alex sa “The Four Sister’s and A Wedding” talagang lubos niyang naipakita ang kaniyang husay sa pagarte, dahil nabigyan niya ng hustisya ang kanyang karakter dito, kahit pa siya ay tinaguriang “black sheep” ng pamilyang Salazar sa pelikulang ito. Si Gabbie (Shaina Magdayao), ang tanging kapatid na babaeng naiwan sa kanilang bahay kasama ng kanilang inang si Grace at bunsong kapatid na si Cj. Sa karakter na kaniyang ginampanan masasabi kong isa siyang batikang artista, na sa likod ng maamo niyang mukha hindi maikukubli ang galing niya sa pag-arte at pagsayaw. Si Grace (Coney Reyes), tumayong nanay at tatay ng pamilyang Salazar. Masasabi ko sa karakter na kaniyang ginampanan sa pelikulang ito, ay isa siyang huwarang ina na gagawin ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Bukod sa puro pagiging ina ang ginagampanan niyang karakter sa mga teleserye hindi na naging mahirap para sa kaniya na magampanan ng ayos ang karakter niya sa pelikulang ito.

Si Cj (Enchong Dee), nakilala at hinangaan ang kaniyang galing sa pag-arte sa kaunaunahan niyang teleserye na “Katorse”. Naging basehan ko ito na mas nahasa ang kaniyang pag akting sa ginampanan niyang karakter sa pelikulang ito. Si Princess (Angeline Quinto), para sa akin hindi naging maganda ang pagganap niya sa karakter na ito sapagkat yung tono niya ng pananalita ay laging pataas na kala mo lagi ay kumakanta. Si Jeanette (Carmi Martin), kitang kita ang pagiging comedian niya sa pelikulang ito. Bukod sa minsan ay nagiging serious ang mukha niya hindi pa rin maitatago ang nakatatawa nitong pag-arte. Para sa akin mas mabuti pang sa pang-seryosohan siyang karakter inilagay sapagkat dun siya bihasa. Si Honey Boy (Boboy Garovillo), nagampanan naman niya ng maayos ang karakter na ibinigay para sa kaniya. Lumabas din ang pagiging komedyante niya sa pagganap sa pelikulang ito. Samantalang nagampanan naman ng mga sumuportang aktor/aktres ang karakter na ibinigay sa kanila.

BUOD NG PELIKULA: Ang istorya ay nag simula sa apat na babaeng magkakapatid na humihiling ng isang baby brother ng sagayo'y kanilang maranasan ang pagkakaroon ng kapatid na lalaki at maturing nila itong bunso, hindi nagtagal ang kahilingan ng apat ay natupad at ang bunso nilang kapatid ay ginampanan ni “Enchong Dee” bilang si "CJ". sa pag lipas ng mga taon ang limang magkakapatid ay may mga kani-kaniyang trabaho at may mga sarili ng desisyon. Dito pumasok ang pagpasya ng nakabubunso nilang kapatid na si CJ na magpakasal sa kanyang nobya na si "Princess" na ginanpanan ni Angeline Quinto. ngunit ang apat na nakakatandang kapatid ni CJ ay hindi sumasang-ayon sa kanyang desisyon. Iniisip nila ang mga negatibong resulta kung sakaling ituloy ni CJ ang pag-iisang dibdib sa kanyang nobya. at dito na rin pumasok ang gulo sa pamilya "Salazar". Kasing yaman ng gutierrez family sa totoong buhay ang mapapangasawa ni CJ wala namang kakikitaang masamang ugali ang pamilya nito sa halip sila pa ang mapagkumbaba at gagastos sa kasal ng dalawa, ngunit ang apat na nakatatandang kapatid ni CJ ay duda sa mga pinapamalas na ugali ng pamilya Bayag. Kaya't ang apat na magkakapatid ay gumawa ng paraan upang matigil ang kasalan at dahil dito mas lumala ang problemang kinakaharap ng pamilya Salazar, ngunit ang apat na nakatatandang kapatid ni CJ ay may mga kani-kaniya ding hinanakit at pagkukulang sa pamilya.

Ngunit sa huli ay nangibabaw pa din ang kapatawaran sa isa't isa, at nag kaayos ang dalawang pamilya.

Banghay ng mga pangyayari: TAGPUAN: Ang tagpuan ay ginanap sa Espanya, kung saan nagtatrabaho si TEDDIE, New York City, kung saan nagtatrabaho si BOBBIE at sa Pilipinas kung saan mas umikot ang tagpuan ng istorya.

Protagonista: Para sa akin ang naging protagonista sa pelikulang ito ay si GABBIE, bakit? Dahil siya lang sa magkakapatid ang nag-isang nag-asikaso sa kanilang ina na si Grace at sa kanilang bunsong kapatid na si Cj. At bukod dito kahit gustong-gusto na siyang pag-aplayin sa lugar kung nasaan si Bobbie ay hindi niya gawin dahil sa iniisip niyang walang mag-aalaga sa kaniyang ina at kapatid.

Antagonista: Ang suliranin sa pelikula ay TAO laban sa kaniyang SARILI, sapagkat sa dulo ng pelikula lumabas ang mga hinanakit ni BOBBIE. Na kailangan niyang maging malakas at maging matigas para lang maging matagumpay siya sa kaniyang propesyon habang malayo siya sa kaniyang pamilya. Ang kasunod ay TAO laban sa TAO, sapagkat makikita sa pelikulang ito ang hinanakit ng magkakapatid sa isa’t isa. At ang pagkompronta ng inang si Grace sa Pamilyang Bayag.

Tema: Pampamilya



dahil dito nasukat ang pagmamahal ng pamilya kahit ano man ang uri ng trabaho o magsinungaling ka man, sa huli mapapatawad at tutulungan ka pa rin nila.

Komedya

– sapagkat ang pelikulang ito ay pwede sa lahat ng manunuod at may mga eksenang

mapapatawa talaga tayo.

Pakikipagsapalaran – kaya isinama ko ang pakikipagsapalaran sa kadahilanang ang eksena sa pelikulang ito na kung saan si TEDDIE ay nagdoble ng trabaho para lamang may maipadala sa pamilya sa pilipinas. Ngunit lingid sa kaalaman ng pamilya ang akalang trabaho ni teddie ay isang Master Teacher, pero ang totoo ay isa siyang “maid at waitress”.

Aspektong teknikal: Sinematograpiya: Para sa akin naging malinaw at kaaya-aya ang pelikulang ito dahil na rin siguro sa malinaw ang pagkakuha ng anggulo ng mga eksena lalo na nung dumating sa eksenang ipinokus kay BOBBIE ang kamera. Mas napalutang ang galing ng mga aktor/aktres dahil na rin sa maayos na pagkakatimpla ng mga ilaw at lente ng kamera.

Musika at tunog: Magaganda ang tunog at musika na ginamit dala na rin ng may pagkakomedyante ang pelikulang ito at kung minsan ay madrama ang eksena naangkupan naman ito ng tunog at musikang kanilang ginamit rito.

Visual EFfects: Ang mga visual effects na ginamit sa pelikulang ito ay nakatulong upang mapalutang ng mga aktor/atres ang kanilang mga karakter na ginagampanan. Tulad na lang sa bahay ng mga Salazar at bahay ng pamilyang Bayag. Lalo na ampunan kung saan lumaki si FRODO-ang lalaking tumulong kay teddie na makauwi sa pilipinas.

direksiyon: Ang pelikulang Four Sisters and A Wedding ay ipinalabas noong 2013 sa direksyon ng isa sa pinakakilalang direktor, at marami ng napatunayan sa ating industriya. Masasabi ko na isa siya sa hinangaan kong direktor, sapagkat ang lahat ng pelikula na kaniyang idinerehe ay pumapatok at nagiging “blockbuster”. Ang pelikulang ito ay kumita ng humigit kumulang na ₱145,029,261.00. Kaya mas lalo ko siyang hinangaan at ang lahat ng mga aktor/atres na kaniyang tinuruan sa mga emosyon at pag-arte na kanilang gagawin ay talagang nailabas at lalong nagpakulay sa kabuuan ng pelikula.

Editing: Ang pelikulang ito masyadong maganda para sa mga manonood kaya ang editing na kanilang ginawa ay hindi mo makikita rito. Lalo na sa eksenang magkakausap ang mga babaeng Salazar gamit ang selpon habang nasa malalayo silang lugar. Yun lang masasabi ko at wala ng iba sapagkat hindi naman naging putol-putol ang mga eksena ng pelikula.

Disenyong pamproduksiyon: Para sa akin naging maayos at ang mga tagpuan na kanilang ginamit sa pelikulang ito ay talagang pinaghandaan at pinag-isipan ng maayos. Ang mga kasuotan na ginamit ng mga artista sa pelikulang ito ay talaga namang kaaya-ayang tingnan at naaayon sa mga eksena. Mas nagustuhan ko ang mga kasuotan nila sa huling eksena kung saan ginanap ang kasal nina BOBBIE at TRISTAN, mas lalong naka-atrak sa mga manonood sapagkat bihira lang makita sa pelikula ang ganung klaseng mga gown sa kasal.

Kabuuang mensahe ng pelikula: Ipinahiniwatig ng pelikula na ang bawat tao ay may sariling kakanyahan na dapat unawain at igalang. At sa loob ng isang ugnayan, tulad ng pamilya, ang mga pagkakaibang ito ay maaaring maging sanhi ng mga emosyonal na tunggalian at di pagkakasundo. Malakas ang mensahe ng pagtanggap at pagpapatawad sa kabila ng sakit at pagkukulang. Madalas mangyari sa magkakapatid ang inggitan, iringan at sumbatan pero sa huli, kailangang mangibabaw ang pagkakasundo, hindi lamang dahil magkadugo sila kundi dahil bilang mga tao sa loob ng isang mahigpit na ugnayan, ang paghihilom ay mangyayari lamang sa sandaling mangibabaw ang pagmamahal at pagpapatawaran. Sa kabila ng melodrama nagawang ipakita ng pelikula ang komprontasyon ng pamilya hindi bilang tunggalian ng pagkatao kundi pakikipagtunggali sa sarili. Kahanga-hanga rin ang pagsusumikap ng magkakapatid naitaguyod ang pamilya sa kabila ng mga hinihinging sakripisyo. Muli, binibigyang diin ang halaga ng pamilya para sa mga Pinoy. Binigyang diin din ang kakayahang umahon sa pagkakamali at magsimula muli—na siyang nagagawa kapag natutong magpatawad sa mga pagkukulang.

Related Documents

Venus Docs Fsw
February 2021 0
Venus
March 2021 0
Docs Del.xlsx
March 2021 0
Technip - All Docs
February 2021 0

More Documents from "api-3702722"

Venus Docs Fsw
February 2021 0
February 2021 0
February 2021 0
Regalo
February 2021 1
Memory Effects
January 2021 1