Walang Panginoon

  • Uploaded by: Barbie Talaga Ramirez
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Walang Panginoon as PDF for free.

More details

  • Words: 937
  • Pages: 21
Loading documents preview...
MAIKLING KWENTO

WALANG PANGINOON

*DEOGRACIAS A. ROSARIO *AMA NG MAIKLING KWENTONG TAGALOG *ISA NANG MANUNULAT SA GULANG NA 13 *IPINANGANAK NOONG OKTUBRE 17, 1894 SA TONDO, MANILA.

MGA TAUHAN • Marcos – siya ang pangunahing tauha sa kwento na punong puno ng galit sa asenderong si Din Teong. • Don Teong – Siya ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos na sa pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay • Ina ni Marcos – palaging nagpapakalma sa galit na nararamdaman ng knyang anak para kay Don Teong. • Anita – babaeng pinakamamahal ni Marcos na namatay dahil sa kalupitan ng ama niyang si Don Teong.

TAGPUAN • Kabukiran • Ilog

• lupain ni Don Teong.

URI NG KWENTO KWENTO NG TAUHAN INILARAWAN NG MGA PANGYAYARING PANGKAUGALIAN NG MGA TAUHANG NAGSISIGANAP

KAMALAYANG PANLIPUNAN Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungang

ISITILO NG PAGLALAHAD

• Binabase ng may akda sa sitwasyon pangyayari o karansan sa buhay ito ay angkop sa antas ng pag unawa ng mambabasa

BUOD Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

SINA MARCOS AY PINAGBABAYAD NG BUWIS PARA SA LUPANG KANILANG SINASAKA KAHIT NA ITO’Y KANILANG MINANA SA KANILANG MGA NINUNO. DAHIL SA WALANG KAKAYAHANG IPAGTANGGAL ANG KANILANG KARAPATAN, NAPILITAN SILANG MAGBAYAD SA KANILANG SARILING PAGAARI IYANG ANG DAHILAN NG PAGKAMATAY NG KANIYANG AMA AT DALAWANG KAPATID. NAMATAY SILANG PUNUNGPUNO NG SAMA NGLOOB KAY DON TEONG NA MATAGAL NILANG PINAGSISILBIHAN. LALONG SUMIDHI ANG GALIT NI MARCOS KAY DON TEONG NANG MALAMAN NIYANG ANG DAHILAN NG PAGKAMAMATAY NG KANIYANG KASINTAHAN NA SI ANITA AY SI DON TEONG. SINAKTAN NI DON TEONG SI ANITA NA SIYANG KINAMATAY NITO.

SA DAMI NANG MGA NAWALANG MAHAL SA BUHAY NI MARCOS, HINDI KATAKATAKANG TAKOT SIYANG MARINIG ANG ANIMAS, ANG MALUNGKOT NA TUNOG NG KAMPANA. HINDI PA NAMAN HUMUHUPA ANG GALIT NIYA, SIYA NAMING PAGDATING NG ISANG KAUTUSAN NG PAMAHALAAN NA SILA AY PINAPAALIS NA SA KANILANG TAHANAN, NGAYON PANG MALAGO NA ANG KANYANG PALAYAN DAHIL SA DUGO AT PAWIS SA MAGHAPONG PAGBUBUKID. BINIGYAN SILA NI DON TEONG NG ISANG BUWANG PALUGIT UPANG LISANIN ANG LUPANG KANILANG TINITIRHAN. ALAM NIYANG ANG MGA NANGYAYARING IYON SA BUHAY NILA AY KAGAGAWAN NG MAPANGSAMANTALANG SI DON TEONG.

DAHIL SAG ALIT NA NARARAMDAMAN NI MARCOS KAY DON TEONG, NAG-ISIP SIYA NG PARAAN KUNG PAANO SIYA MAKAKAPAGHIGANTI DITO. NAGBIHIS SI MARCOS NANG TULAD NG KAY DON TEONG. PINAG-ARALANG MABUTI NI MARCOS ANG BAWAT KILOS NI DON TEONG AT INABANGAN NIYANG MAMASYAL SA BUKID SI DON TEONG NG HAPONG IYON. PINAKAWALAN NIYA ANG KANIYANG KALABAW AT HINAYAANG SUWAGIN ANG KAAWA-AWANG SI DON TEONG. KINABUKASAN, HULING ARAW NA PANANATILI NG MAG-INA SA BUKID, HABANG NAGIIMPAKE NA SILA NG KANILANG MGA GAMIT, MABILIS NA KUMALAT ANG BALITANG PATAY NA SI DON TEONG. MAHINAHONG PINAKINGGAN NI MARCOS ANG MALUNGKOT NA TUNOG NG KAMPANA, HINDI TULAD NIYANG ANG KALULUWA NG NAMATAY NA SI DON TEONG AY MAS INISIP PA NIYA ANG KANYANG MATAPANG NA KALABAW.

SIMULA NAPAKALUNGKOT NA NG SIMULA NG KUWENTO DAHIL SA PAGKAMATAY NG MGA MAHAL SA BUHAY NG PANGUNAHING TAUHAN . LAGI NIYA ITONG NAAALALA SA TUWING MAPAPAKINGGAN ANG TUNOG NG MALAKING KAMPANA SA SIMBAHAN

SULIRANIN O PROBLEMA PINAPAALIS ANG MGA PANGUNAHING TAUHAN SA KANILANG TINITIRAHAN KAYA NAGTANIM SIYA NG GALIT SA KANYANG KALABAN

TUNGGALIAN O KAGYAT NG KASIYAHAN DAHIL SA KALUPITAN NG KALABAN NAMATAY ANG AMA, KAPATID AT KASINTAHAN NG PANGUNAHING TAUHAN DAHIL SA SAMA NG LOOB AT PAGPAPAHIRAP SAKANILA.

KASUKDULAN DAHIL SA MGA PAGPAPAHIRAP NA GINAWA SA PANGUNAHING TAUHAN NAGBABALAK SIYANG GUMAWA NG PARAAN PARA HINDI SILA MAPAALIS SA KANILANG LUPAIN.

WAKAS ISANG ARAW KUMALAT SA BAYAN ANG PAGKAMATAY NG KALABAN DAHIL SA PAGKAKASUWAG NG KALABAW

.

TEORYA

MORALISTIK IPINAKITA DITO ANG HINDI MAGANDANG PAG-UUGALI NG MGA TAUHAN GAYA NG PANGAAPI AT PAGPAPAHIRAP SA MGA PANGUNAHING TAUHAN.

SOSYOLOHIKAL IPINAKITA ANG UGNAYAN NG TAO SAKANYANG KAPWA AT ANG SULIRANIN NA MADALAS NA MAKIKITA SA LIPUNAN NITONG GINAGALAWAN. IPINAKITA ANG PAKIKISALAMUHA NG MAYAMAN SA MAHIRAP KUNG SAAN MADALAS NA MAKIKITANG INAAPI NG MAYAMAN ANG MAHIRAP TULAD NG IPINAKITA SA KUWENTO.

SIKOLOHIKAL •

ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong pag uuagali dahil may nag udyok na mabago o mabuo ito. Tuald ng nangyari sa panguanhing tauhan na muntik ng gumamtit ng dahas.

TAGLAY NA BISA

BISANG DAMDAMIN GALIT AT AWA ANG AKING NARAMDAMAN HABANG BINABASA ANG KUWENTO. GALIT DAHIL SA KALUPITAN NI DON TEONG SA PAMILYA NI MARCOS AT SA IBA PA NA TULAD NIYA. AWA PARA KAY MARCOS AT SA PAMILYA NIYA DAHIL SA KAHIRAPAN HINDI NILA MAGAWANG IPAGLABAN ANG KANILANG KARAPATAN SA MAPANG ABUSONG TAO.

BISANG KAASALAN HINDI MAITATAMA NG MALI ANG ISA PANG PAGKAKAMALI. HINDI DAPAT NA ILAGAY SA ATING KAMAY ANG BATAS BAGKOS MAGKAROON TAYO NG MATIBAY NA PANANALIG SA ATING POONG MAYKAPAL

BISA SA ISIP HUWAG NATING ILAGAY SA ATING KAMAY ANG HUSTISYA, HUWAG TAYONG GUMAMIT NG DAHAS PARA LANG MAKUHA NATIN ANG HUSTISYA NA GUSTO NATIN.

Related Documents

Walang Panginoon
March 2021 0
Pagmamahal Sa Panginoon
February 2021 0
Magsiawit Sa Panginoon
March 2021 0
Magsiawit Sa Panginoon
March 2021 0
Panalangin Sa Panginoon
February 2021 6

More Documents from "Nica Nealega Crescini"