Aralin-1.-ang-pagsulat

  • Uploaded by: Hans gabriel Manalang
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Aralin-1.-ang-pagsulat as PDF for free.

More details

  • Words: 3,040
  • Pages: 74
Loading documents preview...
Layunin: • Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat; • Naiisa-isa ang mga layunin at kahalagahan ng pagsulat;

PAGBASA PAGSASALITA

PAKIKINIG

MAKRONG KASANAYAN PANONOOD

PAGSUSULAT

• Ayon kay Cecilia Austera, et al., may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009), ang pagsusulat ay isang

kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.

• Ayon naman kay Edwin Mabilin, et al., sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

•BAKIT KAYO NAGSUSULAT?

• Sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila

• Sa mga mag-aaral, ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang

matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan

• Sa mga propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor, peryodista, sekretarya, guro at iba pa, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan.

• Malaking tulong ang pagsusulat NAGSUSULAT

LIPUNAN MGA MAMBABASA

Ayon nga kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

• PAKIKINIG • PAGBABASA • PANONOOD

madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.

• PAGSASALITA • PAGSUSULAT

ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.

Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Ayon kay Royo, na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam.

Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.

Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat.

Kaya naman, napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng makababasa nito.

Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. personal o ekspresibo

panlipunan o sosyal

personal o ekspresibo • ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga manunulat na sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan.

panlipunan o sosyal • ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipagugnayan sa tao o sa lipunan.

Sa kabilang dako, maaari din namang magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:

2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:

3. Mahuhubog ang isipan ng mga magaaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:

4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:

5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:

6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:

7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

1. WIKA - Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

2.PAKSA - Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

3. LAYUNIN - Mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat. Ang layunin ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

4.PAMARAAN NG PAGSULAT - May limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat: a.) Paraang impormatibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. b.) Paraang ekspresibo kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. c.) Pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunodsunod.

4.PAMARAAN NG PAGSULAT d.) Pamamaraang deskriptibo kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.

e.) Pamamaraang argumentatibo kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.

5.) KASANAYANG PAMPAG-IISIP Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.

5.) KASANAYANG PAMPAG-IISIP Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo siya ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo siya sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.

6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalamanan sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

7. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN

Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito.

MGA URI NG PAGSULAT

1.MALIKHAING PAGSULAT (Creative Writing) • Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang.

2.TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical Writing) • Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pagaaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Bagama’t maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin, ang inaasahang higit na makauunawa lamang nito ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o larangan.

2.TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical Writing) • Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

3.PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional Writing) • Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

3.PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional Writing) • Gaya halimbawa ng mga guro, mahalagang matutuhan nila ang wastong pagsulat ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit o assessment. Ang mga tao namang kabilang sa larangan ng medisina kagaya ng doctor at nars ay kinakailangang magkaroon ng sapat na kaalaman sa paggawa ng medical report, narrative report, narrative report tungkol sa physical examination ng isang pasyente.

4.DYORNALISTIK NA PAGSULAT (Journalistic Writing)

• Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa. Mahalagang ang mga taong sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin o kaya naman ay iuulat sa radyo at telebisyon.

5.REPERENSIYAL NA PAGSULAT (Referential Writing) • Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon. Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.

5.REPERENSIYAL NA PAGSULAT (Referential Writing)

• Karaniwang makikita ang sulating ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL). Ang RRL o kaugnay ng mga literatura ay mga pag-aaral na pinaghahanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinasagawang pananaliksik.

6.AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic Writing)

• Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.

6.AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic Writing) • Ayon kay Carmelita Alejo, et al., sa aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (2005), ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik.

6.AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic Writing) • Ayon naman kay Edwin Mabilin, et. Al. (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat. Lubos ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan bunga ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

• Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho. Sa pag-aaral, mahalagang masagot nang maayos ng mga mag-aaral ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon, at higit sa lahat ay makalikha ng mga papel na pananaliksik.

• Sa mundo naman ng empleyo, ang isang tao ay kailangang marunong sumulat ng liham ng aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project propsal, at tanong ng mga kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinagagawa ng manager at marami pang iba. Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat mag-aaral na matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat.

Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Pagsasagawa ng Akademikong Pagsulat

• Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa salitang akademya. Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga magaaral, guro, administrador, gusali, kurikulum, at iba pa. Higit sa lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademya kung wala ang instrumento upang mapakilos ito at maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika.

• Sa pag-aaral ng kursong ito, ang akademikong Filipino ang gagamitin sa akademya. Ang akademikong Filipino ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino.

• Sa paggamit ng akademikong Filipino, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita o pasulat, ang kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit bilang wika ng intelektuwalisasyon. Kaya naman sa kasalukuyan, hindi lamang sa mababang paaralan at high school pinagbubuti ang pagtuturo at paggamit ng wika kundi pati na rin sa mga kolehiyo at unibersidad, nangunguna na rito ang Unibersidad ng Pilipinas.

• Bukod sa ang Filipino ay napatunayang mabisang gamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral, nakasaad din sa Konstitusyon na ito ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga paaralan.

• Ayon kay Vivencio Jose, isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng Mga Diskurso sa Wika at Lipunan (1996), epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya.

• Naniniwala siyang kailangan ang masidhing hangarin ng bawat isa sa atin na maging tagapaghatid at tagapagtaguyod ng mga kaisipang dumadaloy sa wikang Filipino. Higit na magiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang alam niya ito matatamo.

• Bilang pagtugon sa layuning ito, isinama sa kurikulum sa pag-aaral ng Senior High School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin, sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino.

• Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekundarya, kolehiyo at maging graduate school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat. Sa inyong pag-aaral ay ikinintal sa inyong isipan ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino at higit sa lahat ang mga tuntunin sa paggamit nito.

• Kabilang sa mga pagsasanay na ito ang paggawa ng sanaysay, pagsulat at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, pagsulat ng mga artikulo, pagsulat ng posisyong papel, case studies, pagsulat ng pamanahong papel, at pananaliksik.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

• 1.Obhetibo - Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pagaaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwala hinggil sa isang paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming hakahaka o opinyon.

• 2.Pormal - Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.

• 3. Maliwanag at Organisado - Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa.

• 3. Maliwanag at Organisado • Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa katangiang kaisahan at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin sa sulatin.

• 4.May paninindigan - Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyangpansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa.

• 5.May pananagutan - Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyong ginawa.

Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin • 1.Abstrak • 2.Sintesis/buod • 3.Bionote • 4.Panukalang proyekto • 5.Talumpati • 6.Agenda • 7.Katitikan ng pulong • 8.Posisyong papel • 9.Replektibong sanaysay • 10.Pictorial-essay • 11.Lakbay-sanaysay

Maikling Gawain

Katangian ng Akademikong Pagsulat

B. Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano ang kahulugan ng pagsulat? 2. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano ang kabutihang dulot nito sa buhay particular sa hinaharap?

3. Batay sa iyong pagkaunawa, paano mo mabibigyan ng sariling pakahulugan ang akademikong pagsulat?

C. Maging responsable.

Bilang isang mag-aaral na nagaaral ngayon ng Akademikong Pagsulat ay magbigay ng mga paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging resoponsable at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat o i-pino-post sa ating mga social media account.

More Documents from "Hans gabriel Manalang"