Let Majorship-1

  • Uploaded by: Arjay Gaspar
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Let Majorship-1 as PDF for free.

More details

  • Words: 5,009
  • Pages: 20
Loading documents preview...
1. Anong uri ng pagsulat ang pokus sa imahinasyon ng manunulat, pukawin ang damdamin? a. Akademiko c. Teknik b. Malikhain d. Journalistik 2. Kung nais ng mambabasa na malaman ang ukol sa mga pormula, matematika, agham, gagamit siya ng _________. a. maunlad na pagbasa c. masusing pagbasa b. masaklaw na pagbasa d. mapanuring pagbasa 3. Ito ay ang mga tunog na nakapaloob sa isang wika. Ito’y mga makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagbabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita. a. Ponolohiya c. Semantika b. Morpolohiya d. Palatuldikan 4. Isang teoryang pampanitikan na makatotohanan; naglalarawan ng isang parte sa buhay ng tao. a. Realismo c. Formalistiko b. Moralistiko d. Feminismo 5. Upang maipakita ang isang dayagramatikong representasyon sa batayang konseptuwal ng pananaliksik, ano ang paraang iyong gagamitin? a. Rebyu ng mga Literatura at Pag-aaral b. Paradaym c. Kaligiran d. Depinisyon ng mga salita 6. Ano ang unang antas ng pagbasa? a. Literal na pagbasa b. Kritikal na pagbasa

c. Paglalapat d. Pagpapahalaga

7. Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang payak na salita ng mananaliksik. a. Presi c. Sipi ng sipi b. Hawig d. Direktang sipi 8. Kailan nagsimula ang pagkakaroon ng modernisasyon ng wikang pambansa? a. 1974 c. 1997 b. 1987 d. 1972 9. Aling uri ng kagamitang pampagtuturo napapabilang ang chalkboard, still pictures at bulletin board? a. Projected at namamasid c. Namamasid b. Naririnig d. Naririnig-namamasid

10. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap? a. Isang guro na si Lenie na bunsong babaeng anak ni Nestor. b. Isang guro na bunsong anak ni Nestor si Lenie. c. Isang guro na si Lenie, ang bunsong anak na babae ni Nestor. d. Isang guro na babaeng anak na bunso ni Nestor si Lenie. 11. Katawagan sa pagsasagawa ng pagwawasto sa baybay ng salita, bantas at grammar. a. Pag-eedit c. Reduksyon b. Aktwal na pagsulat d. Pagrebisa 12. Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa. a. Poetic c. Metalinggual b. Conative d. Phatic 13. Ang katumbas ng “barking at the wrong tree” ay ________. a. sugatan c. nakapapagod b. di-marunong d. maling akala 14. “Siya ay matipuno; may mahabang buhok na kulay-abo; tuwid ang katawan; tila nalulumbay.” Ito ay paglalarawan ng ___________. a. Pangyayari c. Tagpuan b. Eksena d. Tauhan 15. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tambalang salita. Bahay-kubo, Ingat-yaman, Silidtanggapan, Atras-abante. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa pangkat? a. ingat-yaman c. bahay-kubo b. silid-tanggapan d. atras-abante 16. Ayon sa linggwistikang si Jeperson, ito ang teorya ng wika na nagsasabing ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyonal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. a. Teoryang Coo Coo c. Teoryang Sing-song b. Teoryang Ding-dong d. Teoryang Yo-he-ho 17. Ano ang nilalaman ng General Reference Section ng aklatan? a. Akdang inilathala sa Pilipinas b. Encyclopedia, Almanac, Dictionary c. Pahayagan, Magasin d. Tesis

18. Alin ang pahayag na pasaklaw na nabubuo sa pamamagitan ng personal na panlasa o pagpili? a. Categorical Analyzation b. Analytical Generalization c. Subjective Generalization d. Probable Generalization 19. Ano ang tiyak na paraang kadalasang iminumungkahi sa prosesong pagbibigay-kahulugan sa mga mahahalagang termino sa pananaliksik pangwika? a. Sayantifik c. Operasyunal b. Konseptwal d. Teoretikal 20. Aling bahagi ng pangungusap ang may mali: “Hihintayin kita kahapon sa liwasan ngunit hindi ka naman dumating.” a. Walang mali b. Sa liwasan c. Hihintayin kita d. Ka naman 21. Ang mga istratehiya sa pag-aaral tulad ng laro, larawan, films, pair work at pagsasanay na naipapamalas sa labas ng klasrum ay gamitin sa mga mag-aaral na _________. a. Concrete c. Analitikal b. Komunikatib d. Authority-oriented 22. Ano ang sagisag panulat na ginamit ni Marcelo H. del Pilar? a. Pupdoh c. Dimasalang b. Rioalma d. Takipsilim 23. Anong Dulog at Istratehiya sa Paglinang ng Komprehensyon na binuo ni Raphael (1982, 1986) ang dapat gamitin ng guro upang mapataas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri sa mga tanong? a. Pinatnubayang pagbasa b. Pinatnubayang pagbasa-pag-iisip c. Tugunang pagtatanong d. Ugnayang tanong-sagot 24. Ito ay isang koleksyon ng mga gawain ng mga mag-aaral na nagpapakita ng kanyang pagsisikap at paguulat. Maaaring magtaglay ito ng mga komposisyon, tesis, pamanahong papel at iba pang proyektong pasulat. Anong alternatibong pamaraan ng pagtataya ang iyong ginamit? a. Diary c. Portfolio b. Dyornal d. Tesis

25. Ang binuhay na awit na “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar ay mula sa panulat nina _________. a. Teresita Sayo at Jocelyn David b. Jocelyn David at Homer Flores c. Jose Corazon de Jesus at C. de Guzman d. Jose Corazon de Jesus at N.V. De Guzman 26. Alin sa mga sumusunod ang kumakatawan sa mga simbolong gamit ng tao sa kapwa sa pagpapahayag ng kaisipan, ideya, damdamin at pangyayari? a. Sining c. Tunog b. Kultura d. Wika 27. Ikaw ang bigay ng Maykapal, sagot sa aking dasal. Ang paksang-diwa ng pahayag ay _______. a. Pag-ibig c. Kapaligiran b. Pamumuhay d. Kasarian 28. Alin sa mga sumusunod ang WASTO tungkol sa kwantitatibong disenyo ng pananaliksik? a. Hindi ito nagbibigay ng panlahat na konklusyon. Bagkus, ang layunin lamang nito ay mapaliwanag at mabigyang inisyal na pagkaunawa tungo sa pagbuo ng desisyon. b. Ninanais nitong maunawaan ang pag-uugali at katangian ng pakikipagrelasyon. c. Penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga komputasyon. d. Tumutukoy sa tiyak at malinaw na pagbibigay kuro-kuro. 29. Ibigay ang katumbas ng “Division Superintendent” sa Filipino. a. Pandibisyong Tagapag-ugnay b. Pandibisyong Tagamasid c. Pandibisyong Tagapangulo d. Pandibisyong Tagapamanihala 30. Alin sa mga sumusunod ang higit na malilinang sa mga mag-aaral kung gagamitin ng guro ang e-mail bilang lunsaran sa paglalahad ng aralin? I. Pagkatuto ng bagong talasalitaan II. Wastong pananalita, pagbati at katagang angkop gamitin III. Pagkatuto sa palasak na paraan ng pakikimusta ng sumusulat IV. Nalalaman ang wastong pagsulat ng liham o e-mail a. I at II b. III at IV

c. I, II at IV d. I, II at III

31. Nakatuon sa panahong ito ang pangkalahatang kasanayan sa wika sa pagbubuo ng pagsusulit. a. Scientific stage c. New stage b. Intuitive stage d. Communicative stage

32. Sa kasalukuyang panahon, alin ang isa sa pangunahing katangian ng nobela na tumatalakay sa tunay na salamin ng buhay? a. Sentimental c. Satirikal b. Realismo d. Alegorikal 33. Diskursong ginagamit kung nagsasalaysay, nakikipagtalo o nangangatwiran ___________. a. Genre c. Norms b. Instrumentalities d. Act sequence 34. Ang mga sumusunod ay katangian ng mabuting estratehiya MALIBAN sa: a. Kumplikadong proseso at di-magandang bunga b. Humahamon sa kakayahan ng mag-aaral c. Humuhubog sa mabuting pag-uugali d. Nakakatulong sa paglinang ng maraming kakayahan ng mga mag-aaral 35. “Pamatid-uhaw” – ito ay halimbawa ng __________. a. Langkapan c. Tambalan b. Hugnayan d. Payak 36. Ano ang pinakaangkop na pagtataya ang ibibigay ng guro kung ang layunin ng aralin ay: “Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kanilang napakinggang awitin”? a. Pagsagot sa mga katanungan kaugnay tungkol sa ipinahihiwatig ng awit b. Pagsasadula ng mensahe ng awit c. Pagguhit ng isang imahen na nagpapakita sa bahaging nagustuhan d. Pagsulat ng repleksiyon tungkol sa awit 37. Ano ang angkop na katumbas ng “The present problem is only a storm in a teacup.”? a. Buong puso c. May galit b. Matagumpay d. Balewala 38. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang aspeto ng pananaliksik? a. Kasarian ng mananaliksik b. Mga lugar na sasakupin sa pananaliksik c. Interes at saloobin ng mananaliksik sa paksa d. Propesyon ng mananaliksik 39. Barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko na wika ring ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. a. Sosyolek c. Dayalekto b. Ekolek d. Etnolek

40. Alin ang layunin ng pagsasalita na may malakas na “sense of humor”? a. Manghikayat c. Manlibang b. Mangganyak d. Magpatibay 41. Sila ang mga tinatawag na konserbatibong gumagamit ng Filipino na hindi tumatanggap ng mga pagbabagong dulot ng modernisasyon. a. Miskomunikasyon c. Teknikal b. Purista d. Intelektwal 42. Ano ang pinakalumang anyo ng maikling kwento? a. Parabula c. Haiku b. Dagli d. Saynete 43. Alin sa mga sumusunod ang barayti ng wika na nabuo mula sa pangunahing wika ng isang lugar at kadalasang sinasalita sa iba’t ibang baying nasasakupan? a. Etnolek c. Ekolek b. Dayalek d. Sosyolek 44. Ano ang nagsisilbing patnubay para magkaroon ng kaisahan ng talata? a. Paksang pangungusap c. Buod b. Balangkas d. Pamagat 45. Anong uri ng tayutay ang ginagamit sa: “Tigre kung magalit ang kuya ko.” ? a. Pagwawangis b. Personipikasyon 46. Hand to mouth existence. Salin: Isang kahig, isang tuka. Anong uri ng pagsasaling wika ito? a. Idyomatiko b. Malaya

c. Paghihimig d. Pagtatambis

c. Adaptasyon d. Semantika

47. Alin sa mga sumusunod na pagsulat ang naglalarawan ng personal na damdamin sa ideya? a. Transaksyunal c. Teknikal b. Kognitib d. Ekspresib

48. Saang aspeto nagkakatulad ang katutubong abakada sa makabagong alpabetong Filipino? a. Ang katinig ay laging sinusundan ng patinig. b. Ang pagsulat at pagbaybay ay nababatay sa kung ano ang bigkas ay siyang baybay. c. Pareho ang mga ito ng bilang ng titik. d. Kapwa nag-uugat ang mga ito sa alpabetong Romano. 49. Anong uri ito ng pakikinig kappag nalulugod ka sa mga paborito mong musika? a. Masusi c. May lugod b. Kombatib d. Pasib 50. Kung nagmamarka ng kakayahan sa pagbasa, isinasaalang-alang na maaaring mahusay/di-mahusay ang kanyang komprehensyon, mabilis o mabagal siyang kumilala ng mga salita, at marami o wala siyang kamalian sa pagbasa. Anong uri ng rubriks ang ginamit dito? a. Analitik c. Holistik b. Sistematik d. Sistematik 51. Ang kauna-unahang aklat na pambata na naglalarawan ______________. a. Orbis Tundo c. Pictus Babe b. Orbis Pictus d. Pictus Tadeo 52. Ang iyong guro ay mahusay na nagpapahayag ng mga tiyak na detalye; pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Anong kasanayang pampanitikan ang kanyang gamit? a. Pagpapakahulugan c. Literal b. Mapanuri d. Kritikal 53. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa limang gamit ng pagtuturo ng wika? a. Structure c. Imaginative b. Interpersonal d. Referential 54. Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng sumusunod na saknong: “Katiwala ako’t iyong kariktan Kapilas ng langit, anaki’y matibay Tapat ang puso mo’t di-nagunamgunam Na ang paglilo’y nasa kagandahan Florante at Laura ni Francisco Balagtas a. b. c. d.

Ang pagtitiwala sa katapatan ng tao ay nababatay sa kanyang taglay na kagandahan Ang kagandahan ay nakapanlilinlang ng tao Naitatago ng kagandahan ang kataksilan ng isang nilalang Ang kagandahang pisikal ay nagpapahiwatig din ng magandang kaasalan

55. Kung nais pag-aralan ang kaugnayan ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang propayl tulad ng kasalukuyang kurso at edukasyong natapos ng kanilang magulang, anong disenyong pampananaliksik ang naaangkop gamitin? a. Eksperimental c. Pag-aaral ng kaso b. Dokumentari Analisis d. Pag-aaral Korelasyunal 56. Yugto sa pagkatuto ng wika na patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit ng tunog. Ang mga salita ay limitado sa isang pantig. Ang haba ng pagsasalita o likhang-tunog ay naaayon sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang proseso ng paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap. Ano ang prosesong ginamit dito? a. Kamalayang Istruktural c. Ekspansyon b. Unitary d. Pasumala (random) 57. Intensyonal na naipadala ang mensahe sa tagatanggap; nagkaroon ng problema sa interpretasyon. Ito ay ____________. a. aksidental c. teknikal na komunikasyon b. walang tangkang komunikasyon d. miskomunikasyon 58. Tumutukoy ito sa kung paano ginagamit ng mga tao ang isang partikular na wika. a. Sociolect c. Linggwistiks b. Sosyolinggwistiks d. Dialect 59. Ano ang gagamitin mo kung gusto mong paiikliin ang mga salita gamit ang mga unang letra ng mga salitang bumubuo sa kabuuang mensahe? a. Eupemismo c. Jargon b. Akronim d. Eponismo 60. Si Titser Ramon ay nagbigay ng pagsasanay sa pagsulat na ang layunin ay maghatid ng impormasyon tungkol sa mga tiyak na kaganapan, lugar, panahon. Anong uri ng diskors ang kanyang ginamit? a. Malikhain c. Teknikal b. Akademiko d. Jornalistik 61. Kung nagmamarka ng kakayahan sa pagbasa, inilalarawan ng pagbuo ang inaasahang komprehensyon, bilis at kawastuhang bumasa ng mag-aaral, anong uri ng rubriks ang ginamit dito? a. Sistematik c. Virtwal b. Holistik d. Analitik 62. “Ang ngiti ni ina ay patak ng ulan kung tag-araw; ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw.” Ang pahayag na ito ay halimbawa ng _____________. a. Konotasyon c. Denotasyon b. Etimolohiya d. Reduksyon

63. Ang hangarin ng _________ ay makapagbigay ng wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang mga sagisag pangwika. a. talasalitaan c. talastasan b. pakikinig d. pagsasalaysay 64. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng kakaibang bigkas? a. Pangungusap c. Lahi b. Diwa d. Luha 65. Isa sa katangian ng wika ay ang pagbabago sa paglipas ng panahon. Ibinabatay ito sa kanyang ______. a. Arbitraryo c. Dinamiko b. Likas d. Masistema 66. Katawagan sa anyo ng paglalahad na nagbibigay ng pagkakaiba o pagkakatulad ng mga katangian nito sa ilang bagay __________. a. Konotasyon c. Denotasyon b. Pagbibigay-katuturan d. Pagbibigay kahulugan 67. Anong uri ng tayutay ang ginagamit sa: tumigil ang puso ko nang nakita kita? a. Hayperboli c. Pagtutulad b. Metonomiya d. Palit-tawag 68. Ang “oktabo at sestet” ay tumutukoy sa isang ___________. a. Elehiya c. Soneto b. Kantahin d. Epiko 69. Anong estratehiya sa pagtuturo ng Filipino ang iyong gagamitin kung ang mag-aaral ay ilalagay sa isang sitwasyon na maaaring mangyari sa tunay na buhay, kung saan ang magkakapareha ay bubuo ng dayalogo buhat sa isang sitwasyon na nakatalaga o mapagkakasunduan ng klase? a. Pagbabalita c. Role-playing b. Venn Diagram d. Picture Power 70. Panay pa rin ang yosi ng Tisoy. Ito ay wikang ________. a. kolokyal c. balbal b. pampanitikan d. lalawiganin 71. Alin ang wastong kahulugan ng salawikaing, “Ibig ko ay iyon, ibig ko ay ito, pag akin na’y di ko na rin gusto.” ? a. Salawahan c. Kawalang-bahala b. Kawalang-tiwala d. Kakanyahan

72. “Ang ama ang haligi ng tahanan.” a. Simile b. Personipikasyon

c. Metapora d. Hyperbole

73. Ano ang maaaring gawin upang mapabuti ang pagsusulit pasanaysay? a. Bigyan ng takdang oras ang pagsagot. b. Ipaliwanag ang mga inaasahang puntos na ibibigay. c. Limitahan ang gamit sa kung saan lamang ito angkop ipantaya. d. Lahat ng nabanggit. 74. Tumutukoy ang pag-aaral ng ponolohiya sa _______________. a. Palatuldikan c. Pagbabantas b. Palatunugan d. Palabaybayan 75. Sa palagay ko’y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan, gaya ng buhay ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para maayos pati ang sariling buhay natin. Sa eskwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. a. Romantisismo c. Destruksyon b. Feminismo d. Humanismo 76. Ito ay pagtatanghal ng mga tau-tauhang yari sa pira-pirasong karton na pinagagalaw sa likod ng isang puting tabing. Anong uri ng pagtatanghal ang gamit dito? a. Parsa c. Komedya b. Saynete d. Karilyo 77. Tumutukoy ito sa bahagi ng talata na kumakatawan bilang patnubay para sa pagkakaroon ng kaisahan ng talata. a. Pamagat c. Paglalarawan b. Pagbibigay kahulugan d. Paksang Pangungusap 78. Mahahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas nang taimtim at nahihinggil sa mga mahiwagang pangyayari at kabayanihan. a. Korido c. Awit b. Epiko d. Soneto 79. Ito ay isang uri ng wireless data communication. a. URL b. Wifi

c. www d. Spam

80. Anong estratehiya sa pagbasa ang ginamit ni Titser Anya sa paglalahad ng isang kwento sa isang klase bilang lunsarang aralin, kung saan naglaan siya ng mga tanong sa mga mag-aaral na nagsasaad ng ilang paghuhula sa maaaring kalabasan ng ilan pang susunod na tagpo? a. DRTA (Direct Reading Teaching Activity) b. KWL (What I Know, Want To Know, Learned) c. QAR (Question-Answer-Relationship) d. GMA (Group Mapping Activity) 81. Ikaw ay madalas maghayag ng mga kwentong nagbibigay diin sa pangyayaring may kinalaman sa biglaang pagbabago ng buhay ng tauhan. Ano ang uri ng kwentong iyong ginamit? a. Masining c. Katatawanan b. Madula d. Kababalaghan 82. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng denotasyon? a. May toyo si Arnel. b. Maitim ang buto ng kriminal. c. Matigas ang ulo ni Jan. d. Masarap ang toyo na may kasamang kamatis. 83. Anong pagpapahalaga ang binibigyang-diin sa saknong? “Datapwat muling sisikat ang araw Pilit maliligtas ang lugaming bayan.” a. Pagkamakabayan b. Matibay na pananalig

c. Positibong pananaw d. Katapangan

84. Alin ang pinakatamang pahayag? a. Tinitigan niya ang langit. b. Tiningala niya ang langit. c. Tiningnan niya ang langit. d. Sinulyapan niya ang langit. 85. Ang pagsusulit ay maaaring ibigay, MALIBAN SA ISA. a. Maikling pagsusulit sa katapusan ng isang aralin. b. Pagsusulit sa katapusan ng isang yunit o quarter. c. Pagsusulit ayon sa kung kailan magustuhan ng guro. d. Pagsusulit bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan. 86. Anong antas ng wika kabilang ang salitang kahiramang-suklay? a. Jargon c. Lalawiganin b. Pabalbal d. Pampanitikan

87. Anong kayarian ng salita ang tumutukoy sa paggamit ng salitang-ugat at panlapi? a. Payak c. Tambalan b. Maylapi d. Inuulit 88. Kailangan kong pag-aralan kung bakit maraming bata sa aking klase ang laging “late” sa klase. Anong research tool ang dapat kong gamitin? a. Checklist c. Questionnaire b. Interview d. Journal 89. Ikaw ay mahilig magbasa ng tulang liriko na pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao kung saan walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Anong uri ng tula ang binabasa mo? a. Oda c. Awit b. Elehiya d. Soneto 90. “Si James ay kaisa-isang anak ng mag-asawa.” Anong idyoma ang dapat gamitin? a. Bulanggugo c. Bugtong na anak b. Agaw-buhay d. Balat sibuyas 91. Sa pagtuturo, dapat isaalang-alang ng guro ang ABCD sa paglalahad ng isang mahusay na layunin. Bilang guro, ano ang aking ginamit na batayan upang matukoy ang tunay na layunin ng paglalahad na naglalarawan ng kakayahang maisasagawa ng mga mag-aaral matapos ang pagtuturo? a. Degree (Antas) c. Audience (Mag-aaral) b. Behavior (Gawi) d. Conditions (Kalagayan) 92. Ginagamit ito sa pagsulat ng isang balita kung saan lumilikha ito ng sariling paraan. Anong uri ng pamatnubay ang aking ginamit? a. Di-kumbensyunal c. Masining b. Kombensyonal d. Masaklaw 93. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakilala at naglalarawan sa isang komiks? a. Ang komiks ay hindi pinagtutuunan ng pansin at oras. b. Mahusay sa pagdrowing at pagbuo ng dayalogo ang gumagawa nito. c. Ang komiks ay karaniwang may permanenteng tauhan. d. Dahil sa popularidad, ginagamit ang komiks na midyum sa paggawa ng anunsyo. 94. Uri ng bantas na ginagamit sa paghihiwalay ng mga salita, parirala at magkakasunod na sugnay. a. Kuwit c. Tuldukuwit b. Gitling d. Tutuldok

95. Napapabilang ang mga sumusunod na salita na “haba, tono, diin at antala” sa tinatawag na _________. a. Ponemang segmental c. ponemang supresegmental b. Ponemang gramatika d. ponemang suprasegmental 96. Tinaguriang “Ama ng Balarilang Pilipino” si Lope K. Santos sa dahilang siya ang kauna-unahang ______. a. nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa gramatikong Pilipino. b. hinirang na kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa. c. sumulat ng Balarila ng Wikang Pambansa na batay sa Tagalog. d. naglimbag at nagpalathala ng Balarilang Tagalog. 97. Anong uri ng kumpas ang nangangahulugan ng pagbibigay o pagtanggap? a. May itinuturo c. Palad na nakatihaya b. Pag-iling d. Pagpadyak 98. Ito ay isa-isang pagsasabi o pagsulat sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga titik na bumubuo sa isang salita. a. Pagbubuo c. Pagbabaybay b. Palatuldikan d. Paghahati 99. Tumutukoy ito sa kahulugang literal ng salita. Ito ay ang “dictionary meaning” ng salita. a. Leksikon c. Konotasyon b. Denotasyon d. Morpolohiya 100.

Ano ang angkop na katumbas ng “The present problem is only a storm in a teacup.” ? a. Matagumpay c. Balewala b. May galit d. Buong puso

101. Anong katangian ng wika na naglalarawan ng pagbabago nito sa paglipas ng panahon. Ito ay salik tungo sa kanyang pag-unlad. a. Dinamiko c. Arbitraryo b. Teknikal d. Likas 102. Tumutukoy ito sa tinatawag na “error” sa coding, dahilan upang huminto at humantong sa maling resulta. a. Password c. Bug b. Protocol d. Default 103. Ano ang iyong gagamitin upang ipakita ang pahayag at larawan gamit ang computer sa disenyong paraan? a. Comic strip c. Negative b. Excel sheet d. Slide show

104. Sa pagpuno ng patlang, alin sa mga sumusunod na halimbawa ng aytem ang tumpak ayon sa pamantayan? a. Ang _______ isang halimbawa ng pang-uri. b. Ang salitang maganda ay isang halimbawa ng _________. c. Ang pang-uri ay nagbibigay turing sa pangngalan at ___________. d. Ang ______ nagbibigay-turing sa pangngalan at pang-uri. 105. Upang makuha ang iba’t ibang pananaw ng mga mag-aaral, anong instrumento ng pananaliksik ang iyong gagamitin na naglalaman ng katanungan tungkol sa iba’t ibang pananaw ng mga respondente sa “English only policy” ng paaralan na makatutulong na magbigay ng impormasyon upang makumpleto ang pag-aaral? a. Cohesive devices c. Ulat-balitaan b. Talatanungan d. Simbolismo 106. Ito ay isang uri ng pagtataya na kinakailangang aktwal na ipakita ng mga mag-aaral ang kasanayan na nais husgahan. a. Pagtatayang Tradisyunal c. Pagsusulit b. Pagtatayang Pagsasagawa d. Chart 107. Upang matukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang hinango sa binasang teksto, gumuhit si Titser Martha ng mga kahon sa pisara bilang palatandaan sa mga titik na bubuo sa hinaharap na talasalitaan. Anong estratehiya ang ginamit ng guro batay sa nabanggit na halimbawa? a. Konpigurasyon c. Simbolismo b. Cohesive devices d. Contextual Clues 108. Kapag sinabing paglalarawan sa katutubong-kulay, tumutukoy ito sa anong konsepto ng pagunawa sa pagbasa ng akdang pampanitikan? a. Kawing-kawing at masalimuot na pangyayari sa kuwento b. Pag-uugali, paniniwala at kabuhayan ng isang grupo ng tauhan c. Detalyadong paglalarawan sa lugar na pinangyarihan ng kuwento d. Pagkakaiba-iba ng pananaw ng mga tauhan sa kuwento 109. Ikaw ay kukuha ng mga pangalan at numero ng telepono sa directory. Aling uri ng pagbasa ang gagamitin mo? a. Journalistik c. Skimming b. Literacy d. Scanning 110. Talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pa. a. Footnote c. References b. Bibliografi d. Preface

111. Anong uri ng pagbasa ang iyong gagamitin kung ikaw ay naghahanap ng partikular na impormasyon sa anumang babasahin; ginagamitan ito ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa babasahin. a. Iskaning c. Pagtatala b. Pre-viewing d. Re-reading 112.

Ano ang kahulugan ng karta-diyes? a. Perpekto b. Matulungin

c. Makabago d. Masinog

113. Bahagi ng kwentong nakapupukaw ng pinakamasidhing pananabik sapagkat sa bahaging ito binibigyan ng huling pasya ang kapalaran ng mga pangunahing tauhan o bayani ng kwento. a. Panimula c. Kakalasan b. Kasukdulan d. Tunggalian 114. Si Titser Marilou ay nag-atas ng paksa sa mga mag-aaral tungkol sa tulang liriko na may labingapat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao na naghahatid ng aral sa mambabasa. Anong uri ng tulang liriko ang dapat mong hanapin? a. Awiting bayan c. Soneto b. Oda d. Balad 115.

Anong bantas ang ginagamit upang ipakita ang buong sinabi ng isang nagsasalita? a. Gitling c. Panipi b. Tutuldok d. Panaklong

116. Gusto mong magbigay ng pagpaparangal sa ilang tao, pagdiriwang, institusyon o kilusan. Anong uri ng editorial ang gagamitin mo? a. Persuasive c. Appreciation b. Criticism d. Informative 117. Isa sa katangian ng wika na nagpapatunay na ang wika ay nauunawaan ng lahat at napagkasunduan ng isang lahi o pangkat. a. Arbitraryo c. Masistema b. Dinamiko d. Likas 118. Anong katangian ng wika ang nagpapahayag na ang wika ay nauunawaan ng lahat at napagkasunduan ng isang lahi? a. Teknikal c. Arbitraryo b. Likas d. Masistema

119. Ano ang dapat iwasan ng guro base sa panuntunan sa pagbuo ng aytem para sa pagsusulit na pagtapat-tapatin? a. Susing-sagot c. Talahanayan b. Pardon sa pagmamarka d. Distrakter 120.

Ang kahulugan ng idyomang “butas ang bulsa” ay __________. a. tamad c. walang bait b. mayabang d. walang pera

121. Sa pamamahayag, ito ang ginagamit ko upang kilalanin ang pinagmulan o sanggunian ng aytem, larawan o kartun. Ano ang tawag sa parte ng pamamahayag na ginamit ko? a. Byline c. Dateline b. Credit line d. Column Rule 122. “Dapat lang na iyang pusong mapaglaro / Pitpiting maigi nang ito’y maglaho. Pinagdidilim lang maliwanag na mundo / nitong marahuyo naglahong pangako.” Anong uri ng panitikan ito? a. Duplo c. Karagatan b. Balagtasan d. Batutian 123. Storyboard ang gagamitin ng guro sa pagtalakay ng aralin. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paksang-aralin ng guro? a. Mga suliranin ng tauhan. b. Mga aral na naipahiwatig sa kwento. c. Katangian ng mga tauhan. d. Mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga pangunahing tauhan. 124. a. b. c. d.

Alin sa mga sumusunod ang di dapat sa isang mabisang pagtatalo? Maramdamin Mga katibayang katanggap-tanggap Walang kinikilingan Paggamit ng mga uri ng katibayan

125. Anong bahagi ng pananaliksik matatagpuan ang mga sumusunod: Panimula, Kaligiran ng pagaaral at Konseptwal Framework? a. Kabanata I c. Kabanata III b. Kabanata II d. Kabanata IV 126. Ano ang maaaring gamitin na midyum ng guro sa pagtuturo kung saan siya ay pipili ng isang uri ng makabagong awit na bibigkasin nang patula ang bawat linya na magkakatugma sa saliw ng isang naaangkop na tugtugin? a. Rock Music c. Acoustic b. Rap d. Ballad

127. Bilang isang manunulat, anong antas ng wika ang iyong gagamitin sa iyong mga akdang pampanitikan kung saan ang mga salitang ito ay karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining? a. Pampanitikan c. Pabalbal b. Kolokyal d. Pambansa 128.

“Napakalambing ni Annie.” Ang pang-uri sa pangungusap ay nasa antas na ______. a. Pahambing c. Lantay b. Pasukdol d. Tambalan

129. Anong estratehiya sa pananaliksik ang maaaring gamitin upang mailarawan ang isang phenomenon sa kanyang natural na kapaligiran? a. Trend Study c. Field Study b. Case Study d. Follow-up Study 130. Alin sa mga sumusunod ang uri ng tayutay na tumutukoy sa relasyon ng bahagi at kabuuan at ang bahagi na kumakatawan sa kabuuan? a. Pagtutulad c. Paglilipat wika b. Palit saklaw d. Palit tawag 131. I. II. III. IV.

Sa pagkuha ng tala sa isang panayam, ano ang mga proseso na dapat tandaan? Ihanda ang mga kinakailangang kagamitan bago dumalo sa isang panayam. Suriing mabuti ang mga tanong kung naaayon o nauugnay sa gagawing panayam. Makinig nang mabuti upang maisulat ang mahalagang kaisipan. Ayusin ang mga kinuhang mahahalagang kaisipan. a. I, II, III at IV b. I, II at IV

c. II, III at IV d. I, II at III

132. Alin sa mga sumusunod na mungkahing istratehiya sa pagpapalaganap ng binagong kurikulum sa pagtuturo ng Filipino ang maaaring maging saligan ng pagtataya at pagmamarka? I. II. III. IV.

Paggagad (simulation) Pagsasatao (role-playing) Pagsasaulo (memorization) Pangkatang gawain (group dynamics) a. III at IV lamang b. I at II lamang

c. I, II, III at IV d. I, II at IV

133. a. b. c. d. 134.

Ano ang nakapaloob sa deskripsyon at nilalaman ng kursong 2 sa kolehiyo? Retorikang Filipino Panitikang Filipino Sining at Wika Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Anong bantas ang ginagamit kapag ang panlaping “ika-“ ay kinakabit sa numero o pamilang? a. Tuldok c. Tutuldok b. Gitling d. Kuwit

135. Bantog ang lugar na ito dahil sa kanilang ritwal: sayaw ng mga kababaihang humihiling na mabiyayaan ng anak. a. Laurel, Batangas c. Malolos, Bulacan b. Los Baños, Laguna d. Obando, Bulacan 136. Ang paksa ng usapan ang ukol sa kasaysayan ng wikang pambansa. Anong paglalahad ang gagamitin? a. Kronolohikal c. Sanhi-bunga b. Mapanuri d. Teknikal 137. Kapag nabanggit ang paglalarawan sa katutubong kulay, tumutukoy ito sa anong konsepto ng pag-unawa sa pagbasa? a. Makapagbigay ng konklusyon b. Masalimuot na pangyayari sa kwento c. Paghahambing ng mga tauhan d. Detalyadong paglalarawan sa pagbasa 138. Alin ang dapat mong gamitin kung nais mong turuan ang mga bata sa epektibong paghambing ng dalawang bagay? a. Spider web c. Problem tree b. Timeline d. Venn diagram 139. a. b. c. d. 140.

Sino ang pangulong nagtakda na ang wikang pambansa ay tatawaging Filipino? Pangulong Joseph Estrada Pangulong Carlos Garcia Pangulong Ferdinand Marcos Pangulong Fidel Ramos

Ang mga salitang “bahaghari, naghahari, kaharian” ay mga halimbawa ng _________. a. Word Metamorphism c. Acronym b. Jargon d. Archaic words

141. Matapos maplano ni Bb. Santos ang aralin, napagtanto niyang hindi angkop ang mga kagamitan sa mga layunin ng aralin. Ano ang nararapat niyang gawin? a. Ipagpatuloy ang pagtuturo gamit ang mga kagamitan. b. Ipagpaliban ang pagtuturo ng aralin. c. Baguhin ang mga kagamitan. d. Baguhin ang layunin ng aralin. 142. Hinikayat ng guro ang bawat mag-aaral na magtala ng mga ideyang kaugnay ng paksa hanggang sa makabuo sila ng isang mahabang talaan. Ang mga mag-aaral ay maglilista ng lahat ng ideyang nasa kanilang isipan upang hindi ito mawaglit sa alaala habang naglalahad sila ng iba pang ideya. Anong yugto sa prosesong pagdulog sa pagsulat ang ginamit ng guro? a. Pagtatala c. Mind-mapping b. Brainstorming d. Mabilis na pagsulat 143.

Nabibilang ang pagsulat ng tula, maikling kwento at awit sa _____________. a. Journalistik c. Sulating Teknikal b. Sulating Transaksyunal d. Malikhaing sulatin

144. Ang paglalangis sa may mga kapangyarihan ay isang sakit ng lipunan na isinawalat ng nobela ni _________. a. Andres Bonifacio c. Francisco Balagtas b. Jose P. Rizal d. Amado V. Hernandez 145. Isang masining na pagsusuri na ayon sa mga katangiang taglay at angking kahalagahan ng isang uri ng literature. a. Pag-aanalisa c. Pagsusuri b. Panunuring pampanitikan d.Pagtitimbang-timbang 146. Aling pagdulog pampanitikan ang sumusuri sa mga pangyayaring may pagkakatulad sa buhay ng may akda? a. Pagdulog na Moral c. Pagdulog na Historikal/Biyograpikal b. Pagdulog na Peminista d. Pagdulog na Sikolohikal 147.

Ano ang bahagi ng pananalita na nagpapahayag ng kilos, galaw, pangyayari? a. Panghalip c. Pandiwa b. Pangngalan d. Pang-uri

148. Ang iyong guro ay madalas magkwento tungkol sa mga melodrama o dulang musikal na may tatatluhing yugto. Anong uri ng panitikan ang iyong sisipiin upang maunawaan ang paksang tinalakay ng guro? a. Karagatan c. Duplo b. Sarsuela d. Parsa

149.

Isang lumang gusali sa tabi ng monumento. Ito ay isang ___________. a. pangungusap c. sugnay b. tambalan d. parirala

150. Tayain ang pag-unawa sa pangunahing diwa. “Naglalaro ang mga bata sa ulan. Tanging si Edwin lamang ang hindi nakikipaglaro. Nakapamintana lamang siya. Nakabalot ang katawan at inuubo.” a. May sakit si Edwin. b. Ayaw palabasin si Edwin. c. Takot sa tubig si Edwin. d. Tamad maglaro si Edwin.

Related Documents

For Let
February 2021 1
Let Reviewer 2015
February 2021 1
You Must Review Let
February 2021 2
Let It Go (frozen)
February 2021 1
Masterfile Let Reviewer
February 2021 12

More Documents from "April Claire Pineda Manlangit"

Let Majorship-1
January 2021 7
Rizalist Cult
February 2021 1
Cuajone
February 2021 3
January 2021 1