My Other Half

  • Uploaded by: Brio Josh
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View My Other Half as PDF for free.

More details

  • Words: 27,082
  • Pages: 52
Loading documents preview...
My Other Half A CharDawn FanFic by Hershey C. Briones

I Limang buwan. Limang buwan na kaming hiwalay ni Gabriel pero may sakit pa rin na nararamdaman ang puso ko kapag siya ang iniisip ko. Alam ko naman na simula pa ng kinasal kami, pera lang ang habol niya sa akin. Pero eto ako tanga na umasa n a darating din ang panahon na mamahalin niya rin ako. Biglang nagring ang phone. "Hello?", sinagot ni Carmina. "Carmina". Di n. no ro

siya makapagsalita. Biglang lumiit ang kwarto niya. Nag-iba ang ihip ng hangi Isang salita lang ang sinabi ng nasa kabilang linya pero alam na niya kung si ang tumatawag sa kanya. Buwan na ang lumipas simula ng huli kaming magkita pe ganun parin ang epekto ni Gabriel sa kanya.

"Ga..err.." sinubukan niyang sagutin si Gabriek pero walang lumalabas sa bibig n iya. "Carmina, nandiyan ka pa ba?" tanong ulit ni Gabriel. Napalunok siya bago niya nasagot ito. "Gabriel, napatawag ka? Nakausap mo na ba ang abogado ko tungkol sa annulment?" "Sino may sabi na pumapayag ako sa gusto mong mangyari?" tanong sa kanya ni Gabr iel. "Anong ibig mong sabihin?" biglang kinabahan na si Carmina. Please, sana matapos na tong problemang to. "Hindi ako pumapayag. Hindi tayo maghihiwalay Carmina." madiin na sinabi ni Gabr iel sa kanya bago binaba ang telepono. "Pero-...Hello? Gabriel?" tinitigan ni Carmina ang hawak na telepono at di makapaniwala sa sinabi ni Gabriel. Bakit ba niya ako pinapahirapan ng ganito. Biglang nag-init ang ulo niya. Walang karapata n si Gabriel na habang buhay siyang ikulong sa kasal na walang pag-asa. Kinuha niya ang susi ng kotse at pumunta sa kumpanya na pinaghirapang tinayo ni Gabriel. Tinigil niya ang sasakyan sa entrance ng building na naging saksi sa ma rraige nila ni Gabriel. Huminga siya ng malalim. "Kaya mo 'to Carmina. Kaya mo to." Bumaba siya ng sasakyan para harapin ang tanging lalaki na nagpatibok at dumurog ng puso niya.

II Binaba niya ang telepono. Akala ng marami wala siyang pakiramdam. Trabaho lang a ng iniisip. Mali sila. At mas lalong mali si Carmina. Narinig ni Gabriel ang sin abi ng kaibigan ni Carmina sa kanya. "Pinakasalan ka lang niya dahil sa pera mo. " Hindi niya masisi si Carmina kung naniwala siya sa kaibigan niya. Sino ng ba n aman si Gabriel sa isang Carmina noon? Mahirap at nagtratrabaho sa isang kumpany a ng makilala niya si Carmina. Maganda, mayaman, mabait at hindi mata pobre. Hin di siya mahirap mahalin. Tatlong linggo. Tatlong linggo simula ng magkita sila h anggang nahantong ang lahat sa kasalan. Biglaan ang lahat. Hindi niya mahal si Carmina pero isa lang ang alam niya. Gusto niya ito at hindi pa siya handang pakawalan si Carmina. Hindi siya pumayag sa annulment dahil hin di pa siya handa. Di rin naman niya maikakaila na napabayaan niya si Carmina dah il gusto niyang patunayan dito na higit pa siya sa inaakala ng lahat. Tumatanda na siya at gusto niya na magkaroon ng isang pamilya bago pa mahuli ang lahat at si Carmina lang ang sagot sa problema niya. Bigla siyang natigil sa malalim na pag-iisip ng may marinig siyang ingay sa laba s ng opisina niya. Napangiti siya bigla dahil malakas ang kutob niya kung sino ang nasa kabilang si de ng pinto. "Mag-usap tayo." sabi agad ni Carmina sa kanya. Maganda talaga ang asawa niya. K ahit siguro sako ang isuot nito ay lilitaw pa rin ang kanyang kagandahan. Namiss niya ito. Ang mga haplos, mga lambing lalo na ang mga halik niya na una ay may hiya pa ngunit nagkaroon ng confidence sa pagdaan ng magagandang gabi na hanggan g ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ni Gabriel. Inosenteng mukha pero ang ka tawan na parang...huwag ka nang pumunta dun Gabriel baka di ka ulit makatulog ma mayang gabi, sabi niya sa kanyang sarili. "Sir, sorry po. Ayaw po magpapigil ni Ma'am Salazar kahit na sinbi ko po na hind i po kayo pwedeng estorbohin." nakayukong sabi ng secretary ni Gabriel. "Lumabas ka na Tanya, iilan lang talaga ang kayang pumigil kay Mrs. Salazar kapa g nasa ganitong mood na siya. Walang pwedeng mang-istorbo sa amin, maliwanag ba? " "Yes, sir. Understood." sagot ng secretary niya habang palabas ng opisina at ini wan silang nakatingin sa isa't-isa. Minuto na parang taon ang lumipas at si Carmina ang unang tumingin sa ibang dire ksyon. "Hindi mo pwedeng gawin sakin ito." sabi ni Carmina habang pinagmamasdan and des k ni Gabriel. "Hindi pwedeng gawin ang ano, Carmina?" tanong ni Gabriel "Ang pahirapan ako. Limang buwan na tayong hiwalay. Obviously, nakamove on ka na

dahil ni text o tawag wala akong natanggap sayo kaya mas mabuti na pormal na na ting taposin kung anuman ang namamagitan sa atin. Please." pinipigil lang ni Car mina ang mga luha niya pero kailangan nang matuldokan ang lahat ng namamagitan s a kanilang dalawa. "Hindi." tanging sagot ni Gabriel "Hindi?" "Hindi as in no. Mahirap bang intindihin?" pilosopong tanong ni Gabriel sa kanya . Ang ganda niya pa rin kahit galit na. Frustrated na si Carmina, kaunting-konti na lang baka di na niya mapigilan ang l uha niya. Emotional kasi siya simula ng iniwan niya si Gabriel. Parang iniwan di n kasi niya ang buhay niya. "Bigyan mo ako ng isang magandang rason bakit hindi ang sagot mo. Ano ba Gabriel , kaya mo bang makulong sa isang marraige na wala namang patutunguhan?" biglang naiba ang boses ni Carmina kaya huminga siya ng malalim dahil ayaw niyang magbre ak-down sa harap ni Gabriel. "Gabriel please, di naman natin mahal ang isa't isa kaya ituloy na natin tong annulment natin." "Carmina, may nakita ka na bang iba?" tanong ni Gabriel "Bakit?" "Sagutin mo na, meron ba o wala" "Gabriel, five months ago nung iniwan kita bnawi ko lahat ng karapatan mo sa aki n kaya hindi ko sasagutin ang tanong mo." nagmamatigas na sagot ni Carmina Nagtitigan sila ni Gabriel ng ilang segundo bago tumayo si Gabriel sa kanyang ki nauupuan at lumapit kay Carmina. "Gusto mo ba talagang makipag-hiwalay sa akin?" tanong ni Gabriel na parang wala ng emosyon. Matagal bago nasagot ni Carmina ng hindi siguradong "Oo. Gustong gusto ko." "Makikipaghiwalay ako sa iyo sa isang condisyon. Madali lang kayang-kaya mo iton g gawin." kalmadong sagot ni Gabriel. Kinabahan lalo si Carmina sa sinabi ni Gabriel. "An...Anong kondisyon?" "Pakikipaghiwalay ako, pagkatapos mo akong bigyan ng anak." III Anak. Isang salita. Apat na letra. Pero bumigat lalo ang pinapasang problema ni Carmina. Ang sarap na talagang paka walang ang mga luha na nasa likod ng kanyang mga mata. Ang tagal niyang pinangar ap na magkaroon na sila ng anak ni Gabriel pero di matuloy-tuloy dahil ayaw ni G abriel kesyo ang aga pa, may trabaho o di kaya di pa sila stable as a couple. Ku ng kailang siya sumuko sa kanilang dalawa ngayon pa siya hihingi na ganito kalak ing pabor kapalit ng kalayaan niya. "Walng hiya ka!" sigaw ni Carmina sabay sampal niya kay Gabriel. Hindi nakita ni Gabriel na ganun ang magiging reaksyon ni Carmina kaya nasalo ni ya ang buong pwersa ng sampal na iyon. Maging si Carmina ay nabigla sa ginawa ni ya kaya napaatras siya at tinakpan ang bibig dahil hindi niya alam kung anong ga gawin ni Gabriel. Walang masabi si Gabriel. Hinawakan niya na lang ang pisngi niyang namumula dahi l sa sampal at tahimik lang habang nagtitimpi sa galit niya. Nagtinginan lang si la ni Carmina. Mata sa mata.... "Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. Pero bago ka magdesisyon, pagisipan mo munang mabut at baka magsisi ka sa huli." sabi ni Gabriel sa kontrolado niya ng boses. "Anong tingin mo sa akin? Baby factory? Gabriel kasal tayo hindi ako pagawaan ng bata. At bakit ako, ang daming ibang babae diyan na sigurado akong nagkakandara pa sa iyo, bakit ako pa?" "Dahil ikaw ang asawa ko." ang tanging sagot sa kanya ni Gabriel. "Pwes pumayag ka na sa annulment natin. Pagkatapos, magpakasal ka ulit. Gumawa k a ng baby sa mapipili mong babae." naprapraning na sagot ni Carmina.

"Carmina ikaw ang gusto ko. Ikaw ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko. Let's face it Carmina, hindi na tayo mga bata. Hindi natin namamalayan ang layo na ng tinakbo ng oras. Gusto kong i-enjoy ang pagiging ama at lalong gusto ko ri ng i-enjoy ang magiging anak ng anak ko. Ayaw mo ba magka-anak, Carmina?" Tumalikod si Carmina at nakatingala na nakapikit ang mga mata. "Simula ng ikasal tayo, yun lang ang tanging ginusto ka na magkaroon tayo. Ako, ikaw, at ang mga magiging anak natin. Pero iba na ang sitwasyon ngayon, hindi mo ba nakikita? Bago tayo naghiwalay walang araw na hindi tayo nagaaway. At.." "At naayos naman ito agad bago matapos ang gabi. Sa kwarto natin. Sa kama. Naaal ala mo ba, Carmina?" Nilapitan ni Gabriel ang nakatalikod niyang asawa at hinima s ang balikat hanggang braso nito. "Naalala mo pa ba kung gaano kainit ang gabi kapag nagbabati tayo? Cara? Hmmm?" tanong ni Gabriel sa mahinang boses na parang bulong na lang habang nilalapit an g kanyang ilong sa may leeg ni Carmina. Hindi alam ni Carmina kung anong gagawin niya. Simula nang hawakan siya ni Gabri el at ginagamit ang boses na sobrang nakakaseduce, unti unting nawawala ang laka s ng mga paa niya para itayo siya. Gustong-gusto na niyang sumandal kay Gabriel. Nalilito na siya. Hindi na to pwede. Hiwalay na kami. Mali ito. Mali nga ba? Hinalikan ni Gabriel ang leeg ni Carmina pero wala namang magawa si Carmina kund i ang mapabugtong-hininga dahil matagal na niyang hindi naramadaman ang ganito. Napasandal si Carmina kay Gabriel kaya napaykap na din si Gabriel na para bang a yaw niya itong pakawalan habang hinahalikan niya at inaamoy ang leeg ni Carmina. "Gabriel...." "Pumayag ka nang magkaroon tayo ng anak, Cara." Parang binuhusan si Carmina ng isang tonelada ng malamig na tubig. Pumiglas siya kay Gabriel na para bang diring diri sa ginagawa nila. Nakatalikod pa rin si Ca rmina habang inaayos niya ang sarili niya. Huminga muna siya ng malalim at tinan ggal lahat ng emosyon sa mukha bago hinarap si Gabriel. "Pumayag ka na sa annulment para wala nang pumigil sayo na magkaroon ng pamilya dahil hinding-hindi ako papayag sa gusto mo." "Cara..." "Huwag mo na rin akong tatawagin niyan dahil wala na tayo. Tapos na Gabriel. Tap os na." tumalikod siya kay Gabriel at naglakad papunta sa pinto ng opisina. "Babalik ka dito, Carmina. Yan ang nasisiguro ko." Napatigil si Carmina sa paglalakad at hinarap ulit si Gabriel. "Huwag ka nang umasa, Gabriel dahil abugado na natin ang mag-uusap para sa annul ment na yan. Kahit gaano katagal, hihintayin ko makawala lang sayo." Tinuloy niy a ang paglalakad sa pinto hanggang nahawakan na niya ito ng may sinabi si Gabrie l sa kanya. "KAUSAPIN MO MUNA ANG KAPATID MO BAGO KA MAGDESISYON, CARMINA. MAIINTINDIHAN MO RIN ANG IBIG KONG SABIHIN."

IV "Wala na ang companya." "Anong wala na, Jeremy?" "Wala na, hindi na tayo ang may-ari. Wala na sa atin ang lahat ng pinaghirapan n ila Mama at Papa. Palpak lahat ng investments natin." nakayuko lang si Jeremy ha bang sinabi ang lahat sa ate niya. "Lahat?" "Lahat. Hindi ko na alam ang gagawin natin ate. I'm sorry. Kasalanan kasi to lah at ni Gabriel, kung tinulungan niya tayo hindi na sana to mangyayari." galit na sinabi ni Jeremy habang umiinom. Dahil dun, mas lalong kinabahan si Carmina sa kapatid niya. Iba siya magalit at sigurado si Carmina na may ginawa si Jeremy kay Gabriel. "Jeremy, anong ginawa mo?" "Wala. Kalimutan mo na sinabi ko. Alam ko naman na masakit pa ring pag-usapan na tin siya kaya sa ibang araw na lang. Maghahanap ako ng paraan para malampasan na tin to." "Jeremy, sabihin mo sa akin ano ang ginawa mo kay Gabriel?" umupo siya sa tabi n g kapatid niya at hinawakan ang kamay nito. "Jeremy, please. Huwag na tayo maglo kohan. Kung hindi mo sasabihin sa akin, si Gabriel ang magsasabi kaya kung anuma n ang nagawa mo kailangan kong malaman para maayos natin to agad." Huminga ng malalim si Jeremy bago niya sabihin ang kinatatakutan marinig ni Carm ina. "Fine, hindi na tayo ang may-ari kasi hindi tayo nakabayad ng utang kaya kinuha na ang companya sa atin. Alam mo na siguro kung sino ang bagong may-ari." Yung wala ka ng ibang magawa kundi umiyak ng umiyak na kahit kapatid ni Carmina kinabahan sa lakas ng iyak niya. Ang daya naman kasi, iniisip ni Carmina. Kung hindi sila nagkaproblema ni Gabrie l, di sana niya napabayaan ang companya ng mga magulang nila ni Jeremy. Pakiramd am tuloy ni Carmina failure siya sa lahat ng bagay. Ilang minuto ang lumipas tumigil siya sa kakaiyak at inayos ang sarili. "Ate, anong gingawa mo?" Hinarap niya si Jeremy na may malungkot na ngiti at sinabi, "Aayusin ko to, mababawi natin ang companya natin." umalis siya para gawin ang i sang bagay na magbabago sa buhay nilang lahat.

V

Dalawang oras nang nakatayo si Carmina sa labas ng dating bahay nila ni Gabriel. Hindi niya naisip na makakabalik pa siya sa bahay na ito. Masyadong masakit pa rin. Maraming ala-ala ang bahay na ito. Hindi rin naman puro sama ng loob ang li mang taong kasal nila ni Gabriel. May mga panahon dun naman na naramdaman niya n a minahal siya ni Gariel. Naaalala pa nga niya nung dumating sila galing Singapo re kung saan sila nag honeymoon. Para silang mga batang walang paki-alam sa mund o. Buong araw nasa loob lang ng kwarto nila, kapag lumalabas naman nagsususbuan ng pagkain at panay ang pagnakaw ng halik ni Gariel sa kanya. Akala niya natutut unan na siyang mahalin ni Gabriel, pera panaginip lang yun. Isa lang siya sa mga babae ni Gabriel na pagkatapos paglaruan ay tinatabi at kakalimutan na lang kah it pa asawa siya. Hindi niya alam kung kailan basta bigla na lang sila palaging nag-aaway.o Nagsisigawan, nagtatalo pero palaging nauuwi lahat sa kama at nakaka limutan na lang kung ano ang pinag-awayan. Ganun ang palaging nangyayari noong m ga huling buwan bago niya iwan si Gabriel. Unti-unting pinapatay ang puso niya s imula nang naramdaman niya na unti-unting lumalayo si Gabriel sa kanya. Hindi na niya nakaya na kasama si Gabriel sa isang bahay na alam niyang kahit kailang hi ndi siya mamahalin ni Gabriel. Kaya ng umalis si Gabriel para sa isang business trip ng tatlong araw, umalis din siya dala-dala lang ang mga damit at alahas na iniwan ng mga magulang niya. Wala siyang iniwan na note o kahit anong mensahe pa ra sa kanya dahil higit pa doon ang iniwan ni Carmina kay Gabriel na hindi na ni ya mababawi pa. Ang puso niyang uhaw na uhaw sa pagmamahal. Pumunta siya sa bahay ni Gabriel para gawin lang ang isang bagay. Ang ituloy ang annulment. Wala silang pinirmahan na Prenuptial Agreement kay hati sila sa laha t nga ari-aian nila habang kasa sila. Ang makukuha niya ay ibabayad niya para ma kuha ang kumpanya ng mga magulang niya. Kailangan niyang mapapayag si Gabriel. K ailangan. Kanina pa nagmamasid si Gabriel kay Carmina. Tinigil niya ang sasakyan sa may ka nto ng bahay nila nang napansin niyang nandun si Carmina. Mahirap sabihin kung a no ang nangyari nang makausap ni Carmina ang kapatid niya. Isa lang ang sigurado . Hindi sinabi ng kapatid niya kung ano talaga ang totoong dahilan ng pagkawala sa kanila ng kumpanya nila. Sugal. Tinaya lahat ni Jeremy sa sugal. Kung walang inutusan si Gabriel na bantayan ang kumpanya nila Carmina ay hindi na siguro ito mababawi pa sa mga sugarol na nakahawak dun. Pinaghirapan niya ang sarili niyan g kumpanya kaya alam niya kung gaano kasakit kay Carmina kung mawawala sa kanila ang kumpanyang pinaghirapan ng mga magulang niya. Kaya iyon, binili niya. Walan g nakaka-alam na siya ang bagong may-ari. Ang alam lang ni Jeremy ang sugarol na nakapanalo ng taya ang may-ari pa rin ng kumpanya. Hindi niya alam kung papaano niya sasabihin ito kay Carmina. Siguro hindi pa ito ang tamang oras. "Mang Ernesto, diretso na po tayo sa bahay" utos ni Gabriel sa driver niya. Tumuloy ang sasakyan at tumigil sa harapan mismo ni Carmina. Binaba ni Gabriel a ng bintana at nagtinginan lang sila. May biglang naramdaman si Gabriel ng makita niya ang mukha ni Carmina. Pumayat siya, madadala na siguro siya ng hangin kung meron man. Maputla siya at halatang hindi siya nakakatulog sa gabi. Naaalala si n kaya ni Carmina ang pinagsamahan nilang dalawa tuwing matutulog siya ng magisa sa kama? Siguro hindi, siya ang nang-iwan. Binigay naman ni Gabriel lahat ng gu gustuhin ni Carmina. Kumukulo siya sa galit tuwing naaalala niya ang gabing nala man niyang iniwan na siya ni Carmina. Walang note, text o tawag man lang. Alam l ang niya kinuha ni Carmina ang lahat ng damit niya. Iniwan lahat ng binigay niya ng alahas pati ang wedding at engagement rings niya. Nakahanap na ng iba si Carm ina. Kahit anong gawin niya, hindi siya magiging sapat sa isang Carmina na dumat ing sa buhay niya. Binuksan ni Gabriel ang pinto ng sasakyan para kay Carmina. "Pumasok ka. Alam kong gusto mong makipag-usap." Walang sinabi si Carmina. Hindi pa niya kayng magsalita. Masyado nang maraming i niisip kay pumasok na lang siya sa sasakyan at pumasok sa bahay. Hindi sila nag-usap. Dumiretso lang sila sa loob ng bahay. Walang nagbago. Nandu n pa rin ang mga gamit kung saan niya huling nakita ang mga ito. Limang buwan na ang nakakaraan. Dumiretso si Gabriel sa study kaya sumunod na lang din si Carmi na. Nakatayo lang si Gabriel sa may bintana, nakatalikod sa kanya at ang mga kam

ay nasa bulsa na suot niya pants. Bumubilis na ang tibok ng puso ni Carmina. Hin di niya alam kung saan siya magsisimula. "Gabriel..." "Anong sinabi ni Jeremy sayo?" "Er..eh.." napalunok si Carmina "Wala na ang kumpanya." "Sinabi ba niya sa iyo kung paano?" "Mga investments na palpak kay di kami nakabayad sa utang..Gab-" "Ang ibig mong sabihin wala ka pa ring alam?" nainis na si Gabriel kay Jeremy da hil di niya kayang panindugan ang pagkakamali niya. "Anong ibig mong sabihin?" Humarap si Gabriel kay Carmina at sa mukha pa lang ni Gabriel, alam niyang di ni ya magugustuhan ang maririnig niya. "Tinaya ng magaling mong kapatid ang kumpanya ninyu sa high stakes na poker, Car a. Walang palpak na investments, walang utang. Lahat natalo sa sugal." Biglang lumabo ang lahat. Mabuti na lang may malapit na upuan at dun siya napaup o. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng kapatid niya. Hindi niya alam kung anung gagawin niya. "Pero ang sabi niya, ikaw na ang bagong may-ari ng kumpanya?" tanong ni Carmina. "Cara, asawa pa rin kita. Alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang kumpanya kaya t inubos ko. Malaki din naman ang utang na loob ko sa pamilya mo dahil kung hindi dahil sa tulong ninyo, hindi ako magkakaroon ng sarili kong kumpanya." pumunta s i Gabriel sa mesa at kinuha ang mga sobre na nandun. Hinihintay ang sasabihin ni Carmina. "Pumayag ka na sa annulment" pabulong na pakiusap ni Carmina. Binitawan ni Gabriel ang mga sobre at tiningnan niya ulit si Carmina. "Bakit Cara? Dahil hihingin mo sa akin ang kumpanya? Dahil wala tayong pinirmaha n na Prenuptial Agreement?" tanong ni Gabriel sa kanya. "Oo, Gabriel. Iyo na lahat huwag mo lang kunin ang kumpanya ng magulang ko. Hind i ako hihingi ng kahit na ano yun lang. Please." "I'm going to make a better offer. Give me a child, Cara and I will give you the company plus 30 million pesos at your disposal and the annulment na hinihingi m o." Nanlaki ang mga mata ni Carmina sa halagang iyon. Hindi niya akalaing kayang-kay a ni Gabriel magtapon ng ganung kalaking pera makuha lang ang gusto niya. "Akala mo ba ganun lang kadali ang gusto mo? Ano ba ang tingin mo sa akin, iiwan ko sa iyo ang magiging anak natin pagkatapos nating gumawa ng bata? Hindi ako g anung klaseng ina, Gabriel! pasigaw na sabi ni Carmina. "Then subukan natin ulit. Let's make this marraige work. Malay mo, maging succes sful tayo this time around." mahinahon na sinabi sa kanya ni Gabriel. "Ano?" "Subukan natin ulit, Cara." dahan dahang lumapit si Gabriel kay Carmina na nabig la sa sinabi niya at walang ibang magawa kundi ang umupo habang nakatingin kay G abriel. Tinabihan niya si Carmina at hinawakan ang kamay. "Cara, subukan natin ulit. Alam mong hindi ako naniniwala sa annulment. Subukan natin ulit. Maging isang pamilya tayo." hinimas ng isang kamay ni Gabriel ang pi sngi ni Carmina habang walang magawa si Carmina kundi tingnan lang si Gabriel. "Gabriel, may itatanong ako sa iyo." "Kahit ano, Cara." "Minahal mo ba ako?" naluluhang tanong ni Carmina kay Gabriel. Napatagil sandali si Gabriel sa paghimas ng pisngi ni Carmina. Nagulat siya sa t anong ni Carmina. Kunsabagay, ni minsan hindi niya sunabihan si Carmina ng "I lo ve you" o "Mahal kita". Lagi lang "gusto kita" o di kaya "I love your eyes, your lips or your kisses" ang kaya niyang sabihin. Hindi na niya kayang magmahal. Hi ndi niya alam kung paano. "Gusto kita, Cara" iyon na lang ang sinagot ni Gabriel sa kanya. Hinawakan ni Carmina ang kamay ni Gabriel at tinigil ang paghimas sa pisngi niya . "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Minahal mo ba ako? Sa limang taon na kasal tayo , ni minsan ba nakaramdam ka ng pagmamahal para sa akin?" seryosong tanong ni Ca rmina sa kanya.

Tumayo si Gabriel at bumalik sa pwesto niya sa may bintana na nakatalikod kay Ca rmina. Matagal na ganoon lang siya. Hinintay pa rin ni Carmina na sumagit siya. Pagkatapos ng ilang minuto narinig ni Carmina na huming na malalim si Gabriel ba go ito humarap ulit sa kanya. "Hindi, Carmina. Hindi kita mahal."

VI Hindi kita mahal. Hindi kita mahal. Hindi kita mahal. Hindi niya ako mahal, iyon lang ang nasa isip lang ni Carmina habang nakatingin kay Gabriel. Wala na siyang magawa. Hindi niya kayang umiyak dahil naubos na yat a lahat sa kaiiyak gabi-gabi simula ng mag-hiwalay sila. "At least, you were honest. Salamat." pilit na sabi ni Carmina habang pinipigila n niya ang mga luha na bigla na lang namuo sa likod ng mga mata niya. "Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ko, Cara. Hindi kita mahal, oo pero hindi ibig sabihin na may iba akong mahal. Hindi ako marunong magmahal. Hin di ko kaya. Pero alam ko na may nararamdaman ako para sayo. I want you, Cara." s abi sa kanya ni Gabriel. Walang masabi si Carmina. Tumayo lang siya at pumunta sa kabilang dulo ng kwarto sa tapat niGabriel at napayuko lang. Sapat na ba ang gustohin ka lang pero hind i ka mahal? "Kung hindi mo ako mahal, what makes you think na mag-wowork ang marraige natin when it failed the first time?" biglang tinanong ni Carmina si Gabriel. "Hindi lahat ng successful marraiges based sa love. Couples compliment each othe r, Cara. We compliment each other. Pareha tayo ng gusto. I want you and I am def initely sure na you...want...me...to." at para ma-prove ni Gabriel ang point niy a, nilapitan niya bigla si Carmina. Hinawakan niya sa likod at hinila papunta sa kanya at hinalikan ang kanyang mga labi. Rough kiss. Katulad ng mga halik ni Ga briel sa kanya noong bagong kasal pa sila at darating si Carmina sa bahay bigla lang siya hahalikan ni Gabriel ng ganito. At tuwing nag-aaway sila, kapag ayaw n a ni Gabriel palalain ang away. Hahalikan lang siya ng ganito ni Gabriel at para ng natutunaw na siya. Nagpatuloy lang ang halik na iyon. Nakapikit na ang mga mata ni Carmina. Halos m awala lahat ng sakit na nararamdaman ni Carmina nang hinalikan siya ni Gabriel. Hindi niya namalayan na gumalaw na pala ang mga kamay niya at nakayakap na sa le eg ni Gabriel na para bang ayaw niyang matapos ang halik na iyon. Biglang tinulak ni Carmina si Gabriel. "Hindi tama ito." tinalikuran niya si Gabriel at niyakap ang sarili na para bang batang takot na takot. "Carmina, nung sinabi kong gusto kong subukan natin ulit seryoso ako. Hindi kita pipilitin, magsama ulit tayo. Let's just take it one step at a time. Magsimula ulit." sabi ni Gabriel kay Carmina.

"Hindi ko alam, Gabriel. Kailangan kong mag-isip." "Kaya kong gawin yan. Isang linggo, Carmina. Pupunta ako sa iyo pagkatapos nun." "Salamat, Gabriel. Nalilito na ako sa mga nangyayari sa akin." Palabas na si Carmina ng kwarto ng pinigilan siya ni Gabriel sa braso at hinalik an ulit si Carmina sa labi niya. "Sana makatulong yan sa magiging desisyon mo, Cara."

VII 11:00 p.m. Hindi pa rin makatulog si Carmina. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Bu kas na ang huling araw na ibinigay sa kanya ni Gabriel para magdesisyon. Litonglito na siya. Mahal niya si Gabriel pero hind niya alam kung kaya niyang mabuhay kasama si Gariel pero alam niya na kahit kailan hinding-hindi magiging kanya ng lubos si Gabriel. "Arggghhh!" padabog na tinabi ni Carmina ang comforter niya at tumayo siya. Pumu nta siya sa kusina para kumuha ng wine. Gusto niyang marelax. Isang linggo na si yang tense at kahit sleeping pill ay hindi na umeepekto sa kanya. Dala-dala ang isang baso ng wine, pumunta siya sa sala. Nakita niya ang litrato ng kasal nila ni Gabriel at lalo siyang nalungkot. Kung gaano siya kasaya nung a raw na pinakasalan niya ang lalaking mahal niya ay ganoon naman kamiserable ang buhay niya ng hiwalayan niya ito. Kinuha niya ang litrato at hinimas-himas ang m ukha ni Gabriel. "Alam mo ang sarap mong sapakin Gabriel. Gago ka eh, hinayaan mo akong mahalin k ita tapos sasabihin mo na lang sa akin na hindi mo ako mahal pero ayaw mo kong p akawalan. Ang sakit pero anong magagawa ko? Mahal na mahal na mahal kita. Sana s a gagawin kong ito, hindi tuluyang mawasak ang puso ko. Sana sapat na ang pagmam ahal ko para sa ating dalawa kasi bilktarin man natin ang mundo, titiisin ko lah at ng sakit huwag ka lang mawal sa piling ko." humagul-gol ng husto si Carmina d ahil sa unang pagkakataon pagkatapos ng limang buwan, naamin na rin ni Carmina s a sarili niya ang isang katotohanan na hinding-hindi mababago ninuman. Mahal niy a Gabriel Salazar. Nakatulog na sa sala si Carmina. Hindi lang isang baso ng wine ang naubos niya. Isang bote ng wine. Isang gabi lang. Nilunod niya ang lahat ng problema niya sa alak dahil pagkatapos ng gabing ito, magsisimula na ang panibagong yugto sa buha y ni Carmina. Kadarating lang ni Gabriel sa bahay niya galing Japan dahil sa isang posibleng i nvestor. Dumeretso siya sa kwarto niya na dating kwarto nila ni Carmina. Wala si yang binago. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Lahat ng gamit na iniwan n i Carmina nakalagay pa rin kung saan ito huling nakita ni Carmina. Kinuha niya s a jewelry box ni Carmina ang wedding rings nilang dalawa at naupo sa kama. Alam niyng nasaktan niya si Carmina ng sabihin niyang hindi niya minahal ang asawa ni ya. Siya na ang gago pero masydong bato na ang puso niya para magmahal ulit. Nas aktan na siya noon ng minsan. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, pinangako niya sa sarili niya na wala ng sinuman ang makakalapit sa puso niya para lang saktan it

o. Pero iba si Carmina. Kahit kailang hindi siya gumawa ng anang bagay na ikasas ama ng loob ni Gabriel. Lahat ng away nila, si Gabriel palagi ang dahilan. Inaam in niya naman ito. Dumistansya siya kay Carmina dahil takot siya. Takot siya na mangyari ulit ang nakaraan. Napakabuting asawa ni Carmina pero sarado na ang pus o niya. Mas nanaisin pa niya ang lust kaysa love kasi alam niya na mas ligtas an g lust kaysa sa love. Sana mintindihan ni Carmina iyon. Magiging mabuti naman ai yang asawa kay Carmina. Lahat ibibigay niya kay Carmina pati atensyon niya lalo pa ngayon na nagtagumpay na siyang palaguin ang kumpanyang pinaghirapan niya. La hat ng hihilingin ni Carmina ibibigay niya huwag lang ang puso niya dahil para s a kanya wala na siyang puso na maibibigay kay Carmina. "I may not love you, Carmina but I want you. Too. Damn. Much."

VIII "Kalma ka lang, Carmina. Kaya mo to. You are going to be alright." Kanina pa hin di mapakali si Carmina. Seven pm na maya-maya susunduin na siya ni Gabriel. Tuma wa si Gabriel kaninang hapon para sabihing magahanda si Carmina at kakain sila s a labas at para pag-usapan ang magiging desisyon ni Carmina.o Pormal daw sabi ni Gabriel. Matagal bago nakapili si Carmina ng susuotin. Para siyang teenager na pupunta sa isang date. Sinuot niya ang simpleng black dress na binigay sa kanya ni Gabriel noong last anniversary siya. Nagayos siya ng mukha pero hindi yung so bra. Light na lipstick at hinayan niya lang ang buhok niya na nakadunghay. Walan g arte. Ganun si Carmina. May kumatok sa pinto. Napatigil sa Carmina sa kalalakad at napatingin lang sa pi ntuan. Si Gabriel. Nanlamig ang mg kamay ni Carmina. Nandito na ang asawa niya. Ngayong gabi na magbabago ng tuluyan ang mga buhay nila. Sana hindi siya magkama li sa desisyon niyang ito. "Carmina, si Gabriel ito. Buksan mo ang pinto." naiinip na sabi ni Gabriel sa la bas ng pintuan. Parang wala sa sariling binuksan ni Carmina ang pinto. Automatic na lang na gina wa niya iyon. Nang buksan niya ang pinto, akala niya lumabas ng bahay niya ang l ahat ng hangin dahil nahirapan siyang huminga. Ang gwapo talaga ni Gabriel. Hind i pa rin nawawala ng epekto sa kanya tuwing nakikita ni Carmina ang asawa niya l alo na't naka black tie siya ngayon. Hinawakan ni Gabriel ang mga kamay ni Carmina at hinalikan ang mga ito. "Cara, may problema ba? Tulala ka ngayon." "Ha? Wala, walang problema. Gusto mo muna uminom ng juice bago tayo umalis?" tum alikod si Carnina at pumunta siya sa sofa para kunin ang bag niya. "Hindi na, Cara". Nagulat si Carmina dahil nasa likod lang pala niya si Gabriel. Pagtingin niya ay may hawak na red rose si Gabriel at nakangita pa ang kanyang

asawa ng ialok niya ito. "Salamat dahil binigyan mo ng pagkakataon ang marraige natin." sabi ni Gabriel s a kanya nung tinanggap niya ang bulaklak. "What makes you think na oo ang sagot ka?" tanong ni Carmina na may halong takot at kaba. "Dahil dito." Hinila nanaman ni Gabriel si Carmina papunta sa kanya. Pero iba ang ginawa niya. Tinitigan muna nila ang isa't-isa. Papalapit ng papalapit ang mga mukha nila ha bang hinihimas ni Gabriel ang likod ni Carmina. Ilang milimetro na lang ang pagi tan ng mga labi nila nang pinikit ni Carmina ang mga mata niya. Pinagmasdan ni G abriel ang mukha ni Carmina. Ang ganda ng asawa niya. Alam niyang kapag tinuloy niya ang halik na ito, wala ng makakapigil sa kanila. Bumilis ang pintig ng puso niya at handa nang tanggapin ang halik ni Gabriel. Pero hindi sa labi ni Carmina dumapat ang halik ni Gabriel. Naramdaman niya ang halik na dumapat sa kanyang pisngi. Dinilat ni Carmina ang kanyang mga mata at n akitang nakatingin sa kanya ng malalim si Gabriel. "Mahuhuli na tayo, Cara. Sa susunod na natin ituloy ito. Kapag sigurado ka na na gusto mo ring gawin to at kapag sigurado ka na hindi mo pagsisisihan ang gagawi n natin." sabi sa kanya ni Gabriel na may pilit na ngiti. Napaatras si Carmina kay Gabriel. Tama siya at kahit ano pa ang nangyari kanina, inuna pa rin ni Gabriel ang kapakanan ni Carmina bago ang sarili niya. Mas lalo lang tuloy minamahal ni Carmina si Gabriel kapag pinagpatuloy pa niya ang mga g inagawa niya. "Salamat, Gabriel." iyon lang ang nasabi ni Carmina. "Tama ba ako?" "Tama saan?" nalilitong tanong ni Carmina. "Tama ako na pumaayag kang bigyan ng isa pang pagkakataon ang marraige natin. Oo ang sagot mo, hindi ba?" Tumango lang si Carmina dahil hindi siya sigurado kung kaya niyang magsalita na hindi tumutulo ang luha niya kaya tumango lang siya at pinilit niyang ngumiti. Inalok ni Gabriel ang kamay niya kay Carmina. "Halika na?". Tiningnan muna ni Carmina ang kamay na inalok sa kanya ni Gabriel pagkatapos ang tumingin siya sa mukha ng asawa niya. Oo ang sagot ko. Paninindigan ko na ito. Mahalin mo man ako o hindi, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Hi nawakan niya ang kamay ni Gabriel at magkahawak-kamay silang lumabas ng bahay pa ra sa isang panibagong simula.

IX "Cara." Biglang nag-focus kay Gabriel ang atensyon niya. "Hmm?" pinilit niya pa ring ngiti kahit ang daming taong nakatingin sa kanila. "Ang layo ng narating mo, Cara. Baka gusto mong sabihin sa akin ang iniisip mo." sa pagkakataong ito hindi lang labi ni Gabriel ang ngumiti. Pati ang kanyang mga mata. Just like old times. Noong okay pa ang lahat. "Iniisip ko lang if this time our marraige would work. Limang taon din naman yun diba. Ba't nagkaganoon, Gabriel?" Naging seryoso bigla si Gabriel. "Hindi ko alam, Cara. Siguro kinailangan lang talaga natin ng space. Siguro kail angan nating mag-isip kung ano talaga ang gusto natin." "Ano ba ang gusto mo, Gabriel?" "Alam mo ang sagot diyan. Ikaw. Ikaw ang gusto ko."

Napabuntong-hininga na lang si Carmina sa sagot niya. "Ikaw, ano ba gusto mo?" tanong sa kanya ni Gabriel. Yung hindi mo lang ako gustohin. Yung hindi lang gusto pero mahal din. Mahal na mahal. "Pamilya ang gusto ko. Ako. Ikaw. At ang magiging anak natin. Hindi na tayo buma bata, Gabriel. Siguro kaya naghiwalay tayo kasi may kulang sa atin." "Gusto mo magka-anak tayo agad?" "Yun naman ang dahilan ba't binalikan mo ako diba? Para magkaroon ka ng susunod at magmamana sa pinaghirapan mong kumpanya?" malakas ang pagkakabitiw ni Carmina sa mga salitang iyon. Hindi niya sinasadya pero hindi lang talaga niya mapigila n ang sarili niya. "Car-" "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Masyadong marami lang talaga ang tumatakbo sa is ip ko ngayon. Nalilito ako." "Naiintindihan ko. Pero kailangan mong kumain din. You haven't even tried to tou ch your food." hiniwa ni Gabriel ang ulam na nasa plato ni Carmina at sinubuan s iya nito. "Paborito mo to diba? Kumain ka na muna. Kalimutan muna natin na nag-h iwalay tayo in the first place." Mas lalong kumirot ang puso ni Carmina dahil kahit anong gawin ni Gabriel, napap amahal siya lalo kay Carmina. Hindi niya alam kung matutuwa siya o mababaliw na lang. Napatawa na lang si Carmina at kinain ang sinubo sa kanya ni Gabriel. Gumaan ang mood nila pagkatapos noon. Kwetuhan habang kumakain habang iniiwasan ang medyo sensisitbong usapin. Tagumpay ang naging unang date nilang mag-asawa. Natapos silang mag-dinner na me dyo nagbibiruan na. Habang pauwi, nakatulog na si Carmina bago pa matanong n Gab riel kung okay na kay Carmina na bumalik na siya sa bahay nilang dalawa kaya dum eretso na lang si Gabriel sa bahay nilang dalawa total oo din naman ang sagot sa kanya ni Carmina. Nakarating na sila sa bahay pero tulog na tulog pa rin si Carmina. Nagdadalawang -isip si Gabriel kung gigisingin niya o hindi si Carmina. Ang sarap niyang tingn an kapag natutulog siya. Parang isang anghel na bumaba sa langit. Ngunit halatan g pagod si Carmina. Pumayat siya at medyo maputla pati eyebags nagkaroon na din siya. Inayos niya ang buhok ni Carmina na nawala sa dapat nitong kalagyan at nga yon ay nasa mukha na ni Carmina. Napangiti na lang si Gabriel. Lumabas siya ng kotse at binuksan ang pinto ni Carmina. Dahan-dahan para hindi m agising ang natutulog niyang diyosa, binuhat niya si Carmina at dinala sa kwarto nilang dalawa at hiniga sa kama nilang dalawa. Binihisan niya si Carmina at nag bihis na rin siya ng pantulog. Tumabi siya kay Carmina at niyakap niya ito na pa ra bang hindi na niya ito pakakawalan. "Goodnight, Cara. Dream of us tonight." humigpit sandali ang kanyang pagkakayaka p at pinikit na rin ang kanyang mga mata upang magising bukas kasama ang kanyang magandang asawa.

X Tanghali na nang nagising si Carmina. Biglang nalito siya kung bakit parang pami lyar ang paligid. Biglang napatayo na lang si Carmina dahil ang naaalala niya si nundo siya ni Gabriel, tapos nag-dinner sila, hinatid sa... "Bahay...namin?!" Hindi alam ni Carmina kung anong iiaipin niya. Nagising siya sa bahay nilang dal awa ni Gabriel, suot ang pantulog at pagtinging niya sa sa kama napatingin siya

sa tabi niya na halatang natulogan din. Napahiga siya ulit at napalunok. Magkata bi ailang natulog ni Gabriel kagabi. Hindi niya alam kung anung gagawin niya. Ma gkatabi silang natulog kagabi. Matagal siang gumalaw sa kinahihigaan niya bago siya bumangob ulit. Naligo siya at nagbihis. Napangiti siya nang makita niyang walang nagalaw sa mga gamit niya. Parang naghihintay lang silang bumalik ang may-ari nila. Bumaba si Carmina at pumunta sa kusina ng makita niyang may nagluluto na doon na isang matandang babae. "Gising na po pala kayo, Maam. Ako nga pala si Isabel. Tawagin mo nalang akong M anang Sabel. Ako yung pumupunta dito sa bahay ninyo araw-araw para gumawa ng gaw aing-bahay. Maaga hong umalis si Sir Gabriel dahil may breakfast meeting daw ho, eh pinapasabi din po sa inyo na gabi na ho siya makakabalik ng bahay. Ay ano ba ako, matanda na nga. Eh maam maupo na po muna kayo at ipaghahanda ko po kayo ng makakain niyo. Siguradong napagod kayo kagabi no?" nagbibirong sabi ni Manang S abel sa kanya. Napangiti na nahihiya si Carmina habang umupo sa kanyang upuan. May nagbago din pala. Wala nang maid na nakatira sa bahay. Mukha naman mabait si Manang Sabel. S ilang dalawa lang pala ni Gabriel sa bahay tuwing gabi. "May pinabibigay po pala si Sir sa inyo maam." sinabi ni Manang Sabel sa kanya n a may dalang mga bulaklak at inabot ito sa kanya. Paborito niyang blue roses. Ki nuha niya ang card at binasa ito. "Thank you." -G. Walang love, walang babe. Hindi nga nakumpleto ang pangalan pero okay na rin par a kay Carmina. Okay lang basta walang ibang babae si Gabriel. Kakayanin niya ito . Medyo ngumiti na si Carmina habang kumakain mag-isa. Umalis si Carmina para bumalik sa dati niyang tinitirhan para kumuha ng ilang ga mit. Tumawag na rin siya kay Jeremy para ipaalam sa kanya na nakipag-balikan na siya sa asawa niya. Hindi natuwa si Jeremy pero hindi na siya nakialam pa. "Huwag ka lang niyang saktan ulit, Ate at baka hindi na niya makita ang bukas sa oras na gawin niya iyon" iyon ang huling sinabi ni Jeremy sa kanya. Alam niyang galit pa rin si Jeremy dahil nasabi sa kanya kagabi ni Gabriel na nademote si J eremy para na rin sa ikabubuti ng kumpanya. Si Gabriel na mismo ang namamahala s a kanilang kumpanya. Sabado kaya walang trabaho para kay Carmina pero hindi pa r in nagbabago si Gabriel. Buong linggo pa rin kung mag-trabaho. Pinag-aawayan nil a ito noon ng madalas hanggan sa napagod na rin si Carmina at pinabayaan na lang niya si Gabriel. Bumili siya sandali sa mall ng mga gamit bago bumalik sa bahay nila ni Gabriel. Wala nang Manang Sabel na naabutan si Carmina kaya paggatapos niyang mag-ayos ng gamit ay nagluto na rin si Carmina ng hapunan nilang dalawa n i Gabriel. Namimis niya rin tong gawin para sa asawa niya. Masayang ginawa ito n i Carmina at inayos niya na rin ang mesa para sa kanila ng tumunog ang cellphone niya. "Hello?" "Alam mo bang ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko?" tanong agad sa kany a ni Gabriel. "Siguro kung nakilala ko lahat ng babaeng nakilala mo, alam ko ang sagot. O baka naman ako lang ang babaeng nakilala mo sa buong mundo?" nagbibirong sagot ni Ca rmina sa kanya. "Would you like to dance, Mrs. Salazar?" "Alone, Mr. Salazar? "No, with me." Nagulat si Carmina nang biglang sumulpot si Gabriel sa kusina na may dala nanama ng bulaklak at nakangiti itong inabot sa kanya. "Anong ginagawa mo?" "Masama bang bigyan ng bulaklak at gustuhing isayaw ang asawa ko, Mrs. Salazar? "No, ang ibig kong sabihin what's with the flowers and the dance..all this? Sinu suyo mo ba ako, Gabriel?" seryosong tanong sa kanya ni Carmina. Lalong ngumiti lang si Gabriel at may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya. Ang wedding ring ni Carmina. Kinuha niya ang kamay ni Carmina at isinuot ito sa kan

ya. "Sa pagkaka-alam ko hindi masamang suyuin ang asawa basta't asawa mo ito at hind i ng iba." hinalikan niya ang kamay ni Carmina at tinitigan ang kanyang mga mata . "Mabango ang niluluto mo, para sa akin ba yan?" tanong sa kanya ni Gabriel. "Hindi, para sa kapitbahay. Syempre, sayo no." natawa na si Carmina. "Halika na nga, kumain na tayo." Nagpatuloy ang pagbibiruan nila habang kumakain. Magaan lang ang pakiramdam nila sa isa't-isa pero biglang tumahimik sila. Hindi nila alam kung anung pag-uusapa n. "Siyanga pala, may ibibigay ako sayo" inabot ni Gabriel ang sobre kay Carmina. "Ano 'to?" binuksan niya ang sobre at nagulat siya sa nakita niya. Ticket papunt ang Paris. "Paris? Pa..para saan?" "Second honeymoon, Cara. Ayaw mo ba?" "Hindi ba masyadong maaga pa. Sabi mo hindi mo ako mamadaliin." napalunok si Car mina. "Hindi naman yan bukas, Cara. Sa suaunod na buwan pa iyan. Binigay ko ngayon par a mapag-isipan mo." "Salamat." bigla na lang tumawa si Carmina. "Sige na, iligpit na natin 'to." tum ayo si Carmina pero hinawakan ni Gabriel ang kamay niya. "Ako na, Carmina. Division of labor, ika nga nila. Ikaw ang nagluto kaya dapat l ang na ako ang mag-ligpit. Sige na, mahal na reyna. Nandito na ako upang pagsilb ihan ka." hinalikan ni Gabriel ang kamay ni Carmina at nagsimulang ligpitin ang lamesa. "Baliw! Sige ikaw bahala." tumatawa pa rin si Carmina habang paakyat siya sa kwa rto nila. Masarap sa pandinig ni Gabriel ang tawa ni Carmina. Mahal ko siya. Nagulat si Gabriel sa sarili niya. Mahal niya si Carmina. Hindi niya alam kung k ailan o kung saan. Mahal niya si Carmina. Napangiti si Gabriel. Hindi niya aakal ain na pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Carmina. Kaya hindi niya kaya p akawalan si Carmina. Hindi lang niya gusto, hindi pagnanasa, hindi pangangailaga n. Pagmamahal. Hindi niya alam kung kailan siya magiging handa na aminin ito kay Carmina. Siguro bukas, sa susunod na araw, sa isang linggo, sa isang buwan, sa isang taon. Hindi niya man masabi, ipaparamdam na lang niya muna dahil isang lan g ang kaya niyag aminin sa sarili niya. Mahal niya si Carmina Salazar. XI Isang oras na si Carmina sa loob ng banyo pero hindi pa rin siya lumalabas. Hind i niya kayang lumabas. Iba yung kagabi na nakatulog siya tapos binuhat at hinati d siya dito ni Gabriel. Iba ngayon. Gising na gising siya. Hindi maintindihan ni Carmina kung ano ang nararamdaman niya. Kaba o takot o saya. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin at napahinga ng malalim. Masaya siya. Inaamin niya. Pero hanggajg kailan? Hindi siya mahal ni Gabriel. Takot siya na kapag magsawa na sa kanya si Gabriel ay makahanap na ito ng iba. Kanina pa niya narinig si Gabriel sa kabilang kwarto.Naglalakad at halatang nagb ibihis siya pagkatapos nun ay tumahimik ulit. Kanina pa yun. Sa tingin ni Carmin a tulog na si Gabriel kaya dahan-dahang binuksan ni Carmina ang pinto. Sinilip m una niya at tiningnan ang nakahiga niyang asawa. Tulog na nga. Naglakad siya ng patiyad para hindi magising si Gabriel at dahan-dahan din siyang humiga katabi n g kanyang asawa. Humiga siyang nakaharap kay Gabriel at pinagmasdan lang niya ang tupog niyang as awa. "Mahalin mo din sana ako." Matapos ang ilang saglit ay tumalikod siya kay G abriel at pinikit ang kanyang mga mata. Maya-maya naramdaman niya ang kamay ni G

abriel na yumakap sa kanya pero tumulo ang luha niya ng marinig niya ang salitan g lumabas sa bibig ni Gabriel. "Sandra."

XII Nagising si Gabriel sa amoy ng agahan. Wala na si Carmina sa tabi niya. Hindi pu mapasok si Manang Sabel tuwing Linggo kaya isa lang ang ibig sabihin nito. Pinag luluto nanaman siya ni Carmina ng almusal. Napangiti siya at tumayo para puntaha n ang misis niya. Nagluluto siya ng tuyo kaya nakatalikod si Carmina kay Gabriel. Hindi pa rin nap apansin ni Carmina na may ibang tao sa kusina kaya dahan dahang umatras si Gabri el at lumabas ng bahay. Tiningnan niya ang mga bulaklak sa may harapan nila at p umitas siya ng tarlong pirasong pulang rosas at bumalik sa loob ng bahay. Nadatnan niya na inaayos na ni Carmina ang lamesa kaya nakita siya agad nito. "Gising ka na pala,halika kumain na tayo. Maupo ka na at ipagtitimpla kita ng ka pe." Habang nagtitimpla ng kape si Carmina ay nilagay ni Gabriel ang mga bulaklak sa plato ni Carmina at sabik siyang makita ang reakayon ng asawa niya. Bumalik si Carmina at nakita ang mga bulaklak na pinitas ni Gabriel. Pero hindi makapaniwala si Gabriel sa ginawa ni Carmina. Nilagay niya ang kape malapit kay Gabriel at kinuha ang bulaklak at itinabi lang ito. "Kain na at pupunta pa tayo ng simbahan." tanging sinabi ni Carmina at nagsimula ng kumain. "Anong nangyari? Ba't nag-iba ka?" "Nag-iba? Hindi naman ah. Gumising nga ako ng maaga para ipagluto kita tapos sas abihin mong may nag-iba? May mali ba akong ginawa?" tanong ni Carmina kay Gabrie l ng hindi siya tinitingnan at pinagpatuloy lang ang kanyang pagkain. "Cara..ano ang nagawa kong mali? Don't give me that ice treatment para maayos na tin ito." "Sorry, hindi ko alam na sa lahat pala ng oras kailangan mabait at masunurin ako . Kumuha kaya tayo nang aso para mabawasan naman ang pagkakatali mo sa akin?" na iinis na sagot ni Carmina sa kanya. "Carmina, you know that's not what I meant. Hindi kita tuta. Asawa kita. Ang gus to ko lang maayos ang lahat sa pagitan nating." "At ang gusto ko naman Gabriel ay matapos na tayong kumain dahil mahuhuli na tay o sa simbahan. Pwede ba kahit minsan ako naman ang masunod?" galit na sagot sa k anya ni Carmina. Bigla siya tumayo dala-dala ang kanyang plato at padabog na nag ligpit. Napatunganga si Gabriel sa kinikilos ni Carmina. Kagabi lang ay nagtatawanan at nagbibiruan sila. Hindi niya alam kung anong laro ito pero hindi nakakatuwa. Tum ayo siya at umakyat ng kwarto nila habang naiwan si Carmina sa kusina na tahimik na umiiyak. .....

Katatapos pa lang ng misa sa simbahan at pabalik na sila ng bahay ngunit hindi p a rin nagkikibuan sina Carmina at Gabriel. Kapag may itatano si Gabriel sa kanya madalas na sinasagot niya ay "oo", "hindi" , o di kaya "hindi ko alam". Unti-unting naubos ang pasensya ni Gabriel kay tumi gil na rin siya sa kasusubok na kausapin ng matino si Carmina. Napansin ni Carmina na hindi sila patungo sa bahay kaya napilitan siyang mag-tan ong kay Gabriel. "Saan tayo pupunta?" "May ipapakilala ako sa iyo." "Sino?" "Ang pansamantalang mamahala ng kumpanya niyo. Gustuhin ko man na ako mismo ang mamahali ay hindi ko kakayanin dahil marami na akong inaasikaso kaya siya na mun a ang mamamahala habang on leave ka pa." "On leave..ako? Bakit?" "Because you are on your second honeymoon. You are enjoying the bliss of our rec onciliation. Inapprove ko na." "Anong i-aaprove mo eh hindi naman ako nagbigay ng letter para mag-leave ako?!! Isa pa hindi tayo naghohoneymoon. Reconciled, yes but not honeymooning." "Darating din tayo diyan. Isa pa ako na ang may-ari ng kumpanya. Kung hindi mo g usto mag-leave of absence, eh...sige I could just easily fire you." "Fire...?? Baliw ka ba hindi mo ako pwedeng sisantehin!!! No, I will not allow i t!!" "Wala kang choice." Nagpark si Gabriel sa tapat ng magarang restaurant at humara p kay Carmina. "It's only for three months, Cara. For us to settle in. Hindi lan g naman ikaw ang mag-leleave. Ako din that's why I was working last Saturday. In aayos ko ang dapat ayusin bago ako mag-bakasyon. Hindi ko naman basta basta iiwa n ang negosyo sa kung sinu-sino lang. Mapagkakatiwalaan natin siya." Walang sinabi si Carmina dahil galit na ito kaya lumabas na lamang siya ng kotse . Napahinga ng malalim si Gabriel at sinundan niya si Carmina. Hinabol niya ito sa may pinto ng restaurant at hinawakan niya ang kamay ni Carmina. "We can trust her, you know." Natigilan si Carmina sa paglalakad. "Her?" "Yes her." Tinuro niya ang isang magandang babae na mag-isang nakaupo sa isang t able na nakangiti sa kanilang direksyon. Lumapit sila dito at ipinakilala sila n i Gabriel sa isa'-isa. "Carmina meet my most trusted friend and collegue, Sandra Montreal."

XIII Sandara Montreal. Sandra. Ang panggalang sinambit ni Gabriel sa kama nilang dalawa. Nagulat si Carmina. Hi ndi niya akalaing gagawin ito sa kanya ni Gabriel. Hindi pa ng sila tuluyang nag kaka-ayos ay binabandera na niya sa mukha ni Carmina ang babae niya. Nagkamali s iya sa naging desisiyon niya pero paninindigan niya ito. Hanggang kailan? "Carmina, matagal ka nang naikwento sa akin ni Gabriel. I have heard so much abo ut you" sabi sa kanya ni Sandra habang inalok niya ang kanyang kamay kay Carmina

. "Really? He has told me nothing about you." nakioagkamay si Carmina habang nabig la naman si Gabriel sa sinagot niya kay Sandra. "Ladies, pwede na ba tayong maupo?" "Oo nga, maupo na tayo." sabi ni Sandra habang hinimas sandali and braso ni Gabr iel bago bumalik sa kanyang upuan. Tahimik lang si Carmina habang nag-uusap sina Sandra at Gabriel pero hindi niya maiwasang mag-selos. Kung makahawak si Sandra sa asawa niya parang wala si Carmi na sa harapan nila. Ang masama pa dun, hinahayaan lang ni Gabriel si Sandra. "Excuse me, punta lang ako sa comfort room." biglang sinabi ni Carmina at tumayo siya para umalis pero nakita niya ang ngiti ni Sandra. Hindi basta-bastang ngit i. Yung parang may lason. Mas lalo siyang nainis. Pagdating niya sa banyo ay binasa niya ang mukha niya at tiningnan niya ang sari li niya sa salamin. Oo, inaamin niya. Selos na selos siya. Ang kapal ng mukha ng babaeng yun pati na rin ng walang hiya niyang asawa. Naglalandian sa harap niya mismo. "Carmina." Nakita ni Carmina sa salamin na sumunod si Sandra sa kanya. "Sandra." "May itatanong lang ako, sana huwag mong masamain. Mahal mo ba talaga ang asawa mo?" "The answer to that would be an "it's none of your business" pero hindi nga ba? Ano ba ang namamagitan sa inyo ng asawa ko?" "Pakawalan mo na siya, Carmina. Hindi ikaw ang babaeng para sa kanya." "At sino ka para magsabi niyan? Hindi naman masyadong makapal ang mukha mo!" "Hindi ka niya mahal. Ako ang mahal niya at mahal niya rin ako." Namutla bigla si Carmina. "Anong sinabi mo?" "Nagkamali ako noon ng pinakawalan ko si Gabriel. Inaamin ko nasilaw ako noon sa pera kaya pinagpalit ko ang lalaking pinakamamahal ko para magkaroon ng yaman s a munod at walang araw na hindi ko pinagsisisihan iyon. Pero iba ng ngayon. I've smartened up. Sana kung talagang mahal mo siya, papakawalan mo siya para maging masaya na si Gabriel. Para maging masaya na tayong lahat." "Ang kapal ng mukha mo para sundan ako dito at sabihin iyan. Sino ka? Diyos ka b a? Hindi lahat ng gusto mo sa mundo nakukuha mo. Pinakawalan mo siya noon and it was the biggest mistake of your life. I'm not gonna make the same mistake. Excu se me." "Carmina, please." "Pasalamat ka wala pang mura na lumalabas sa bibig ko. Hindi rin kita sasampalin o sasabunutan dahil ako ang nahihiya para sa iyo. Pero huwag mo akong sasagarin dahil baka di ako makapagpigil at ibagay ko sayo ang hinihingi mong sampal." Papalabas na si Carmina ng marinig niyang tumawa si Sandra. "Matapang ka rin ano. Tingnan natin hanggang saan yang tapang mo, Carmina. Tanda an mo, gagawin ko ang lahat mabawi lang si Gabriel sa'yo. Kahit. Ano." Hindi na niya pinatulan si Sandra at lumabas na ito ng banyo pero hindi na siya bumalik sa mesa nila at dumeretso na lang sa labas. Nakita ni Gabriel na dali-daling lumabas si Carmina kay sinundan niya ito. "Cara?" "Umuwi na tayo. Masama pakiramdam ko." Hinawakan ni Gabriel si Carmina at tiningnan kung may lagnat siya. "Bakit di mo sinabi agad? May lagnat ka ba?" "Masakit ang ulo ko, umuwi na tayo." "Sige, mag-hintay ka sa kotse at aayusin ko lang bill natin. Kakausapin ko na ri n si Sandra." "Fine. Wala akong paki-alam." tumalikod si Carmina at dumeretso sa sasakyan nila . Tahimik silang umuwi ng bahay. Pagdating nila, lumabas agad ng kotse si Carmina at dumeretso sa kwarto nila. Matagal na nakasunod si Gabriel. Pagdating niya sa kwarto nila ay nakahiga na si Carmina at natutulog. Lumapit siya dito at hinalikan ang noo ni Carmina na para

siyang bata at lumabas ng kwarto. Pinabayaan niya muna ito at bumaba para ipagh anda ng makakain ang may sakit niyang asawa. Pagkasarado ng pinto, bumukas ang mga mata na Carmina at tuloy-tuloy na bumuhos ang luha niya. Alam na niya ngayon kung bakit hindi siya kayang mahalin ni Gabri el. Dahil may mahal siyang iba. Kung anumang kaunting pag-asa na mayroon si Carm ina noon na mamahalin siya ni Gabriel balang araw ay naglahong parang bula. Ang sakit lang talaga. Mas lalo pa siyang umiyak dahil hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Kung panghahawakan pa rin niya ang kasal nilang dalawa ni Gabriel o huhugot siya ng lakas ng loob na palayain ang lalaking mahal niya.

XIV Nakatulog na si Carmina ng umiiyak. Paggising niya ay lumog na ang araw. Naalala niya na walang katulong sa bahay kaya matapos ayusin ang kanyang sarili ay buma ba siya upang maghanda ng kakainin nila ni Gabriel. Nagtataka din siya kung ano ang ginagawa ni Gabriel ngayon. Ngunit nagulat siya ng makita niyang puno ng ros e petals ang buong hagdan pati na rin ang living room ng bahay nila. Nakapatay l ahat ng ilaw at lahat ng liwanag ay galing sa mga kandilang nilagay sa iba't-iba ng parte ng bahay. "Cara." Nagulat si Carmina ng binulong ni Gabriel ang pangalan niya dahil nasa likod niy a lang pala si Gabriel. "May surpresa ako. Pero kailangan takpan natin ang mga mata mo." nilabas ni Gabr iel ang kanyang panyo at ginamit ito upang piringan si Carmina. Hinawakan ni Gab riel ang kamay ni Carmina at ginabayan siya papunta sa garden ng bahay nila. "Ready ka na?" Tumango lang si Carmina dahil kilig na kilig siya sa ginagawa ng asawa niya. Tin anggal ni Gabriel ang piring ni Carmina at nagulat siya sa nakita niya. Ito ang pinaka-romantic na ginawa ni Gabriel sa kanya. May nakaset-up na picnic sa gitna ng garden nila. Bigla nanamang may namuo na luha sa likod ng mga mata niya pero pinigilan niya ang sarili niyang umiyak. Bakit kasi ang dali-daling mahalin ni Gabriel. Madali na masarap pero masakit. "Lahat 'to, ikaw lang gumawa?" tinanong niya si Gabriel. "Bakit parang ayaw mong maniwala?" pabirong tanong ni Gabriel sa kanya. "Hindi m o ba alam na ang tagal-tagal mong natulog kaya ayan. Naisipan kong sorpresahin k a. Baka sakaling mawala ang sumpong ng misis ko." Walang ibang magawa ni Carmina kundi ang tumawa. Hinila ni Gabriel si Carmina pa punta sa picnic na sinet-up niya habang nagtatawanan sila at nagsimulang kainin ang niluto niya mismong pagkain na may kapares na masarap na wine. Pagkatapos nilang kumain ay tinabi nila ang mga natira at naupo lang doon habang nakatingin sa langit. May nakita silang shooting star kay pumikit si Carmina up ang humiling. "Anong hiniling mo, Cara?" "Diba sabi nila hindi mo dapat pinagsasabi ang wish mo dahil baka di nagkatotoo? " ang totoo nahiya si Carmina na sabihin ang hiling niya. Ang mahalin siya ng as awa niya.

"Malay mo, natupad na pala ang hiling mo. Hindi mo lang ito namamalayan." nakang iti na sinabi sa kanya ni Gabriel. "Malay nga natin." sumandal si Carmina sa balikat ni Gabriel at ipinikit ulit an g mga mata. Sana nga matupad Gabriel. Sana nga. "Humiling din ako. Ang hiniling ko sana huwag nang sumpungin ang asawa ko. Mas m aganda kasi siya pag-tumatawa. Tulad nito." biglang kiniliti ni Gabriel si Carmi na na walang kamalay-malay sa binalak niyang gawin. Nagkatuwaan hanggang sa bigl ang naglapit ang kanilang mukha. "Cara, sabihin mong gusto mo rin 'tong mangyari. Hindi kita pipilitin. Ayoko na pagsisisihan bukas ang gagawin mo." binulong sa kanya ni Gabriel habang nakatigi n sa kanyang mga labi. "Masyado kang maraming satsat." hinila ni Carmina ang mukha ni Gabriel at hinali kan niya ito. NOTE: Hindi ko na idedescribe ang nangyari kasi baka may bata na makabasa nito s o yun na yun. Alam niyo na. Nangyari na okay? ;-)

XV Nagising bigla si Gabriel. Hindi niya mapigilang ngumiti. Sa nakalipas na tatlon g araw, buong araw lang silang mag-kasama ni Carmina. Kumakain sa labas, nanonoo d ng sine o di kaya naman nasa bahay lang pinaguusapan kahit na ano, nagluluto m agkasama at syempre punong-puno ng pagmamahal ang mga gabi nila. Pinagmasdan niy a ang natutulog niyang asawa na nakayakap sa kanya. Ilang beses sinubukan niyang sabihin ang tunay niyang nararamdaman pero parang may humaharang sa lalamunan n iya kapag ginawa niya ito. Sana kahit hindi masabi ni Gabriel ang nilalaman ng k anyang puso ay maramdaman ni Carmina na siya lang ang pinakamahalagang babae sa buhay niya. "Hmmm.." unti-unting dinilat ni Carmina ang kanyang mga mata at ngimuti siya nan g makita niya na nakatingin sa kanya si Gabriel. "Good morning, wife." at hinalikan niya si Carmina sa noo. "Good morning, husband. Kanina ka oa ba gising?" "Hmm..Ang ganda mo kahit tumutulo na laway mo." biniro niya si Carmina bago niya hinalikan ito sa labi. Tumatawa si Carmina habang hinahalikan siya ng asawa niya. "At ang gwapo pa rin ng asawa ko kahit puno ng muta ang mga mata niya." "Gabriel.." "Asawa ko?" "Ginugutom ako." "Ginugutom ka? Ako rin. Gusto kitang kainin." Tumawa si Carmina at hinalikan niya ulit si Gabriel. "Sige na, magluto ka na. Pleeaasseee?" palambing na tanong ni Carmina habang hin ihimas niya ang ang pisngi ng asawa nito. "Alam mong mahirap humindi kapag ginagawa mo yan?" sabi sa kanya ni Gabriel. "Ang alin? Ito?" hinalikan niya ang noo ni Gabriel. "Ito?" hinalikan naman niya ang pisngi ng asawa niya. "Ito?" pagkatapos ay hinalikan niya ang ilong nito.

"O ito?" hinalikan ni Carmina sa labi si Gabriel. "Alam mo rin na kapag ginagawa mo yan, nahihirapan din akong tumayo at umalis sa kama natin. Pero dahil alam kong hindi ka aalis sa loob ng kwartong ito, sige. Isang masarap na agahan para sa pinakamagandang dyosa sa buong mundo." tumatawa si Gabriel habang paalis ng kwarto ng tawagin siya ni Carmina. Hinalikan ni Carmina si Gabriel bago ito pinalabas ng kwarto. "Bilisan mo." Masayang lumabas si Gabriel habang humiga ulit si Carmina. Masayang-masay siya n gayon. Kahit na hindi niya narinig na mahal siya ng asawa niya, ang mga ganitong araw ang pinakaiingatan niya. Mga araw na ganito na pwede siyang magkunwari na perfect silang dalawa sa isa't-isa. Magpanggap na mahal siya ng asawa niya. Biglang nag-ring ang cellphone si Gabriel at sa akalang tungkol ito sa negosyo a y sinagot na lang ito ni Carmina. Ngunit bago pa man siya makapag-salita ay nagg ulat siya sa sinabi ng boses sa kabilang linya. "Gabriel, si Sandra ito. Huwag mong ibaba ang telepono please. Hindi ko kaya ito . Mahal kita at alam kong mahal no rin ako. Hindi ko alam kung bakit ka nagtitii s sa asawa mong yan pero sige. Tatanggapin ko, bumalik ka lang sa akin kahit mak ihati ako sa kanya." Hindi makapag-salita si Carmina. Nagulat siya sa sinabi ni Sandra. "Gabriel? Nandyan ka pa ba?" Binaba ni Carmina ang telepono dahil tumutulo na ang mga luha niya. Parang panag inip lang ang magandang nangyari sa kanila ni Gabriel nitong mga nakaraang araw. Ang tanga-tanga niya. May iba si Gabriel. Si Sandra ang mahal ni Gabriel at hin di siya. Masakit pero hindi niya alam kung kaya niyang iwan si Gabriel. Mahal ni ya si Gabriel. Kailangan niyang pakawalan ito. Pero hindi pa ngayon. Sa susunod na linggo na ang alis nila papuntang Paris. Huminga siya ng malalim. Kakayanin n iya ito. Pupunta sila ng Paris. Sasama siya kay Gabriel. Mag-iipon ng ala-ala na babaonin niya habang-buhay dahil pagbalik nila sa Pilipinas, gagawin niya ang p inakamasakit na desisyon sa buhay niya. Narinig ni Carmina ang mga yapak ni Gabriel sa labas ng kwarto kaya pinahiran ni ya ang mga luha niya at pinilit na ibalik ang ngiti niya. Pinapangako niya na sa huling mga araw nila ni Gabriel, siya ang pinakamasaya at ang tanging babae sa buhay ni Gabriel. Pumasok si Gabriel dala ang isang tray ng pagkain at may isang piraso pa ng pula ng rosas ito. "For my beautiful wife. Breakfasr, as promised." Ngumiti lang si Carmina pero pakiramdam niya pilit pa rin kasi parang bumigat an g pakiramdam ng puso niya. Sana lang hindi mapansin ni Gabriel ito. "Tumawag pala si Sandra kanina. Akala ko emergency kasi ang aga niyang tumawag k aya sinagot ko." sabi ni Carmina sa kanya. "Anong sinabi niya?" "Wala lang may tinanong lang tungkol sa kumpanya. Pagkatapos nun, wala na." "Sige, tatawagan ko na lang siya mamaya." "Gabriel, matagal na ba kayong magkakilala ni Sandra?" "Oo, alam mo ba magkababata kami niyan. Eh, matagl din kaming hindi nagkita kasi nakapangasawa ng negosyante kaya medyo busy din siya pero simula ng mamatay ang asawa niya humingi siya ng tulong sa akin sa negosyo kaya yun, siya naman ang t umutulong sa akin ngayon." "Ah.." "Bakit mo nga pala natanong?" "Ha? Ah..wala lang. Muhkang malapit kasi kayo." "Carmina, ikaw ba yan? Parang nagseselos yata ang asawa ko?" pabirong niyakap ni Gabriel si Carmina. "Hindi no! Nagtatanong lang. Kumain ka na nga lang!" sinubuan niya si Gabriel ha bang nakayakap ito sa kanya. Isa pang ala-ala na hindi niya bibitawan.

XVI Nasa coffee shop na malapit sa opisina ni Gabriel si Carmina. Doon sila magkikit a ni Gabriel na pumunta sandali sa opisina upang siguraduhing maayos ang lahat b ago sila pumunta ng Paris bukas makalawa. Eksyted na si Carmina na may halong ki rot. Araw-araw binibilang niya ang mga sandali na mag-kasama sila ni Gabriel. Is ang linggo sa ibang bansa. Pagkatapos ay babalik sila dito. Hindi niya alam kung kakayanin niya pero mas mabuti na rin ang masaktan ngayon dahil alam niya na ma s masakit na habang-buhay mo nga kasama ang lalaking mahal mo pero kahit kailan ay hindi ka nito mamahalin. Sa sobrang lalim ng iniisip ni Carmina hindi niya nakita na may nakatayo pala sa harap niya at kanina pa tinatawag ang kanyang pangalan. "Carmina?" Tatlong beses tinawag ang kanyang pajgalan bago niya ito narinig at nagulat siya ng makita niya ang taong nasa harap niya. "Alan?" nagulat si Carmina nang makita niya ang isang kaigiban at dating kasinta han. "Alan! Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkikita? What..six? Seven years? Namiss kita!" tumayo siya at niyakap niya si Alan na tinanggap naman ito ng buong galak. "Pitong taon na rin. Sorry hindi ako nakadalo sa kasal mo. Nasa ibang bansa ako nung kga panahong iyon dahil sa mga magulang ko. Kamusta ka na? Nabalitaan ko na hiwalay ka na daw sa asawa mo, totoo ba?" "Uhhmm, oo totoo. Pero nagkabalikan don kami. Mga ilang araw na rin. Hindi ka pa ba nagpapakasal? Wala talaga akong balita sa'yo akala ko nga hindi ka na magpap akita sa akin." bigla iniba ni Carmina ang paksa. Pinakita ni Alan ang kaliwang kamay niya na walang kahit na anong singsing. "Wal a, hindi kasi ako yung pinili ng gusto ko." "Bakit? Sino ba pinili ng gusto mo?" Malungkot ang ngiti ni Alan bago niya sinagot si Carmina. "Ang asawa mo." Natahimik sila pareho sa sinabi ni Alan. "Alan.." "Hindi naman ako manggugulo. Bumalik ako kasi akala ko malaya ka nang magmahal u lit. Nagkamali pala ako." "Alan, maraming babae diyan na mas karapat-dapat ng pagmamahal mo kaysa sa akin. " "Isa lang ang tanong ko. Masaya ka ba, Carmina?" "Kuntento naman ako. We've had better days pero kuntento na ako." "Hindi mo sinagot ang tanong ko, Carmina. Masaya ka ba sa kanya?" "Masaya man ako o hindi, mahal ko ang asawa ko, Alan. Pero kung tatanungin mo ak o ngayon, oo. Masaya ak ngayon. Kung tatanungin mo ako bukas, sa makalawa, sa su sunod na linggo? Hindi ko na alam. Masyadong kumplikado ang sitwasyon." "Carmina, kahit anong mangyari, nandito ako bilang isang kaibigan. Sana palagi m ong tatandaan iyan." "Salamat, Alan." hinawakan ni Carmina ang kamay ni Alan at ngumiti. "Hindi mo al am kung gaano mo pinagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko man masabi sayo lahat dina mayan mo ako kahit sandali. Nagpapasalamat ako dahil dun." "Kahit kailan Carmina. Sana lang dumating ang panahon na sumaya ka ng lubos dahi l hindi alam ng asawa mo kung gaano siya kaswerte sayo." "Nambola ka pa!" sabi sa kanya ni Carmina at nagtawanan sila. "Carmina?" Nagulat si Carmina na makita ang asawa niya. Nakalimutan niya na papunta na pala doon si Gabriel. Bigla niyang naalala na hinahawakan pala niya ang kamay ni Ala n kaya bigla itong bumitaw. "Gabriel! Kanina ka pa?" "Kadarating lang." nasa direksyon pa rin ni Alan ang mga mata ni Gabriel.

"Ahh..si Alan nga pala, kaibigan ko. Alan, si Gabriel. Ang asawa ko." Inalok ni Alan ang kamay niya ngunit tiningnan lang ito ni Gabriel. "Umalis na tayo." sinabi ni Gabriel kay Carmina. "Ha? Pero kadara-." "Aalis na tayo. Salamat inaliw mo ang asawa ko habang wala ako." sabi ni Gabriel kay Alan na may diiin sa salitang "asawa". Hindi na niya hinintay ang sagot ni Alan. Hinila niya palabas si Carmina na wala ng magawa kundi sumunod. Sumakay sila sa sasakyan at umuwi. May tensyon sa loob ng sasakyan kaya napili nilang dalawa na huwag na munang magsalita. Pagdating ni la sa bahay ay bumaba agad si Gabriel at dumiretso sa loob nang hindi tinulungan si Carmina na bumaba mg sasakyan. Naiinis na bumaba si Carmina dahil hindi niya maintindihan si Gabriel. Pagpasok niya sa loob ng bahay, ginulantang siya ni Ga briel ng isang mainit na tanong. "Kailan mo pa ako niloloko?"

XVII "Sagutin mo ako! Kailan pa kayo nagkikita ng lalaking iyon?" galit na galit na s i Gabriel. "Anong sinasabi mo? Pinagbibintangan mo ako na may ibang lalaki ako?" "Hindi ba totoo? Hinalikan at niyakap mo siya at kung mag-usap kayo parang kayo lang ang tao doon!" "Galit ka?" tangang tanong ni Carmina. "Hindi! Ang saya-saya ko Carmina! Masaya ako na nakikipaglandian ang asawa ko sa ibang lalaki!" lumaki ang boses ni Gabriel at halatang nahihirapan na siyang pi gilan ang sarili niya. Nagulat siya nang madatnan niyang may kayakap na lalaki s i Carmina sa coffee shop at magkahawak pa ang mga kamay nila habang nag-uusap si la. Kahit kailan, hindi pa nakaramdam ng ganitong selos si Gabriel. Naninibago s iya sa nararamdaman niya. "Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, Gabriel. Hindi ako tulad ng mg a babae mo na mababa ang moralidad sa buhay!" "So ako pa ngayon ang may iba?! Huwag mong ibahin ang usapan dahil ang pinag-uus apan natin dito ay ang lalaki mo!" "Hindi ko lalaki si Alan. Kaibigan ko siya! At bakit ba, ha? Nagseselos ka?" "Hindi ako nagseselos, Carmina. Ayoko lang na pinapakialaman ang akin!" "Ang kapal ng mukha mo! Ano ako? Aso mo na kailangan nasa tabi mo palagi at sinu sunod lahat ng gusto mo? Gabriel, asawa mo ako!" "Pwes, umasta ka na may asawa ka na!" Sinampal ni Carmina si Gabriel. Nagulat silang dalawa sa nagawa ni Carmina. Hind i siya bayolenteng tao kaya napa-atras siya ng makita niyang namula ang pisngi n

i Gabriel. Huminga ng malalim si Carmina upang mapigilan ang sarili sa pag-iyak. "Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit mo, Gabriel pero sana huwag ka agad manghu sga sa lahat ng nakikita mo. Tama ka, totoo lahat ng nakita mo. Malapit kong kai bigan si Alan. Magkakilala na kami bago pa man naging tayo. Kung galit ka dahil dun, walang wala ka sa lugar. Hindi mo ako pag-aari. Tinali lang tayo sa isa't-i sa ng kasal pero hindi mo ako tuta." "Carmi-" "Alam mo salamat na rin. Kasi nung umpisa akala ko nagseselos ka. Natuwa ako san dali kasi akala ko may nararamdaman ka na para sa akin pero di rin pala. Nakalim utan ko, hindi ka nga marunong magmahal at ang taong marunong magmahal lang ang marunong ding magselos. Ginising mo ako. Lahat ng meron tayo? Yung mga nakaraang araw? Lahat yun fake. Isang malaking kasinungalingan!" tinalikuran niya si Gabr iel at umakyat sa kwarto nila na nakayuko na parang natalo sa pinakamalaking lab an ng sa buhay niya. "Anong ginawa ko?" tanong ni Gabriel sa kanyang sarili. ...... Dali-daling pumasok sa Carmina ng kwarto nila at ni-lock niya ang pinto. Ayaw ni yang makita ni Gabriel na umiiyak siya. Hindi niya inakala na ganito kabilis mas isira ang lahat ng meron sila. Masakit malaman na isang pag-aari lang siya para kay Gabriel. Ilang oras din siyang nagmuk-muk sa loob ng kwarto hanggang sa maubos ang mga lu ha niya. Hindi pa niya kayang harapin si Gabriel. Natatakot siya na baka humagul gol siya sa harap mismo nito. Dito muna siya. Sa lugar kung saan naramdaman niya na mahal siya ni Gabriel. Pinahiran niya ang kanyang mukha at pumunta sa banyo para maghilamos. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. "Hanggang dito na lang ito, Carmina. Tama na. Masyado ka nang nasasaktan. Walang patutunguhan to." lumabo ulit ang kanyang paningin dahil sa panibagong mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Pero pinahiran niya ito at nilakasan ang loob. "Panahon na." Lumabas siya ng kwarto at nagsimulang mag-impake.

XVIII Umiiyak ang asawa niya sa loob ng kwarto. Bawat hagulgol ni Carmina ay parang ku tsilyo na sumsaksak sa puso ni Gabriel. Kanina pa siya nakatayo sa labas ng kwar to nilang dalawa. Nakikinig. Nagdurusa. Hindi niya dapat ginawa iyon. Nagpadala siya sa selos na hindi niya maamin-amin kay Carmina. Gustong-gusto na niyang pum asok sa loob upang humingi ng kapatawaran pero hindi niya alam kung paano. Hindi niya alam kung may karapatan pa siyang hingin iyon kay Carmina. Hindi maalis sa isip niya kung gaano niya sinaktan si Carmina. Inaamin niya nagkamali siya ng p aghusga at hindi niya alam kung paano makakabawi. Mahigit isang oras nang umiiya k si Carmina sa loob at nag-aalala na si Gabriel baka mapano si Carmina sa ginag awa niya. Kakatok na sana siya ng marinig niyang tumigil ito at maya-maya ay nar inig niyang pumasok sa banyo. Napabuntong hininga si Gabriel at bumaba na lang u pang kumuha ng maiinom. Nakaupo na siya sa sala dala ang kanyang iniinom ngunit di parin maalis sa isip ni Gabriel ang sinabi ni Carmina sa kanya. "Lahat ng meron tayo? Isang malaking kasinungalingan!" Minasahe niya ang lanyang noo dahil nalilito na siya. Hindi niya tinuring na kas

inungalingan ang buong limang taon na mag-kasama sila ni Carmina. Maaring nakipa glokohan siya sa sarili niya bago niya naamin na mahal niya si Carmina, hindi ni ya pinaglaruan si Carmina. Naputol ang kanyang pag-iisip ng makita niyang bumaba si Carmina na may dalang m aleta. Lumapit siya kay Carmina na tumigil sa may hagdan. "Saan ka pupunta?" "Tigilan na natin ito, Gabriel. Wala na tayong pag-asa." "Huwag mong sabihin yan. Inaamin ko, nagkamali ako kanina. Patawarin mo ako, Car mina. Ayusin natin ito." Tinitigan ng diretso ni Carmina si Gabriel. "Para saan pa? Kahit ilang beses nating subukan, ganito pa rin naman ang mangyay ari." "Hindi, hindi ako susuko." "Gabriel, okay lang. Tanggap ko naman eh. Hindi mo ako mahal. Masakit pero tangg ap ko. Alam ko rin naman na may iba kang mahal kay huwag na natin pahirapan ang mga sarili natin." "Hindi ko maintindihan. Paano mo nasabi na hindi kita mahal? At saan mo nakuha y ang sinasabi mo na may mahal akong iba." "Si Sandra. Sinabi niya sa akin lahat. Ang nakaraan niyo. Kung bakit kayo naghiw alay. Lahat. Kaya naisip ko na siya ang dahilan kung bakit nahihirapan kang magm ahal ulit. Kasi hindi pa kayo tapos." "Pero-" "Pagod na ako, Gabriel." sinusubukan ni Carmina na pigilin ang pag-iyak niya ngu nit kusang tumutulo ang kanyang mga luha. Ganun pa man ay nakuha pa niyang ngumi ti kay Gabriel. "Mahal kita. Mahal na mahal pero hindi ako ang kailangan mo. Kai langan mo muna ang sarili mo dahil ayaw mo akong papasukin diyan sa puso mo. Mag -hiwalay man tayo hindi magbabago ang nararamdaman ko. Kailangan natin tong gawi n. Pinapakawalan na kita." tinanggal niya ang wedding ring niya at inilagay sa p alad ni Gabriel. "Carmina.." Huminga ng malalim si Carmina. "Shh..Don't make this any harder than it already is. Maghihintay ako, Gabriel pe ro hindi pang-habangbuhay. Whatever you decide, all I want is for you to be happ y. Kanino mo man matagpuan iyon." Pinagmasdan ni Carmina si Gabriel habang umiiyak. Tinatandaan ang lahat ng angul o ng mukha niya. Lumapit siya at hinalikan ang asawa niya sa labi. "Goodbye, Gabriel." At dali-dali siyang umalis ng bahay. Pati na rin sa buhay ni Gabriel.

XIX Mahigit isang buwan na simula noong maghiwalay sina Carmina at Gabriel. Mahigit isang buwan na ring miserable aang buhay ni Carmina. Dumoble ang sakit na narara mdaman ngayon kaysa noong unang beses silang naghiwalay dahil ngayon parang laha t ng pinto na nasa pagitan nilang dalawa ay saradong-sarado na. Pinapila niya si Gabriel at hindi siya ang pinila niya. Tatlong araw pagkatapos nilang maghiwala y ay ipinadala ni Gabriel ang mga papeles na nagpapatunay na siya na ulit ang ma y-ari ng kompanya. Umiyak si Carmina ng matanggap niya iyon dahil parang pinuput ol na ni Gabriel ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa. Maliban sa kanilan g kasal. Inaasahan niya na sa mga darating na mga araw ay hihingin ni Gabriel an

g annulment na hinihingi noon ni Carmina sa kanya. Hindi niya pa magawa dahil pa rang bumagsak ulit siya mula sa mga ulap at hindi pa niya kayang bumangon. Ang g usto lang niya ngayon ay ang makalimot kaya sinubsob niya ang sarili niya sa tra baho. Pinupuno niya ng trabaho ang mga araw niya ngunit hindi pa rin sapat dahil ang mga gabi niya ay dinadalaw palagi ng mga ala-ala nila ni Gabriel. Nasa kanyang opisina siya ng kausapin siya ng kapatid niya. "Ate pwede ba? Nag-aalala na ako sayo. Bakit kasi hindi niyo ayusin ang problema niya ni Gabriel?" "Jeremy, huwag ka nang manghimasok pa. Hindi naman ganun kadali eh." sabi sa kan ya ni Carmina habang may binabasang mga papeles. "Tingnan mo nga yang ginagawa mo! Paano hindi ako mag-aalala, una kang papasok s a loob ng kumpanyang ito at ikaw rin huling taong lumalabas dito. Pagkatapos kau nting pagkakamali lang ng mga tauhan mo, ang kulang na lang may apoy na lumabas diyan sa bibig mo. Kung hindi lang kayo hiwalay eh iisipin kong...." hindi matul oy ni Jeremy ang sinasabi niya ng bigyan siya ni Carmina ng pinakanakakatakot ni yang tingin. "Iisipin mong ano, Jeremy?" "Huwag na lang, ate." "Inumpisahan mo kaya taposin mo!" "Ano ba? Ang bilis mag-init ng ulo mo! Sige, king hindi lang kayo hiwalay ni Gab riel baka isipin ko buntis ka dahil sa kinikilos mo!" Natigilan doon si Carmina. Buntis. Hindi pwede iyon. Imposibleng mangyari iyon dahil.... Kinabahan bigla si Carmina dahil hanggan ngayon hindi pa rin dumarating ang mont hly period niya. Napansin ni Jeremy na namutla si Carmina sa sinabi niya. "Ate, joke lang. Huwag mo na nga isipin yung sinabi ko." "Umalis ka muna, Jeremy. Marami pa akong aasikasuhin." Walang magawa si Jeremy kundi umalis at iwan si Carmina na mas lalong kinakabaha n habang tumtakbo ang oras. Pagkalabas ni Jeremy ay isinara at ni-lock niya ang pinto ng opisina niya at pab alik-balik sa paglalakad sa loob dahil hindi siya sigurado kung buntis ba siya o hindi. "Diyos ko, please." Hindi niya alam kung para saan ang please na yun. Please sana hindi totoo dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Gabriel. O kaya please sana totoo dahil may isang parte si Gabriel na maiiwan sa kanya na pwede niyang mahalin ng todo. Umuwi ng maaga si Carmina sa araw na iyon. Bago siya dumiretso ng bahay ay bumil i muna siya ng pregnancy test dahil hindi siya mapapalagay hangga't hindi niya a lam kung buntis siya o hindi. Pagdating niya sa bahay ay dumiretso siya sa banyo dala-dala ang pregnancy test na binili niya. Napatingin siya sa sarili niya sa salamin at napabuntong-hininga . Hindi niya alam kung saan nanggaling pero bila niyang napagtanto na gusto niya ng maging isang ina. Naninibago man siyang isipin ang sarili bilang isang ina ay gusto niya ito. Nilakasan niya ang loob niya at ginawa niya ang pregnancy test. .................................. Buntis siya. Hindi siya makapaniwala pero buntis siya. Hindi niya alam kung iiya k siya o tatawa kaya ginawa niya pareho. Napaupo siya sa sahig ng makita niyang positive ang resulta ng test. Tumatawa siya dahil masaya siya na magiging mommy na siya at natatakot din na baka sa oras na malaman ni Gabriel ay kunin niya ito at ilayo kay Carmina. Nakipagbalikan siya sayo dahil gusto niyang magka-anak. Hindi. Walang sino man ang makakapaglayo kay Carmina sa anak niya. Pinapangako n iya iyan. Pero hindi niya alam kung anong gagawin. Sasabihin ba niya kay Gabriel o hindi? Hinawakan niya ang kanyang tiyan at napangiti. "Huwag kang mag-alala, baby. Hinding-hindi ka papabayaan ni mommy." Hindi pa rin

siya makapaniwala na magiging mommy na siya kaya tingnan niya ulit ang pregnanc y test para makasiguro na positive talaga ang resulta. May kumatok sa pinto kaya dali-dali niyang tinago ang pregnancy stick sa loob ng cabinet sa may lababo. Ayaw niya munang malaman ito ng kahit sino habang hindi pa niya alam ang gagawin tungkol dito lalong-lalo na kay Gabriel. Binuksan niya ang punto at halos hindi siya makahinga ng makita niya ang taong n asa labas ng bahay niya. "Gabriel?"

XX "Gabriel!? Anong ginagawa mo dito." "Pwede ba tayo mag-usap?" "Tungkol saan?" "Hindi mo ba muna ako papapasukin." "Mapipigilan ba kita?" tumaliko siya at iniwang bukas ang pinto para kay Gabriel . Dumiretso siya sa kusina at huminga ng malalim. "Kaya mo to, Carmina." Wala pa siyang planong sabihin kay Gabriel ang nadiskubre niya kanina dahil hindi rin niya alam ang magiging reakayon ni Gabriel kay mas maigi na dumistansya muna siya sa asawa niya. Bumalik siya na may dalng juice pa ra sa kanilang dalawa. "Hindi na wine?" tanong sa kanya ni Gabriel na nakaupo na sa sofa. "Anong kailangan mo?" dumiretso na si Carmina ng hindi sinagot ang tanong n Gabr iel. "Kamusta ka na?" "Okay lang. Yan lang ba pinunta mo dito?" "Carmina, please huwag mo na gawing mahirap to." "Hindi naman kita pinahihirapan. Gusto ko nga umalis ka na. Saan mahirap dun?" "Gusto ko lang huming ng tawad sa mga nasabi ko sayo noong araw na yun." "Sige. Yun lang?" "Alam ko malaki ang kasalanan ko sayo pero di ba pwedeng kahit maging mag-kaibig an muna tayo?" "Muna? Para saan pa?" "Mahal kita." Nagulat si Carmina sa sinabi ni Gabriel. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya . "Mahal kita, Carmina." "Pwede ba? Huwag mo akong ginagago Gabriel? Ano nanaman to? Another strategy par a sa pinaplano mong pamilya?!?!?" napatayo si Carmina sa kinauupuan. "Kung wala matinong sasabihin sa akin, umalis ka na." "Carmina, pakinggan mo muna ako." "Sa mga kasinungalingan mo? Gabriel naman. Mahigit isang buwan na. Ngayon mo sas abihin sa akin yan? Nananahimik na ako kaya pwede ba huwag mo nang guluhin ang b uhay ko!" tumalikod siya kay Gabriel. Kung kailan hindi na siya umaasang naririn ig niya yun mula kay Gabriel...

"Alam ko mahirap paniwalaan. Mahirap sin sa akin ito, Carmina. Hindi ko inasahan na magmamahal pa ako ulit. Pero unti-unti mong binuhay ang puso ko. Si Sandra? Oo nasaktan ako dahil sa kanya pero matagal na akong walang nararamdaman sa kany a. Ikaw lang, Carmina. Ikaw ang mahal ko." "Pwes, hindi kita mahal. Umalis ka na, Gabriel." "Huwag mo sabihin iyan, Carmina. Mahal mo ako. Sinabi mo yan." "Sa tingin mo ba hindi ako napagod?" hinarap niya ulit si Gabriel. Walang luha, galit lang. "Limang taon, nasa tabi mo ako ng limang taon pagkatapos ngayon mo l ang sasabihin sa akin yan? Tingin mo maniniwala ako sayo?" "Carmina..hindi ko masabi noon dahil hindi ko maamin mismo sa sarili ko na kaya kong magmahal. Na kaya kitang mahalin. Isa pang pagkakataon, Carmina. Alam ko ma kapal ang mukha ko para hingin sa iyo ito pero sa huling-huli na ito, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon na patunayan sayo na mahal kita. Mahal na mahal." "Bato na ang puso ko, Gabriel. You chose to stay out of my life. Now stay out of it. Lumabas ka kung saan ka pumasok dito. Alam mo na ang daan." kinuha niya ang mga baso at pumunta ng kusina. "Hindi ako aalis." Humarap ulit si Carmina kay Gabriel pero nagbanggaan sila dahil sinundan pala si ya ni Gabriel. Natapon ang juice at halos lahat napunta sa damit ni Gabriel. "Tingnan mo ang ginawa mo!!!!!" naiinis na sinabi sa kanya ni Carmina. Padabog n a binigay ni Carmina ang mga baso kay Gabriel at nagkulong sa kwarto niya. Napabuntong-hininga na lang si Gabriel. Wala siyang karapatan na magalit kay Car mina. Kung sa simula pa lang sinabi na niya kay Carmina na mahal niya ito, hindi na sana sila humantong sa ganitong kalagayan. Niligpit niya ang mga baso at pumunta ng banyo para ayuson ang sarili. Hindi niy a alam kung saan nakalagay ang mga tuwalya kaya naghanap na lang siya ng pwede n iyang gamitin. Binuksan niya ang mga kabinet at may nakita siyang hindi niya ina asahan. ................. Naiinis na pumasok si Carmina sa kanyang kwarto para magbihis sa kanyang kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Naiinis, nagagalit, natutuwa, ewan niy a. Ganito ba talaga kapag buntis ang isang tao? Naalala niya ang sinabi ni Gabri el sa kanya. "Mahal kita." Ang sarap pala pakinggan. Lalo na kapag sa taong matagal mong hinintay na sabihi n ito nanggaling. Pero takot siya na panaginip lang ang lahat. Hindi niya mapali wanag ang nararamdaman niya ngayon. May kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Huminga muna siya ng malalim bago niya it o buksan ngunit wala na siyang masabi ng makita niya ang hinahawakan ni Gabriel? "Pakipaliwanag ng ibig sabihin nito."

XXI "Ano ang ibig sabihin nito, Carmina?" inabot niya kay Carmina ang nakalimutan ni ya pregnancy stick. Napalunok si Carmina. "Saan mo 'to nakuha?" "Sa banyo mo. Totoo ba, Carmina? Buntis ka ba?" Wala na rin namang kwenta na ikaila pa niya ang katotohanan kung hawak-hawak na

rin naman ni Gabriel ang ebidensya. "Oo. Buntis ako. Masaya ka na? Nakuha mo na ang gusto mo!" sinara ulit ni Carmin a ang pinto pero naunahan siya ni Gabriel. Umatras na lang si Carmina at pukasok si Gabriel sa kwarto niya at ni-lock ang pinto. "Gusto ko? Carmina ayaw mo ba? " "Gabriel, gusto ko! Pero ang hirap ng sitwasyon. Hiwalay na tayo at hindi ako pa payag na kunin mo sa akin ang anak ko!" "Wala naman akong sinasabing kukunin ko siya sa'yo. At hindi tayo maghihiwalay, Carmina." nilapitan niya si Carmina at hinawakan ang kamay nito. "Dalawa tayo sa relasyon na 'to kaya tayong dalawa ang magdedesisyon kung kailang natin tatapus in to. Hindi ako bibitiw, Carmina. Mahal kita at kaya kong mag-hintay at mag-tii s, mapatawad mo lang at mahalin mo ulit." "Hindi ka bibitiw? Ang galing mo rin! Hindi porket nasasabi mo na na mahal mo ak o, babalik ako sayo! Iniwan kita nung unang beses dahil gusto kong malaman kung mahal mo talaga ako. Kung mahal mo ako, hindi mo ako pinabayaang umalis at hindi ka maghihintay ng mahigit isang buwan ngayon para sabihing mahal mo ako! Kaya h uwag mong sasabihing hindi ka bibitiw dahil hindi ako ang unang bumitiw!" sumisi gaw na si Carmina kay Gabriel. "Hindi kita masisisi kung ayaw mong maniwala sa akin, Carmina pero sabihin mo sa akin ngayon ng nakatingin ng diretso sa mga mata ko na hindi mo na ako mahal. A alis ako ng tahimik dito kapag nasabi mo yan." Napatingin lang si Carmina kay Gabriel. "Huwag mong gawin sakin to..." pabulong na sinabi ni Carmina habang pinipigilang umiyak. "Sabin mong hindi mo ako mahal. Aalis ako at hinding-hindi na ako mangugulo, Car mina." Matagal silag nagkatinginan hanggang biglang umiyak si Carmina. Dahan-dahang lum apit at niyakap ni Gabriel si Carmina dahil baka hindi gusto ni Carmina pero niy akap din niya si Gabriel at mas lalong bumilis ang pagtulo ng luha niya. "Mahal kita." sabi ni Carmina habang umiiyak at lalong humigpit ang yakap niya k ay Gabriel. "Mahal din din kita. Mahal na mahal kita, Carmina at kahit araw-araw mo akong ip agtabuyan mamahalin pa rin kita. Nagkamali ako noong pinakawalan kita, hinding-h indi na mangyayari ulit iyon." "Natatakot ako, Gabriel. Hindi ko alam anong gagawin ko." "Huwag kang bibitiw, Carmina. Magkasama tayong mag-aalaga sa baby na to at sa ma rami pang susunod." Napatawa bigla si Carmina. Pinahiran niya ang mga luha niya at ngumiti kay Gabri el. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang miserable ako kung wala ka?" "Hindi ko alam kung papaano lumapit sayo, Carmina. Takot din ako. Natakot ako na baka tuluyan ka nang nawala sa akin. Kung hindi dahil kay Jeremy, siguro hindi ako magkakalakas ng loob na lumapit ulit sayo." sinabi ni Gabriel habang hinihim as niya ang mukha ni Carmina. "Totoo ba talaga, Gabriel? Mahal mo ba talaga ako?" "Never doubt it, Cara. Ikaw lang hanggang sa dulo ng walang hanggan." "Mahal kita, Gabriel." "Mahal kita, asawa ko." at hinalikan niya ang babaeng nagpasaya at magiging ina ng kanyang mga anak.

XXII

Nagising si Carmina ng madaling araw dahil sa isang masamang panaginip. Nabigla siya saglit ng maramdaman niyang may katabi siya sa sarili niyang kama. Pagtingi n niya nakita niyang natutulog ng mahimbing ang kanyang asawa. Totoo pala talaga ang mga nangyari kahapon. Okay na sila ni Gabriel. Mahal siya ng asawa niya. Na pangiti siya doon. Finally. Humiga ulit si Carmina ngunit hindi siya nakatulog agad. Pinagmasdan niya ang na tutulog na si Gabriel habang nakangiti. Ilang beses niyang pinangarap ang ganito . Ang makasama si Gabriel nang walang pag-aalangan sa kinabukasan. Siya na ang p inakamasayang babae sa buong mundo lalo na't kasabay ng pagkaka-ayos nila ni Gab riel ay nalaman din niyang magiging ina na siya. Mas lumaki ang ngiti ni Carmina habang hinawakan niya ang kanyang tiyan. "Baby, kumpleto na tayo kaya huwag kang mag-aalala. Paglabas mo, kami ng daddy m o ang una mong makikita. I love you so much, baby." pinikit ulit ni Carmina ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog ulit. ...................................... Dahan-dahang minulat ni Gabriel ang kanyang mga mata. Nakangiti na siya bago pa man niya mabuksan ito ng tuluyan. Hindi pa siya nakaranas ng ganito kagaang paki ramdam. Simula ng nasabi na niya at naipagtapat kay Carmina ang tunay niyang nar aramdaman ay nawala din ang mabigat na bloke na nasa puso niya. Nakita niyang na tutulog pa si Carmina kay dahan-dahan siyang tumayo para gawan siya ng almusal. Bago siya lumabas ay hinalikan muna niya si Carmina sa labi at nakitang ngumiti si Carmina na para bang kasama ang halik na iyon sa kanyang panaginip. Hindi niya alam ang pasikot-sikot ng bahay ni Carmina kaya natagalan bago niya n akita ang lahat ng kailangan niya para sa almusal na ihahanda niya para kay Carm ina. Bacon, egg, fried rice at fresh na juice ang ginawa niya at tumawag din siy a sa bahay nila para utusan ang driver niya na ibili siya ng paboritong bulaklak ni Carmina. Nang tapos na ang lahat inilagay niya sa tray ang pagkain at tinakp an ito at kinagat ang rosas na ibibigay niya kay Carmina bago ito pumasok ulit s a kwarto. Pagpasok niya ay nakita niyang tulog pa rin ang maganda niyang asawa kaya ginisi ng niya ito ng mga halik niya. Una niyang hinalikan ang noo ni Carmina, sumunod ang ilong nito, pagkatapos ang pisngi at ang labi nito. Naramdaman niyang hinaha likan na rin siya ni Carmina kaya napangiti si Gabriel. "Good morning, Cara." "Mmmmm...ang sarap mong mang-gising." "Siyempre naman. Nagluto ako ng almusal. Gising na ng makakain kayo ng baby." si nabi ni Gabrie habang hinahalikan niya ang leeg ni Carmina. "Ano bang niluto mo? At bakit hindi mo ako ginising ng natulungan sana kita." si nagot sa kanya ni Carmina habang hinihimas naman niya ang buhok ni Gabriel. "Ang paborito mong almusal. Hindi na kita ginising kasi mas mabigat ang gagawin mo sa loob ng siyam na buwan, di ba baby?" hinalikan ni Gabriel ang pinakaimport anteng bahagi ng katawan ni Carmina pagkatapos ay inalis niya ang takip ng mga p agkain. Nabigla si Gabriel ng biglang tumakbo si Carmina sa banyo kaya sinundan niya ito . Nag-alala siya ng makita niyang sumusuka si Carmina sa lababo. Kumuha siya ng tuwalya at hinimas ang likod ni Carmina habang sumusuka ito. Nang matapos si Car mina ay naghilamos at nagmumog muna siya bago niya hinarap si Gabriel. "Okay ka na, Cara?" alalang tanong sa kanya ni Gabriel. "Oo, kaso parang hindi ko muna magiging paborito ang bacon sa mga susunod na buw an. Hindi ko gusto ang amoy." nakangiting sinabi sa kanya ni Carmina. "Ipaghahanda na lang kita ng ibang makakain. Aalisin ko muna ang pagkain sa kwar to baka tumakbo ko ulit pabalik dito. Pagkatapos sasamahan na rin kita sa doctor para masiguradong ligtas kayong dalawa, okay?" tanong niya kay Carmina at hinal ikan ang kamay nito. Tumango lang si Carmina at umalis na si Gabriel para gumawa ng panibagong almusal. Nagsipilyo na alng muna si Carmina at inayos ang sarili bago bumalik sa kwarto n iya. Mga ilang sandali lang ang dumaan ay bumalik si Gabriel sa kwarto na walang dalang pagkain.

"O, anong nangyari? Ba't wala yung pinangako mong almusal?" tanong ni Carmina sa kanya. "Eh kasi...ano..." "Kasi ano?" "Wala ng laman ang ref mo. Pwede bang sa labas na lang tayo mag-almusal?" tanong ni Gabriel sa kanya. Natawa na lang si Carmina dahil nakalimutan niya palang mag-grocery nung isang a raw. Lumapit si Carmina sa kanya at niyakap si Gabriel. "Oo naman. Pwedeng pwede. Ligo na tayo?" tanong ni Carmina sa kanya. "Pwede pero...." "Pero ano?" medyo kumunot ang noo ni Carmina. "Sabay tayong maliligo!!!!!" sinabi ni Gabriel sabay buhat sa tumatawang si Carm ina papunta ng banyo.

XXIII Masayang umalis sina Gabriel at Carmina papuntang ospital para magpacheck-up. "Cara, bakit hindi ka kaya muna magpahinga sa trabaho?" "Gabriel masyado kang OA. Hindi pa nga lumalaki ag tiyan ko, pinapatigil mo na a ko sa gusto kong gawin." natatawang sagot ni Carmina. "Pansamantala lang naman eh habang hindi ka pa nanganganak." "Gabriel, kaya ko pa naman. Titigil naman ako kapag hindi na talaga pwede at isa pa hindi ako basta-bastang makakabalik sa trabaho pagkatapos kong manganak. Sin o ang mag-aalaga sa baby? Ikaw?" tumawa si Carmina ng makita niyang nanlaki ang mga mata ni Gabriel. "Kaya pabayaan mo muna ako. Aayusin ko muna ang problema sa kumpanya. Nakikita ko rin naman na nagbabago na si Jeremy. Hindi na siya nagsus ugal at mas lalong gumaganda ang performance niya. Malay mo, I might leave the c ompany for good. Kung maganda nga lang naman ang compensation mo." pabiro niyang sinabi kay Gabriel. Pumarada si Gabriel at pinatay ang makina ng sasakyan. Lumingon siy kay Carmina na nakangiti. "Sinabi mo yan ha? Araw-araw papatunayan ko na mas maiging manatili ka sa bahay. I could never resist a challenge. Eapecially from a beautiful woman." hinalikan niya si Carmina bago sila lumabas ng sasakyan at pumasok na magkahawak-kamay sa ospital. .............. "Dok, kamusta ho ang asawa ko?" "Naconfirm na nga na buntis ang asawa ninyo and based sa results medyo anemic si ya. Reresetahan ko kayo ng iron supplements at vitamins na rin. Misis, kailangan

din ninyong kumain para sa inyong dalawa ng baby ninyo. Medyo underweight ka pe ro pwede mo namang bawiin yan sa pagkain. Huwag masyadong magpapastress. Iiwan k o sa inyo ang number ko para makatawag kayo agad kung may problema o tanong kayo ." "Salamat ho, doktora." sabi sa kanya ni Carmina. "Alagaan mo ang sarili mo hija lalo na't unang beses mo itong pagbubuntis." .................. "Cara, kailangan mong kumain ng marami. Kain tayo ulit?" "Loko-loko! Ang sabi ng doktor kailangan kong kumain ng maigi hindi kumain orasoras. Isa pa busog pa ako. Ipasyal mo na ang kaya ako?" "O sige. Saan mo ba gustong mamasyal?" "Sa ibang bansa." "Sa ibang bansa!?! Carmina, baliw ka ba? Ang alam ko sa pagkain naglilihi ang mg a buntis." "Oo pero gusto kong mamasyal. Isa pa di tayo natuloy sa Paris diba? Ituloy na la ng natin yun. Please?" malambing na pakiusap ni Carmina. "Paris!?! Carmina, ibang klase ka magbuntis. Kung pupunta tayo ng Paris, pwede l ang ba sa kalagayan mong yan papayagan ka kaya ng doktor na pumunta sa kabilang dako ng mundo?" tanong sa kanya ni Gabriel. Sumimangot si Carmina na parang batang nawalan ng kendi. "Bakit di mo tawagan tapos tanungin mo?" Napabuntong-hininga na lamang si Gabriel at kinuha ang cellphone niya para tawag an ang doktor. Nag-usap sila habang si Carmina ay naiinip sa kahahantay ng sasab ihin ng doktor. Maya-maya ay binaba na ni Gabriel ang cellphone niya. "Ano sabi ng doktor." "Hindi daw pwede." "Hindi pwede, bakit?" "Unang pagbubuntis mo daw, di natin alam kung magkakaroon ka ng komplikasyon at kadalasan nangyayari sa unang tatlong buwan ang mga miscarraiges kay ingat daw m una tayo." Mas lalog sumimangot ang mukha ni Carmina. Naaliw naman na pinagmasdan siya ni G abriel. Lumalabas ang isang side ni Carmina na hindi pa niya nakikita at naaliw siya dito. "Carmina, huwag ka nang sumimangot. Alam ko na kung saan kita dadalhin." "Saan?" Lumapit sa kanya si Gabriel at ibinulong sa kanya ang sagot. "Sa lugar kung saan ka sumagot ng oo sa kasal natin." XXIV Gabi na nang dumating sila sa bahay. Pumayag na si Carmina na bumalik sa tahanan nilang dalawa kaya doon na dumiretso si Gabriel. Pagdating nila, tulog na tulog na si Carmina kaya pinagmasdan muna siya ni Gabriel. Hindi siya makapaniwala na magiging daddy na siya. Hindi niya rin maikakailala na nag-eenjoy siya sa pagbu buntis ni Carmina. Nakikita na niya ang mga pagbabago sa asawa niya dala ng kany ang pagbubuntis. Hindi na niya alam kung ano ang magiging mood ni Carmina basta tatawa na lang ito o magsusungit. Ipinangako niya na pupunta sila ni Carmina kun g saan siya nagpropose noon sa kanya. Pinapangako niyang magiging espesyal ang l ahat bukas. ................................ "Matagal pa ba tayo?" naiinip na tanong ni Carmina habang kumakain ng ice cream. "Konti na lang. Malapit na tayo. At malapit na ring maubos yang ice cream na bin ili mo pero di mo man lang ako binigyan." pabirong sagot ni Gabriel sa kanya. "Eh, kulang pa to. Gusto ko pa nga." "Anong kulang. Ang laki ng binili mo tapos kulang pa? Naku, baka hindi bata ang lumabas sayo baka isang toneladang ice cream, Cara." natatawang sabi ni Gabriel. "Bahala ka. Hindi pa rin kita bibigyan!" pinagpatuloy ni Carmina ang pag-kain ng ice cream. "Matakaw!"

"I am not!" "Yes, you are!" "Am not!" "You are!" "Am not!" Napatingin sila sa isa't-isa sandali pagkatapos ay nagtawanan. "Ewan ko pero para tayong mga bata!" natatawang sinabi ni Carmina kay Gabriel. "Sa pupuntahan natin, hindi ba pwedeng umastang bata muna kahit sandali?" "Mga isip-bata? Ewan, matutulog na muna ako. Inaantok na ako." ipinikit na ni Ca rmina ang mga mata niya. "Hindi ako sigurado kung buntis ka nga ba talaga o nagiging baboy ka lang talaga ." lalong tumawa si Gabriel sa nasabi niya at sinapak siya ni Carmina sa braso n iya pero ipinagpatuloy pa rin ang pagtulog niya. ................ "Carmina...." malambing na ginising ni Gabriel ang asawa niya. "Andito na tayo?" "Nandito na. Welcome to Enchanted Kingdom!" .............................. Masayang naglibot-libot sina Carmina at Gabriel. Lahat ng rides na pwedeng sakya n sinakyan nila. Kahit nabasa sila sa isa o dalawa sa mga rides ay tuloy pa rin ang kasiyahan. Ang hindi alam ni Carmina, may malaking sorpresa si Gabriel na na ghihintay para sa kanya mamayang gabi. ................ "Cara..." "Hmmm?" "Sakay tayo sa carousel?" "Ha? Eh diba sarado yun. Kanina pa nga walang tao yun dun." "Basta halika na. Subukan natin." hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Carmina at p umunta sila doon. "Gabriel, hindi na pwede ata talaga. Nakapatay ang ilaw." Pumasok sila at biglang nagliwanag ang buong carousel at nakita niyang punong-pu no ng rosas ang carousel. "Sabi na sayo, pwede pa.Sakayna tayo?" inalok ni Gabriel ang kamay niya at hinwa kan naman agad ito ni Carmina na hindi makapaniwala sa ginawa ng asawa. Sumakay silang dalawa at kasabay ng pag-andar ng carousel ay ang pagtugtog ng ka ntang "forevermore". Abot langit ang ngiti ni Carmina na halos mahimatay sa kili g. "Natatandaan mo ba nung inalok kita ng kasal dito rin sa carousel na 'to?" Hindi makapag-salita si Carmina kaya tumango lang siya. "Natatandaan mo rin ba na ito ring kantang ito ang pinatugtog nung araw na iyon? " Tumawa si Carmina dahil patu iyon naaalala pa rin ni Gabriel. "Oo, ito nga." Tumigil ang carousel ng sandalin iyon at bago pa man gumalaw si Carmina ay lumuh od sa harap nito si Gabriel. "Carmina, ang dami na nating pinagdaanan. May mga masasaya mayroon ding malulung kot. Minsan muntik ka nang mawala ng tuluyan sa buhay ko. Ilang beses kitang nas aktan, pero tinanggap mo pa rin ako ulit sa buhay mo. At ngayon.." nahirapan big la si Gabriel dahil pinipilit niya ang sarili na huwag umiyak. "At ngayon nandit o tayo ulit. Napatunayan natin na mahal natin ang isa't-isa. May isang tanong la ng ako ulit sayo na mas importante pa noong tinanong kita na pakasalan ako." Hum inga ng malalim si Gabriel habang si Carmina naman ay hindi na mapigilan ang pag tulo ng kanyang mga luha dahil sa tuwa. May inilabas si Gabriel na isang box. Pa gbukas niya ay nakita ni Carmina ang isang napakagandang kwintas. Hugis puso na napapalibutan ng mga dyamante. "Carmina Salazar, will you let me stay in your he art and in your life, forever?" "Yes, Gabriel. Yes!" umiiyak na natutuwang sagot ni Carmina. Tumayo si Gabriel at ikinabit ang kwintas sa leeg ni Carmina. Pagkatapos, ay hin alikan nila ang isa't-isa kasabay ng paglabas ng fireworks display. Tumawa sila at magkayakap na pinagmasdan ang makulay na langit. Kasing kulay ng pag-iibigan nilang dalawa.

XXV Pinagmamasdan ni Carmina ang sarili sa harap ng salamin. Hindi pa halata na bunt is siya. Kung hindi nga lang siya nahihilo at nasusuka palagi tuwing umaga ay ma ging siya, hindi rin maniniwala na buntis nga siya. Araw-araw mas lalong minamah al niya ang lumalaking bata sa kanyang sinapupunan. Matagal niyang ipinagdarasal noon na sana nga balang araw makumpleto sila ni Gabriel. At ngayon dumating na nga ang anghel na mas magpapasaya sa kanila ni Gabriel. Si Gabriel. Napapangiti siya tuwing naaalala niya ang kanyang asawa. Mas maalaga siya ngayon, mas malambing at mas gumagwapo sa paningin ni Carmina. Ang gaan ga an lang palagi ng pakiramdam tuwing kasama niya si Gabriel. Hindi tulad noon na hindi niya alam kung ano ang iniisip at nararamdaman ng asawa niya. "Baby, mahal ako ng Daddy mo kaya sinisigurado ko sa'yo na mas mamahalin ka pa n un kasi nga ikaw ang angel namin." Maagang natapos si Carmina sa opisina kaya umuwi siya agad ng bahay. Tinawagan n iya si Gabriel at tinanung kung maaga ba itong makakauwi pero sa kasamaang-palad ay gagabihin ito sa pag-uwi. "Baby, bored si Mommy. Ano kaya ang pwede nating gawin?" Madalas nang gawin ni Carmina iyon. Ang kausapin ang anak niya. Hindi niya mapig ilan ang sarili. Iba pala talaga kapag ina ka na. Hindi mo paman siya naipapanga nak ay lahat ng "mother's instinct" ni Carmina ay naka-alerto na palagi. Sinusun od niya ang lahat ng sinasabi sa kanya ng doktor at mas nag-iingat na siya ngayo n. "Ano kaya baby kung simulan na nating ayusin ang magiging kwarto mo?" Tumunog ang doorbell bago paman makapagdesisyon si Carmina. Sa pag-aakalang si G abriel ito at napa-aga ang pag-uwi ay dali-dali niyang binuksan ang pinto. "Hello, Carmina." Nagulat siya ng makita niya si Sandra. "Anong ginagawa mo dito?" "Wala lang gusto lang kitang...tingnan. Enjoying the married life?" pumasok ng h indi iniimbita si Sandra at umupo sa sofe. "Yes, I am. Still depressed being single?" "Wow, nabuntis ka lang pero tinubuan ka na ng sungay. Yes, I am actually enjoyin g my single life. Akalain mo, I can have anyone I want without the chains of mar raige." "Yun naman pala eh, bakit ka nandito you can have anyone you want pala?" "Carmina, huwag ka masyadong kampante. Hindi porket buntis ka, habang-uhay ng sa 'yo si Gabriel. Remember, I can have ANYONE I want." tumawa ito at hinarap si Ca rmnina. " And I want your husband. Hindi na ako magdadamot, gusto mo share na la ng tayo?" "Ang kapal din ng mukha mo, Sandra! Tingnan mo nga ang sarili mo! Tingin mo papa tol pa sa'yo si Gabriel? Mahal niya ako at hinding-hindi niya ako ipagpapalit sa isang katulad mong kaladkarin!" Tumayo si Sandra at sasampalin niya sana si Carmina pero hindi niya tinuloy. Ngu miti na lang ito. "You know what, I'd take that as a compliment. Nagpunta lang naman ako dito to w arn you. Hindi pa tapos ang laban. I will get him back. Hindi ikaw o kahit na si no man ang makakapigil sa akin." lumabas si Sandra bago paman makapasagot si Car

mina. Hindi ako papayag. Hindi si Sandra ang sisira sa amin ni Gabriel.

XXVI Gabing-gabi na ng dumating si Gabriel sa bahay nila. Akala niya ay natutulog na si Carmina dahil madilim na ang buong bahay kaya dumiretso siya sa kanilang kwa rto. Ngunit wala doon si Carmina kaya nagtaka siya at nag-alala. Sinubukan niyan g tawagan ang cellphone nito ngunit busy ang linya. Bumaba siya ulit para tingna n kung nasa bahay lang si Carmina o wala. Wala si Carmina sa kusina. Wala sa sala. Wala sa garden. Mas lalong nag-alala si Gabriel dahil wala namang nasabi si Carmina na may pupuntahan ito. Umakyat siya ulit para tawagan na sana ang kapatid ni Carmina na si Jeremy nang may nakita s iyang ilaw sa labas ng isa sa mga silid na malapit sa kanilang kwarto. Sinilip niya ito at laking gulat niya sa kanyang nakita. Maraming pinamiling gam it si Carmina para sa baby nila at nakatulog na ang maganda niyang asawa sa pagaayos ng magiging kwarto ng baby nila. Nawala ang takot ni Gabriel at napalitan ito ng hindi mapapantayang tuwa. Sabik na rin siya sa baby nilang dalawa ni Carm ina. Alam niya na kahit ano pa ang kasarian ng anak nila ay mamahalin pa rin ito ni Gabriel. Lumapit si Gabriel at pinagmasdan niya ang natutulog niyang asawa. Nati tiyak siyang napagod ito sa pamimili ng gamit para sa bata. Tiningnan ni Gabriel ang mga pinamiling gamit ni Carmina. May mga lampin, damit at laruan. Ang nakak atuwa ay bumili si Carmina ng para sa lalaki at babae. May mga manika at mga tra in sets siyang nakita sa mga supot. Napansin din niya na may ginawang listahan s i Carmina sa mga kakailanganing pagbabago sa kwarto para maging isang magandang nursery ng anak nila. Kung ganito sila palagi na malaging masaya, nagmamahalan at medyo may tampuhan paminsan-minsan ay wala na talagang mahihiling pa si Gabriel kundi ang ligtas na panganganak ni Carmina. Ipinagdarasal niya na sana kayanin talaga ni Carmina at ligtas ang kanyang mag-ina dahil hinding-hindi niya mapapatawad ang s arili niya kapag may nangyaring masama sa kanila. "Kadarating mo lang?" Lumingon si Gabriel ng marinig niya ang boses ni Carmina na halatang kagigising lang. Nakita niyang nakatingin at nakangiti sa kanya si Carmina. "Kanina pa. Bakit hindi mo ako inantay? Ayaw mo bang sabay nating ayusin ang mag iging kwarto ni baby?" "Hindi naman sa ganun. Eh ang tagal mong dumating kaya nilibang namin ang mga sa rili namin. Hindi pa naman ako tapos. Marami pa tayong gagawin sa kwartong ito. Namili lang ako kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko." "Ano bang gusto mong gawin? Sa nakikita ko, parang gusto mong hatiin ang kwarto. Kalahati panlalaki at kalahati naman pambabae." natutuwang tanong sa kanya ni G abriel. "Hindi no! Hindi pa natin kasi alam kung babae o lalaki tapos nung kinakausap ko si baby ayaw niya ring sabihin sa akin kaya yun. Binili ko nalang lahat para si gurado." tumayo si Carmina at nilapitan si Gabriel at hinalikan ito. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ipaghanda kita ng makakain?"

"Hindi, kumain na ako sa opisina. Ikaw?" "Kumain din ako sa labas pero.." "Pero nagugutom ka nanaman ulit?" tanong ni Gabriel habang tinawanan si Carmina. "Anong magagawa ko dalawa kaya kami!" hinila ni Carmina si Gabriel at pumunta si lang dalawa sa kusina para gumawa ng makakain nila. Gumawa ng sandwhiches si Carmina habang gumawa naman ng fresh juice si Gabriel. Nang nakaupo na sila at kumakain ay nag-usap lang sila tungkol sa mga bagay-baga y. "Siyanga pala, Cara, kailangan ko muna umalis papuntang Korea dahil may aasikasu hin lang ako importante. Magbubukas na kasi ang tinayo kong negosyo doon kaya ka ilangan kong siguraduhin na walang magiging problema. Babalik din ako kaagad." Sumimangot ng kaunti si Carmina. "Ilang araw kang mawawala?" "Isang linggo lang naman. Pangako, babalik ako kaagad." hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Carmina at hinalikan ito. "Hindi ba pwedeng sumama na lang ako?" "Cara, hindi kita maaalagaan doon at isa pa mas makakampante ako kung alam kong nandito ka at ligtas. Papakiusapan natin si Manang Sabel na samahan ka sa gabi p ara kung may kailanganin ka ay may tutulong sayo." Napaisip ng mabuti si Carmina hanggang sa mapabuntong-hininga na lamang ito. "Kailangan mo ba talagang umalis?" "Cara, alam mong hindi ako mapapaalis ng basta-basta sa tabi mo pero kailangan l ang talaga ito. Pagkatapos nito, pangako, wala nang business trip for the next f ew months. Okay?" "Okay. Pero kailangan mong bumawi sa amin ng baby mo pagbalik mo!" "Oo naman. Hindi pwedeng hindi ako bumawi sa mag-ina ko!" hinalikan nila ang isa 't-isa at tinuloy ang pagkain ng kanilang inihangang miryenda. XXVII "Wala ka bang nakalmutan? Baka mamaya may maiwan kang importante." sinabi ni Car mina kay Gabriel habang kumakain sila ng almusal bago pumunta ng airport si Gabr iel. "Wala na na-check ko na lahat. Nasa bag na lahat ng kakailanganin ko." hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Carmina. "Habang wala ako mangako ka na hindi mo papagu rin ng husto ang sarili mo at palaga kang kakain ng marami. Nandiyan naman si Ma nang Sabel para asikasuhin ka araw-araw. Okay?" "Basta ipangako mo sa akin na tatawag ka kapag may libre ka ha?" "Oo naman, hindi ko kayang hindi makausap ang asawa ko." hinalikan ni Gabriel an g kamay ni Carmina at napangiti. Matapos nilang kumain ay nag-paalam na sila sa isa't-isa na para bang hindi na s ila magkikita. "Sana hindi mo na kailangang umalis. Isang linggo kang wala tapos andito lang ak o. Ang hirap kaya hindi ko alam ano gagawin ko." "Huwag kang mangonsensya. Isang linggo lang,Cara. Pangako pagkatapos nito, wala na. Palagi na akong nasa tabi mo. Kaya huwag kang masyadon malolove sick ha?" hi nalikan niya si Carmina ng malalim at niyakap ng mahigpit. "Tatawag ako kaagad p agdating ko doon. Stay safe, Cara. I love you." "I love you, too." hinalikan ulit ni Carmina si Gabriel bago niya hinayaang suma kay ng kotse papuntang airport. ........................... May binabasang libro si Carmina ng Gabing iyon ng may tumawag sa telepono. "Hello?' "Na-miss mo na ba ako, Cara?" "Gabriel! Akala ko hindi ka na makakatawag. Kamusta?" "Eto, nilalamig at gustong kumain ng sinigang. Kasama ko kanina ang mga investor s kasi personal nila akong sinundo pagdating ko kaya ngayon lang ako nakatawag. Masarap din pala ang pag-kain nila, maanghang pero masarap. Pagbalik ko diyan pa kakainin kita ng Korean food dahil alam ko mahilig ka sa maanghang na pagkain. N aalala mo nung bumili tayo ng Bicol express? Ikaw lang ata nakaubos nun." napata

wa sila ng maalala nila iyon. "Oo nga eh. Mabuti naman at ligtas kang nakaratin diyan. Pag-alis mo kanina naghanda na rin ako para pumunta ng opisina at ayos naman ang lahat. Natututo na si Jeremy maging responsable at unti-unti ay ibinibigay ko na ang mga responsibili dad sa kanya." natahimik bigla si Carmina bago nagpatuloy. "I really do miss you ." "I miss you more, Cara. Gusto ko na ngang bumalik agad ng Pilipinas ngayon lalo na't naririnig kitang ganyan." "Naiintindihan ko naman, Gabriel. Kailangan mong gawin ito hindi lang para sa at in kundi pati na rin sa baby." napangiti si Carmina. "Dumating na pala ang mga i norder mo na mga materyales para sa gagawin mong kuna." "Mabuti naman. Pagbalik ko gagawa ako ng pinakamagandang kuna sa buong munod." "Gagawa ka eh hindi ka nga marunong eh. Good luck sayo." pabirong sinabi sa kany a ni Carmina. "Madali kayang matuto ang asawa mo, Cara. Ipapakita ko sayo!" "Oo na, ikaw ang bahala basta kailangan maganda talaga yan." "Makikita mo, Cara. Gabi na, magpahinga na kayo ni baby diyan ng hindi na ako ma g-alala." "Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?" "Hindi pa, inimbitahan ako ng cliyente na lumabas para mamasyal sandali. Hindi n aman ako magtatagal ng husto." 'Sige basta mag-iingat ka ha?" "Ikaw rin, Cara. I love you." "I love you, too." Sabay nilang binaba ang telepono. Itinabi ni Carmina ang binabasang libro at hum iga na para matulog habang si Gabriel naman ay itinabi ang mga binabasang kontra ta at bumaba sa lobby ng hotel para mamasyal kasama ang kanyang kliyente. "Gabriel! Kanina ka pa namin hinihintay. Bakit ang tagal mo?" "Sandra naman, tinawagan ko muna si Carmina. Nangako kasi ako na tatawag ako sa kanya pag-dating ko dito." "Ganun ba? Halika na at mahuhuli na tayo." hinawakan ni Sandra ang braso ni Gabr iel at sabay silang lumabas at namasyal. 'Kamusta na nga pala ang asawa mo?" tanong sa kanya ni Sandra habang naglalakad sila. "Ayon, namimiss ako. Salamat nga pala, Sandra, nung kinausap mo si Carmina ng is ang araw para linawin ang lahat tungkol sa atin. Gusto ko kasing mapanatag ang l oob niya na mag-kaibigan lang talaga ang turingan natin sa isa't-isa." "Ano ka ba? Wala yun. Anything for you." "Salamat din na naiintindihan mo na si Carmina ang gusto ko." "Gabriel, ang dami na nating napag-daanan. Siguro nga hindi tayo para sa isa't-i sa. Mahal kita pero hindi ko ipipilit ang sarili ko. Mas maigi na maging kaibiga n na lang kita kaysa tuluyan kang mawala sa buhay ko." "Salamat talaga, Sandra." ngumiti sila sa isa't-isa na parang wala silang naging problema. Sa ngayon Gabriel, tatanggapin ko muna ang pagkakaibigang inalok mo sa akin pero balang araw makikita mo na ako ang nararapat para sa iyo at hindi si Carmina... . .................. Sa sumunod na mga araw ay palaging nag-uusap sina Carmina at Gabriel sa telepono . Binibilang na ni Carmina ang mga araw bago bumalik si Gabriel. Dalawang araw n a lang ay makakasama na niya ulit si Gabriel. Binabalak niyang sorpresahin ang k anyang asawa pag-dating niya pero hindi pa niya alam kung paano. Napahinto si Carmina sapag-iisip ng may kumatok sa pinto ng opisina niya. "Pasok." "Busy ka ba?" "Alan! Pasok. Anong ginagawa mo dito?" "Nagbabakasakalilang sana kung pwede ay samahan ako ng kaibigan kong kumain sa l abas." "Oo naman, sandali may aayusin lang ako." tinawagan niya ang sekretarya niya at sinabing lalabas muna siya sandali pero babalik din pagkatapos ng dalawang oras.

Dinala ni Alan si Carmina sa isang malapit na restauant at doon sila nagkwentuha n. "You look positively radiant, Carmina." "Salamat, siguro dala lang yun ng pagbubuntis ko." "So I've heard. Jeremy told me. Sana hindi ako nakadagdag sa problema ninyo nung araw na iyon." "Ah yun? Kalimutan mo na yun. Maayos na kaming dalawa ngayon. Mga maliliit na ng a lang na mga bagay ang pinagtatalunan namin kung minsan eh." "Uhhh..Carmina kasi inimbitahan kitang kumain kasi gusto ko ring mag-paalam. Bab alik na ako ng New York." malungkot na ngiti ang ibinigay ni Alan kay Carmina. "Bakit? Nandito naman ang parents mo diba? Hindi ka na ba babalik?" "Babalik naman ako pero sandali lang. Alam mo naman kung ano ang nararamdaman ko para sayo, Carmina. Ang gusto ko lang naman maging masaya ka at sa nakikita ko masayang-masaya ka. But not with me." "Alan..." "Kaya ko naman, Carmina. Siguro tama ka nga. Makakalimutan kita at makakahanap a ko ng babaeng para sa akin balang araw pero hindi dito. Kung saan malapit ka sa akin. I am happy for you, I mean that. He finally realized what treaseure you ar e at sana hindi niya makalimutan yun." "Salamat, Alan. Sana nga balang araw maging masaya ka rin tulad ko." hinawakan n i Carmina ang kamay ni Alan bilang isang kaibigan. "Pero sa oras na paiyakin ka niya ulit, babalik ako at hindi na kita bibitawan u lit, Carmina." "Huwag kang mag-alala, Alan. Hinding-hindi mangyayari yun." sinabi sa kanya ni C armina ng walang halong pangamba. ................ Bumalik si Carmina sa opisina pag-katapos nilang kumain at nag-paalam sa isa't-i sa. "Ma'am, may dumating pong envelope para sa inyo." sabi sa kanya ng kanyang sekre tarya pagdating niya sa opisina. "Kanino galing?" "Hindi po sinabi at wala rin pong nakasulat na return address. Inilagay ko na po sa loob.' "Salamat, Alex. You're an angel." Pag-pasok niya sa opisina ay agad siyang nag-taka kung kanino galing ang envelop e. Binuksan niya ito at nagulat siya sa nakita niya. Litrato ni Gabriel sa Korea. Kasama si Sandra. XXVIII Nabitawan ni Carmina ang ga litrato ni Gabriel at Sandra at napaupo siya sa upua n. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Si Sandra at si Gabriel magkasama sa Korea.Nanginginig ang kamay ni Carmina ng kinuha niya ulit ang mga litrato. Tini ngnan niya ng maigi ang mga litrato. Nagtatawanan silang dalawa. Masayang nagkwe kwentuhan. Hindi, hindi maniniwala si Carmina na niloloko siya ni Gabriel. Isa p a, kaibigan ang turing ni Gabriel kay Sandra at mag-kasama sila sa trabaho. Siya ang mahal ni Gabriel. Hindi si Sandra. Kinuha ni Carmina ang cellphone niya at tinawagan si Gabriel. "Cara, napatawag ka? Huwag mong sabihing may nakalimutan kang sabihin sa akin ka gabi o baka naman gusto mong marinig ang boses ng gwapo mong asawa?" pabirong ta nong sa kanya ni Gabriel. "Eh...ano..Gabriel...." hindi alam ni Carmina kung paano sasabihin kay Gabriel a ng tungkol sa mga litrato. "Carmina? Cara, may problema ba?" biglang nag-alala si Gabriel sa tono ng boses ni Carmina. "Wala, uhh....gusto ko lang sabihin na.." pinikit ni Carmina ang mga mata niya d ahil gusto na niyang umiyak. "Mahal kita." "At mahal na mahal na mahal din kita. Sa susunod na araw na, Cara. Kaunting tiis na lang."

Hindi pa rin mapigilan ni Carmina na mag-tanong. "Hindi ko nga pala natanong sayo. Ikaw lang mag-isa ang nag-punta sa Korea." "Hindi. May kasama ako. Huwag ka sanang mag-selos, Cara. Si Sandra ang kasama ko . Project din naman kasi niya ito kaya hindi pwedeng hindi siya sumama." "Bakit hindi mo sinabi sa akin." "Dahil ayoko na mag-alala ka. Nasabi na rin sa akin ni Sandra na nag-usap na kay o at maliwanag na na mag-kaibigan kami at ikaw ang mahal ko." nag-alala si Gabri el kay Carmina. "Galit ka ba, Cara?" "Hindi, maiintindihan ko naman. Ayoko lang na sa iba ko pa nalaman. Alam mo nama n ang mga tao mahilig sila mag-bigay ng malisya." natahimik sila sandali bago na alala ni Carmina ang sinabi ni Gabriel. "Sinabi sa iyo ni Sandra na nag-usap kam i?" "Oo. Ang sabi niya maayos na raw kayo at sinabi niya sa iyo na walang namamagita n sa amin." "Iyon ang sinabi niya?" "Hmmm...Carmina kailangan ko nang umalis kasi ngayon ang opening ng branch dito at marami na ring nagdadatingang bisita. Tatawagan kita mamaya. Okay?" "Sure, sorry kung naabala kita." "Hindi ka abala kahit kaila, Cara. I love you." "I love you, too." Natapos na ang tawag pero mas lalong hindi natahimik si Carmina. Nagbabait-baita n si Sandra sa harap ni Gabriel at hindi rin siya sigurado kung maniniwala sa ka nya si Gabriel kapag sinabi niya ang totoong nangyari noong araw na iyon. May ti wala siya kay Gabriel pero hindi kay Sandra. "I will get him back. Hindi ikaw o kahit sino man ang makakapigil sa akin." Hindi makakalimutan ni Carmina ang mga binitawang salita ni Sandara at mukhang g umagawa na siya ng paraan para maghiwalay sila ni Gabriel. Nagkamali si Sandra n g kinalaban dahil hindi rin papayag si Carmina na si Sandra lang ang sisira sa k anilang dalawa ni Gabriel .......................... Buong araw na nagtaka si Gabriel sa tawag na iyon ni Carmina. Hindi siya mapalag ay dahil iba talaga ang boses ni Carmina nung sinambit niya ang kanyang pangalan . Nag-alinlangan pa ito sa sasabihin niya at tumawag lang para sabihing "Mahal k ita"? May nangyari na hindi sinasabi ni Carmina at mas dumoble pa ang pag-aalala ni Gabriel. "Gabriel, kanina ka pa. Ayaw mo ba makihalubilo sa mga bisita mo?" tanong ni San dra sa kanya. "Sandra, kaya mo naman tapusin ang mga trabaho dito ng mag-isa diba?" "Oo naman. Tutal ngayon na ang opening and success naman ito the rest be finishi ng touches na lang kaya madali na lang iyon. Bakit masama ba pakiramdam mo?" "Sigurado ka kaya mong mag-isa?" "Gabriel, inayos mo na lahat and all I have to do is follow the plan. Ano ba tal aga ang problema?" "Uuwi na ako ng Pilipinas." "Bakit? May nangyari ba?" "Basta, kailangan kong umuwi mamayang gabi. Kaya mo talaga?" "Ssiige....pero...are you sure you're okay? Si Carmina ba?" "Oo. Tumawag siya at may hindi siya sinasabi sa akin. Ayoko mangyari yung nagyar i noon na pag-dating ko wala na akong asawang nadatnan sa bahay. May problema si Carmina at kailangan niya ako. Sa maintindihan mo." "Sure, anything." ngumiti siya na hindi naabot ang kanyang mga mata. "Salamat." at umalis si Gabriel upang ayusin ang mga kakailanganin pauwi ng Pili pinas habang nakatigin sa kanya si Sandra na humihigpit ang kapit sa wineglass n a hinahawakan. "Hindi ka rin basta-basta Carmina. Pero nagsisimula pa lang ako. Iam far from ov er." ................................ Tahimik at madilim na ang bahay ng dumating si Gabriel. Madaling araw na rin kas i kaya tahimik na umakyat si Gabriel sa kanilang kwarto. Sinilip muna niya at na kita niya na mahimbing na natutulog si Carmina kaya napahinga siya ng malalim. L

umapit siya rito at nakita niyang may kayakap itong malaking teddy bear. Parang bata tuloy ang pinagmamasdan niyang natutulog at hindi ang kanyang asawa. Nagbihis muna siya ng pantulog bago tinabihan at niyakap si Carmina. Hinalikan n iya ito sa noo at nakita niyang ngumiti ito pero nakapikit pa rin ang mga mta. "Gariel..." Akala niya ay nagising si Carmina pero nananaginip pala ito. Humigpit ang yakap ni Carmina sa teddy bear at napangiti lalo si Gabriel. Siya ang laman ng panagin ip ng asawa niya. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala kung gaano siya kamaha ng asawa niya. Hindi rin niya alam kung anong nagawa niya at nagkaroon siya ng maganda at mabait na asawa. "Mahal kita and everyday I will show you just how much." binulong niya kay Carmi na at masayang natulog sa piling ng kanyang asawa.

XXIX Palaging hindi gaanong maganda ang umaga ni Carmina. Palagi siyang nahihilo at n asusuka pero pagkatapos nun ay umaayos na rin ang pakiramdam niya. Pero iba ngay on. Medyo nahilo siya pero parang ang gaan ng pakiramdam niya ngayon. Siguro nga dahil bukas na babalik si Gabriel. "Isang araw na lang at makakasama na natin ang daddy mo." "Bakit maghihintay pa bukas kung dumating na si Daddy?" tanong ni Gabriel sabay pasok niya sa kwarto na may dalang almusal. "Gabriel?!" abot langit ang ngiti niya ng makita niya si Gabriel. "Paano?Bakit. .Akala ko ba bukas ka pa uuwi?" "Kasi," binaba ni Gabriel ang pagkain at lumpit kay Carmina at niyakap ng mahigp it,"ang asawa ko tumawag tapos hindi niya sinabi kung ano talaga ang bumagabag s a isip niya kaya yun, umuwi ako dahil baka madatnan ko nanamang walang tao ang b ahay. I made that mistake once, I'm not doing it again." "Ang bilis mong matuto." niyakap din ni Carmina si Gabriel at hinalikan ang isa' t-isa. Baka masanay ako sa ganito. Masanay sa alin? Sa yo. Masama bang masanay sa akin, Cara? Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na pwede ako maging ganito sa kanya. Ako, ikaw , ang baby natin. Natatakot lang ako na baka isang araw baka magising ako na pan aginip lang pala lahat ng ito. Hindi mangyayari yan, Carmina. Alam ko hindi palaging happy ever after ang totoon g buhay pero mahal natin ang isa t-isa at basta may tiwala din tayo sa isa t-isa, si gurado ako na malalampasan natin lahat ng magiging problema natin. Hinalikan ni G arbriel ang noo ni Carmina. Alam mo naman na may tiwala ako sa yo, Gabriel pero hinimas ni Carmina ang pisngi ni Gabriel, pero wala akong tiwala kay Sandra. Nabigla si Gabriel. "Bakit nasali si Sandra?" "Siya ang dahilan kung bakit ako tumawag sayo." "Cara-" "No, Gabriel. Alam kong walang nangyari. Naiintindihan ko rin kung baki hindi mo sinabi sa akin dahil pinoprotektahan mo lang ako. Kaya lang sana maniwala ka na nagsisinungaling si Sandra sa'yo." "Anong sinasabi mo, Carmina? Hindi niya magagawang magsinungaling sa akin." "May ipapakita ako sa'yo." kinuha ni Carmina ang envelope na naglalaman ng mga l itrato nila ni Gabriel at Sandra at inabot niya ito kay Gabriel. "Sabihin mo sa akin ngayon na hindi kayang gawin yan ni Sandra. Natanggap ko yan sa parehong ar aw na tumawag ako sa'yo. Inaamin ko, nag-selos ako at nag-dalawang isip kung tot

oo ang mga sinasabi mo sa akin pero hindi. Ang dami mo nang nagawang sakripisyo para bumalik ako sa'yo kaya hindi ako maniniwala na ikaw rin mismo ang sisira sa ating dalawa. Gabriel, pinadala sa akin yan dahil may gustong sumira sa atin. S i Alan nagparaya na siya at pumunta ng Amerika pero si Sandra hindi. Hindi niya sinabi kung ano talaga ang nangyari nung pumunta siya dito. Hindi totoo na nagka -ayos kami. Hindi rin totoo na nagpaparaya siya. Gagawin niya ang lahat at kahit ano bumalik ka lang sa kanya. Ginagamit lang niya ang pagkakaibigan ninyo para sirain tayo, Gabriel." Walang sinabi si Gabriel. Nakatingin lang siya sa mga litrato nila ni Sandra. "Wala ka bang sasabihin, Gabriel?" kinakabahang tanong ni Carmina. Wala. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Malapit niyang kaibigan si Sandra . Walang masabi si Gabriel dahil hindi siya makapaniwalang gagawin ito ni Sandra kaya ginulat niya si Carmina ng umalis siya ng bahay at iniwan ang buntis niya ng asawa.

XXX He walked out. Iniwan niya si Carmina na siyang ikinagulat naman ito. Hindi niya ako pinaniwalaan. Si Sandra pa rin. Hindi namalayan ni Carmina na tumutulo na pala ang mga luha niya. Dahil sa mga n angyari minabutting hindi na muna pumasok sa opisina ni Carmina. Para siyang rob ot at pinilit ang sarili na kumain hindi dahil gusto niya ngunit dahil kailangan niya. Wala siyang nagawa buong araw kundi ang isipin na si Sandra ang pinaniwal aan ni Gabriel at hindi siya. Masakit pero walang luha ang lumalabs sa mga mata niya. Pagod na yata siyang umiyak para kay Gabriel. Ang nakakatawang isipin ay b inigyan niya ng malaking tiwala si Gabriel na siya ang paniniwalaan nito at hind i ang mga kasinungalingan ni Sandra. Buntis nga siya pero pakiramdam niya ngayon ay binlikan lang siya ni Gabriel dah il may responsibilidad ito bilang ama ng magiging anak nila. Pakiramdam tuloy ni Carmina, kung hindi siya nabuntis ni Gabriel ay hindi pa rin sila magtatagal. O o, hindi niya maikakaila na gusto siya ni Gabriel dahil magiging tanga lang siya kung sasabihin niyang hindi rin niya gusto ang asawa niya. Maybe noong araw na bumalik si Gabriel ay hindi dahil gusto niya talagang bumali k sa akin for good. Maybe all he wanted from me was to be his lover. An affair. Yun lang. Walang labis walang kulang. Hindi na alam ni Carmina kung ano pa ang totoo sa realasyon nilang dalawa ni Gab riel. Siguro ang anak lang talaga nila ang dahilan kung bakit siya nanatili sa t abi ni Carmina. Siguro kahit kailan, responsibilidad lang ang nagtatali kay Gabr iel sa kanya. Mahal mo ba talaga ako, Gabriel?... Napahinga na lamang siya ng malalim at nagligpit na ng pinagkainan niya. "Walang mangyayaring maganda kung iisipin ko 'to. Kung mahal tayo ng Papa mo, an ak, babalik yun. Diba babalik siya?" tanong niya sa anak niya dahil hindi na niy a talaga alam kung ano sila ni Gabriel sa isa't-isa. Paakyat na ng kwarto si Carmina ng makaramdam siya ng sakit sa kanyang tiyan at agad niyang hinawakan ito na para bang ang mga kamay niya ang magiging proteksyo n ng kanyang anak laban sa mga nangyayari ngayon. "Anak, nararamdaman mo rin ba na nasasaktan si Mama?" hinimas niya ang kanyang t iyan at pumasok sa kwarto at humiga para matulog. " Huwag mong alalahanin si Mam

a. Mahal na mahal ka naming dalawa ng Papa mo at alam ko na gagawin din niya ang lahat para sayo. ........... Hindi makapaniwala si Gabriel sa sinabi ni Carmina. Akala niya ay maayos na ang lahat. Akala niya wala ng manggugulo sa kanilang dalawa ni Carmina. Akala niya k ahit sa huli ay hindi man sila ni Sandra ang nagkatuluyan ay mananatili pa rin a ng pagkakaibigan nilang dalawa. Gustuhin man niya na walang mawala sa kanilang d alawa ay kailangan niyang pumili dahil ayaw niya na may mangyaring hindi tama sa kanila ni Carmina. Hindi niya kailangang magisip dahil alam ng puso niya na si Carmina ang mas mati mbang sa kahit na sino at kahit na anong bagay na mayroon siya. Si Carmina ang t initibok ng puso niya at ang magiging anak nila ang pinakaespesyal na regalo ang natanggap niya sa buong buhay niya. Wala ring dahilan si Carmina para magsinung aling dahil hindi ganun si Carmina. Mabuti siyang tao. Kaya nga napamahal siya k ay Gabriel. Masakit mang isipin pero kailangan niyang putulin ang lahat ng ugnay an nilang dalawa ni Sandra. Hindi niya mapapatawad ang kasinungalingan at ang mg a nagawa at gagawain pa niya para lang masira ang binubuo nilang pamilya ni Carm ina. Dahil sa kanyang galit kay Sandra ay umalis siya ng walang sinabi kay Carmina. N gayon lang niya naisip na baka iba ang pagkakaintindi ni Carmina sa ginawa niya kaya inayos niya ng dali-dali upang magawan ng paraan na mabili ni Gabriel ang s hares ni Sandra sa kumpanya. Kahit ano, malayo lang si Sandra at hindi na maging sanhi ng gulo sa pagitan nilang dalawa ni Carmina. Pag-dating niya sa bahay ay tahimik na at malamang ay nagpapahinga na si Carmina kaya dumiretso na siya sa kwarto nila. Nakita niya na nakabukas pa ang lampshad e na malapit kay Carmina pero nakatalikod sa kanya si Carmina at napansin niyang gumalaw ang mga balikat ni Carmina kaya naisip niya na umiiyak ang asawa niya. Lumapit siya at naupo sa tabi ni Carmina. "Carmina...Patawarin mo ako kung umalis ako ng ganun. Galit ako kay Sandra. Sa s obrang galit ko sa ginawa niya ay walang na akong ibang naisip kundi ang mawala siya sa buhay natin kaagad dahil ayoko na nasasaktan ka sa mga kasinungalingan n a sinasabi niya---" "Gabriel.." hinarap niya si Gabriel at nakita niya na may nararamdamang hindi ta ma si Carmina. "Something's wrong...ang baby natin...." at hindi na napigilan ni Carmina ang sarili sa pagsigaw ng maramdaman niya ang sakit. Nag-alala si Gabriel lalo na ng inalis niya ang kumot na nakabalot kay Carmina. Puro dugo. Nang tiningnan niya ulit ang mukha ni Carmina ay para bang ang nawala ang lahat ng dugo na nasa mukha niya sa sobrang putla niya. Agad na kinarga ni Gabriel si Carmina at isinakay sa sasakyan. "Cara...please." hinawakan niya ang kamay ni Carmina na unti-unti nang nawawalan ng malay dahil sa sakit at sa dugong nawawala sa kanya. "Lakasan mo ang sarili mo, Cara. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa'yo. Mahal kita. Please, malap it na tayo sa ospital." Hindi na alam ni Carmina kung ano ang ginagawa ni Gabriel. Naramdaman lang niya na binuhat siya ni Gabriel at isinakay sa sasakyan. Walang ibang maisip si Carmi na kundi ang sakit na nararamdaman niya. Nararamdaman niyang nawawala na sa kani la ang anak nila. Pinisil niya ang kamay na nakahawak sa kanya. "Gabriel, ang baby natin...." bago nawala ang malay ni Carmina.

XXXI. "Minsan nangyayari talaga ang mga ganitong bagay. Hindi mapipigilan dahil siguro hindi pa napapanahon. Hindi minsan maipaliwanag ng syensya kung ano ang naging problema. Maaari pa naman ninyong subukan ulit pero huwag lang madaliin. Hayaan muna natin na makapag-pahinga at maghilom ang sugat ng misis ninyo." "Doc, bakit ba ito nangyari? Ano ba ang pwedeng maging sanhi ng pagkakalaglag ng bata?" tanong ni Marco. "Hindi talaga masasabi kung ano talaga ang naging sanhi. Minsan dahil sa emotion al stress pero most of the time hindi lang talaga napapanahon." "Ano ho pwede kong gawin para sa asawa ko?" "Suporta lang ang magagawa natin ngayon. At kailangan niyang maintindihan na wal ang kahit sinoman sa inyo ang may kasalan sa nangyari. Kapag handa na ang katawa n niya at tanggap na niya ang nangyari, pwede niyo ulit subukan. Your wife is a very healthy woman. Walang dahilan para hindi ninyo subukan ulit." .................... Parang panaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip. Halos mamatay sa tako t si Gabriel ng makita niya ang dugo sa kama nila at ng mawalan ng malay si Carm ina sa sasakyan. Kung pwede lang niyang angkinin ang sakit na nararamdaman ni C armina at iligtas ang baby nila ay gagawin niya. Hindi nakatulog si Gabriel sa pag-aalala kay Carmina kaya buong gabi siyang naka bantay sa asawa niya. Hindi pa nagigising si Carmina kaya hindi pa niya alam ang masamang balita. Ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ng mahigit dalawang b uwan at pinaramdam ng pagmamahal at pagaaruga ng isang ina, ngayon ay wala na. Maging siya ang nalulungkot sa nawalang pagkakataon sa kanila. Hindi na makikita ni Marco na lumaki ang anak nila. Hindi niya makikita ang anak nila na inaalaga an ni Carmina. Ni hindi man lang niya nahawakan ito. Kahit naghihinagpis ay kail angan niyang magpakatatag hindi lang para sa sarili niya kundi para din kay Carm ina. Hindi niya alam kung sisisihin siya ni Carmina. Isa lang ang alam niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya. .................... Pumusok si Gabriel sa kwarto kung nasaan si Carmina at umupo malapit sa kanya. M aputla pa rin si Carmina pero napakatahimik niyang tingnan. Para siyang bata na natutulog lang. Hinawakan niya ang kamay ni Carmina at hinalikan ito. "Cara, I'm so sorry." Oo, sinisisi ni Gabriel ang sarili niya sa nangyari kay Carmina. Kung hindi lang niya iniwan si Carmina at hinantay na lang niya si Sandra na makabalik para kum prontahin, sana naagapan niya pa ang nangyari. Hindi sana siya umalis sa tabi ni Carmina kahapon. Masaya sana silang nagdiwang ng pagbabalik niya. Pero anong gi nawa niya? Iniwan ni Gabriel ang asawa niya at umuwi ng gabi. Wala siyang nagawa para subukang iligtas ang anak nila. Ang tanging dasal lang niya ay sa pag-gisi ng ni Carmina, sana maging maayos pa rin ang lahat sa bandang huli. ................. Napakadilim. Walang makita si Carmina. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. H indi niya maintindihan pero parang may tumatawag sa kanya. "Cara..." Pinilit ni Carmina na sundan ang boses na yun. Si Gabriel lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. "Gabriel?..." Unti-unting binuksan ni Carmina ang mga mata niya. at nakita si Gabriel. Magkaha wak ang mga kamay nila pero hindi niya maintindihan ang itsura ni Gabriel. Halat

ang walang tulog si Gabriel at hindi na maayos ang pagkakalagay ng damit niya. Hindi niya naalala sandali kung bakit ganyan ng istura ni Gabriel at kung bakit siya nasa ospital. "Cara..." Nakatingin lang si Carmina sa magkahawak nilang mga kamay. Medyo nanginginig ang mga kamay ni Gabriel. "Cara, anong pakiramdam mo?" Hindi pa rin sumagot si Carmina at patuloy na nakatingin sa kanilang mga kamay. Napalunok lang si Gabriel at kinabahan siya sa kinikilos ni Carmina. Biglang tinitigan ni Carmina si Gabriel ng mga matang naluluha. "Ang...ang baby natin?" tanging tanong sa kanya ni Carmina. "Cara..." Biglang humigpit ang hawak ni Carmina sa kamay ni Gabriel. "Gabriel, sabihin mo sa akin na ligtas ang baby natin." "I'm sorry..." hindi namalayan ni Gabriel na may tumulong luha sa mata niya. "Hindi....no...tawagin mo ang doktor! Gusto kong sabihin niya sa akin na hindi t otoo ang sinasabi mo!" pumiglas si Carmina sa hawak ni Gabriel at sinubukang tum ayo. "Cara, makakasama para sa'yo ang ginagawa mo." niyakap ni Gabriel si Carmina hab ang sinusubukan niyang tumayo. "Hindi, hindi naman di'ba, Gabriel?" tumigil si Carmina at tumitig sa mga mata n i Gabriel. "Please Gabriel, sabihin mo sa akin na hindi totoo." pero bago pa man sumagot si Gabriel ay kitang-kita na ni Carmina sa mga mata niya ang masakit na katotohanan. "No..ang anak ko.." walang tigil ang luha na dumadaloy sa mga mata ni Carmina at halos hindi ito kayanin ni Gabriel. Hinigpitan pa ni Gabriel ang yakap niya kay Carmina pero nagulat siya ng itulak siya papalayo ni Carmina at tinalikuran niy a si Gabriel habang patuloy sa pag-iyak. "Cara...please...." "Umalis ka dito." "Cara, wag mong gawin to.." "Umalis ka na!" Walang magawa si Gabriel kundi sundin ang hiling ni Carmina. Sa ngayon. Narinig niya ang pag-sara ng pinto sa pag-labas ni Gabriel. Ngayong mag-isa na s iya ay mas lalong lumakas ang pag-buhos ng mga luha niya. Wala na ang anak niya. Wala na rin ba silang pag-asa ni Gabriel? Iyan ang tanong na hindi pa niya kayang sagutin ngayon.

XXXII Tatlong araw na simula ng makalabas si Carmina sa ospital pero malaki na ang nab ago sa kanya. Hindi niya kinakausap si Gabriel. Palagi na lang siyang walang gan ang kumain at halos hindi lumalabas sa kwarto sana ng magiging baby nila. Araw-a raw lalong nag-aalala si Gabriel para sa kalusugan ni Carmina. Una ay pinabayaan muna niya si Carmina pero sa ika-apat na araw ay hindi na niya matiis sa ganito ng kalagayan ang asawa niya kaya't minabuti niyang kausapin si Carmina at piliti n ito na tanggapin si Gabriel bilang karamay niya kahit na tinutulak niya ito pa palayo. Palaging nasa nursery si Carmina para umiyak hanggang makatulog sa pagod. Pinunt ahan ni Gabriel doon si Carmina at nakita ang asawa niya na nakaupo sa kama at n akatulala. Pakiramdam ni Gabriel habang tinititigan niya ang kanyang asawa ay pa ra bang nawala ang lahat ng ligaya at parang sumusuko na si Carmina sa buhay. K ung alam lang ni Carmina ang sakit na nararamdaman ni Gabriel tuwing nakikita ni yang ganito si Carmina. Simula ng mangyari ang gabing iyon ay hindi pa pumapasok sa kwartong ito si Gabr

iel. Para sa kanya, mas titindi lang ang sakit na mararamdaman niya kapag pumaso k siya dito. Pero nagulat siya ng makita niya ang ginawa ni Carmina sa kwarto ng umalis si Gabriel sa ibang bansa. Puno ng mga laruan ang kwarto. Nakita niya na may laruan sa lahat ng sulok ng kwarto. Ang mga cabinet may laman ng mga lampin at mga gamit para sa baby. Yung kama, may nakalatag nang mga unan na para sa b aby pati mga storybooks nakalagay na rin ng maayos sa may uluhan ng maliit na ka ma. Alam niya kung ano ang kulang dito. Ang kuna na ipinangako niya kay Carmina i-aasemble pa niya pagbalik niya. Kung kailang handa na silang maging isang tuna y na pamilya, doon pa darating ang pag-subok na ito. Tahimik na tinabihan niya si Carmina sa pag-upo sa kama. Wala siyang masabi dahi l hindi niya alam kung saan magsisimula. Nakatulala pa rin si Carmina. Maging siya ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Pinaliwanag na sa kanya ni Gabriel kung ano ang ginawa niya nung araw na iyon. H indi niya masisisi si Gabriel dahil talaga namang wala siyang kasalanan. Sinisis i ni Carmina ang sarili niya dahil hindi niya kayang protektahan ang baby niya. Sinabi na ng doktor na wala namang problema kung susubukan nila ulit pero natata kot na si Carmina. Natatakot na siyang mawalan ulit ng anak. "Gabriel...sa tingin mo ba masaya ang anak natin ngayon, kung saan man siya naro roon?" mahinang tanong ni Carmina sa kanya. "Siguro." "Bakit hindi ka sigurado?" "Kasi kung nasaan man siya ngayon...pinagmamasdan niya ang Mama niya. Sigurado a ko na malungkot siya na nakikita niya ang Mama niya na ganito." habang sinasabi ito ni Gabriel ay sumisikip ang pakiramdam niya sa dibdib. "Bakit kasi iniwan pa niya tayo?" tahimik na tumutulo na ang mga luha ni Carmina ngayon. "Hindi ko alam, Cara. Ang alam ko mahal natin siya at sigurado akong mahal din n iya tayo." Natahimik si Carmina ngunit patuloy pa rin ang pag-daloy ng kanyang mga luha. "Why are you being so nice?" tanong ulit sa kanya ni Carmina ngunit hindi parin ito makatingin sa kanya. "May rason ba para hindi?" "Nawala ang baby natin, Gabriel." Halos madurog ang puso niya ng marinig niya ang sakit na nararamdaman ni Carmina sa boses niya. Kahit na nangungulila siya ngayon, kahit kailan hindi niya naisi p na sasaktan ni Carmina ang sarili niyang anak. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" "It doesn't matter. Wala na ang baby natin." "Hindi, Cara. Mahalaga ito. Mahalaga ka. Ano na lang ang gagawin ko kapag nawala ka?" Pinunasan ni Carmina ang mga mata niya. "Hindi! Hindi ko naprotektahan ang baby natin. Hindi ko kaya!" Akala ni Gabriel ay magwawala si Carmina pero sakit at galit sa sarili ang inila labas ng asawa niya. Tumayo si Carmina at hinarap si Gabriel. "Hindi ko kayang protektahan ang anak natin! Ang...ang dami lang dugo at ang sak it...ang sakit-sakit!" humagulgol si Carmina sa harap ni Gabriel bilang isang in a na nawalan ng anak. Niyakap ni Gabriel si Carmina kahit na ayaw nito habang pinipigilan ang sariling mga luha. Nasasaktan siyang nakikitang ganito si Carmina pero kailangang mailab as ng asawa niya ang lahat ng kinikimkim niya hinagpis. "Hindi ko alam kung paano maiibsan ang sakit na nararamdaman mo, Cara. Sabihin m o sa akin kung ano ang kailangan kong gawin." Tiningnan siya ni Carmina at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mukha ni Gabri el. "Sakit na nararamdaman ko? Papaano ka, Gabriel?" "Hindi ko napagdaanan ang pinag-daanan mo, Cara. Ayos lang ako." "Huwag mo akong pagsarhan, Gabriel." nakikita ni Carmina na nagpipigil lang si G abriel. "Ngayon kita mas kailangan." "Palagi kong naiisip na kasingbait mo ang magiging anak natin, Cara." hindi na n apigilan ni Gabriel ang mga luha niya. "At kasing tatag ng Papa niya." pininasan ni Carmina ang mga luha ni Gabriel at niyakap nila ang isa't-isa ng mahigpit.

.................... "Ang sabi nila mas mabuti na ipagluksa natin ang babu natin para mas madali nati ng matanggap ang nangyari." sabi sa kanya ni Carmina habang magkayakap na nakahi ga sa kama. Pinapalitan ito ni Gabriel dahil sigurado siyang hindi nila kayang h umiga ulit sa lumang kama nilang dalawa. "Anong gusto mong gawin, Cara?" tanong sa kanya ni Gabriel habang hinihimas ang likod niya. "Sabi ng doktor lalaki daw ang baby natin. Gusto ko siyang pangalanan, Gabriel." "Magandang ideya yan." "Ano ang gusto mong ipangalan sa kanya?" tanong sa kanya ni Carmina "Matthew. Matthew kasi regalo siya ng Diyos sa atin kahit na kinuha rin siya kaa gad." "Matthew...bagay sa kanya." tiningnan niya si Gabriel sa mga mata. " Gusto kong subukan natin ulit magkababy. Sabi din naman kasi ng doktor na posible naman daw ." Natuwa siya na hindi na sinisisi ni Carmina ang sarili niya sa nangyari at sinus ubukang bumangon muli. "Bago tayo magdesisyon, kailangan muna nating magpatingin sa doktor. Ayokong gumawa ng kahit na ano na ikapapahamak mo." Hindi siya papay ag na mawalang ng asawa. "Ayaw mo na bang maging ina ako ng mga anak mo? Ang sabi mo gustong-gusto mo nan g maging buong pamilya tayo...." Napangiti siya sa asawa niya. Hindi pa rin lubos maisip ni Gabriel kung karapatdapat siya sa pag-ibig ni Carmina. Hinigpitan niya ang yakay kay Carmina at bumu long. "Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa'yo, Cara. Hindi ako mabubuhay ng wala ka. Please, don't ask me to." "Pero ang baby-" "Ay darating sa tamang panahon at sinisiguro ko na mamahalin natin ang mga anak natin ng lubos. Lalo na kung parte ka ng pagkakabuo sa kanya." hinalikan ni Gabr iel ang noo ni Carmina. "Ikaw lang ang buhay ko, Cara. Ikaw lang at wala ng iba. " "Mahal kita, Gabriel." "Mahal din kita, Carmina." XXXIII Naghahabol si Gabriel sa nakatambak na trabaho na naiwan niya habang inalagaan n iya si Carmina. Nakatuon ang buong atensyon niya sa binabasang papeles ng mag-vi brate ang cellphone niya. Napangiti siya ng mabasa niya ang text. From: Asawa ko Hi. Busy? J Reply: Medyo. Ikaw kasi. J Pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng tumunog ulit ang cellphone niya. From: Asawa ko Huh? Ako? Paano nangyari yun?

Reply:

Ang hirap kasing umalis ng bahay kapag alam kong may dyosang asawa akong iiwanan dun. J Napangiti ulit si Gabriel sa palitan nila ng mga texts. Unang araw k sa trabaho ngayon. Dalawang linggo siyang nawala para samahan si agaan pero parang ayaw na niyang bumalik sa trabaho dahil nawiwili aw at gabi silang mag-kasama ng asawa niya. Tumunog ulit ang phone

niyang bumali Carmina at al na siya na ar niya.

From: Asawa ko Weh? Sira! Ikaw naman, parang hindi ka babalik. Nagluluto ako ngayon. Gusto mo s abay tayo mag-lunch? J Reply: Game. Pero kailangan ikaw ang pumunta dito. Masayang nag-luluto si Carmina sa bahay nila kasama si Manang Sabel. Naku, hija. Baka imbes na sumakto ka sa timpla ng niluluto mo baka tumamis yan ng sobra sa laki ng ngiti mo. Pabirong sabi ni Manang Sabel sa kanya. Eh pano po kasi etong si Gabriel, kahit na sa text parang batang nanliligaw pa ri n. Naku eh dapat lang no! Ang ganda-ganda kaya ng misis niya kaya kailangan araw-ara w siyang manligaw para hindi ka tumingin sa iba. Manang, hindi mangyayari yan. Ang layo na ng narating naming dalawa. Ngayon pa ba ako titingin sa iba? Tsaka mahal namin ang isa t-isa kaya imposible ang sinasabi ninyo. Nakangiting sabi ni Carmina at tumunong ang cellphone niya. From: Asawa ko Game. Pero kailangan ikaw ang pumunta dito. Reply: Bakit? Di ba pwedeng ikaw na lang ang umuwi sandali? Manang pakihanda na lang ho ng lalagyan ng mga ulam at kanin kasi talaga yatang m araming ginagawa si Gabriel kaya dadalhin ko nalang sa opisina niya ang tanghali an namin. Ang swerte ng asaw mo sa yo, Carmina. Teka lang, bibili lang ako sandali ng prutas ng may madala ka rin. Kaya mo na ba na ikaw lang dito? Oo naman po, malapit na rin naman pong maluto tong relyenong bangus at yung sinig ang handa na rin. Kaya ko na po dito. Tumunog ang phone ni Carmina.

From: Asawa ko Kasi kapag diyan tayo kumain, baka ikaw ang maging tanghalian ko. Okay lang sa yo? :)

Reply: Hahaha! Hindi na! Pupunta na ako diyan at baka lalong tumambak pa ang trabaho mo sa pinag-iisip mo. See you later. Love you so much <3 Napatawa si Carmina sa text ni Gabriel. Kahit kailang talaga may pagkaisip-bata si Gabriel. Kaya nga mas minamaal niya ito araw-araw. Tumunog nanaman ang phone iya. From: Asawa ko I love you too. Forever and ever. Mas lalong ginanahan si Gabriel na magtrabaho dahil gusto niya pag-dating ni Car mina sa opisina ay kaunti na lang ang tatapusin niya para matagal-tagal din sila ng kumain at mag-kwentuhan. Ilang sandali pa ay tumawag si Tanya, ang sekretarya niya para ipa-alam na naghihintay sa labas si Sandra para kausapin siya. Nag-ib a bigla ang lagay ng loob niya ng marinig niya ang pangalan ni Sandra pero bilan g respeto sa pinagsamahan nila ay pumayag siyang makipag-usap dito. "Sige, papasukin mo siya. Kapag dumating si Carmina ipaalam mo sa akin, maliwana g?" utos ni Gabriel kay Tanya. "Yes, po." Pumasok si Sandra sa opisina niya na malakas ang loob at para bang walang nagawa ng kasalanan. As usual, nakasuot ito ng damit na para bang pangalawang balat na niya ito. "Gabriel, kamusta ang asawa mo?" "Pwede ba Sandra, huwag ka nang umasta na concern ka sa asawa ko." "Fine. I assume you bought me out sa company mo dahil sinabi sa'yo si Carmina na nagsisinungaling ako tungkol sa huli naming pagkikita. Gabriel, can't you see? Sinisiraan niya ako sa'yo. Gusto niyang masira ang pagkakaibigan natin!" "Walang dahilan para magsinungaling sa akin ang asawa ko, Sandra. Kumpara sa'yo. Akala ko nagbago ka na, Sandra. Hindi pa rin pala. Isa ka pa ring oportunista. Oo, binili ko ang shares mo dahil ayoko na may nang-gugulo sa pamilya ko at alam mo ba? It wal all worth it." Nagalit lalo si Sandra sa sinabi ni Gabriel. "Huwag ka ngang magpaloko sa asawa mo Gabriel! Siya ang nanginsulto sa akin hindi ako! Sinubukan kong makipag-kaibi gan sa kanya pero hindi niya tinanggap ang alok ko kaya pinabayaan ko na lang si ya. Please, Gabriel maniwala ka sa akin." sinabayan pa ni Sandra ng pag-iyak ng sinabi niya ito. "May panahon na naniwala ako agad sa'yo Sandra ng walang anumang alinlangan pero the fact na binago mo ang istorya na sinabi mo sa akin ang patunay na ikaw ang nagsisinungaling. Kaya kung ako sa'yo bigyan mo ng respeto at dignidad ang saril i mo at umalis ka na ng tahimik dito. Hindi kita mahal. Yan ang tatandaan mo. Si Carmina lang ang babaeng mahal ko kaya kung ako sa'yo humanap ka ng ibang lalak ing maloloko mo." diretsong sinabi sa kanya ni Gabriel at natahimik si Sandra di to. "Tama ang asawa ko, Sandra." Nagulat ang dalawa ng marinig nila si Carmina na na sa pinto na parang kanina pa nakikinig sa usapan nila. "Kaya kung ako sa'yo umal is ka na. May lunch date pa kami ng asawa ko at baka mawalan pa kami ng gana dah il sa'yo." Tiningnan ni Sandra si Gabriel at si Carmina. Wala siyang masabi sa dalawa kaya dali-dali siyang umalis at lumabas ng opisina ni Gabriel. Sinara ni Carmina ang pinto at ngumiti kay Gabriel. "Gutom ka na?" "Sinabi mo pa." Nilapitan ni Gabriel si Carmina at hinalikan ang mga labi nito.

XXXIV "Alam mo kapag di mo ako pinigilan, Cara. Baka kahit dito, ikaw talaga ang magig ing tanghalian ko." sinabi ni Gabriel sa kanya habang hinahalikan ang leeg ni Ca rmina. "Pinapahirap mo rin ako, alam mo ba yun?" sagot naman ni Carmina na tila nahihir apang huminga. Hinawakan ni Carmina ang mukha ni Gabriel at hinalikan ang mga la bi nito. "Pero hindi ito ang oras para gawin natin 'to dito. Tinanong ko si Tany a sa schedule mo at alam kong nakalinya ang mga meeting mo ngayon. Ayaw mo naman sigurong makita ka nilang magulo ang buhok mo at lukot na ang mga damit mo?" na kangiting tanong ni Carmina. Hinalikan ni Carmina ang ilong ni Gabriel. "Ayusin mo na ang sarili mo, nasa conference room na ang mga pagkain." Inayos ni Carmina ang tie ni Gabriel. " Para kang napagdamutan ng candy." natatawang sinabi sa ka nya ni Carmina. "Yun talaga ang nararamdaman ko ngayon, Cara." tiningnan niya ang asawa niya at tumawa. "Bakit?" "Kung alam mo lang kung anong itsura mo ngayon?" "Bakit? Ano ba?" tanong niya habang sinusubukang ayusin ang magulo niyang buhok. "Kung ano ang ginawa natin." nakangiting sabi ni Gabriel habang pinunasan ang li pstick na nasira dahil sa halik niya. "At gagawin pa sana natin, Cara." Hindi na kailangang tingnan ni Carmina ang sarili sa salamin dahil alam niyang t otoo ito at lalong uminit ang pisngi niya. "Ang ganda mo lalo kapag nagbubulush ka." "Gabriel!" "Bakit? Totoo naman eh?" "Pwede na ba tayong kumain?" tanong ni Carmina sa kanya. "Pwede ka bang maging ulam?" "Ikaw!" hinawakan niya ang kamay ni Gabriel. "Halika na nga!", at hinila ni Carm ina ang asawa niyang tumatawa papuntang conference room. .................... "Alam mo bang pangalawang plato ko na 'to pero ikaw hindi ka pa nangangalahati s a kinakain mo. Sigurado ka bang yan ang gusto mong kainin o ako, Cara?" Ngumiti lang si Carmina sa kanya at sinubukang kumain. "Cara, anong iniisip mo?" biglang naging seryoso ang tono ng boses ni Gabriel. "Kasi..." nagalinlangang sabihin ni Carmina ang iniiisip niya at napakagat na la ng ito sa labi. "Tungkol sa nangyari kanina." "Alin dun?" pabirong tanong ni Gabriel sa kanya. Napangiti si Carmina. "Yan lang ba talaga ang maisip mo ngayon." "Kapag katabi kita at ganyan ang itsura mo at naiisip ko ang kanina, oo naman." "Sira!" tumawa si Carmina pero naging seryoso din siya. "Si Sandra.." "Cara." hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Carmina. "Si Sandra tapos na yun. She is a closed chapter. Hindi na siya manggugulo sa atin. We have the rest of our l ives to prove how much we love each other." hinalikan niya ang kamay ni Carmina. "Hindi ko naman pinagdududahan yun, Gabriel. Sigurado naman kasi ako sa nararamd aman natin sa isa't-isa. Ang akin lang, paano kung hindi niya tayo tigilan?" "Halika dito." hindi binitawan ni Gabriel ang kamay ni Carmina at kinandong niya ito. "Sa tingin ko ba hahayaan ko siya?" "Hindi..pero kasi.." "Cara, huwag mo nang alalahanin si Sandra. Sa ginawa natin kanina, pinatunayan l ang natin na walang sinuman ang pwedeng manggulo sa atin." "Pero-" hinalikan ni Gabriel si Carmina para matahimik na ito. "Magtiwala ka sa akin, Cara. Walang sinuman ang pwedeng mag-hiwalay sa atin." sa bi ni Gabriel habang hinihimas ang pisngi ni Carmina. "Nasabi ko na ba ngayong araw na mahal kita, asawa ko?" tanong ni Carmina na nak angiti at masaya. "Uhmmmm..sa text lang pero sana sabihin mo pero hindi naman kita pinipilit kasi

halata naman sa mukha mo na hindi mo kayang hindi ako mahalin eh." "Ahh, ganun?" natatawang tanong ni Carmina. "Parang masyado ka naman yatang kamp ante." "Syempre, alam mo kung bakit?" "Bakit?" "Dahil mahal kita." "Mahal din kita, Gabriel pero...." "Ba't may pero?" "Gutom na ako, bumalik na yung gana kong kumain eh.." "Problema ba yun? Tutal gusto ko naman ang posisyon natin ngayon at halata naman g gustong-gusto mo rin ang kinauupuan mo, susubuan na lang kita." kumuha siya ng pagkain sa plato niya at sinubuan si Carmina. Masaya ang araw na yun para sa ka nilang dalawa ang they wished they could stay like that forever. "May sorpresa pala ako para sa'yo, Cara." "Ang dami mo nang binigya sa akin, Gabriel. Meron pa?" "Alam mo namang kahit ano basta para sa'yo." at pinisil ni Gabriel ang ilong ni Carmina. "Huwag mong sabihing bibigyan mo ako ng buwan?" "Gusto mo ba?" "Ikaw talaga! Ano bang sorpresa mo?" Kinuha ni Gabriel ang envelope na nasa bulsa ng suit niya at inabot kay Carmina ito. Binuksan ni Carmina at nagulat siya sa nakita niya. "Gabriel, hindi to biro?" "Hindi, itutuloy natin yan." "Sa Paris?" "Sa Paris."

XXXV "Malayo pa ba?" tanong ni Gabriel kay Carmina. "Malapit na, konting tiis na lang." sagot ni Carmina habang giagarahe ang sasaky an. "Cara, kanina mo pa sinasabi yan. Kanina pa rin nakapiring ang mga mata ko. Hind i naman sa nagrereklamo ako pero, ayoko na lumipas ang kahit isang minuto na hin di nakikita ang asawa ko." nakangiting sabi ni Gabriel habang hinahanap ang kama y ni Carmina. "Bolero!" nakangiting sabi ni Carmina habang hinwakan ang naghahanap na kamay ni Gabriel. "Siyempre, huling araw na natin bago tayo pumunta ng Paris, gusto ko n a dito pa lang eh special na ang lahat." Tugon ni Carmina at hinalikan ang palad ng kamay ni Gabriel. "Eh, pwede na bang tanggalin ang piring?" "Nope." "Akala ko ba andito na tayo?" "Oo, Gabriel. Nandito na tayo?" "Hindi pa tayo bababa ng sasakyan?" "Hindi pa." Napag-isipan ni Gabriel na oo at hindi lang talaga ang isasagot ni Carmina kaya napatikom na lang siya ng bibig. Maya-maya.... "Hindi ka na magtatanong?" tanong ni Carmina. "Hindi." "Ayaw mong matanggal ang piring?" "Kung kailan mo gusto." "Sigurado ka?" "Mmm..." "Hindi ka na eksyted?" "Mmm..."

Napatawa ng malakas si Carmina. "Ba't ka tumatawa?" tanong ni Gabriel. "Dahil parang bata ang asawa ko." sabay hawak sa pisngi ni Gabriel. "Ang gwapo m o talaga." at hinalikan ni Carmina ang pisngi ni Gabriel. "Sa pisngi ko lang?" lambing ni Gabriel. "Yes, at pwede mo nang tanggalin ang piring mo." tugon ng natatawang si Carmina. Tinanggal ni Gabriel ang kanyang piring at nagulat siya sa lugar kung saan siya dinala ni Carmina. "Cara, hindi ko maintindihan. Ang sabi mo may sorpresa ka, hindi ba?" "Oo, yun nga ang sinabi ko kanina." "Cara, dinala mo ako sa bahay natin." "50 points for Gryffindor." natatawang sabi sa kanya ni Carmina. "Kanina mo pa i nuulit ang lahat ng sinabi ko sayo." tumingin si Carmina sa bahay nila. "Nasa lo ob ang sorpresa ko sa'yo. Halika at ipapakita ko sa'yo." Bumaba sila ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok nila sa loob ay nagtaka si Gabriel sa sorpresa sa kanya ni Carmina dahi l sa mga nadaanan niya ay walang espesyal na nabago. Lahat ay nasa ayos at malin is. Walang bulaklak o kandila. sa paligid. Hindi rin nakaayos ang dining room ng romantic dining at isa pa kumain na sila sa labas. Nang umakyat si Carmina sa h agdan ay napangiti si Gabriel at pinigilan si Carmina. "Tama ba ang naiisip ko, Cara? Ito ba ang sorpresa mo sa akin." Napangiti lang si Carmina. "Sundan mo na lang ako para malaman mo." at umakyat s i Carmina at sunod naman si Gabriel. Imbes na tumigil si Carmina sa labas ng kwarto nila ay dumiretso ito sa kasunod na kwarto at natigilan si Gabriel. "Cara..." Ngumit lang si Cara at binuksan ang pinto ng kwarto. Tiningnan niya ulit si Gabr iel bago siya pumasok. Hindi alam ni Gabriel ang nararamdaman niya pero sumunod ito kay Carmina at puma sok sa loob. Nakita niya na nasa gitna ng kwarto si Carmina at nakatingin sa kan ya. Hindi na sila pumasok sa kwarting ito simula ng gabing umiyak dito si Carmin a dahil sa pagkawala ng baby nila. "Cara..." "Handa na ako." sabi ni Carmina kay Gabriel. "Sigurado ka?" yun lang ang lumabas sa bibig ni Gabriel. "Gusto kong magkababy, Gabriel. Handa na ako." "Pero hindi ba masyadog maaga? Dalawang buwan pa lang ang nakalipas, Cara." luma pit si Gabriel kay Carmina at niyakap niya ito. "Gusto ko rin magkaroon ng anak, Cara. Pero hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa'yo." Tiningnan ni Carmina si Gabriel sa mga mata niya at ngumiti. "Magiging maayos an g lahat, Gabriel. Nararadaman ko na ito na ang tamang panahon." Hinalikan ni Car mina ang mga labi ni Gabriel. "Walang mangyayaring masama, promise. Mahal kita k aya gusto kong gawin to. For us. Please.." at niykap ni Carmina ng mahigpit si G abriel. "Alam mong kahit anong gusto mo, Cara, ibibigay ko kaya nga sana sa tulong ng Di yos magiging kumpletong pamilya tayo." hinawakan ni Gabriel ang mukha ni Carmina . "Mahal din kita, Carmina. Hanggang sa dulo ng walang hanggan."

Epilogue Three years later... "Happy?" tanong ni Gabriel habang nagkakape sa isang tahimik na cafe na overlook ing sa river Sienne. Magkatabi silang nakaupo habang kontentong umiinom ng kape. "Basta kasama kita, kahit saan mo pa ako dalhin masaya ako." Hinawakan ni Carmin a ang kamay ni Gabriel at hinalikan ito. "Hindi pa rin nagbabago ang Paris." Sin abi ni Carmina habang nakatingin sa paligid nila. "Mukha nga!" uminom ng kape si Gabriel at inilapa sa mesa ang bayad sa ininom ni la. "Halika na, ang dami ko pang gustong maalala ulit sa lugar na 'to." Inabot n i Gabriel ang kamay niya kay Carmina at ngumiti. Kahit ilang taon ang dumaan, ti la hindi yata tatanda ang asawa niya. "Anong nginingiti mo diyan?" tanong ni Carmina habang hinawakan ang kamay ni Gab riel. "May dumi ba ako sa mukha?" kukunin na sana ni Carmina ang salamin sa bag niya ng pinigilan siya ni Gabriel. "Wag ka ngang mapraning. Walang dumi ang mukha mo." Natatawang sabi ni Gabriel. Binuksan niya ang pinto at pinauna si Carmina na lumabas. "Eh ba't ka nakangiti kanina?" tanong ni Carmina habang hinawakan ulit ang kamay ni Gabriel habang naglalakad. "Wala lang..." "Sa ganda ng ngiti mo kanina , imposibleng wala lang." "Kasi din naman, Cara.." tumigil sila sa paglalakad at biglang hinalikan ni Gabr iel si Carmina sa noo. "Ang ganda ng asawa ko." "Nambola ka pa!" palarong hinampas si Carmina ang balikat ni Gabriel. "Alam mo n amang mahal kita , hindi ba?" "At alam mo ring mahal kita, kaya lang medyo tinitingnan na tayo ng mga tao dito ." Tumingin sila sa paligid at may mga tao nga na medyo hindi na maitago ang pag titig sa kanilang dalawa. "Saan mo gustong pumunta, Cara?" "Gusto kong puntahan...."napakagat ng labi si Carmina habang nag-iisip. Sa totoo lang, kahit naman saan siya dalhin ni Gabriel ay sasama at sasaya naman talaga si Carmina. Kahit nga Pilipinas lang ang pinapasyalan nila ay abot langit na ang kasiyahan niya. Nung unang punta nila dito halos hindi mo makikita na hindi mag -kasama ang mag-asawa. Mula sa mga museo hanggang sa mga shopping spree papunta sa mga dinner dates nila sa may Sienne ay makikita mo na talagang mahal na mahal nila ang isa't-isa. Pangalawang trip na nila ito sa Paris. Gustong-gusto nila d ito dahil wala silang iniintinding trabaho. Mula pag-gising sa umaga hanggang sa pag-tulog sa gabi, nasa isa't-isa lang ang atensyon nila. Pero isang lugar lang ang nais puntahan ngayon ni Carmina at ibinulong niya ito kay Gabriel na may ka samang kagat sa tenga nito. Tumawa si Gabriel at hindi niya napigilan ang sarili niya at hinalikan nito si C armina sa labi at walang paki-alam kung sino man ang nakatingin sa kanila. Paris naman 'to, diba? "Sigurado ka, Cara?" "Super." at ngumiti si Carmina. Ngumiti si Gabriel at masaya silang pumunta sa tinutuluyan nilang hotel. Nasa Concorde Opera Paris sila at ang feeling ni Carmina ay parang nasa isang pa lasyo sila. Nung unang nakita niya ang hotel na ito, halos hindi siya makapaniwa la sa ganda at pagka-elegante ng lugar at ang isa pa, napakalapit ng hotel na it o sa mga lugar na madalas puntahan ng mga turista. Umakyat sila sa kwarto nila. Kung si Carmina ang tatanungin parang condo unit ang kwarto nila dahil sa loob n ito ay may tatlong bedroom, may mini kitchen at may balcony pa na over-looking s a Paris at napakaganda ng view lalo na kung gabi. Pumasok sila sa isang bedroom. Nagkatinginan silang mag-asawa at ngumiti sa isa' t-isa. Matagal din silang naghintay na magkaroon ulit ng anak simula nung makuna n si Carmina. Ganun paman ay hindi sila nawalan ng pag-asa at pagkatapos ng pagh ihintay, dumating na nga siya. Lumapit sila sa kama at masayang pinagmasdan ang natutulog nilang anak habang tahimik naman na lumabas ang yaya nito. Niyakap ni Gabriel si Carmina. "Thank you for giving me a beautiful son." sabi ni Gabriel habang pinagmamasdan si Alexis. Alexis Gabriel Salazar. Two years old na ang anak nila at sigurado si Gabriel na dito sa Paris nila nabuo ang anak nila. Nakakatakot ang siyam na buw

an na iyon para kay Gabriel at hinding-hindi niya makakalimutan iyon. Halos araw -araw ay nagdarasal siya sa Diyos na walang masamang mangyari sa mag-ina niya at narinig nga iyon ng ipinanganak si Alex na healthy at ganun din ang mama niya. Tumingin sa kanya si Carmina at hinalikan ang kanyang labi. "Thank you for loving me, Gabriel." "You deserve it and more, Cara. Nasabi ko na ba ngayong araw na mahal kita?" "Hmmm...hindi pa." "I love you, Cara. I love you so much and I will definitely love you more tomorr ow than I do now." "I love you, too." Tumingin sandali si Carmina kay Alex bago kay Gabriel. "May s urprise ako, para sa'yo." "Magugustuhan ko ba 'to, Cara?" "Hmmm, depende..." "Ano ba talaga?" Ibinulong ni Carmina ang tinatago niyang lihim ng dalawang buwan. Naging sigurad o lang siya sa suspetsa niya nung araw na lumipad sila papunta ng Paris. Ito na ang tamang panahon para malaman din ni Gabriel na magkakaroon na ng kapatid si A lex. Matapos niyang ibulong ito kay Gabriel ay natulala lang ang asawa niya. "Gabriel? Buntis ako. Hindi ka ba masaya?" "Buntis ka?" "Oo nga." "Talaga, Cara?" Natawa na lang si Carmina. "Sigurado lang ako nung araw na pumunta tayo dito. We 're pregnant again, Gabriel!" Binuhat ni Gabriel si Camina sa tuwa at hinalikan ito. "Kaya mo pa ba, Cara?" "Kakayanin natin 'to. I love you." "I love you too, Cara."

Related Documents

My Other Half
March 2021 0
Other Reviewer
February 2021 1
Half 2 Twelve
January 2021 1

More Documents from "Kuya Marvs Vallega"

My Other Half
March 2021 0
Metamorphic_rocks.pdf
January 2021 1
Powerful Selling
January 2021 14
Cornell Case Book
January 2021 2