Position Paper In Esp

  • Uploaded by: Sean Aaron Santos
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Position Paper In Esp as PDF for free.

More details

  • Words: 2,594
  • Pages: 6
Loading documents preview...
I. II.

Former Drug Addict Panimula A. Pagpapakilala ng Paksa  Isang former drug addict ay nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano at gaano naapektuhan ang kaniyang pamilya sa pagkakalulong sa droga. B. Ang sariling pananaw sa isyu  Ang droga ay illegal at masama sa ating kalusugan lalo na kung ito’y ating gagamitin at aabusuhin. Maaring mapektuhan nito ang iyong kalusuga at buhay kapag ikaw ay nalulong dito. Ito rin ay maaring magpahamak at magdala sa atin sa maling landas.

III.

Mga argumento sa isyu A. Buod ng argumento  Ang paggamit ng droga ay nagbubunsod sa mga gumagamit na gagawa ng masama na nakasisira sa kanilang pamumuhay. Nakapagdudulot ang bawal na gamot ng pansamantalang ginhawa at pag-inam ng pakiramdam sa tao dahil sa epekto ng gamot na ito. Katulad na lamang sa nangyari sa buhay ng isang successful man na si Monty Toledo, nawala ang lahat ng kanyang ari-arian dahil sa pagkakalulong nito sa droga. B. Mg impormasyong sumusuporta sa mga argumento  Ang paggamit ng droga ay nakakaapekto sa pag-iisip ng iyong utak.  Maaring makagawa ka ng mga desisyong makasisira sa iyong buhay.  Ito ay nakakapekto sa iyong kalusugan na maaring magdala sa iyong kamatayan. C. Mga ebidensiya para sa mga argumento  Dahil sa pagkakaulong sa droga, ginagawa niyang kolateral ang kaniyang anak upang makakuha lamang ng ipinagbabawal na gamut.  At ang pera na dapat sa tuition fee ng kaniyang anak ay ginagamit lang sa pagbili ng shabu.  Marami rin sa kaniyang mga kaibigan ang namatay at nakulong dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut. Ang sariling posisyon sa isyu A. Unang punto ng iyong posisyon 1. Opiniyon sa unang punto  Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay masama hindi lamang sa dahil bawal ito o illegal sapagkat nakasisira ito sa iyong buhay o kinabukasan. Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao, at mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao. 2. Mga ebidensiya  Maraming tao ngayon ang nakukulong dahil sa paggamit at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamut.  Maraming business man ngayon ang nababaon sa utang dahil lamang sa pagkaadik nila sa ipinagbabawal na gamut.  Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kalusugan at pati pag-iisip dahil sa paggamit nito.  At higit sa lahat maraming pamilya ang nasisira at mga buhay na nawawala dahil sa ipinagbabawal na gamot. Konklusyon A. Buod ng iyong posisyon  Ang paggamit ng gamot ay napakalaking pinsala sa buhay ng tao. Maraming pamilya amg nasisira at kalusugan na naapektuhan. Naliligaw sa maling landas ang mga taong nalululong dito dahil naaapektuhan nito ang kanilang pag-iisip. Mga masasamang Gawain ang nagtutulak sa kanila bunsod ng pagkaadik nila sa ipinagbabawal na gamot. Kayat kung ako sayo, wag mong ilagay sa kamatayan ang iyong buhay. Iwasan ang paggamit at pagtangkilik dito dahil buhay mo at ng iyong pamilya ang nakasalalay. B. Plano ng pagkilos

IV.

V.

VI.

 Bilang isang kabataan upang hindi mauwi ang aking buhay katulad sa mga taong nasira ang buhay dahil sa ipinagbabawal na gamot ay magkakaroon ako ng disiplina sa sarili. Upang malayo sa tukso ng mga ipinagbabawal na gamot. At hindi gagamit ng mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo dahil ditto nagsisimula ang mga ito hanngang sa makarating na sa pagkamit ng mga ipinagbabawal na gamot. At akin ring ibabahagi ang aking kaalaman kung ano ang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa mga kabataan upang matulungan silang malayo sa tukso o paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sanggunian https://www.youtube.com/watch?v=z25TmQk_AeM

I. II.

III.

IV.

Euthanasia: Life in the hands of others Panimula A. Pagpapakilala ng paksa  Ang pagpapakilala sa paksa ay ang pagbibigay ng kahulugan sa euthanasia. Ang euthanasia ay hango sag reek word na “Eu” ay happy at “thanatos” ay death. May uri rin ito ang active and passive at voluntary, non-voluntary and involuntary. Active euthanasia is taking specific steps to cause tha patient’s death. At ang Passive Euthanasia naman is usually defined as withdrawing medical treatment with the deliberate intention of causing the patient's death. Ang pangalawang uri ay "Voluntary euthanasia" is when the patient requests that action be taken to end his life, or that lifesaving treatment be stopped, with full knowledge that this will lead to his death. Samantalang ang non-voluntay naman is done without the consent of a patient. At ang panghuli ay "Involuntary euthanasia" is when a patient's life is ended without the patient's knowledge and consent. B. Sariling pananaw sa isyu  Hindi makatarungan ang euthanasia, dahil kahit na sabihing itinitigil na lamang nito ang sakit na nararamdaman ng tao ay wala paring karapatan itong tapusin o diktahan ang buhay ng tao. Dahil maaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng lunas ang mga sakit. At ang buhay natin ay bigay ng Diyos na siyang dapat nating pahalagahan at tanging Diyos lamang din ang magdidikta kung kelan kukunin ang buhay ng isang tao. Mga argumento sa isyu A. Buod ng argumento  Ang euthanasia or mercy killing ay isang paraan kung saan hinahayaan na lang mamatay ang isang tao para hindi siya mahirapan. May dalawang parte ang buod ng argumentong ito: para sa mga sumasang-ayon, ayaw nilang makitang nahihirapan ang kanilang mahal sa buhay lalo na kung alam nilang wala na itong pag-asang gumaling. Para naman sa mga hindi sumasangayon, ang buhay ng tao ay kaloob ng Diyos sa atin kayat walang karapatan ang ibang tao na tapusin ito. B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento  Ang euthanasia o ang pagpapaubaya na mamatay ang isang tao dahil sa awa ay isang napakahirap na usapin.  Ayaw natin na ilagay sa ating sariling mga kamay ang buhay ng isang tao.  Ayaw nating matapos iyon ng wala sa panahon.  Hanggang saan natin hahayang maghirap ang isang tao. C. Mga ebidensiya para sa mga argumento  Noong 1997, nais nilang ipatupad ang legalization ng active euthanasia kesa sa passive euthanasia ngaunit maraming tao parin na tumututol dito na kailangan natin pahalagahan ang buhay ng tao.  Si doctor Leo Olarte ay naniniwala na makatutulong sa ibang mga kaso ng sakit ang active euthanasia lalo na sa sa thermaly ill patients. Amg sariling posisyon sa isyu A. Unang punto ng iyong posisyon

1. Opiniyon sa unang punto  Ang euthanasia or mercy killing ay hindi makatarungang paraan para maiwasan o tapusin ang paghihirap ng isang tao. Maaring sa iba ay mas madali upang hindi na lalong maghirap ang kanilang mga mahal sa buhay, ngunit maari naman tayong maghintay ng panahon upang magkaroon ng lunas ang kanilang sakit dahil mas masaya at mas magandang mailigtas natin ang buhay n gating mga minamahal kesa sa tapusin ito dahil sa kanilang sakit na nararamdaman. 2. Mga ebidensiya  Maraming tao ngayon ang nawawlan ng pag-asa dahil sa sakit ng kanilang mga minamahal ngnuit dumarating parin ang panahon na nabibigynag lunas ito.  May mga tao ngayon na naniniwala na himala ang nangyari sa kanila dahil sa kawalan ng pag-asa ngunit biglang nagging maayos ang lahat. V. Konklusyon A. Buod ng iyong oposisyon  Everything happens for a reason. Lahat ng pagsubok na ating nararanasan at may solusyon kayat nararapat na hindi tayo mawalan ng pag-asa na mabigyang lunas ito. Hindi sago tang pagkitil sa buhay ng isang tao upang malunasan ang hirap na kaniyang nararansan, maaring dumating ang takdang panahon upang masolusyunan ito. Ang buhay ay regalo o ipinagkaloob sa atin ng panginoon kayat dapat na bigyan natin ito ng pagpapahalaga. Maaring sa ngayon walang lunas ang sakit, ngunit darating ang panahon mabibigyang lunas rin ito. Walang imposible, ang kailangan lang natin ay maniwala. B. Plano ng pagkilos  Pagbibigay o pagbabahagi ng kaalaman sa mga taong may minamahal sa buhay na may malubhang sakit na hindi ang sadyang pagkitil sa kanilang mga minamahal ang sagot. Huwag mawalan ng pag-asa. Pagsubok lang ang kanilang kinakaharap. Manalig lang sa Diyos. Magdasal dahil lahat ng ating panalangin ay binibigyang kasagutan ng ating Panginoon. God will not allow a trial to come into your life unless he has a purpose. He doesnt send the storm but he uses it. VI. Sanggunian https://www.youtube.com/watch?v=ZEFRKYY_C7k

I. II.

III.

Philippine has most cases of depression: NGO Panimula A. Pagpapakilala ng paksa  Pagbibigay ng impormasyon sa kalagayan ng Pilipinas sa bilang ng ng mga taong nakararanas ng Depresyon. Naitala na ang Pilipinas ay may pinakamaraming kaso ng Depresyon sa Southeast Asia ayon sa isang NGO. 4.5 M ang bilang ng mga taong nakararanas ng depresyon noong 2004. Ang depresyon ang pangunahing dahilan ng suicide. May limang sintomas ang depresyon: 1.) Insomia o sobrang pagtulog 2.) Pagbabago ng activity level 3.) Kapansin-pansin ang pagbaba ng timbang 4.) Kawalan ng lakas ng fatigue 5.) Sobrang pakiramdam ng kawalang silbi. B. Ang sariling pananaw sa isyu  Maraming kabataan ngayon ay nakararanas ng depresyon na nag-uuwi sa kanila upang tapusin ang kanilang buhay. Ang depresyon ay ang negatibong pag-iisip sa buhay na sila ay walang silbi o kwenta sa mundong ito. Ang mga kabataang nakararanas ng depresyon ay nagkakaroon ng mababang pagtingin sa kanilang sarili. Dahil sa mga problemang kanilang kinahaharap, kaya't madalas nilang naiisip na wakasan na lang ang kanilang buhay. Mga argumento sa isyu A. Buod ng argumento  Pagtaas ng bilang ng mga tao sa Pilipinas nanakararanas ng depresyon. Maraming tao ang nagkakaroon ng negatibong pag-iisip kaya't nauuwi sa pagpapakamatay. At ang pangunahing dahilan nito ay ang depresyon. B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento

 Ayaw makipag-usap sa tao, nagkakaroon ng negatibong pananaw at pag-iisip sa buhay.  Pagkakaroon ng mababang pagtingin sa kaniyang pagkatao.  Madalas na pag-iisip na mabuti na lang na mamatay siya. C. Mga ebidensiya  Batay sa survey ng department of health ( 2007 ) tumataas ang bilang ng kaso ng taong nagtatangkang magpakamatay sa kabataan na umaabot sa 15 sa 900 na teenagers.  Sa tala naman ng Asia Pacific Journal of Public Health sa Pilipinas ay umaabot sa 5 tao kada araw ang nagsusuicide. IV. Ang sariling posisyon sa isyu 1. Unang punto ng iyong posisyon  Nakalulungkot isipin na parami ng parami ang bilang ng mga taong nauuwi sa kamatayan ang kanilang buhay dahil sa depresyon. Maraming kabataan ang nasasayang ang buhay dahil sa mga negatibong pag-iisip. At lalong lalo na, maraming pamilya ang nahihirapan sa kasong ito. 2. Mga ebidensiya  Maraming kabataan ang may mga problema na nauuwi sa pagpapakamatay. Dahil hindi nila kinakaya ang mga problemang kanilang hinaharap. Iniisip nila na walang solusyon dito at wala rin namang magiging silbi ang kanilang buhay kaya't pinipili na lamang nilang magpakamatay. V. Konklusyon A. Buod ng iyong posisyon  Napakalaki ng epekto ng depresyon sa buhay ng tao. Maraming buhay ang nasasayang dahil dito. Kaya't nararapat na mabigyang solusyon ito upang mapigilan ang patuloy na pagtaas nito. Nararapat na ipahayag natin ang ating mga saloobin kung kinakailangan natin ng tulong upang hindi rin tayo makaranas nito. Lagi lang nating isipin na "Everything happens for a reason". Kung may mga bagay na nahihirapan tayo, harapin lamang ito o humingi ng tulong sa iba. Maging positibo tayo sa lahat ng pagkakataon upang hindi masayang ang ating buhay. B. Pano ng pagkilos  Bilang isang kabataan, dapat ay maging magandang ihemplo o impluwensiya sa ating mga kabataan. Lalong lalo na sa mga taong alam nating nakararanas ng maraming problema. Bigyan natin sila ng pagpapahalaga at iparamadam na kaya ka nilang pagkatiwalaan. Kausapin natin ang mga taong maraming problema upang mailabas nila ang kanilang mga saloobin. Sa simpleng pakikipag-usap sa kanila ay gumagaan na ang kanilang pakiramdam. Hindi mo man sila ganon kaclose, mas mabuting nandiyan ka para sa kanila. Parang isang taong shoulder to lean on upang hindi sila makapag-isip ng mga negatibo at may silbi pa ang kanilang buhay. VI. Sanggunian https://www.youtube.com/watch?v=AueZNzvMadE

I. II.

Abortion in the Philippine: Agaw buhay ( fighting for life ) Panimula A. Pagpapakilala ng paksa  Paglalahad ng mga karanasan ng kababaihan at pagbibigay impormasyon sa kalagayan ng aborsyon sa ating bansa. Taon-taon maraming pumapatay at pumipinsala sa libolibong kababaihan sa bansa. Sa panahon na ito, bata man o matanda, mayaman man o mahirap lahat ng tao ay walang kawala. B. Ang sariling pananaw sa isyu  Ang aborsyon ay ang pagpapalaglag o pagkitil sa walang kamuang-muang na sanggol. Dahil sa kanilang takot sa responsibilidad, maraming kabataan ang nauudyok sa pagpapalaglag. Ang aborsyon ay isang masamang gawain ngunit alam naman natin na may dalawang uri ito ang Pro-life at Pro-choice. May mga tao paring naniniwala na tama

III.

IV.

V.

VI.

ito ngunit kahit saan natin tingnan, ang pagkitil o pagkakait ng buhay ng isang tao ay isang napakalaking kasalanan. Mga argumento sa isyu A. Buod ng argumento  Ayon kay Cielo, 16 taong anyos, napakahirap panindigan ang isang bagay na hindi naman sinasadya o inaasahan. Kaya't nagkakaroon ng pagkagulo sa kaniyang isip ang mga bagay na ito. Dahil dito, nagkakaroon ng takot si cielo sa kaniyang mga magulang kaya't ito ay naging isang dahilan upang ipalaglag ang kaniyang anak. At dahil din samga udyok ng kaibigan o peer pressure ay naisagawa niya ang maling gawain. Dahil sa mga ito patuloy na ngang ipinagkait ni cielo ang karapatang mabuhay ng sanggol na kanyang dinadala. B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento  Pagkakaroon ng fakot sabihin sakanilang magulang ang kanilang nagawa.  Pagkakaroon ng takot na panindigan ito.  Kahirapan o ang estado ng kanilang pamumuhay.  Pagkakaroon ng takot sa mga posibleng maging epekto nito sa kanya.  At ang pagkakaroon ng takot dahil sa kawalan ng interes ng mga ospital o institusiyon na sila ay asikasuhin. C. Mga ebidensiya  90, 000 bilabg ng babaeng naoospital kada taon dahil sa hindi ligtas na aborsyon.  Ayon kay cielo, masakit at mahirap ang magiging epekto ng aborsyon.  At lalong lalo na ang takot ni cielo na aminin sa kaniyang mga magulang kaya nauuwi sa pagpapalaglag. Ang sariling posisyon sa isyu A. Unang punto ng iyong posisyon 1. Opinyon sa unang punto  Hindi ako sumasang-ayon sa aborsyon. Wala kang karapatan na ipagkait ang buhay sa isang tao. Ang buhay nga tao ay ipinagkaloob saatin ng Diyos, kaya't nararapat na pahalagahan natin ito. Ang pagkitil ay isang napakalaking kasalanan sa Diyos dahil tanging ang Diyos lamang ang may karapatan na kunin ang buhay ng tao. 2. Mga ebidensiya  Nakasaad sa bibliya na ang buhay ng tao ay sagrado. Kaya't dalat natin itong pahalagahan at bigyan ng karapatan.  At nakasaad din s 10 Utos ng Diyos na " Huwag kang papatay". Konklusyon A. Buod ng posisyon  kung hindi mo kayang panindigan ang isang bagay, huwag kang gagawa ng desisyon na alam mong sa huli ikaw ay magsisisi. Isang napakalaking kasalanan ang aborsyon dahil buhay ng tao ang nakasalalay dito. Kailangan mong isipin ng mabuti ang mga bagay na gagawin mo upang ikaw ay hindi maligaw ng landas. Huwag mong hayaan na sa isang pagkakamali ay masira ang iyong kinabukasan at mga pangarap sa buhay. B. Plano ng pagkilos  Bilang isang kabataan, gusto kong ibahagi sa kanila ang aking kaalaman sa Pre-marital sex na dapat ay hindi nila ginagawa. Dahil maari silang mauwi sa isang pagkakamali. At magpapahayag ako ng impormasyon ukol sa aborsyon at kung ano ano ang magiging epekto nito sa kanila. Maraming bagay silang maaaring gawin upang magkaroon ng kasiyahan sa buhay, at hindi ang pagtatalik ang solusyon dito. At huwag ring magpapadala sa tukso ng mga bisyo katulad ng alak at sigarilyo dahil dito nagsisimula ang lahat ng ito. Sanggunian https://www.youtube.com/watch?v=bWOVYQG0BJ8

POSITION PAPER IN ESP LOVENDINO, VAN HEIZEL P. GRADE 10- MATAPAT MS. LAZARO

Related Documents

Position Paper In Esp
March 2021 0
Position Paper
January 2021 1
Position-paper
February 2021 1
Position Paper
January 2021 1
Position Paper
February 2021 2
Position Paper
March 2021 0

More Documents from "Amber Hernandez"