Loading documents preview...
Future Generation Philippine International School Junior High School Department – Male Section Academic Year 2017 – 2018 Filipino Worksheet (Aspekto ng Pandiwa) CN: Grade 8 Date:
Name:
Score:
A
/ 40
Parent’s Signature:
A. Pagtukoy ng aspekto ng pandiwa Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang titik A, B, o C kung saan: A = Aspektong Pangnagdaan/Naganap/Perpektibo; B = Aspektong Pangkasalukuyan/Nagaganap/Imperpektibo; at C = Aspektong Panghinaharap/Magaganap/Kontemplatibo. 1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay. 2. Hiniram ni Emily ang aklat ko. 3. Maglalaro kami ng chess mamayang hapon. 4. Iinomako ng gamut para gumaling ako. 5. Si Ate Minda ang naglinis ng kusina. 6. Hinahatidkami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok. 7. Ang mga bata ay nanonood ng Ben10 sa telebisyon. 8. Sino ang sumagot ng telepono? 9. May naisip ka na bang plano? 10. Tahimik na nagbabasa
ang mga mag-aaral.
11. Sinulatko sa papel ang mga dapat mong gawin. 12. Si Tita Bea ang gumawa ng keyk na ito. 13. Kakainpa ba kayo ng keyk? 14. Si Helen ang nag-aalaga sa pusang iyan. 15. Marami kaming lumang gamit na ibebenta sa garagesale . 16. Gagamit ako ng diksiyonaryo para malaman ko ang kahulugan ng salitang iyon. 17. Umiiyak ang bata dahil nadapa siya. 18. Napansin mo ba ang takdang-aralin na nakasulat sa pisara? 19. Umupo ka muna dahil nagbibihis pa si Eva. 20. Yayakapin ko nang mahigpit si Nanay pag-uwiko.
B. Pagpili ng tamang pandiwa Panuto: Salungguhitan ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga pandiwa sa loob ng
panaklong. 1. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang (naglaro, naglalaro, maglalaro) sa bakuran. 2. Humingi ng meryenda si Allan kaya (binigyan, binibigyan, bibigyan) ko siya ng turon. 3. Ikaw ba ang (gumuhit, gumuguhit, guguhit) ng larawang ito? Napakaganda ng gawamo! 4. (Nagpahinga, Nagpapahinga, Magpapahinga) ngayon si Nanay sa silid dahil sumasakit ang ulo niya. 5. Ang tatay mo ay (tumawag, tumatawag, tatawag) bukas nang alas otso. 6. Pinulot ni Sam ang mga manggang (nahulog, nahuhulog, mahuhulog) sa ilalim ngpuno. 7. Magsisimba ako mamaya. (Sumama, Sumasama, Sasama) ba kayo sa akin? 8. (Natulog, Natutulog, Matutulog) pa ang sanggol kaya huwag kayong maingay. 9. (Nagsimula, Nagsisimula, Magsisimula) na ang sine. Hindi natin nakita ang umpisa nito. 10. Si Tatay ang nagluluto dahil (naglaba, naglalaba, maglalaba) pa si Nanay. 11. May adobong manok at pritong manok kami. Ano ang (pinili, pinipili, pipiliin) mo? 12. Kanina ko pa hinahanap ang susi ko. (Nakita, Nakikita, Makikita) mo ba? 13. Maghanda na kayo at (binasa, binabasa, babasahin) natin ang unang kabanata. 14. Hindi na po kami gutom dahil (kumain, kumakain, kakain) na po kami ng almusal. 15. Naririnig mo ba ang taong (nagsalita, nagsasalita, magsasalita) sa entablado? 16. Ano ang (inawit, inaawit, aawitin) natin sa darating na Buwan ng Wika? 17. (Nagluto, Nagluluto, Magluluto) ng masarap na tsampurado si Lola Ester kahapon. 18. Nauunawan mo ba ang (sinabi, sinasabi, sasabihin) ko sa iyo? 19. (Nag-aral, Nag-aaral, Mag-aaral) ako nang mabuti mamayang gabi para sa pagsusulit. 20. (Nagpasalamat, Nagpapasalamant, Magpapasalamat) po kami sa lahat nang nanood ng programa namin. Sana po ay nasiyahan kayo.