Loading documents preview...
Pokus ng Pandiwa
pokus tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumaganap ng kilos nito.
Sa pokus na ito, magagamit sa pandiwa ang panlaping um-/-um. mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at magsipag- an/han.
Halimbawa Nagbihis si Thor at kinuha ang kaniyang maso.
pokus sa layon kung ang pinaguusapan ang siyang layon ng pangungusap.
Halimbawa Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.
Pagsasanay Pokus Tagaganap At Pokus Sa Layon
Panuto: Tukuyin kung ang may salungguhit na pandiwa ay pokus tagaganap o pokus sa layon.
1. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.
2. Ipinagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga.
3. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino.
4. Habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah ay ginupit ng mga kalaban ang buhok nito.
5. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim.
6. Gumawa ng paraan si Loki upang hindi sila madaig ng kapangyarihan ni Thor.
7. Inihampas ni Thor ang kaniyang maso sa natutulog na higante.
9. Tumakbo nang mabilis si Thjalfi upang mahabol ang kalaban.
8. Nilagok ni Thor nang malaki ang lalagyan ng alak ngunit tila wala pa rin itong bawas.
10. Kinain nila ang karne hanggang sa buto na lamang ang maiwan.