Halimbawa Ng Replektibong Sanaysay.docx

  • Uploaded by: Nodnyl Abapo Arujab Sarabillo
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Halimbawa Ng Replektibong Sanaysay.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 460
  • Pages: 2
Loading documents preview...
SAKRIPISYO PARA SA BAYAN ni Glenson Altares Bilang isang estudyante, nagsisikap tayo na makapagtapos ng pag-aaral para makamit natin ang ating mga pangarap na maging mga propesyonal sa kanya-kanyang mga larangan sa buhay. Ngunit mayroong isang katanungan sa aking isipan na patungkol sa isyung ito, “Bakit nga ba ito ang pinangarap natin; dahil lang ba sa pansariling kapakanan o dahil gusto nating maglingkod sa ating kapwa?” Kung sa pansariling kapakanan lamang ang habol natin, hindi ba’y nawawala na ang tunay na saysay kung bakit pa nagkaroon ng ganitong mga propesyon? (hal. doktor, inhinyero, arkitekto, nurse, atbp.) Kaya lang ba nagkaroon ng mga doktor ay para kumita o makabili ng ano mang materyal na bagay na inaasam? Hindi ba dapat kaya nating ipinili ang propesyong ito ay dahil gusto natin tumulong sa ating kapwa, at para sa ikauunlad ng ating lipunan? Tulad ng naipakita sa bidyo, pinili nilang magsakripisyo para sa kapwa kaysa umunlad ang buhay nila; mas pinili nilang gampanan ang tungkulin nila bilang isang doktor para makatulong sa mga taong lubos na nangangailangan. At ang kapalit nito’y hindi pera o kung ano mang materyal na bagay dahil ang natatanggap nila ay bagay na hindi nabibili o nahahawakan-iyon ang pagmamahal ng mga taong inalagaan nila. Nawa’y kapulutan natin ang aral na ito na hindi kailanmang maipagpapalit sa ano mang bagay ang kaligayahan, kaligtasan, at pagmamahal ng isang tao. Uunlad ang ating lipunan kapag ang ating layunin bilang isang propesyonal ay hindi dahil sa gusto nating kumita o yumaman, ngunit dahil sa paghangad natin na makatulong nang taospuso sa kapwa.

Isang paglalakbay na di makakalimutan, kakaibang saya ang hatid kapag napuntahan mo ang lugar na matagal mo ng gustong mapuntahan at mapasyalan. Noong nakaraang bakasyon isa na naman sa bucket list ko o listahan ng mga lugar na aking nais mapuntahan at ito ang Tagaytay Talaga namang masarap sa pakiramdam ng kami’y makarating sa Tagaytay talaga namang kahanga hangang makita ang Taal Volcano. Matagal ko ng gustong mapuntahan ang Tagaytay sapagkat ito ay may angking ganda at kapag nakita mo ang lawa nito ay talaga namang nakakatanggal ng mga problema at stress. Nakakapawi din ito ng kalungkutang nararamdam dahil sa pagkakaroon ng payapang tanawin kaya di makakapagtaka na maraming turistang bumibisita sa Tagaytay. Noong una ay di ako makapaniwala na nakikita ko na ang Taal Volcano kasi pag nakita mo siya sa personal akala mo lang ay isang litratong nakikita mo sa google o saan mang websayt talaga namang nakakabighani sa ganda na di ka talaga magdadalawang isip na bumalik at pasyalang muli. Magandang mapuntahan ang Tagaytay lalo na sa mga pamilyang nais makaranas ng saglit na kapayapaan. Ang aking karanasan sa Tagaytay ay talaga namang di malilimutan siguro dahil isa ito sa mga pinapangarap kong lugar na nais kong mapuntahan.

Related Documents


More Documents from "Rigs Bryant Pagtananan"