Replektibong Sanaysay.docx

  • Uploaded by: Rigs Bryant Pagtananan
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Replektibong Sanaysay.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 665
  • Pages: 2
Loading documents preview...
Malabo, parang paningin ng mga mata ko katulad lamang ng mga ala-ala ko pagdating sa buhay ko sa OLCA. Hindi man siya ganun kalinaw, na aalala ko pa yung mga memoriya ko na masaklap at masaya sa pag-aaral ko OLCA. At ngayon ang huling taon ko na sa eskwela kung saan ako lumaki, natuto, at naging ganap na tao na karesperespeto maari ko ng sabihin na salamat at paalam.

Pero bago ako mag paalam nais ko balikan ang mga ala-ala na naging dahil kung sino ako ngayon. Static sa t.v. parang ganyan ang memorya ko pagdating sa mga nangyare nung ako ay elementarya. Paghakbang ng highschool mas luminaw ang aking mga natatandaan. Maraming naging kaibigan, hindi alam kung tunay o peke, gulong gulo ang aking isip ko noon hindi ko malaman kung pekeng dyamante ba o tunay na dyamante. Isa sa pinaka importante kong natutunan ay hindi kaylangan ng maraming kaibigan para sumaya kung lahat naman ito ay peke ay hindi matutupad. Kaylangan lang hanapin yung mga tunay at totoong dyamante na mga tao kahit kakaunti lamang sila dahil sila ang magiging kasayahan at sandalan mo sa hirap at ginhawa. Nakakamit ng Isa sa hindi kapanipaniwalang rangal na maging top 5 ng buong klase dito nag simula ang pagkakaroon ko ng tiwala sa aking sarili.

Nung naging grade 8 naging tahimik parang sa itaas ng langit, nabugbog na, natukso, at nabaliwala ang pagkatao dito nag simula ang pagkalungkot. Wala akong masyadong matandaan sa taon na yun kundi tinig ng mga boses na nanunukso. Sa taong grade 9 hanggang ngayon ay ilan sa mga taong lubos na saya ang aking naramdaman, parang isang bata na nakamit na ang matagal nang hinihiling, ang Tunay na mga Kaibigan. Mga kalokohan ng tropa sa mga gala, ay sobrang saya kahit makasama lamang sila masaya na. Isang kaibigan o matalik na kaibigan, bestfriend kung tawagin sa ingles ang aking nakilala nung pag tapak sa buhay na grade 9 at hanggang ngayon ay magkaibigan parin kami, lubos na pinapahalagahan ko taong ito at mga taong nakilala kong totoo.

Simula ng high school mga madami akong natutunan na importante upang maging mabuting tao at kung hindi dahil dito hindi ako magiging kung ano ako ngayon. Wag mag hangad ng maraming kaibigan ngunit mag hanap ng totoo at mabuting mga tao bilang maging isang kaibigan. Maging masaya sa kung anong meron ka at huwag humangad ng hindi makakaya. Matuto sa mga maling mga ginawa at gamitin ito bilang isang aral para makabuti at lumaki ang sarili bilang isang tao. Pahalagahan ang mga importanteng tao sa ating paligid habang sila ay abot pa ng ating mga kamay. Ito ang mga mahahalagang aral kong natutunan at naging dahilan sa pag-unlad ko bilang isang mabuting tao ngayon.

Pag dating ko ng senior high school lalo akong nag sumikap sa aking pag-aaral para sa aking kinabukasan. May isang tao akong nakilala na naging malaking rason ng aking pagbabago lalo sa pagiging mabuting tao. Dahil sa kanya ako ay parang

nabigyan linaw gamit ang mga salamin na may grado upang matutong tingnan ang kagandahan ng mga bagay na hindi ko namamalayan noon. Siya ay isa sa mga importanteng tao na aking pinapahalagan at pinapasalamatan sa kadahilanan na nakilala ko at naging lubos na kaibigan siya. Naging masaya at hindi inaasahan na malungkot ang mga huling taon ko bilang OLCAn.

Bilang isang huling Soar high para salamat sa mga aking pahahalagahan na mga natutunan upang lumaking mabuting isang indibidwal. Sa mga taong kong nakilala at nagkaroon ng magandang relasyon bilang kaibigan, salamat ng sobra sa pagkakataon na makilala at makaibigan kayo. Salamat sa mga ala-alang nagawa nating mag kakasama.

Malabo pero dahil sa mga naranasan at naramdaman nag bigay linaw parang liwanag, masasabi nating Salamat. Salamat sa aking mga mahahalagang Kaibigan at sa opotunidad na binigay ninyo para tayo ay mag sama, matuto at magloko. Masasabing Malinaw na ang aking paningin at nikikita ko na ang tamang gawin Soar High ito na ang huli, Paalam at hanggang muli OLCA.

Related Documents


More Documents from "Jaira Jaime"

Bancocolombia
January 2021 0
Hl Hino Catalogue
March 2021 0
Cc Top Up
February 2021 0
Fcom A300 V1
February 2021 0