Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging Karanasan Bilang

  • Uploaded by: Jaira Jaime
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging Karanasan Bilang as PDF for free.

More details

  • Words: 830
  • Pages: 3
Loading documents preview...
Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral “Ang Pag-ibig ng Edukasyon” Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon. Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang. Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang

tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan. Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay. Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon

Siyensiya at teknolohiya sa

C FacebookTwitterGoogle+Share

Related Documents


More Documents from "Cyan Striker"