Sanaysay

  • Uploaded by: nagsaulay
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Sanaysay as PDF for free.

More details

  • Words: 1,530
  • Pages: 27
Loading documents preview...
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Sinasabing ang sanaysay ay isang tangka sa paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba't ibang sangay nito. Naiiba sa makata ang manunulat ng sanaysay sa dahilang hindi siya nakatali sa mga pamantayan ng porma, sukat, tugma o talinghaga. Malaya siyang lumilikha ng kahit anong paksang nais niyang ipahayag na bunga ng kanyang pagmamasid, pag-iisip at pagkakasangkot sa halos lahat ng mga bagay sa kanyang kapaligiran. May layunin itong maglahad ng pansariling damdamin at kurokuro ng kumatha sa makatwirang paghahanay ng kaisipan. Nagpapaliwanag din ito ng mga pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. At kung minsan, may layunin itong makapagpaabot ng pagbabago, makalibang at makahikayat ng mambabasa (mula sa Timbulan II nina C. Javier, N. Dillague, S. Marquez Jr. at L. dela Cruz Jr.)

Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito'y makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka. (mula sa Gintong Pamana - Wika at Panitikan nina L. Nakpil at L. Dominguez)

Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Ito ay ang paglalahad ng matalinong opinyon ng sumulat/may-akda, base sa kanyang... a. Damdamin b. Karanasan c. Kaalaman d. Haka-haka/Opinyon ...Anumang bagay ay maaaring paksain sa pagsulat ng sanaysay.

Ayon sa Diksyunaryo: ~> Ang sanaysay ay may natatanging paksa na hight na maikli at pormal kaysa sa alinmang akda; pagtataglay ng paniniwala, pananaw at kaisipan ng sumulat.

3) Ayon kay Dr. Samuel Johnson: ~> Ang sanaysay ay isang malayang igpaw ng pag-iisip. 4) Ayon kay Alejandro Abadilla ~> Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. 5) Ayon kay Genovera E. Matute ~> Ang sanaysay ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo.

Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay “nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu. Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng mayakda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

Ang pormal na sanaysay ay tumutalakay ng seryosong paksa na kinakailangan ng masusing pagsasaliksik at pagaaral. Ito ay nagbibigay ng kaalaman at kaisipan sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagaayos upang lubos na maunawaan ang paksang pinili. Ginagamitan ito ng mga piling salita ng manunulat. Ito rin ay tinatawag na impersonal.

Pormal – sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masususing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa; inaakay ng manunulat ang mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos

Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapangaliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

Di-Pormal – sanaysay na tumatalakay ng mga paksang magaan, karaniwan, pang-arawaraw at personal; binibigyang-diin ng manunulat ang mga bagaybagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa

Sangkap ng Sanaysay 1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi

Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay

3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag

Bahagi ng Sanaysay Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa

Nagmula kay A.G. Abadilla ang pagbuo ng salitang sanaysay noong 1938 na ang ibig sabihin ay “salaysay ng isang sanay”. Sa ngayon, kinikilala ang sanaysay na tuluyang kathain ng kaalaman, kuru-kuro o damdamin sa isang maluwag, maguni-guni, pansarili, at di ganap na pamamaraan. Karaniwan, ito’y nakalilibang at nakaaliw at kung ito’y nagtuturo ng kaalaman, inilalahad ito sa paraang nabibihisan nang maayos at masining na pagpapahayag.

Halimbawa: 1. Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos ni Dr. Jose Rizal 2. Buhay Karaban ni Fanny Garcia 3. Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto 4. Saan Patungo ang Langay-langayan ni Bienvenido S. Medina Jr.

Bilang isang sulatin, ang sanaysay ay makikilala sa taglay nitong anyo: 1. Ito ay tuluyan (prose) 2. Ang paksa ay maaaring sumaklaw mula sa magaan, nakatutuwa, simple o payak, hanggang sa malalim na pag-iisip 3. Ito ay maaaring may iba’t ibang kalikasan: pangkasaysayan, patalambuhay, personal, pasalaysay, maimahinasyon o pilosopikal at mapanuri. 4. Sa anumang sanaysay, ang personalidad ng manunulat ay mapagkuro. 5. Isinasaayos ang mga kaalamang nakatatawag ng interes at nakaantig sa emosyon o damdamin

Ang sanaysay ay nahahati sa tatlong bahagi: Simula, Gitna at Katawan. Ang mga bahagi na ito at ang mga paraan ng pagsusulat nito ay nakalista sa ibaba: 1) Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng attention ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang... a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye (inverted pyramid) b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.

c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa

paksa. d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay. e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa. f) Kasabihan - Isang kasibahan o salawikain na makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong sanaysay. g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.

2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag. Pwede itong isulat sa paraang... a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari. b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa. c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa. d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice versa.

3) Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang... a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay. b) Panlahat ng pahayag Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay. c) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong. d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay.

Pokus sa Wika   

Iwasan ang paggamit ng sunod-sunod na mahahabang pangungusap. Gawing tiyak ang gamit ng wika. Huwag maging maligoy. Gumamit ng idyoma at tayutay kung kinakailangan.

1. Nilalaman    

Mga paliwanag hinggil sa mga katanungan. Mga negatibo o positibong katangiang taglay ng isyu. Katayuan o punto ng nagsasalaysay. Mga katibayan o suporta sa katayuan.

Konklusyon 

 

Mga napatunayang bagay hinggil sa isyu. Pagpapatibay ng punto o katayuan. Maaring mag-iwan ng kakintalan o paghihikayat sa mga mambabasa.

Related Documents


More Documents from "Jaira Jaime"

Sanaysay
January 2021 1