Loading documents preview...
KANON NG LITERATURA
BALIK-TANAW…………. Anong
maikling kwento ang iyong nagustuhan na ating tinalakay ? Bakit?
Magbigay
ng isang salita na may kaugnayan sa LITERATURA?
KANON Isang
batas o panuntunan sa pagtuturo ng literatura. Patakaran, istandard, sukatan , tuntunin
Bakit kailangang pag-aralan ang Literatura?
Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad.
Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan.
BALIK-TANAW… Ano ang mga ibat-ibang uri ng mga akdang pampanitikan?
LITERATURA SA KASALUKUYAN Pagbibigay
ng maikling pansin sa mga akdang gawa ng mga Pilipino.
Paghahambing
-
-
sa mga akdang Pilipino sa mga
katha nina; Shakespeare Ang Divina Commedia ni Dante ng Italya Ang Canterbury Tales ni Chaucer ng Inglatera Ang Iliad at Odyssey ni Homer
PAGTUTURO NG LITERATURA Hindi
kailangan ang mahigpit n apanunuri ng mga akda para mga mag-aaral na nasa unang taon ng tersyarya. Hindi nararapat saklawin sa pagtuturo ng literaturang Filipino ang mga sulatin at iba pang talang dayuhan kung wala itong kaugnayan sa paksa. Hindi dapat maging limitado ang pagtalakay sa mga sangkap ng literatura. Kailangan ng matalinong pagpili ng mga babasahin at matalinong pag-unawa sa mga ito.
Sa pagtuturo ng literatura, dapat bigyang halaga ang kasaysayan dahil hindi ito mahihiwalay sa panitikan… Ibat
ibang yugto sa iba’t ibang panahon ng ating kasaysayan na kaugnay sa paghubog at pag-unlad ng literaturang Filipino
BALIK-TANAW Ano
ang mga iba’t ibang kasaysayan na kaugnay ng literatura?