Kaugnay Na Literatura At Pag Aaral

  • Uploaded by: Mary Joyce Garcia
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Kaugnay Na Literatura At Pag Aaral as PDF for free.

More details

  • Words: 968
  • Pages: 5
Loading documents preview...
II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

A. Lokal Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000), Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bunga nito, an gating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit. (Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:7) Samantala, Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende nang Malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelekwalisasyon ng mga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating di-kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depenisyon, sinonim, antonym, at hayperonim ng mga bagong terminolohiya. (Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:81)

Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha, Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-sama ay maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan, o kung sino pa man na kakilala natin. Ang Pilipinas, bagamat isang archipelago, na binubuo ng 7,107 na mga pulo na mayroong iba’t-ibang diyalekto ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit ng iisang wika, ang wikang Filipino! Kaya naman kahit may iba’t-ibang kultura, relihiyon at paniniwala sa bawat panig ng Pilipinas, nagkakaisa parin ang bawat mamamayan ng ating bansa sa paggamit ng wikang Filipino.

Ayon kay, G. Joey Arrogante, Ang mga salitang lalabas o dapat mamutawi sa iyong bibig ay mabubuti. Hindi dapat makakasakit sa kapwa. Kaya nga lamang sa panahon ngayon. Iba iba na ang maririning sa mga kabataan nakagugulat dahil kahit may pinag aralan ay nalilihis ang pagsasalita. Tama kayang sabihin na ang pagsasalita ay inaayon mo sa uri ng iyong kausap? Kung ang iyong kaharap o kausap ay mahilig mag salita ng mga salitang kanto ay gayon din ba sa iyong sasalitain? Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at akmang paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-siyang pagpapahayag ng diwa.

(Sanggunian: Mendoza-Decal, Eleonita, Pagbigkas at pagsulat na pakikipagtalastasan, National Book store, 2009)

Ayon kay Gette, ang balbal o islang na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Halimbawa nito ay parak, lespo (pulis), iskapo (takas), atik (pera), erpats (tatay), jokla (bakla), tiboli (tomboy), at marami pang iba.

B. Foreign

Sabi ni J. Lee (2015) Good grammar is essential to speaking language, the correct deliberation of grammar enables one to write meaningful sentences and makes speaking possible for one to communicate clearly and effectively. (Sanggunian: Lee, J. Conquer grammar, Singapore Asia Publishers Ptc. Ltd, 2015)

Ayon kay Cafford (1965), Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas. Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging

lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano ito nabuo. (Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:32)

Ayon naman kay J, Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t-ibang opinion at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinion, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang nagpapahay ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan. Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda,

wika ng kababaihan, wika ng preso sa kulungan, wika ng mga bakla, ng kabataan at iba pang mga pangkat. Makikilala ang iba’t-ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkat o grupo na gumagamit ng wika. (Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P: 38)

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

Ayon kay Wikipedia, Ang salitang balbal ay ang mga salitang nabubuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita, maaari itong mahaba o maikling salita lamang. Ang salitang balbal naman ay maiuugnay sa salitang “bakla”.

Related Documents


More Documents from "Juan Miguel Luzung"