Komunikasyon-sa-social-media

  • Uploaded by: Lester Desaliza
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Komunikasyon-sa-social-media as PDF for free.

More details

  • Words: 1,229
  • Pages: 25
Loading documents preview...
KOMUNIKASYON z SA SOCIAL MEDIA

z

 Mabils ang paglago ng social media sites gaya ng Facebook,

Twitter, at Instagram, laganap na ito sa lipunan lalo na sa mga kabataan. Ayon kay Young (1996) may dalawang klase ng tao ang gumagamit ng social network, ito ay ang “dependent” na gumugugol ng 39 oras sa internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala and “independent” naman ay kumukonsumo ng limang oras lamang para sa “net surfing” o “e-mail”.

z

 Madali nang makasagap ngayon ng bagong balita

mula sa mga post sa social media at pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ito. Sinusugan ito ni Green (2000), natural lang sa isang tao ang pakikipagugnayan sang-ayon sa Hierarchy of Needs ni Maslow. Kaya naman dito ipinapahayag ng ilang tao ang kanilang damdamin na dito halos likas at alam na matutugunan ng iba.

z

 Mapapansin na may kaniya-kaniyang paraan ang tao sa

pagpapahayag ng wika pakikipagkomunikasyon dahilan sa pag-unlad ng kultura ng bansa. Ayon kay Pertierra (2002), ang pagbabagong dulot ng teknolohiya ay nagbunga ng pagpapakahulugan sa kultura. Kung may dagdag sa teknolohiya ay may kaakibat na dagdag din sa kultura. Kaya naman may dalawang mukha ang komunikasyon sa social media, ang pagkakaroon ng kalakasan at kahinaan nito.

 Sa kalakasan nito, noon uso ang pagpapadala ng liham sa z tanggapan ng mga sulat at tumatagal ng isang linggo bago makuha ang liham. Ngayon, isang pindot na lang ay maari nang makausap at makita ang taong nasa malayo sa tulong ng social media. Isa pang halimbawa noon ay ang mahirap na pagkakaroon ng long distance relationship (LDR) dahil sa paraan ng komunikasyon, ngayon ay hindi na ito sagabal sa buhay ng tao. Maraming tao na rin ang nahahanap ang nawawalang pamilya sa pamamagitan ng pagpopost ng larawan sa facebook. Malaki rin ang tulong ng social media sa mga mag-aaral dahil nakapagtatanong sila tungkol sa kanilang aralin sa ibang kamag-aral gamit ang group chat.

 Isa naman sa kahinaan ng komunikasyon ngayon ang z paggamit ng mga salitang balbal o impormal na wika. Makikita sa bawat pag-uusap ang pagpapaikli sa mga komento o pahayag ng tao. Nang mauso ang teknolohiya, bitbit nito ang mga kagamitang tinangkilik ng masa. Isa ang pagkakaroon ng cellphone. Halos lahat ng tao ay mayroon nito kaya hindi maitatanggi na madali na ang paraan ng komunikasyon. Ngunit dahil dito, mas nasira ang wika dahil sa paraan ng kanilang pananalita. "Dito na me, wer na u?", "Nakita ko crush mo may kasamang iba. skl", at "Jgh from school, ang init". Halos lahat ng nakikita sa social media ay ganito na. Talamak na ang paggamit ng sablay na wika dahil sa pag-usbong ng teknolohiya.

z

 Isa pa sa mga kahinaan ng teknolohiya ang pagkalantad ng

malalaswang imahe ng tao. Ayon sa ulat ng CSl/FBI Computer Crime and Security (2000), sinasabi na 79 % ng mga kabataan ang umaabuso sa social networking sites at isa sa mga pag-abusong ito ay ang pagdownload ng pornograpiya. Ang mga kumakalat na fake news ngayon ay dagdag din sa mga kahinaan ng teknolohiya at social media. Madaling kondisyunin ang tao batay sa nakikita at nababasa lalo na sa internet.

z

SOCIAL MEDIA PLATFORMS  Narito ang mga uri ng social media platforms

na ginagamit bilang pangkalahatan sa internet.

SOCIAL NETWORKING  Gumagamit ito ng mga websites upang magkaroon ng

impormal na komunikasyon sa mga tao na may parehong interes sa loob ng isang pangkat o networks.  Halimbawa: Facebook, Google+, at Linkedln

z

Facebook  inilunsad ng grupo ni Mark 2004 bilang isang

eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard. Ito ang pinakasikat at pinakaginagamit sa lahat ng social media sites dahil sa simpleng pamamaraan ay nahahanap at nakakausap ang mga taong nasa malalayong lugar sa pamamagitan ng Facebook Zuckerberg noong pag-add sa kanilang account.

z

Google +  itinatag nina Larry Page at Sergey Brin noong

1996 bilang hanguan ng pangkalahatang kaalaman. Ginagamit ito upang humanap ng mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng search engine ng google. Marami

z

Linkedin  Inilunsad ni Jeff Weiner noong 2009 upang

gamitin sa paghahanap ng impormasyon sa isang kumpanya at nais na trabaho.

z

MICROBLOGGING  Inilalagay dito ang mga maiikling impormasyon at

bagong datos sa isang social media site. Maaari ding mag-subscribe, magbigay ng pribado at pampublikong mensahe ang mga gumagamit sa ibang tao. Dito rin nauso ang paggamit ng mga hashtags na naglalaman ng iba't ibang paksa.  Halimbawa: Twitter at Tumblr

z

Twitter  Itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz

Stone at Evan Williams bilang Twitter isang instrumento ng komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang account at paggamit ng mga hashtags na may kasamang opinyon o kuro-kuro na makikita ng ibang tao kapag hinanap nila ito sa search engine ng naturang social media site.

z

Tumblr  Itinatag ni David Karp noong 2007 na

pagmamay-ari na ng Oath Inc. Ginagamit upang maglagay ng mga larawan, inensahe, bidyo, mga sipi sa libro at audio na inilalagay sa kanilang blog na tumatalakay ng kanilang nais na paksa.

z

BLOGGING (PAGGAMIT NG MGA WEBSITES)  Inilalagay dito ang mga sariling opinyon,

artikulo at kuwento tungkol sa nais na paksa ng mga blogger. manunulat sa internet o blogger  Halimbawa: Wordpress at Blogger

z

WordPress  Binuo WordPress Foundation noong 20013

ginagamit ngayon upang lumikha ng bagong blog, website o aplikasyon na magagamit sa pagsulat ng sariling paksa.

z

Blogger  Sinimulang buoin ng Pyra Labs at

pagmamay-ari ng Google noong 1999. Tulad ng wordpress, ito rin ay lumilikha ng mga website at blog na malayang nagagamit ng sinoman dahil hindi kailangan ng anomang code sa Blogger pag-iinstall nito.

z

PAGBABAHAGI NG LARAWAN  Nakapagbabahagi dito ang sinoman sa

pampubliko o pampribadong account ng kahit anong larawan.  Halimbawa: Instagram, Flickr, Snapchat at

Pinterest at Pahina

z

Instagram  Binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng

Facebook na ginagamit ngayon sa pagbabahagi ng mga larawan o bidyo na makikita ng sinoman kung nakapampubliko ang kanilang account. Maaari na ring makipag-usap sa ihang tao sa pamamagitan ng direktang mensahe.

z

Flickr  Binuo nina Stewart Butterfield at Caterina

Fake noong 2004 at tulad ng Instagram, maaari ding magbahagi ng mga larawan at bidyo.

z

Snapchat  Binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy at

Reggie Brown noong 2011, dating mga magaaral ng Stanford University. Ginagamit ito sa pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan ng filter na mababago ang panlabas na anyo ng sinoman na haharap sa kamera. Maaaring magaya ang anyo ng alinmang hayop, tao at iba pa.

z

Pinterest  Itinatag ni Ben Silbermaan at ginagamit

ngayon upang magbahagi ng mga larawan na may paksa upang tumulong sa mga taong magbabasa nito. Halimbawa ng nilalaman hito ay mga recipe, mga tips sa buhay, inspirasyon ng tao at iba pang ideya. sa ong

z

PAGBABAHAGI NG BIDYO  pampubliko o pampribadong account ng kahit

anong bidyo. Nakapagbabahagi dito ang sinoman sa

 Halimbawa: YouTube, Vimeo, at Periscope

z

Youtube  Itinatag nina Jawed Karim, Chad Hurley at

Steve Chen noong 2005. Ginagamit ito upang magbahagi ng mga bidyo na o wala. Tube makikita ng publiko, may account man Kadalasang mapapanood dito ang trailer ng mga papalabas na pelikula at kanta.

z

Vimeo  Itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein

noong 2004 at ginagamit ngayon upang magbahagi ng mga bidyo partikular na ng mga maikling pelikulang ipinagbibili rin ng Vimeo

More Documents from "Lester Desaliza"