Mga Hulwarang Organisasyon Ng Tekstong Ekspositori

  • Uploaded by: Rose Ann Padua
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Hulwarang Organisasyon Ng Tekstong Ekspositori as PDF for free.

More details

  • Words: 712
  • Pages: 12
Loading documents preview...
Mga Hulwarang Organisasyon ng Tekstong Ekspositori

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkokontrast ng mga bagay sa isa’t isa gayundin ang karaniwang problema at mga kaukulang solusyon. 2. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. 3. Nakasusulat ng komposisyon na naglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian ng tao, bagay, pook o pangyayari. 4. Nakasusulat ng komposisyon sa mag alternatibong solusyon para sa isang tiyak na problema. 5. Nakasusulat ng komposisyong nagpapaliwanag sa sanhi at bunga ng mga pangyayari sa bansa.

• Karaniwan ding ginagamit ang paghahambing at pagkakaiba upang lalong maipakita ang katangian ng dalawa o higit pang bagay na pinaghahambing.



May kahalagahan din ang paglalahad ng suliranin at ang mga alternatibong solusyon dito. Sa hulwarang ito, pumapasok din ang pangangailangan sa pagsasabi ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.



Samakatwid, mahalagang mabatid ng isang nagbabasa o nagsusulat ang iba’t ibang hulwarang organisasyon na maaaring maging batayan ng mga tekstong ilalahad o inilalahad upang higit na maging malinaw ang mga ito.

PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST • Sa pakikisalamuha sa ating kapwa sa araw-araw, hindi maipagkakaila na tayo ay nagsusuri, namumuna at nagmumungkahi ng mga bagay upang higit na maging maayos ang ating pakikipag-ugnayan. Sa ganitong paraan, hindi natin naiiwasan ang maglahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian ng mga tao, bagay, pook o mga pangyayari.



Ginagamit ang paghahambing at pagkokontrast sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba pang katulad o kauri nito.

• Sa hulwarang ito ng organisasyon ng teksto, kailangan ang maingat na pagbasa sa teksto upang mabatid ang nilalaman nito at lubusang maunawaan ang layunin nito. 

• Pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na salita upang higit na mapalutang ang gagawing paghahambing at pagkokontrast.  Halimbawa: Mahiwaga ang buhay ng tao. Katulad nito ay alon sa dagat na hindi tiyak kung kalian mag-aalimpuyo. Maraming paghamon ang dumarating sa buhay ng tao na hinahanapan niya ng solusyon. Di tulad ng alon na walang makapipigil kapag ito ay dumaluyong, ang tao ay may sadyang katangian upang makontrol ang mga bagay na maaaring magdulot ng hindi maganda sa kanyang sarili at sa kapwa.

Dalawang Paraan ng Hulwarang ito:

• Halinhinan ( Alternating)- pagtalakay sa katangian.

• Isahan (Block)- ang ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang paksang pinaghahambingan at kinokontrast.

PROBLEMA AT SOLUSYON • Likas na sa buhay nating lahat ang pagkakaroon ng problema na lagi nating hinahanapan ng solusyon. Walang taong walang problema. At gayundin, walang bansang wala nito. Kung minsan, ang mga problemang ito ang siyang nagiging tulay upang magbago ang takbo ng buhay tungo sa higit na maunlad na pamumuhay sapagkat naghahanap tayo ng mga paraan na ikalulutas nito. Ang pagkakaroon ng problema sa buhay ay normal na pangyayari sa buhay ng bawat indibidwal. Ang hindi normal ay pabayaan na lamang na manatili itong problema. Sa ating pagbabasa ng mga akdang pampanitikan, Kapansinpansin na ang kwento ay umiinog sa isang nakatalagang problema na bibigyan ng kalutasan ng mga tauhang gumaganap dito. Ganoon din naman sa mga dula sa tanghalan at panoorin sa telebisyon.

• Sa huwarang ito ng organisasyon ng teksto, kailangang hanapan ng solusyon ang problemang ito. Halimbawa:

• Senaryo: Magtatapos na si Gil sa hayskul at nais niyang kumuha ng kursong arkitektura sa kolehiyo. Sa kasamaang palad, ang nakalaan sanang pangmatrikula niya ang nagamit sa pagpapagamot sa kanyang ama.

• Problema: Paano makapag-eenrol si Gil upang matupad ang kaniyang pangarap na makapasok sa paaralan sa unang semester ng pasukan?

• Solusyon: Isa sa mga solusyon dito ay mag-working students siya o dili kaya ay mag-aplay ng scholarship.

SANHI AT BUNGA • May mga pangyayaring nagaganap sa buhay natin na lagi nating itinatanong kung bakit ito nagaganap? Dito mariin nating sinusuri ang dahilan ng mga pangyayaring ito. Sa isang salita, inaalam natin ang sanhi ng mga pangyayaring ito. Samantala, ang mg pangyayaring naganap ang siyang naging bunga nito.

• Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na humahantong sa isang bunga.

• Halimbawa: • Narinig na umiyak ang isang sanggol. Bakit kaya? Marahil ay nagugutom siya. Sa pagkakataong ito, ang sanhi ng pag-iyak niya ang ang pagkagutom niya, kaya ang bunga, umiyak siya.

• Kalimitan, ang dahilan o sanhi ay nagdudulot ng higit sa isang bunga o kinalabasan. Maaaring ipakita ito sa sumusunod na dayagram:

Related Documents


More Documents from "Nanette Amongol"