Estruktura Ng Wikang Filipino

  • Uploaded by: Rose Ann Padua
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Estruktura Ng Wikang Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 702
  • Pages: 3
Loading documents preview...
Teodoro M. Luansing College of Rosario Namunga, Rosario Batangas

College of Teacher Education Preliminaryong Pagsusulit sa Estruktura ng Wikang Filipino Pangalan:____________________________

Petsa:________________

Seksiyon/ taon:________________

Iskor:_________

I. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. 1. Nagpapahayag ito ng isang buong diwa. 2. Tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. 3. Nagsisimula sa simuno at nagtatapos sa panag-uri. 4. Isang pahayag na hindi buo ang diwa. 5. Ito ay katumbas ng isang pangungusap. 6. Nagsasaad ng mga kalagayan o panahon na panandalian lamang. 7. Binubuo ng sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa. 8. Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. 9. Ito ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panag-uri. 10. Binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di makapag-iisa. II. Panuto: Piliin mula sa kahon ang salitang bubuo sa bawat pangungusap. Matarik Tanaw

tingin bibig

Matayog

sulyap mataas

matangkad

titig

bunganga

1. _________ ang bangin 2. Natuwa siya nang malaman niyang ________ ang nakuha niyang marka sa Filipino. 3. Malayo pa lang, _________ ko na siya dahil sa makapal na kolorete niya sa mukha. 4. Nabaling ang ________ ko sa dalagang katabi ko dahil sa maamo niyang mukha. 5. Nakatutunaw ang _________ mo. 6. _________ ang dalagang nagwagi sa pagandahan. 7. Ang pasimpleng _________ sa’yo ang bumubuo sa araw ko. 8. _________ ang lipad ng guryon. 9. Isa sa ikinatakot ko ay nang makita ko ang maluwang na _________ ng pating. 10. Ang makipot niyang _________ ay bagay sa kanya. III. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang wastong salitang bubuo sa diwa ng pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.

Ang bukol sa kanyang leeg ay ( ooperahan, ooperahin) na sa isang buwan. Nasuntok niya ang ( pinto, pintuan) dahil sa galit. (Pahirin, Pahiran) mo ng langis ang likod ko para hindi ako ginawin. Bukas na tayo magkita-kita ( kina, kila) Abby. (Iiwan, Iiwanan) na kita kung mananatili kang ganyan.

6. Ang mga yapak ng ating mga dakilang bayani ang dapat (sundi, sundan) ng mga kabataan ngayon. 7. (Susubukin, Susubukan) kong gamitin ang bagong labas na cellphone. 8. Ang mag-asawa ay (nagpakasal, napakasal) ng panganay na anak. 9. (Subukin, Subukan) mo ang sabong ito. 10. (Pahirin, Pahiran) mo ang uling sa iyong mukha. 11. Ang mga mata ni Jullia ay (ooperahin, ooperahan) sa ibang bansa. 12. Ibig (kong,kung) sumama sa inyong lumabas. 13. Mizzy, (pahirin, pahiran) mo ang butil-butil mong pawis sa noo. 14. (Subukan, Subukin) mo ang ginagawa ni Anthony sa paaralan. 15. Maingat ang lalaki sa ( pagtuntong, pagtunton) sa ibabaw ng upuan. III. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap sa Hanay A at hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga ito. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. 2. 3. 4. 5.

HANAY A Magandang hapon po. Maaaring magdulot ng di pagkakaunawaan ang inyong ginawa. Mayroon daw silang natirang pagkain. Maaga pa. Tag-ulan na naman.

HANAY B a. Pangungusap na Eksistensyal b. Pormulasyong Panlipunan c. Maikling Sambitla d. Modal e. Pangungusap na Pamanahon f. Pangungusap na Temporal

IV. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang sumusunod na pangungusap. a. Payak na Pangungusap b. Tambalang Pangungusap c. Hugnayang Pangungusap d. Langkapang Pangungusap 1. Lumaking mabuti si Minda ngunit inabuso siya ng mga tao sa bayan. 2. Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa. 3. Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng iyong magulang. 4. Nagtatag ng isang pangako si Arnel at umisip siya ng magandanh proyekto para sa mga kabataan sa kanyang pook. 5. Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya’t dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay. 6. Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan. 7. Dahil sa malakas na ulan, bumabaha sa bayan. 8. Nahuli na ang masasamang loobkaya’t payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin. 9. Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko. 10. Makakapasa talaga siya at makatatamo ng diploma kung magsisipag sa pag-aaral at magtitiis ng hirap. Inihanda ni: _____________________ ROSE ANN A. PADUA Instruktor Iniwasto ni : __________________________ RHANDELL M. GUIRRE Ph. D Dean

Related Documents


More Documents from "AnonymousTarget"