Filipino

  • Uploaded by: Von Bernal
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 7,923
  • Pages: 21
Loading documents preview...
REVIEW NOTES (FINAL) ARALIN 6

Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal I. Korapsyon Ito na yata ang pinakapalasak sa lahat ng isyung panlipunan sa buong sandaigdigan na mismong kahit saan ka lumingon ay kakikitaan ng ganito. Ika nga ng palabirong kataga ng sikat na komedyanteng si Vic Sotto sa kaniyang isang pelikula sa wikang Ingles eh, “What you can see to right is the opposite of your left, but sometimes it can be the same.” Marahil ang pinapaksa niya roon ay ang pangyayari sa kapaligiran na kaniyang kinamulatan sapagkat siya ay lumaki sa pagitan ng isang subdibisyon ng mamamayan at barong-barong na bahay ng katulad niyang mahirap. Ang titulo ng pelikula ay “Utak Pulburon” at kung ating pakaiisipin na ang katulad ng kaniyang karakter sa pelikula ay naoobserbahan ang mga pangyayaring ito, ibig sabihin nito’y talagang talamak na ang ganitong masamang gawain na ang mangmang na lang ang nagsasalita ay kibit balikat na lang ang mga nakapag-aral. Ano nga ba ang kahulugan ng KORAPSYON? Mula sa kaniyang denotasyon (literal na pagpapakahulugan), ito’y nangangahulugang pagmamalabis, pagkapahamak, katiwalian. Ayon kay Rolando B. Tolentino (UP Film Institute), nang kaniyang bigyan ng konklusyon ang kaniyang pag-aaral sa korapsyon, ito ang kinalabasan, “Ang wika at sining biswal sa korapsyon ay likha sa pangunahin ng kulturang nagpapalaganap nito. May vested interes kung bakit ganito ang katawagan sa kalakaran sa korapsyon, ang mga kulay at imahen nito sa mga tarpaulin na nagpapahayag ng aspekto ng publikong antas ng korapsyon, na ang publisidad para sa publikong serbisyo ay indikasyon din ng mas nakatagong korapsyong pampubliko. Integral sa pagbabalikwas sa kultura ng korapsyon ang mapanuring lente ng pagbabalangkas nito. At mula sa pagbabalikwas ng kondisyon ng posibilidad nang may kapangyarihang magpalaganap ng korapsyon, mailalatag ng mamamayan ang kondisyon ng imposibilidad para hindi na ito makapaghari.” Malawakan ang korapsyon sa bansa. Hindi na ito maitatwa. Ayon sa Ibon Media (2008), anim na malalaking korapsyon sa ilalim ni Gloria Macapagal-Arroyo ay may multi-bilyong kabawasan sa pondo ng bayan: “The six scandals, which include the fertilizer fund scam, the Jose Pidal bank accounts, The Northrail Project, the IMPSA power plant project, the poll automation project and the Macapagal Boulevard project, have collectively cost the Filipino people some P7.3 billion pesos.” Ang karumaldumal sa korapsyon ay ganito: sa isang bansang limitado ang kaniyang yaman, ang limitadong yaman ay napupunta pa sa kamay ng iilan. Ayon pa rin sa Ibon Media, “For example, it could have been used the help the Department of Education (DepEd) bridge its resource gaps of classrooms, textbooks and teachers. According to DepEd figures, its 2008 budget is still P8.43 billion short in order to bridge its resource gaps for the year. It could also have been used to increase subsidies for indigent patients in government hospitals such as the Philippine General Hospital.” Dahil sa paniniwala ng metapisika ng materyalidad, hindi na mababago pa ang pakahulugan ng korapsyon. Ang larangan na lamang ay ang paglaro sa kondisyon at karanasan ng korapsyon, hindi ang

pagbabalikwas ng kalakaran (Ayon kay G. Tolentino). Isama na rin natin ang pinaghalawan (pinagmulan) ng korapsyon ng mga entri sa diksyunaryo: Mula sa kalikasan: araw, galamay, ambunan, arbor, green Mula sa pang-araw-araw na bagay: bahaw, baterya, hamborjer, brown bag, bukol, butas, Calculator, gatasan, dummy, envelop, panggasolina, pampalamig, pampainit, milking, manok, kalburo, pwet ng baso, red tape, suyod, under the table Mula sa pang-araw-araw na kilos: bisto, hilot, himas, diskarte, estimahin, masahe, luto, lusto, lukot, laglag, gapang, shopping Mula sa krimen: bangag, bantay-salakay, bisikleta, gang, colorum Mula sa pelikula: bituing walang ningning, tinimbang ka ngunit kulang Mula sa syensya: bacteria, buwaya, buwitre, double dead, virus Mula sa sports: game-fixing, balato Mula sa korte: fixcal, falsification of records, blood money, hood in uniform, retainer Mula sa pag-aaginaldo: goodwill money, regalo Mula sa trabaho: 15:30, apprentice, boundary, agent, backer, downpayment, DTR, commission, Republic Act 1530 Mula sa eleksyon: dagdag-bawas, vote shaving, vote padding Mula sa cellphone: panload, G-100, G-300, S300 Mula sa edukasyon: grades for sale, principal Mula sa kababalaghan: ghost employee, ghost meeting, ghost project, ghost delivery Mula sa relasyon: principal, backer, ninong, ninang, padrino, kapit-an Mula sa pagsusugal: tong, balato Mula sa estado: bureaucrazy, for official use only Mula sa proper nouns: Chinatown, Department Store of Justice, Drakula, Greedy Group Plus Plus, Kamag-anak Inc., Lutong Macoy Hango mula sa leksyon ng grade 11- TVL sa paksang pagsulat sa piling larangan. Sa dalas ng korapsyon sa bansa, nakabuo nan ang sariling “lingo” o salitaan ang mga Pilipino upang tukuyin ang mga tiwaling transaksyon. Ang mga karaniwang termino ay ang sumusunod: 1. Areglo – Pagsasaayos ng isang sitwasyon sa paraang mas madali ngunit hindi katanggap – tanggap. 2. Ayos – katulad ng areglo 3. Backer – Maimpluwensyang tao na makasisiguro sa isang ninanais na resulta ang partikular na presyo 4. Barya-barya – maliliit na paglalagay 5. Kumisyon – Kabayaran sa transaksyong iligal 6. Lagay – Maaari ring suhol 7. Lakad – Pagsasaayos sa isang usapan o transaksyon, partikular ng permit o lisensya 8. Lutong-makaw – Katawagan sa pagdedesisyong mas pinaboran ng isang panig nang walang batayan 9. Rebate – Katulad ng kumisyon

10. SOP – Standard Operating Procedure. Ang awtomatikong porsyento o kabayaran na ibinibigay sa opisyal ng pamahalaan upang maisagawa ang transaksyong iligal. 11. Suhol – Maaari ring ilagay 12. Tongpat o Patong – Halagang idinagdag sa tunay na halaga ng isang produkto o serbisyo na magsisilbing kabayaran sa pagsasagawa ng transakyon 13. Padulas – Perang pambayad upang mas bumilis ang transaksyon 14. Pang-merienda – maliit na lagay

Nabubuhay ang korapsyon sa paglilihim. Sa isang transaksyong korap, madalas na parehong panig ang nabibigyan ng kalamangan na hindi naman nila dapat tinatamasa, at kadalasan din, mayroong ikatlong panig na nadedehado bagama’t hindi kabilang sa transaksyon. Madalang na ilantad ng anumang panig ang iregularidad ng isang transaksyong korap, at ang paglilihim na ito ang dahilan kaya nananatili at mas lumalakas ang korapsyon. Walang madaling solusyon sa korapsyon sapagkat

pangmatagalang pagpupunyaging

nangangailangan ng pasensya at pagsusumikap ang kailangan upang labanan ito. Halimbawa ng korapsyon: Manual ng SME’s (Small & Medium Enterprises) Inihahain namin ang manwal na ito sa mga SME na sawa na sa korapsyon at handing gawin ang kanilang bahagi sa pagtataguyod ng integridad at pananagutan sa pagnenegosyp. Layunin ng manwal ang magbigay kasagutan sa mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang korapsyon at bakit ito nangyayari?; (2) Sa anong sitwasyon maaaring asahan ng SME na maharap sa korapsyon?; (3) Paano mapangangasiwaan ng SME ang negosyo nito nang hindi nakikilahok sa korapsyon sa pang-araw-araw nitong 57 operasyon?; (4) Ano ang magagawa ng mga SME upang malabanan ang korapsyon? Ipinakikita ng mga panayam, focus group discussion, at palihan (seminar) na isinasagawa sa buong bansa kasama ang mga may-ari at tagapangasiwa ng SME na maaaring maging matagumpay sa pagnenegosyo nang hindi nakikilahok sa korapsyon. Nakita namin kung paanong binago ng ilang mga SME ang kanilang sistema upang maipatupad ang mga programa upang matukoy at maiwasan ang gawaing hindi etikal sa kanilang mga empleyado. Nakita naming kung paano nakakita ang iba ng simpleng solusyon sa kanialng pang-araw-araw na problema sa katiwalian. Nakita rin namin kung paano nagtulong-tulong ang mga SME nang nasa magkatulad na sitwasyon upang masolusyunan ang problema sa korapsyon. Sa pagsasama-sama ng mga subok nang pamamaraan at impormasyon at pagtampok sa mga success stories, nilalayon ng manwal na ito na makapag-ambag sa paghahanap ng mga SME nang mas matuwid at maayos na paraan ng pagnenegosyo. Ang manwal na ito ay tungkol sa nagawa na at maaari pang gawin ng mga SME, sapagkat sa mismong bilang pa lamang, may potensyal na maging pangunahing pwersa laban sa katiwalian ng mga ito.

Pag-unawa sa Korapsyon Halos pamilyar tayong lahat sa korapsyon. Kabi-kabila ang paglalantad sa diyaryo at telebisyon ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno na bagama’t hindi kataasan ang suweldo ay nagagawang makapagpapatayo ng malalaking bahay, nakabibili ng mga mamahaling sasakyan, at nakapagpapanatili ng malalaking deposito sa mga lihim na bank account. Nakagugulat at nakagagalit ang mga ganitong balita sapagkat malinaw na ginagamit ng mga opisyal na ito ang kanilang poder at posisyon upang mapayaman ang kanilang sarili gamit ang pera ng taumbayan. Gayunpaman, hindi natin kadalasan inaaming mayroon din tayong papel sa pagpapalaganap ng korapsyon. Ang ilang mga gawi, halimbawa, pagpapameryenda sa mga tauhan sa isang opisina ng gobyerno na nagpoproseso sa renewal ng iyong permit; pagpapadala ng regalo sa purchasing officer ng isang kumpanya kung saan nakikipag-bid ka upang maging suplayer, pagbibigay ng tip sa opisyal na customs na magpapalabas ng kargamento mo – lahat ng ito ay pangkaraniwan na lamang na nangyayari at tila tanggap na ito bilang normal na bahagi ng pagnenegosyo. Hindi madali ang pagtukoy sa korapsyon, lalo na kung ituturing nating kabilang pati mga karaniwang kilos natin dito.

Kahulugan at Porma ng Korapsyon Madalas na binibigyang – kahulugan ang korapsyon bilang “maling paggamit ng posisyon para sa pansariling kapakinabangan.” Nagiging korap ang mga inihalal at/o pampublikong opisyal sa oras na gamitin nila ang oportunidad na dala ng kanilang posisyon upang makalamang sa pamamagitan ng paglilipat ng pera o assets ng pamahalaan patungo sa kanilang mga bulsa. Mahahati sa dalawang uri ang korapsyon: petty o maliitang korapsyon at grand o malakihang korapsyon. Karaniwang nasasangkot sa maliitang korapsyon ang mga mababang opisyal ng pamahalaan na hindi nabibigyan ng sahod upang makapamuhay nang matiwasay. Kaya naman kailangan nilang dumepende sa maliit na suhol o lagay upang madagdagan ang kanilang kita. Ito ang karaniwang uri ng korapsyon na madalas kaharapin ng mga SME. Sa malakihang korapsyon, sangkot naman ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang kanilang posisyon upang kumita sa mga malalaking kontrata at proyekto na pinamuhunan ng pamahalaan o mga pribadong ahensya. Ang maliit na korapsyon ay maaaring umiral sa konteksto ng isang establisadong sistema o balangkas ng pamamahala, samantalang ang malakihang korapsyon ay sumisira sa sentral na gampanin ng pamahalaan, at maaaring magkaroon nang negatibong epekto sa politikal at pang-ekonomiyang istabilidad ng pamahaalan. Mga Porma ng Korapsyon: 1. Panunuhol – Ang pagbibigay ng benepisyo upang maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng isang tao. Ang benepisyo ay hindi kinakailangang pera. Maaari itong maging espesyal na pabor, regalo, pang-aaliw, pagbibigay-trabaho, pautang, o iba pang maibibigay upang makapang-udyok. Maaari din itong maging pampadulas, o maliit na halagang hinihingi ng mga opisyal ng pamahalaan upang mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo na karapatan mo namang tamasin. 2. Pangingikil – Paggamit ng pananakot, paninira, o iba pang pagbabanta upang mapuwersang makipagtulungan ang isang tao. Maaaring gumamit ang isang public prosecutor ng pagbabanta ng kriminal na prosecution bilang batayan ng pangingikil. Sangkot din dito, halimbawa, ang mga bomberong tumatangging patayin ang apoy sa isang gusali hangga’t walang kabayaran.

3. Kickbacks – iligal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na magpasya o mangimpluwensya sa mapipiling bigyan ng isang kontrata o transaksyon. Karaniwang pinapatungan ang presyo ng kontrata o transaksyon upang magsilbing kickback sa taong nakapagbigay ng espesyal na pabor sa isang partikular na indibidwal o kumpanya. 4. State Capture – Isang sitwasyon na magbabayad ang makapangyarihang indibidwal o grupo sa mga opisyal ng pamahalaan upang maipasa ang mga batas o regulasyon na makapagbibigay nang hindi patas na kalamangan sa nasabing indibidwal o grupo. May mga nagsasabing sa isang bansa tulad ng Pilipinas kung saan mahalaga ang pagbibigay ng regalo ay mahirap matukoy kung isang regalo ay tunay ngang kusang – loob na ibinigay o talagang isang suhol. Gayunpaman, ang totoong regalo ay dapat na walang kapalit. Kung ibinibigay ang regalo, anuman ang halaga nito, upang makaimpluwensya sa pagkilos o pagpapasya ng pinagbigyan nito, isa itong suhol.

Korapsyong Pribado-sa-Pribado Hindi kinakailangang konektado sa pamahalaan upang masangkot sa korapsyon. Maaaring mangyari ang korapsyon kahit sa pagitan ng dalawang nagmumula sa pribadong sektor. Nangyayari sa pribado-sa-pribadong korapsyon kapag ginagamit ng isang opisyal o empleyado ng isang kompanya ang kaniyang kapangyarihan uang impluwenshayan ang pagganap sa isang tungkulin sa kompanya, at ginagamit ang kapangyarihan upang iyon na makakuha ng personal na kapakinabangan na may masamang epekto sa kompanya. Maaaring mangyari ang pribado-sa-pribadong korapsiyon sa iba’t ibang porma at sitwasyon. Mga halimbawa: 1. Purchasing at Procurement – regalong pera o pang-aaliw na ibinibigay ng sales representative ng isang kompanya sa purchasing manager ng isa pang kumpanya upang makakuha ng produkto o serbisyo. 2. Pautang o Iba pang Serbisyong Pinansyal – kabayaran ng isang kumpanya sa bank manager o loan officer upang makuha ang approval sa pautang. 3. Pag-eempleyo at Pagbibigay ng Promosyon – regalong ibinibigay sa personal na direktor ng kumpanya upang masiguro ang pagka-empleyo o promosyon ng nabibigay nito. 4. Audits – kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firm ng kumpanyang inoaudit upang hindi na nila pansinin ang ilang iregularidad. 5. Publisidad at Promosyon – kabayaran ng isang kumpanya sa mga mamamahayag upang pumanig ang mga ito sa kompanya o upang hindi ilabas ng mga ito ang mga negatibong isyu laban sa kompanya.

Tulad ng korapsyon sa pamahalaan, negatibo ang resulta sa mga SME ng pribado-sa-pribadong korapsyon. Sa parehong porma, may isang nasa pinagkatiwalaang posisyon ng kapangyarihan na kumikilos nang hindi naaayon sa kaniyang tungkulin at responsibilidad upang personal na kumita mula sa isang transaksyon na nagiging posible dahil sa kaniyang posisyon.

Mga Sanhi ng Korapsyon Hindi nagaganap ang korapsyon nang walang dahilan. Magpapasya lamang ang isang tao na masangkot sa korapsyon kung malaki ang kapakinabangan at maliit ang tsansang mahuli. Kung gayon,

ang opisyal ng pamahalaan na hindi sapat ang sahod upang suportahan ang kaniyang pamilya ay matutuksong tumanggap ng suhol o lagay upang madagdagan ang kaniyang kita lalo na kung naniniwala siyang maliit ang posibilidad na mahuli siya. Ayon kay Robert Klitgaard, kilalang eksperto sa antikorapsyon, mayroong pormula kung paanong nagaganap ang korapsyon: C=M+D–A C ay Corruption o Korapsyon M ay Monopoly o Monopolyo D ay Discretion o kalayaang pumili A ay Accountability o Pananagutan

Ayon sa pormula, ang isang sitwasyon ay malamang na humantong sa korapsyon kapag ang isang tao ay mayroong monopolyo sa isang produkto, bilihin o serbisyo. Nabibigyan siya ng eksklusibong kalayaang mamili o magdesisyon kung sino ang makatatanggap nito, at wala na siyang pananagutan kung paano siya nagpasya matapos niyang gawin ang pagpapasyang yaon. Maraming mga salik na nag-aambag sa tumbasang M + D – A. Kabilang dito ang sumusunod: 1. Hindi malinaw, kumplikado, at madalas na nagbabagong batas at regulasyon. Ang mga batas o regulasyong hindi malinaw o hindi nagkakaugnayan ay nagbibigay nang pagkakataon sa mga opisyal ng pamahaalan upang malaya nilang bigyan ng sariling interpretasyon. Hindi matiyak ng mga negosyante ang kanilang karapatan at obligasyon, kaya naman pumapayag sila sa korapsyon upang maiwasan ang hindi makatarungang desisyon ng mga opisyal na pamahalaan. 2. Kawalan ng transparency at accountability. Kapag walang nagbabantay sa mga transaksyon, ang pamantayang ginagamit sa pagpasok sa mga transaksyong ito ay hindi nasusukat. Ang mga taong sangkot sa transaksyong ito, kung gayon, ay hindi na mapasasagot sa kanilang aksyon. 3. Kawalan ng kumpetisyon. Ang mga kumpanyang may monopolyo sa pagbebenta ng produkto /bilihin o pagbibigay ng serbisyo ay mayroong malakas na impluwensya upang masuhulan ang mga opisyal ng pamahalaan upang ang mga desisyon nito ay mapanigan ang kanilang interes. 4. Mababang pasahod sa pampublikong sektor. Kapag ang mga opisyal ng pamahalaan ay hindi nababayaran nang sapat upang makapamuhay nang matiwasay, malakas ang tukso ng korapsyon upang madagdagan ang kanilang kita. Gayundin, sa baba ng kanilang sweldo, madalas na hindi na nila inaalala ang pagkatanggal sa trabaho sa oras na mahuli silang nasangkot sa korapsyon. 5. Kulang, pabago-bago at hindi patas na pagpapatupad ng batas at regulasyon. Kapag ang batas ay hindi ipinapatupad nang patas, alam ng mga taong maaari silang manuhol upang maiwasan ang multa at iba pang parusa.

Kung gayon, sa pagtasa kung paano bibigyang solusyon ang isang problemang kaugnay ng korapsyon, kailangan nating isaalang-alang kung paano maiiwasan ang monopolyo ng taong humihingi ng lagay, kung paano natin malilimitahan ang kalayaang magpasya ng nanghihingi ng lagay, at kung paano natin mapapanagot ang taong nanghihingi.

II.

Konsepto ng “Bayani” Ang salitang bayani ay isang simpleng salita lamang, subalit kung ikakabit ito sa pangalan ng

sinumang tao’y bumibigat ng kusa at patuloy na papatungan ng mga perpektong responsibilidad. Una, kapag kinilala kang bayani habang nabubuhay ay kikilos ka nang maayos, modelo at kapita-pitagan sa lipunang ginagalawan at ikalawa nama’y kikilalaning bayani sa paglisan sa mundong ibabaw ay pagaaralan lahat ng mga nangyari sa buhay mo na nagmarka sa karamihan o di kaya’y kapupulutan ng aral ng mga kabataang nagsisimula pa lamang gumalaw sa ating lipunan. Ang ikalawa ang pinakamainam sa lahat sapagkat ambisyon ito ng karamihan. Naitanong mo na ba sa sarili kung paano ka aalalahanin ng mga taong nakasalamuha mo? Ano ang sasabihin sa iyo ng mga kabataang makaririnig sa kuwento ng buhay mo? Nakakikilabot kung pakaiisipin sapagkat wala na tayo para marinig ang kanilang sasabihin at hindi natin ito maririnig para man lamang maipaliwanag natin kung sila’y nalalabuan. Iba’t Ibang kahulugan ng salitang bayani:

=https//Brainly.ph>Senior high School>History Dec. 11, 2015 – Ang bayani ay isang tao na gumawa ng isang dakilang gawain. Layunin nila na makatulong sa iba upang maging maayos ang buhay. Ang salitang bayani ay ginagamit na pantukoy o pang-uri sa mga taong naglalaan ng tulong o pagpapahalaga sa kapakanan ng iba. Ang kahulugan ng bayani ay ang mga taong may galang sa kapwa. Hindi lamang sina Andres Bonifacio ang naging bayani. Lahat ng tao na may paggalang sa kapwa tao. =https://tl.wikipedia.ord/wiki/Kabayanihan Ang isang bayani ay taong mayrooong kabayanihan, at mayroong kaugnayan sa pagiging magiting o matapang.

=https://mgarandomnanaisipan.wordpress.com Nov. 10, 2016 – Bayani o sabihin na nating “hero” sa salitang ingles. Ayon sa Merriam Webster, “A hero is: a man admired for his achievements and noble.”

=www.bayani.com/kuta/kah.ph Ayon nina Julio Gomez dela Cruz, Jr. at Marlon C. Magtira, ang salitang bayani ay may sariling kasaysayan.

=https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18438449131 June 3, 2015 – Ang kahulugan ng bayani na nakaugnay sa bayan ay nagbabago. Ang konsepto ng bayani ay nagkakaroon ng bagong kahulugan. Sulyap sa Kasaysayan ng ating Pambansang Bayani Kahalagahan ng pagtuturo ng buhay at isinulat ni Rizal. Ang impormasyong nakapaloob dito ay hango sa aklat ni Rizal galling sa “Life and Works of Rizal” ni Zadie.

-Itinuturo ng mga gawa nina Rizal ang Nasyonalismo o ang pagmamahal sa bayan. Ang konsepto ng Nasyonalismo ay naitatanim agad sa mga tao sa murang edad gamit ang modyul na ito.

Paano naging pambansang bayani sa Rizal? Mayroong dalawang tao ang pumili ng pambansang bayani ng Pilipinas. o William Howard Taft – pangulo ng unang komisyon ng Estados Unidos ay nagpasiyang pumili ng isang bayani para sa Pilipinas. o Dr. H. Otley Beyer – nag “propose” siya ng apat na pagbabasehan nang pagpili ng pambansang bayani ng Pilipinas: 1) Isang Pilipino 2) Yumao na (namatay na) 3)

May

matayog

na

pagmamahal

sa bayan

(nagpapakita ng nasyonalismo) 4) Mahinahing Damdamin (calm disposition)

o Mayroong limang taong pinagpilian: 1) M.H. Del Pilar 2) Antonio Luna 3) Graciano Lopez-Jaena 4) Emilio Jacinto 5) Jose Rizal

o Ang unang pinili ng mga namimili ay si M.H. Del Pilar, ngunit pagkatapos nang malalim na pagiisip ay gumawa pa sila ng isang kaytirya:

5) Dapat ay madula ang pagkamatay

o Dahil sa adisyonal na kraytiryang ito, pinili nila si Jose Rizal. Dahilan ng pagkapili kay Rizal: -

Siya ang kauna – unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisang maghimagsik sa mga dayuhang manankop.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

BAYANI heroes, Overseas Filipinos, OFWs, values, bayani Ang unang naiisip kung mabanggit ang bayáni ay sina Jose Rizal at Andres Bonifacio. Batay sa kanila, ang bayáni ay matapang, may matinding pag-ibig sa bayan, at nagbubuwis ng buhay para rito. Wari namang nagmula ang salitâng “bayáni” sa “báyan.” Ang kahulugan at halaga ng bayáni kung gayon ay mahigpit na nakaugnay sa bayan. Ang kahulugan ng bayani na nakaugnay sa

bayan

ay

nagbabago

batay

sa

pangangailangan ng bayan sa isang tiyak na panahon. Sa sinaunang panahon, ang itinuturing na bayani ay mandirigma at pinunò. Mahusay siyáng lider o timuáy at magiting sa pagtatanggol ng kaniyang sakop. Sa ilang pangkatin sa Mindanao, tinatawag siyáng bagáni. Sa panahon ng himagsikan noong 1896, ang bayani ay hindi na lámang tumutukoy sa matapang na pinunò. Bagkus itinuturing na bayani sa Katipunan kahit ang karaniwang anak ng bayan, ANB, na nagmamahal at handang mag-alay ng dugo at pawis para sa bayan. Bunsod nitó, ang bayani ay tumukoy na sa lahat ng uri ng tao na nakilahok sa Himagsikang 1896 maging babae man o lalaki, batà o matanda, ilustrado o mangmang. Sa panahong iyon, ang kabayanihan ay nakabukás para sa lahat na tumutugon sa pangangailangan ng bayan gamit man ay tabak o panulat. Sa panahon ng kapayapaan, higit na kailangan ang mga bayani na maglilingkod sa bayan, lalo na sa serbisyo sibil, kahit maliit ang suweldo. Hinihingi ito ng panahon bunga ng nakubikóng na hálagáhang pambansa mula sa pananakop ng mga Americano. Bahagi ng nakubikóng na kamalayan (warped consciousness) ang lubhang pagmamahal sa banyagang kultura at ang kaalinsabay na kawalan ng malasakit sa sarili. Bahagi rin nitó ang lubhang pagsisikap para sa pansariling yaman, sukdang magnakaw at manloko ng ibang tao, at ang kaalinsabay na kawalan ng interes na makilahok sa gawaing pambayan. Dahil sa ating “napinsalang kultura” (damaged culture), kailangan ang

reoryentasyong pambansa. Kailangan, wika nga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang sámasámang pagtahak sa Daang Matuwid laban sa korupsiyon. Bunsod din ng mga bagong pangangailangan ng bayan, ang konsepto ng bayani ay nagkaroon ng bagong kahulugan—ito ay ang pagsasakripisyo. Tumutukoy ito sa pagsasakripisyo para sa mga mahal sa buhay; gagawin ang lahat para sa ikabubuti at kapakanan ng pamilya. Sinasalamin nitó ang pagsasakripisyo na dinaranas at tinitiis ng mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa. Bunga nitó, ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay tinaguriang mga “bagong bayani” hindi lamang dahil sa mga tulong na naibibigay nilá sa kani-kanilang pamilya kundi gayundin sa ating bayan sa pamamagitan ng pagbuhay nilá sa ating ekonomiya dahil sa kanilang mga iniuuwi o ipinapadaláng salapi. (LN)

Sanggunian: Cite this article as: bayáni. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bayani/

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* Ipinaskil noong Hunyo 12, 2013

ISANG PAGPUPUGAY SA ATING MGA BAYANI AT SA PAMANA NILANG KALAYAAN by Ferdinan S. Gregorio Noong ika-12 ng Hunyo 1898, sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-5 ng hapon, idineklara ni Hen. Aguinaldo sa kanyang bahay sa Cavite el Viejo (Kawit) ang kalayaan ng Pilipinas. Iwinagayway sa bintana ng bahay ni Hen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na tinahi ni Marcela Agoncillo sa Hong Kong, at tinugtog ang pambansang martsa na noo’y wala pang mga titik. Binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa mga Pilipinong naroroon sa harap ng bahay ang Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino. Kung tayo’y magbabalik-tanaw sa mga pangyayaring naganap bago ang paghahayag ng ating kasarinlan noong makasaysayang araw na yaon, ang labis na pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino ang pangunahing dahilan kaya’t ang ating mga bayani ay lumaban sa pamahaalang kolonyal. Sa higit tatlong siglong pananakop ng Espanya, nakalasap ang mga Pilipino ng iba’t ibang uri ng pagmamalabis gaya ng sapilitang paglilingkod sa sistemang Polo, mataas na buwis, sistemang bandala, pagsupil sa karapatang makapagpahayag ng mga opinyong salungat sa mga polisiya ng pamahalaan at iba pang anyo ng pang-aapi. Bagamat ang pormal na deklarasyon ng kalayaan ng ating bansa ay ipinahayag noon lamang ika-12 ng Hunyo 1898, marami nang mga pag-aalsa ang naganap sa simula pa lamang ng pananakop ng mga dayuhan. Ilan sa mga pag-aalasang yaon ay pinamunuan ng mga Raha ng Tondo, ni Sultan Kudarat sa Maguindanao, Tapar sa Panay, Diego at Gabriela Silang sa Ilokos, Maniago sa Pampanga, Dagohoy sa Bohol, Hermano Pule sa Tayabas (ngayo’y Lalawigan ng Quezon), Datu Amai Pakpak sa Marawi at marami pang iba. Labis ding

nakapagpaalab ng damdaming makabayan ang pagbitay sa GOMBURZA noong 1872 at pagbaril kay Jose Rizal noong 1896. Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang anyo ng pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipa’t damdamin na ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa – isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang pagbalangkas ng saligang batas na magiging batayan ng mga alituntuning susundin ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Naging inspirasyon ang mga ninuno’t bayani natin upang tayo’y mangarap at gumawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa. Ang bayaning tulad ni Mabini ay nagpakita na hindi hadlang ang kapansanan upang makapag-ambag sa mga adhikaing isinusulong para sa kabutihan ng bayan. Si Tandang Sora nama’y hindi ininda ang katandaan sa paglilingkod sa kapwa Pilipino. Kung sina Rizal, M.H. del Pilar, Lopez-Jaena at iba pang mga propagandista’y gumamit ng pluma at papel sa pakikipaglaban, sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo nama’y gumamit ng sining upang gisingin ang nasyonalismong Pilipino. Ipinamalas ni Bonifacio na ang kakapusan ng mataas na antas ng edukasyon ay hindi maaring makapigil sa pag-usbong ng damdaming makabayan. Ginamit naman nina Lapu-Lapu, Sultan Kudarat, Diego Silang, Emilio Aguinaldo, Gregorio del Pilar at mga Katipunero ang kanilang lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan. Nakita natin sa ating mga bayani ang pagnanais na makawala sa gapos ng pananakop – bagamat magkakaiba sila ng pamamaraan ng paglaban, iisa ang kanilang layunin – ang maging malaya ang ating bansa. Maliban sa paggunita ng ika-115 taong anibersaryo ng ating kalayaan, ang taong ito rin ay natatangi sapagka’t ipagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ay sumagisag sa karaniwang Pilipino na nagnais magkaroon ng pagbabago sa lipunan. Una siyang sumapi sa La Liga Filipina at nang mabuwag ang samahan, pinamunuan niya ang pagtatatag ng Katipunan upang makamit ang minimithing kalayaan. Nagsulat rin siya ng mga sanaysay at tulang gaya ng Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na lalong nakapagpaalab ng nasyonalismong Pilipino. Napakahalaga ng bahaging ginampanan ni Andres Bonifacio noong panahong kasukdulan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan. Pinangunahan niya ang pagpunit ng sedula bilang hudyat ng paglaban sa mga mananakop. Siya rin ang namuno sa mga Katipunerong lumusob sa mga sundalong Espanyol sa San Juan del Monte noong ika-30 ng Agosto 1896 ay nagmarka sa ating kasaysayan. Magpahanggang ngayon, maraming kabataang Pilipino ang humahanga sa kanyang katapangan. Maraming mga aklat at mga artikulo sa pahayagan ang patuloy na naisusulat hinggil sa kaniya. Hindi rin tayo nakalilimot na bigyang parangal si Gat Andres tuwing ika-30 ng Nobyembre bilang paggunita sa kaniyang kabayanihan. Maliban sa pagiging isang rebolusyonaryo, larawan rin si Gat Andres ng kasipagan at mapagmahal na kapatid sapagkat bagamat naulilang lubos sa murang edad, nagtinda siya ng pamaypay at kinalauna’y nagtrabaho bilang bodegero upang buhayin ang sarili at matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang nakababatang mga kapatid.

Nakamit ang Kalayaan noong 1898 sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa pagkakaroon ng iisang layunin na wakasan ang mga suliraning panlipunan sa ating bayan. Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ang laganap na pagmamalabis ng pamahalaang kolonyal ay nagdulot ng labis na kahirapan sa ating bayan. Nagkaisa ang mga Pilipino noon na lumaban para sa kasarinlan hanggang sila’y magtagumpay. Sa kasalukuyang panahon, bagama’t wala na tayo sa ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang mananakop, dapat tayong magkaisa upang labanan naman ang kakapusan ng wastong edukasyon, pagkagutom, kawalan ng maayos na hanapbuhay at korapsyon upang matamo natin ang kaunlaran at makalaya tayo sa kahirapan. Ang pansariling disiplina at pagsunod sa ipinatutupad na batas ang isa sa mga pangunahing hakbang upang mabigyang-saysay ang pagdiriwang ng ating Kalayaan. Ang kalayaan ay hindi nangangahulugan na malaya tayong gawin anuman ang ating naisin, bagkus ay may kalakip na responsibilidad bilang mamamayan. Hindi sapat na sabihin lamang nating tayo ay nagmamahal sa bayan. Dapat na may kaakibat itong gawa. Dapat ring tayo ay maging masipag at produktibong mga mamamayan upang tuluyang magapi ang kahirapan. Ang mga kabataan nama’y dapat na pagbutihin ang kanilang pag-aaral nang sa gayo’y magkaroon sila ng maayos na trabaho sa hinaharap at kung magkapamilya ay mapag-aaral din nila ang kanilang mga anak. Kapag nagkagayon, unti-unting mawawakasan ang kahirapan, kakulangan ng wastong edukasyon at korapsyon sa ating bansa.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-**-*

Ang Tinaguriang Modernong Bayani (OFW’s) Ayon kay Ma. Jovita Zarate, ang retorika ng kabayanihan ay espesyal sa anumang bansang nagsisikap na mabuo ang identidad. Ang konsepto ng bayani ay makikita ay makikita sa mga etnoepiko at maging sa makasaysang yugto nang tinalikdan ng indibidwal ang awtoridad para isulong ang kapakanan ng nakararami. Sa ngayon, ang opisyal na retorika ng kabayanihan ay dumadaloy sa penomeno ng overseas Filipino workers (OFW’s) dulot ng kanilang mahalagang kontribusyon sa ekonomiyang matumal at pabulusok ang direksyon ng pag-unlad. Susuriin sa papel ang representasyon ng OFW’s sa isang antolohiya ng dramang pantelebisyon, nang dahil sa iyong paglisang at sisipatin kung paano pinalilitaw rito ang retorika ng bagong bayani. Pagkatapos ay titingnan din kung paano lumalayo ang ganitong konsepto ng kabayanihan sa makasaysayang pagunawa ng mga Pilipino rito.

Sanggunian: https://ejournals.ph/article.php?id=7913

III. 10 Isyu na Hinihintay natin ang Pagbabago Mula sa ginawang pag-uulat nina Dom Guamos at Lady Ann Salem (2017) By Manila Today Staff – narito ang 10 isyu na hinhintay natin ang pagbabago. “Change is coming,” iyan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang kampanya sa pagkapangulo hanggang sa kaniyang panunungkulan. Ngunit marami pa rin sa mga ‘di-mamatay-matay na isyu ang patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino at inaabangan ang aksyon na gagawin ng pangulo.

1. KONTRAKTUWALISASYON Pinakamahalagang ipinangako ng Pangulo sa usaping ito ang mismong pagwawakas ng kontraktuwalisasyon sa loob ng isang taon. Sinabi ng administrasyon na magiging regular na ang kalahata sa kasalukuyang mga kontraktwal na manggagawa tapos wala nang kontraktwal pagdating ng 2017. Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘win-win’ solution na tila mapapawi lamang ang pagiging kontraktwal sa pangalan. Laman ng sinasabing ‘win-win solution’ na bigyan ng mga benepisyo ang mga regular na manggagawa gaya ng leave credits, 13th month pay, SSS, Philhealth, at iba pa. Kasama rin dito na maaaring maililipat ang mga manggagawa batay sa pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin ang agency, pero papayagan ang mga kumpanya na kumuha ng mga manggagawa o mag-outsource ng seasonal kung ganoon ang pangangailangan. Ang mga mawawalan ng trabaho ay kailangan hanapan ng trabaho sa loob ng tatlong buwan o kung umayaw na maghintay ang manggagawa ay bibigyan siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang kumpanya. Magkakaroon daw ng mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya gaya ng hindi pagpayag na magkaroon ng subcontractor ang mga contractor sa construction, pagkakaroon ng sapat na kapital ng mga kumpanya na kayang pasahurin at bigyan ng mga benepisyo ang mga manggagawa nito. Nakabalangkas na ang panuklanag ito bilang Department Order (DO) 30, na sinasabi nila Dole Secretary Silvestre Bello III na papalit sa DO 18-A na nagliligalig sa kontraktuwalisasyon at lumampas sa mg probisyon ng mga batas sa paggawa sa bansa. Tinawag itong ‘lose-lose solution’ ng mga gurpo ng manggagawa, kabilang ang Kilusang Mayo Uno, Trade Union Congress of the Philippines, Nagkaisa, Partido Manggagawa, at iba pa. Panawagan ng mga manggagawa na pigilan ang DO 30 at sa halip ay totohanin ng gobyerno na wakasan ang lahat ng porma ng kontraktuwalisasyon.

2. TRAPIK SA METRO MANILA Bata, kabataan, matanda, guro, estudyante, doctor, call center agent, kung ikaw ay taga-Metro Manila, apektado ka sa malalang pagsisikip ng trapik sa Metro Manila. Mayroong mahigit 520,000 na sasakyan ang bumibiyahe sa EDSA sa parehong direksyon araw-araw. Oras at milyong pera ang nasasayang araw-araw sa paghihintay na makarating sa kani-kanilang mga destinasyon ang mga mamamayang naiipit sa trapik. Bukod rito maraming mga kaguluhan tulad ng mga pag-aaway at aksidente ang dulot ng trapik. Lalong malala ang trapik kapag panahon ng Kapaskuhan.

Para namang na-déjà vu ang mga mamamayan sa binitiwang pahayag ng Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na isa lamang itong ‘state of mind’ ng mga Pilipino. Nakabinbin halos mula sa pagbubukas muli ng Kongreso ang hinihinging emergency powers para sa pangulo para tugunan ang trapik. Bahagi ng mga panukala na paggagamitan ng emergency power ang mga proyekto sa kalsada, tren at transportasyong panghimpapawid. Sa kalsada, nariyan ang plano sa metro bus raid transit line at mga integral terminal. Sa tren, planong i-extend ang LRT-1 sa Cavite, ang LRT-2 sa Pier 4 at Masinag, at ang PNR sa Pampanga at Laguna gayundin ang pagtatayo ng 5 pang linya ng tren. Sa pamamahala naman, nais na ireorganisa ng pangulo ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Dumarami pa rin ang mga sasakyan at taong dumadagsa sa Kamaynilaan. Sapat na nga kaya ang mga proyektong ito para tugunan ang masahol na karanasan at trapik sa araw-araw? Mababawasan ba ang trapiko sa Metro Manila kung nananatiling dito lang ang konsentrado ng “kaunlaran” at sa iilang urban area sa bansa?

3. MASS TRANPORT SYSTEM Matatandaang binanggit ni Pangulong Duterte na isa ang mass transport system ang prayoridad na proyekto ng kanyang administrasyon. Tila nakatali pa sa emergency power sa trapik ang pagtugon sa inaasam na mass transport system sa bansa. Habang wala pa ito, ilan sa mga naunang solusyon ng Department of Transportation ang Communication na point-to-point bus at express connect. Nariyan din ang bus rapid transit project at modernisayon ng mga jeep. Ngunit wala pa ring nagagawa sa pagpapabuti ng LRT-1, LRT-2 at MRT3 na tinatangkilik ng mahigit 1.3 milyong pasahero kada araw. Dagdag pa sa pangit na serbisyp ng tren ay patuloy na lumalalang pagsikip ng trapik sa bansa, kaya naman hindi maiwan-iwan ng mga pasahero ng tren sa kabila ng bulok nitong sistema. Lalo sa pagdating ng panahon ng Kapaskuhan, lumala ang trapik, lumala ang surge ng Uber at Grab habang hindi sapat at regular ang mga biyahe pa-probinsiya na nagdulot din ng pasakit sa libulibong naghintay sa istasyon ng mga bus, na-stranded at hindi nakauwi sa oras para makapagbakasyon o makapag-Pasko kasama ang mga pamilya. Malaking bagay para sa mga mamamayang Pilipino na araw-araw bumibiyahe gamit ang pambublikong sasakyan kung magkakaroon ng mas maayos na sistema sa mass transport. Tutunguhin nga ba ng administrasyon ang paglulunsad ng episyenteng mass transport system?? Patatakbuhin na ba ng gobyerno ang sistema ng tranportasyon sa bansa sa halip na ipagpatuloy ang mga hindi pantay na kontrata sa mga private maintenance contractors nito na malubha ng kalidad ng serbisyo?

4. DE-KALIDAD AT MAKAMASANG EDUKASYON Unang taon ito (2016) ng pagpapatupad ng Senior High School (SHS) sa programang K to 12 na ipinatupad mula pa sa nakaraang administrasyong Aquino. Tinatayang 400,000 ang hindi nakapagaral at aabot 200,000-400,000 muli ang hindi makaka-enrol sa Hunyo 2017, kung saan mapupunuan na pareho ang Grade 11 at 12 ng SHS.

Nagpapatuloy pa rin ang mga neoliberal na polisiya sa edukasyon na naglalayong lumikha ng laksa-laksang semi-skilled labor para sa mga local at internasyunal na kumpanya at nagreresulta sa pagbabansot sa kinabukasan ng bansa at ng mga kabataan. Bukod sa programang K to 12 nariyan ang academic calendar shift ng mga unibersidad, ang napipintong GE reform sa University of the Philippines at higit sa lahat, ang patuloy na pagsusulong ng libreng edukasyon. Sa kabila ng napakaraming problemang ito, patuloy pa rin ang hanay ng mga estudyante sa paggigiit ng kanilang karapatan sa abot-kaya at de-kalidad na edukasyon. Sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre, isang magandang balita ang bumungad sa mga estudyante nang maaprubahan ang P8 billion na pondo sa mga state universities and colleges na nakalaan para sa libreng matrikula ng mga mag-aaral. Naging maugong ang usap-usapan tungkol sa libremh edukasyon para sa lahat ng magaaral sa kolehiyo sa susunod na pang-akademikong taon. Ngunit nilinaw na ito ay para sa mahihirap na mag-aaral. Ang pondong nakalaan ay para rin lamang sa iisang taon na pag-aaral at hindi pa nakatitiyak sa mga susunod na taon o sa mga susunod na administrasyon. Para sa mga grupo ng kabataan na matagal nang nakikipaglaban para sa mas mataas na subsidiyo sa edukasyon, isang indikasyon ito na posible at kaya talagang laanan ng gobyerno ng libreng edukasyon.

5. PAGPAPALAYA SA MGA BILANGGONG PULITIKAL Naging malaking usapin ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal sa loob ng anim na buwan sa pwesto si Duterte, lalo na sa pagtatapos ng taon kung makailang ulit na nangako si Duterte at mga opisyal ng administrasyon na palalayain ang mga bilanggong pulitikal bago ang Human Rights Day, bago mag-Pasko, bago matapos ang taon, at iba pa. Bago sana ang pangakong ito ng gobyerno, ngunit gaya

ng

maraming

pagkakataong

pagbibigay-hustisya

sa

mamamayan

ay

napako

ito.

Nagpakasunduan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal bilang confidence building measures sa pagsisimula ng usapan, lalo pa’t ang pag-aresto at pagkapiit sa mga ito ay paglabag sa mga nalagdaang kasunduan sa peace talks gaya ng Comprehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Isa sa mga pangunahing agenda sa panunungkulan ni Pangulong Duterte ang pagkakamit ng kapayapaan sa bansa. Unang napalaya ang 19 NDF peace consultants para makalahok sa unang round ng peace talks noong Agosto sa Oslo, Norway. Matapos noon, nabinhin na ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal na nilaman pa ng nilagdaang mga statement at communique matapos ang una at pangalawang round ng peace talks at nang ilang beses na pakiipag-usap ng mga kinatawan ng NDFP kay Duterte at pagsasabi ni Duterte na mapapalaya ang mga bilanggong pulitikal. Bago mag-Pasko, namatay sa kumplikasyon sa mga sakit at atake sa puso ang bilanggong pulitikal na si Bernabe Ocasla, samantalang ilan pa ang napabalitang isinugod sa ospital. Kasalukuyang may 400 na bilanggong pulitikal kung saan 130 ang may sakit, 103 ang nakakulong ng mahigpit sampung taon, 37 ang matatanda at 33 ang kababaihan. Nasa 15 ang inaresto sa ilalim ng panunungkulan ng bagong pangulo.

6. TUNAY NA REPORMA SA LUPA Pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasakang benepisyaryo sa Cagayan Valley noong Disyembre 20, 2016. Isang positibong pag-usad sa usapin ng tunay na reporma sa lupa sa bansa ang pagkakatalaga kay Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Agraryo. Pinuri si Ka Paeng, gayundin ang kanyang boss sa sangay ng ehekutibong si Pangulong Duterte sa pagbubukas ng opisina sa mga magsasaka. Gayundin, nagpatupad siya ng moratorium sa tambyolo land reform sa Hacienda Luisita at nagpamahagi ng lupa sa Camarines Norte, Cebu, at Cagayan Valley. Hinaharap ni Ka Paeng at ng mga magsasaka ang nagpapatuloy na karahasan at panggigiit ng mga panginoong maylupa (landlords), mga goons na gaya sa pagsunog sa piket ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at sa pamamaril sa mga magsasaka ng Lapanday. Patuloy na nararanasan ng mga magsasaka ang kagutuman. Sa isang bayang agrikultural kung saan 75% ng populasyon ng bansa ay magsasaka at kung saan konsentrado sa 1% ang 52% ng lupa, nananatiling isa sa pinakamalaking hamon ang reporma sa lupa.

7. BIKTIMA NG BAGYONG YOLANDA Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang hagupitin ang bansa ng pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan. Mahigit anim na libo ang namatay at nasa milyon ang ari-ariang Nawala paglipas ng bagyong Yolanda. Dagdag pa rito ang trauma at hirap na dinaranas ng mga naiwang biktima. Sa kabila nito, tila mailap ang naging suporta ng administrasyong Aquino sa mga biktima. Maraming naging mga anomalya pagdating sa tulong na ipinaaabot ng mga Pilipino mula sa ibang panig ng bansa maging ang mga tulong mula sa mga dayuhan. Mula pa lamang sa paunang relief good hanggang sa mga proyektong pabahay ay hindi lubusang napakinabangan ng mga biktima. Pagdating ng administrasyong Duterte, ayon sa Commission on Audit report noong Oktubre, nasa mahigit 30 porsyento pa lamang ang nasisimulan sa programa ng rehabilitasyon, mahigit 30 porsyento rin ang malapit ng simulant at ang natitira ay wala pang usad. Sa pagpasok ng ikaapat na taon matapos ang bagyong Yolanda, inaasahan ang mas mabilis at komprehensibong pagtugon sa rehabilitasyong kinakailangan ng mga biktima.

8. FREEDOM OF INFORMATION BILL Mula sa 2010 hinihintay ang pagkakaroon ng batas sa kalayaan sa impormasyon. Bahagi kasi ito ng mga ipinangako ni Noynoy Aquino sa pagtakbo sa pagkapangulo. Pero nang unang umupo si Aquino, hindi man lang nabanggit ang Freedom of Information (FOI) bill sa priority bills sa kahit anong State of the Nation Address ng dating pangulo. Hanggang sa huli ay ipinasa na niya lamang sa Kongreso ang responsibilidad. Sinabi pa ng pangulo na matapat naman ang kanyang administrasyon kaya’t hindi nakikita ang pangangailangan ng FOI. Samantala, nang umupo si Pangulong Duterte ay pinirmahan noong Hulyo ang isang executive order sa FOI. Saklaw nito ang ehekutibong sangay at bukas ang lahat ng dokumentong ninanais ng

mga mamamayan na makita maliban lamang sa mga itatakda ng Department of Justice. Inaasahan na mas mapalalawig pa ang sakop ng FOI kung ito ay maisasabatas ng Kongreso upang masusugan ang Karapatan ng mamamayan sa Kalayaan sa impormasyon ayon sa Konstitusyon.

9. PAGRESOLBA SA PROBLEMA SA DROGA President Rodrigo Roa Duterte shows the list of government and office officials who are allegedly involved in the illegal drug trade in his keynote speech during The Outstanding Filipino (TOFIL) 2016 awarding ceremony at the Heroes Hall of Malacañang Palace on December 12, 2016. “My God, I hate drugs.” Wala ring nakalimot sa pagsambit ni Duterte nito. At ang pagsugpo sa droga rin ang isa sa naging prayoridad niya, lalo pa’t nagbitaw siya ng salita na matatapos ang problema sa droga sa loob ng unang tatlo hanggang anim na buwan ng kanyang panunungkulan. Pero na-extend na ang deadline ni Duterte sa pagsugpo sa problema sa droga. At sa halip na inaasahang lahat ang panig na pagresolba sa problemang ito, ang tumambad sa mamamayan ay libulibong bangkay ng mga diumano’y sangkot sa droga o mga nanlaban mula sa pagkaaresto. Ayon sa ulat ng pulisya 5,882 na ang napapatay mula nang umupo ni Pangulong Duterte noong katanghalian 30 Hunyo 2016. Nasa 2,041 ang suspek sa ipinagbabawal na gamot ang napapatay sa police operations, samantalang 3,841 ang bilang ng napatay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek, mga riding-in-tandem o mga itinuturing na vigilante. Nakahihindik isiping magpapatuloy ang patayan sa loob ng buong panunungkulan ni Duterte, lalo’t hindi pa rin inihahayag sa mamamayan ang lahatang-panig o pangmatagalang solusyon na pagresolba sa usapin ng droga: ang pagresolba sa malalang kahirapan at kawalang kaunlaran sa bansa. Kasama naman sa mga ipinapanukala ng pangulo ang short-term na mga solusyon tulad ng rehabilitasyon, edukasyon at programang pangkabuhayan para sa mga nalulong sa droga. Dapat ding panagutin ang mga malalaking pusher at protector ng droga, isang bagay din na hindi pa nagagawa sa ngayon samantalang libulibong maliliit na pusher o usher ang hindi man lang nililitis, pero agad na napapatay.

10. PAGRESOBLA SA KAHIRAPAN Isa sa mga isinusulong ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 10-point economic agenda ay ang mabisang pagsugpo sa kahirapan ng bansa, ngunit tila hindi pa rin nararamdaman ng mga mamamayan ang mga bunga ng nasabing plano. Nanatiling mahigit 70 porysyento ng mga Pilipino ang nasa ilalim ng proverty line ngayong 2016. Batay ito sa pinakabagong pagsisiyasat ng IBON Foundation kung saan nagtanong sila sa mahigit 1,200 na residente kung itinuturing ba nilang kabilang sila sa mahihirap na hanay ng mga Pilipino. Nakikitang dahilan dito ay ang kasalukyang Pilipino. Nakikitang dahilan dito ay ang kasalukuyang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kulang ang kinikita at mataas na bilang ng kontraktwalisasyon sa bansa.

Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program sa ilalim ni Pangulong Duterte. Ayon sa bagong pamunuan ng Department of Social Work and Development (DSWD), pang-ampat lamang ang 4Ps at hindi solusyon sa kahirapan. Sa direksyon ng bagong kalihim ng DSWD na si Prof. Judy Taguiwalo, dinagdagan ng 18 kilong bigas ang 4Ps at patuloy na ina-audit ang listahan ng mga nakatatanggap ng 4Ps at ang paraan sa pagtiyak ng pag-aabot ng perang tulong sa mga benepisyo. Inaasahang pagdating ng 2017 ay magiging mas maagap ang pamahalaan sa patuloy na pagsugpo ng kahirapan sa bansa lalong lao na sa pagpapatupad ng mga polisiyang tunay na naglilingkod at pinakikinabangan ng mga mamamayan. Bahagi ng mga hinahapag sa peace talks ng gobyerno sa NDFP ang mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya, kasama na ang pagresolba ng kahirapan at kawalan ng nakabubuhay na trabaho sa pamamagitan ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

ARALIN 7 Mga Tiyak Na Sitwasyong Pangkomunikasyon Forum Ang Forum ay isang masusing pag-uusap tungkol sa isang paksa na humihingi ng opinyon sa miyembro o kasapi ng kapulungan. Ang ganitong pag-uusap ay naglilinaw sa paksa, sa suliranin o sa iba pang bagay na inilatag ng kapulungan o tagapagsalita sa mga kasapi o tagapakinig. Ang paksa, usapin o bagay na pinag-uusapan ay nahihimay at matalinong napag-uusapan sa pamamagitan ng kurokuro. Madalas, sa isang pormal na pagpupulong ay nagaganap ang “open-forum” o malayang talakayan (Austero, et al., 2002). Ang forum ay talakayan ng grupo tungkol sa isang paksa. Madalas itong nahahawig sa debate sapagkat ang paksang tinatalakay ay maaaring pagtalunan. Sang-ayon pa rin kina Austero, et al. (2002), may mga pamamaraan para makilahok sa forum o talakayan.

Paano Nakikilahok sa Ganitong Pag-uusap 1. Maghanda para sa talakayan. 2. Magbigay ng opinyon sa paraaang may pagsasaalang-alang. 3. Magkaroon ng positibong kontribusyon. 4. Maging magalang. 5. Magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon. 6. Magtala.

Bilang lider ng ganitong pag-uusap, ano ang kailangang gawin? 1. Maghandang mabuti. 2. Ihanda ang pasilidad. 3. Dumating nang maaga. 4. Kailangang maistablis ang isang atmosperang “business-like.” 5. Gabayan ang diskusyon 6. Hikayatin ang partisipasyon ng mga dumalo. 7. Kailangang nakapokus sa agenda o usapin. 8. Kailangang matutong magbigay ng konklusyon. 9. Batiin ang mga nagsipagdalo. 10. Humingi ng paumanhin sa mga bagay o insidenteng hindi inaasahan.

Simposyum Ang Symposium o Simposyon ay pangkatang talakayan tungkol sa isang tiyak at napapanahong isyu. Kadalasan, pormal ang anyo nito lalo na sa paaralan o unibersidad. Sa Simposyum, maraming inaasahang tagapagsalita ang magbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa o napapanahong usapin sa mga inimbitahang tagapakinig o kalahok. Ito rin ay tinatawag na kumperensiya.

Ayon sa presentasyon ni Corpuz (2016), may mga ilang dapat tandaan sa pagsasagawa sa simposyum. 1. Paghahanda sa Bulwagan Ang lugar ay isa sa dapat isaalang-alang ng mga magsasagawa ng simposyum. Dahil pormal ang talakayam, kumportable dapat sa nakikinig ang pagdadausan o ng bulwagan. 2. Pagpapaalam sa Madala ng mga Detalye ng Simposyum Maaaring magpadala ng liham sa mga nais na dumalo o kabilang sa simposyum. Isa pang paraan sa pagpapaalam sa madla ay ang pagkakabit ng poster at pagkaroon ng patalastasan. Mainam na midyum ang social media sa pagpapakalat sa madla sa detalye ng simposyum. 3. Pagbuo ng Programa para sa Simposyum Nakalahad sa programa ng simposyum ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari o magaganap na gawain. Marapat din na maipabatid sa mga taong magsasalita o magpapakilala sa tagapagsalita sa simposyum. 4. Pakikipag-usap sa Caterer Mainam na maayos ang pakikipag-usap sa tagapangasiwa ng pagkain sa simposyum upang maiwasan ang pagkahuli o pagkasira ng pagkain. Kinakailangan ding matukoy ang mga pagkaing ihahanda ng caterer. 5. Kagamitan Ihanda sa simposyum ang kakailanganing mga mesa, silya, rehistrasyon at dokumentasyon. Kasama na rin ang LCD Projector at sound system.

Sa pangkalahatan, bago magsagawa ng simposyum, nangangailangan ito ng mainam na pagpaplano sa mga gawain. Kasama sa pagpaplano ang mga dapat talakayin gaya ng petsa at oras ng simposyum, lugar, mga komite para maiwasan ang maraming gawain sa iisang tao, pagmumulan ng pondo, pagkakagastusan, paksang tatalakayin at tagapagsalita.

Paalala: Ang mga sangguniang ukol dito ay makikita sa librong “Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.”

Talasanggunian: Dupale, H., Javarez, S., Manahan, L., Suguran, T., at Zupico, M. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino. Malabon City: Jimczyville Publications.

Inihanda nina: Bb. Jessah Romero Bb. Liezel Palo Bb. Claire Tumanda G. Arvie Villegas

Related Documents

Filipino
March 2021 0
Filipino
February 2021 2
Filipino Thesis
January 2021 1
Filipino Tos
March 2021 0
Filipino Nationalism
March 2021 0
Filipino Thesis
February 2021 1

More Documents from "Ja S. Lg"