Pagpoproseso Ng Impormasyon Para Sa Komunikasyon

  • Uploaded by: Janine Rose Mendoza
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pagpoproseso Ng Impormasyon Para Sa Komunikasyon as PDF for free.

More details

  • Words: 1,520
  • Pages: 39
Loading documents preview...
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

PAGPILI NG BATIS • Ang batis ng impormasyon ay mga sources ng mga impormasyon na nakukuha ng mga nagbabasa at nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa aspeto ng edukasyon at paggawa ng pormal na kasulatan

PAGPILI NG BATIS O SOURCES NG IMPORMASYON • PRIMARYANG BATIS- naglalaman ng impormasyon na galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa kasaysayan • SEKONDARYANG BATIS- batayang ang impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng kasaysayan • PASALITANG KASAYSAYAN- kasaysayan na sinambit ng bibig Kasaysayan

• LOKAL- kasaysayan na nagmula sa ating lugar • NATIONALIST PERSPECTIVE- pagtingin o perspektiba na naaayon o mas pabor sa isang bansa • HISTORY FROM BELOW- naglalayong kumuwa ng kaalaman batay sa mga ordinaryong tao. Binibigyang-pansin nito ang kanilang mga karanasan at pananaw, kaibhan sa estereotipikong tradisyonal na pampulitikang kasaysayan at tumutuon sa gawa at aksyon ng mga dakilang tao

• PANTAYONG PANANAW- isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na nakabatay sa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, kaugalian, pagaasal at karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan- kabuuang nababalot sa ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika • PANGKAMING PANANAW- nagawa ng hanay ng mga Propagandista tulad nina Rizal, Luna atbp. bilang pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan natin

• PANSILANG PANANAW- ito na naabsorb o ipinagpatuloy ng kasalukuyang mga antropologong Pilipino

PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

• PAGBASA- isa sa mga apat na kasanayang pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at mas ibahagi ng may-akda sa babasa ng kanyang sinulat.

KAHALAGAHAN NG PAGBASA • Nakakapagpalawak ng Pananaw • Gamot sa Pagkabagot • Nakakapagbigay-aliw • Nakakarating sa iba't ibang lugar • Gamot sa suliraning personal

IBA PANG KAHALAGAHAN NG PAGBASA 1. Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paglinang ng talino at kaisipan. 2. Sa pagbasa, nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang. 3. Ito ang susi at “life blood” ng mga research, imbensyon, lektyur at pag-aaral. 4. Nagsisilbing salamin upang makita at masuri ng tao ang sarili batay sa mga buhay ng ibang taong kanilang nabasa.

PROSESO NG PAGBASA APAT NA PROSESO NG PAGBASA ni William Gary: 1. PERSEPSYON- pagbasa sa akda o pagkilala 2. KOMPREHENSYON- pag-unawa sa binasa 3. AIMILASYON- pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga kaalaman mula sa binasa at sa mga dating karanasan 4. REAKSYON sa binasa

DALAWANG PARAAN NG PAGBASA

• TAHIMIK- isinasaalang-alang lamang ang sarili at layuning maunawaang mabuti ang binabasa • MALAKAS- isinasaalang-alang ay tagapakinig o owdisyens upang marinig ang binabasang teksto

IBA'T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA • ISKANING- uri ng pagbasa na kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o keyword, pamagat at subtitles. Binibigyang-pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitignan. Halimbawa nito ay pagtingin sa dyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination.

• ISKIMING- ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya'y pagpili ng materyal na babasahin. • PREVIEWING- ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at estilo at register ng wika ng sumulat. • RE-READING o MULING PAGBASA- paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. • PAGTATALA- ito'y pagbasang may kasamang pagtatala ng mahahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon.

MGA SAGABAL SA MABISANG PAGBASA • Kalagayan ng Isip • Pagbasa nang walang direksyon • Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang magkatulad ang kanilang pagkakasulat • Kawalan ng wastong pamamaraan sa pagbasa batay sa layunin • Hindi paggamit ng mga pananda • Kulang sa katatagan ng damdamin

PAGBUBUO, PAGBUBUOD AT PAGUUGNAY-UGNAY NG IMPORMASYON • Ang pagbubuod ng impormasyon ay ang pagsiksik at pinaikling bersyon ng teksto ng isang impormasyon. Ito ay ang diwa, sumaryo, o pinaka-ideya ng buong teksto.

KATANGIAN NG PAGBUBUOD • Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay sa paksa. • Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda at gumagamit tayo ng sarili nating mga salita. • Ito ay pinaikling teksto.

• Ang pag-uugnay ng impormasyon ay gianagawa upang mas maintindihan ang tekstong nais ipahayag. Dito maaari tayong maglagay ng sarili nating opinyon. Maaari tayong magsadula dito para mas malawakang maintindihan ang impormasyon na ikinakalap.

PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT SANGGUNIAN

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos • Hanguang Primarya (Primary Sources) -ayon kay Mosura, et al.1999 ay a. Mga indibidwal o awtoridad b. Mga grupo o orginisasyon Halimbawa:(pamilya, praternity,union,samahan,simbahan,gobyerno) c. Mga kinagawaing kaugalian Halimbawa:(relihiyon,pag-aasawa,sistemang legal) d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento Halimbawa:( konstitusyon,batas-kautusan,kontrata at ang lahat ng orihinal na tala)

• Hanguang Sekundarya (Secondary Sources) - ito naman ay ang mga a. Mga aklat tulad ng diksyonaryo,ensayklopidya,taunang-ulat o yearbook, almanac, atlas b. Mga nalathalang artikulo o journal, magasin, pahayagan, at newsletter c. Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng pisibiliti d. Mga monograp, manwal,polyeto,manuskrito at iba pa

• Hanguang Elektroniko –Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Ang teknolohiyang ito ay nunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telepono, at silid-aklatan.

Gaano kahalga ang impormasyong manggagaling sa Internet? Ano-ano ang mga sukatan ng kahalaghan nito? a. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan? 1. Ang mga web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko Halimbawa: www.gcic.edu.ph/ 2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o bisnes. Halimbawa: www.samahanngmgainiwan.org www.omegle.com 3. Ang .gov naman ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan. Halimbawa: www.batangaspio.gov

b. sino ang may akda? Mahalagang malaman kung sino ay may akda ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo'y masuri kung ang impormasyong iyong nabasa o nakalap ay wasto o kumpleto. Kadalasan ay kalakip ng impormasyon isinulat ng may-akda ang kanilang kredensyal at kwalipikasyon.

c. Ano ang layunin? – Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang magnahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng pagpasok ng mga impormasyon sa internet. Samakatuwid, maari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes.

d. Paano inilahad ang impormasyon? –Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at prejudice ang teksto.

e. Makatotohanan ba ang teksto? Alamin kung opisyal o dokumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan ding kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website.

f. Ang impormasyon ba ay napapanahon? Mainam kung ang impormasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling rebisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ba ay bago o hindi.

Pangangalap ng Impormasyon o Datos

• Una, tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasipikasyon kung saan maaring matagpuaan ang mga ito.

Yugto 1. Panimulang Paghahanap

Bigyang tuon ang mga sumusunod: a.Paksa b. Awtor C. Pamagat

Yugto 2: Pagsusuri • Suriian ang mga akdang nakita pamamagitan ng browsing,skimming at scanning • Gamitin ang mga sumusunod na mga tanong bilang gabay sa pagsusuri ng mga nakalap na sanggunian: a. Ano ang kaugnayan nito sa paksa? b. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapag- lathala? c. Makatotohanan ba ito?

Yugto 3: Pagbabasa at Pagtatala

• Ang ikatlalong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos mula sa mga napiling sanggunian. Mahalaga dito sa ikatlong yugto ang pagsasagawa at paghahanda ng mga tala ng impormasyon o datos.

ANO ANG BIBLIOGRAPI? • makikita sa huling pahina ng sulatin • nagbibigay impormasyon sa mambabasa para malaman ang pinagkukunan ng ideya sa sulatin • tinatawag ding talaaklatan o talasanggunian ay listahan o talaan ng aklat, peryodikal, jornal, magasin, pahayagan, di-limbag na batis tulad ng pelikula, programa sa telebisyon, at radyo, tape, cassete, CD o VCD, website sa internet, at iba pang sangguniang ginagamit sa pananaliksik

American Psychological Association (APA System) • isang samahan ng mga sikolohista • binuo noong 1892 • si Stanley Hall ang unang naihalal bilang presidente ng APA noong July 1892 • unang binuo ng 31 miyembro • pinakamalaking organisasyon ng mga sikolohista sa buong mundo

Pagsulat ng Bibliograpi Format na APA 1. AKLAT Format: Mga may-akda(taon ng pagkakalimbag). Pamagat ng aklat: Subtitle ng libro. Lungsod ng Palimbagan: Pangalan ng Palimbagan. HALIMBAWA: Allen, T. (1974). Vanishing wildlife of North America. Washington, D.C.: National Geographic Society.

• Plath, S. (2000).The unabridged journals.K. V. Kukil (Ed.). New York, NY: Anchor. • Miller, J., & Smith, T. (Eds.). (1996). Cape Cod stories: Tales from Cape Cod, Nantucket, and Martha’s Vineyard. San Francisco, CA: Chronicle Books. • Laplace, P. S. (1951).A philosophical essay on probabilities. (F. W. Truscott & F. L. Emory, Trans.). New York, NY: Dover. (Original work published 1814)

• Drum, D., & Zierenberg, T. (2006). The type 2 diabetes sourcebook (3rd ed.). http://dx.doi.org/10.1036/0071462317 • Prairie oysters. (2002). In Rawson’s dictionary of euphemisms and otherdoubletalk. Retrieved from http://crownpublishing.com

SANGGUNIAN • https://prezi.com/mmfyqjrqnsao/pagbuo-ngbibliografiapaformat/?fbclid=IwAR1HCz1QwVqnbyFX6j_nXz30gZdKG9Ac28Jw5iwRMfDhB0Kjy4 gUvd0HpE • https://apaformat.org/apa-book-citation/ • https://prezi.com/p/2_vifnd-3c83/fildisreport/?fbclid=IwAR3w1C0Ou3YGKOtMxQZdXWXeagzZHr_AFx4FjdLA7cyPFZjSSNt8 znPobc

• https://brainly.ph/question/1869800?fbclid=IwA R2nNVtkuntqjvtl9HYmgvOo3wMKDmB4CGK7ZEFW4cf vGNgJoeGWgpYvIE • https://www.slideshare.net/MaricelAlano/pagba sa-komunikasyon-sa-akademikongfilipino?fbclid=IwAR0r5b1CSJEcZ9bFCb4Nuso RnpWplALZIqUajZM6HilqDY7aBBuolLRZeKE • https://brainly.ph/question/1791736?fbclid=IwA R1BiyA3YdoctZAd0vOKTwHSB3CpDAZCLN7A GLzBoMGKZGJnT4kNZPIgVXc

• ANTONIO, JANINE CHARMIE M. • BALITUSTOS, JOHN DARYL PetE- 2103

Related Documents


More Documents from ""