Pagsusuri Ng Pelikula. Paguio.docx

  • Uploaded by: Bernabe Joeffrey
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pagsusuri Ng Pelikula. Paguio.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 4,575
  • Pages: 20
Loading documents preview...
1

A. PAMAGAT

Honor thy Father

2

B. DIREKTOR Erik Matti

Si Erik Matti ay isang Filipino Filmmaker, na kilala sa pag di direk nya sa ibat-ibang mga sikat na pelikula tulad ng On the Job 2 (TBA) Kuwaresma (2019) BuyBust (2018) Seklusyon (2016) Honor Thy Father (2015) ABCs of Death 2 (segment: 'I is for Invincible') (2014) Kubot: The Aswang Chronicles 2 (2014) On the Job (2013) Rigodon (2012) Tiktik: The Aswang Chronicles (2012 The Arrival (2010) Rounin (2007) - TV Series Exodus: Tales from the Enchanted Kingdom (2005) Pa-siyam (2004) Gagamboy (2004) Mano Po 2 (2003) Prosti (2002) Sa Huling Paghihintay (2001) Dos ekis (2001) Pedro Penduko, Episode II: The Return of the Comeback (2000) Scorpio Nights 2 (1999) at Ekis (1999). Sa ilang taon ni Matti sa Pag di direk narito ang ilan sa mga pagkilala na kanyang natanggap.

Year Award 1996

Category

22nd Metro Manila Film Festival

Work

Best Original Story

Won Magic Temple

Best Screenplay

Won

Movie Cinematographer of the 30th PMPC Star Awards for Year 2014 On the Job Movies Movie Director of the Year 41st Metro Manila Film 2015 Festival 2016

42nd Metro Manila Film Festival

C. PRODUCER Erik Matti

Result

Best Director Best Original Story

Honor Thy Father

Best Director

Seklusyon

Won Won Won Nominated Won

3

D. TAUHAN  Pangunahing Tauhan

John Llod Cruz bilang Edgar/ Eloy Pinanganak bilang John “Luward” Lloyd Espidol Cruz, noong ika-24 ng hunyo 1983 ni Luisito Llora at Aida Espidol. Bunso o pinakabata sa magkakapatid. Tinatawag sya ng kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan bilang “Idan”. Nagtapos siya ng elementarya sa Marikina Catholic School noong 1995. Isa siyang actor, model at isang occasional tv host. Nagsimula ang kanyang career ng magsimula siyang lumabas sa ibat ibang palabas at Tv shows. Naging miyembro siya ng ABS-CBN’s Star magic kung saan siya ay nagging alumnus ng batch 5. Nadiskubre siya ng isang talent scout sa mall habang gumagala at palakad lakad sila sa mall ng kanyang mga kaibigan .Dahil sa problema pinansyal at hindi magandang takbo ng negosyo ng kaniyang ama, napagdesisyunan na niyang pasukin ang showbiz sa tulong ng kanyang pamilya. Nagsimula siya sa mga teen drama tulad ng “tabing ilog” kasama si Kaye Abad. Kilala rin siya sa mga nagging palabras niya tulad ng It might be you” “Maging sino Kaman” “ I love Betty La Fea” at Imortal. Siya Edgar ang pangunahing tauhan sa kuwento, na asawa ni Kaye. Ginagampanan ni John Lloyd, Na sa unang bahagi ng pelikula ay tahimik lamang. Mabait at maunawain na ama, Sumusunod sa asawa, kahit saan, sa kahit anong pagkakataon, kahit sa pagbibigay ng free lecture ng kanyang asawa para sa networking group na kinabibilangan. Ngunit nang malagay sa peligro ang kanyang pamilya, ginawa niyang lahat para maprotektahan ang kanyang mag-ina.

Meryll Soriano bilang Kaye

4

Siya ay pinanganak noong December 9, 1982 sa Pilipinas bilang Mary Rosalinda Revillame. Nakilala sya sa mga nagawa niyang Pelikula na Donor (2010), Rotonda (2006) at Honor thy Father (2015). Kasal siya kay Bernard Palaca mula Setyembre 8, 2006 at mayroong isang anak. Asawa ni Edgar na isinugal sa kanilang organisasyon ang perang ipon para sa kanilang anak pagkatos ay nauwi rin sa wala matapos mamatay ng kanyang ama. Sya rin ang nangolekta at nag rekrut ng pera ng iba pang kaanib rito, kung kayat humantong sila sa napakaraming problema.

 Pansuportang Tauhan

Tirso Cruz bilang Bishop Tony Tirso Cruz III ay ipinanganak bilang si Tirso Silvano Cruz III noong Abril 1, 1952. Isa syang aktor, komidyan at singer. Isa sya sa mga kilala na aktor sa Philippine show business. Siya ay nakilala sa mga gawa niya tulad ng Kahit buhay ko… (1992), Sigwa (2010) at bibilangin ang bituin sa langit (1989). Ang ama ng samahang nananampalataya kay Yeshua. Matindi ang paniniwala sa kanyang Diyos. Na kahit sa sitwasyong gipit na ang mag-asawang Edgar at Kaye at nagmakaawang makahiram ng pera, hindi niya sila pinagbigyan sa kadahilanang ito ay para sa pagpapatayo ng kanilang simbahan. Maaari mo ring isiping siya ang sumisimbolo sa Relihiyon, na malaki ang papel na ginagampanan sa bansang Pilipinas.

Lander Vera-Perez bilang Ledric Isang aktor na nakilala sa pagganap nya sa Honor thy Father (2015) Nasaan ka Elisa? (2011) at Tres (2018)

5

Siya ang asawa ng kaibigan nina Edgar at Kaye at kumidnap sa anak nilang si Angel. Kasama sa mga napa-oo ni Kaye na sumali sa networking. At noong magkaroon ng aberya, isa siya sa mga gumipit sa mag-asawa para isauli ang perang in-invest sa networking. Sa dulo ng pelikula, makikitang siya ay bumaba sa isang Hummer na may plakang 8. Maaaring siya ang simbolo ng Pulitiko o ng mga Pulitiko sa ating bansa. Nakatira sa tore, tinitingala ang kinaroroonan. Handang tumulong kapag nakitang may oportunidad o kapag may makukuhang kapalit na mas maganda, ngunit nangunguna rin sa pagsingil o paglugmok sa iyo sa oras ng kagipitan.

Dan Fernandez bilang Manny Danilo Ramon Fernandez, isang aktor na nakilala sa Honor thy Father (2015), Mara Clara: The movie (1996). Siya ay isang Filipino na aktor, doctor, at pulitiko na kasalukuyang mayor sa Sta Rosa City, Laguna. Siya rin ay dating representative ng 1st District ng Laguna. Kapatid ni Edgar na tumulong sakanya sa kanyang problema, kasama nila sa pag gawa ng daan para sa pagnanakaw.

Yayo Aguila bilang Jessica Isang Filipina na aktres na nagsimula ang karir dahil sa isang film series na “Bagets”. Pinanganak noong ika 16 ng setyembre 1967 sa Manila na may totoong pangalan na Maria Rosario Aguila. Kilala siya sa mga nagawa na niyang pelikula tulad ng Kiko Boksingero (2017), Princess and I (2012) at Apoy sa Dagat (2013).

6

Siya ay isang antagonista sa pelikula kung saan ginipit nila si Edgar na magbayad ng malaking halaga kapalit ng buhay ng kanyang pamilya. Mayroong hindi magandang paguugali, gahaman na nagresulta sakanya ng kamatayan.

Perla Bautista bilang Nanang Pinanganak noong ikaw 18 ng Pebrero 1940 sa Manila. Ika lima sa walong anak nina Vicente Bautista at Carmen Marcial. Nagtapos siya ng secondary education sa Torres High School at nag enrolled sa Lyceum of the Philippines. Nung siya ay 17, siya ay nag sisimula ng lumabas sa ilang mga pelikula hanggang sa tuluyan na siyang ipinakilala sa mundo ng showbiz dahil sa Eddie Junior Detective (1958). Lumabas rin siya sa iba’t-ibang drama films tulad ng as Malvarosa (1958), Anak ni Waray (1958), Casa Grande (1958), Ana Maria (1958), Hiwaga ng Pag-Ibig (1958), and Venganza (1958). Lumabas rin siya sa Barrio Fiesta (1959) and Mr Announcer (1959), Black Beauty (1960) with Charito Solis, and Kung Ako'y Iiwan Mo (1960). Hanggang sa nagkaroon na siya ng kanyang sarili at pinagbidahang pelikula na Kilabot sa Baril (1960). Iba pa niyang pelikula ay ang Crush Ko Si Sir (1971); Tatlo, Dalawa, Isa (1974); Sa Kagubatan ng Lunsod (1975); Bawal na Pag-Ibig (1977) and Laruan (1983). Lumalabas din siya sa ilang pelikula na kabaliktaran ni Nora Aunor tulad ng Minsa'y isang gamugamo (1976), Sapin-sapin, patung-patong (1977), Bakekang (1978), Bulaklak ng City Jail (1985), Till We Meet Again (1985), Bilangin Mo Ang Bituin Sa Langit (1989) and Andrea, paano ba ang maging isang ina? (1990). Gumanap din na Tiya Isabel sa Noli Me Tangere (1992), na ginawa ng Cultural Center of the Philippines. Sa tagal ng panahon ng kanyang pag arte nakakuha rin siya ng iba’t-ibang award tulad ng Filipino Academy of Movie Arts & Sciences (FAMAS) Best Actress award for Markang Rehas (1962), opposite Joseph Estrada , also the Best Actor awardee. She has also won FAMAS supporting acting awards for Alamat ni Julian Makabayan (1979), Nang Bumuka ang Sampaguita (1980) and Bulaklak ng City Jail (1984). She won the Best Supporting Actress award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (URIAN AWARDS) for Anak ng Cabron (1988)

Gumanap siya bilang isang mabait, mauunawain at mapagmahal na nanay ni Edgar. Kung saan siya ang naging takbuhan nito sa oras ng mabibigat ng problema sa kanyang anak.

7

Khalil Ramos bilang Emil Khalil Joseph Nepomuceno Ramos o mas kilala bilang Khalil Ramos, ay isang Filipino na aktor at singer. Noong July 2011 nanalo siyang second place sa Pilipinas Got Talent, isang reality show sa ABS-CBN at nagging recording artist sa Star Magic. Nakilala siya sa mga nagawa niyang pelikula at teleserye tulad ng 2 Cool 2 be 4gotten (2016), Princess and I (2012) at She’s dating the Gangster Kapatid rin ni Edgar na tumulong sakanya sa kanyang problema, kasama nila sa pag gawa ng daan para sa pagnanakaw.

William Martinez bilang Pastor Obet Isang aktor na nakilala at sumikat dahil sa Boystown (1981), Kaya kong abutin ang langit (1984) at Bagets (1984). Pastor na nakahuli sa akto ng pagnanakaw ni Edgar sa mga donasyon para sa simbahan nila. Sya rin ang pastor na nagabot ng tulong kila Edgar.

8

Boom Labrusca bilang Erwin Isang aktor na ipinanganak noong ika 18 ng Oktubre 1978, isang Filipino character actor at model. Anthony “Boom” Labrusca ay nakilala sa Beauty and the Bestie (2015), Magandang hatinggabi (1998), at Esperanza (1997). Kapatid rin ni Edgar na tumulong sakanya sa kanyang problema, kasama nila sa pag gawa ng daan para sa pagnanakaw

Krystal Brimner bilang Angel Isa siyang batang aktres na na nakatanggap ng Best Child Actress at Best Female Lead Performer recognition mula sa 2016 Platinum Stallion Media Awards at 2016 Philstage Gawad Bahay Awards. Siya ay nakilala sa kanyang pag ganap sa Honor thy Father bilang anak na babae ni John Lloyd (2015), Darna (2010) at So Connected noong (2018). Siya ang minamahal na anak nila Edgar at Kaye na nadamay at napagbantaan din ang buhay dahil sa nangyaring gulo.

9

 Iba pang Tauhan             

Ludy Serrano bilang Manang Ellen Ricky Pascua bilang Mr. Sumulong Cherry Malvar bilang Denise Dela Rosa Fatima Velasco bilang Celia Guerero Jay-ar Tillman bilang Paul Guerero Paolo Rodriguez bilang Pedeng Wena Nagales bilang Mona Ezra Marie Bersamina bilang Beng Genald Hidalgo bilang Nita Dhalin Sarmiento bilang Liza Lilia Espanillo bilang Sr. Agnes Winryll Aubrey Banaag bilang isa sa mga pinsan ni Edgar Dangie Bernardo bilang Principal

E. BANGHAY PANIMULA Simpleng pamumuhay ang mayroon ang pamilya ni Edgar at Kaye mayroon silang isang anak na ang pangalan ay Angel, may magandang trabaho, may maayos na pamumuhay, at matinding pananampalataya. Kaya lamang ay hindi nakuntento si Faye sa sahod niya sa pagtuturo kung kaya’t pinasok niya rin ang negosyo ng kanyang ama. Sinubukan niya ring hikayatin ang mga kaibigan na sumali o mag invest ng pera sa negosyong ginagawa niya. Dahil nga relihiyoso ay madali niyang nakumbinsi ang kanyang mga kasamahan na pumasok din sa kanyang negosyo. SULIRANIN Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyaring krimen, ang problema ay nagsimula nang namatay ang kanyang biyenan dahil sa systemang pyramiding na negosyo na hindi nila malaman kung saan itinago o idinala ang mga pera, kung kaya’t hindi masosoli ni Kaye ang pinangakong kita sa takdang panahon. Pinuntahan sila ng mga kasamahan nila sa simbahan, galit ang umiral sa mga ito at ang kani-kanilang pagka makasarili, hindi hinayaang magpaliwanag si Kaye at kabod gumawa ng aksyon base sa kanilang intensyon. Agad nilang pinagkukuha ang gamit ng mag asawa at bukod pa dito ay pinagbubugbog din nila si Edgar dahil sinubukan nitong pigilan ang pagkuha sa mga gamit nila. Dito ay unti unit nilang makikita ang tunay na ugali ng kanyang mga kasamahan sa simbahan at kaibigan dahil pagbabantaan nila ang kanilang pamilya dahil sa anim na milyong pagkakautang, idinamay pa nila ang anak ng magasawa na wala namang kinalaman sa mga

10

nangyari. Sa dami ng problemang dumating ay naisipan ni Kaye na tapusin nalang ang kanyang buhay, ngunit napigilan siya ni Edgar. Dahil dito mapipilitang manghimasok si Edgar sa problema, at gumawa ng aksyon upang protektahan ang kanyang pamilya.

SAGLIT NA KASIGLAHAN

Ang head-shaving sceen ni John Lloyd (Edgar). Dahil sa ginupit ni Jessica at Ledric ang buhok ni Angel (anak ni Edgar) naisipan nilang kalbuhin ito, ngunit ayaw ni Angel ang makalbo dahil sa hiya o maging tampulan ng tukso, dahil dito naisipan ni Edgar na kalbuhin niya muna ang kanyang sarili upang hindi makaramdam ng hiya ang kanyang anak. KASUKDULAN Si Kaye naman ang dinukot ng mag asawang Jessica at Ledric at ginipit nila sa oras si Edgar para mabayaran ang utang sa kanila. Kaya kahit delikado tinuloy parin nila Edgar at mga kapatid niya ang plano na pagnanakaw sa bishop. Kahit delikado dahil maulan at mataas na ang tubig sa kanilang ginagawang daan ay tinuloy parin nila ang pagkuha ng pera dahil kailangan na ito ni Edgar para makuha at mailigtas ang asawa niya na nasa kamay ni Ledric at Jessica. WAKAS Sa kabila ng mga sakripisyo at hirap na ginawa nila Edgar nabigo sila at wala paring nakuhang pera. Hanggang sa dumating na ang takdang oras. Nagkita sila Ledric at Edgar, dahil walang dalang pera pinatay ni Edgar ang mag asawa para makuha si Kaye. Dali daling dinala ni Edgar si Kaye sa ospital dahil sa dami ng bugbog na natamo nito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na kinaya ni Kaye at siya ay binawian nang buhay. F. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL SINEMATOGRAPIYA Naging kaaya-aya at tama lamang ang sinematograpiya ng pelikulang ito. Bumagay ang hindi katingkaran na kulay para sa mga eksena. Marami rin ang eksena na nasa minahan sila at madilim ang setting, pero naging maayos ang pagiging madilim nito.

11

Malaki ang itinutulong ng tunog at musika inilapat para mailipat mula sa tauhang naiwan sa gitna ng bawat eksena papunta sa manonood. Lalo nang sumugod mag-isa si Egay sa bangko at ang kaguluhang bumalot sa isip niya dahil sa naghalo-halong ingay at nagbubungkal ng semento, harurot ng sasakyan sa highway, umuulit na dial tone ng telepono, magkasabay na iayk at sigaw ng mga tao, at ang papalapit na tunog ng sirena ng mga pulis ang unti-unting pumuno sa nag-iisang pangyayaring iyon. Naipadama ang magkasabay na pagkalito at kaba ng isang desperadong amang naipit na sa sitwasyon. Habang ganoon din ang nagyari sa loob ng likhang-yungib ng magkakapatid sa mga dulong eksena. Buong-buo at mabibigat ang bagsak ng teklado ng piano habang dinadala ang apat sa itensidad ng mga pangyayari habang umaapaw ang tubig-baha. MUSIKA

Tao by Sampaguita. Mas napaganda nito ang pelikulang Honor thy Father dahil sa dagdag emosyong ibinigay ng kantang ito. Mas bigat ng problemang dinadala ni Edgar, at ang lungkot na emosyong nais nilang ipabatid sa mga manonood. Bukod doon ay wala ng masyadong musika ang in ilapat. Ang nagpaganda lang doon ay ang natural na tunog at ingay na hindi naman kalakasan at sakto lamang upang marinig ang usapan.

VISUAL EFFECTS Masasabi kong ang pelikulang ito ay hindi gumamit masyado ng visual effects dahil ang mga eksena ay purong natural lamang at hindi na kinakailangan ng kahit anong effects.

Narito ang ilang halimbawa ng eksena na ginamitan ng visual effects sa pelikulang Honor thy Father.

12

G. BISANG PAMPANITIKAN Bisang pangkaisipan

Pagkatapos ko mapanood ang pelikulang “Honor thy Father” pumasok sa aking isipan ang lahat ng mga sakripisyong kayang gawin ng isang ama para sa pamilya, kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya, at kung hanggang saan nya kayang protektahan ang mga ito. Isa rin sa mga napagtanto ko ay kung talikuran kaman ng lahat mayroon parin tayong ina na handa tayong tanggapin at buuin ulit.

Bisang pandamdamin

13

Matapos ko ito mapanood, mas lalo kong naintindihan ang mga ama. Mas gugustuhin natin na bigyan ng halaga ang ating mga magulang, dahil ipinakita rito kung gaano kamahal ni Edgar ang kanyang anak. Nagkaroon din ako ng matinding paghanga sa mga taong gumanap, sa mga tauhan sa naturang pelikula. Lalo na sa papel ni Edgar na sa kabila ng mga maling nagawa ng kanyang asawa ay hindi niya ito hinusgahan, hindi niya ito iniwan kahit may pagkakataon siyang umalis.

Sa nanay ni Edgar na kahit tinalikuran na sila nito, sa oras na bumalik si Edgar ay tinanggap niya ito ng buong puso. Kitang kita ang pagmamahal ng isang ina sa papel na ginampanan ni Perla Baustista. Mahusay na naipakita na kahit talikuran man tayo ng mundo sa oras na kailangan nayin ng masasandalan ay may ina tayo na babalikan o maaasahan. Bisang pangkaasalan

Matapos ko itong mapanood nabago ang pananaw ko sa mga taong nakakasalamuha ko o nakakasama. Dahil dito sa pelikula ipinakita kung paanong ang kanilang kaibigan pa

14

ang tumalikod sa kanina sa oras ng kagipitan. Kung paanong sila pa ang hindi nakaintindi sa magasawa. Kaya mapapaisip ka talaga kung kaibigan ba talaga ang taong ito? H. IMPLIKASYON SA LIPUNAN NG PELIKULA May tatlong uri ng amang ninais na ipakita si Erik Matti rito.

Ang una’y may kinalaman sa relihiyon na kinakatawan ng Diyos bilang amang banal, at ng obispo at pastor bilang mga tagataguyod ng ministro’t mga kasapi.

Sunod ang amang sasagasaan ang lahat mabawi lamang ang nawala at halimbawa nito ang mga nambugbog at nagnakaw sa tahanan ni Edgar (John Lloyd Cruz) pati na rin ang lalaking kumuha sa anak at asawa niya.

Huli, ang amang iaahon ang kaniyang pamilya sa mabuting paraan hanggang maaari, ngunit handang baluktutin ang batas kung kinakailangan, dito nabibilang ang pinaslang na ama ni Kaye (Meryll Soriano), ang yumaong ama ni Edgar, at maging si Edgar. Sa kabilang panig, kahit iilan lamang ang babaeng tauhang gumanap sa pelikula, ipinapasilip ang dalawang anyo naman ng mga ina.

15

Naririyan ang inang maunawain at handang makinig sa lahat ng kaniyang mga anak, at kung nararapat, puwedeng gumabay o hayaang mag-isa nang matuto na makikita sa ina ni Edgar na nabalo pagkaalis niya sa Bontoc.

Naririyan din ang inang nanaising makakuha ng maraming yaman nang sa ganoo’y maibigay sa pinalalaking supling, hindi bale na kung hindi isipin ang magiging kapalit o kung maging mitsa ito ng biglang pagdausdos sa hirap, na ipinakikita sa katauhan ni Kaye na tinawag pang tanga ng kaniyang bayaw. Ang pag-inog ng pelikula sa relihiyosong tema nitong hinahango sa isa sa sampung utos, ang paggalang sa magulang, at ang paglalaro sa pamagat na tumutukoy sa ama bilang Diyos. Ito ang nagiging lunsaran ng pagtutumbas sa Diyos sa kaligtasan at kaginhawaan, na nagiging katumbas ng pera. Ang malabong linya ng pagkakapatas ng apat na konseptong ito ang pagmumulang ng tensyong titinag sa maayos na pamumuhay ng lahat ng kasangkot sa usapin ng salapi. Mapapansin ang tuwirang pagsabi ni Kaye sa naging dulot ng magkasabay na pananalig sa relihiyong kinabibilangan at ang pagbibigay ng tiwala sa pamumuhunan sa negosyo, na nagbunga ng magandang katayuan ng buhay nila. Taliwas ito sa tinatangkang pangangahas at paglapastangan sa Diyos sa pag-iisip na ito ang pinakamadaling paraan upang makamit ang itinuturong kaligtasan ng anak at asawa mula sa kamay ng mga dumukot, pati na rin ang ginahawang maibibigay ng pera. Sa huli, ang hindi sukat asahan ni Egay at ng mga kapatid, ang paglapastangan nila sa templo ang mauuwi sa tuluyang pagkawala ng lahat. Hindi nila nakitang wala silang maitatakas liban sa baryang halaga at mawawala rin pala ang kabiyak kahit nagawan niya ng remedyo ang gulo.

16

Sa kabilang banda naman, ipinakita rin ni Matti ang kahalagahan ng damayan ng magpapamilya sa harap ng karahasan, inhustisya at pagsasamantala. Kakaiba pa nga sa mga katutubo kasi walang pagtatanging sinuportahan nila si Edgar sa paglutas ng problema nito kahit minsa’y tumalikod na ito sa kanila. Baguio ang eksena ng pelikula, at Bontoc ang pinagmulan ng karakter ni Edgar. Kahit peligroso ang gagawin nila, sinamahan nila si Edgar na maghukay ng tunnel hanggang sa maabot at mabuksan ang kaha de yero ng simbahan. Sa ganitong paraan nila naisip na mailigtas ang asawa ni Edgar, na papatayin ng mga nabiktima ng scam kung hindi maisosoli sa kanila ang pera. (Biyenan ni Edgar ang pasimuno ng investment scam sa kanilang lugar, na pinatay, at pati ang asawa at anak ni Edgar ay pinaghigantihan ng mga nabiktima ng scam.) Sa pelikulang ito nailantad niya ang iba’t ibang anyo ng kabulukan ng sistemang panlipunan sa Pilipinas sa natural na mga eksena–tulad ng investment scams, pagnenegosyo at pagkukunwari ng simbahan, pagkapanatiko ng mga relihiyoso, kainutilan ng pulisya at korte, buwis-buhay na kalagayan ng mga minero, sexual harassment, at iba pa. Mahusay ang pagkakalubid ng istorya at mga eksena, at hindi karaniwan ang paglalahad ng mga pangyayari; aantabayanan mo kung saan nga ba tutuloy ang susunod na eksena. Hindi rin gumamit ng flashback para alamin ang nakaraan ni Edgar; bagkus, dinaan ito sa simpleng pag-uusap at reaksiyon ng mga miyembro ng pamilya. Maaaring sabihin na bitin ang pagtatapos ng pelikula. Saan papunta si Edgar matapos niyang makapatay at mamatay din ang asawa? Marahil, hindi na ito layon pang sagutin ng pelikula. Sapat na marahil kay Matti na ipakita ang mga tunggalian sa sarili na dinaraanan ng isang indibidwal. Tapos na ang kuwento. Bahala na ang manonod na magisip.

17

Sayang na hindi napanood ng marami ang Honor thy Father na kakaiba at hindi dinaan sa kilig. Sayang din na hindi nanalo ng Best Actor si John Lloyd Cruz (pero naging Best Supporting Actor si Tirso Cruz III dito.) Hindi matatawaran ang galing niya sa pag-arte na talagang tumingkad at maipagmamalaki mong mahusay na artista. Pumayag siyang magpakalbo, pumutok ang mukha at pumangit, madungisan at manuot sa mga tunnel bilang minero. Inangkin niya ang papel bilang isang karaniwan at tahimik na tao pero nang wala nang masulingan at masandal sa pader ay inilagay na ang batas sa kanyang mga kamay.

Hindi mo halos namamalayan ang transisyon ni John Lloyd sa iba’t ibang emosyon– naroon ang kaba, takot, awa, galit, pighati, paghihiganti, pagmamahal, pagdurusa; kahit sa mga eksenang kailangan niyang magpigil ay suwabe, focused at intense pa rin ang akting. Nakakasorpresa naman si Meryll Soriano bilang “Kaye” (asawa ni Edgar) sa pagdadala ng ligalig at tensiyon sa kanilang pamilya. Malaki rin ang naitulong ng supporting cast para magmukhang tunay ang mga eksena.

Mga aral

Importanteng wag magpadalosdalos ng desisyon. Matuto tayong makuntento sa lahat dahil ang pagiging gahaman ay hindi magdudulot ng maganda tulad ng nangyare kay Kaye. Isa na syang guro ngunit dahil hindi kuntento sa sahod ay naisipan nya pang pasukin ang negoso ng kanyang ama. Sabihin man nating iyon ay para lamang sa dagdag kita, ngunit hindi parin tama na isugal nya pa ang kanilang ipon. Kaya sa huli ng mamatay ang kanyang ama ay walang natira sakanila. Sila pa ang ginipit ng mga kaibigan nila na sumali at nagpasok ng kanikanilang pera.

18

Sa mga kaibigan, hindi lahat ng nakakasama natin ay kabigan natin. Minsan ang mga itinuturing pa nating kaibigan ang magadadala satin sa hindi magandang sitwasyon, matuto tayong kilalanin ang bawat tao na makikipagkaibigan satin. Piliin natin ang mga kaibigan na kahit hindi tayo kailangan ay mananatili parin sa atin. Dahil hindi natin kailangan ng maraming kaibigan ang kailangan natin ay totoong kaibigan.

Wag magpakita ng takot, tulad ng usapan ni Edgar at ng kanyang anak. Una palang ay ipakita mona na kaya mo ang isang tao dahil kung hindi ay kakayan kayanan kalang nito. Sabi nga ni Edgar sa anak nyang nanusok ng stick sa mata ng kaklase niya na namboso sakanya “magiging mabait na yan sayo kase, alam nyang hindi ka nya kaya, na hindi sya uubra sayo. Ganyan dito nak, palakasan kung mahina ka, kakainin ka ng buhay.”

Kabuuang pananaw

19

Ang Pelikulang Honor thy Father tungkol sa isang pamilya na may iba’t ibang trahedya ang nangyari. Pinapakita din dito ang pagmamahal ng isang Ama na si Edgar sa kanyang pamilya na handa siyang gawin ang lahat upang maitaguyod at maprotektahan ang kanyang pamilya. Ipinapakita rin ang iba’t ibang problema sa pelikula mapa problema sa relihiyon,pera o maging Problema sa tao/sarili. Ipinapakita na ang problema ay nagsimula nang namatay ang kanyang biyenan dahil sa systemang pyramiding na negosyo na hindi nila malaman kung saan itinago o idinala ng kanyang biyenan, kaya ang mga taong nag invest ay nagalit dahil sa tingin nila ay ninakaw ang kanilang perang ibinigay kay Kaye (asawa ni Edgar). Ipinakita nito ang napakalaking impluwensya ng relihiyon sa ating mga tao mapa ano mang relihiyon mo mayroon itong epekto sa ating mga gawi at pag-iisip.

Ang problemang umakit saaking pansin sa pelikula ay ang pagkapit sa patalim ng bida na si egay. Dahil sa takot na mawala ang kanyang pamilya dahil nagbabanta ang isang mag asawa na kapag hindi nabayaran ang utang na anim na milyon sa sa ibinigay na deadline ay papatayin ang kanyang pamilya. Sa takot na mangyari ito ay kumapit siya sa patalim at gumawa ng mga bagay na ikabubuwis niya ng buhay. Kagaya na lamang ng pagnanakaw niya sa isang bangko ngunit wala siyang napala. Isa pa sa ginawa niyang pagnanakaw ay ang pagnakaw niya sa isang simbahan ng church of yeshua. Sa panahon ngayon kapag tayo ay nagiging desperado tayo ay gumagawa na minsan ng mga bagay na nakaka apekto na ng masama sa ating kapwa. Ito ay isa lamang sa mga nangyayari na nagpapakita ng ugali na pagiging desperado sa buhay. Isinisimbolo ko si Egay bilang isang baril dahil sa oras na may humila ng gatilyo ay papatayin niya kung saan siya nakaturo kagaya ng pag tulak sakanya ng pagnanakaw Ang problema na pagbabanta ng mag asawa sa kanyang pamilya ay nag silbing gatilyo para gumawa siya ng masama.

I. TEORYANG PAMPANITIKAN Ito ay sistematikong pagaaral ng panitikan at mga paraan sa pag aaral ng panitikan. Mayroong iba’t ibang teorya para sa pag aaral na ito. Ngunit ang giamit na terorya sa pelikulang ito ay ang teoryang Markismo o Marxismo. Ang Marxismo ay tinuturing na isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na nakasentro sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyopulitikal nap ag uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pag unlad ng

20

kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri ng sistematikong pagbabagong pang ekonomiya. Nagagamit ang marxistang pananaw sa pagsusuri sa kalagayang panlipunan, pag uugali at motibasyon ng mga tao sa lipunan. Bukod dito, binibigyang pansin ng pananaw na ito ang mga umiiral sa tunggalian ng tao laban sa sarili, sa ibang tao, sa lipunan o sa kalikasan. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida, sa teoryang ito, hindi padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas. Tulad na lamang ng pang-aapi at panggipit ni Jessica at Cedric sa pamilya ni Edgar ipinakita na pangunahing bida ang kalakasan loob at pagiging matatag laban sa mga pansuportang tauhan o mga kontrabida. Ang panitikan din na ito ay tahasang inilalantad ang iba’t-ibanng paraan ng mga tao sa pagtugon sa suliraning kanyang kinahaharap. Tulad na lamang ng pagkadesperado ni Edgar makalikom ng pera siya ay gumawa ng iba’t-ibang paraan upang makakuha ng malaking pera, gaya ng pagtatangkang pagnanakaw niya sa bangko at ang panloloob nilang magkakapatid sa simbahan ni Yeshua. Ang teoryang marxismo ay binibigyang pansin din ang mga umiiral na tunggalian ng tauhan sa sarili niya, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan. Katulad ng ipinakita ng karakter na si Egay o Edgar naipakita niya ang dilemma sa kanyang sarili, relasyon sa simbahan at ang relasyon niya sa mga kapwa tao. Sa Marxismong pananaw, mananalo ang nasa laylayan ng lipunan, magkakapuwang sa bayan ang mga dusting mamamayan, maiaangat ang mga aping sambayanan at magkakaboses ang mga binusalang bibig upang umalingawngaw sa lipunang nakasandig sa tama na sinisimpatya ng nakararami.

Related Documents


More Documents from "Jedidiah Suib II"