Pantayong Pannaw, Pansilang Pananaw, Pangkaming Pananaw.

  • Uploaded by: Raymund
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pantayong Pannaw, Pansilang Pananaw, Pangkaming Pananaw. as PDF for free.

More details

  • Words: 1,814
  • Pages: 10
Loading documents preview...
Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

Pannaliksik: Pantayong Pananaw | Pankaming Pananaw | Pansilang Pananaw

A) Pantayong Pananaw Ang “Pantayong Pananaw,” ay mula sa salitang “tayo.” Sa madaling salita, ito ay mga kwento at kasaysayan ng Pilipino, na isinasalaysay ng mga Pilipino para sa mga Pilipino bagamat pareho ang diwa, magkaiba ito sa isinulat ng mga nationalist historians tulad nina Jose Rizal , Teodoro Agoncillo at Renato Constantino sapagkat gumamit sila ng dayuhang wika upang maimungkahi ang kanilang sulatin. Taliwas ito kung ihahalintulad sa konsepto ng Pantayong Pananaw kung saan -- Dapat ang pag sasalaysay o pag mumungkahi ng isang kwento,usapin, o ideya ay nasa wikang naiintindihan ng nakararami sa ating mga Pilipino at sa panahong ito, ito ay ang Wikang filipino. Ibig sabihin, kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa’t-isa, iyan ay parang sistemang “closed circuit,” pagka’t nagkakaintindihan ang lahat. Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may “pantayong pananaw” lang kung tayong lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugan. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang “code” – sa madalign salita, may isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali. Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang iisang wika. Ang pantayong pananaw ay isang konsepto at hinua ng histiyador na si Dr. Zeus A. Salazar na nag-aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

pambansa para sa kasaysayan at agham panlipunan. Marami sa mga nakasulat ukol sa kasaysayan ng Pilipinas ay nasa wikang hindi naiintindihan ng karamihan. Kaya mula pa noong 1970s, kinailangan niyang paunlarin ang isang iskuwelang pangkaisipan: isang ideya na tinatawag niyang “Pantayong Pananaw”—ang pag-aaral ng kasaysayan natin sa ating sariling perspektiba gamit ang mga konsepto (dalumat) at isang wikang naiintindihan ng lahat. Ayon kay Salazar, noong unang panahon bago dumating ang mga Espanyol, Pantayong Pananaw ang umiiral sa pagkukuwento ng mga epiko at iba pang kwentong bayan ng bawat grupo ng tao sa Pilipinas. Pook ang tawag sa kultura na pinagsasaluhan ng isang grupo ng tao. Madaling makita ito kung titingnan natin ang mga grupong etnolingguwistiko sa atin. Halimbawa, ang mga Tagalog ay may iisang wika at nagkakaintindihan sila sa loob ng wikang Tagalog kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng may kaugnayan sa kanilang kaugalian at kaisipan. Kaya noong araw, pati ang kanilang relihiyon ay iisa -- nananalig sa anito, at sa mga mitolohikal na personahe na ang pinakasentral ay tinatawag nilang “Bathala.” Nang mawala ang epikong ito ni Bathala noong panahon ng Kastila, ang ipinalit ay ang pasyon, na ang pangunahing katauhan ay isa ring “bathala” -- ang diyos ng mga Kastila, si Kristo. Makikita natin na bago pa dumating ang mga Kastila sa kapuluan, bawa’t isa sa mga grupong etniko ay may sarili nang “pantayong pananaw,” o sariling kabuuan na nakasalalay sa pagkakabit-kabit ng mga elementong kultural at panlipunan sa isa’t isa, na naipapamahagi at naiintindihan ng taga grupong etniko sa iisang wika. Pankaming Pananaw

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

Ang “Pangkaming Pananaw” na nag mula sa salitang “kami” Ay isang konseptong hinua rin ni Zeus Salazar. Isa ito sa mga konsepto/pamamaraan na kaniyang hinua sa pag susulat ng kasaysayan. Kung ihahanlintulad ito sa “Pangtayong Pananaw” na nag nangagnahulugang “mga kwento at kasaysayan ng Pilipino, na isinasalaysay ng mga Pilipino para sa mga Pilipino” Ito ay magiging kabaliktaran nito. Ang Pang Kaming pananaw ay mga kwento, at kasayasayan ng Pilipino, para sa ibang bayan. Sa madaling salita “ang kausap ng isang bayan ay ibang bayan.” Dito pumapasok ang sistemang Open circuit na kung saan hindi lahat ay naguusap/ nakapaguusap ng hingil lamang sa sarili at sa isat isa. Marahil dahil ito sa pag kakaiba ng wika at kinagisnang kaisipan ng mga kalahok sa usapan. Dahilan rin ito ng paggamit ng mga hiram na salita at pag sasalin. Ito ay upang mas mapadali ang pag kakaunuwaan. Ito ay dahil ipinepresenta natin/ ng tagapagsalita ang sarili sa ibang grupo o bayan. “from-us-to-you.” Kung patungo naman sa labas, sa banyaga, ang pagpapaliwanag. Halimbawa, kung ang isang Tagalog noon ay pupunta sa Brunei o sa Malaka kaya, ang mga paliwanag niya hinggil sa sariling kaugalian at kalinangan ay maaaring sa wikang Malayo (ang lingua franca noon) o sa Tagalog din (kung nakakaintindi ng Tagalog ang kausap).

Pansilang pananaw Ang Pang silang pananaw naman ay madalas na ginagamit lamang ng mga piling indibidual. Sila ay ang mga historyador o mga taong nag aaral ng kasaysayanng kanilang bayan at minsan maging ang ibang bansa. Bagamat maari din ito gamitin ng local na

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

mamamayan maaaring hindi purong katotohanan ang maikwento sapagkat hindi naman nakapag aral ng lubos sa kasaysayan ng ibang bayan. Ang Pansilang pananaw ay tumutukoy sa iba at hindi sa kapwa; paggamit ng sariling wika para ipaliwanag sa kababayan ang ibang kultura o kulturang dayuhan.Kung ang pantayong pananaw ay kwentong Pilipino para sa Pilipino at ang pang kaming pananaw ay kwentong Pilipino para sa ibang bayan, ang Pansilang pananaw naman ay kwentong Pilipino patungkol/tungkol sa ibang bayan. Sa makatuwid “Ang kausap ng isang bayan ay galling sa kanilang bayan ngunit ang pinag uusapan ay hango/ o tungkol sa ibang bayan. Masasabing tanging piling indibidual lamang ang maaaring gumamit nito sapagkat ang mga taong may sapat na kaalaman tungkol sa isang kultura ng banyaga lamang ang lubos at mahusay na makakapag pamahagi nito sa iba pang Pilipino. Halimbawa: hindi nakakabastos sa mga hapon ang malakas na pag higop ng sabaw. Sapagkat nangangahulugan ito na masarap ang inihandang pagkain. Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at tinutukoy minsan bilang "Korea". Sa pansilang pananaw Kausap ng historyador ang kanyang bayan, at nagkukuwento siya tungkol sa ibang bayan.

B.) Mga halimbawa. Pantayong Pananaw : Ngayon 

Benjamin Alves, nagbigay na ng pahayag sa paghihiwalay nila ni Julie Anne San Jose.

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay



INTEFIL

Ina, nagdeklara ng 'zero gadget' sa bahay nang may mapansin sa ugali ng mga anak



Isang uri ng seaweed, puwedeng panlaban sa cancer cell?



Ano ang Universal Health Care at papaano ito pakikinabangan ng mga Pinoy?

Pantayong Pananaw : Noon 

President Rodrigo Duterta nag deklara ng martial law sa Mindanao



K-12 bill, ganap nang isang batas



Mahigit 340,000 ang naapektuhan ng bagyong ondoy



Huwag umuhi kung saan saaan maaring may matamaan kang nuno sa punso.



Huwag mag walis sa hapon at gamit nakakawala ng swerte sabi ng aking lola

Pang kaming Pananaw: Ngayon 

ICC Likely to come after Duterte despite PH split



Manny Pacquiao meets Alibaba founder Jack Ma in Hong Kong

Pang kaming Pananaw: Noon 

Super Typhoon Yolanda is strongest storm ever to make landfall in recorded history in the PH



PBA to abide by FIBA decision to suspend 10 Gilas players, 2 coaches

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

Pansilang Pananaw Ngayon: 

Malaking bahagi padin ng kultura ng South Korea, ay ang panananatiling tradisyunal sa pagkain at ang isa sa pinaka patok dito ay ang Kimchi.



Ang bansang Tsina padin ang may pinakamataas na papulasyon sa asya na may bilang na 1.3 bilyong tao



Patuloy na tumataas ang pursyento ng mga taong Christian ang relihiyon sa bansang korea sa kasalukuyan 28%

Pansilang Pananaw Noon: 

Chinese Dumplings ay isang tradisyonal nag pagkain na sikat sa Hilagang Tsina



Ang Peking Opera ay dinudula upang ipakita ang kasaysayan ng kanilang bansa na ginaganapan naman ng mga lalake upang di mapahiya ang mga babae nag simula ito nong 1790 sa ika 80 na kaarawan ng haring Chien Lung sa Dinastiyang Quing



Ang tradisyunal na kasuotan ng tsina para sa mga babae ay tinatawag na Chenogsam at Zhongshan suit para sa kalalakihan

C.)

Ano

ang

layunin

sa

pagkalikha

ng

mga

nasabing

pananaw?

Ang pagkalikha ng mga nasaibing pananaw ay nag karoon ng malaking epekto sa ating

kultura

at

pamumuhay

sapagkat

layunin

nitong

magkaroon

tayo

ng

pagkakaunuwaan sa araw araw na talastasan sa ating sarili, sa isat isa, at maging sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng Pang tayong pananaw, natututuhan nating gamitin ang wikang filipino sa mga pagkakataong may nakakausap tayong galling sa probinsiya o sa

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

ibang rehiyon. Upang ma ipamahagi ang ating mensahe at mas madaling mapunta tungo sa pag kakaunawaan. Na isasalamin natin ang ating kultura/pinanggalingan at pagkakaisa sa pagbibigkas ng iisang wika upang magkaintindihan. Sa pamamagitan naman ng pang kaming pananaw, natututuhan nating gumamit ng hiram na mga salita at wika upang maipamahagi ang ating kultura, sitwasyon, at balita sa ibang bansa/ sa mga banyaga. At sa huli nagagamit naman natin ang pang silang pananaw upang maipamahagi

sa

ating

mga

kababayan/

kapwa

Pilipino

ang

mga

Kultura,

paniniwala,,sitwasyon, kwento at balita patungkol sa ibang bayan/bansa.

D.)

Ano

ang

mga

hamon

ng

nasabing

Pananaw.

1.) Dahil natuto na tayong mag salin ng wika at gumamit ng mga hiram na kataga maging ang pagsasalita at pagsulat sa wikang ingles, maaring matabunan/ makalimutan nating pagyamanin ang ating sariling wika 2.) Maaaring mas mag tuon na tayo ng pansin at interes sa mga kaganapan sa ibang bansa at ipagwalang bahala na o hindi alamin ang mga pangyayari sa ating sariling bayan. 3.)Maaaring hindi na natin maipagpatuloy ang kamalayan ng bayan sa ating kasaysayan sa dami ng ibat ibang banyagang interes na napupunta sa Pilipinas 4.) Dahil naka pokus ang bansa sa pag papayabong ng isang pambansang Wika maaring maisantabi ang ibat ibang katutubong wika sa ating bansa.

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

Mga Batis (Libro)

Navarro, A. (n.d.). Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan: Pambungad sa pag-aaral ng bagong kasaysayan. Lunsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. Guillermo, R. (2009). Pook at paninindigan: Kritika ng pantayong pananaw. Diliman, Quezon City: University of the Philippines Press. Cruz, P. M. (n.d.). Filipinong pananaw sa wika, panitikan at lipunan. Diliman, Lunsod Quezon: College of Social Sciences and Philosophy Publications University of the Philippines Press, Unibersidad ng Pilipinas. Torres, J. V. (2000). Pananaw: Viewing points on Philippine history and culture. Manila: UST Pub. House. Peñalosa, M. C., & Salazar, Z. A. (2018). Pantayong pananaw: Bagong historiograpiyang Pilipino bagong balangkas ng kasaysayan ng kapilipinuhan. Quezon City: Bagong Kasaysayan.

(PDF’s at E Books, E journals) Chua, M., & Chua, M. (n.d.). Pantayong Pananaw o Pantasyang Pananaw Lamang?: Kamalayan sa mga Konsepto/Dalumat ng Bayan, Mga Tinig Mula sa Ibaba. Retrieved from https://www.academia.edu/7979186/Pantayong_Pananaw_o_Pantasyang_Pananaw_L

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

amang_Kamalayan_sa_mga_Konsepto_Dalumat_ng_Bayan_Mga_Tinig_Mula_sa_Ibab a Buod

Ng

Pantayong

Pananaw.

(n.d.).

Retrieved

from

https://www.vbook.pub.com/document/138313484/Buod-Ng-Pantayong-Pananaw Hernandez, J. R. (2009). Ang Pandaigdigang Pananaw ng Pantayong Pananaw. Kritika Kultura, 0(13). doi:10.3860/kk.v0i13.1212 Zeus Salazar - Pantayong Pananaw Isang Paliwanag. (n.d.). Retrieved from https://www.vbook.pub.com/doc/39661421/Zeus-Salazar-Pantayong-Pananaw-IsangPaliwanag Chua, M., & Chua, M. (n.d.). Ang Diskursong Pantayong Panahaw sa Cyberspace. Retrieved

from

http://www.academia.edu/7884693/Ang_Diskursong_Pantayong_Panahaw_sa_Cybersp ace

Ipinasa ni: Raymund Martin P. Dacanay

INTEFIL

Related Documents


More Documents from "Meikay Protacio Sarse"