Panukalang Proyekto.pptx

  • Uploaded by: Anne Carmel Tan
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Panukalang Proyekto.pptx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,466
  • Pages: 34
Loading documents preview...
Ang paggawa ng panukalang proyekto ay sistematiko at pinag-aaralan.

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO)

sa paglikha ng mga magaaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.

Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.

Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writingl, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

Mahalang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto. Kaya naman masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay.

Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.

Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.

Ayon kay Jeremy Miner at Lyn Miner (2008) sa kanilang aklat na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:

A.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto B.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto C.Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

A.Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan o kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal. Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.

Higit na maging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok mo ang tunay na pangangailangan ng pag-uukulan nito. Sa madaling salita, ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.

Maaaring magkaroon ng maraming solusyon para sa isang suliranin. Ngunit higit na makakabuti kung magbigaytuon lamang sa isang solusyon na sa palagay mo ay higit na mahalagang bigyang-pansin. Dito ngayon iikot ang iyong isusulat na proyekto. Mula rito ay maari mo nang isulat ang panimula ng panukalang proyekto kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng

ng pamayanan, kompanya, o organisasyong pag-uukulan nito at kung paanong makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong iyong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin sa Pagpapahayag ng Suliranin.

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

Matapos na mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin ng gagawing panukalang proyekto ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng sulating ito. Ito ay binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.

1. Layunin – Sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.

Specific – nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto. Measurable – may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto. Practical – nagsasaad ng solusyon sa binaggit na suliranin. Logical – nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto. Evaluable – masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

2. Plano ng Dapat Gawin – Matapos maitala ang mga layunin ay maari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang sa isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Ito rin ay dapat na maging makatotohanan o realistic. Kailangang ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito.

Mas makakabuti kung isasama sa talatakdaan ng gawain ang petsa kung kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin. Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay maaaring ilagay na lamang kahit ang linggo o buwan. Makatutulong kung gagamit ng chart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.

Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay Bacao 1.Pagpapasa,pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7araw) 2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo) *Ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.

3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw) *Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran ng nakararami. 4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 na buwan) 5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

3. Badyet – Isa sa pinakamahalagang bahagi anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ito ay talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga contractor na kadalasan ay may mga panukalang badyet na para sa gagawing proyekto. Maaring magkaroon din ng tatlo o higit pang bidders na pagpipilian. Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng suweldo ng mga manggagawa, allowance para sa mga bantay sa pagsasagawa nito, at iba pa.

Mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsasagawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa datos mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na “ Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto.”

A.Gawing Simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito. B.Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.

C. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaaring kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasawa rin ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal. D. Siguraduhing wasto o tama ang ginagawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure sapagkat ito ay nangangahuluan na integridad at kadapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito Maaring ang makinabang nito ay mismong lahat ng mamamayan ing isang pamayanan, ang mga empleyadi ng isang kompanya, o kaya naman ay miyembro ng isang samahan. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante, at iba pa.

Maari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.

Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaring gamitin, depende sa may-akda na naghahain nito. Sa ibang sanggunian, tulad ng isinulat ni Besim Nebiu sa kayang akdang Developing Skills & NGO’s Project Proposal Writing (2002), bahagi ng panukalang proyekto ang Abstrak o executive summary ng panukala lalo na kung medyo may kahabaan ang isinulat na papel. Ito ay makatutulong sa mga abalng opisyal na kailangang magbasa ng maraming mga panukala kung kaya kadalasan ang executive

Summary na lamang ang kanilang binabasa. Sa ibang pormat naman ay naglalagay rin ng mga kalakip o appendices. Ang mahahalagang sipi ng datos o domumento na kailangan sa panukala ay inilalagay na lamang sa mga kalakip sa dulo ng panukala upang higit na maging sistematiko at organisado ang presentasyon ng panukala. Kadalasang isinasama sa kalakip (appendix) ang mga liham na ginagamit para sa pagpapahintulot o pagpapatibay ng panukala, ang detalye ng badyet tulad ng pinanggalingan ng pondo atbp.

Maari mong idagdag ang mga bahaging ito kung sa tingin mo ay kinakailangan itong gamitin. Ngunit para sa higit na payak na balangkas para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang sumusunod: 1. Pamagat ng Panukalang Proyekto – Kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin. 2. Nagpadala - Naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.

3. Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa bahaging ito ang itinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto. 4. Pagpapahayag ng Suliranin – Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan. 5. Layunin – Naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.

6. Plano ng Dapat Gawin – Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto ng proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa. 7. Badyet -

Related Documents

Panukalang Saliksik
March 2021 0

More Documents from "Anne Carmel Tan"