3nd Grading (mid) Exam

  • Uploaded by: Charity A. Ramos
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 3nd Grading (mid) Exam as PDF for free.

More details

  • Words: 996
  • Pages: 3
Loading documents preview...
SAINT AGUSTINE HIGH SCHOOL San Agustin, Surigao del Sur UNANG MARKAHAN FILIPINO 10

Pangalan/Seksyon: __________________________________ Petsa: _______________ Marka: ________ I – PAGPIPILIAN Panuto: Basahing mabuti ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Sa mitolohiyang pinamagatang “Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi”, anong suliranin ang kinaharap ng mga tauhan sa akda? a. Ang pagsira sa kanilang tahanan upang makapagpatayo ng bagay na makapagdudulot ng kaunlaran. b. Ang paniniwala nila sa pagkakaroon ng isang diyos sa ilog na nagpoprotekta sa kanila. c. Ang pakikipaglaban nila sa mga dayuhan na naging dahilan ng pagkamatay ng marami nilang kalahi. d. Ang pagpapatakwil sa kanila sa lugar na kanilang kinagisnan. 2. Ano ang naging desisyon ng mga pinuno dahil sa epektong idinulot ng mga hindi maipaliwanag na malalaking pagbaha sa lugar? a. Ipinagpaliban na muna nila ang proyektong isinasagawa sa lugar na ito. b. Sinugod nila ang inaakalang pinag-uugatan ng ganitong mga kalamidad. c. Ipinagpatuloy nila ang ginagawa sa kabila ng napakalaking pinsala sa kanila. d. Wala sa nabanggit 3. Paano naapektuhan ang mga mamamayan ng Tribong Tonga dahil sa naging desisyon ng pamahalaan? a. Nagkahiwa-hiwalay ang magkakapamilya nang mangibang bansa ang iba. b. Napaalis sila sa tirahang naging tahanan na nila sa napakahabang panahon. c. Naging mas masagana ang kanilang buhay dahil sa puhunang ibinigay sa kanila. d. Lahat ng nabanggit 4. Ano naman ang ibinunga ng desisyong ito ng pamahalaan para sa mas nakararaming mamamayan at sa buong bansa? a. Nagkaroon ng mapagkukunan ng koryente ang mga tao at nakatulong sa bayan ang kinikita mula sa mga turistang dumarayo sa lugar. b. Naging pasakit ang pagbabaha sa mga lugar na dinadaluyan ng Dam ng Kariba na nangyayari taon-taon mula nang maitayo ang dam noong 1960. c. Mas maraming dam pa ang itinayo at sumira sa mga kagubatang protektado ng Nature Conservation Act. d. Lahat ng nabanggit 5. Tukuyin ang kahulugan ng mga simbolismo at matatalinghagang pahayag na ginagamit ng may-akda sa tula.

Isang ibon ang malayang lumilipad hanggang sa dulo ng ilog at sa silahis ng araw. a. Mga taong kabilang sa lahing Puti na nagagawang mamuhay nang Malaya at masagana nang walang gumagambala sa kanilang payapang pamumuhay. b. Mga ibong pinalad na maisilang sa makapal na kagubatan at walang gumagambala sa kanilang payak subalit payapang kapaligiran.

c. Mga taong isinilang na mayayaman at makapangyarihan na siyang namumuno sa pinakamalalaking kaharian sa buong mundo 6. Ang malayang ibon ay nangahas angkinin ang langit. a. Mga politikong gumagamit ng kapangyarihan upang makapagnakaw sa kaban ng bayan. b. Mga ibong kumakain o kumukuha sa anak o itlog ng kapwa nila ibong mas mahina kaysa sa kanila. c. Mga taong nagdi-diskrimina at gumagawa ng kapinsalaan sa kapwa nila nang dahil sa kulay ng balat at kalagayang panlipunan at pinapaboran pa ng lipunan. 7. Ngunit ang isang ibong nanlilisik, sa kanyang makitid na hawla ay bihirang makasilip sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit. a. Ang galit na nadarama ng isang ibong hindi makalipad na dapat sanang ginagawa ng isang ibong tulad niya. b. Ang galit na kinikimkim at hindi maibulalas ng mga taong nagdaranas ng diskriminasyon at kaapihan sa kamay ng iba. c. Ang nadarama ng isang taong may sakit at pinagbabawalang makisalamuha sa iba. 8. Mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit. a. Ang mga taong nakakulong sa mga rehas ng bilangguan ay dapat lang makapagsalita rin dahil ito’y bahagi pa rin ng kanilang karapatan. b. Ang mga taong inaapi at hinuhusgahan base sa kanilang lahi at kulay ay nangahas magsalita at manindigan para ipaglaban ang kanilang karapatan. c. Kahit ikulong o itali mo ang isang ibon ay hindi mo pa rin siya mapipigilang umawit dahil ito’y isang bagay na likas sa kanya. 9. Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng ibang simoy ng hanging malamyos sa mga punong nagbubuntonghininga ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga. a. Ang mga oportunidad at pagkakataong naibibigay sa mga Putin a hindi basta natatamo ng mga Itim dahil sa hindi pantay na pagtanaw ng lipunan sa kanila. b. Ang mas malalakas na ibon ay umuubos sa mas maiinam na pagkain kaya naman wala nang naiiwan sa mga mas mahihina. c. Ang tao ay likas na maramot dahil kapag nakakita ng oportunidad para umunlad ay sinosolo niya ito at hindi man lang ibinabahagi sa iba. 10. Isang uri ng panitikang lubos na kinalulugdan ng marami kaya’t maituturing na napakalawak ng larangang ito ng panitikan. a. Nobela

b. Tula

c. Anekdota

c. Sanaysay

II – PAGTUKOY Panuto: Basahing mabuti ang tanong at ibigay ang angkop na kasagutan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang mga sagot . __________________1. Isa sa komponent o sangkap ng kasanayang komunikatibo na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning pang-gramatika. __________________2. Ano ang tawag kapag mag-isa kang naglalahad ng iyong anekdota sa entablado nang walang ibang tauhang makaririnig maliban sa mga tagapanood? __________________3. Ano naman ang tawag kapag ikaw ay mag-isang maglalahad ng mga pangyayari sa anekdota habang nakikinig sa iyo ang iba mo pang kasamahang tauhan sa entablado?

__________________4. Ito ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe. __________________5. Isang maikling pagsasalaysay ng isang makatawag-pansin o nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na kadalasa’y tanyag o kilala. __________________6. Sa pakikipagtalo o pakikipagdebate, ano ang tawag sa panig na sumasang-ayon? __________________7. Ano naman ang tawag sa panig na sumasalungat sa temang pinaninindigan? __________________8. Ang ilog na ito ay itinuturing na ikaapat sa pinakamalalaking ilog sa Africa. __________________9. Sa debate, dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita. __________________10. Isa sa mga sikat at hinahangaang manunulat na African-american. III – PAG-IISA-ISA Panuto: Tugunan ang mga katanungan sa bawat bilang. 1-2. Ibigay ang dalawang uri o format ng Debate   3-4. Ibigay ang kaibahan ng dalawang format ng debate

5-10. Ibigay ang anim na uri ng tulang Liriko o pandamdamin at ipaliwanag ang bawat isa.      

Related Documents

3nd Grading (mid) Exam
February 2021 5
Mid
March 2021 0
Mid 136
February 2021 1

More Documents from "joyce"

3nd Grading (mid) Exam
February 2021 5
February 2021 0
February 2021 3
Icrpg Volume 2
February 2021 0