Ang Ugat Ng Korapsyon At Ang Epekto Nito Sa Lipunan

  • Uploaded by: Jadestone Green
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Ugat Ng Korapsyon At Ang Epekto Nito Sa Lipunan as PDF for free.

More details

  • Words: 3,215
  • Pages: 14
Loading documents preview...
KABANATA I Ang Suliranin

Introduksiyon

Isa sa mga pinakamalaking sakit ng ating bansa at maging sa ibang bansa rin ay ang patuloy na isyu ng korapsyon o katiwalian. Ang korapsyon ay nakaukit na sa loob ng ating sistema, at naisasagawa sa pang-ekonomiya at panlipunang mga kadahilanan na may pansariling interes at isang baluktot na kahulugan ng katapatan sa mga kaibigan at kamag-anak. Ngunit masasabi ba talaga nating isa na nga ba itong parte ng ating kultura? Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot ay

tumutukoy

sa

kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan

para

sa

hindi

nararapat

na

sariling

kapakinabangan.

Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal. Ang korapsyon ay laganap na sa buhay ng mga tao. Nakikita ito sa gobyerno, sa kapulisan, at maging sa sistema ng hustisya na mayroon ang isang bansa. Sa mga kaso ng pork barrel, mga massacre na nangyayari at nababalita sa bansa, bakit nga ba walang naidadala sa kulungan? May iilan ngang hindi naibabalita, at may ilan namang naidadala naman sa awa at pangungutya lamang. Makikita rin ang korapsyon sa pangaabuso sa kapangyarihan, pakikipagsabwatan, pandaraya sa halalan, pagnanakaw ng kabang yaman ng bansa, panunuhol at pagtanggap ng suhol, pagtangkilik o Padrino, at pangingikil. Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalo na kung ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o kaya sa mga magagandang bagay sa mundo. Sa tingin ko hindi lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman nang makuha ang gustong posisyon sa pamahalaan. Mayroon malaking kontribusyon ang taong bayan; ang taong bayan ay may kapangyarihang bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso ang nangyayari nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalo na ang mga mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap ng pera pero dapat natin tandaan na yung pera na natanggap mo ay galing sa buwis ng mga taxpayer.

Makikitang ang kahirapan ang isa sa mga dahilan ng korapsyon. Sabi nga ng kasabihang, “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”, napipilitang magnakaw ang mga tao. Ngunit masasabi rin nating, paano naman ang mga mayayaman na patuloy pa ring nagnanakaw? Sadyang hindi nga makuntento ang tao sa kung anong mayroon sila.

1

Hindi nga natin itinatakwil ang korapsyon, sapagkat binabati pa natin ito, pinapaimbabaw, at hinahayaang magpatuloy sa bansa at maging sa sarili. Makikita ito sa ‘pakikisama’ ng bawat Pilipino at pamilya, kaibigan, at iilan sapagkat nakikinabang ang lahat kung hindi isusumbong o isusuko sa may taas. At dito rin makikita ang ‘utang na loob’ sa mga nagawa ng kapwa sa atin na wari ay isang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Minsan nama’y sadyang bahag ang buntot ng mga Pilipino, takot sa mga maaaring mangyari, at baka maging mapanganib pa ang buhay kung magsumbong man. Ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon. Ito ang napakasamang epekto ng korapsyon, oo nga masaya ang mga taong mayaman at may kaya pero lugmok sa kahirapan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Pilipinas dahil hindi nila basta maiwan o mahiwalay sa kanilang pamilya. Ganito ba habang buhay Pilipinas naghihirap dahil sa korapsyon? At napansin naman natin na maraming Pilipino na pinipili na maging OFW upang maibigay at masuportahan ang kanilang pamilya kahit man ito ay mahirap. Ano nga ba ang ugat ng korapsyon? Isa sa mga ginagawa natin upang mapayapa an gating konsyensya ay ang pag-iisip na, “maliit na bagay lang naman, hindi naman ito makakasakit.”; “ginagawa rin naman ng lahat ito eh.”; “nasa sistema na rin naman, makikinabang na lang rin ako.”. Mga ganitong pag-iisip ay nakakapag-udyok ng korapsyon, kasakiman, at pagkamakasarili. Itong mga pag-iisip ang naggaganyak sa atin na tahakin ang daan kung saan madaling gawin ang isang bagay at kapakipakinabang. Isa sa maaaring dahilan kung bakit bulag tayo sa kahirapan ng iba, na biktima rin lamang ng korapsyon. Konseptwal na Balangkas Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Maaari itong maging basic na kaalaman para mapapalawak ang kaalaman tungkol sa maging dulot ng korapsyon. Mahalaga ang mga impormasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito, hindi lamang sa mga kasalukuyang mag-aaral na gumagamit nito kundi pati na rin sa mga mambabasa na maaaring naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa paglaganap ng korapsyon sa lipunan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ng mga mambabasa ang mga ibinuklod na salita na tinawag na “corruptionary”. Bukod dito, maeebalweyt ng mga mag-aaral ang mga limitasyon sa kaalaman at ang mga pag-aaral na dapat pang alamin at mapagtuunan ng atensyon ang nangyayaring korapsyon sa

2

lipunan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang mga mambabasa ay magkakaroon ng mas malawak na kaalaman upang maunawaan nila ng lubos ukol nito. Ang konseptual na balangkas ng pag-aaral na ito ay makikita sa Figura 1 na naglalahad ng iskematik na modelo sa pananaliksik.

Korapsyon

Lipunan

Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na maunawaan ang ilan sa mga problema na may kaugnayan sa korapsyon. Matutukoy dito ang mga iba’t ibang tawag sa korapsyon Ang mga problema na nangngailangan ng kaukulang pansin ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga negatibong epekto sa paglawak ng korapsyon sa ating lipunan? 2. Paano makakaapekto sa lipunan ang patuloy na paglawak ng korapsyon? 3. Posible kayang mawala ang korapsyon sa ating lipunan? 4.Ano-ano ang dulot ng korapsyon sa lipunan? Saklaw Ang pag-aaral na ito ay umaabot ng tatlong buwan at dito nakikita ang dahilan ng pangungurap ng ating mga namamahala ng ating gobyerno. Kadalasan ng mga ito ang mga opisyales o ang nangunguna sa isang ahensya. Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga ang pag –aaral na ito para sa sumusunod na indibidwal nang magkaroon ng gabay,kaalaman,liwanag, at mabawasan ang mga suliraning nangyayari sa lipunan dahil sa korapsyon na nakaaapekto sa mga mamamayan at maging mahalaga at makapagtibay ng kabatiran,kamalayan,malawak na pag-unawa tungkol sa masamang dulot ng korapsyon. Masuring-masuri ang pananaliksik at makamtan ang mga layunin ng pag-aaral na ito. Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng epekto ng korapsyon sa lipunan. Magiging gabay nila ang pag-aaral na ito upang malaman nila ang ugat ng korapsyon at ang magiging epekto nito sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay maipabatid ang masamang dulot ng korapsyon sa kanilang mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay masusuri nila at makatutulong sa pagbabago ng mga kaalaman ng mga mag-aaral na maunawaan nang lubos ang epekto ng korapsyon.

3

Sa mga Magulang. Ang kalalabasan ng pag-aaral ay malalaman nila ang dahilan ng korapsyon at paano ito masosolusyonan..Magkakaroon din sila ng sapat na kaalaman sa mga nangyayaring korapsyon sa lipunan.

4

KABANATA II METODOLOHIYA Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng metodolohiyang ginagamit tungkol sa pag-aaral na may pamagat na epekto ng korapsyon sa lipunan. DISENYO NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang suriin ng husto ang mga epekto ng korapsyon sa lipunan. Ang mga mananaliksik na ito ay gumamit ng paraang palarawan (descriptive). Ang pag-aaral ay gumamit ng iba’t-ibang basehan at hanguan tulad ng mga artikulo na makikita sa internet at upang mapagtibay ang pananaliksik ukol sa epekto ng korapsyon sa lipunan. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK Ginamit ng mga mananaliksik upang matukoy ang epekto ng korapsyon sa lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter at panonood ng telebisyon.

5

KABANATA III PRESENTASYON, ANALYSIS AT INTERPRETASYON Depinisyon ng Corruptionary Ang “corruptionary” ay nagpapakita ng kolektibong karanasan ng bayan at ang bayan bilang isang leksikograper. Ito ay konseptong nagmula kay Evi-ta Jimenez, Executive Director ng CenPEG. Itong aklat ang resulta ng proyekto ng mga political science students mula sa University of the Philippines-Manila na parte ng Volunteers Integration Program sa Center for People Empowerment and Governance (CenPEG) noong 2006 at 2007. Ang bawat salita o parirala ay mga depinisyon, may ‘derivation’ pa kung saan nagmula ang ibig sabihin, at mga halimbawa ng paggamit nito sa diskurso. Nakatutuwa ngang may mga guhit pa ito. At para sa mga hindi marunong mag-Tagalog ay may ‘pronunciation guide’ pa. Dito makikita ang halos mga salitang ginagamit lamang ng mga eksperto na ngayon ay bukambibig na ng taumbayan at nagkaroon na rin ng makabagong semantikong pagpapakahulugan. Isang paraan ito ng pagkamulat ng mamamayan sa mga katiwaliang nagaganap, kahit na halos bawat salita ay kakikitaan ng pagkamalikhain at ‘sense of humor’ ng mga Pilipino. Pagkabuo ng mga salita Ang mga salita sa Corruptionary ay nabubuo sa iba’t ibang paraan: PARIRALA Ako’ng bahala sa’yo

Kwarto o kwatro?

Alam mo na

Luto na

Alam mo na ‘yan

Magkano ka

Ayos na

Meron ka sa akin

If the price is right

Ok, pag-usapan natin

Ikaw na ang bahala

Deal

INUULIT o PAG-UULIT biyak-biyak

dagdag nang dagdag

barya-barya

zero-zero

bulsa-bulsa PAGKAIN appetizer KULAY asul

yellow

lila

yellow 3

6

red tape

green

MULA SA IBANG LENGGWAHE dorobo (Hapon) blue (Ingles) ginagmay; hungihong (Visayan) ONOMATOPEIA hush-hush PAGSASANIB NG MGA SALITA o BLENDING cash-sunduan

consuholtant

fixcal

inaregalo

horrorable

representathief

hulidap KALIKASAN araw

ambunan

galamay

PANG-ARAW-ARAW NA BAGAY baterya bukol butas gatasan PANG-ARAW-ARAW NA KILOS bisto hilot himas diskarte luto lusot lukot laglag KRIMEN bangag PELIKULA bituing walang ningning SYENSYA

7

Bacteria Virus Tuta Buwitre doubledead SPORTS game-fixing balato KORTE fixcal falsification of records blood money PAG-AAGINALDO goodwill money TRABAHO 15:30 apprentice boundary agent, backer downpayment DTR commission ELEKSYON dagdag-bawas EDUKASYON grades for sale Principal KABABALAGHAN Ghost employee Ghost project Ghost meeting Ghost delivery RELASYON Baker Ninong ninang

8

Padrino Kapit-an PAGSUSUGAL Tong Balato ESTADO Bureaucrazy For official use only PROPER NOUNS China town Department Store of Justice Drakula Kamag-anak Inc. Lutong Macau

Kamalayan sa Corruptionary Kaalaman sa diskyonaryo Sinuri ng mananaliksik ang kaalaman ng mga sumagot sa pamamagitan ng tanong na ito, “Pamilyar ka ba sa grupo ng mga salitang ito bilang mga salitang may kaugnayan sa korapsyon? Suriin ang mga salita, 1 bilang hindi gaanong pamilyar at 5 bilang napakapamilyar.” Sa pagsusuri, napagtantong pamilyar ang mga sumagot sa halos lahat ng klase ng korapsyon na nabanggit. Ang pinakapamilyar para sa kanila ay ang ‘siyensya’, ‘sports’, ‘korte’, ‘pag-aaginaldo’, ‘eleksyon’, ‘edukasyon’, ‘kababalaghan’, ‘relasyon’, ‘pagsusugal’, at ‘estado’. Sumunod sa ranggo ay ang mga ‘pang-araw-araw na bagay’, ‘pang-araw-araw na kilos’, at ‘krimen’. Sumunod rin ang ‘trabaho’, at ang panghuli ay ang may kinalaman sa ‘kalikasan’, at ang mga ‘proper nouns’. Napagtanto rin na hindi pamilyar ang mga sumagot sa mga ginagamit mula sa ‘pelikula’ gaya ng ‘bituing walang ningning’ at ‘tinimbang ka ngunit kulang’, at ang mga bagay na may kinalaman sa ‘cellphone’ tulad ng ‘panload’. May mga hindi rin alam ang iilan sa mga sumagot na may kinalaman sa korapsyon ang mga salita, gaya ng ‘bacteria’ at ‘virus, at ’15:30’, at iilan sa mga ‘proper nouns’ na

nabanggit. May mga nabanggit rin naman sila gaya ng ‘red tape’ na sadyang

talamak na rin ngayon, at ang ‘hello garci’ at ‘binay’ na iilan lamang sa mga kaso na napapanahon.

9

Paglaganap ng Korapsyon Ang paglaganap ng korapsyon gamit ng mga nabubuong salita ay ihahalintulad sa teorya nina Sapir at Whorf na Sapir-Whorf Hypothesis o Linguistic relativity. Ang teoryang ito ay nagpapakita na ang wika ay nakakaapekto sa ‘worldview’ ng nagsasalita, at sa kultura nito, at vice-versa. “Language is how you perceive reality.” Hindi mamamalagi ang isang salita kung hindi siya ginagamit sa lipunan at kung wala itong lugar o halaga rito. Hindi naman sa mahalaga ang korapsyon sa mamamayang Pilipino, ngunit ito ay naging parte na ng pamumuhay. “Necessity is the mother of invention”. Dahil na rin sa pagkamalikhain ng mga Pilipino, naiuugnay nila ang mga nangyayari o isyu sa mga salitang nagagamit sa pang-araw-araw sa mga usaping korapsyon. Kultura din ng Pilipino na hindi tuwirang sinasabi ang mga bagay-bagay lalo na kung illegal kaya’t gagawa ito ng ‘code’ upang itago. Epekto ng mga salitang korapsyon Pagiging mulat. May kamalayan na ang mga tao sa mga porma ng korapsyon na nangyayari sa paligid. Nagiging maingat na rin sa mga posibleng katiwalian na mangyari dahil sa mga naririnig at nalalamang mga salita. Semantik na pagbabago. Nagkakaroon ng negatibo na pagtingin sa iilang mga salitang hindi naman nagmula sa korapsyon talaga at nadadagdagan lamang ng ibig sabihin. Maraming nabubuong relasyon o ugnayan sa diskurso dahil sa wika. Nagkakaroon ng ‘mental image’ na kapag sinabing ‘buwaya’ ay pulis o mga pulitiko ang naiisip. Euphemism. Nagiging mas madali sa Pilipino na ilarawan o ipahayag ang mga salitang korapsyon, lalo na sa di-direktang paraan. Habang tumatagal rin ay nagagamit na bilang mga jowk. Nasa kultura na natin. Hindi lamang sa gobyerno makikita dahil may iba’t ibang porma ang korapsyon. Makikita rin ito sa pinakamaliit nay unit ng lipunan, sa pamilya at syempre sa mismong sarili. Nasanay na ang mga Pilipino sa mga salitang ito na para bang walang mali at bahagi na ng pamumuhay sa Pilipinas. Sa kasanayan ay nagiging ‘apathetic’ na ang mga Pilipino sa pagtingin sa korapsyon. Utang na loob. Talamak ang korapsyon gamit ang kulturang pagpapahalaga nito ng mga Pilipino, ang mga pariralang gaya ng ‘ako na ang bahala sayo’ sa pagkuha ng trabaho, at iilan pang uri ay may posibilidad na maging katiwalian. Sa pagpasok sa iyo sa trabaho ng isang kaibigan ay masasabing ‘utang na loob’ kung kaya’t sinasamantala rin ito sa ibang paraan katulad na lamang kung ikaw ay nagtatrabaho sa LTO at siya ay kukuha ng ‘driver’s license’. Maaaring ipasa mo na lamang siya bilang ‘utang na loob’. Kahirapan. Dito pumapasok ang “ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”Kaya napipilitang magnakaw ang mga tao, para lamang mabuhay.

10

Pamilya muna. May kinalaman rin ito sa ‘utang na loob’. Maraming Pilipino na prayoridad ang sarili at ang mga malalapit sa kanya kung kaya’t kahit ano gagawin para lang maprotektahan ang pansarili at pampamilyang interes, kahit na pa sumabak sa korapsyon o katiwalian. “Paano namin mapapakin ang aming pamilya?” Isa ito sa mga pinapahalagahan ng mga Pilipino, at makikita rin ito sa pelikulang “Heneral Luna”. Kasaysayan. Sa mga pinagdaanan ng mga Pilipino sa mga sumakop sa bansa at sa mga ilalim rin ng ibang mga kurakot na Pilipino ay nagkarooon ng korapsyon.“Alipin sa sariling bayan.” Nagkaroon ng mga “looting” noong panahon ng mga kastila at hapon, at doon pa lang ay makikita na ang isang porma ng korapsyon. Korapsyon rin sa utak sapagkat hindi sinasabi ang totoo sa mga Pilipino, at korapsyon sa kanilang kalayaan. ‘Instant Gratification’. Uso sa mga Pilipino ang pagpapadali ng kanilang buhay kaya sumisingit na lamang sa pila, pinipili ang kwarto sa kwarto o kwatro pagdating sa pagpapataas ng grado, at iba pa. Ayaw maabala kaya’t mandadaya na lang. Isa ito sa mga makikita sa kultura ng Pilipino, at isang dahilan rin ng korapsyon.



11

KABANATA IV MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Natuklasan Sa aming naunang pananaliksik ay napagkaalaman ng aking kasama na ang sinasabing korapsyon ay isang gawaing kawalan ng katapatan. Na kung saan ay nagpokus ang mga mananaliksik sa korapsyon sa pulitika. Na inaabuso ang kani-kanilang mga kapangyarihan para sa pansariling kapakanan. Ilan lamang sa aming natuklasan ang mga pangunahing impormasyon: 1.Hindi na matatapos ang korapsyon. Ito lamang ay maaaring mabawasan, kung tayo ay magtutulungan. 2. Ang korapsyon ay naka-ugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. 3. Ang korapsyon ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino. 4. Ang korapsyon ay isang malubhang suliranin ng ating bayan. Marami na angnagdaang administrasyon ngunit

patuloy pa rin ito.

5. Tayo ang pumipili ng mga magnanakaw sa atin. 6. Marami sa ating mga kababayan na ang pananaw kung bakit hindi umuunlad ang bansang Pilipinas ay dahil sa korapsyon. 7. Ang korapsyon kung hindi ito sa pulitika, maaaring matawag ito kung ikaw aywalang katapatan at integridad sa iyong ginagagawa. Hindi lamang ito sa pagnanakaw ng pondo ng bayan ngunit saklaw din nito ang mga maliliit napondo o kahit anong pagnanakaw sa kaban ng isang bagay o mga tao. 8. Base pa rin sa aming pananaliksik, minsan ang korapsyon ay isang bagay na hindi maiiwasan kahit sa sino mang matapat na pulitiko. At kahit makulong pa ang ilan sa kanila. Paulit ulit pa rin ang nangyayari. Kunbaga ang korapsyon ay kanser na ng lipunan.

Konklusyon Dahil ang wika ay isang makapangyarihang instrumento sa paglaganap ng mga bagay-bagay, korapsyon ang isa sa mga naging palasak. Hindi magkakaroon ng mga salitang may kinalaman sa korapsyon kung hindi natin makikita sa pang-araw-araw na pamumuhay o sa kultura na ng Pilipino ang mga katiwaliang ito. Nagiging negatibo ang pagtingin ng tao sa korapsyon, ngunit sa panahong ito ay nagkakaroon ng ‘apathy’ o kaya’t nagagawang biro na lamang ang ‘korapsyon’, lalo na sa mga ‘comedy shows’ sa telebisyon, na nagiging kakatwa ang eleksyon, gobyerno, at iba pa. Ginawang kakatwa ang korapsyon upang mailihis ang negatibong pagtingin rito at upang mapagaan ang pananaw, dahil masyadong mabigat ang isyu ng pagnanakaw, at pangingikil. Hindi maipagkakaila na dumarami na rin naman at patuloy na nararagdagan ang mga salitang

korapsyon

dahil

sa

patuloy

na

pagkakaroon

ng

makabagong

pagpapakahulugan sa ilang salita, at sa pag-iimbento ng iba mula sa mga kaso.

12

Rekomendasyon Nais lamang namin na maihatid sa lahat na, malaman kung ano ba talaga angnasabing korapsyon. Na isang isyung paulit-ulit na tinatalakay ngunit nananatiling bulagang ating mga kababayan sa paghanap ng paraan at sa pakikipagtulungan. Naislamang namin na sila ay mamulat sa nangyayari sa ating bayan at maipakita na may magagawa pa tayo upang sugpuin ito. Kahit sa ordinaryong mamamayan ng ating bansa. Nawa‟y namulat namin kayo na kahit sa isang simpleng boto. Ito ay makakaapekto sa ating kinabukasan. Na tayo rinang pipili ng mga taong magnanakaw sa atin. Kaya sa isang boto, sa atin nakasalalayang mga magiging mga pulitiko.Sa mga estudyante, batid namin na wala ito sa mga katayuan sa bayan.Tandaan tayo ang itinuturing na pag-asa ng bayan. Tayo ay may mga “boses” na magsisilbing instrumento sa pag-abot sa inaasam na pag-unlad. Sa mga pulitikong nais lamang ang magnakaw sa kaban ng bayan. Nawa’y kung hindi man kayo mapanagot sa korapsyon, tandaan na hindi lamang ang batas ang maaaring manghusga sa inyo. May nakakakita ng katotohanan at Siya na ang bahala sa inyo. mga nananatiling tapat, Siya na rin ang bahala sa inyo.

13

Pati na rin sa

BIBLIYOGRAPI Mga Aklat

America, J. (2013). It Isn’t Easy When Culture Supports Corruption. The Society of Honor by Joe America, Blogsite. < https://joeam.com/2013/08/30/it-isnteasy-when-culture-supports-corruption/> Balangue, D. (2013). Culture of Corruption. Philippine Daily Inquirer.

Center for People Empowerment in Governance. (2010). Corruptionary : A Dictionary of Filipino corruption words. Manila : Anvil Pub Humboldt, W. V. (1999). On language: On the diversity of human language construction and its influence on the mental development of the human species. United Kingdom: Cambridge University Press. . The Culture of Corruption Filipino Style. Youngster Magazine, Society of St. Paul. http://ssp.ph/youngster/index.php/kuya-olan-s-corner/trendingnow/item/the-culture-of-corruption-filipino-style

Websayt http://juanrepublic.tumblr.com/post/545489249/aalisin-ko-ang-korapsyon https://bayangpilipinas.wordpress.com/2014/07/13/ang-korapsyon-sa-pilipinas/ http://www.remate.ph/2011/04/gutom-na-nilalamangan-pa/ https://www.facebook.com/kilusanpilipinas/posts/547387335316210 http://pilipins.wordpress.com/category/korapsyon/ http://tl.wikipedia.org/wiki/Korupsiyon

14

Related Documents


More Documents from "Sa Lly"