Ang Banghay Ng Pagtuturo

  • Uploaded by: Shaenna Marato Ali
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Banghay Ng Pagtuturo as PDF for free.

More details

  • Words: 3,801
  • Pages: 113
Loading documents preview...
“Masasalamin ang katauhan ng isang guro sa kaniyang maayos na pagpaplano ng mga aralin”

- Ang banghay na pagtuturo ay isang balangkas ng mga Layunin, Paksang-aralin, kagamitan, at mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa upang matamo ang inaasahang bunga.

• Ito ang nagsisilbing bibliya ng guro • Ito ang nagsisilbing gabay nila upang ang Gawain ay maisagawa nang masistematiko. Sa pamamagitan nito, ang guro ay: 1. Makatitipid ng panahon 2. Makatitipid ng lakas 3. Ang pagtuturo ay magiging maayos at masistematiko 4. Magkaroon ng hangganan ang pagtuturo Maihanda ng guro ang angkop na kagamitan, teknik, mga tanong, pasilidad at iba pang sanggunian sa isang tiyak na aralin.

KARANIWANG URI NG BANGHAY NG PAGTUTURO 1. Masusi- nakatala ang tiyak na tanong ng guro at ang wastong isagit ng mga mag-aaral. Sa pamamaraan, may dalawang kolum o hati kung saan isusulat ang gawaing-guro at ang gawaing mag-aaral. 2. Mala-masusi- higit itong maikli kaysa sa masusi, sapagkat sa halip na may gawaing-guro at gawaing mag-aaral, binabanggit na lamang ang sunod-sunod na gagawin at ng kilos. 3. Maikli- naiiba ang anyo ng banghay na ito sa bahaging pamamaraan. Dito, sapat nang banggitin kung anong paraan ang gagamitin ng guro o kayay babanggutin sa sumusunod na Gawain sa maikling pangungusap o parirala.

ANG KONTEKSTWALISASYON NG BANGHAYARALIN • Sa paghahanda at pagbuo ng banghay-aralin, ang guro ay malayang magsasagawa ng anumang pagbabago ayon mismo sa pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral, ayon sa kapaligirang kultural at saosyal, at kahandaan ng mga kagamitang panturo.

MAARING ISAGAWA NG GURO ANG SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004) a. Inobasyon o pagbabago – sinasabi nito na ang guro ay maaaring magsasagawa ng mga bagong metodo o teknik na paglalahad ng mga aralin. Siya ay malayang makapag eksperimento ng iba pang teknik na sa pagbigay niya ay aksa sa kahandaan at pangangailangan ng kanyang mga tinuturuan.

b. Pagpapalit- walang isang tiyak na gamit o teksto sa bawat aralin. Ang malikhaing guro ay Malaya ring gumamit ng anumang aklat na mapagkukunan ng mga tekstong kailangan ng paksa. Maaari niyang gamitin ang mga nakahandang materyales bukod pa sa dating batayang aklat na ginagamit niya.

MAARING ISAGAWA NG GURO ANG SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004)

• c. Modipikasyon(Modification)- Ito ang pagpapakinis sa mga Gawain at mga pagsasanay na kailangan sa pagkaklase. Kung kinakailangang ayusin at rebisahina ang mga nakagawiang Gawain at uri ng pagsasanay, Malaya ang gurong gawin ito upang magjaroon ng baryasyon, d. Adaptasyon( Adaptation) – ang paglalapat sa mga bagong ideya na nakalap ng guro o kayay nasaliksik ay makatutulong sa guro upang lalong mapalawak ang nilalaman at ustruktura ng aralin.

MAARING ISAGAWA NG GURO ANG SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004) E. Paglilipat (Rearranged) – maaaring ibahin ng guro angpagkakasunod-sunod ng mga Gawain, ginagawa ito upang maging natural at madulas ang dulog ng mga magaaral. Maaaring ilipat ang hakbang ng isang metodo subalit hindi dapat nasisira ng lohika ng pagtururo. F. Pagkakaltas (Deletion) – ang mahahaba, paulit-ulit, at pare-parehong Gawain ay dapat tanggalin ng guro. Ito ay maisasagawa nang hindi naman mababawasan o masisira ang kinakailangang kasanayan at kaalaman ng mag-aaral. G. Kombinasyon (Combination) – Ang pagkakatulad na kasanayan at aralin ay dapat pag-isahin. Isinasagawa ito upang mapaikli ang magkakaugnay na impormasyon, kasanayan at nilalaman ng aralin.

MGA SIMULAIN SA PAGBUO NG BANGHAY NG PAGTUTURO May ibat ibang simulain nasa anyong tanong ang pumapatnubay sa suro sa pagbuo ng banghay-aralin. • Anong pagbabago ang mangyari sa mag-aaral?

• Anu-anong pangunahing kaisipan, kasanayan o kaalaman ang matatamo ng mag-aaral? • Paano ililipat o ikakapit ng mag-aaral ang kanyang matutuhan? • Makapagbibigay ba ng paglalagom ng kanyang natutunan ang mag-aaral? • Masusunod baa ng apat na hakbang na ito para sa mabisang pagtuturo?

RESPONSIBILIDAD NG GURO SA PAGBUO NG BANGHAY-ARALIN • Tukuyin ang layunin ayon sa pangangailangan, interes at kakayahan ng mga magaaral. Ang layunin ay dapat na lagging nasa pananaw ng mag-aaral.

• Piliin ang mga kasanayang angkop at sapat sa pagkamit ng layunin. • Isaayos ang mga Gawain upang magkaroon ng tuloy-tuloy, mahusay na kaayusan at kaisahan ng mga Gawain.

• Sukatin kung gaano ang natamo sa layunin. • Palaging isagawa an gang disiplina at pagganyak. • Isama palagi sa pagtuturo ang paglinang sa pagpapahalaga ng mag-aaral.

MGA BAHAGI NG BANGHAY NA PAGTUTURO

I. Paksang-aralin

II. Mga layunin o Inaasahang bunga III. Pamaraan o Istratehiya

IV. Takdang-aralin o Kasunduan

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA LIMANG BATAYANG BAHAGI NG BANGHAY NA PAGTUTURO

1. Layuning matatamo (attainable objectives) 2. Sapat na paksang-aralin, at tiyak na sanggunian (adequate, subject ratler and specific references) - Ang layunin ng pagtuturo

3. Sa pagsulat ng layunin, kailangang makahayag sa pangkagawiang kilos ( Behavioral terms)

APAT NA PANUKATAN NG LAYUNIN

•Tiyak (Specific) •Namamasdan (Observable) •Nakakamtan (attainable)

•Nasusukat (Measurable)

APAT NA PANUKATAN NG LAYUNIN A. Tiyak- ano ba ang gagawin o matutuhan ng bata? - Kailangang maglahad ng isang malinaw na larawan ng pagganap ang layunin.

B. Namamasdan – makikita ba ang bunga ng kilos na ipinapagawa sa klase? - Sadyang may resulta o ebidensiya ang kilos ng mga mag-aaral at ang mga itoy maaaring masukat. C. Nakakamtan- maisasakatuparan kaya ng pag-aaral ang maaasahang bunga?

1. Kognitibo/Domeyn Pangkabatiran- masasabing nasa kognitib ang layunin kapag itoy nakatuon sa paglilipat ng kabatiran at kasanayan tulad ng kaalaman, pag-unawa, aplikasyon o paggamit, pagsusuri, paglilinaw o interes at ebalwasyon. 2. Domeyn Pandamdamin: 5 Kategorya ng Layunin: • Pagtanggap (receiving)

• Pagtugon (responding) • Pagpapahalaga (valuing) • Karakterisasyon (Characterization) 3. Domeyn Saykomotor – ito ay tungkol sa mga kasanayang-motor kung saan nalilinang ang kakayahang pisikal mula sa batayang galaw ng katawan hanggang sa mga kilos at galaw na nangangailangan ng maraming pagsasanay.

MGA HALIMBAWA NG KINAGAWING KATAWAGAN SA IBAT IBANG DOMEYN NG TAKSONOMIYA

1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN 1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN

A. Knowledge- kabatiran/kaalaman • Names------------------ nakapangalan/napangangalangan • Tells--------------------nakapagsasabi/nasasabi • Points--------------------nakapagtuturo/naituturo • Gives-------------------nakapagbibigay/naibibigay

• Repeats----------------nakauulit/nauulit

1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN B. COMPREHENSION –PAG-UNAWA

• Tells/expresses-------------nakapagsasabi/nasasabi • Identifies------------nakakikilala/nakikilala • Describes-----------------nakapaglalarawan/nailalarawan • Distinguishes----------------nakasusuri/nasusuri • Compare the importance of-------------nakapag-uugnay/naiuugnay

1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN C. APPLICATION- PAGALALAPAT

• Shows-----------------nakapagpapakita/naipapakikita • Makes-------------------nakagagawa/nagagawa\ • Classifies--------------nakapagbubuklod-buklod • Prepares---------------nakapaghahanda/naihahanda • Presents----------------nakapagpapakita/naipakikita

1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN D. ANALYSIS-PAGSUSURI

• Points-out-------------------------nakapagtuturo/naituturo • Selects--------------------nakapamimili/napipili • Draw conclusion------nakapagpapasiya/napagpapasiyahan • Deduces/infers-------------------nakapaghihinuha/nahihinuha • Orders-------------------------------nakapaghahanay/naihahanay

1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN E. Synthesis-Pagbubuo

• Collects----------------nakapagtitipon/natitipon • Tells---------------------------nakapagsasabi/nakasasabi • Complies----------------------nakapagtatak/nakatatala • Arranged-------------------------nakapagsasaayos/naisasaayos • Assembles-----------------------nakapagbubuo/nabubuo

1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN F. EVALUATION- PAGPAPAHALAGA • Select/chooses--------------nakapipili/napipili

• Describes---------------nakapaglalarawan/nailalarawan • Evaluates------------nakapagpapahalaga/napahahalagahan

• Makes a decision------nakapagpapasiya/napagpapasyahan • Appraises/assess------------------nakapagtataya/natataya

II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN A. Receiving—pagtanggap • Listens----------nakapakikinig/napakikinggan • Watches-------------------nakapagmamasid/namamasid

• Locates----------------nakapaghahanap/nahahanap • Uses-------------------------nakagagamit/nagagamit • Follows---------------------nakasusunod/sunod

II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN B. RESPONDING- PAGSAGOT • Acknowledge----------------------------nakatatanggap/natatanggap • Answers------------------nakasasagot/nasasagot • Recites--------------------nakabibigkas/nabibigkas • Reads------------------nakababasa/nababasa

• Rejoices/resents-----------------------nakakikigalaknakatatanggi/nakagagalak/natatanggihan

II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN C. Valuing- Pagpapahalaga • Studies------------------nakapag-aral • Differentiate-------------------------nakakikilala ng pagkakaiba/nakilala ang pagkakaiba • Reports----------------------nakapag-uulat/nauulat • Favors----------------nakasasang-ayon/nasasang-ayunan

• Envites--------------------nakapag-aanyaya

II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN D. Organizing-Pagbubuo

• Explains----------------nakapagpapaliwanag/naipapaliwanag • Generalizes--------------najapaglalahat/nailalahat • Adheres------------nakapaninindigan/napaninindigan • Organizes------------------------nakapagbubuo/nabubuo • Alters----------------------nakapagbabago/nababago

II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN E. Characterizing-Pagkilala sa Kahalagahan • Revise-----------nakapagwawasto/naiwawasto • Verifies------------------nakapagpapatunay/napatutunayan

• Proposes------------nakapagmumungkahi/naimumungkahi • Performs/acts--------------nakapagsasagawa/naisasagawa • Solves-----------nakalulutas/nalulutas

III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN Perception-Pandama

• Color-------------------nakapagkukulay/nakakukulay • Find-------------nakahahanap/nahahanap

• Look-----------------nakatitingin/natitingnan • Note------------nakapagtatala/naitatala

• Observe------------nakapagmamasid.namamasid

III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN Set- Pagsisimula • Construct--------------------nakagagawa/nagagawa • Copy-------------nakokopya/nakokopya

• Create-------------------nakalilikha/nalilikha • Execute---------------nakagaganap/nagagampanan

• Imitate----------------nakagagaya/nagagaya

III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN Guide response –Ginabayang mga katugunan • Assemble----------------nakapagtitipon/natitipon • Connect---------------------nakapagdurugtong/naidurogtong

• Convert---------------------nakapagpapalit/napapalitan • Handle--------------------nakahahawak/nahahawakan • Measure------------------nakasusukat/nasusukat

III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN Mechanism-kaparaanan • Dense----------nakapagbabalangkas/naibabalangkas • Install-------------nakapaglalagay/nailalagay

• Perform---------------nakatutupad/natutupad • Spell-out--------------nakapagbabaybay/nababaybay

• Operate---------------nakapagpapaandar/napaaandar

III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN Complex overt Response • Conduct----------------nakapagsasagwa/naisasagawa • Connect----------------nakapagkakabit/naikakabit

• Convert-----------------nakagagawa/nagagawa • Label--------------nakapaglalagay/nakapagmamarka

• Match-----------------nakapag-uugnay/naiuugnay

III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN Adaption-Pag-aangkop

• Change---------------nakapagbabago/nababago • Move--------------nakapaggagalaw/napagagalaw

• Retine--------------nakalilinang/nalilinang • Shift-----------------nakapaglilipat/nalilipat

• Sift---------------nakasusuri ng mabuti/nasusuri nang mabuti

III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN Origination- Paglikha • Recite and recount-------------naisasalaysay at naiuulat • Remember and apply--------nakagugunita at nakasasagawa

• Discard and substitute---------------nakapagwawaka at • Recall and use-------------------- nakagugunita at nakagagamit • Recapitulate--------------nakapaglalagom

Karaniwang Kagamitan ( sa Pang-araw-araw na Pagtuturo)

A. PANGUNAHING KAGAMITAN • Pisara at Pambura – Mabilis na maisusulat ng guro ang nais niyang maipakita sa buong klase sa isang kumbinyenteng paraan. Madaling mabubura ang anumang isinulat at muli itong masususlatan na maaaring sumabay sa takbo ng pagtatalakay ng guro. • Tsok at iba pang panulat – Tsok para sa blackboard o whiteboard pen para naman sa whiteboard.

• Notbuk- sinusulatan ng mga puna o anumang tala na kailangan ng guro.

B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN 1. Layunin – Maaaring nasa anyong paturol ang layunin o kaya naman ay nasa anyong patanong. Halimbawa: (Anyong Paturol)

• Naipaliliwanag o maipaliliwanag ang mga barayti ng wika. - (Anyong Patanong) • Ano-ano ang barayti ng wika? • May ibat ibang paraan ng pagpapahayag ng mga layuning beheybyural. Ang mga ito ay; • Pangkabatiran (cognitive) • Pandamdamin ( affective) • Saykomotor ( psychomotor)

B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN 2. Tapik o Paksa – Ipinapahayag ng balangkas ang aralin sa pamamagitan ng tapik/paksa o subtapik/paksa. Ito ang pinakamakabuluhang salik dahil kung walang kaalaman ang guro sa kung anu dapat ang ituro ay hindi ay hindi siya makasusulat ng epektibong banghay-aralin.

B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN 3. Kagamitan – ay isang instruksyunal na gamit na kinakailangan upang matamo ang layunin ng pagtuturo at pagkatuto. • Ang basal (abstract) ay nagagawang tahas (concrete) at napupukaw rin ang interes o kawilihan ng mga mag-aaral sa leksyon. • Binubuo ito ng mga batayang aklat, sangguniang aklat (references), aklat-sanayan (workbook), manwal, jornal, magazin, pahayagan, simulation, mga laro, puzzle, pelikula, filmstrip, filmslide, computer, software, chalkboard, audio radio cassette, telebisyon, overhead projector (OHP), opaque, projector/computer at iba pa (Corpuz at Salandanan, 2003)

B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN 4. Paraan – Dito isinaalang-alang ng guro kung paano talakayin ang paksa o aralin. Dapa isinaalang-alang ang mga sumusunod na katanungan • Anong mga estratehiya ang gagamitin?

• Ano-anong mga katanungan ang ilalakip o ipapasagot? • Ano-anong mga gawain at pagsasanay ang ibibigay sa mga mag-aaral?

B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN 5. Pagtaya/Evalwasyon- Pagkatapos ng sinundang salik ay ang sistesis o ang buod ng aralin. Para kay Orlieh (1994) may limang pangunahing salik ang instruksyunal na pamamaraan; • Motibasyon (motivation or focusing event) • Mga pamamaraan ( teaching procedures) ng mga kinasasalalayang mga katanungan

• Pagtaya o pagtasa ng mga pamamaraan sa pagtuturo ( formative check) • Ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng ibat ibang aktibidad, pagsasanay at gawain (activities) • Buod o lagom ( closure, summary)

B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN

6. Takdang-aralin- Panghuling layunin ng kasanayan ay para sa higit na karagdagan at kadalubhasaan ng pagkatuto

B. Pagsulat ng Layunin ng Aralin – Ang instruksyunal na mga layunin ay tinatawag ding mga isyuning pagganao (performance objectives) dahil ang tuon o empasis nito ay sa kung ano ang mga namamalas na kinalabasan ng mag-aaral (student outcome) batay sa kanilang paggawa (performance). Ang kasingkahulugan ng mga layuning pagganap ay mga layuning pangkarunungan (learner objective) , mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) at mga tiyak na layunin(specific objectives)

MAY MGA KAKAYAHAN O KATANGIAN DAPAT TAGLAYIN ANG MGA LAYUNING PAGGANAP, KILALA ITO SA AKRONIM NA SMART. S – SPECIFIC O TIYAK - Ilahad ang tiyak na dapat na magawa ng mga mag-aaral

M- MEASURABLE O NASUSUKAT - Tiyaking maaari itong maobserbahan o makita ATTAINABLE O NATATAMO - Ang mga kasanayan ay nasa hangganan ng kayang magawa o matamo ng mga mag-aaral sa nakatakdang panahon o sitwasyon. R- RELEVANT O MAKABULUHAN - Iangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral T- TIME-FRAMED O MAY TAKDANG PANAHON - Naisasakatuparan sa isang takdang panahon

Sa taksoniming pang-edukasyon (educational taxonomy), ang pagkatuto ay nauri sa tatlong domeyn

Pangkabatiran (Cognitive)

MGA LAYUNING PANGKABATIRAN (KNOWLEDGE OBJECTIVE) • Sa katapusan ng aralin, ang bata’y

• Makakikilala ng mga bagay-bagay, kaisipan, at paglalahat na nauugnay sa ____________ • Makahihinuha na _________________ • Makakikilala na _________________ • Makapagsasabi ng pagkakaiba ng _________sa_________

MGA LAYUNIN UKOL SA PAGSISIYASAT AT KASANAYAN (INQUIRY AND SKILL OBJECTIVES) Ang bata’y dapat nang: • Makapaglarawan at makapaghambing ng ________________ • Makapagpaliwanag kung paano _____________

• Makapagpakita ng paraan kung paano ___________________ • Makakilala ng pagkakaiba ng __________________ • Makapagsaalang-alang at makagamit ng_________________

• Makapagbalak na___________ mapagpanukalang mabuti_____________

PANDAMDAMIN

PANDAMDAMIN (MGA SALOOBIN, PAGPAPAHALAGA,MITHIIN AT KAWILIHAN)(AFFECTIVE-ATTITUDES, APPRECIATIONS, IDEALS, INTERESTS) Sa katapusan ng unit, ang bata’y:

• Makababalikat ng pananagutan sa__________________

• Makagagamit ng____________________nang matalino at mabisa • Makapamamasid nang masusi_______________ • Makapakikinig nang masusi at may layunin_______________

Psychomotor

Saykomotor o Pagkakaugnay ng kaisipan at kilos (Psychomotor) Sa katapusan ng yunit, ang bata’y maaari nang: • Makayari (makabuo)___________________ • Makagawa (makapagtayo)_____________________ • Makagawa (Makaganap)__________________-• Makagamit ng__________________ • Makasukat____________

Pormat o mga Anyo ng Banghay-aralin

PORMAT O MGA ANYO NG BANGHAYARALIN Ang banghay-aralin ay maaaring detalyado,hindi detalyado,pahapyaw o maikling balangkas. Maaaring ito ay na sa anyong kolumnar o di-kolumnar. Ang isang estudyanteng guro na nagsisimula pa lamang na magturo ay kinakailangan talagang isulat ang kanyang mga binabalak o planadong gawain at aktibidad o pagsasanay nang may kaakibat na paraan at proseso at pati na rin ang inaasahang mga sagot at reaksyon ng mga mag-aaral.

PORMAT O MGA ANYO NG BANGHAYARALIN • Ang isang average o katamtamang guro naman ay hindi na inaasahang maghanda ng detalyadong balangkas kundi isa lamang maladetalyadong banghay-aralin. •

Ang pahapyaw o maiksing balangkas ay maaaring gamitin ng isang datihan o beteranong guro (veteran teacher). Ang isang gurong may karanasan na sa pagtuturo ay hindi na nangangailangang ilahad ang lahat ng gawain at sasabihin sa detalyadong pamamaraan.

Nakalimbag na Kagamitan

1. BATAYANG AKLAT (TEXTBOOK) -Aklat para sa isang tiyak na asignatura at baitang. Inihahanda at ginagamit ito bilang batayang kapwa ng guro at mag-aaral.

2. SANAYANG AKLAT (WORKBOOK)

-Aklat na naglalaman ng mga pagsasanay at gawain na isinasagawa ng mga mag-aaral. Mga mag-aaral ang gumagamit ng aklat na ito.

3.MANWAL NG GURO -Aklat na naglalaman ng balangkas ng aralin. Guro ang gumagamit ng aklat na ito

- Kaugnay parin ng batayang aklat, inihahanda at ginagamit ng guro ang manwal. Sa aklat na ito matatagpuan ang mga mungkahing banghay ng aralin tulad ng mga layunin, pamaraan, estratehiya, kagamitan, at iba pang gabay sa pagtuturo.

4. IBA PANG AKLAT -Bukod sa mga aklat na nabanggit na, may napakalawak na koleksyon pa ng mga aklat ang maaaring magamit ng guro bilang kagamitan tulad ng sangguniang aklat (diksyonaryo at ensayklopedya), aklat tungkol sa isang tiyak na paksa, koleksyon ng mga kwento, pabula at iba pa, at napakarami pang iba.

5. IBA PANG NAKALIMBAG -Hindi lamang aklat ang makatutulong sa guro kundi ang iba pang nakalimbag na bagay tulad ng pahayagan, magazine, brosyur, at iba pa. Kung magiging kapi-pakinabang ito sa pagtuturo ng guro at pagkatuto ng mga mag-aaral, maituturing na mabuti itong instruksyunal na mga kagamitan.

Maikling Banghay Aralin

Mala-masusing Banghay Aralin

Masusing Banghay Aralin

PAGSUSULIT

D. PAGSUSULIT • Isa pang karaniwang kagamitan ng guro sa pang araw-araw na pagtuturo ay ang pagsusulit. Ito ay instrumentong ginagamit upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral na natamo matapos ang isang proseso ng pagtuturuan. Paraan ng pagtataya ng pagtuturo-pagkatuto ang pagsusulit kaya mahalagang may malawak at mahusay na kaalaman ang bawat guro sa paghahanda nito.

KATANGIAN NG GURO O GUMAGAWA NG PAGSUSULIT • May malawak na kaalaman sa paksang aralin na saklaw ng gagawan ng pagsusulit. • May malalim na pagkilala sa mga mag-aaral na kukuhanan ng pagsusulit. • May mahusay na kasanayang pangkomunikatibo upang makagawa ng isang malinaw at hindi nakakalitong pagsusulit. • Malawak ang kaalaman sa iba’t-ibang teknik sa pagbuo ng aytem.

• Malikhain at nagagawang magkaroon ng kakaibang dating ang tradisyonal na anyo ng pagsusulit.

URI NG PAGSUSULIT

AYON SA LAYON 1. Panuring pagsusulit o Diagnostic Test. - May layuning malaman kung ano ang alam at hindi pa alam ng mga mag-aaral. 2. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Acheivment Test. - May layuning tukuyin kung natutunan ba ng mga mag-aaral ang itinurong aralin gayundin kung sino ang may malawak na natutunan at sino ang nangangailangan pa ng pagtuturong muli.

3. Pagsusulit sa kahusayan o Proficiency Test. - May layuning malaman ang lawak ng kakayahan sa isang tiyak na larangan 4. Pagsusulit sa kakayahan o Aptitude Test. - May layuning malaman kung may kakayahan o interes ang kukuha ng pagsusulit sa isang partikular na larangan.

AYON SA DAMI NG SINUSUKAT NA KAKAYAHAN • Pagsusulit na Discrete Point.

- Isang kakayahan lamang bawat aytem ang sinusubok ng ganitong uri ng pagsusulit. Hal. Pagsusulit na may maraming pagpipilian. • Pagsusulit na Integrative. - Pangkalahatang kakayahan sa paggamit ng wika ang sinusubok ng pagsusulit na ito. Hal.pagsubok na dictation,cloze test.

AYON SA PARAAN Oral.

• Pasalitang sasagutin o gagawin ng mag-aaral ang pagsusulit na maaaring nakasulat o pasalita ring ibibigay ng guro. Pasulat. • Ang pagsusulit ay maaaring pasalita o pasulat na ibibigay ng guro subalit ang pagtugon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat.

AYON SA PORMAT Pagsusulit na obhektibo o Objective Test. - may kahirapang gawin ang ganitong uri ng pagsusulit subalit nagiging mabalis lamang ang pagwawasto at pagmamarka nito. Isang tiyak na sagot lamang itinuturing na tama sa bawat aytem ng pagsusulit. Tama o Mali

Simpleng Pag-alala Maraming Pagpipilian Pagtatapat-=tapat Pagtukoy ng Mali

KATANGIAN NG PAGSUSULIT

a. Balido

• Ang pagsusulit ay kailangang sumukat ng dapat sukatin. b. Mapanghahawakan • Taglay ng pagsusulit ang katangiang ito kung konsistent ang mag-aaral sa kanyang ranggo tuwing bibigyan ng pagsusulit na may katulad na nilalaman.

c. May kakayahang magtangi

• Ang mabuting pagsusulit ay nagkapagsasabi kung sino ang mag-aaral na natutong ganap at kung sino ang nangangailangan ng ibayong pagtuturo. 4. Malinaw at madaling maunawaan • Layunin ng pagsusulit na masukat ang kakayahang natamo ng mga mag-aaral, ang magulo at nakalilitong panuto ay sumisira sa layuning ito.

Hakbang sa Paghahanda ng Pagsusulit

1. PAGPAPLANO NG PAGSUSULIT • Ano ang mga layunin sa gagawing pagsusulit?

• Tiyakin ang sakop o saklaw ng pagsusulit. Maaring ito ay base sa balangkas ng aralin, silabus, kurikulum o iba pa. • Tukuyin ang mga uri o teknik ng gagawing pagsusulit at ang tiyak na bilang ng aytem. • Gumawa ng talahanayan ng ispesipikasyo o Table of Specification(TOS)

2. PAGBUO NG AYTEM SA PAGSUSULIT • Gawing gabay ang ginawang TOS • Malayo pa ang takdang panahon ng pagsusulit ay nabuo na ang mga aytem upang may panahon pang irebisa ito.

• Humingi ng opinyon mula sa ibang guro upang matiyak ang katumpakan ng mga aytem. • Isaayos ang mga aytem batay sa plano.

3. PAUNANG PAGSAGOT SA PAGSUSULIT O PRE-TESTING • Ang paunang pagsagot ay maaring gawin ng mismong guro o kaguro. Sa hakbang na ito makikita ang maaring mga pagkukulang ng nabuong pagsusulit bago aktwal na ibigay sa mga target na mag-aaral.

• Isang paraan pa ng pagwawasto ng pagsusulit ay ang paggawa ng susing sagot. • Irebisa ang nabuong pagsusulit batay sa mga pagbabagong lumitaw.

4.PAGBUO NG ISKEMA SA PAGWAWASTO • Sa obhektibong tipo ng padsusulit, madali lamang ang iskema ng pagmamarka, maaaring gawing isang aytem isang punto ang pagmamarka. • Sa mga rubrik na pagbabantayan ng marka ng mga magiging sagot ng mga mag-aaral.

Mga uri ng Tanong Alinsunod sa Layunin

A. PAGTAYANG PANGKABATIRAN • Ang layunin ng katanungang ito ay upang maditermina ang kaalaman sa pag-unawa ng isang mag-aaral. Iniaangat nito ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa mataas na lebel o antas. Ito iyong mga tinatawag na divergent ng mga katanungan at open-ended na tanong na nangangailangan ng analisis at ebalwasyon. • Hal. Ano ang mangyayari sa ozone layer ng papawirin o agay-ay kung patuloy itong mapipinsala?

B. PAGPAPATOTOO/PAGPAPATUNAY • Diniditermina ng layuning ito ang ganap na kawastuan ng resulta ng isang aktibidad o pagganap. Hal. Bakit unang nakikita ang kidlat bago marinig dalugdog o dagundong ng kulog?

C. PARA SA MALIKHAING PAG-IISIP • Kinakailangan dito ang orihinalidad. • Hal. Gayahin o pakilosin mo ang iyong sarili na parang si Matsing at si Pagong. Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong batay sa kanilang mga ideya at kuro-kuro tungkol ditto o di kaya’y ibang paraan sa paggawa ng mga bagay. • Ang mga tanong ditto ay dapat na makilinang ng malikhaing pag-iisip ng mga tao. Hal. Bakit sinasabing ang alamat ay maaaring totoo o maaaring hindi totoo? • Pangatwiranan nang may kaakibat na katunayan

D. PARA SAP AGEEVALWEYT/PAGTATASA • Ang mga kataningan para rito ay kinapapalooban ng pagpapahalaga,pagpapasya at pagpili(choice). Nagtatanong din ang layuning ito ng mga personal na opinyon tunkol sa isang pangyayari, tungkol sa isang patakaran o isang tao. • Hal. Maganda baa ng slide presentation ng iyong Guro? May kaugnayan ba sa tunay na buhay ang napanood mong dula? Bakit ninais na lamang ng mag-anak na mantili sa sariling bayan? Bakit sa ganoong kalagayan winakasan ang kuwento?

E. MABUNGANG (PRODUCTIVE) PAGIISIPKASALI RITO ANG PANGANGATWIRAN • Pangkabatiran- Sinusuri nito ang katotohanan, kinikilala ang mga desinyo, mga huwaran o pattern, mga kalakaran at hiningi rin ng mga katanungan ang pag-alaala (memory) at ang panunumbalik ng gunita (recall). • Hal. Bakit matagumpay ang pang-apat nating Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura sa pakikiapagpulong sa maliliit na panginoong may-lupa (landlords)? Paano pagbubutihin ang Law of conservation of Energy?

F. PARA SA PAGGANYAK • Bago talakayin ang aralin, magbibigay ang Guro ng maraming katanungan hinggil sa paksa nang sa ganoon ay mapukaw ang interes ng mga mag-aaral. Hal. Alam ba ninyo kung anoa ng mga layuning pangkabatiran, upang higit na maunawaan ang mga behetbyural na layunin.

G. PARA SA PAGTATAGUBILIN ( FOR INSTRUCTING) • Ginagawa ang pagtatanong para sa mahalagang kabatiran o impormasyon. Ipinagbibigay alam, minamandihan,tinitiyak, pinapatnubayan at pinapayuhan nito kung ano at paano gawin ang isang aktibidad. Hal. Ano-ano ang mga proseso sa pagsasagawa ng eksperemento? Paano magluto ng adobong manok?

Mga uri ng Tanong Alinsunod sa Layunin

1. MABABANG ANTAS NG MGA TANONG

• Bunubuo ito ng mga ganitong tanong o nangangailangan ito ng payak na alalahanin o alaala. Hal. Ibigay ang katuturan ng pangungusap. Ano ang katuturan ng maikling kwento?

2. MATAYOG NA ANTAS NG MGA TANONG • Ang mga tanong na mga ito ay para sa pagsusuri, pangangatwiran, pagtataya o pag-eevalweyt, paglikha at paglutas ng problema. Hal. Bakit tumataas ang temperatura kapagmalapit na ang pananghalian?

3. MGA TANONG NA CONVERGENT • Mga tanong ito tungkol sa paagbibigay kahulugan, paglalahad, pagbibigay-interpretasyon, at para sa pagbubuod/paglalagom. Hal. Bakit pinamagatan ang kwento na Uhaw ang Tigang na Lupa? Kailan nagana pang Lunar eclipse?

4. MGA TANONG NA DIVERGENT • Pinapaisip ng mga tanong na ito ang mga respondent sa ibang direksyon, mag-isip ng alternatibong Gawain o magbigay ng sariling desisyon. May mga posibleng sagot sa mga tanong tulad ng Bakit mo inihalal si Presidente Noy-noy Aquino? Ano ang mangyayari sa barong tagalog mo kung ibibilad ito ng tatlong araw?

Katangian ng mabuting Tanong

1. Tiyak

• Maikli, tuwiran, at tumutukoy sa isang tiyak na kasagutan lamang. Makakatulong ang hindi maligoy na pagtatanong upang hindi mailto ang mag-aaralsa pag-iisip ng kasagutan. 2. Malinaw • Pili ang mga salitang gagamitin sa pagtatanong, yaong malinaw na makararating sa mga mag-aaral. Hindi man nila alam ang isasagot subalit nauunawaan naman nila kung ano ang itinatanong.

3. Mapanghamon • Ang mag tanong na nasa mababang antas, o yaong mga tanong na sumuskat lamang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal nap ag-iisip. Kinakailangang ang tanong ay yaong humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral magpaliwanag, mangatwiran, o magdesisyon. •

1. Ilang Porsyento ng Northen Hemisphere ang tinitirahan ?

1. Spinach is high in which mineral?

Iron

2, What is the diameter of earth?

•Greenland with 12, 742 kilometer

3. Name the largest sea of the world?

Philippine sea

4. Pat Villafuerte ay isang manunulat, at propesor. Isinilang sa Nueva Ecija noong Mayo 7, 1948. ano ang kanyang Buong pangalan?

PATROCINIO VILLAFUERTE

Related Documents


More Documents from "Judievine Grace Celorico"