Ang Kwento Ng Isang Oras (villarin)

  • Uploaded by: Judievine Grace Celorico
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Kwento Ng Isang Oras (villarin) as PDF for free.

More details

  • Words: 753
  • Pages: 2
Loading documents preview...
Johann Angelo Villarin 10 – Resilience Ang Kwento ng Isang Oras 1. Bakit kaya “Ang Kuwento ng Isang oras” ang naging pamagat ng kuwento? Angkop ba ito? Sa anong paraan? - Sa aking palagay kaya ito ang pamagat ng kwento dahil lahat ng nadama ni Louisse Mallard mula sa balitang patay na ang kaniyang asawa hanggang sa kasiyahan na malaya sya at muling magulat na buhay pa ang kaniyang asawa ay nangyari lamang sa isang oras 2. Anong sakit ang taglay ni Ginang Mallard? Bakit kaya kinailangang sabihin ito sa unang bahagi pa lang ng pagsasasalaysay? Paano ito nagamit ng may-akda sa kabuuan ng kwento? - Ang sakit na meron si Ginang Mallard ay sakit sa puso. Kinailangan ito sabihin sa unang bahagi ng storya upang malaman natin kung bakit hindi madali sabihin sakanya ang balita tungkol sa kanyang asawa at para maunawaan natin ang mga posibilidad na mangyayari sa katapusan ng kwento. Nagamit ito ng may akda sa pamamaraan ng paglabas ng emosyon ng tauhan dahil nung nalaman ni Ginang Mallard ang tungkol sa kanyang asawa, ipinakita ang matinding pagkalungkot ng tauhan sa kwento. 3. Anong uri ng samahan kaya nag namamagitan sa mag-asawang Mallard? Bakit sinabi sa kuwentong “nagkulong siya sa kanyang silid” sa halip na “nagkulong siya sa kanilang silid”? May kaugnayan kaya ito sa kawalan nila ng anak? Patunayan. - Sa aking paningin, ang mag-asawa ang may hindi matibay na samahan at hindi sila masyado nagsasama dahil ikanatuwa pa ni Ginang Mallard na sya ay malaya na sa pagkamatay ng kanyang asawa. Sa palagay ko may kaugnayan ito sa kawalan nila ng anak dahil normal lang sa mag asawa ang di pag kakaayos kapag ang isang pamilya ay nawalan ng anak. 4. Sa iyong palagay, anong uri ng asawa si Brently kay Louise Mallard? Bakit ibinubulong ng kanyang mga labi ang mga salitang Malaya, Malaya, Malaya samantalang iniisip din niya “ang mukhang tanging titg lang ng pag-ibig ang iniuukol lang sakanya”? - Sa aking palagay, Si Brently Mallard ay isang di maalagang asawa at ang itsura lang ang gusto nya kay Ginang Mallard. Ibinulong sakanya ang mga salitang “Malaya” dahil siguro wala na syang pproblemahin asawa dahil hindi sya tinatrato ng maayos at di maayos ang kanilang samahan. 5. Nalathala ang kuwento noong 1894. May kinalaman kaya ang kultura at kaugaliang kaugnay ng samahan ng mga mag-asawa sa panahong iyon sa naging kalagayan ni Louise Mallard? Patunayan. - Sa aking paningin may kinalaman ang kultura noon dahil ang storya ay nirerepresenta ng dalawang mag asawa ang di maayos na pagsasama, at nung unang panahon ang mga kababaihan ay may limitadong Kalayaan at karapatan at dahil yun siguro ang dahilan kung bakit ganito ang nararanasan ni Ginang Mallard sa kanilang pagsasama. 6. Ano ang sinimbolo ng pagsasara ni Louise sa pintuan upang hindin makapasok ang sinuman samantalang nakabukas naman ang bintanang para sa kanya ay pinagmumulan ng buhay?

-

Ang sinisimbolo ng pagsara sa pintuan ng Ginang ay pangangailangan lumayo o magpahinga muna sa mga probleamang kanyang mga hinaharap, at ang bintana naman ay simosimbolo sa mga bagong pagkakataon na dadating sa kanyang buhay o ang paparating na liwanag.

7. Sa binasa mong tala kaugnay ng buhay ng manunulat na si Kate Chopin, maiuugnay mo ba ang mga pangyayari sa sinulat niyang kuwento sa naging karanasan niya sa buhay? Sa paanong paraan? - Maiuugnay ang mga pangyayari sa kwento sa kanyang buhay dahil noong sya ay namumuhay karamihan sa kanyang pamilya ay namatay, at sa storya makikita ang malubhang pagkalungkot ng mga tauhan. Ang malubhang kalungkutan na ito ay maiuugnay sa buhay ni Kate Chopin dahil ito ang kanyang nararamdaman sa maagang pagkawala ng ilang miyembro sa kanyang pamilya. 8. Bakit kaya sinasabing ang akdang ito ay kakikitaan ng kaisipang feminismo? - Masasabing ang akdang ito ay makikitaan ng feminism dahil sa panahon na isinulat ang storya limitada ang mga karapatan ng kababaihan at hindi sila malaya. Makikita sa storya ang mga pinag dadaanan ng tauhan na si Ginang Mallard na mahirap mamuhay ay sumisimbolo sa nararamdaman ng mga kababaihan noong panahon nila. 9. Ano kaya ang tunay na naging sanhi ng pagkamatay ni Louise Mallard, labis na kaligayahan nga ba tulad ng sinabi ng doktor o labis na pagkadismaya? Patunayan - Sa aking palagay ang tunay na ikinamatay ni Louisse Malard ay pagkadismaya dahil sya ay naging masaya at tinanggap nya na ang nangyari sa asawa nya, Inakala nya na sya ay tunay na malaya na sa kanilang pagsasama ngunit hindi pa pala nag tatapos ang kanilang pagiging mag-asawa.

Related Documents


More Documents from "Sa Lly"