Epekto Ng Mobile

  • Uploaded by: Zandra Andrie Javŕemois
  • 0
  • 0
  • January 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Epekto Ng Mobile as PDF for free.

More details

  • Words: 1,086
  • Pages: 6
Loading documents preview...
Paglalahad ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “epekto ng paglalaro ng mobile legends o ML”kung saan ang sumusunod ay sinasagutan ng mga katanungang ito:

   

Ano ang mobile legend? Ano ang epekto nito sa kanilang pang-uugali at sa kanilang pag-aaral? Bakit mahalaga itong pag-aralan? Ano ang naging epekto nito sa pakikipag interak ng mga manlalaro sa ibang tao? Ang mobile legend o ML sa madaling salita ay isang “online games” na kinagigiliwan ng bawat kabataan,ito ay napakasikat na kadalasang pinaglalaruan at pinagbubuhusan ng maraming oras.

Ang ilan sa mga batang ito na naglalaro ng mobile legend ay nakakalimot ng kanilang mga tungkulin bilang isang anak,dahil sa halip na gumawa ng mga gawaing bahay ay naglalaro sila ng ML, at binubuhos nila halos lahat ng oras sa paglalaro na kung saan ang mga oras na ito ay dapat kung ano ang nararapat nilang gawin, minsan ay ginagawa nilang dahilan ang proyekto sa paaralan upang makahingi sila ng pera ngunit yun pala ay “pampaload” para makapaglaro. Sa madaling salita ay nakakapagsinungaling sila sa kanilang mga magulang at gumagawa ng dahilan na pawing kasinungalingan lamang.

At pagdating sa kanilang paa-aaral ay nagiging dahilan ito kung bakit sila puyat pagpasok sa paaralan at ang bagsak ay sa klase natutulog, isa pa nito ay nawawalan sila ng ganang makinig dahil sa pagod at ang malala pa nito ay nagdadala sila ng mga “gadgets” sa loob ng paraan para lamang makapaglaro ulit kahit alam naman na kailangang makinig at pinagbabawal ang pagdadala ng mga cellphone.Sa ganitong mga sitwasyon, nagiging isa ito sa mga dahilan kung bakit maliliit ang kanilang nakukuhang marka sa bawat asignatura nila. Meron din itong masamang epekto sa pangangatawan ng mga kabataan. Maaari din itong maging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng sakit sa mata ng dahil sa radyasyon ng selpon, maari ding dahil sa pagkawili ay malipasan sila ng gutom.

Napakahalaga na mapag-aralan ang tungkol sa epekto ng paglalaro ng mobile legends para makagawa ng mga hakbangin upang mahinto o mabawasan man lang ang pagkahilig ng mga kabataan lalong-lalo na ang mga studyante sa paglalaro nito dahil mas maikakabuti sa kanila na matulungan sila at matuon sa pag-aaral ang kanilang atensyon. Kung patuloy na hindi sila makontrol ay maaaring mas maging dulot ng paglalaro nila mismo sa sarili nila. Maaaring tuluyan nilang mapapabayaan ang kanilang sarili kaya nga ay napakahalaga talaga pag-aralan ang mga ito dahil mas nakakabuti ang pag-iwas ng kabataan sa larong ito.

Terminong Depinisyon Larong online – ito ay isang laro na nilalaro sa ilang uri ng computer network. Gumagamit din ito ng ibat-ibang teknolohiya tulad na lamang ng cellphone, computer, iPod at iba pa. Adiksyon – ay pagiging adik sa isang bagay halimbawa ang pagkalulong sa mga larong online. Ang salitang pagkalulong rin ang higit na kaugnay sa adiksyon o pagkahilig sa isang bagay. Paaralan – isang lugar na kung saan mayroong interaksyon ng mga estudyante at mga guro kung saan nakakakuha ang mga estudyante ng mga impormasyon at karagdagang kaalaman na di kayang maibigay ng obserbasyon. Mag-aaral – ang mga batang tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadikubre ng mga bagay. Isang taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino. Smart Phone/Mobile Phone – ang gamit na makakapag libang ng mga kabataan at sa mga matatanda rin. Ang cellphone ay isang gadget o device na ginagamit sa komunikasyon sa mga tao.

Saklaw at Limitasyon Ang sakop ng pananaliksik namin na ito ay para sa mga estudyante na nasa Grade 9 Excellence ng St. Mary’s College of Baganga na kasalukuyang magaganap sa loob ng St. Mary’s College of Baganga. Ang pananaliksik na ito ay hindi sumasakop sa iba pang antas ng St. Mary’s College of Baganga. Ano nga ba ang mobile legends? Ano ang epekto nito hindi lamang sa naglalaro kundi pati sa guro at mga magulang nito? Paano ito nakakaapekto sa pag aaral ng mga mag aaral na naglalaro nito lalo na sa kanilang pag aaral?, yan ay iilan lamang sa mga tanong sa ating kaisipan na masasagot pagkatapos ng pananaliksik na ito, Ang pananaliksik na ito ay ukol sa “epekto ng mobile legends sa pag aaral”.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati narin sa mga magulang at guro. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat nakakatulong ito na maintindihan ng mga mag-aaral,magulang, at guro ang mga manlalarong nag aaral pa kung ano ang mga epekto nito sa kanilang pag-aaral nabibigyan tayo nito ng impormasyon at dagdag kaalaman, sa ganitong paraan mabigyang kamalayan natin ang mga magulang at guro ukol dito lalo na ang mga manlalaro sa epektong dulot nito sa kanila,mga epektong hindi nila napapansin at hindi lamang para sa kamalayan nating lahat ang kahalagahan ng pag-aaral na ito kundi para narin ito sa atin na maintindihan ang kalagayan nila, sa ganitong paraan ay makakabuo tayo ng ideya at makahanap ng solusyon kung paano ito malilimitahan o mabawas bawasan man lang ang mga manlalaro nito sa paraang makakabuti sa manlalaro.Mahalaga din itong pag-aralan para narin sa kapakanan ng mga magulang at guro na magkaroon ng kaalaman ukol dito at matutunan nilang maging gabay o paano gumabay na hindi ikakasama ng bata o manlalaro.

Teoritikal na Balangkas

Ayon kay Dr. Cynthia Green ang mobile legends ay nakakatulong upang tumalas ang pag iisip ng isang tao dahil sa tuwing naglalaro ay sinusubok nito ang mga istratihiya upang matalo ang kalaban at sa pamamagitan nito ay gumagaan at tuloy tuloy ang pag-iisip ng isang indibidwal dahil sa iba’t ibang panibagong teknolohiya may mga laro na ding kailangan ng internet connection upang magamit tulad ng mobile legend, mas marami din ang positibong epekto kumpara sa mga negatibong epekto. May mga kasong nagiging mas Malala ang epekto nito sa kabataan kung kayat ang iba ay iniisip na isa itong sakit sa pag-iisip na kailangan nang ilapit sa mga institusyong namamahala dito para mabawasan ang ganitong kaso ngunit ayun din sa kanya na tamang paggamit teknolohiya ang magiging susi upang kalusugan natin di mapabayaan dahil ang kabataan ay ang daan patungo sa kaunlaran.

Ipinapakita nito na hindi masama maglaro ng mobile legend o kahit anong online games, ang kinakailangan lang naman ay bigyan ang sarili ng limitasyon kung kalian maglaro at itigil ito para hindi mapabayaan ng mga kabataan ang kanilan mga tungkolin lalo na ang kanilang kalusogan at hindi lahat negatibo ang mayroon ang larong mobile legend.Nasa sarili mismo ng mga kabataang mga naglalaro ng online games o mobile legend ang paraan upang kahit naglalaro sila hindi nila mapapabayaan ang kanilang pagaaral.

Related Documents


More Documents from "Sri Nivas"

Woc - Hipotiroidisme
February 2021 0
Woc Kejang Pada Bbl
February 2021 3