Filipino - Module - Docx Pelikulang Panlipunan

  • Uploaded by: Reyshelle Ann Perez
  • 0
  • 0
  • May 2022
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino - Module - Docx Pelikulang Panlipunan as PDF for free.

More details

  • Words: 10,099
  • Pages: 43
Loading documents preview...
Module 1: PELIKULANG PANLIPUNAN Sa pagtatapos ng modyul inaasahan na:  Nakapagsusuri ng pelikulang panlipunan  Nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa panonood ng mga palabas  Nalilinang ang kasanayan sa kritikal na panonood

Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa

introduksyon kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang masasaklaw

ng

kurso

ang

mga

paksang

makabuluhan

sa

pag-unawa

ng

kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa. Sa mundo ng pelikula, marami na rin ang nagsasabing ito ang pinakabagong anyong pansining sa larangan ng panitikan na kakikitaan ng pagbibigay ng panibagong buhay na maaaring batayan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay tinitingala ng publiko at maituturing na may pinakamalawak na impluwensya sa lipunan maging sa indibidwal na mamamayan. Sa modyul na ito ay matatalakay ang iba’t ibang pelikula batay sa iba’t ibang isyung panlipunan. Matatalakay rin kung paano susuriin ang mga pelikulang may nakatagong mensahe. Sa pagsusuri ng pelikula ay hihimay-himayin ang bawat tagpo sa pelikula upang makuha ang mga nakatagong mensahe na nais iparating ng mga may-akda at direktor sa manonood.

Module 1: PELIKULANG PANLIPUNAN

Unit 1: Introduksyon sa pelikulang panlipunan LAYUNIN Makapagbibigay kahulugan sa pelikula at lipunan Natutukoy ang mga isyung panlipunan sa kasalukuyan Nakapagbibigay ng mga pelikula batay sa isyung panlipunan na ibinigay

Nilalaman:

PELIKULA

Ang pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Nagmumulat ito ng kaisipan, damdamin, kaugalian, prinsipyo, paniniwala, kultura, pamumuhay, at pananaw ng isang tao. Naglalantad, nanghihikayat at naguugnay ng realidad ng buhay ng isang lipunan ang karamihan sa mga pelikula. At bilang pagpapakita ng galak sa panonood ay madalas na ginagaya ng tagapanood ang mga kilos, pagsasalita, pananamit at mismong mahahalagang diyalogo o linya na binibitawan ng mga karakter sa isang pelikula. Isang uri ng panitikan sa anyong patanghal ang pelikula. Naiiba ito sa ibang uri ng panitikan sapagkat naisasalang ito bago ipakita sa madla at karamihang hango sa mga realidad ang mga pelikula. Ayon kay Reyes (1996), ang bias ng realidad sa pelikula ay katulad ng realidad ng tao. Gaya ng tao, maaaring makahawa at makasakit ang isang pelikula. Ngunit kahit nakadadala ang drama ng isang pelikula, iba ang timbang ng realidad nito kung ito’y ihahambing sa realidad ng tao. Dagdag pa ni Reyes, nagkakabuhay lamang ang pelikula sa tulong ng imahinasyon ng mga manood. Maituturing ang isang pelikula bilang salamin ng buhay o iba’t ibang hininga ng buhay, aliw, lungkot, tagumpay, kabiguan, poot, galak, tulay ng pagbubunyag, isyung panlipunan, kahalagahang pang-edukasyon at iba pa. Naroon ang pagsasariwa ng mga kabiguan, mga pagtitiis, pangarap at tagumpay. Naging arena rin ng diskurso kasarian ang pelikula. Kalimitang nagiging paksain ang tungkol sa kababaihan at ang iba’t ibang papel na ginagampanan katulad ng pagiging anak, asawa, ina, kabit, prostityut, alagad ng simbahan, lola, yaya, kaibigan, guro, mandirigma, at iba pa. makikita ang mga karanasang pinagdaanan ng isang babae kaugnay sa papel na kanyang ginagampanan sa lipunan.

Iba pang kahulugan 

Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.



Gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan



Kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula



Isang anyo ng sining



Tanyag na anyo ng mga libangan at negosyo



Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong tao



Tinatawag ding Dulang Pampelikula, Motion Picture, Theatrical Film, o Photoplay.



Ito ay sining na may ilusyong optikal para sa mga manonood.



Bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera o sa pamamagitan ng kartun.

Lipunan Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan. Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pangpolitika,

patriyotiko,

o

ibang

pang

dahilan. Sosyolohiya ang

siyentipikong,

o

akademikong, pag-aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan.

IBA’T IBANG ISYUNG PANLIPUNAN

       

Pampamilya Panrelasyon Kasarian Migrasyon at diaspora Kultura Kalikasan Kasaysayan Politika

PAGSASANAY: Panuto: Ipaliwanag kung bakit naging mali ang mga pahayag sa ibaba. 1. Ang pelikula ay kilala rin sa tawag na lipunan. __________________________________________________________________ 2. Ang mga pelikula ay nakikita lamang sa telebisyon. __________________________________________________________________ 3. Ang pelikula ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. ___________________________________________________________________ 4. Ang pelikula ay isang bagay na hindi nakakaaliw panoorin. ___________________________________________________________________ 5. Ang pelikula ay itinatanghal sa harap ng manonood. ___________________________________________________________________

EBALWASYON:

Panuto Magtala ng tigdadalawang pelikula batay sa isyung panlipunan na nakatala sa itaas. Ilagay ang direktor at taon kung kailan ipinalabas. Ipasa ito sa aking email na ([email protected]).

TAKDANG-ARALIN: Panuto: Magbigay ng sampong linya sa mga pelikula na tumatak sa iyong isipan. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

References: Almario,V. S. (2014). Ang tungkuling kritisismo sa Filipinas. Lunsod ng Quezon: C & E Publishing, Inc. Casanova, A. P. (2012). Isahan:kalipunan ng mga dramatikong monologo.

Module 1: PELIKULANG PANLIPUNAN

Unit 2: Katangian, genre ng pelikula at iba pa

LAYUNIN Matutukoy ang iba't ibang elemento, genre, at katangian ng pelikula Makapagbibigay ng opinyon sa mga pelikulang napanood Makasusulat ng sanaysay sa isang pelikulang napanood

Nilalaman: KATANGIAN NG PELIKULA 

Ang pelikula ay isang uring pampanitikan sa anyong patanghal. Naiiba ito sa ibang uri ng panitikan sapagkat ito ay higit na naisasalang bago ilahad sa madla.



Ayon kay Reyes (1996), ang isang pelikula ay nagkakabuhay lamang sa tulong ng imahinasyon ng mga manonood.



Ang bawat pelikula ay naghaharap ng ideya sa mga manonood. Kung tatanggapin ito ng publiko ito ay epektibo, kung hindi ito pag-uukulan ng pansin, wala itong bias.



Hindi nakapipinsala ang isang ideyang pampelikula dahil Malaya ang isang indibidwal na pasyahan ang argumento (ideya) nito.



Ang pag-usbong ng pelikula ay sumabay halos sa pag-usbong ng ating bansa bilang isang bansang-estado o “nation-state”, kung kaya ang pelikula ay nakitaan natin ng ideolohiya (Ang ideolohiya ay isang Sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao. Si Desttuff de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya) at identidad na pambansa.



Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki ang naitulong ng teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay ang mga natatanging akdang Pilipino.

BAKIT KA NANONOOD NG PELIKULA? •

nagdudulot ng kasiyahan o aliw



nakapag-uugnay ng karanasan sa tunay na buhay



nagbibigay ito ng kuwento at kapupulutan ng mensahe



nalilibang sa magagandang eksena o tagpo sa pelikula



naaaliw sa mga linyang binibitawan ng mga karakter



napagbabalingan ng oras dahil walang ibang ginagawa



nakapaghuhupa sa mga masalimoot na nangyayari



nasasalamin ang totoong pangyayari sa buhay ng tao



napag-uusapan o kontrobersyal o popular

Ayon sa isang batikang actor ng Academy Awards ang pelikula ay; 

nagkapagbibigay ng pag-asa (at) trauma



nagbibigay pagkakataon na dalhin ang manonood sa mga lugar na hindi pa napuntahan kahit sa sandal o maikling panahon



nagbibigay pagkakataon na makaiwas sa oras na gusto nating umiwas sa anomang pangyayari



nagbibigay aliw sa manonood



nakapagbibigay inspirasyon sa manonood



nagbibigay hamon sa buhay sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat isa



tanging payak na tagapag-uugnay ng sangkatauhan



nagbibigay pagkakataon upang makawala, subalit may hindi pangkaraniwang pagkawala kundi may pagpapahalaga

ANO ANG IYONG ISINAALANG-ALANG BAGO MANOOD? •

artista



edad at kasarian



oras at panahon



mga tagpo at eksena



pamagat, tema o paksa



nakapagpapatuto at nakapupukaw ng diwa



nakapaghahatid ng matinong mensahe



gigising sa kamalayan na magsisilbing tulay ng manonood sa samu’t saring pagiisip



presyo

GENRE NG PELIKULANG PINAPANOOD 1. Aksyon (Action) – mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal; maaaring hango sa tunay na tao o pangyayari, o kaya naman kathang-isip lamang. 2. Animasyon (Animation) - pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit/drawing upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay. 3. Bomba – mga pelikulang nagpapalabas ng mga huwad na katawan at gawaing sekswal. 4. Dokyu (Documentary) – mga pelikulang nag-uulat sa mga balita, o mga bagay na may halaga sa kasaysayang, politika o lipunan. 5. Drama – mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manonood. 6. Experimental – mga pelikulang nagnanais na lagpasan ang mga limitasyon ng pelikula o magpakita ng mga bagay o sitwasyong hindi madalas ipinapakita o ginagawa sa pelikula.

7. Pantasya (Fantasy) – nagdadala sa manunood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natuklasan ng siyensya. 8. Historikal (Historical) – mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan 9. Katatakutan (horror) – nagnanais na takutin o sindakin ang mga manonood gamit ang mga multo, bangkay o mga kakaibang nilalang 10. Komedi (Comedy) – mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay inilalagay sa mga hindi maisip na sitwasyon 11. Musical – mga komedyang may temang pangromansa; puno ito ng musika at kantahan 12. Period – pelikula kung saan ang mga karakter ay isinalalarawan ang kanilang mga karanasan sa paglipas ng panahon. Nagtatampok din ito ng halos tunay na pagsasalarawan ng kasaysayan. PAGSASANAY: Panuto: Ibigay ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. ______________1. Mga pelikulang nagnanais na lagpasan ang mga limitasyon ng pelikula o magpakita ng mga bagay o sitwasyong hindi madalas ipinapakita o ginagawa sa pelikula. ______________2. Pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit/drawing upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay. ______________3. Mga pelikulang nag-uulat sa mga balita, o mga bagay na may halaga sa kasaysayang, politika o lipunan. ______________4. Mga komedyang may temang pangromansa; puno ito ng musika at kantahan. ______________5. Mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manonood.

______________6. Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal; maaaring hango sa tunay na tao o pangyayari, o kaya naman kathang-isip lamang. ______________7. Mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan ______________8. Nagdadala sa manunood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natuklasan ng siyensya. ______________9. Pelikula kung saan ang mga karakter ay isinalalarawan ang kanilang mga karanasan sa paglipas ng panahon. Nagtatampok din ito ng halos tunay na pagsasalarawan ng kasaysayan. ______________10. Mga pelikulang nagpapalabas ng mga huwad na katawan at gawaing sekswal.

EBALWASYON: Panuto Maghanap ng isang episode sa Maala-ala Mo Kaya (MMK) na iyong napanood at gumawa ng reaction paper. Ipasa ito sa aking email na ([email protected]).

TAKDANG-ARALIN: Panuto: Maghanap ng isang pelikula. Ibigay ang buod nito. Ipasa ito sa aking email na ([email protected]).

References: Almario,V. S. (2014). Ang tungkuling kritisismo sa Filipinas. Lunsod ng Quezon: C & E Publishing, Inc. Casanova, A. P. (2012). Isahan:kalipunan ng mga dramatikong monologo.

Module 1: PELIKULANG PANLIPUNAN Unit 3: Mga Pananaw at teoryang pampelikula LAYUNIN Matutukoy ang iba't ibang pagdulog sa pagsusuri ng pelikula Maibibigay ang kahulugan batay sa sariling pagkakaunawa ng mga pagudlog. Masusuri ang nilalaman ng pelikula

Nilalaman MGA DULOG SA PAGSUSURI NG PELIKULANG PANLIPUNAN Ang isang pelikulang panlipunan ay nagkakaroon ng silbi kapag ito ay pinahahalagahan ng mga tagapanood sa isang lipunan kabilang na rito ang mga magaaral at guro sa akademya. Ang pagpapahalaga ng isang pelikulang panlipunan ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng isang simpleng panonood, sa isang pagtatanghal o sa isang panunuring pampelikula. Ang sumusunod ay ang mga dulog na makatutulong sa pagsusuri ng mga pelikulang panlipunan: Realismo Moralismo Sikolohikal Feminismo Marsismo Ideolohiya Realismo Depinisyon ng Realismo

Nagpapahayag ito ng pagtanggap ng katotohanan o realidad ng buhay. Nangangahulugang lantarang ipinakikita sa dulog na ito ang kung ano ang mga tunay na pangyayari sa buhay ng mga tauhan sa pelikula sa lipunang kanilang kinabibilangan nang walang bahid na pagkukunwari, maging ito’y nagpapakita ng kagandahan o kapangitan ng isang lipunan. Deskripsyon ng Realismo Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.

Karaniwan nitong

pinapaksa ang kalagayan ng nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno. Ipinaglalaban ng dulog realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.

Karaniwang nakapokus ito sa

paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, kamangmangan, kriminalidad, bisyo, prostitusyon, at kawalan ng katarungan para sa mga naaapi.

Halimbawa ng mg Pelikulang masusuri sa dulog realismo ay ang: 1. Metro Manila 2. Anak 3. Maynila sa Kuko ng Liwanag 4. Eskapo 5. Dekada 70 6. Cobrador 7. Sakay Kasaysayan ng Realismo Ang realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan ng sining noong siglo 1900. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang pamamaraan. Itinatakwil ang ideyal na paghuhulma at pananaw sa mga bagay (Villafuerte, et al, 2006).

Unang ginamit ang terminong realismo noong 1826 ng Mercure franciais du XIX siecle sa Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at buhay.

Nagkaisa ang mga

realistikong Pranses sa pagtakwil sa pagiging artipisyal ng klasismo at romantisimo. Sinikap nilang ipakita ang buhay ng mga panggitna at mababang uri ng tao, ng mga pangkaraniwan, ng mga kagila-gilalas ng mga mapagkumbaba at ng mga hindi nakikita. Sa proseso inilabasa ng realismo ang mga di-kapansin-pansin at kinakalimutang bahagi ng buhay sa lipunan (Villafuerte, et al, 2006). Naging masigla ang talakayan tungkol sa realismo noong unang bahagi ng 1900 na siglo. Nakatulong dito ang kilusang anti-romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang pagtataguyod ni Auguste Comte (Kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng posibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na jornalism o kung saan iniuulat nang walang bahid na emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan; at ang paglago ng idustriya ng potograpiya (Villafuerte, et al, 2006). Pinahahalagahan ng Realismo Ang realismo ay sukdulan ng katotohanan, higit na binibigyang pansin o pinahahalagahan

nito

ang

katotohanan

kaysa

kagandahan.

Nakatuon

sa

makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan. Higit na pnahahalagahan ang paraan ng pagsasalaysay kaysa paksa.

Nilalayon nitong

maipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay subalit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat. May iba’t ibang pangkat ng pagdulog realismo sa Pelikulang Panlipunan: 1. Pinong (Gentle) Realismo. May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagaybagay at iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at kahindik-hindik. 2. Sentimental na Realismo. Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.

3. Sikolohikal na realismo. Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos. 4. Kritikal na Realismo. Inilalarawan ang ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang

mga espektong may kapangitan at panlulupig nito.

5. Sosyalistang Realismo. Ginagabayan ng dulog Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang

maaaring mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang

pinamumunuan ng mga anak pawis. 6. Mahiwagang (Magic) Realismo. Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamatayan.

Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pelikulang Gumagamit ng Dulog Realismo 1. Ano ang paksang-diwa ng pelikula? Paano ito ipinakita sa bawat tagpo nito? 2. Anu-ano ang mga karanasang panlipunang ipinakikita sa pelikula? 3. Realistiko o makatototohanan ba ang pelikula? Patunayan ang mga ito. MORALISMO Pagnilayan: “Di sapat na matutuhan ng isang indibidwal ang tungkol sa kawayan buhat sa isang kawayan, siya na rin mismo ang dapat maging kawayan” ([Noorinaga, 1730-1801], Mendiola at Ramos, 1994). Ang moralismo ay isa sa mga pananaw na ginagamit sa mga pagsusuri ng iba’t ibang tekstong pampanitikan gaya ng pelikula. Gumagamit ito ng sukatan ng tamang pag-uugali o ugaling itinatampok sa isang pelikula bilang instrumento sa sosyalisasyon ng mga manonood. Ang pananaw na ito ay may layuning mabigay–aral sa mga mambabasa. Masasabing ito ay ekstensyon ng pananaw humanismo dahil sa pagbibigay-halaga ng mga humanista sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na may isip.

Isa sa mga impluwesyal na kritiko na nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa teoryang moralismo ay si Horacio (Horace). Ayon sa kanya, may dalawang bagay na naidudulot ang tula sa mambabasa: ang dulce, ang aliw at kaligayahang naipadarama ng akda; at utile, ang aral at kaalamang naibibigay ng akda. Malinaw na ang pangunahing tungkuling dapat gampanan ng mga manunulat sa teoryang ito ay ang magbigay-aliw, magsilbing guro at tagapangaral sa kanyang lipunan. Dahil may didaktibong oryentasyon ang mga akdang moralismo, itinuturing ang panitikan bilang tagaakay sa tao sa mabuting landas. Sa panahon ng katutubo, maituturing na mga akdang didaktiko o moralistiko ang mga salawikain, kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga kwentong-bayan nito. SIKOLOHIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakitang mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagonbg ehavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito Ginagamit ang sikolohiyang pagdulog bilang isang proseso sa pagiging malikhain ng manunulat.

Ito rin ang maaaring magagamit bilang pagdulog upang

matugunan ang mga katanungan kung ano ang naging dahilan na nagtulak sa mga karakter, manunulat, paggamit ng mga simbolikong kahulugan ng mga pangyayari at lugar. Si Kurt Lewin ay nagwika na wala ng pinakapraktikal pa sa pagkakaroon ng magandang teorya. Sa usaping pag-aanalisa mahalaga ang sikolohiyang teorya bilang gabay sa pagsasanay sa edukasyon, kalusugang pangkaisipan, at iba pang domeyn. Tinutugunan ng pagdulog na ito ang mga katanungang nauukol sa maraming uri ng pag-iisip saklaw na ang emosyon, pagkatuto, emosyon at paglutas ng problema.

Ang

pelikula,

itinatanghal sa iskrin.

sa

kanyang

pinaka-esensiya

ay

pag-uugaling

(behavior)

Kung nagkakaroon ang isang mag-aaral ng kakayahang

makapag-analisa sa sikolohikal na aspeto ay mas nagiging kasiya-siya ang kanyang nagiging karanasan sapagkat nagkaroon siya nang mas malalim pang pag-unawa sa pelikula. Sa pagkakaroon din niya ng kakayahang makapag-analisa ng pelikula gamit ang sikolohikal na pagdulog ay mas nabibigyan sila ng pagkakataon na mapanood ang pelikula hindi lamang bilang libangan, nagsisilbi rin ito hanguang materyal ng mga halimbawa at maaaring hanguan ng mga modelo sa iba’t ibang tipo ng makataong paguugali. Ang sikolohiya ay tumutukoy sa sistematikong pag-aaral ng interaksyon ng kaisipan ng tao sa lipunang nakapaligid na maaaring makapagdulot sa kanyang paguugali.

Ang metodo sa pag-iimbestiga sa misteryo sa likod ng kaisipan at di-konsyus

na gawain ng kaisipang-pantao ay maaaring suriin gamit ang sikolohiya.

Ang

prosesong kaisipang ito ay maiuugnay sa pag-aaral ng pelikula sa paggawa ng sikoanalisis sa mga pelikula. Sa ika-19 na siglo ay ipinakilala ni Sigmund Freud ang siko-analitikal na proseso ng mga pelikula na isinasagawa pa rin sa buong mundo kahit sa kasalukuyan. Dalawa sa mga kilalang indibidwal ang nagpakilala sa siko-analiktikal na teorya. Ito ay ang Freudian at Lacanian na teorya ng siko-analisis. Nagsimula ang siko-analitikong teorya sa pamamagitan ng pag-unawa sa kaisipan na nagnanais na matupad ang pangangailang at ninanais o maaaring mauwi lamang pagkaawa o pagkamuhi sa sarili dulot ng kasalanan. Ang damdaming ito ay nababaon sa kailalaliman ng di-konsyus na pag-iisip ng tao. Tulad din ng bayograpikal na pagdulog, nakaangkla rin ang sikolohikal na pagdulog sa ekspresibong pananaw. Ipinalalagay sa pananaw na ito na ang akdang pampanitikan ay nagsisiswalat ng isip, damdamin, at personalidad ng may akda. Kung gayon, inaanalisa sa pagdulog sikolohikal ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang

akda.

Upang maiskatuparan ito, tulad ng bayograpikal na pagdulog, kailangang may

kaalaman ang mambabasa sa buhay ng may-akda. Ang mambabasa gamit ang sikolohikal na pagdulog ay nag-aanalisa sa proseso ng paglikha ng akda at ang ugnayan ng may-akda sa kanyang akda, ang dahilan sa paglikha ng akda na nakabatay sa pinagdadaanang buhay ng may-akda. Ipinalalagay dito na ang nararamdaman at iniisip ng mga tauhan ay siya ring damdamin at isipang naghari sa may-akda at/o kaya ay nais na mangyari nito ang di namamalayan. Maaari rin namang gamitin ang sikolohiyang pagdulog sa pagsusuri sa mga tauhan at pangyayari sa akda nang di inaalam ang buhay ng may akda. Sinusuri rito ang mga tauhan sa akda, ang kanilang mga kilos at kaisipan, ang relasyon ng bawat isa, kung bakit nagbago ang dating paniniwala, kung bakit tinatalikuran ang dating ipinakikipaglaban, ang pinagdadaanang buhay o mga pangyayaring nakaapekto o nakakaapekto sa kanilang mga pananaw. Malaking impluwensiya sa sikolohikal na pagdulog si Sigmund Freud,

isang

sikolohista, na nagsabi na natuklasan ng mga makata at pilosopo ang unconscious bago ako; ang natuklasan ko ay ang pamamaraan siyentipiko upang pag-aralan ito (Reyes, 1992:46). Ayon kay Freud, ang tao ay tulad ng isang iceberg na nakalutang na may dalawang bahagi- ang nakikitang bahagi at ang bahaging nakalubog sa tubig. Itinutulad niya ang nakalutang na bahagi sa conscious o ang pagiging malay ng isang indibidwal tungkol sa kanyang sarili. FEMINISMO May mga pelikulang nakatuon sa panahon ng pagkayanig ng halos buong mundo sa kamalayan ng mga feminista hanggang sa kasalukuyang panahon. Nagmula ang Teoryang Feminismo sa mala-banyagang artikulasyon sa pagsasakasaysayan sa mga natamong karapatan at karanasan ng kababaihan noong ika-19 hanggang bungad ng ika-20 siglo ni Virginia Wolf. Naging tanyag ang pangalang Virginia Wolf sa akdang A Room of One’s Own, nagsasaad ng karapatan ng isang babae na magkaroon ng

espasyo na dapat nirerespeto at pinapahalagahan upang ang babae ay malayang makakilos at makapagdesisyon ng ayon sa nararapat sa kanya. Na hindi lamang umiikot ang buhay ng isang babae sa pag-aasikaso’t pagsisilbi sa anak at asawa o sa buong tahanan. Tinuligsa rin ni Wolf hindi lamang ang kanyang bansa na ugat ng diskriminasyon, kundi maging ang mga ina na dapat sana’y tutulong para makapag-aral ang mga anak na babae at guminhawa. Diin ni Wolf na hindi tamad ang mga babae, pinagkakaitan lamang sila ng espasyo o pagkakataong ipakita ang kanilang kakayahan. At hindi lamang sa lipunan nag-uugat ang suliranin kundi mismo sa mga kababaihang ayaw kumilos para ipaglaban ang karapatan at kalayaang makapagsalita, makapagisip, makadama at magkaroon ng pangalan at pagkakilanlan. Walang ibang nilalayon ang feminismo kundi ang mabigyan ang babae ng sariling tinig, magkaroon ng pantay at oportunidad sa lahat ng aspeto ng buhay panlipunan, maging malaya sa pagpapahayag, at wakasan ang anumang pagsasantabi batay sa kasarian at seksuwalidad (Evasco et.al 2011). Naniniwala ang feminismo na may pagkakaiba ang lalake at babae, na hindi maaaring magpantay ang dalawa sa pisikal na aspekto. Kaya ang ninanais at ang mga ipinaglalaban ng mga feminista – ay ang magtataglay ng parehong karapatan sa lipunan na kailanman ay hindi magiging basehan ang kasarian. Na siya naman ang nararapat na matamasa ng lahat upang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa isyung pangkasarian. Ito ang prinispyong dapat matamasa din ng babae ang mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Sa kasalukuyang panahon may transisyon o pagbabago ng papel ng babae ang makikita sa pelikula na tunay na nangyari sa lipunan. Ang mga pagbabagong ito ay tinanggap at tinutuligssa ng lipunan ng pakikilahok sa pulitika, maraming babae ang sumabak sa pulitika upang makapaglingkod sa bayan. Mga babeng may mataas na posisyon sa hukbong sandatahan na nakipaglaban upang makamtan at mapanatili ang kapayapaan. May mga babae na ring pumasok sa larang ng medisina, abogasya, enhinyero, piloto at iba pa na dati ay pawang mga kalalaki o karamihan ay mga lalaki lamang ang kumukuha. Kahit sa pangalan ay may pagbabago na rin, na kung dati kapag pangalan ng isang babae ito ay kadalasang nagtatapos sa titik /a/. Subalit ngayon may mga pangalan na ng mga babae na katulad ng mga pangalan ng lalaki

gaya ng Alex, Rome, Justine, Jess, Joy, Charls at marami pang iba. Ang mga ito ay iilan lamang sa nangyayaring transisyon na nararapat lamang bigyan ng kahalagahan. Totoong magpahanggang ngayon ay isa pa rin sa problema ng lipunan ang di pantay na pagtrato sa mga babae at ang mababaw na pagtingin sa kanilang kakayahan dahil sila ay babae. Kaya’t hangarin ng feminismo na isulong ang ideolohiya ng pagkakapantay-pantay. Ang feminismo ay maituturing na isang adbokasiya ng kababaihan upang ipakita sa buong mundo na ang mga babae ay may silbi at karapatang magdesisyon sa kanilang sarili. Sa loob ng mahabang panahon na ipinaglalaban ang pagkakapantay-pantay ng pagtrato ng babae sa lipunan hanggang sa kasalukuyan ay dumarami na ang sumusuporta at ang pelikula ang isa sa nagpapakita ng mga ideolohiyang kaugnay ng feminismo. PELIKULA AT FEMINISMO Sapagkat ang pelikula ay bahagi ng panitikan, ito ay sumasalamin sa buhay ninuman. Maraming manunulat ng panitikan ang isinilang, marami ang natutong humawak ng lapis at papel upang magkaroon ng saysay ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsusulat. Mula sa mga oral na panitikan, ang mga kwento ng buhay at karanasan ay naisatitik na at ang mga akdang ito ay nababasa natin hanggang sa ngayon. At mula sa mga nababasang akdang pampanitikan, ilan sa mga ito ay dinala pa sa entablado sa pamamagitan ng dula hanggang sa panahong ang mga pagsasadula sa entablado ay lalong pinasining sa pamamagitan ng paglalapat ng teknolohiya na tinatawag na isang pelikula. Ang pelikulang S. Estella L. ay isa sa mga pelikulang nagpapakita ng Feminismo. Ang pelikula ay tungkol sa isang madre na namulat sa mga suliraning panlipunan na hindi dapat balewalain nang sinuman maging ang simbahan o kongregasyon na kanyang pinaglilingkuran bilang isang Guidance Councilor sa mga inang walang asawa o unwed mothers. Unang makikita ang feminismo nang tanggihan ng pinuno ng ng kongregasyon ang pakikilahok ni S. Estella sa pakikibaka ng mga maliliit na manggagawa na nagwe-

welga dahil sa maliit na sahod. Alam ng buong kongragasyon na gustong-gusto ni S. Estella ang tumulong sa kapwa ngunit hindi sa pagsali sa welga sapagkat siya ay isang babae at higit sa lahat isa siyang madre. Ipinapakita ang pagiging isteryotipo na ang mga babae ay mahihina at delikado sa isang babae ang sumama sa mga gawaing panlalaki tulad ng welga. At higit sa lahat dahil siya ay isa pang madre, ang lugar na nararapat sa kanya ay ang kumbento. Patunay lamang na mababa ang tingin ng lipunan sa mga babae. Subalit sa kabila ng lahat ay pinili pa rin ni S. Estella ang sumama sa welga kasama ang mga maliliit na manggawa at iniwan ang kumbento. Kahit na may pagbabanta mula sa pinuno ng kongregasyon na wala siyang suportang makukuha sa kanila ay ipinagpatuloy pa rin ni S. Estella ang kanyang balak na sumama sa welga upang ipakita ang pagsuporta nito sa mga maliliit na manggagagawa. Ikalawang tagpo na nagpapakita ng feminismo ay nang muling nakasama ni S. Estella L. ang dati niyang kasintahan na si Nick na ngayo’y isa ng mamamahayag at manunulat sa paksang Church Activism. Lagi silang nagkakapalitan ng mga saloobin na lagi namang nauuwi sa pagtatalo sapagkat magkaiba ang kanilang paninindigan. Ayaw ng pag-usapan ni S. Estella L. ang kanilang dating relasyon subalit pilit pa ring sinasariwa ni Nick ang mga pangyayari bago pumasok si S. Estella ng kumbento. Ninais ni Nick na maibalik ang kanilang relasyon bilang magkasintahan subalit matapat si S. Estella L sa kanyang bokasyon bilang madre. Hindi nagtagumpay si Nick sa kanyang hangarin laban sa paninindigan ni S. Estella sa kanyang piniling buhay bilang isang madre. Ayaw ni S. Estella ang maging sunud-sunuran sa gusto ng kanyang dating kasintahang si Nick. Sa ikatlong tagpo, muling makikita ang pagiging feminismo ng pelikula nang ipagpatuloy ni S. Estella L. ang kanyang pakikibaka laban sa mapang-aping lipunan. Walang sinuman ang makapagbabago ng desisyon ni S. Estella L. kahit na makaranas pa siya ng matinding pananakot mula sa mga tauhan o goons ng may-ari ng pabrikang kanilang kinakalaban sa welga. Nasaksihan ni S. Estella L. ang kalupitan ng mga taong dumukot sa kanila ni Nick at Ka Dencio para lamang patigilin sila sa kanilang pagwewelga. Naranasan niya ang karahasan ng mga taong walang respeto sa kanya bilang isang babae at bilang isang madre. Dulot ng matinding takot at pagod ni S. Estella L.

buhat sa pagsama sa welga at pagkadukot ng mga di kilalang mga lalaki ay dinapuan siya ng mataas na lagnat. Gustuhin man ng katawan niya ang magpahinga subalit mas pipiliin pa rin ng kanyang isipan at damdamin ang bumalik sa welga upang ipagpatuloy ang laban. Sa huling tagpo ay nananatiling matatag at matapang si S. Estella sa pakikipaglaban sa mapang-aping lipunan lalo na sa pagkakataong iyon ay pinaslang na ang lider ng mga welgehista na si ka Dencio. Totoong matatapang ang mga kasamahan niyang mga maliliit na manggagawa subalit si Estella L. ang kanilang lakas upang labanan ang karahasan at kalupitan ng may-ari ng pabrika. Nangingibabaw ang lakas ng isang babae lalo na ang pagiging madre na tinutuligsa nang nakararami. Dahil sa kalakasan ni S. Estella L. ay lalong dumami ang dumamay sa mga manggagawa. Lalong dumami ang tumulong sa kanilang pakikibaka para sa pagkamit ng hustisya. Hindi lamang mga ordinaryong manggagawa ang sumama sa kanila kundi pati na rin mga madre at pari ay nakikiisa sa kanila upang ipagsigawan ang kalayaan at karapatang pantao. Si S. Estella L. ang simbolo ng katapangan, ang nag-udyok sa mamamayan na makibaka at huwag matakot! Ayon kay Villafuerte et.al (2006), ang feminismo ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa punto de vista o pananaw ng isang feminista. Sinusuri ng/sa feminismong kritisismo ang papel na ginagampanan ng mga babaeng karakter at ang mga temang ikinakabit sa kanila. Ipinapakita rito na ang karakter sa panitikan ay malinaw na pinagsama-samang konstruksyon, hindi lamang ng mga manunulat kundi maging ng kulturang kinabibilangan nila para itaguyod ang patuloy na dominanteng kalagayan ng mga lalaki sa lipunan at kultura. Dagdag pa niya na sa pagtakbo ng panahon at kasaysayan, marami ang namulat sa pangangailangng bigyang pansin ng mga kababaihan kung hanggang saan ang partisipasyon nila sa mga institusyong panlipunan. Lumakas ang pagnanasang baguhin ang tradisyon na ang nakasulat na akda ng kababaihan ay sapat na upang kumatawan din sa karanasan at mundo ng babae. Ito ang batayan sa pangangailangan ng pagbabago upang malayong mabuo ng babae ang kanyang sarili.

Sa ngayon mababasa pa rin natin sa mga aklat at mapapanood pa rin sa mga pelikula ang usaping pangkababaihan at ang di pantay na pagtingin sa isyung ito. Naririnig pa rin natin sa mga balita ang pang-aabuso sa kababaihan na parang walang halaga sa lipunan. Ang di ganap na kamalayang feminismo ay makikita pa rin sapagkat hindi tapat ang kabuuan sa pagsulong sa isyung pangkababaihan. At ang pelikula ang epektibong kasangkapan ng pagsulong at pagtaguyod upang mamulat sa kamalayang feminismo sa lahat ng institusyong panlipunan mula sa tahanan, opisina, simabahan, paaralan at kahit saang sulok ng bansa o mundo ay may pagsulong sa adbokasiyang feminismo. MARXISMO Ang dulog Marxismo ay nagmula sa ideolohiya ni Karl Marx na isinilang at lumaki sa Alemanya. Sa

nasabing bansa nasaksihan ni Marx ang walang katapusan

na pakikipagtunggali ng dalawang uri ng tao sa

lipunan (social classes) – ang

uring bourgeoisie at ang proletariat. Sa pananaw ni Marx, ang lipunan ay isang istraktura na binubuo ng nabanggit na dalawang uri. Ang uring Bourgeosie ay kumakatawan at nagmamay-ari ng paraan ng produksyon. Sila ang mga KAPITALISTA na nagmamay-ari ng mga negosyo a pagawaan, mga mayayaman, may matataas na katungkulan at makapangyarihan sa lipunan. Sila ang nagpoprodyus ng mga produkto at malayang nakakapagpasiya sa halaga ng mga paninda/produkto at serbisyo sa pamilihan. Samantala, ang uring Proletariat ay kumakatawan sa mga taong walang pag-aari na paraan ng produksyon. Sila ang mga kabilang sa masa na madalas ay mga uring MANGGAGAWA. Sila ang mga magsasakang maralita, mga taong kabilang sa paggawa at paglilingkod, gayundin ang mga mamimili o konsumante ng mga produkto sa pamilihan na pag-aari ng mga kapitalista. Taliwas sa mga kapitalista, ang mga uring maggagawa ay walang kapangyarihan na magpasiya sa halaga ng mga paninda o serbisyo.

Sa ganitong

kalakaran, makikita ang tunggalian sa lipunan. Ayon nga kay Marx, “the history of all existing society is the history of class conflict”.

Ayon sa pilosopiya ni Marx, ang mga kapitalista ay siyang sanhi ng kawalan ng katarungan at pagsasamantala sa mga uring manggagawa sa pamamagitan ng pagpataw ng hindi makatarungang presyo ng mga bilihin. Ang mga kapitalista ang nagdidikta ng mga halaga sa merkado na madalas ay nagpapahirap sa masa. Madalas din naging suliranin sa pagitan ng manggagawa at kapitalista ang tinatawag na unfair labor practice na may kinalaman sa mababang sahod at pagwawalang-bahala sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa. Makikita din ang tunggalian na ito sa pagitan ng may- kapangyarihan at ng inaapi sa larangan ng batas at hustisya. Batayang Sanhi ng Tunggalian Ayon sa Dulog Marxismo Sa kabuuan, may tatlong (3) batayang sanhi ng tunggalian (class struggle) ayon sa dulog Marxismo na umiikot sa ekonomiya at politika. 1. Kapangyarihan Ito ay tumutukoy sa magsagawa ng isang

kakayahan ng isang indibiduwal o pangkat na

gawain

na maaring

kanyang

ikaaangat

subalit

ikalulugmok naman ng iba. Ang kapangyarihan na ito ay maaring magmula sa kanyang angking lakas, pag-aari, at katungkulan.

2. Maling Paniniwala Ito ay nangangahulugan ng estado ng pag-iisip na siyang pumipigil sa isang tao na maunawaan ang tunay na kalikasan ng kanilang kalagayang sosyal. Maaring dulot ito ng nakagisnang kultura na siyang nakasanayan at tinanggap bilang katotohanan. Maaring hindi batid ng mga may-kapangyarihan na sila ay nang-aapi, o di kaya’y, hindi tinuturing ng mga pinagsasamatalahan bilang isang pagsasamantala ang ginagawa sa kanila.

3. Pag-uuri-uri Tumutukoy ito sa klasipikasyon ng mga tao bilang bahagi ng lipunan – mayaman at mahirap, malakas at mahina, panginoon at alipin. Dulot ng pag-

uuri-uri ang paniniwala na ang isang tao ay may higit na kakayahan kung kayat siya ay nararapat na pag-ukulan ng higit na paggalang at pagpapahalaga ng mga taong walang kakayahan. Ang Marxismo Sa Pelikula Sa kasaysayan ng pinilakang tabing, karamihan sa mga tunggalian ng mga kwento sa pelikula ay bunsod ng mga batayan ng ideolohiyang Marxismo. Ito ay palasak

mula

sa

mga

kwentong

enkantada

(fairytales)

hanggang

sa

mga

pangkaraniwan na mga teleserye, gayundin sa mga pelikulang aksyon at drama. Sa pelikulang Sarah…Ang Munting Prinsesa (1995) ay naging bukambibig ang katauhan ni Miss Minchin bilang isang malupit at gahaman na prinsipal sa isang boarding school kung saan si Sarah ay ipinasok ng kanyang mayaman na sundalong ama. Nang mamatay ang ama, agad na kinamkam ni Miss Minchin ang mga pag-aari ni Sarah. Ginawa niyang alipin si Sarah at itinago sa attic kasama ang isa pang alipin na bata na si Becky. Masahol pa sa daga ang kalagayan ng dalawang bata –halos hindi ito pinakakain bagamat hirap ang mga munting katawan sa pagtatrabaho. Tinanggap ng mga bata ang kanilang kapalaran, siguro, sapagkat wala silang magawa. Litaw sa mga nasabing eksena ang kapangyarihan na nagdulot ng opresyon at pagsasamantala, gayundin ang pag-uuri-uri ng tao at maling paniniwala tungkol sa buhay. Samantala, ang katauhan ni Miss Amelia at Mr. Crisford (Carrisford) ay nagsisilbing mga katalista sa

pagbabagong

nakikinita

ni

Marx

matapos

ang

paghihimagsik

ng

mga

pinagsamatalahan laban sa nagsasamantala. Sa kabilang dako, mas kapansin-pansin ang pagpupunyagi ng mga uring manggagawa sa pelikulang isinulat ni Jose F. Lacaba at sa direksyon ni Mike de Leon na Sister Stella L. (1984). Sa nasabing pelikula, nakita ng isang madre bilang isang

magandang pagkakataon na ituro ang mga aral ni Kristo sa mga manggagawang nagsagawa ng pag-aalsa sa isang paggawaan. Sa panig naman ng mga manggagawa, napakinabangan nila ang pagkakaroon ng madre sa kanilang panig habang nagra-rally. Isiniwalat sa nasabing pelikula ang kawalan ng katarungan, paniniil at pagsasamantala ng mga may-ari ng paggawaan. Ang isang alagad ng Diyos kasama ang mga uring manggagawa ay nagkaisa upang labanan ang pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga uring mangagawa.

Minsan pang pinatunayan ng pelikulang ito na sa

paghahangad ng pagbabago, hindi maiiwasan ang karahasan sa pagitan ng mga manggagawa at kapitalista. Samantala, mula sa panulat ng nobelistang si Suzanne Collins, isinapelikula ang trilogy na The Hunger Games. Mapapanood sa pelikula ang walang katapusan na tunggalian sa syudad ng Panem. Ito ay lipunan na nahahati sa dalawang grupo: ang grupo ng labindalawang (12) Distrito at ang Capitol. Ang labindalawang Distrito ay napasailalim sa kapangyarihn ng isang awtokratikong political na estado – ang Capitol. Ang Capitol ay kumakatawan sa bourgeoisie at ang mga Distrito ay kumakatawan sa mga proletariat.

Kontrolado ng Capitol ang lahat ng anyo ng produksyon at ang

paggamit ng mga produkto. Ang mga manggagawa sa nasabing produksyon ay ang mga tao na mula sa bawat Distrito. Mula rin sa bawat Distrito ay pipili ng kalahok para sa tradisyonal na laro( Hunger Games) kung saan ang mga tributes ay napipilitang lumaban nang patayan.

PInakikita sa larong ito ang pagtrato ng bourgeoisie sa

proletariat bilang mga kalakal at mga laruan lamang. Samantalang ang mga proletariat ay nagtitiis sa dikta at paniniil ng makapangyarihang bourgeoisie. Ang bourgeoisie ay bumuo ng paniniwala na sila ang naghaharing-uri. Ito ay itinanim nila sa isip ng mga proletariat kung kaya’t hindi alam ng mga ito na sila ay pinagsasamantalahan ng mga bourgeoisie.

Ang mananatiling buhay sa nasabing laro ay siyang magwawagi at

makatatanggap ng mga pagkain at kayamanan.

Ang nasabing bayolenteng laro ay

naglalayong magbigay-aliw sa Capitol. Ito rin ay nagsisilbing paalala sa mga tagaDistrito ng

kapangyarihan ng Capitol at ang kawalan nito ng panghihinayang

kapatawaran sa nangyaring bigong rebelyon na ginawa

at

ng mga ninuno ng taga

Distrito. Ang nasabing rebelyon ay siyang dahilan ng tuluyang pagkawala ng Distrito 13

na binubuo ng mga manggagawa ng mga sandatang nukleyar. Subalit, nang ang isang tribute na labing-isang taon gulang na babae ay namatay, muling naghimagsik ang mga taga- Distrito. Nakipaglaban sila sa mga unipormadong lalaki at sinira nila ang anumang nasa paligid. Napag-isipan din ng dalawang tributes na sina Katniss at Peeta na magpakamatay sa katapusan ng laro. Ang balak na pagpapakamatay upang walang itatanghal na panalo ay naging daan upang magbago ang isip ng mga taga- Capitol. Sa katapusan, nanatiling buhay ang dalawang tributes. Kapansin-pansin na ang paghihimagsik ng mga proletariat laban sa bourgeoisie ay nagdudulot ng pagbabago tungo sa mas malaya at pantay na lipunan. Tagubilin sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Dulog Marxismo 1. Tandaan na ang pinakapunto ng Dulog Marxismo ay ang sistemang pangekonomiya at poiltika ng isang lipunan na nagsilang ng walang katapusan na tunggalian sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. 2. Bilang panimula, linawin ang iyong naunawaan tungkol sa pelikula. Ano ang mensahe ng pelikula? 3. Suriin ang tagpuan at mga tauhan batay sa pang-ekonomiya, sosyal at politikal na aspeto. 3.1.Ano ang mga kinabibilangan na ekonomik, sosyal at politikal na istatus ng mga tauhan? 3.2.Ano ang nangyari sa kanila bilang epekto ng kanilang ekonomik, soyal at politikal istatus? 4. Palawakin ang panunurinsa pamamagitan ng pagbanggit sa naging batayang sanhi ng tunggalian. Ilahad ang detalye ng mga patunay na may inekwalidad, opresyon, at pagkontrol sa yaman/resorses ng nasabing lipunan. 5. Paano niresolba ang tunggalian? 6. Ano ang ideolohiya na inihahayag ng nasabing pelikula? Ipaliwanag. 7. Paano nagtagumpay o nabigo ang pelikula sa pagsiwalat ng ng mga pangekonomiya, sosyal at politikal na implikasyon?

8. Bilang kongklusyon, magmungkahi na ang proletariat ay mabigyan ng pantay na oportunidad sa yaman (ekonomiya) at kapangyarihan (politika). Ipaliwanag kung paano ito maisagawa batay sa kasalukuyang panahon.

PELIKULA AT IDEOLOHIYA Pag-isipan: Kung ang kahoy ay nalaglag sa kagubatan at wala namang ni isang nakarinig niyon, nakagawa kaya iyon ng tunog? Ang isang pelikula na binuo, pinag-isipan at pinaghirapan ay maaaring mawawalan ng saysay kung wala naman itong manonood.

Sa madaling salita,

mahalaga ang mga manonood sa tinatawag na komunikasyon sa pelikula na kinapalolooban ng nagbabahagi ng mensahe at tagatanggap ng mga ideyang ipinaaabot.

Hindi lamang nananatili ang lahat sa kaisipan o pagsisigaw ang mga

ninanais na pagbabago sa mga isyung may kinalaman sa politika, sosyal, at kultural. Mahalaga na ang mga isinisigaw patungkol dito ay mga tagapakinig. Bawat pelikula ay nagtatanghal ng paraan ng pagkilos- negatibo at positibo na naglalaan sa atin ng implayd at eksplisit na moralidad o ideolohiya. Ang ideolohiya ay tumutukoy sa katawan ng mga ideya na sumasalamin sa mga sosyal na pangangailangan ng indibidwal, pangkat, klase, at kultura. Sa iba pang mga salita, ang idelohiya ay tumutukoy sa mga sistematikong “mundong pananaw” na kung saan nililiwanag ang mga konsepto ng sarili at mga relasyon ng sarili sa estado o ano mang porma ng mga kolektibismo. Sinasabing ito ay isang sistemang paniniwala at mga prinsipyo sa loob ng mga sistema, kahit ang mga ideyang ito ay hindi kinikilala at hindi na itinatanong.

Ang ideolohiya ay katawan ng mga ideya na sumasalamin sa lipunang

pangangailangan at mga hangarin ng isang indibidwal, grupo, uri, at kultura na naglalayong maka-impluwensiya sa paniniwala at pagkilos ng mga tao. Maaaring interpretahin ang mga ideyang ito nang iba-iba depende sa isang indibidwal. Ang mga pelikula ay sinasabing sumasalamin sa mga pundamental na paniniwala at kaisipan ng isang lipunan. Maraming mga dominanteng ideolohiya na inilalahad sa mga mainstraim na pelikula at mga ideolohiyang na nagtatanong sa mga nangingibabaw na ideyal na makikita sa mga eksperimental na pelikula. Sinasabing ang isa sa pinakadomenanteng mga ideolohiya sa komon at pundamental na mga moral sa pang-araw-araw na buhay katulad ng pagpapahalagang pamilya (family values)- pamilya bilang yunit at ang pag-aasawa bilang ideyal, etika sa pagtatrabaho na

ang

mga

nagsisikap

nang

mabuti

ay

kariniwan

nagiging

matagumpay,

konsumerismo, at iba pa. Isa sa mga karaniwang popular na mga depinisyon ng ideolohiya ay mula sa Marsismong pilosoper na si Louis Althusser. Sa kanya ang ideolohiya ay isang “imaginary misrecognition of the subject’s relation to his or her real conditions of existence”.

Si Stamp (2001) ay nagwika na marami sa mga teorista sa pelikula ang

naniniwala na ang mga manonood ay nakakandado sa estruktura ng gayong misrekognasyon kaya tinatanggap nila na ang itinanghal sa pelikula ay ang realidad at ang identidad na ipinapakita. Si Raymond Williams ay nagbuod ng mga termino sa tatlo: 1. Sistema ng mga katangiang paniniwala ng isang partikular na uri at pangkat. 2. Sistema ng mga ilusyonaryong paniniwala- hindi totoong mga ideya o maling kamalayan- na maaaring pasubalian sa mga totoo o siyetipikong kaalaman 3. Pangkalahatang proseso ng mga kahulugan at ideya. Ang ideolohiya ay nahahati sa tatlong kategorya. 1.

Neutral - escapist na mga pelikula at magaang pang-aliw na may tuon sa aksyon, kasiyahan at aliw saganang sarili. Mababaw lamang ang pagtingin

sa tama at mali. Ang pelikulang ito ay sumasalamin sa pagpapahalagang sistema kung saan ang tuwa at aliw ay dalawa sa anyo ng konsumerismo. 2. Implicit

- na ang ideolohiya ay ipinapakita kaysa sa ipinaliliwanag o

isinaasaad sa diyalogo ng mga tauhan. Bagkus, nakikita ito sa kanilang mga kilos. (contextual analysis) 3. Explicit - ang ideolohiya ay ipinaliliwanag kaysa ipinapakita.

(textual

analysis) Ang explicit o implicit na presensya ng mga ideolohiya ay isang taglay na salik sa mga pelikula. Ang mga pelikula ay produksyon na nakabatay sa makataong interpretasyon at reproduksyon ng mga pangyayari, ang elemento ng ideyolohikal na pagpapahalaga ay taglay na salik sa kwento ng pelikula. Ang digri ng ideolohiya na naibabahagi sa pelikulay ay maaaring maitanghal bilang isang mahalagang bahagi ng mga banghay ng pelikula, o isang partikular na kultural na palagay na hindi nalunasan sa mismong pelikula. Karaniwan ang explicit at implicit na ideolohikal na nilalaman sa loob ng pelikula ay naglalayong palakasin at ipakita ang partikular na panlipunang pagpapahalaga para pagmunihan ng mga manonood. Sa pelikulang Birdshot ni sa direksyon at panulat ni Mikhail Red, hindi maikakaila na inilahad sa nasabing pelikula ang usaping panlipunan, probinsyal at kalikasan. Makikita sa pelikula ang pagiging serinidad, luntian at mapayapang buhay sa isang probinsiya.

Bagaman nabanggit ang korapsyon, pagpatay, inhustisya,

pamumuhay, at iba, ang maganda sa kwento ay ang paglahok ng mga hayop. Naging ideolohiya rin ng kwento ang pagpapahalaga sa mga hayop sa ating paligid. Una na ang agila na itinuturing na pambansang ibon taong 1995 na ang pagpatay nito ay pagpataw ng kaparusahan at pagmulta. Pangalawa, Ang aso na si Bala, na kasakasama ni Maya sa kanyang mga lakad at pagiging loyal nito sa nangangalaga. Napaslang si Bala nung pumunta ang dalawang pulis sa bahay ni Diego para sa paghahanap ng ebidensyang baril. Pangatlo, ang ahas, sa sanktwaryo na sumisimbolo na kapahamakang kakaharapin sa kabila ng babalang nakapaskil sa bawal na pagpasok pero nilabag pa rin. Makikita naman sa pelikula ang maingat na pagbuo ng eksena na walang hayop na napinsala o nalabag sa kanilang karapatan.

Sa pelikulang Bona ni Lino Brocka ay inilalarawan ang isang tagahanga na may matinding pagkahumaling sa isang artista. Makikita sa pelikula kung paano pinagpalit ng isang tagahanga sa katauhan ni Bona (Nora Aunor) ang kanyang pamilya, at masaganang buhay makasama lamang ang hinahangaan nito na si Gardo. Si Gardo, sa kabila ng kanyang pagiging isang bit-player ay nakipamuhay lamang sa iskwater sa Tondo na yari lamang sa kahoy ang bahay. Dito sa naghihikahos na bahay, nakitira si Bona na naglilingkod sa kanya nangg sobra-sobra bilang kapalit sa kabutihang ipinakikita ng artista sa huli.

Pag-iigib, pagluluto, paglilinis ng bahay, pagpapaligo,

pagpapakain at kung ano-ano pa ang kanyang ginagawa maipakita lamang kay Gardo ang kanyang pagmamahal bilang isang tagahanga. Maituturing itong isang obra na bumabalangkas sa totoong mga kaganapan sa ating lipunan. Ideolohiyang maituturing na kung sobrang paghanga ang ipinagkakaloob sa isang tao ay maaaring magdudulot ng obsesyon. Maglalagay sa kapahamakan ng isang humahunga. Sa usaping Bona noong sinabi ni Gardo na umuwi na si Bona sa kanila sapagkat sasama na ito sa isang babae para maging bansa, hindi napigilan ang sarili na gumawa ng masama. Kanyang binuhusan ng mainit na tubig ang lalake dala ng kanyang galit na nadarama.

Ang

sobrang paghanga na nagdudulot ng obsesyon ay minsan nag-uudyok sa isang tao na gumawa ng kasamaan. PAGSASANAY: Panuto: Batay sa iyong pagkakaunawa ibigay ang mga kahulugan ng mga dulog sa pagsusuri ng pelikula.

1. Realismo _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____ 2. Moralismo

_____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____ 3. Sikolohikal _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____ 4. Feminismo _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____ 5. Marsismo _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____ 6. Ideolohiya _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ____ EBALWASYON: Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ipasa ito sa aking email na ([email protected]). 1. Pagpapahalagang Pangkatauhan Paano mo ilarawan ang katayuan ng mga babaeng Pilipina sa lipunan na iyong ginagalawan?

2. Sapat ba ang pagtatakda ng batas para mapangalagaan ang karapatang pantao ng mga kababaihan? 3. Kung ikaw ay bubuo ng pamantayan para paigtingin ang batas na mangangalaga sa karapatan ng kababaihan, sa anong karapatan at anong tuntununin ang buuin mo? TAKDANG-ARALIN: Panuto: Pumili ng isang pelikula na batay sa teoryang Realismo at suriin ang nilalaman. 

Tauhan



Tagpuan



Tema



Tunggalian



Resolusyon

References: Almario,V. S. (2014). Ang tungkuling kritisismo sa Filipinas. Lunsod ng Quezon: C & E Publishing, Inc. Casanova, A. P. (2012). Isahan:kalipunan ng mga dramatikong monologo.

Module 1: PELIKULANG PANLIPUNAN Unit 3: Gabay sa Pagsusuri ng pelikula LAYUNIN Maipamilyar ang mga gabay sa pagsusuri Maiidentipika ang antagonista at protagonista ng piling pelikula Masusuri ang pelikula batay sa pormat na ibinigay

Nilalaman: GABAY SA PAGSUSURI NG ISANG PELIKULA Ang panunuring pampelikula ay isang paraan ng pagsukat ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay-puna, reaksyon, halaga sa napanood na pelikula. Layunin nitong mapalutang ang teoryang pampanitikan, nagagamit ang mga paraang natutunan sa pagsusuri ng isang pelikula at naiuugnay ang sariling karanasan batay sa nais ipahiwatig ng pelikula. Ilan sa mahahalagang bagay sa pagsusuri ng isang pelikula ay ang aspektong pangnilalaman tulad ng tauhan at tema. Kailangang masuri ang mga bagay na ito na mahalaga sa pagpalutang ng istorya. 1.

TAUHAN/KARAKTER AT KARAKTERISASYON -

Ang tauhan o karakter ay isa sa mga elemento ng isang katha na may iba’t ibang papel na ginagampanan. Ang tauhan ang kumikilos at nagbibigay buhay sa loob ng naratibo o sa mismong iskrip ng isang pelikula. Itinuturing silang pinakamahalagang pang-akit sa mga manonood na pinanggalingan ng aktibong pakikilahok ng manonood sa isang pelikula. Nakikilala ang mga tauhan batay sa mga impormasyong tulad ng pisikal o panlabas na katangian ang hitsura, edad, kasarian o oryentasyong sekswal, edukasyon o pinag-aralan, hanapbuhay o estadong pinansyal, estadong sibil, kulturang pinagmulan, relihiyon o paniniwala, katangian, emosyon, pananalita, ambisyon, motibasyon, ideolohiya at iba pang panloob na katangian.

-

May tinatawag na klasipikasyon ang mga tauhan, ang tauhang bilog o round character at ang tauhang lapad o flat character. Ang tauhang bilog ay may mga katangiang nagbabago at nag-iiba ang ugali sa kaharap na katunggali na maaaring dahilan ng pag-unald at pagkatuto. Ang mga tauhang ito ay may

malaking

kaugnayan

o

tungkulin

sa

papel

na

ginagampanan

bilang

tagapamagitan sa mga manood at sa mga karakter sa pelikula. Samantalang ang lapad o flat character sila naman ang mga tauhang hindi sumasailalim sa anumang pagbabagong esmosyunal o pag-unalad. Ang karagdagang uri ng mga tauhan sa isang akda o pelikula ay ang protagonista at antagonista. Ang protagonista ay ang kinikilalang pangunahing tauhan o bida, sa kanya nakasentro ang istorya, isang ehemplo o modelo ng kabutihang asal. Samantala ang antagonista naman ay ang mas kilala sa katawagan na kontrabida, siya ang kalaban o pantapat na tauhan sa bida na nagtataglay ng negatibong katauhan. -

Taglay ng mga tauhan sa isang pelikula ang makilalang bida o protagonista (pangunahing tauhan, ang may problema at humaharap sa problema at nagdesisyon at gumagawa sa sa paglutas ng problema) at kontrabida o antagonista. Nauuri din ang mga ito sa lapad kung saan hindi nagbabago ang katangian mula sa simula hanggang sa katapusan, tauhang hindi sumasailalim ng anumang pagbabago sa emosyon at pag-uugali.

-

Mahalaga ang pagpapangalan sa mga tauhan sa isang akda o pelikula, nakaaapekto ito sa pagkilala ng mga mambabasa o manonood sa isang pelikula. Ayon kay Brillantes Mendoza sa isang panayam, kapag pangalan ng isang tao, babae man o lalae ang gagamiting pamagat sa isang pelikula ito ay nagtataglay ng misteryo. Na ibig sabihin nagpapakita ng napakahalagang papel na ginagampanan na maaaring nagtataglay ng kahulugan o sombolismo. Ayon naman sap ag-aaral ni Bienvenido Lumbera na Tipo ng mga Tuhan sa Pelikulang Pilipino: Isang Susi sa Weltanschauung ng Pilipino, kanyang natukoy na ang mga uri ng tauhang itinampok sa pelikula ay nakaugat din sa panitikan at dulaang Pilipino.

-

Tauhan ang tawag sa mga gumaganap ng papel sa isang akda at karakterisasyon naman ang representasyon o pagkakalikha ng mga tauhan sa isang akda mapakatha, dula o pelikula. Ang karakterisasyon ay napakahalaga sa isang istorya, ito ang magpakilala o maglalarawan sa personalidad o katangian ng isang tauhan upang mauunawaan ang aksyon o kilos nito. May dalawang pamamaraan ng karakterisasyon, una ay ang tinatawag na direktang

karakterisasyon. Ito ang literal na pagtukoy ng mga akda sa katangian ng isang tauhan sa kanyang mambabasa o manonood. Ang ikalawa naman ay tinatawag na di-direktang karakterisasyon. Ang di-direktang karakterisasyon naman ay humihingi ng aktibong pagsusuri mula sa mambabasa sa tekstong binabasa o pelikulang pinapanood. -

Napakahalaga ng karakterisasyon sapagkat kailangan ito sa paglalahad ng kilos at iba pang elemento sa istorya. Ito ang gabay ng manonood sa pagunita sa pagkilala ng karakter at maalala ang mismong buong pelikula, makalimutan man nito ang tema, balangkas, ilang tagpo ngunit hindi ang karakterisasyong bumubuhay sa istroya.

2. TEMA/PAKSA Ang tema o paksa ang nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng manonood kaugnay ng kanyang karanasan sa buhay. Ang tema sa isang pelikula ay ang mga nakatagong mensahe, ideya o konsepto na umudyok upang ang isang tauhan ay kumilos ayon sa nararapat. Bukod sa ito ay nakatagong mensahe maaari din itong isang aral na ipinaparating sa mga manonood. Iba-iba ang ginagamit na tema o paksa sa isang pelikula. May mga awtor na nagsasabing ang tema ay nabubuo sa isang salita lamang kagaya ng obsesyon, pagtataksil, ambisyon, pagseselos, pag-ibig, kahirapan, hustisya, diskriminasyon, kagandahan ng kalikasan, tagumpay, kabiguan, kamatayan, kultura at marami pang iba. Samantalang sa ibang awtor, ang tema ay binubuo sa isang pangungusap katulad ng Hindi sukatan ang layo sa isa’t isa sa tunay na pagmamahalan, Nasusubok ang tunay na pagkakaibigan sa oras ng kagipitan at marami pang iba. 3. TAGPUAN (SETTING) KAHULUGAN NG TAGPUAN Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula nagaganap. Bagama’t ang tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o nakaligtaan, ito ay isang mahalagang kasangkapan o elemento sa anumang kuwento at

gumagawang isang mahalagang kontribusyon sa tema o sa kabuuang epekto ng isang pelikula. Nang dahil sa kompleks na pag-uugnayan ng tagpuan sa iba pang elemento ng kuwento – banghay, tauhan, tema, tunggalian, simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong isinalaysay ay kailangang sinuring mabuti maigi. At dahil sa kanyang kahalagahang

biswal

na

gampanin,

kailangang

maisaalan-alang

na

isang

makapangyarihang elementong pangsinema sa kanyang sariling kakanyahan. KAHALAGAHAN NG TAGPUAN Mahalaga ang tagpuan sa estorya ng isang pelikula. Sa panunuri, nararapat lamang mabatid kung saan naganap ang madudulang tagpo ng buhay na inilahad sa pelikula. Kailangan ding mabatid kung paano inilarawan ng filmaker ang tagpuan, ang kabutihan nito sa akda at kung ito ba ay nakalilikha ng isang kapaligiran. Mahalagang mabatid ng mga manunuri ang kaligirang panlipunan sa panahong nalikha ang pelikula. Kung ang tagpuan ay sa lunsod, mahalagang makita ang kaligiran tulad ng: a.) ang pamamaraan ng pamumuhay ng mayyaman at mahihirap; b) ang kaugaliang umiiral sa mga tao; c) at ang kagandahan at kapangitan ng buhay sa lunsod. Mula pa noong unang kapanahunan pa ng sinema, ang mga kritiko at manonood ay naunawaang ang tagpuan ay may aktibong papel sa sinema kay sa karaniwang papel nito sa teatro. Ayon kay Andre Bazin: Ang indibidwal ay napakahalaga sa teatro. maaaring magaganap kahit walang mga aktor.

Ang dula (drama) sa eskrin ay

Ang humahambalos na pinto, ang

dahon sa pag-ihip ng hangin, ang paghampas ng alon sa dalampasigan ay nakapagpapatingkad ng isang dramatikong epekto.

Iilan sa mga obra maestrang

pelikula ay gumagamit ng tao bilang aksesori, tulad ng ekstra, o bilang pampaganada ng kalikasan, kung saan itiuturing na tunay na pangunahing tauhan o karakter. Sa pagsisiyasat ng tagpuan kung may kaugnayan ito sa kuwento, mahalagang isaalang-alang ang epekto ng apat na mga salik na ito bilang kabuuan

1. Temporal na Salik. Ang panahon kung kailan nagaganap ang kuwento sa pelikula. 2. Heograpikong Salik. Ang pisikal na lokasyon at ang kanyang katangian, kabilang ang tipo ng kalupaan, klima, dami ng populasyon (ang kanyang biswal at sikolohikal na impak), at anumang iabng pisikal na salik ng lokalidad na maaaring nagkakaroon ng epekto sa mga tauhan ng kuwento at ang kanilang mga aksyon. 3. Sosyal na Estruktura at Ekonomikong Salik 4. Kustombre, moral na kaugalian at mga koda ng kaasalan Ang bawat salik ay may mahalagang epekto sa mga suliranin, mga tungalian at katangian ng mga tauhan at kailangang isaalanag-alang bilang integral na bahagi ng banghay ng kuwento o tema. PAPEL O TUNGKULIN NG TAGPUAN SA PELIKULA Tagpuan Bilang Determiner ng Tauhan. Ang apat na aspeto ng tagpuan na nakalista sa itaas ay mahalaga upang unawain ang natauralistik na interpretasyon ng ginagampanang papel ng tagpuan. Ang interpretasyong ito ay nakabatay sa paniniwala na ang ating katangian, kapalaran, at tadhana ay naipakilala sa pamamagitan ng mga lakas sa labas ng ating sarili, na maaaring tayo ay wala kung ihahambing sa mga produkto ng ating minana at kapaligiran, at na ang kalayaan ng pagpili ay isang ilusyon lamang. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kapaligiran , may makabuluhang puwersang tagahubog o maging isang dominanting tagapagtimpi, ang interpretasyong ito ang pumupuwersa sa atin upang isaalang-alang kung paano ang kapaligiran ay humubog sa mga tauahan kung ano sila – sa ibang salita, kung paano ang kalikasan ng tauhan ay diniktahan ng mga salik tulad ng kanilang panahon ng kasaysayan, ang patikular na lugar sa Sanlibutan na kanilang pinanahanan, ang kanilang lugar sa sosyal at eonomikong estruktura, at ang kustom, moral na saloobin, alituntunin ng pag-uugali na ipinataw sa kanila ng lipunan o sosyedad.

Ang mga

kapaligirang salik na ito ay maaaring mapanghikayat na sila’y nagsilbing bagay na mas mahalaga kaysa kaligiran para sa banghay ng pelikula.

Sa ilang pagkakataon ang kapaligiran ay gumaganap bilang antagonista sa banghay.

Ang protagonista ay maaaring makipagbuno laban sa pwersang

pangkapaligirang nagdidiin sa kanila, nagsusumikap upang ipahayag ang kalayaang pumili o tumakas s bitag.

Kaya, ang marubdob na

konsiderasyon ng kalupitan,

kapabayaan o kawang-malasakit, o makapangyaring lakas ng kapaligiran ay kalimitang isang susi upang maunawaan ang tauhan at ang kanyang suliranin. Tagpuan bilang Repleksyon ng Karakter (Setting as Reflection of Character). Ang kapaligiran kung saan nakatira ang isang tao ay nagpapakita sa mga manonood ng hudyat upang maunawaan ang papel na kanyang ginagampanan sa pelikula. Ito’y totoo lalong-lalo na sa aspeto ng kanyang kapaligiran kung saan ang isang indibidwal ang may hawak. Ang isang bahay ay halimbawa ng mahusay na indikasyon ng katauhan ng tauhan. Ang tagapanood ay kailangang malay sa mga interaksyon sa pagitan ng kapaligiran at tauhan, kung ang tagpuan ba ay tagahubog ng tauhan o isa lamang repleksyon nito. Tagpuan Para sa Anyo ng Katotohanan (Setting for Verisimilitude). Ito ay binibigyang kahulugan sa pagkamakatotohanan o ang pgiging totoo. Halimbawa ang pagkakaroon

ng

katotohanan

sa

banghay

nakapagpapakita ng pagiging realistiko.

o

imahe

ng

isang

pelikula

na

Isa sa pinakamalinaw at pinakanatural na

tungkulin ng tagpuan ay likhain ang pagtitipon ng realidad na nagbibigay sa manonood ng pagiging makatotohanan sa panahon at lugar at madama ang pagiging doon. Kinikilala ng Filmmakers ang lubos na kahalagahang ginagampanan ng isang awtentikong tagpuan sa paglikha ng pelikulang kapani-paniwala.

Samakatuwid,

maaaring umabot sila ng ilang buwan sa paghahanap ng isang akmang tagpuan at saka na pakilusin ang crew, mga aktor, at mga ekipo libo-libong milya upang makuha ang angkop na kaligiran para sa kuwentong tinatangkang gawan ng pelikula. Upang makapanghikayat, kailangang maging awtentik ang napipiling tagpuan maging sa kaliit-liitang detalye ng minuto. Tagpuan Para sa Manipis na Biswal Impak (Setting for Sheer Visual Impact). Ang Filmakers ay pumipil ng isang tagpuang may kakayahang maaninag ang biswal impak. Kung ang paggawa nito ay pinapayagan sa loob ng ipinahihintulot ng tema at

pakay ng pelikula, ang filmakers ay pipili ng tagpuan na may mataas na antas ng viswal impak o malakas ang biswal impak. Tagpuang

Lumikha

ng

Emosyonal

na

Atmospera

o

Kapaligiran,

Pagkakalarawan, at Biswal Impak (Setting to Create Emotional Atmosphere, Characterization, and Visual Impact).

Sa mga espesyalisadong pelikula, ang

tagpuan ay mahalaga sa paglikha ng malaganap na emosyonal na kapaligiran. Ito’y kailangang sa mga pelikulang katatakutanat sa iilang mga piksyong agham at pantasya. Tagpuan Bilang Simbolo (Setting as Symbol). Ang tagpuan ng kuwento ng isang pelikula ay maaaring nagbabadya ng malakas na simbolikong kahulugang ginamit upang ipaglaban ito o maging kinatawan hindi lamang sa isang lokasyon o lugar. Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Tagpuan sa Pelikula (Mayos, Tanawan & Espique, 2007): 1. Paano ipinakita ng filmmaker ang tagpuan? 2. Ano-anong sangkap ang kanyang ginamit upang ipakita ito? 3. Inilarawan ba ang kaliit-liitang sulok sa kabuuan ng larawan ng pook? 4. Kapani-paniwala ba ang napiling tagpuan upang kumilos ng ganito o ganoon ang mga tauhan sa pelikula? 5. Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginamit ng filmmaker upang ipakita ang tagpuan ng pelikula? 6. Angkop ba ang tagpuan sa pagkilos at paksa ng kwento sa pelikula.

Pormat ng Panunuring Pampelikula

I.

Pamagat (ipaliwanag ang pagpapakahulugan sa pamagat)

II.

Mga tauhan (ilarawan ang papel na ginagampanan at katangian) a. Protagonista b. Antagonista

III.

Tema/Paksa ng Pelikula (ipaliwanag at patunayan ang paksang tinalakay sa pelikula)

IV.

Buod ng Pelikula (isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pelikula: simula, gitna, wakas)

V.

Teoryang Pampanitikan (magbigay ngtatlong patunay at ipaliwanag)

PAGSASANAY:

A. Panuto: Tukuyin ang Protagonista at Antagonista na makikita sa pelikulang Barcelona: A Love Untold. Ibigay ang kanikanilang positibo at negatibong katangian. Magbigay ng patunay.

PROTAGONISTA

ANTAGONISTA POSITIBO

NEGATIBO Patunay

Patunay

NEGATIBO

POSITIBO

Patunay

EBALWASYON: Panuto: Panoorin ang pelikulang Ma Rosa at suriin batay sa hinihingi ibaba. Pormat ng Panunuring Pampelikula VI.

Pamagat (ipaliwanag ang pagpapakahulugan sa pamagat)

VII.

Mga tauhan (ilarawan ang papel na ginagampanan at katangian) c. Protagonista d. Antagonista

Patunay

VIII.

Tema/Paksa ng Pelikula (ipaliwanag at patunayan ang paksang tinalakay sa pelikula)

IX.

Buod ng Pelikula (isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pelikula: simula, gitna, wakas)

X.

Teoryang Pampanitikan (magbigay ngtatlong patunay at ipaliwanag)

TAKDANG-ARALIN: Panuto: Tukuyin ang Tema o pakasa ng pelikula (Ma Rosa) na nakikintal sa isipan ng manonood. Ipahayag ang tema ng akda ayon o batay sa sumusunod na elemento:

PAMAGAT

TUNGGALIAN

TEMA

SOLUSYON

TAUHAN

References: Almario,V. S. (2014). Ang tungkuling kritisismo sa Filipinas. Lunsod ng Quezon: C & E Publishing, Inc.

Casanova, A. P. (2012). Isahan:kalipunan ng mga dramatikong monologo.

Related Documents

Filipino
March 2021 0
Filipino
February 2021 2
Filipino Thesis
January 2021 1
Filipino Tos
March 2021 0
Filipino Nationalism
March 2021 0

More Documents from "Muzic Holic"