Mga Kulturang Pilipino Sa Mga Piling Independent Films

  • Uploaded by: LeonilaEnriquez
  • 0
  • 0
  • February 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Kulturang Pilipino Sa Mga Piling Independent Films as PDF for free.

More details

  • Words: 8,456
  • Pages: 52
Loading documents preview...
1

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO INTRODUKSYON Rasyonale Ang mga pelikula ng Independent Film na gawa ng mga Pilipino ay untiunting sumisikat sa masa at nakikilala sa mga International Film Festivals. Kadalasan ay nababalitaan na napapasali at nagwawagi ang mga Indie Films sa mga patimpalak sa ibang bansa.

Ang mga pelikulang nagwawagi sa mga

patimpalak na ito ay nagtatampok ng makatotohanan at nakakabighaning tema na nakakukuha sa atensyon ng mga manonood. Ang mga pelikulang ito ay nagbibigay ng malinaw na pananaw tungkol sa pang araw-araw na pamumuhay at kultura ng mga Pilipino. Binibigyang-tuon nito ang buhay ng pinaka ordinaryong indibidwal kaya madali lang nakakakonekta ang manonood.

Mahalagang malaman ang

kahalagahang moral, paniniwala at ideya na ipinapakita sa ganitong pelikula dahil makakapagbukas ito ng panibagong persepsyon sa Kulturang Pilipino. Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa kultura. Marami ang nakakaimpluwensya sa kultura ng bansang ito. Isa na dito ay ang katotohanang ito ay nasakop ng iba’t ibang bansa sa mga nagdaang panahon. Resulta nito, ang kultura ng Pilipinas ay kombinasyon na ng sariling kultura nito at ng mga kultura ng ibang bansa, lalo na sa mga bansang malapit dito.

Ipinaliwanag ni Andres sa

Positive Filipino Values (1990) na sa kasalukuyan, ang populasyon ng Pilipinas ay sumasalamin sa barayti ng mga panlabas na impluwensya na nakaapekto at

2

nakahalo sa orihinal na Malay na kultura: Arabo, Tsino, Indo-Tsino, HinduIndonesian, Espanyol-Katoliko at Amerikano-Protestante. Ang bawat kulturang ito ay nag-iwan ng mga impluwensya sa kultura na hanggang ngayon ay makikita pa sa rin sa kasalukuyan.

Hindi lamang sa

linggwahe, asal, pananamit, mga pagkain, kundi pati na rin sa mga pamantayang panlipunan ng bansang Pilipinas. Isa sa mga kasangkapan na sumasalamin sa kultura ng isang bansa ay ang panitikan. Ipinaliwanag ni Largo (2007) na sa pamamagitan ng panitikan nabuo ang pagkalahi ng bawat bansa, nagningning ang bayan, nakilala ang kultura ng bawat nasyon, nagliwanag tulad ng araw na tinunton at tiniyak ang katalinuhan, katapangan, kagitingan, kabayanihan at kalayaan. Isang paraan ang panitikan ng pagpapahayag ng mga mamamayan sa kanilang sarili at sa pamamagitan nito, naipapakita nila ang kanilang sariling kultura. Sinang-ayunan din ito ni Arrogante (1991) na nagsabi na ang panitikan ay napangatwiran

ang

kanyang

karanasan

gaya

ng

pagkatakot,

pagkabigo,

pagtatagumpay, pagsusuwail, pag-iisa, nabibigyan ng katuturan ang kanyang sariling kahalagahan ayon na rin sa sarili niyang teoriya at tradisyon ng lipunang kanyang ginagalawan. Dahil dito, malaki ang naiambag ng panitikan sa kultura ng alinmang bansa. Sapagkat ito ay nagbubuhay sa mga karanasan ng mga karakter, ang kanyang mga hinaing at kasiyahan, ito ay nagsisilbing repleksyon sa kultura ng bansa. Isa sa mga genre ng panitikan ay ang pelikula. Mula noon pa man, marami nang mga tao ang tumatangkilik sa mga pelikula. Dahil dito masasabi nating malaki

3

ang impluwensya ng mga kaisipan na ipinapakita ng pelikula sa kaugalian ng mga manonood. Pinatunayan nito ni Reyes (1996) na nagsabing, ang pelikula ay may pinakamalawak na impluwensya sa publiko sapagkat naipapakita nito nang malinaw at tiyak ang kaisipan, damdamin at sitwasyon na umiinog sa mga pangyayari. Ang mga kaugalian na minamanipesto ng mga manonood ay humuhubog sa pagkabuo ng isang maayos at maaliwalas na lipunan. Sa pag-aaral na ito, partikular na siniyasat ng mga mananaliksik ang pelikulang Indie dahil sa unti-unti nitong pagsikat sa masa at pagkakilala nito sa mga international film festivals. Mahalagang malaman ang mga moral at mga ideya na pinapakita sa ganitong klase na pelikula dahil maari itong makapagbukas ng panibagong persepsyon sa sariling kultura. Ayon nga sa isang artikulo na pinamagatang Indie Film: Salamin ng Wika at Kultura (2013), “Isang pagpupunyagi sa wikang Filipino ang paggawa ng pelikulang indie. Hindi lamang Tagalog ang wikang ginagamit dito, pinagyayaman din nito ang iba pang diyalekto sa Pilipinas. Pokus sa paggawa ng pelikulang indie ang kultura, konsepto, at tradisyon ng isang lungsod o lalawigan.” May pinili ang mga mananaliksik na mga indie films upang maging basihan ng pananaliksik. Sa mga sumusunod na kabanata, malalaman ang pinapakitang Kulturang Pilipino sa mga piling indie films. Malalaman kung pinapakita ba nito ang totoong Kulturang Pilipino o binago ba nila ito para sa mga manonood. Kung pinapahalagahan ba ito o hindi. Ang pagsusuri na ito ay naglalayong ilahad kung bakit dapat pag-aralan ang repleksyon ng mga Independent Films sa ebolusyon ng Kulturang Pilipino.

4

Sanligang Teoretikal Sa Teoryang Realismo tinatalakay ang katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon,

5

katiwalian, kahirapan at diskriminasyon.

Madalas din itong naka pokus sa lipunan

at gobyerno. Makikita ito sa mga Independent Films.

Kadalasan sa mga

independent films ay tungkol sa mga tunay na pangyayari. Ang Teoryang Realismo ay sumusuporta sa pag-aaral ng mga mananaliksik na pinamagatang “Mga Kulturang Pilipino sa mga Piling Independent Film: Isang Pagsusuri”. Sa pag-aaral na ito ay mayroong limang (5) piling Independent Film ang pinanood at ginawan ng pagsusuri ng mga mananaliksik. Ang unang pelikula ay ang “Noy”, na tungkol sa isang nagpapanggap na journalist na gumagawa ng dokyumentaryo tungkol sa pangangampanya ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino habang hinaharap ang sariling problema at pagsubok sa buhay. Ang susunod na pelikula ay “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” na tungkol sa isang bakla na kailangang pumili sa pagitan ng kanyang pamilya at sa katarungan ng batas. Habang sa pelikula naman na “On The Job” ay nagpapakita sa laganap na krimen at korapsyon sa ating bansa. Ang ika-apat na pelikula ay ang “Ekstra” na nagtatampok sa isang inang kumakayod at nagtitiis sa mababang pagtrato sa mga katulad niyang ekstra. Ang huling pelikula na sinuri ay ang “100” na umiikot sa kwento ng isang babaeng may Kanser at kung paano niya ginugol ang kanyang natitirang mga araw. Gamit ang mga pelikulang ito nakakalap ang mga mananaliksik ng iba’t ibang uri ng Kulturang Pilipino na maiuukol sa paniniwala, kahalagahang moral, at suliraning panlipunan ng mga Pilipino. Ang lahat ng mga pelikulang ito ay mayroong pagkakatulad, silang lahat ay nagpapakita ng Kulturang Pilipino. Ang mga pelikulang nasuri ay naglalaman ng mga repleksyon ng pagiging isang Pilipino. Pinapakita sa mga pelikula kung ano at sino ang mga Pilipino. Ang mga kultura na nilalaman ng mga pelikula ay hango sa mga paniniwala ng mga Pilipino simula pa sa ating mga ninuno na pinasapasa

6

hanggang sa bagong henerasyon. Ito rin ay sumasalamin ng kahalagahang moral bilang isang tao. Pinapakita nito ang ugali ng mamamayang Pilipino. Ang mga kultura sa pelikula ay maaari din nating maiugnay sa suliraning panlipunan sapagkat pinapakita nito ang mga laganap na krimen at korapsyon sa ating bansa.

Teoretikal na Balangkas

Teoryang Realismo: Higit na bininigyang pansin o pinahahalagahan nito ang katotohanan kaysa kagandahan. Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan.

Mga Kulturang Pilipino sa mga Piling Independent film: Isang Pagsusuri

Mga Piling Independent Film

Noy

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

On The Job

Ekstra

100

7

Mga Kulturang Pilipino

Paniniwala

Kahalagahang Moral

Suliranin g Panlipun an

Fig. 1: Teoretikal na Balangkas Layunin ng Pag-aaral Pangkalahatang Layunin: Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabatid ang iba’t ibang Kulturang Pilipino sa mga Piling Pelikula ng Independent Film. Tiyak na Layunin: 1. Matukoy kung alin sa mga Kulturang Pilipino ang karaniwan sa mga piling pelikulang Independent Film. 2. Malaman ang suliraning panlipunan, kahalagahang moral at paniniwala na nakapaloob sa kultura.

8

Kahalagahan ng Pag-aaral Naging mahalaga para sa mga mananaliksik ang pagsiyasat tungkol sa mga kulturang ipinakita sa limang Independent Films na kanilang napanood. Ang kadalasang paksa sa mga pelikulang Indie ay tungkol sa mga problema sa lipunan kaya nasasalamin ng mabuti ang Kulturang Pilipino dito. Ang mga pelikulang ito ay mayroong sariling paraan kung paano nila ipinakita ang iba’t ibang mga problema sa lipunan at mga kahalagahang moral na bumubuo sa Kulturang Pilipino. Dahil sa unti-unting pagsikat ng Independent Films, nais malaman ng mga mananaliksik ang pagpapakita ng mga karaniwang Kulturang Pilipino sa mga indie films. Unti-unting nakikita sa ating lipunan ngayon kung gaano kalaki ang impluwensya ng mga pelikula sa ugali ng mga manonood at kung gaano kalaki ang epekto nito sa paghubog ng ating persepsyon sa sariling kultura. Ang pananaliksik na ito ay maaring makatulong sa iba't ibang uri ng tao o pangkat sa lipunan: 

Mga Kabataan – Pinupukaw nito ang kanilang atensyon upang matutunan

9

nilang mahalin ang Kulturang Pilipino lalo na’t sa panahong ito na laganap ang pagtangkilik sa kultura ng ibang bansa. Mabubukas ang kanilang mga isipan sa mga iba’t ibang aspeto ng Kulturang Pilipino; hindi lamang ang mga magaganda, pati na rin ang mga hindi kanais-nais. Mabibigyang-kamalayan din ang mga kabataan sa mga kasalukuyang kalagayan ng lipunan na sinasalamin ng mga pelikula sa mga Independent Film. 

Mga gumagawa ng mga Indie Films - Nakakatulong ito sa paraang nabibigyan sila ng oportunidad na maipakita nila ang sariling pananaw tungkol sa ating kultura at ang realidad nito. Nabibigyan rin sila ng malaking responsibilidad na maipakita ang lahat ng aspeto ng Kulturang Pilipino na walang kinikilingan.



Mga Manonood na Pilipino – Mas mabibigyan nila ng tuon ang Kulturang Pilipino at ang mga nakapaloob nito. Mas maiintindihan nila ang konsepto ng buong kultura at paano ito nakakaapekto sa pananaw ng mga mamamayan at kung paano rin ito nakakaapekto sa galaw ng lipunan. Mas masisilayan nila ang malalim na kahulugan ng mga nakapaloob sa kultura ng mga pelikula.



Mga Guro - Makakatulong sila sa pagpapakilala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng Indie Films sa pagpapakita ng sining at sa Kulturang Pilipino. Sila ay itinuturing na ikalawang magulang ng kanilang mga estudyante kaya malaki ang kanilang impluwensya sa paghubog sa mga ito. At dahil doon, esensyal na sila rin ay may interes at kaalaman sa mga bagay na nakakaimpluwensya sa kaugalian ng mga mag-aaral ng mga bagay na

10

katulad ng mga pelikulang nakapokus sa Kulturang Pilipino. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa impormasyon tungkol sa Independent Films at kung paano ito sumasalamin sa Kulturang Pilipino. Limang (5) Filipino indie films na kasali o nanalo na sa mga lokal at international film festival ang naging pangunahing materyales ng mga mananaliksik.

Aalamin sa bawat

pelikula ang Kulturang Pilipino na nakapaloob dito. Dahil masyadong malawak kung pag-uusapan ang kultura, ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa paniniwala, kahalagahang moral at mga suliraning panlipunan.

11

KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ayon sa Encyclopedia Americana V8 (2006), "Ang namamayaning paggamit ng ideya ng kultura sa kontemporaryong antropolohiya ay nauukol sa paghudyat sa pagmamarka ng pagkakaiba sa populasyon na base sa linggwahe, mga ugali, mga gawi, at paraan ng pag-iisip." Ang kultura ng isang bansa ang siyang bumubukod nito sa ibang bansa. Ang kultura ng isang bansa ang humuhubog sa personalidad ng bawat mamamayan nito. Pinatunayan din ni Damen (1987) sa libro niyang Culture Learning: The Fifth Dimension on the Language Classroom na ang kultura ay ang “natutunan at naibahaging

pantaong

disenyo

palatandaan sa pamumuhay.”

o modelo

sa pamumuhay;

araw-araw na

Ang mga palatandaan at mga modelong ito ang

siyang lumalaganap sa lahat ng aspeto ng pantaong gawaing panlipunan." Ito ang siyang humuhubog sa lipunan ng isang bansa at umiimpluwensiya sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa bansa. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang “indie”?

12

Ayon kay Szabo(2010), “There are certain traits audiences anticipate when a film is marketed as an “indie” and which films made by both studios and nonconglomerate affiliated companies have in common. Those traits include, a distinct mechanical style and narrative form. However, more specifically both of those traits become distinct because of how they differ from the usual classical Hollywood film styles. Therefore, combining these expected and common traits with the fact that today’s independent films cannot be defined by how much they were made for, illustrates that presently independent films are less defined by their finances and rather can be classified by their own emerging genre – ‘the indie.’” Sa pahayag na ito, ang indie films ay hindi lamang mailalarawan dahil sa halaga ng pera na ginugol sa paggawa nito kung hindi pati na rin sa istilo ng paglahad ng istorya at ang kahalagahan ng sining sa pelikula. Masasabi din na ang indie film ay isang genre dahil sa kaibahan at ang natatanging katangian nito sa iba pang genre ng pelikula . Hindi pa man ito ganap na pumapatok sa panlasa ng mga manonood, unti-unti naman itong kinikilala ng mga manonood sa takilya. Mahalagang malaman ang mga moral at mga ideya na pinapakita sa ganitong klase na pelikula dahil maari itong makapagbukas ng panibagong persepsyon sa sariling kultura. Ang mga pelikula na independente ay sumsalamin ng mga pumapanahong isyu sa lipunan. Ayon sa artikulong Film as Social and Cultural History (2005), ang mga ideya na nilalahad ng mga pelikulang independente ay reyalistiko at hindi lamang batay sa kagustuhang pangkasiyahan ng mga manonood. Minumulat ng pelikulang indie ang mga manonood sa iba’t ibang pananaw tungkol sa mga sitwasyong hinaharap ng mga ordinaryong indibidwal sa panahon ngayon.

Ang

indie kasi ay naglalayong ipakita ang mga reyalidad ng buhay hindi tulad ng mga

13

komersyal na mga pelikula na binibigyan nila ng limitasyon at restriksyon ang mga eksena. Karaniwan sa mga tema na ipinapakita ng mga Hollywood o mainstream films ay hindi reyalistiko at naglalayon lamang na pasayahin ang masa habang dito naman sa mga indie films, makatotohanan ang mga ideya na nilalahad ng mga filmmakers. Nabanggit sa artikulo na pinamagatang Films as Social and Cultural History (2005),”…a mass audience does not mean that movies in America represented all points of view. It often indicates the opposite, with film studios avoiding certain controversial points of view in order not to offend a wide-ranging audience. Since films were released nationally and globally to make a profit, producers tried not to offend groups they recognized as influential and usually avoided political controversies or minority opinions.” Sinusuportahan naman ito sa ideya ni MJ Waller (2009) na pinapalawak ng mga indie film ang “cultural diplomacy” o pagkaka-intindihan ng iba’t ibang mga bansa sa kultura ng bawat isa. Mas yayabong ang globalisasyon ng mga bansa sa pamamagitan ng mga indie film dahil mas yayaman ang relasyon ng bawat bansa at ng mga residente nito sa iba’t ibang mga bansa. "Film's ability to create the illusion of life and reality, opening up new, unknown perspectives on the world, is why films, especially those from different cultures or places, can be taken to be accurate depictions of life. Film is an extremely powerful medium; it can depict human rights abuses and repressions through storytelling in a way that challenges each individual to empathize and think about the justice required. It brings people together and creates a forum for individuals on both sides of the lens; it can empower audiences with the knowledge

14

that personal commitment can make a difference,” ipinaliwanag din ni Waller (2009). Ang pelikula ay isang mahusay na paraan upang ipakita sa mga manonood ang iba’t ibang mga persepsyon ng iba’t ibang tao tungkol sa mga kontrobersyal na paksang hindi masyadong binibigyang-tuon sa mga libro o mga mainstream na pelikula, ngunit nagiging isyu naman araw-araw.

Bilang mga halimbawa nito ay ang

pagkabakla, panggagahasa, “human trafficking”, “kidnap for ramson” at iba pang mga sensitibong mga paksa. Mas pinapalawak nito ang pagkakaintindi sa arawaraw na pamumuhay ng Pilipino sa mga paksang ito. Sa mga salita ni Francis Sollano (2011), “independent films has become synonymous to creative content and perspectives for many Filipinos today.” Sa panahon natin ngayon, mas lalong napalago ang paggawa ng indie film. Lalong nahahasa ang grapiko ng mga pelikula lalo na sa mga indie film. Ang mga pelikula sa panahon ngayon ay naglalaman ng mga elemento na nakaka-apekto sa pananaw ng mga Pilipino, mabuti man o hindi. Sa pamamagitan ng mga indie film, ang mga testimonya ng mga taong nakasubsob sa mga paksa gaya ng mga bakla at mga biktima ng paggahasa ay maipapahayag. Sa pamamagitan rin ng indie film, nakukuha nila ang simpatiya ng mga manonood at mas lalong mabubuksan ang isipan ng mga Pilipino na manonood sa mga predikamento ng mga taong ito. Nasasalamin rin sa mga indie film ang mga paniniwala at opinyon ng mga direktor sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pagdala ng pelikula o sa paraan ng pagkagawa ng mga ito. Naipapakita rin sa mga indie film ang tipikal na reaksyon ng mga manonood sa mga kontrobersyal na mga paksang nakasulat at ang kamalian at katotohanan ng mga ito.

15

Naniniwala sina Benshoff at Griffin, “independent film as ‘made by minority filmmakers that tell stories and express viewpoints that are ignored or underexplored in Hollywood movies.‘” Ang mga indie film ay nagpapakita ng kakaibang nilalaman kaysa mga “mainstream film.” Ayon rin sa kanila, “these types of films often differ from Hollywood films in the ways that they depict issues of race, class, gender, and sexuality (as well as a host of other topics that are often considered taboo by Hollywood filmmakers)”. Ang mga indie film ay nagpapakita ng mga katotohanan sa buhay. Pinapakita rito ang problema na kasalukuyang hinaharap ng ating lipunan gaya ng “gender inequality”, “racism”, katayuan sa lipunan, at pagkakaiba ng kultura. Natuklasan ng mga mananaliksik sa sdpublication.com, tumutukoy ang indie film sa “bagong kalayaan” sa paggawa ng pelikula. Ang salitang “indie” ay nagmula sa pinaikling salita na “independent” na ibig sabihin ay “malaya”.

Ito ay unang

ginamit sa Estados Unidos bilang pantapat sa Hollywood. Ayon din dito, ang indie film ay umiikot sa maliit na produksyon at ang direktor ay makakagawa ng isang pelikula sa pamamagitan lamang ng iskript, artista, at digital na kamera. Dahil dito, mas madaling makakagawa ng pelikula ang mga baguhang direktor ng walang masyadong restriksyon. Sa Independent Films, hindi hangad ng mga filmmakers ang makakita ng malaking pera o mapasaya ang mga manonood, nais nilang isiwalat ang katotohanan at bigyang halaga ang mga dinadamdam ng mga tauhan sa pelikula na maaring maiuugnay ng mga manonood sa sarili nilang karanasan. Ang malaking kaibahan din ng indie films sa Hollywood films ay ang paglinang ng mga indie films

16

sa masining na pagpapahayag kumpara sa mga Hollywood films na pinopokus ang pagtampok ng pelikula sa takilya upang makakita ng pera. Sa paggawa ng isang indie film, nagiging malaya ang isang direktor. Mas ipinagtibay ito ni J. Cruz (2008) na, “Malaya ang isang direktor na bumuo ng isang pelikula na hindi iniisip na papatok ito sa takilya at kikita ng marami para sa isang kompanya. Ang independent films ang siyang larangan ng mga eksperimental at makabagong paraan ng paggawa ng pelikula.” Hindi niya layunin na pasikatin o makakalap ng maraming pera kung hindi sumubok at makatuklas ng iba’t ibang makabagong paraan sa paggawa ng isang pelikula.

Mas pinapahalagahan ang

paraan ng paggawa ng pelikula kaysa sa pagiging sikat ng pelikula. Ayon kay Matt Lorenzo artikulong Independent Films and their Importance (2010), “Independent Films have the freedom to explore many subjects in society that are seen as taboo or unmarketable.” Ang mga Independent Film ay malayang nakakapili ng iba't ibang mga paksa na mapapansin ng ating lipunan, ito ay maaring mga bawal na paksa o yung mga hindi karaniwang tinatangkilik ng mga manonood, makikita natin na ang mga paksa na napapaloob sa mga "indie film" ay kakaiba kaysa sa mga "mainstream films". Naipapakita at nagiging paksa ng mga indie film ang mga sensitibong mga isyung

hindi

masyadong

“mainstream” na pelikula.

pinapahalagahan

o

binibigyang-pansin

ng

mga

Isang halimbawa sa mga isyung ito ay ang “rape” o

panggagahasa. Hindi ito masyadong patok sa takilya kung ilalagay sa merkado ng “mainstream film” dahil hindi ito pampamilya o dahil sa kadiliman ng paksa na ito. Ang mga indie film naman, sa kabilang dako ay malayang makapagbigay ng

17

opinyon at interpretasyon na nakakapagpabago sa mga opinyon ng masa tungkol sa mga paksang ito. “Efforts to define independent cinema sometimes rely on vague or untested ideas like “independent spirit” or “personal cinema” or “character-driven” storytelling. Some indie films tend toward social realism, some tend toward formal play or genre exercise,” ayon kay Michael Z. Newman, awtor ng Indie: An American Film Culture (2011). Ang mga indie film ay nagbibigay ng “testing ground” sa mga paksa at ideyang hindi gaano kilala sa masa. Ito ang dahilan kung bakit sariwa ang mga tema at balangkas ng mga indie na pelikula. Sa pamamagitan ng indie film, napapalawak ang edukasyon o nadudunong ang mga manonood nito sa mga bagay o mga katotohanan sa buhay.

Dahilan nito, ang mga indie film ay nagiging

epektibong paraan ng mga guro upang mamulat ang mga mata ng mga estudyante. Nabibigyan rin nito ng bagong mukha ang industriya ng pelikula dahil sa mga bagong kontribusyon nito sa sining na ito. Nagsisilbi rin itong paraan upang mailahad o maipakita ng mga baguhang direktor o prodyuser ang kanilang mga sariwang pananaw at mga ideya tungkol sa mga isyu ng lipunan .

Ang mga "indie

film" ay naipapaliwanag sa mga katagang malaya o mga pansariling pananaw. Ang mga paksa na naka-paloob sa mga indie film ay naglalayong imulat ang mga tao o manonood sa kung ano ang tunay na nangyayari sa ating lipunan.

18

KABANATA 3 DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Sa kabanatang ito, inilahad ng mga mananaliksik ang disenyo ng pag-aaral, pati na ang mga instrumentong ginamit upang makalikom ng mga datos at ang mga pamamaraang ginamit upang makolekta ang mga datos na kailangan para sa pagaaral na ito. Disenyo ng Pananaliksik Ginagamit ang

“Qualitative

o Descriptive

Research Method”

na

naglalaman ng mga nararapat na impormasyon na kailangan sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman (Content Analysis) bilang paraan sa pagsisiyasat sa mga piling Independent Films.

Content Analysis ang ginamit dahil sinusuri ng mga

mananaliksik ang nilalaman ng mga piling pelikula na nagpapakita ng iba’t ibang kultura kung saan ito ay sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan. Nakapokus ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng nilalaman sa mga piling pelikula ng Independent Film na sumasalamin sa Kulturang Pilipino. Ang mga piling pelikula ay ang sumusunod: Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Noy, On The Job, Ekstra at 100. Instrumento ng Pananaliksik Ang pangunahing kasangkapan na ginamit sa paglilikom ng mga datos para sa pag-aaral na ito ay ang tseklist na ginawa ng mga mananaliksik.

19

Ang tseklist ay binubuo ng mga kultura na maaaring makita sa mga piling pelikula ng Independent Film. Pamamaraan ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik gumamit ng tseklist sa pagsusuri sa kulturang nakapaloob sa mga piling pelikula.

Gamit ang bakanteng oras ng mga

mananaliksik, pinanood nila ang limang (5) pelilkula ng Independent Film. Pagkatapos, ang nakuhang datos mula sa tseklist ay tinipon, pinag-aralan at sinuri. Pamamaraan sa Pagkuha ng mga Datos Nakalap ng mga mananaliksik ang mga datos sa pamamagitan ng paglilista sa mga Kulturang Pilipino na nalalaman ng mga mananaliksik bago pinanood ang mga pelikula. Pagkatapos dinagdagan nila ang listahan batay sa mga pinanood na pelikula upang masagot ang tseklist. Ang sagot sa tseklist ay ginamit upang masuri ang nilalaman ng mga pelikula. Paraan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ginawa ng mananaliksik ay gumamit ng isang tseklist. Ang pamamaraan na ito ay sasagutan ng mga manonood ng mga piling pelikula ng Independent Film. Pinili ito ng mga mananaliksik upang matukoy kung anong mga Kulturang Pilipino ang naipapakita ng mga piling pelikula ng Independent Film. Katuturan ng Talakayan Independent Film o Indie Film - mga pelikula na gawa ng mga bago o di kilalang mga direktor o kompanya na nilalaanan lamang ng mababang badyet na

20

sumasalamin ng iba`t ibang Kulturang Pilipino kung saan makikita natin ang mga napapanahong isyu na laganap sa ating lipunan. Kulturang Pilipino - ito ay kaalaman na pinasa-pasa mula sa ating mga ninuno patungo sa susunod na mga henerasyon na itinuturing nating biyaya na pinapahalagahan natin, maaari itong isang karanasan, kasaysayan, herarkiya, bagay o paniniwala. Mainstream Film - ang salitang "mainstream" ay tumutukoy sa mga bagay na karaniwang ginagamit o napapanahon at ang salitang "mainstream film" ay tumutukoy sa mga pelikulang komersyal na kadalasang napapanood sa sinehan na sumasailalim sa mga naglalakihang "production company" kagaya ng Star Cinema, Regal Films, atbp... na pinaglalaanan ng malalaking badyet. Impluwensya - mga bagay na nakakaapekto sa ideya ng direktor tungkol sa Kulturang Pilipino kung saan naka-pokus ang mga "Independent Film" at paano nakakaapekto sa pananaw ng mga manonood sa Kulturang Pilipino. Paniniwala - ito ay tumutukoy sa mga pananampalataya at ispiritwal na tradisyon na pinasa mula sa ating mga ninuno. Suliraning Panlipunan - ito ay ang mga problema na napapaloob at laganap sa ating lipunan na tulad ng korapsyon, krimen, diskriminasyon, atbp. Kahalagahang Moral - mga ugali at asal ng tao na nasasalamin sa kanilang kilos at galaw; ang kahalagahang moral ay hinuhubog sa sarili upang matuto ang tao kung paano makitungo sa lipunan. KABANATA 4

21

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS Inilahad sa kabanatang ito ang mga impormasyon at mga datos na nakalap mula sa pagsusuri. Nakapaloob dito ang talahanay na nagpapakita ng mga datos na kailangan sa pag-aaral at ang katumbas na interpretasyon nito. Talahanayan 1 : Mga Kulturang Pilipino Mga Kultura

Pagkakabuklod ng pamilya Mapagkumbabang pamumuhay Pagtanggap sa mga bakla Malapit sa mga kapitbahay Pagtangkilik ng pirated o pekeng bagay Mahilig magtsismis Nagbibigay importansya ang pag-aaral Pagmamahal sa Pamilya Kahalagahan ng isang ina sa pamilya “Filipino Time” Paghanga sa mga artista Sabay-sabay sa pagkain

On The Job

Ang Pagdad a-laga ni Maxim o Olivero s 

Noy

Ekstra

100















 





 

 

 



  

 

  



  

 

 Pagdidisisyon ng mga magulang para sa anak   Kapatid ang nagpapa-aral sa mga kapatid  Pagboto sa mga nagbibigay ng pera  Pagpapangako ng mga pulitiko Talahanayan 2: Mga Kaugaliang Pilipino

22 Mga Kaugalian

On The Job

Ang Pagdad a-laga ni Maxim o Olivero s  

Noy

Ekstra

100

Maka-Diyos May Panindigan (sa trabaho) Hospitable o Mabuting Pagtanggap ng Bisita Respeto sa matatanda Pagiging masipag at madiskarte Pagiging matiisin Konserbatibo Colonial mentality Pagsasakripisyo para sa pamilya

 

 

 











 

 

 

 

 







 



 

 



Interpretasyon Mula sa unang talahanayan, makikita ang iba’t ibang Kulturang Pilipino na napapaloob sa mga pelikulang napanood ng mga mananaliksik. May mga kultura na karaniwang nakikita sa lahat ng mga pelikula at mayroon naman na sa isa o dalawang pelikula lang nakikitaan. Ang pangalawang talahanayan naman ay naglalahad sa mga Kaugaliang Pilipino na nakuha mula sa pinanonood ng mga pelikula. Ang mga kaugaliang ito ay napapasailalim sa aspeto na rin ng kultura. Madalas nakita ang pagiging maka-Diyos, ang pagrespeto sa mga matanda, at ang pagiging masipag, madiskarte & matiisin ng mga Pilipino. Sa indie film na On The Job, ang mga Kulturang Pilipino na makikita dito ay kadalasan tungkol sa mga suliraning panlipunan. problema ay ang korapsyon ng mga pulitiko.

Ang malaking nakikita na

Sa pelikula, pinapakita din ang

23

problema sa mga kabataang nagdodroga. Ang pagdodroga ng kabataan ay nakita sa pelikula doon sa anak ni Sgt. Acosta na si Boyet. Ang pangangaliwa kung wala ang asawa ay pinapakita din sa asawa ni Tatang. Kapag wala sa bahay si Tatang, ang asawa niya ay nangangaliwa. Sa mga negatibong kultura na pinakita sa pelikula, may mga magagandang Kulturang Pilipino din itong pinapakita. Isa dito ay ang hindi pagsuko sa anumang uri ng pagsubok sa buhay. Hindi sumuko ang apat na pangunahing tauhan na sina Tatang, Daniel, Francis, at Acosta ang mga kaharap na problema sa kanilang trabaho.

Sina Tatang at Daniel ay humanap ng paraan para mapatay nila ang

kanilang target at makatakas sila nang buhay. Sina Francis at Acosta naman ay humanap ng mga “leads” para madakip nila ang mga mamamatay-tao at mapakulong ang mga korap na pulitiko. Ang pagiging masipag, pagsasakripisyo para sa pamilya, paggawa ng kahit ano para mabuhay, at ang pagbubuhay sa pamilya na trabaho ng isang ama ay pinakita lahat ni Tatang sa pelikula. Si Tatang ay masipag sa pagpapatay niya ng mga tao para lang mabigyan nya ng pera at matustusan ang panganga-ilangan ng kanyang pamilya. Kahit alam ni Tatang na masama ang kanyang paraan ng paghahanap-buhay, nagsasakripisyo siya para sa kanyang pamilya. Pinakita din ang “brotherhood” sa relasyon nina Tatang at Daniel sa buong pelikula. Nag-alala si Daniel para kay Tatang noong nalaman niya na magreretire na si Tatang at ini-isip niya kung ipapapatay ba si Tatang. Sa araw bago magiging malaya na si Tatang, pinatay ni Tatang si Daniel dahil akala niya na ipapapatay siya. Dito pinakita ang paggawa ng kahit ano para lang mabuhay o maka-“survive”. Kahit parang kapatid na ni Tatang si Daniel, pinatay niya dahil gusto niyang mabuhay.

Ang pagiging makatarungan ay pinakita din sa sitwasyon ni

24

Francis na ang kanyang biyenan ay kasabwat sa mga pagpapatay. Ginawa ni Francis ang tama at humanap siya ng paraan para makakuha ng ebidensya para mapakulong ang mga korap na pulitiko. Lahat ng mga kulturang ito ay ipinakita sa indie film na On The Job. Sa pelikulang Ekstra, halata ang mga Kultura at Kaugaliang Pilipino na ipinapakita ng mga tauhan sa kwento. Si Vilma Santos ang gumanap sa papel ni Loida, isang ina na mag-isang nagtatrabaho bilang ekstra upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang anak. Kahit malayo man ang lokasyon ng shooting nila, panay pa rin ang komunikasyon ng mag-ina. Kaugalian na ng mga Pilipino ang pagiging malapit nila sa kanilang pamilya. Likas na ugali ng mga PIlipino ang alagaan at mahalin ang ating mga kamag-anak.

Mahilig din tayong mag-“family reunion” kahit maliit lang ang

selebrasyon. Si Loida ay isang relihiyoso at konserbatibong tao. Nang nabasa niya ang isang “text message” na nagsasabing may shooting para sa soap opera napasabi siya ng "Hay, salamat sa Diyos". Kaugalian din ng mga Pilipino ang pagiging makaDiyos.

Kadalasan ay naniniwala tayo na lahat ng ating ginagawa at ang mga

nangyayari sa atin ay pinapatnubayan ng Panginoon o ito ay kalooban ng Panginoon. Kung minsan nga, inaasa na lang natin ang lahat sa Panginoon. Sa pelikula, makikitang hindi madali ang pagiging ekstra. Marami kang hirap na pagdadaanan at hindi ka rin nirerespeto ng produksyon. Ngunit ganito man ang sitwasyon ng pagiging ekstra, nananatiling positibo at nagsusumisikap pa rin si Loida. Siya pa nga ang nagpapasaya sa kanyang mga katrabaho. Isa itong kultura

25

ng mga Pilipino na hindi matatawaran kailanman.

Likas ng mga Pilipino ang

kanilang kasipagan, pagiging matiisin, masayahin, at mabuting pakikitungo sa kapwa tao.

Ang mga Pilipino ay may kakayahang magsakripisyo anuman ang

sitwasyon. Natitiis nila ang hirap at lupit na dinadala ng kanilang trabaho. Ngunit sa kabila doon, nagagawa pa rin nilang ngumiti at tumawa. Mahalaga rin para sa kanila ang relasyon sa ibang tao. Pala-kaibigan sila at madali silang nakikipag-usap sa mga tao. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ay isa sa mga masasabing pelikulang saklaw ang buhay ng isang ordinaryong Pilipino. Buhay ng isang Pilipino na maaaring marami ang makaugnay. Ito ay umiikot sa buhay ni Maxi, isang batang lumaki sa piling ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid na sina Boy at Bogs at tatay niyang si Paco. Si Maxi ay bunso sa pamilya at siya ay isang nagdadalaga. Siya ay isang mabait na anak na kung saan siya ang nagluluto at nag-aasikaso sa kanyang pamilya at sa gawaing bahay. Si Maxi ay isang masasabing maalaga at masunuring anak at kapatid. Kaya siguro mahal na mahal siya ng kanyang pamilya at hindi kinakitaan ng anumang pagmamaltrato sa kanya. Makikita natin dito ang Kaugaliang Pilipino katulad ng pagkakabuklod ng pamilya, paggalang sa matanda, mapagkumbabang pamumuhay, may takot sa Diyos, at ang hindi pagkakalimot na magpasalamat sa Diyos sa anumang biyayang natatanggap araw-araw. Ang mga bakla sa Pilipinas ay may sariling kultura din. Isinasalarawan ito ni Maxi, isang typical na dalaga kung saan pinapakita niya ito sa kanyang araw-araw

26

na pakikpagsapalaran: nagsusuot ng damit pambabae, pakendeng-kendeng kung lumakad, naglalagay ng bulaklak sa tenga at palamuti sa kanyang mukha. Ang tanging hilig ni Maxi ay ang panonood ng mga pelikulang may tema ng romans. Marahil pinakita dito na ninais niyang maging isang ganap na babae at makatagpo ng isang lalaki na magmamahal sa kanya balang araw. Ang pamilya ni Maxi ay nakatira sa isang iskwater at salat sa kahirapan, isang reyalidad na makakaugnay ang karamihan ng Pilipino. Ang pelikula ay nagsimula sa paglalahad ng kanilang distrito na punong-puno ng basura. Ipinakita nito ang Kaugaliang Pilipino na nagtatapon ng basura kahit saan. Kahit nasa iskwater sila, nagkaroon din silang malapit na pagkaka-ugnayan sa kanilang mga kapitbahay. Halimbawa ang pagpaligo ni Maxi ng isang batang kapitbahay nang inutusan siya sa ina ng bata. Isa sa Kulturang Pilipino na hindi masyadong makita sa pelikulang “mainstream” ay ang pagligo ng bata sa labas kung saan kahit sino man ang maaaring makakita. Tanging ikina-bubuhay nila ay ang pagnanakaw ng kanyang ama at mga kapatid. Hindi lingid sa kaalaman ni Maxi ang hanapbuhay ng pamilya at hindi niya kwinestyon ang kanilang ilegal na kabuhayan. Katangi-tangi ang pagtalakay nito sa reyalidad ng isang pamilyang salat sa pamumuhay at walang ibang paraan upang mabuhay kung hindi ang magnakaw at magbili ng “pirated” o pekeng bagay. Ang moralidad ng mga taong ito ay iba. Para sa kanila, hindi imoral ang magnakaw, ang imoral ay kung wala kang mapakaka-in sa iyong pamilya. Madalang makita natin ang buhay ng mga magnanakaw sa mga pelikulang “mainstream”. Kahit na hindi ito maganda, parte ang kalat na pagnanakaw sa buhay ng mga Pilipino.

27

Nagsimula ang ikot ng istorya ng dumating sa buhay niya si Victor, isang batang pulis na may panindigan, isa sa mga kinilalang kaugaliang Pilipino. Pauwi na noon si Maxi ng bigla siyang paglaruan ng mga lasing na tambay at dumating ang pulis upang ipagtanggol siya. Simula noon, umusbong ang paghanga at pagbibigay-halaga sa bagitong pulis. Naging matalik silang magkaibigan at untiunting nakaramdam ng natatanging damdamin si Maxi kay Victor. Dinadalhan ni Maxi ng pagkain si Victor sa pinagtatrabahuan nitong presinto. Sinasamahan din ni Maxi si Victor hanggang makauwi. Sa mga beses na pumasok si Maxi sa bahay ni Victor, o sa beses na si Victor ay tumuloy sa bahay ni Maxi, nagpakita sila ng hospitalidad sa kanilang bisita kahit na sila ay mahirap lang. Ngunit ang magandang samahan nila ay unti-unting nagkaroon ng suliranin ng naghinala si Victor sa trabaho ng pamilya ni Maxi. Nag-umpisa siya sa kanyang imbestigasyon, at nagsisimula ito sa pagkalansag sa distrito ni Maxi. Hinuli ang ilan sa kaibigan ng kaniyang ama at kumalat ang tsismis sa kanilang lugar dahil mahirap pigilan ng mga Pilipino ang tsismis. Ang mga Pilipino ay lumalaki sa kaisipan na dapat respetuhin ang awtoridad at hindi magtatanong sa kanila. Alam din natin na ang pamahalaan ng ating bansa ay puno ng korapsyon. Lahat ng ito ay makita natin pagdating ng bagong sarhento at boss ni Victor. Nagtapos ang pelikula nang nakita ni Maxi ang kamatayan ng kanyang ama sa kamay ng bagong sarhento, habang nanonood lamang si Victor. Hindi pinatawad ni Maxi si Victor at doon natapos na ang kanilang pagkakaibigan. ibinuhos ni Maxi ang kanyang oras sa pag-aaral.

Mula noon,

28

Sa pelikulang Noy na pinagbibidahan ni Coco Martin, ito ay naglalaman ng iba`t ibang Kulturang Pilipino. Sa simula ng pelikula ay agad-agad na mapapansin ang kahirapan sa kapaligiran. Sa kabila nito ay hindi siya sumuko at pinakita niya ang isa sa mga katangian ng Pilipino na parte sa ating kultura, ang pagiging matatag kahit anumang problema ang dumating. Sa kalaunan ng pelikula, habang sinusubaybayan ni Noy ang pangangampanya ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino ay mas lalong naipapakita ang mga unti-unting nawawalang kultura kagaya ng sabaysabay na pagkain ng pamilya na pinaniniwalaan na mas nagpapatibay ng pagkakabuklod-buklod ng pamilya.

Nakakalimutan na rin ang pagdarasal ng

pamilya tuwing alas-sais ng gabi na nagpapatibay sa pananampalataya ng pamilyang Pilipino. Sa pagpa-patuloy ng pangangampanya ni Sen. Benigno Aquino ay mapapansin natin ang iba`t ibang istilo ng pangangampanya na ginagawa ng mga pulitiko, kagaya ng paggamit ng artista upang mas mapabango ang kanilang mga pangalan at pagpapangako sa taong bayan ng maraming bagay upang mas lalo silang magustuhan ng taong-bayan na magbibigay sa kanila ng malaking pagkakataon na manalo sa halalan. Ngunit mayroong mga botante na bumu-boto lamang sa mga pulitiko na nagbibigay ng pera, na alam natin na laganap tuwing halalan. Lahat ng ito ay isang dokumentaryo ni Noy na isang nagpapanggap na mamamahayag upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Sa kanyang pagsisikap na maahon ang kanyang pamilya sa kahirapan ay nakaranas siya ng iba`t ibang problema. Sa mga problema na ito ay naipakita niya ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino at naipakita sa mga eksena ang mga Kulturang Pilipino. Isa na dito ay sa kanyang kasintahan na si Devine na pinipilit na ipakasal sa ibang lalaki na hindi niya gusto. Pagdating naman sa kanyang pamilya ay mayroong isang

29

Amerikano na nanliligaw sa ina ni Noy, kung saan napagtanto ni Noy na ito ay maaaring mag-ahon sa kanila sa kahirapan at maaaring magdala sa kanila sa Amerika, pinapakita dito ang kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino. Kagaya ng ibang pamilya, nagkakaroon din ng away sa pagitan ng magka-kapatid ngunit sa kabila nito ay pinaninindigan pa rin ni Noy ang responsibilidad na pagpapa-aral sa kanyang kapatid. Natapos ang pelikula sa kamatayan ni Noy dahil sa pagka-sangkot ng kanyang kapatid sa pagkalulong sa ilegal na droga. Sa 100 na pinagbibidahan ni Mylene Dizon ay isang pelikula na umiikot sa buhay ni Joyce na mayroong kanser at kung paano niya ipagpapatuloy ang natirang oras ng buhay niya. Sa buong pelikula, maraming makikita na Kulturang Pilipino. Kasama sa mga kulturang makikita ang mga magaganda at mga masasama rin. Ang pangunahing tauhan na si Joyce ay nagpapakita ng Kulturang Pilipino na gumagalang sa mga minamahal tulad ng kanyang ina at ang kanyang mga kaibigan. Pinakita din ni Joyce ang katangian ng mga Pilipino na mahal nila ang mga luto ng kanilang ina.

Sa pelikula, pinakita ni Ruby ang katangian ng mga Pilipino na

gustong makapag-asawa ng mga banyaga. Sa mga tauhan ng pelikula, ipinakita nila ang Kulturang Pilipino na sabay-sabay kumakain kasama ang pamilya at ibang mahal sa buhay. Ang Nanay naman ni Joyce ay nagpapakita na inuuna ng mga Pilipino ang pamilya nila noong nalaman ng Nanay ni Joyce na may sakit ang kanyang anak at mamamatay ito. Ang Nanay ni Joyce ay nagpapakita din na ang mga Pilipino ay mga sugarol nang naglalaro siya ng “Mahjong”. Pinakita din ng Nanay ni Joyce na naniniwala ang mga Pilipino sa mga pamahiin.

Siya ay

nagpapakita din na maka-Diyos ang mga Pilipino. Sa 100, makikita na ang mga Pilipino ay gustong maglakbay at kung posible, mangibang bansa. Ang kapatid ni

30

Joyce ay nangibang bansa at si Joyce at si Ruby naman ay pumunta sa ibang bansa para mamasyal. Ang pangangaliwa ay naroon din sa pelikula at makikita ito sa relasyon ni Joyce at ni Rod. Kahit may asawa na si Rod, nagkikipagtalik pa rin siya kay Joyce. Ang ka-trabaho naman ni Joyce na si Marife ay nagpakita na ang mga Pilipino ay maninikis ng mga tao kung sila ay pinapagalitan. Makikita ito sa eksena na pinapagalitan si Marife ni Joyce dahil hindi pa niya nagawa ang mga gusto ni Joyce. Ang mga Pilipino ay mahilig din sa pag-iinuman at pinakita ito ni Joyce at ni Ruby noong pumupunta sila kahit saan para maglibang. Sa harap ng problema ng kanser, kaya pa rin ni Joyce na maging masaya at ang pagiging masiyahin ay isa sa mga katangian ng mga Pilipino.

Kaya ng mga Pilipino na

ngumiti sa harap ng isang matinding problema kapag nandoon lamang ang mga mahal nila sa buhay. Sa huli, masaya si Joyce nang nakita niya ang kanyang mga mahal sa buhay na sama-samang nagsisiyahan sa mga mapayapang oras at dahil dito, namatay siya na walang mga panghihinayang.

KABANATA 5 NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Natuklasan Batay sa resulta ng tseklist, nahinuha ng mga mananaliksik ang iba’t ibang Kaugalian at Kulturang Pilipino. Ang mga sumusunod ay ang mga Kulturang Pilipino na kadalasang naipapakita sa mga napiling pelikula:

31

A. Ang pagkakabuklod ng mga pamilyang Pilipino. Apat (4) mula sa limang (5) Independent films ang nagpapakita ng kulturang ito. Likas sa mga Pilipino ang pagiging malapit sa kanilang pamilya dala na ng kanilang paniniwala at relihiyon. B. Ang pagiging maka-Diyos ng mga Pilipino. Lahat ng mga pelikula batay sa tseklist ay naglalahad ng ganitong uri ng kultura. Sa Asya, ang Pilipinas lang ang may mga Katoliko. Ugali na ng mga Pilipino na i-asa ang kanilang arawaraw na gawain at hinanaing sa Panginoon. C. Ang pagiging “hospitable” ng mga Pilipino.

Ito ay isang kaugalian na

minamanipesto ng mga Pilipino na kilala na sa buong mundo. Apat (4) mula sa limang (5) pelikula ang nagpapakita sa kaugaliang ito. Sa mga pelikula, kadalasang nakikita ang ganitong uri ng kaugalian sa pahayag na, “Kumain na ba kayo?” D. Tanyag din sa Kulturang Pilipino ang paggalang sa matatanda. Lahat ng pelikula ay naglalahad ng respeto sa matatanda sa pamamagitan ng “po” at “opo”. Ang kulturang ito ay namana na natin mula pa sa ating mga ninuno. E. Ang mga Pilipino ay nagbibigay halaga sa edukasyon. Apat (4) mula sa limang (5) piling pelikula ay nagpapakita ng kahalagahan sa edukasyon. Marahil dahil ito sa paniniwalang makaka-ahon sila sa kahirapan pati na rin ang paniniwalang marangal ang pagkaroon ng “college degree” o diploma sa pagtatapos ng pag-aaral. F. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging matiisin at nagsasakripisyo para sa kabutihan sa kanilang mga pamilya. nagpapakita ng kaugaliang ito.

Lahat ng mga napiling pelikula ay

Halata naman na ang mga Pilipino ay

handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng kanilang pamilya at sa pagkakabuklod ng mga kamag-anak.

32

Ang mga Indie films ay sumasalamin sa reyalidad ng buhay ng mga tao. Ito ay dahil hindi tinatago ng mga Indie films ang mga tunay na pangyayari na nakakabit sa kultura nating mga Pilipino. Ang mga ito ay nakapokus sa mga suliranin na hinaharap ng isang indibidwal. Ang mga Independent films ay matapat at malikhain sa paglalahad ng kanilang kwento. Konklusyon Batay sa nakalap sa pag-aaral na ito, nahinuha ng mga mananaliksik na nasasalamin ng limang Independent Films ang iba’t ibang Kulturang Pilipino. Sa aming pag-aaral, anim (6) na mga kulturang Pilipino ang karaniwang ipinapakita ng mga Independent Films.

Sa mga konsepto ng mga Independent Films,

naiimpluwensyahan ang kaugalian at kaisipan ng mga manonood. Ang mga paniniwala na nakapaloob sa ating kultura ay ang mga tradisyon na minamanipesto ng mga mamamayan.

Kabilang na dito ang mga piyesta, mga

laman ng mga “folk stories” at “folk songs”, at mga kasabihan ng mga matatanda. Sa mga paniniwala natin masisilayan ang pinagmulan ng ating lahi. Dahil sa mga tradisyong ito, nakakabuo tayo ng malawak at makulay na kultura.

Ang mga

tradisyong ito ang pamana ng mga ninuno sa atin kaya ito ay isang malaking bahagi sa ating kultura. Ang mga paniniwala natin ang siyang nagtatangi sa ating lahi mula sa ibang lahi ng ibang bansa. Nakapaloob din sa ating kultura ang mga kahalagahang moral ng mga Pilipino. Ito ay ang mga prinsipyo at mga “virtues” na hinahawakan nating mga Pilipino. Ang mga kahalagahang moral ay makikita sa kaugalian at desisyon ng isang tao. Batay sa tseklist ng mga mananaliksik, halimbawa ng kahalagang moral ay ang pagiging konserbatibo, paggalang sa matatanda, pagiging masipag at madiskarte, at pati na rin ang pagiging mahilig sa tsimis ng mga Pilipino. Ang mga

33

kaugaliang ito, mabuti man o masama, ay ang nagpapa-kilala sa ating pagkaPilipino. Higit sa lahat, nakikita din sa ating kultura ang mga suliraning panlipunan. Ang mga ito ay ang mga problema na tinatamasa ng ating pamayanan kagaya lang ng korapsyon at mga krimen. Nakaka-apekto ito sa paraan ng ating pamumuhay dahil tayo mismo ang tumitira sa nasabing lipunan.

Ang mga suliranin na

pumapagilid sa isang indibidwal ay naka-apekto, kung hindi bumabago, sa kanyang kaisipan at paniniwala. Ang mga naapektuhang kaisipan na ito ay nakaka-apekto na rin sa kultura ng pangka-lahatan.

Ang kultura ay may bahagi rin sa pagbuo ng

isang pamahalaan dahil ang mga batas na pinapasa ay batay na rin sa kultura ng mga tao na nakapaloob rito. Samu’t sari ang ating kultura.

Sa pananaliksik na ito, mas naging

makabuluhan para sa mga mananaliksik ang kahulugan ng kultura. Hindi lang ito bumubuo sa isang lahi kundi humuhubog na din ito sa pagkatao ng isang indibidwal. Ang kultura ay pabago-bago, hindi ito nakikilala base lamang paniniwala ng mga tao sa nakaraan.

sa kaugalian at

Patuloy itong hinuhulma ng mga tao sa

kasalukuyan. Rekomendasyon Para sa mga mag-aaral, inirerekomenda ng mga mananaliksik na kung gusto ninyong malaman o kaya naman ay matuto tungkol sa mga Kulturang Pilipino ay manood kayo ng mga Independent Films sapagkat ito ay naglalaman ng iba`t ibang Kulturang Pilipino. Matututunan ninyo ang mga katangian, kaugalian, kasaysayan, at paniniwala ng mga Pilipino kung manonood kayo ng mga Independent Films. Matututunan rin ninyo ang mga tunay na kulay ng iba’t ibang uri ng Pilipino. Ang mga makakalap ninyong impormasyon sa panonood ng mga Independent Films ay

34

makakadagdag sa inyong kaalaman tungkol sa mga Kulturang Pilipino na magagamit ninyo sa susunod na panahon. Para sa mga guro, inirerekomenda ng mga mananaliksik na magpalabas kayo ng mga pelikulang Independent Films lalo na sa mga guro na nagtuturo ng Araling Panlipunan at Filipino para makita at matutunan ng mga mag-aaral ang Kulturang Pilipino na nasa loob nito.

Ang pagpapalabas ng pelikula ay isang

malikhaing paraan ng paglalahad ng aralin para ang mga mag-aaral ay mas lalong maiingganyo. Para sa mga magulang, inirerekomenda ng mga mananaliksik na bigyan ng pahintulot at gabay ang inyong mga anak sa panonood ng mga Independent Films sapagkat naglalaman ito ng mga negatibong gawain na nasa kulturang Pilipino. Sa kabuuan, nais ng mga mananaliksik na ang mga taong gustong matuto tungkol sa kulturang Pilipino ay manood ng mga Independent Films. Para naman sa mga mananaliksik, maaari kayong manaliksik pa ng iba pang paksa na may kinalaman sa aming pag-aaral. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaari ninyong pag-aralan: 

Epekto at impluwensya ng mga Independent Films sa mga manonood.



Paggamit ng mga Independent Films bilang lunsaran sa pagtuturo ng mga guro.

35

BIBLIOGRAPI http://www.vbook.pub.com/doc/60548919/MGA-TEORYANG-PAMPANITIKAN http://www.haujournal.org/index.php/hau/article/viewFile/104/297 http://digitalcommons.pace.edu/honorscollege_theses/96 http://digitalcommons.pace.edu/cgi/viewcontent.cgi? article=1101&context=honorscollege_theses http://historymatters.gmu.edu/mse/film/socialhist.html http://www.culturaldiplomacy.org/academy/index.php?en_loam-2014_successfulexamples-of-the-use-of-film-as-a-tool-of-cultural-diplomacy http://www.sdmags.net/indie-film-salamin-ng-wika-at-kultura/ http://www.slideshare.net/slideshow/embed_code/7622088 http://ejournals.ph/index.php?journal=DALUMAT&page=article&op=view&path %5B0%5D=20 http://www.onscreenasia.com/article/philippine-indie-films-make-headway/4992 http://zosblahg.blogspot.com/2010/05/independent-films-and-their-importance.html

Andres, Tomas Q.D. 1990. “Positive Filipino Values” Arrogante, Jose A. 1991. “Mapanuring Pag-aaral ng Panitikang Pilipino”

36

Benshoff Harry M., et al. 2009. “America on Film: Representing Race, Class, Gender, and Sexuality at the Movies” Damen, Louise. 1987. “Culture Learning: The Fifth Dimension” Newman, Michael Z. 2011. “Indie: An American Film Culture” Sollano, Francis C. 2011. “The Situation and Directions of Philippine Independent Cinema” Szabo, Carrie, "Independent, Mainstream and In Between: How and Why Indie Films Have Become Their Own Genre" (2010) Waller, J. Michael. 2007. “The Public Diplomacy Reader” Apendiks A Tseklist ng mga Kulturang Pilipino Mga Kultura

Pagkakabuklod ng pamilya Mapagkumbabang pamumuhay Pagtanggap sa mga bakla Malapit sa mga kapitbahay Pagtangkilik ng pirated o pekeng bagay Mahilig magtsismis Nagbibigay importansya ang pag-aaral Pagmamahal sa Pamilya Kahalagahan ng isang ina sa pamilya “Filipino Time” Paghanga sa mga artista Sabay-sabay sa pagkain Pagdidisisyon ng mga

On The Job

Ang Pagdad a-laga ni Maxim o Olivero s

Noy

Ekstra

100

37

magulang para sa anak Kapatid ang nagpapa-aral sa mga kapatid Pagboto sa mga nagbibigay ng pera Pagpapangako ng mga pulitiko

Apendiks B Tseklist ng mga Kaugali-ang Pilipino Mga Kaugalian

Maka-Diyos May Panindigan (sa trabaho) Hospitable o Mabuting Pagtanggap ng Bisita Respeto sa matatanda Pagiging masipag at madiskarte Pagiging matiisin Konserbatibo Colonial mentality Pagsasakripisyo para sa pamilya

On The Job

Ang Pagdad a-laga ni Maxim o Olivero s

Noy

Ekstra

100

38

Apendiks C

39

Poster ng “On The Job"

Apendiks D

40

Poster ng “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros”

Apendiks E

41

Poster ng “Noy”

Apendiks F

42

Poster ng “Ekstra”

Apendiks G

43

Poster ng “100”

KURIKULUM VITAE

44

PANSARILING DATOS Pangalan:

ENRIQUEZ, KAYE ALYSSA T.

Edad:

16

Home Adress:

508-D P. del Rosario Ext., Cebu City

Date of Birth:

March 3, 1997

Place of Birth:

Cebu Doctors’ Hospital

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2004-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

45

PANSARILING DATOS Pangalan:

VIVARES, DENNISE P.

Edad:

17

Home Adress: City

11-E Elizabeth Pond, Redemtorist Side, Mango Avenue, Cebu

Date of Birth:

November 16, 1996

Place of Birth:

Perpetual Succour Hospital

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2004-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

46

PANSARILING DATOS Pangalan:

BELARMINO, PEARL ANGELA A.

Edad:

16

Home Adress:

376-A. Visitacion St. Jones Avenue, Cebu City

Date of Birth:

May 20, 1997

Place of Birth:

VCMC

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2004-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

47

PANSARILING DATOS Pangalan:

CAÑETE, JOHN CLIFF P.

Edad:

16

Home Adress:

Lo-oc, Liloan

Date of Birth:

June 24, 1997

Place of Birth:

San Vicente Hospital

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2004-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

48

PANSARILING DATOS Pangalan:

CARTAGENA, LINETTE DANNAH G.

Edad:

17

Home Adress:

0300 V. Ranudo Street, Cebu City

Date of Birth:

January 16, 1997

Place of Birth:

Perpetual Succour Hospital

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2004-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

49

PANSARILING DATOS Pangalan:

GO, JANZYL MAE R.

Edad:

16

Home Adress:

F. Jaca St. Inayawan, Cebu City

Date of Birth:

February 27, 1998

Place of Birth: Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Childlink Learning Center SY 2007-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

50

PANSARILING DATOS Pangalan:

JIMENEA, JOHN STEPHEN O.

Edad:

16

Home Adress:

35-C. Rodriguez St., Capitol Site, Cebu City

Date of Birth:

June 5, 1997

Place of Birth:

Cebu Maternity Hospital

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2004-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

51

PANSARILING DATOS Pangalan:

SO, JASON TRISTAN K.

Edad:

17

Home Adress:

11 B. Aranas St. Cebu City

Date of Birth:

January 25, 1997

Place of Birth:

Perpetual Succour Hospital

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University – Integrated Laboratory School SY 2004-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

52

PANSARILING DATOS Pangalan:

PONCE, ALLEN JOHN M.

Edad:

16

Home Adress:

Ramona Village, Talisay City

Date of Birth:

June 17, 1997

Place of Birth:

Cebu Doctor’s Hospital

Email Adress:

[email protected]

EDUKASYON Elementarya:

Cebu Normal University – Integrated Laboratory School SY 2007-2010 Osmeña Boulevard, Cebu City

Sekundarya:

Cebu Normal University- Integrated Laboratory School SY 2010-2014 Osmeña Boulevard, Cebu City

Related Documents


More Documents from "Elna Trogani II"