Posisyong Papel Death Penalty

  • Uploaded by: JCG XIII
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Posisyong Papel Death Penalty as PDF for free.

More details

  • Words: 1,471
  • Pages: 3
Loading documents preview...
“Kabalintunaan: Parusang Kamatayan” Ang buhay ay isang regalong ipinagkaloob sa atin, regalo na dapat nating pangalagaan at paunlarin nang higit pa sa ating makakaya. Pero paano na lang kapag ang regalong ito ay sapilitang kunin ng ating kapwa? Kailangan rin bang kitilin ang nagnakaw ng ating pagkakataong mabuhay? Ang sagot ng Pilipinas ay isang nakakatakot at nakababahalang oo. Noon iba ang sagot ng ating bansa. Mayroon ng death penalty o capital punishment sa Pilipinas simula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ipinapataw ito sa mga taong gumawa ng isang karumal-dumal na krimen tulad ng panggagahasa, pagpatay o pagtakwil sa sariling bayan. Mga krimen na kung tawagin ay capital crimes. Nagpatuloy ang pagpataw ng parusang ito hanggang sa taong 1987 hanggan ito ay inalis sa konstitusyon ng bansa dahil sa pagabuso nito ng pamahalaang Marcos noong panahon ng Martial Law. Naibalik ulit ang death penalty noong taong 1999 pero inalis din pagkatapos ng pitong taon noong 2006. Ang parusang kamatayan ay hindi na dapat pang ibalik. Mainit na pinag-usapan sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas o House of Representatives ang pagbalik ng parusang kamatayan o death penalty na pinatupad ng Kamara noong taong 2017. Maraming Pilipino ang sang-ayon sa pagpapatupad nito dahil sa tingin nila ay bababa ang bahagdan ng krimen na nangyayari sa ating bansa. Iniisip nila na kung mamamatay ang mga kriminal ay hindi na susunod ang ibang tao na gawin ang krimen na kanilang ginawa. Sa tingin nila, wala ng mag-iisip na pumatay at bumaboy ng buhay ng kanilang kapwa tao ngunit hindi nila alam kung ano ba talaga ang mangyayari kapag naipatupad muli ang death penalty. Sabi nga ng isang hari ng Babylonya noong unang panahon, “An Eye for an Eye”. Dapat lang daw na patawan ng parusang kamatayan ang mga taong nakagawa ng mabibigat na kasalanan tulad ng panggagahasa, pagpatay ng kapwa tao, treason o pagtaksil sa bayan, at pagbenta ng illegal na droga. Ngayon, bakit nga ba dapat patawan ng parusang kamatayan ang mga kriminal? Una, kailangan daw na maging mahigpit ang pamahalaan laban sa krimen. Maraming Pilipino ang sang-ayon na ang pagsagawa ng krimen ay masama at dapat lang itong ipagbawal. Isa daw itong praktikal at lohikal na solusyon para mapababa ang bilang ng krimen sa ating bansa ngunit hindi pa napapatunayan na epektibo ito. Wala ring epekto ang death penalty sa pagpapababa ng krimeng homicide sa ibang bansa tulad ng Japan. Indikasyon ito na sa halip na ipatupad ang parusang kamatayan para pigilan ang pagtaas ng bilang ng krimen, kailangan munang alamin at harapin ang tunay na dahilan ng mga ito. Pangalawa, dahil ginawa nila ang krimen, kailangan nila itong pagsisihan sa loob ng mahabang panahon sa kulungan bago sila patayin ngunit ang parusang kamatayan ay tinatanggalan ang mga akusado ng pagkakataong magbagong buhay. Dapat pag-isipan ng mabuti ng mga kriminal ang kanilang ginawa at bigyan ng pagkakataon na magbago. Sa ibang bansa katulad ng Finland, ipinagkakalooban ng oportunidad ang mga preso na baguhin ang kanilang buhay. Binibigyan sila ng trabaho, maayos nakulungan at rehabilitasyon. Tao pa rin ang pagturing sa kanila. Hindi sila tinatratratong basura dahil lang sa kanilang ginawang krimen. Alam ng kanilang gobyerno na, kahit gaano man kasama ang kanilang ginawa, sila ay tao pa rin. Pero kapag ang kasamaan ng isang tao ay hindi na mapapatawaran ay maari din silang ikulong na lang sa isang maximum security prison. Sa mga bansa katulad ng Florence, Colorado sa Estados Unidos. Kulungan na kung saan sila ay habang-buhay na mananatili. Malayo at hindi na kailan pa makakapanakit ng kapwa.

Pangatlo, sabi ng mga tagasuporta ng death penalty mas makatao daw na patayin ang isang kriminal kaysa pagdusahan ang sentensyang panghabangbuhay na pagkakakulong. Bago pa man nating sabihin na ito ay makatao, pagnilayan natin ang ilan sa paraan ng pagbitay. Sa umaga ng araw ng kanyang kamatayan karaniwang nalalaman ng isang kriminal na nasa death row ang katapusan ng kanyang buhay. Sa tagal ng panahon na siya ay nasa piitan, araw-araw siyang gumigising, iniisip sa na ito na ang kanyang huling pagbangon sa kama, huling almusal at huling umaga. Ito ay isang mental na pagpapasakit sa mga tao. Anumang sakit na naidudulot natin sa ating kapwa ay hindi maituturing na makatao. Kung hindi sila napatay sa unang subok, sila ay makararanas ng matinding sakit sa katawan bago pa man matapos ang kanilang buhay. Kung hindi talaga sila nalagutan ng hininga, isang bala sa ulo ang solusyon. Kailan pa naging makatao ang pagkuha ng buhay? Ang karapatang mabuhay ay isa pa nga sa mga pinakahahalagahang karapatang pantao. Oo, sabihin na nating pumatay siya ng tao. Pero sino tayo para hatulan siya ng kamatayan? Sino tayo para kunin ang kanyang buhay? Kung gagawin din natin sa kanya ang kanyang ginawa ay wala rin tayong pagkakaiba sa halimaw na ating gustong puksain. Pang-apat, ang pagpapatupad daw ng parusang kamatayan ay praktikal. Kapag hinayaang mabuhay ang mga bilanggo, malaking gastos ang kailangan para matustusan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, kuryente, pagpapatayo ng mga kulungan at marami pang iba. Marami ng hindi nakakaalam na ang mga bilanggo ay maari pa ring makatrabaho kahit sa loob ng kulungan. Ang paggawa ng mga produkto tulad ng mga libro para sa mga bulag, damit pantulog, mga kasangkapan, sombrero, at mga dekorasyon sa bahay. Ang mga produktong ito ay maaaring pagmulan ng kita na pwedeng gamitin ng pamunuan ng kulungan bilang pangtustos sa pangangailangan ng mga bilanggo. Maraming masasamang dulot ang death penalty sa mga bansa at mga mamamayan nito. Isa na rito ay hindi na maibabalik ang buhay ng taong inosente kapag ito ay nahatol na sa kanya. Isang halimbawa nito ay ang kaso ni Willingham taong 2004 sa Texas. Hinatulan siya ng parusang kamatayan dahil sa pagsunog ng sariling bahay na nagresulta sa kamatayan ng kanyang tatlong anak. Napatunayan na hindi siya ang salarin pagkatapos ng kanyang kamatayan. Dahil sa kaso na ito ay napatunayan na pwedeng may mga inosenteng madadamay sa pagpapatupad nig parusang kamatayan lalo na sa ating bansa kung saan na ang hustisyang binibigay sa mga kriminal ay hindi pa patas. Maaaring ang salarin ay nagpapakasasa sa kanyang buhay na mayaman habang may ibang taong sumalo ng kanyang kasalanan. Nagpapakasaya sila sa kalayaang hindi sa kanila habang may taong hinaharap ang kamatyang hindi dapat sa kanya. Ang pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi rin nagpapababa ng porsyento ng mga krimen sa mga bansa. Ayon sa estadistika ng Canada mas bumaba ang porsyento ng pagpatay sa kanilang bansa ng binasura nila ang pagpataw ng parusang kamatayan sa mga nasasakdal. Simula noong taong 1976, ang taong unang ibinasura ang hatol na death penalty, bumaba na ang kanilang homicide rate ng 23% ayon sa Statistics Canada. Mula sa bilang na 721, umabot na lang ito ng 554 noong taong 2001. Hanggang ngayon, hindi na kailan pang umabot ang bilang na ito sa dami ng kasong mayroon noong 1975. Hindi malulutas ng isang kamatayan ang isa pang kamatayan. Maigi na ring hindi na ibalik ang karumaldumal na sentensyang ito dahil karamihan sa mga bansa ay binasura na din ito. Sa kasalukuyan, mayroong 106 na bansa ang binalewala na ang batas na ito. Isa na ito sa mga patunay na ang parusang ito ay hindi na kaaya-aya sa modernong panahon. Pinabuti at pina-unlad na lang ng mga bansang ito ang kanilang mga kulungan at kagamitan upang mas maigi nilang mabantayan ang kanilang mga preso. Ang death penalty o parusang kamatayan ay hindi solusyon sa tumataas na bilang ng mga krimeng nagaganap sa isang bansa. Bagkus, ito pa ang nagdudulot sa mga tao na gumawa ng masama. Hindi malinaw ang mga magagandang epektong naidudulot nito kaya hindi dapat ito

muling ipatupad. Sa halip na ilathala ito muli sa ating konstitusyon, mas mabuti na unahin ng pamahalaan ang ibang suliranin sa ating lipunan na nagiging dahilan ng pagsagawa ng krimen. Ilan sa mga ito ay ang mas mahigpit na mga polisiya laban sa droga at alkohol, paglunsad ng mga programa para sa tamang pag-uugali, pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, paglikha ng mas maraming trabaho at pag-aalok ng mga programang pangkabuhayan. Makakatulong din kung sisikapin nating irehabilitate ang mga kriminal na ito upang sila ay magbago at muling maging isang responsableng mamamayan ng bansa. Ang parusang pagpatay ay isang malaking kabalintunaan. Ang hukuman ay nagsisilbing tagapagahatol at tagapagpatupad ng batas at karapatang pantao. Pero kapag nakapag husga na ito at hinatulan ng kamatayan ang isang tao, isang tao na may karapatang mabuhay, ang hukuman ay kumakalaban na sa kung ano ang dapat nitong panindigan at protektahan. Ang buhay ng isang tao ay higit pa sa kanyang kasalanan. Hindi likas sa tao ang kasamaan. Kapag sila ay natungo sa maling landas, tulungan natin silang makabalik sa kanilang mabuting paroroonan. Puksain natin ang krimen, hindi ang kriminal.

Isinulat nina: Ranz Agreda Carmel Anne Bermejo Jade Conjusta Jennel Ganzas Incent Rene Morata

12-Aphrodite

Related Documents


More Documents from "Gustavo Flores Aguire"