Posisyong Papel

  • Uploaded by: Stefanny Ramos Polanco
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Posisyong Papel as PDF for free.

More details

  • Words: 612
  • Pages: 2
Loading documents preview...
Posisyong Papel na Nauukol sa Death Penalty sa Ating Bansa

PANATILIHIN ANG MAAYOS NA SISTEMA:HUWAG PATAYIN ANG KARAPATAN NG MGA PILIPINO AT HUWAG GAWING DAHILAN ANG DROGA PARA MULING MABUHAY ANG SINTENSYANG KAMATAYAN SA BANSA Isa ito sa mga suliraning kinakaharap ng mga Pilipino mamamayan sa ating bansa ang parusang kamatayan. Ito ang isang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mambabatas pati na mga pangkaraniwang mamamayan.Ano nga ba ang Death Penalty? Nararapat ba itong ipatupad muli? Sa United Sates, kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maaari kang maparusahan ng kamatayan kung ito’y mapapatunayan pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang parusang kamatayan ang pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno ang may hawak ng iyong buhay ngunit ito’y nakadepende sa kasalanang iyong nagawa. Naninindigan ako na ang paggamit ng dahas mapuksa lamang ang di-masawatang kriminalidad dulot ng droga ay maling sistema sa pagresolba sa problemang ating kinahaharap. Kasama ang Kagawaran ng Karapatang Pantao, samahan ng simbahan, at ng mga taong bukas ang isipan sa pagtanggal sa maling paraan na ito nawa ay muling magsulong nang malaking pagbabago sa damdamin ng bawat tao.Hindi ito makatarungan at walang kasiguraduhan sapagkat hamak na peligroso ang sistemang ito ng gobyerno. Sa dami ng napapatay sa araw-araw ay pilit na naghihimutok ang damdamin nating mga Pilipino. Bagama’t tama ang hangarin nilang magkaroon ng kapayapaan sa bansa ay hindi naman maatim na mali ang kanilang ginagawa. Nababalot sa takot ang iba, may nadadamay na wala namang sala, at napapatay agad na busal ang bibig gayong karapatan naman nilang makapagsalita.Gayundin naman sa hakbang na ito ay tila nilapastangan ang karapatang pantao ng gobyerno. Isinasaad ng Konstitusyon ng 1987 ng Republika ng bansa, Artikulo II Seksyon V ang pangangalaga ng buhay at kalayaan nating mga tao. Tama, maraming krimen ang idinulot ng mga taong ito na kung tawagin sila ay “drug addict” sa lipunan natin mismo ngunit hindi naman tama na alisin sila nang walang dangal dito sa mundo. Karapatan ng bawat nilalang na mabuhay, iyan ay ating pakatandaan. Hindi tayo busal tulad sa panahon ni Hammurabi na para sa kanya ay “ mata sa mata, ngipin sa ngipin” na kapag pumatay ka ay kamatayan din ang kapalit. Malaya tayo nasa demokrasyang bansa, at may pagpapahalaga sa buhay. Malinaw din na isinasaad sa atin ng bibliya na naglalaman ng mga salita ng diyos ang kautusang “huwag papatay”. Gayon na lang ang pakikipaglaban ng mga relihiyosong tagapagtaguyod ng doktrina ng simbahan na hindi tama ang pagbuhay sa sintensyang kamatayan bilang solusyon sa pagsugpo sa lumalawak na droga at kriminalidad sa bansa. Maunawaan at maintidihan sana natin ang kahulugan ng buhay. Ang buhay ay mahalaga at sinumang pumatay ay yamang nakagawa ng isang immoral na gawain sa mata ng diyos. Hindi sa paraang ito gusto ng diyos na matapos ang problemang ating kinakaharap bagkus nais niya mag-isip tayo ng

naayon sa kanyang kalooban. Yamang dama naman natin ang prinsipyong pilit na isinusulong ng simbahan. Sa halip na ipagpatuloy ang death penalty ay mapitagan sana nating matunton ang tamang direksyon. Mapanatili sana ang kapayapaan, disiplinang moral at pagpapahalaga sa simbahan bilang estado ng espiritwal na kapanatagan sa ating buhay. Tama na ang maraming buhay na naisakripisyo dahil sa parusang ito. Tama na ang paghuhukay ng lupa para sa namamatay sa tokhang-droga na aksyon ng gobyerno. Hayaan na natin ang batas, ang kapulisan at ang katarungan ang umiral sa ating bansa. Wala na sanang buhay ang masayang. Sa posisyong ito, ang punto ko lang sana ay magkaroon ng kaliwanagan ang isyung ito dahil para sa akin anuman ang sala ng tao hindi tinutumbasan ito ng kamatayan bilang kaparusahan, tinutumbasan ito ng katarungan, ng batas ng lupa at batas ng diyos.

Related Documents

Posisyong Papel
March 2021 0
Posisyong Papel
March 2021 0
Papel
March 2021 0
Papel Tornasol.docx
February 2021 0

More Documents from "Javo Alex"