12345 Final.docx

  • Uploaded by: Mohammad Yameen Ali Limpao
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View 12345 Final.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 20,224
  • Pages: 78
Loading documents preview...
1

TSAPTER 1 IMPLUWENSYA NG MUSIKA SA LIPUNAN

Isang paraan

ng pakikitungo ng tao

sa kanyang kapwa ang

pakikipagkomunikasyon. Isa itong bagay na kailangan sa pakikipagsalamuha sa isang lipunang kanyang ginagalawan (Sauco et.al,1998). Hindi lang sa berbal na pamamaraan naipahayag ang ating saloobin kundi pati na rin sa pamamagitan ng pagsulat. Maaaring sa pagsulat ng liham, tula, kuwento at awit. Dumanas at dumaan ang tao sa iba’t ibang

yugto

ng

pakikipagkomunikasyon upang maiayos ang kanyang pakikimuhay sa mundo. Pinakamahalaga at pinakamaunlad sa mga yugtong ito ang paggamit ng wika sa paraang pasalita upang magkaunawaan at makamtan ang mga pangunahing kailangan sa buhay. Ayon kay Rivera at Infantando (1987), isang anyo ng katha na maaaring pasulat o pasalita na may layuning magpaliwanag o luminaw tungkol sa isang paksa, magbigay ng kaalaman o impormasyon o kaya naman pagsuri ang paglalahad. Kadalasan hindi na natin namamalayan na ginagamit nap ala natin ito kahit na sa impormal na pamamaraan. Halimbawa na lamang kung mayroong taong nagtatanong sa iyo tungkol sa isang bagay o salitang hindi nauunawaan. Sa pamamagitan nito ay nakapagbibigay ka o nakadaragdag ng kaalaman sa tulong ng paglalahad. Pagkaraan ng ilang taon sinundan ito ng pagsulat. Naisulat ng tao ang kanyang sinasalita at sa kasalukuyan lalong naging mabilis at mabisa ang pakikipag-ugnayan dahil sa pagkakaroon ng mga kaluwagang pangkomunikasyon gaya ng palimbangan, telebisyon, pelikula o maging sa pagsulat ng awitin. Nagkaroon ng malaking kontribusyon at impluwensya ang musika sa isang indibidwal. Hindi pa man alam ng mga tao noon ang salitang “musika”, nakakabuo na sila ng mga tonog, ritmo at melodiya na naging bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Naging parte na ng sining ang musika sa makabagong panahon. Isa itong paraan ng pagpapahayag ng saloobin ng isang indibidwal na maaaring

2

makapukaw sa isipan ng indibidwal. Marami ang nagiging paksa sa bawat awitin na nabuo ng mga kompositor. Naging palasak sa henerasyon ngayon ang mga awitin tungkol sa pag-ibig ngunit maraming mga awitin na pumapatungkol sa mga nangyayari sa lipunan. Pinatatamaan nito ang mga kontrobersyal na mga isyu, gobyerno, mga kalamidad na bunga ng kapabayaan at marami pang iba. Sa madaling sabi, nakabibigay ng malaking epekto sa lipunang ginagalawan ng mga tao ang musika. Pag-aari ng lahat ang musika at hindi lamang ng mataas (Abraham, 2000). Hindi pinagbabasehan kung ano ang katayuan ng isang indibidwal sa buhay sa larangan ng musika. Maaari ito sa kung sino man, mahirap man o mayaman, matanda man o bata at puti man o itim. Maaring gumawa o bumuo ang kung sino mang tao ng musika at maari niya itong angkining bilang isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin. Nagpalalim ito ng ating pag-unawa sa ating katauhan bilang mga tao at nag-udyok ito upang mag-isip at tuluyan nating maramdaman ang mga bagaybagay na kailangan natin tugunan sa ating lipunan na karaniwang iniiwasan natin ngunit kailangang harapin dahil nandiyan at mayroon tayong responsibilidad. Hindi lang para sa ating sarili ito, kundi sa karamihan ng ating kababayan sa Pilipinas, katulad nitong mga usapin ng karalitaan sa karamihan ng ating kababayan. “To Pythagoras music was one of the dependencies of the divine science of mathematics, and its harmonies were inflexibly controlled by mathematical proportions” (Ross, 2009. para.3). Sa paglikha ng musika, umaayon ito sa mga proporsyon ng agham at matematika. Mayroon itong mga huwaran na siyang gumagabay upang makabuo ng isang tono, ritmo at melodiya. Naging isang lihim ito upang magkasundo ang mga tunog na siyang kinalalabasan ng isang magandang musika. May iba’t ibang tungkulin ang musika para sa iba’t ibang lahi. Maaaring isa itong batas, mahika at sining. Subalit, ano’t ano pa man ang dahilan, kung ito’y pag-iisahin, ang musika ang naging isang uri ng komunikasyon ng mga tao,

3

kalikasan, at buong mundo na kailangan natin sa araw-araw upang maging matiwasay at normal ang ating buhay. Sa pagkamit ng ga Pilipino ng kanilang kalayaan, nagising ang natutulog nilang damdamin at dahil sa kalayaan na natamo, nagging mas buhay ang kalayaang pampanitikan ng mga Pilipino at lalo pa itong sumigla noong nailunsad ang Gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. (“Panitikang Filipino sa Iba’t Ibang Panahon”, [w.p], para. 15) Nag-uumpisa pa lamang ang ikadalawang siglo, higit na sumigla ang panitikang Pilipino sa tuong na rin ng medya. Nagbukas ang daan ito sa mga taong nasa industriya upang magsulat at magbahagi ng kanilang mga talento. Sa panahong ito, maraming mga banda ang nagsilabasan upang maglahad ng mga awitin at nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Sa paglipas ng panahon, patuloy na dumarami ang mga manunulat na mga Pilipino dahil na rin sa inuumpisahang kurso na binuksan sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa bansa. Ngunit ang pag-usbong ng panitikan ay hindi lamang nakasalalay sa mga manunulat, nagbibigay din ng parte ang mga mambabasa. Sa tulong ng pagbibigay kahalagahan at pagmamalasakit ng mga mambabasa sa panitikan ay patuloy ring mamayagpag ang panitikang Pilipino. Sa pagsikat ng mga awiting naisususlat ng mga kompositor, kinahuhumalingan ng mga tao ito lalo na ang mga kabataan. Kinahuhmalingan ng mga tao ang musikang nabuo ng ga taong nasa likod nito. Ginagawa nila itong pampalipas oras o di kaya'y isang maituturing na kaibigan sa panahon ng kalungkutan. May mga tao ring ginagawang buhay ang musika, hindi lang dahil ito ang kanilang pinagkakakitaan kundi dahil masyado nilang mahal ang sining na ito. Malaki ang naging tulong ng musika sa kanila sapagkat nailalabas na nila ang kanilang saloobin at kumikita sila dahil dito. May sumisikat sa pamamagitan ng pag-awit. Inaawit nila ang mga kanta na ibang tao ang gumawa at boses ang kanilang ginagawang puhunan. Mayroon din namang mga tao na sila ang gumagawang kanilang kanta at sila rin ang umaawit nito gaya na lamang ng mga

4

sikat na mang-aawit na si Gloc 9 at mga banda tulad ng Parokya ni Edgar, Eraser Heads, Calla Lily at Apo Hiking Society na namamayagpag din sa larangan ng musika. Ika nga ni ka Freddie Auillar sa kanyang kanta, "musika ang buhay na aking tinataglay, yan ang dahilan kung ba't ako naglalakbay". Para sa isang mang-aawit, ang musika ay parte na ng kanilang buhay at ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng kanilang damdamin o di kaya'y isa ring paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ang mga mang-aawit-kompositor na nabanggit sa itaas ay ilan sa mga sikat sa larangan ng musikang Pilipino o mas kilala bilang Original Pinoy Music (OPM). Maraming diskusyon at argumento ang nangyari sa usapin tungkol sa OPM dahil na rin sa pagiging dinamiko ng musika. Sa paglipas ng panahon, maraming mga genre ang nagsilabasan katulad ng, hiphop, jazz, rock, metal rock at marami pang iba na hind naman naging parte sa nakasanayang uri ng musika ng mga Pilipino. Naging bahagi na rin ng mga diskusyon at usapin kung napabilang pa ba ang mga awiting sumikat at ginawa sa ibang bansa ngunit isang Pilipino ang umawit at ayon kay Rez Toledo na isang OPM artist, “kahit anong musika ang ginawa ng isang Pilipino ay OPM” (“Ang OPM Bilang Bahagi ng Kulturang Pinoy”. para.5). Ibig sabihin na kahit saang sulok ng mundo ginawa ang isang awit at Pilipino ang may gawa ay bahagi ito ng OPM. Nasasalamin sa OPM ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino, nahuhubog ng isang musikero ang kanyang pagkatao sa kultura at lipunang kanyang kinagagalawan. Naipakikita ng mga awitin ng mga musikerong ito ang kultura ng Pilipinas at tanging kapwa Pilipino lamang ang nakararamdam sa tunay na emosyong inihahatid ng isang awiting Pilipino ang may gawa. Isa sa mga kilalang rap artist sa bansa ngayon na malaki ang naging impluwensiya sa musikang Pilipino ay si Aristotle Pollisco o mas kilala sa pangalang Gloc 9. Ipinanganak noong Oktubre 18, 1977 sa Binangonan, Rizal. Nagsimula ang kanyang karera sa musika noong sumali siya sa isang drive-by show ni

5

Andrew E. Pagkatapos ng palabas, nilapitan siya ng isang miyembro ng Death Threat at binigyan ng isang papel na may nakasulat na pangalan at kontak namber ng kanilang leader na si Beware, na ang totoong pangalan ay Ronald Salanga. Matapos ang kanilang pag-uusap, tinanggap siya sa grupo. Noong 1996 ay nagkaroon siya ng sariling pangalan sa local underground scene bilang isang miyembro ng Death Threat ngunit bago siya naging miyembro ng grupo kinakailangan niyang magkaroon ng stage name. Maraming pangalan ang iminungkahi sa kanya tulad ng Magnum45 at Kalibre28 ngunit isang pangalan lang ang kaniyang nagustuhan, ang Glock 9. Kinaltas niya ang letrang “k” at naging Gloc 9 ito. Maraming naging album ang Death Threat hanggang sa umabot ang isang araw na umalis si Beware at pinakiusapan na si Gloc 9 ang pumalit sa kanya bilang isang lider kasama si Hi-Jakk. Sa taong 1997, nagkaron ng bagong album ang grupo, ang “Kings of da Underground” na umani ng parangal kahit walang promosyon ng mainstream music at tanging bukambibig ng mga tao kung saan-saan ang tumulong sa kanila upang magkaroon ng parangal. Ngunit tanging si Gloc 9 at HiJakk lang ang tampok sa mga awitin ng album na ito. Sa parehong taon, nagsimulang magrekord ng mga awitin sina Gloc 9 at Hi-Jakk sa ilalim ng Viva Records na hindi na dala-dala ang pangalan ng grupo. Matapos ang pangatlong album nila ay nagpatuloy si Gloc 9 sa kanyang karera bilang solo artist. Bago nadiskubre si Gloc 9 bilang isang rapper naging isang empleyado siya ng isang fastfood chain, isa siyang kitchen helper at kalaunan naging isang service crew. Isa rin siyang empleyado ng isang malaking kompanya ng medya, ABS-CBN, bilang isang music researcher. Kumuha siya ng kursong

6

Nursing at grumadweyt noong 2010 ngunit hindi na siya kumuha ng eksamin para maging lisensyadong nars dahil sa taong ito nagsimula ng dumamai ang kanyang proyekto. Hindi produkto si Gloc 9 ng Youtube, isa siyang produkto ng lakad sa kalsada. Nagbigay siya ng demo teyp sa lahat ng rekord leybel at niisa sa kanyang mga nabigyan ay walang pumansin sa kanya at ang tanging nagbigay atensyon sa kanya at nagbigay ng breyk ang ABS-CBN Executive Producer noon na si Enrico Santos. “Siya ‘yung nakakuha ng demo tape ko na, actually scrap na ‘yun, eh, dinampot nila, napakinggan nila tapos pinahanap nila ako, after mga ilang buwan, nakita nila ako at doon na nagsimula.” – Gloc 9, (w.p). Noong 2001, pumasok si Gloc 9 sa mainstream music scene nagsimula siyang magrekord ng awitin para sa pelikulang Trip na mula sa Star Cinema na pinagbibidahan nina Kristine Hermosa, Heart Evangelista, John Prats, Marvin Agustin at Jericho Rosales at idinerehe ni Gilbert Perez. At noong 2002, nagrekord siya ng awitin para sa pelikulang Jologs na idinerehe ng parehong direktor. Ang kanyang mabilis na pagsasalita ang naging daan sa kanyang tagumpay bilang isang mahusay na rapper sa Pilipinas. Nanalo si Gloc 9 ng gantimpala sa pagiging pinakamagaling na rapper sa Philippine Hip-Hop Music Awards sa tatlong magkakasunod-sunod na taon at nakilala rin sa MYX at MTV. Marami pang mga parangal na natanggap si Gloc 9 simula sa taong 2002. Ang unang dalawang parangal na natamo niya ang Katha Award for Best Rap Recording for “Isang Araw” at Awit Award for Best Rap Re`cording for “Isang Araw”. Sa sumunod na taon nakatanggap siya ng parangal na Awit Award for Christmas Song “Pasko Na Naman”. Sa taong 2005 hanggang 2009 siya ang hinirang si Gloc 9 bilang Rap Artist of the Year sa Philippine Hip-Hop Music Awards. Sa mga sumunod pa na taon, umani pa ng

7

mga parangal si Gloc 9 at ang huling dalawang parangal na natanggap niya ang Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards, Male Recording Artist of the Year at FAMAS Awards, Best Original Theme Song, “Hindi Pa Tapos” for “Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Hindi lamang mga patimapalak ang natanggap ni Gloc 9, madami siyang natamo dahil sa kanyang angking talento, halimbawa

na

lang

dito

ang

pagiging

National

Peace

Ambassador sa ilalim ng Presidential Adviser on the Peace Process noong taong 2012. Nakapagtanghal din siya sa mga lugar kung saan mayroong giyera at karahasan. Naging modelo rin siya ng Dapat Tama noong Abril taong 2013. Isang kampanya ang Dapat Tama ng isang kompanya ng medya, ang Global Media Arts (GMA) tungkol sa pagpili at pagboto ng tama para sa eleksyon noong taong 2013 at sa parehong taon ay naging parte siya ng isang anti-bullying campaign kung saan siya ang sumulat ng isang awiting pinamagatang Tulad ng Iba. Isa itong awitin na pumapatungkol

sa

pagkakaroon

ng

lakas

sa

kabila

ng

pangungutya ng iba. Nagpapa-alala rin ang awiting ito na maari pang magbago ang ikot ng buhay. Simula noong naisulat at naawit niya ang awiting Upuan sa ilalim ng kanyang album na Matrikula, naging parte ang kanyang mga awitin sa kurikulum ng panitikan sa Department of Education (DepEd). Walang patumangga ang pakikilahok ni Gloc 9 sa mga usaping bayan. At sa panahong niyakap na siya ng telebisyon at radio, mas naging malinaw pa ang pakikilahok na ito. Ito ang hinihingi ng kasaysayan ng bawat manggawa sa sining, at ito ang hindi ipinagkait ng kanyang panulat. (“Tungkol Kay Gloc 9”, 2012) Sa mga awitin ni Gloc 9, may mga paghihimagsik siya laban sa lipunan. Ang kanyang himagsik ay nakabatay lamang sa kanyang obserbasyon sa lipunang kinabibilangan niya. Katulad din ni Balagtas, may apat siyang himagsik. Ang mga

8

himagsik

na

nasabi

ay laban

sa

malupit

na

pamahalaan,

hidwaang

pananampalataya, sa maling kaugalian at sa mababang uri ng panitikan. 1.1

Paglalahad ng Suliranin Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang mga awitin ni Gloc

9 na nagpapakita ng mga isyung panlipunan sa Pilipinas simula taong 2006 hanggang sa taong 2013. Upang maisakatuparan ang nasabing layunin, sinikap na masagot ang sumusunod na mga tiyak na katanungan: 1.1.1 Ano-ano ang mga paksa at mensahe ni Gloc9 sa kanyang mga piling awitin? 1.1.2 Ano-ano ang mga kaganapang panlipunan ang sinasalamin ng kanyang mga awitin? 1.1.3 Ano-ano ang paghihimagsik ni Gloc 9 sa kanyang mga piling awitin?

1.2

Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na magiging makabuluhan ang resulta

ng kasalukuyang pag-aaral sa iba’t ibang paraan. Pangunahin na dito na maintindihan ang mga mensahe ni Gloc 9 sa kanyang paghihimagsik sa mga isyung panlipunan na makikita sa kanyang mga awitin. Mahalaga din ito sa mga mambabasa na mahilig man sa musika o hindi sapagkat nakapagbibigay at nakadaragdag ito ng kaliwanagan kung bakit nakasusulat ng mga awitin si Gloc 9 na mayroong paghihimagsik sa mga nagiging obserbasyon niya sa lipunang ginagalawan. 1.3

Saklaw at Delimitasyon Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga awitn na mismong inawit ni Gloc 9,

siya man ang sumulat o hindi at kasali na rin ang mga awitin niyang may featured artists siyang kasama simula sa taong 2006 hanggang taong 2013. Sa tulong ng internet, makakakuha ng mga awitin ang mga mananaliksik na siyang sakop sa kasalukuyang pag-aaral. Hindi na sakop ng pag-aaral ang mga awitin ni Gloc 9 sa taong simula 2005 pababa. Sisikapin ng mga mananaliksik na makalikom ng mga awitin sa dami ng maaring makuha.

9

1.4

Depinisyon ng mga Terminong Ginamit Para sa ikalilinaw ng mga paglalahad sa kasalukuyang pag-aaral, narito

ang kahulugan ng ilan sa mga terminong madalas gamitin at banggitin sa pagaaral. Aristotle Pollisco o Gloc 9. Ang mang-aawit-kompositor na siyang pinili sa pag-aaral na ito. Ang kanyang mga awitin ang susuriin. Awit o Kanta. Isang uri ng panitikan. Tinutukoy sa pagaaral na ito ang mga isinulat at inawit ng mang-aawit-kompositor. Genre. Kategorya ng isang likhang sining. Ginamit ito sa pagkaklasipika sa uri ng musika. Himagsik. Mga pamamaraan at instrument na ginamit laban sa pamahalaan. Isyung Panlipunan. Tinuukoy ang mga kaganapang panlipunan na hinaharap ng Pilipinas. Kompositor. Isang manliliha ng musika. Malaki ang nagiging papel ng isang kompositor sa isang awit. Liriko. Isang tulang awit. dito makikita ang daloy ng isang awitin at dito makikita ang mensahe ng isang awit. OPM. Isang genre ng musika. Ito ang tawag sa musikang Pilipino ang lumikha.

10

TSAPTER 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Matutunghayan sa tsapter na ito ang mga bahaging may malaking kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik. Sa pamamagitan ng mga nalikom na impormasyon ay naisagawa nang maayos ang pag-aaral. Makikita rin dito ang iba’t ibang pananaliksik na naisagawa na may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral. 2.1 Kaugnay na Pag-aaral Mahilig Karaniwang

ang

mga

ginagawa

Pilipino nila

ito

sa

pakikinig

bilang

ng

libangan

musika. o

kaya’y

pampalipas oras. Maraming nagsasagawang pag-aaral tungkol sa mga awitin.

11

Isa sa mga pag-aaral na naisagwa na may malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito ay ang pag-aaral nina Jungao, Pagaling at Casilac (2015). Sinuri nila ang mga awitin ni Gary Granada Palarawan

na

kasasalaminan o

deskriptibong

ng

mga

disenyo

karanasang ang

Pilipino.

ginamit

sa

pagpapaliwanag ng mga datos na nakalap. Gumamit ang mga mananaliksik ng purposive sampling sa pagpipili ng mga awitin at Sosyolohikal na pagdulog ang ginamit sa pagsusuri. Mula sa nakalap na pitumpu’t apat (74) na mga awitin ni Gary Granada ay pumili lamang ang mga mananaliksik ng labin limang (15) makabuluhang awitin ni Gary Granada sa pagsusuri. May ipinararating na paksa at mensahe ang kanyang mga awitin. Higit sa lahat, masasalaminann din ang mga karanasang Pilipino ang kanyang mga awitin gaya ng uri ng politiko at sistema mayroon ang bansa, pangangangkin sa yaman ng ibang tao, mahirap na pamumuhay, kasakiman ng may kapangyarihan, pagpapaniwala at panloloko ng mga ibang politiko, mahinang hustisya sa bansa, kaugalian at kultura ng isang Pilipino at pangakong napako ng mga politiko. Masasabing tunay na maituturing na alagad ng sining sa larangan ng musika si Gary Granada dahil sa dami ng bilang ng mga awiting kanyang naisulat. Makikita ang pagmamahal sa bayan ang kompositor na si Gary Granada dahil sa makabuluhang paksa at mensahe ng kanyang mga awitin. Malaki ang pagkakaugany ng pag-aaral na ito sa pag-aaral nina Jungao, Pagaling at Casilac dahil pareho itog tumatalakay sa mga mensahe at paksa ng mga awitin. Nagkakaiba lamang ang dalawang pag-aaral sa bahaging kung kaninong mga awitin ang

12

ginawang pokus ng bawat pag-aaral. Sa kasalukuyang pag-aaral ang naging pokus ay ang mga awitin ni Gloc 9. Kaugnay

ng

isinasagawang

pag-aaral

sa

ginawang

pananaliksik nina Taborada at Lagunsad (2001). Sinuri ang liriko ng mga awitin ng bandang Parokya ni Edgar. Napili ang mga awitin ng bandang Parokya ni Edgar dahil mapapansin sa kasalukuyang panahon na nahuhumaling ang mga kabatan sa mga kontemporaryong awitin lalung-lalo na sa mga awitin ng mga banda. Tatlumpu’t pitong awitin ng bandang Parokya ni Edgar ang sinuri. Sinuri kung ano ang etimolohiya ng mga salitang nasa liriko ayon sa etimolohikal na kayarian nito. Natuklasan ng pag-aaral na may sampung wika ang etimolohiya ng mga salitang nasa liriko ng mga awitin ng bandang Parokya ni Edgar. May makikitang mga salitang balbal at may likha o binuong salita sa liriko ng mga awitin. Mapapasin sa mga salitang balbal na baligtad lamang ang dalawang pantig ng salita, katulad ng salitang “ako” na ginawang “oka” at “takot” na ginawang “tokat”. Palarawan o deskriptibong pamamaraan ang

pag-aaral.

Sinakop

ng

pag-aaral

ang

pagsusuri

sa

etimolohikal na klasipikasyon ng mga salitang nasa liriko ng mga awitin ng bandang Parokya ni Edgar. Pinagtutuunan ng pag-aaral ang

paglilista

at

pagpapangkat-pangkat

ng

mga

salitang

bumubuo sa liriko ng mga awitin at sinuri ito kung anong wika ang pinagmulan ng mga salita ayon sa kayarian nito. Kuagnay ng kasalukuyang pag-aaral ang pag-aaral nina Taborado at Lagunsad dahil pareho nitong sinusuri ang mga liriko. Binibigyang interpretasyon ang bawat awiting napili. Nagkakaiba lamang sila sa pamamagitan ng pokus ng pag-aaral. Pinag-aralan nina Taborado at Lagunsad ang mga awitin ng

13

Parokya ni Edgar samantalang ang kaugnay na pag-aaral ay tungkol sa mga awitin ni Gloc 9. Masasabing kaugnay din ang pag-aaral nina Lomondot, Ampang at Tauday (2014). Layunin ng pag-aaral na likumin ang mga awiting-bayan ng mga Meranaw sa pagpapatulog ng bata sa Baloi at Pantar, Lanao del Norte. Ginamit sa pag-aaral na ito ang indehinus o palarawang deskriptibong analisis upang masuri ang paksa at mensaheng nakapaloob sa mga awiting-bayan ng mga Meranaw sa pagpapatulog ng bata. Nalikom ang mga naturang awiting-bayan sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga katutubong Meranaw sa Baloiat Pantar, Lanao del Norte. Natuklasan sa pag-aaral na may limampung (50) awitingbayan ang mga Meranaw sa pagpapatulog ng bata. Napagalaman din na may labinlimang (15) paksa ang nakapaloob sa mga awitin gaya ng pagkahilig sa musika, pag-aalala sa kibanukasan ng anak, pagkapantay-pantay ng lahat, pagtuturo ng mabuting asal, pagpapahalaga sa anak, pagkamatapat, pagsasakripisyo at pananampalataya kay Allah. Natuklasan din ang ilan sa mga mensaheng nakapaloob sa mga awiting-bayan ay tulad ng pagsuporta ng ina sa anak, paghahangad sa ikabubuti ng anak, lumaki itong tama, pag-aaruga ng ina sa anak, pag-aalala ng ina sa anak at paggabay ng ina sa anak at pananalig sa Panginoon. Bilang konklusyon, ang mga naninirahan sa Baloi at Pantar, Lanao del Norte ay patuloy na iniingatan ang mga awiting-bayan sa pagpapatulog ng bata. Ang mga mensaheng nakapaloob sa mga awitin ay naglalarawan ng kulturang Meranaw. Hindi lamang pumapaksa ang mga awitin kung paano patutulugin ang sanggol

14

o ang bata kundi nagpapakita rin ng malaking papel na dapat gampanan ng ina sa pagpapalaki ng anak. Kakikitaan din ng kaugnayan ang pag-aaral nina Tagoranao, Ambor, Magdara at Macumbal (2016) na ang pangunahing layunin ay suriin ang mga piling halaw na awitin ng mga Meranaw. Deskriptibong anatilikal ang disenyong ginamit sa pagsusuri ng mga datos. Napag-alaman sa pag-aaral na ang mga pinapaksa ng mga halaw na awiting Meranaw ay pumapatungkol sa pag-ibig, pananampalataya at pamilya na kadalasang makikita sa lipunan ng mga Meranaw ayon sa nangyayaring realidad. Natuklasan din sa pag-aaral na may halaw na awiting Meranaw ang hindi nagkakalayo sa orihinal nitong bersyon, subalit may mga halaw din naman na malaki ang pinagkaiba sa orihinal nitong awitin. May labing-walong (18) paksa ang pumapaloob sa orihinal at halaw na awitin. Ito ay ang mga paksang pumapatungkol sa pagsisisi, pahintulot,

pagmamahal, pagkabigo,

pagtatapat, pagbibili,

hinanakit, pangungulila,

paghingi

ng

pagbibsyo,

pagpapaalala, pangaral pananabik at pagkalinlang. Nagkaroon ng pagkakatulad ang mga halaw na awiting Meranaw sa orihinal nitong awitin sa kadahilanang may mga pagkakataon na nais ihayag na tagahalaw ang sariling opinyon batay sa paksa at mensahe ng dalawang awitin sapagkat pinipili ng tagahalaw na talakayin o gawing paksa ang iba pang mga pangyayari sa realidad ayon sa kanilang lipunang ginagalawan. Malaki ang pagkakaugnay ng pag-aaral na ito sa pag-aaral nina Lomondot, Ampang at Tauday at ang pag-aaral nina Tagoranao, Ambor, Magdara at Macumbal sa kasalukuyang pagaaral dahil parehong kinukuha ang mga mensahe ng bawat

15

awitin na pumapatungkol ayon sa nangyayari sa realidad at parehong inalisa ng mga mananaliksik ang paksang nakapaloob sa mga piling awitin ngunit magkaiba ang mga pag-aaral dahil ang mga mensahe ng mga awitin na pumapatungkol sa pananampalataya at ang mga awiting-bayan ng mga Meranaw ang pinag-aralan ng dalawang unang pag-aaral at taliwas ito sa kasalukuyang

pag-aaral

sapagkat

awitin

ni

Gloc

9

na

pumapatungkol sa mga isyung panlipunan ang pokus ng pagaaral na ito. 2.2 Kaugnay na Literatura Maituturing na isang elemento ang musika. Nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa mga tagapakinig. Masasabing nakapagpapagaan ng ating loob dahil sa kalmado at positibong elementong nilalaman ng bawat himig nito. 2.2.1 Musika sa Lipunan “As a musician I tell you that if you were to suppress adultery, fanaticism, crime, evil, the supernatural, there would be no longer means for writing one note” – Georges Gizet, (w.p). Sa lipunang ating ginagalawan, may mga pangyayari na hindi na kontrolado ng ating mga kamay. May mga pangyayari na kahit hindi natin ninanais na mangyari ay nangyayari pa rin. Hindi na bago sa ating pandinig ang mga problemang hinaharap ng ating lipunan, nagkaroon man ito ng kasagutan o wala. Ngunit kahit na may mga pangyayari na ganito, may mga instrumento naman na siyang naging takbuhan upang maibsan ang pahihirap, at ito ang musika. May mga tao na nasa likod nito na siyang nakapagbibigay tonog, ritmo at liriko na kinagaganda ng musikang nabuo – ang musikero. Ngunit ayon sa pahayag ni

16

Bizet, kapag ang musikero na ang mismong nagtatago ng kanyang mga gawaing hindi nakakatulong sa lipunan, wala na siyang karapatan upang bumuo pa ng musika. Maaring hindi na nakapagbibigay

inspirasyon

sa

mga

tagapakinig

ang

mga

musikang binabahagi niya sa lipunan. Ayon naman kay Arnold, “music is the social act of’ communication among people, a gesture of friendship, the strongest there is”. Nangangahulugang isang paraan ang musika upang maapagpahayag ang isang tao sa kanyang damdamin at upang maintindihan rin siya ng kanyang kapwa. Sa pamamagitan nito, nakakatagpo ka ng isang indibidwal na maaring bahagian mo ng iyong sariling interes, ideya, nadarama at iba pa at natatawag mo itong kaibigan. Sa pamamagitan ng musika, nakapagbibigay ka rin ng saya na siyang dahilan ng pagkalunod ng isang indibidwal dito. Maaring ang musika mismo ang siyang nagiging matalik mong kaibigan. Music is the only thing that remains when everybody left, ika nga. May prinsipyo ang bawat musikero na siyang naging sandigan nila upang malaman ang tama at mali sa lipunang kinabibilangan. Ito ang nagsisilbing tulong upang makapagimpluwensya sila ng ibang tao. 2.2.2 Original Pinoy Music May iba’t ibang prinsipyo ang bawat musikero at may iba’t ibang paninindigan dahil na rin nanggaing sila sa iba’t ibang lipunan. Hindi rin maiiwasang may sarili silang pinag-ugatan, tulad na lang ng musika ng Pilipino. Pinaghalong indehinus ang musika sa Pilipinas at ang iba ay may impluwensiya na ng mga dayuhang sumakop sa bansa. Naging bahagi sa musika ng mga Pilipino ang tonog na nabubuo

17

ng mga kultural na mga instrumento katulad ng gong at kulintang. Ang musika na nabubuo ng mga instrumentong ito ang naging tradisyunal na musika sa Pilipinas. Nang lumaon, nasakop ng mga dayuhan ang bansa at naimpluwnesiyahan ang musika ng Pilipino. Umusbong ang harana at kundiman na halimbawa ng mga awiting lirikal. Naging palasak ang ganitong genre sa panahon ng mga Kastila. Sa paglipas ng panahon naging kilala ang musikang Pilipino bilang Original Pinoy Music (OPM) na tumutukoy sa mga kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. (“Original Pinoy Music”, 2012) Maraming

naging

diskusyon

tungkol

sa

OPM

dahil

maraming umusbong na genre na hindi nakasanayan sa musikang Pilipino. Ngunit ayon kay Jurado, isang tagapagtaguyod ng OPM, “only a Pinoy can make OPM”. Maraming naging OPM artist at awitin na sumikat ngunit hindi sa Pilipinas isinuat at inawit ngunit para kay Jurado, kung isang Pilipino ang lumikha ng musikang ito, bahagi ito ng OPM. Naging parte ng OPM ang genre na urban at dance pop sa taongg 1980 at 1990. Nagsimula ang lokal na urban at dance pop sa nasabing taon ngunit hindi binigyang atensyon ng mga tao sa industriya. Subalit noong taong 2000, muli itong kinilala sa tulong na rin ng musikang R&B nina Kyla, Nina, Jay R pati na rin sa orihinal na Pinoy hiphop nina Gloc 9 at Dice & K9 ay umani ng atensyon. (“Original Pinoy Music”, 2012) Ang musikang Pilipino ay unti-unting naging popular at lumalaganap sa Asya at iba’t ibang bahagi ng mundo. 2.2.3 Rap sa Pilipinas Sa muling pagsikat ng genre na urban hiphop at dance pop kung saan sumikat o naging kilala si Gloc 9, matutunghayan

18

ang mga awiting binibigkas ang mga liriko sa mabilis na pamamaraan, ito ay tinatawag na rap. Rap is a type of popular music of African-American origin that features rhythmic speaking set to strong beat (“Cambridge Academic Content Dictionary” [w.p]).

Sa bilis ng

pagbigkas ng mga letra, nakakaindayog na tonog at pagkantang tila patula, nahuli ng rap ang pandinig at panlasa sa musika ng mga Pilipino. Pinasikat ito ng mga Amerikano noong 1980 at naimpluwensyahan

nito

ang

musika

ng

mga

Pilipino.

Nakipagsabayan ang rap sa himig ng musikang Pilipino ar tinangkilik ito ng madla at naging libangan ng iilan. Ibang bansa man ang pinag-ugatan, dahil sa sarilig istilo at tonog, nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang Pinoy Rap. Isa

si

Gloc

9

sa

mga

itinuturing

na

isa

sa

pinakamatagumpay na rap artist sa bansa ngayon. Sa talentong naipamalas niya at sat alas ng kanyang mga kanta ang nagangat sa kanya sa Pinoy Rap. Nagsimula ang mga awitin ni Gloc 9 sa tema ng pag-ibig hanggang sa gumawa siya ng mga awiting tungkol sa politika. Sinasabing ang kanyang mga awitin ay sumasalamin sa saloobin ng lipunan. Ipinapakita niya sa kanyang mga awitin ang realidad na nangyayari sa lipunan batay sa kanyang personal na obserbasyon. 2.3 Batayang Teoretikal Hindi maaring bigla na lamang sumulpot mula sa kawalan ang likhangsining, bunga ito ng mga nangyayari sa ating lipunan. Tulad ng mga awiting ating naririnig, isa ito sa mga naging bunga ng mga naging obserbasyon ng mga musikero sa kanilang lipunang kinabibilangan. Sa bawat awiting nabuo ng mga musikero, mayroon itong paksa na ang lipunan ang naging inspirasyon, ang paksa ang siyang sumasalamin sa damdamin ng musikero tungo sa kanyang mga

19

nakikita at naoobserbahan. Nakabase sa panahon at lugar ng paglikha ang paksang nakukuha sa lipunan. Layunin ng pag-aaral na ito ang masuri ang mga awitin ni Gloc 9 simula sa taong 2003 hanggang sa kasalukuyan na tungkol sa mga isyung panlipunan na hinaharap ng Pilipinas. Hindi lamang sulat kamay ang mga awiting nagawa ni Gloc 9, ang mga ito ay naging resulta sa kanyang sariling karanasan, nakita o naobserbahan sa kanyang paligid. Ang pagdulog Sosyolohikal ang gagamitin sa pag-aaral na ito sapagkat tinitingnan ang akda bilang produkto ng kamalayang panlipunan ng may-akda. Kung

gayon,

ang

kaalaman

tungkol

sa

kaganapang

panlipunan

ang

pinapahalagahan sa pagdulog na ito (Santos at Tayag, 2011). Sa madaling sabi, ang mga kaganapan na naranasan o naobserbahan ng may akda sa isang payak na panahon ang siyang nag-udyok sa kanya upang makabuo ng isang akda. Sa tulong ng pagdulong na nasabi ito ay nabigyang mensahe ang mga piling kanta ni Gloc 9. Nabigyang linaw ang mga mensahe na nais iparating ng mga piling awitin na pumapatungkol sa mga isyung panlipunan sa Pilipinas na nais niyang iparating sa mga tagapakinig. 2.4 Batayang Konseptwal Habang patuloy ang daloy ng panahon, sumasabay rin dito ang pagbabago ng mga awitin. Mahilig ang mga Pilipino sa awit lalo na kapag kinapapalooban ng mga mensahe. Isa itong pamamaraan upang maglabas ng saloobin o opinyon ukol sa isang tao, bagay o pangyayari. Maraming mga kompositor ang gumagawa ng mga awitin laban sa pamahalaan. Matutunghayan sa susunod na pahina ang batayang konseptwal ng ginawang pag-aaral.

20

MGA PILING AWITIN NI GLOC9

ISYUNG PANLIPUNAN

PAKSA

HIMAGSIK

21

Figyur 1. Iskimatikong Dayagram ng Paradaym ng Pag-aaral

Sa kabilang pahina makikita ang salitang mga piling awitin ni gloc 9, ito ang pangunahing pokus ng pag-aaral. Sa pangalawang bahagi naman makikita ang dalawang kahon na may paksa at isyung panlipunan. Mula sa mga awitin na ito kinuha at sinuri ang mga paksa na makikita sa kaliwang bahagi at ang mga isyung panlipunan sa mga awitin ni Gloc 9 na makikita sa kanang bahagi ng kahon. May paghihimagsik siya sa kanyang mga awiting nabuo na makikita sa huling bahagi.Pumapatungkol ang kanyang mga awitin sa politiko, mga pang-aapi ng tao sa kanilang kapwa, prostitusyon, kawalan ng gabay ng magulang sa anak, pag-ibig at maging sa mga OFW. Ilan sa mga isyung ito ay tungkol sa mga nangyayari sa lipunan na napabayaan ng pamahalaan at hindi nabigyan ng pansin. Ang mga isyung panlipunang nakita at naobserbahan ni Gloc 9 ay ang nagudyok sa kanya upang isulat ang kanyang mga awit. Sinasalamin nito ang mga pangyayari sa Pilipinas na nararanasan ng bawat Pilipino. May kinalaman din ang panahong pinangyarihan ng mga pangyayari sa pagbibigay inspirasyon sa mangaawit-kompositor upang makabuo ng mga awitin.

22

TSAPTER 3 METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Gagamitin

sa

pag-aaral

na

ito

ang

pagsusuri

ng

dokumento. Palarawan o deskriptibo naman ang disenyong ginamit sa isinagawang pag-aaral. Purposive sampling naman ang ginamit sa pagpili ng mga awiting bibigyan ng pagsusuri. Pagdulog Sosyolohikal ang gagamitin sa pagsusuri. 3.1 Pamimili ng Awitin Maghahanap ang mga mananaliksik sa

internet

na

maaaring mapagkukunan ng mga impormasyon at listahan sa lahat ng awitin ni Gloc 9. Itatala ng mga mananaliksik ang mga awitin ni Gloc 9 simula sa taong 2006 hanggang sa 2013. Sa hiwalay na papel itatala ng mga mananaliksik ang mga piling awitin na makikitaan ng paghihimagsik ni Gloc 9 sa lipunan. Ang mga awiting hindi kasali ay buburahin sa listahan. Ang mga awitin sa pamamagitan ng purposive sampling upang matiyak na pumapatungkol sa paghihimagsik ni Gloc 9 sa lipunan. Kukunin ng mga mananaliksik ang mga liriko ng mga napiling kanta sa internet.

23

3.2 Pagsasaayos ng Datos Pumili ng labing tatlo (13) mga awiting susuriin ang mga mananaliksik na makikitaan ng mga paghihimagsik ni Gloc 9 sa lipunan.Isasaayos ang mga awitin batay sa taon, sisismulan sa taong 2006 hanggang sa 2013. Isa-isang pakikinggan ng husto ang mga napiling awitin nang pauli-ulit upang makasisigurado at lubos na mauunawaan ang mga liriko at mensahe ng mga awitin. 3.3 Pagsusuri ng Awitin Isa-isang susuriin ang mga piling awitin ni Gloc9. Sa gagawing pagsusuri ng mga awitin, gagamitin ang pagdulog sosyolohikal. Susuriin ang paksa, mensahe at ang paghihimagsik ni Gloc 9 sa bawat awitin upang malaman ang mga mensaheng ipinapahayag ng mga ito. Makikita sa ibaba ang daloy ng gagawing pag-aaral.

Pagpili ng mga Awitin

Pakikinig at Pagunawa sa mga napiling awitin

24

Pagbigay ng sariling interpretasyon sa mga napiling labin limang mga awitin. Figyur 2. Daloy ng Pag-aaral

TSAPTER 4 PAKSA, MENSAHE, LARAWAN AT HIMAGSIK NA LUMILITAW SA MGA PILING AWITIN NI GLOC 9

Sa tsapter na ito inilahad ng mga mananaliksik ang mga nakuhang impormasyon tungkol kay Gloc 9. Makikita sa tsapter na ito ang mga nabuong katanungan na binigyang kasagutan at at ang himagsik sa kanyang mga awitin na binigyan ng sariling interpretasyon ng mga mananaliksik Talahanayan 1. Ang mga Piling Awitin ni Gloc 9 MGA AWITIN Limang Kanta Lamang Lando B.I Upuan

TAON 2006 2007 2007 2009

25

The Bobo Song Balita Walang natira Bugtong Salbahe Hari ng Tondo Sirena Silup Inday Magda

2009 2009 2011 2011 2011 2012 2012 2012 2012 2013

Makikita sa Talahanayan 1 ang mga piling awitin ni Gloc 9 na may paghihimagsik sa loob ng bawat liriko sa awitin. May ipinapahiwatig si Gloc 9 sa mga mamamayan na idinaan niya sa kanyang mga awitin. Ang mga nangyayari sa lipunan na siyang ginawang sandata ni Gloc 9 upang mabuo ang mga nasabing awitin. Sa awitin naihahayag ang iba’t ibang uri ng emosyon tulad ng galak, kalungkutan, poot, lambing, pag-ibig, hinanakit, pagmamahal at iba pa na ipadarama at naisasalin sa mga nota at himig ng isang awit at tugtugin. Bahagi ng buhay ang musika. Tulad ng anumang sining o art hinding-hindi maihihiwalay ang musika sa lipunan. Walang tao at lipunan na walang musika at walang musika na walang tao at lipunan. Hindi hiwalay ang musika sa politika ng isang bansa o lipunan gaya ng mga isinulat na mga awitin ni Gloc9. Tao ang lumilikha sa musika batay sa kaniyang interaksyon sa lipunan. Kailangang tignan na ang musika ay representasyon ng lipunan at bilang produkto ng paglikha ng tao batay sa relasyon sa lipunan, hindi lamang instrument kundi bahagi ng buhay. Nagsisilbing inspirasyon ng mga mamamayan ang mga awitin ni Gloc 9. Pinapalalakas ng mga awitin ni Gloc 9 ang ating mga pandamdam at ibinabalik ang mga alaala. Pinupakaw ang sambayan upang magising sa realidad at mga pangyayaring nagaganap sa lipunan gaya ng sa pulitika na nangingibabaw ang korapsyon at ang mga OFW na pumupunta sa ibang bansa upang pagsilbihan ang iba sa kadahilanang kapos sa pera. Sumulat si Gloc 9 ng mga awitin na tungkol sa mga isyung panlipunan at ang paghihimagsik niya dahil ipinapaalam niya sa

26

gobyerno na kailangang bigyan ng suliranin ang mga pangyayaring nagaganap sa lipunan at naghahangad ng pagbabagong makabayan. Ngunit hindi lang tungkol sa mga nangyayari sa bayan ang napapaloob sa mga awitin ni Gloc 9, mayroon ding pumapatungkol sa pag-ibig na makikitaan ng hindi pantay ang pananaw ng mga taong nakapalibot sa dalawang nagmamahalan. Mayroon din siyang awiting tungkol sa pagtataksil ng isang kaibigan at awitin para sa mga mang-aawit na may obra maestra na dapat sana ay yaon ang niyayakap ng madla ngunit naisasantabi at mas tinatangkilik ang mga awiting walang saysay dahil inawit ito ng isang artist na siyang sikat. Isa lamang ang makikita sa bawat awiting naisulat at inawit ni Gloc 9, ito ang mga hindi makatarungang sitwasyon na naging dahilan ng mga problema na nararanasan ng isang indibidwal o pangkalahatang sitwsyon, at pati na rin ang personal na pinagdadaanan ng may-akda ng mga awitin na nakasulat sa itaas. Sa bilis ng pagbigkas ng mga letra, nakakaindayog na tono at kakaibang anyo ng pagkanta na tila patula, nahuli ng rap ang panlasa ng mga Pilipino. Maraming mga nagsisilabasang mga rap artist sa bansa na nagtataglay at nagpapamalas ng kanilang mga talento at nagbabahagi sa madla ng mga awiting maaring nakaiimpluwensiya, nakapagbibigay-aliw at nakapagbibigay inspirasyon. 4.1

Ang mga Paksa ni Gloc 9 sa Kanyang mga Piling Awitin. Pumapaksa ang mga awiting “Upuan”, “Silup”, “Bugtong”,

“Hari ng Tondo” at “The Bobo Song” tungkol sa maruming pamahalaan ng Pilipinas. Ang awiting “Limang Kanta Lamang” ay pumapaksa

ito

mamamayan.

tungkol

Ang

sa

pagiging

pangatlong

paksa

makabayan ay

ang

ng

mga

“Krimen

at

Kahirapan”. Napapabilang dito ang mga awiting “Lando”, “The Bobo

Song”,

“Balita”,

“Salbahe”,

“Inday”

at

“Magda”.

Samantalang pinapksa sa mga awiting. Sa huling paksa na

27

tungkol sa pamilya at homopbya makikita ang mga awiting “B.I” at “Sirena”. 4.1.1 Maruming Pamahalaan Pamagat ng Awitin: Upuan Nakikiramay sa kalagayan ng mahihirap sa bansang ito ang mga awitin ni Gloc 9. Dahil galing siya sa kahirapan kaya naiintindihan niya ang mga paghihirap na dinadanas ng mga mahihirap sa bansa. Sa maraming pagkakataon nagsilbing boses ng masa ang kanyang mga awitin na pilit iparating ang kanilang mga

paghihirap

sa

mga

politikong

makatutulong

ngunit

kadalasa’y hindi sila pinapansin. Diretso

sap

unto

ang

kanyang

awiting

“upuan”

na

nakikiusap sa mga taong nakaupo na mulatin ang kanilang mga mata at lisapin ang naghihirap na mga tao sa labas ng kanilang mga komportableng tahanan. Tumutukoy ang awiting ito sa taong mayayaman at mga politiko. Binabahagi ng awitin ang sitwasyon ng mga taong ito at inihahambing ito sa mga naghihirap na kanilang dapat sineserbisyuhan. Sumisimbolo

ang

upuan

sa

mataas

na

posisyon

at

pinararating ng awitin sa pamamagitan ng simbulong ito na mayroong hindi tamang nangyayari sa bansang ito at dapat ito bigyan ng remedyo. Ipinapahiwatig na masyadong maraming naghihirap at kakaunti lang ang mayaman. Inaabuso pa ng mayaman ang mahihirap. Kung papansin ang awiting ito inaakala na literal na upuan subalit pumapatungkol ito sa puwesto ng pulitika. Ipinapahiwatig nito na nagbubulag-bulagan lamang ang pamahalaan sa tunay

28

na kalagayan ng mahihirap na Pilipino. Tumutukoy din kung anong meron ang mayaman na wala sa mahirap. Maraming pera ang mayayaman para bumili ng kanilang pangangailangan samantalang taliwas ito sa mga mahihirap na pinagkakasya ang badget sa buong araw na pamumuhay. Sinasalaminan ang panlabas na anyo ng mahihirap kumpara sa mayayaman. Ayon sa Riles Network na pinamagatang “ manggagawa ng LRT, nagpakalbo bilang protesta. Kawalan ng katarungan at matinding kahirapan sa tuwid na daan ng DOTC(January 18). Nagsagawa muli ng kilos protesta sa opisina ng DOTC ang mga manggagawa ng LRT at kasapi ng RILES Network para kondenahin ang anila’y nagpapatuloy na inhustisya at kahirapan sa tuwid na daan ng gobyernong Aquino at sa nasabing ahensya. Kabilang sa kanila ang sampung manggagawang nagpakalbo para isalarawan ang kanilang pagkadismaya sa patuloy na pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan ng DOTC sa kanilang kahilingan mabayaran na ang kanilang backwage at separation pay na matagal nang ipang-utos ng Supreme Court na ibigay sa kanila. Aabot sa P229 milyon ang nakatakdang ibigay sa mahigpit 200 claimants na orihinal na nagtaguyod noon ng LRT. Nagpahayag sila tungkol sa administrasyong Aquino “walang katwiran sa tuwid na daan ni Pang. Aquino. Habang naghihirap tayo sa paghahagilap ng panggastos sa araw-araw, naglilibang naman si Noynoy sa kanyang P4.5 milyon white Porsche. Dinadagdagan niya pa ang mga bayarin sapamasahe, toll fee. Eskwelahan, buwis at pinabayaan niya ang mga negosyante sa pagtaas sa presyo ng langis at iba pang bilihin. Naliligaw na tayo ng landas sa maling direksyong tinatahak ng ating pangulo.” (https://rilesnetwork.wordpress.com/page/10/) Makikita sa pahayag na ito ang kawalang pansin ng administrasyong Aquino.Gumawa ang mga manggagawa ng paraan para mabigyan sila ng pansin at hustisya laban sa gobyernong Aquino. Kinundera ng iba’t ibang mga progresibong

29

grupo ang 50 hanggang 87 porsyentong pagtaas ng pamasahe sa Light Traul Transit at Metro Rail Transit matapos itong ipatupad ng Department of Transportation and Communication noong ika-4 ng Enero. Batay sa petisyon ng mga manggagawa, walang kapangyarihan ang DOTC na magpatupad ng mga kautusan lalo na at kulang ang konsultasyon na isinagawa nila sa publiko. Bukod dito, wala rin umanong batayan ang ibinibigay na mga dahilan ng DOTC ukol sa pagtaas ng pasahe. Ayon kay Malunes, sobrang tagal na ang isang dekadang pagkakait sa kanila ng hustisya. Iligal na tinanggal ang mga manggagawa ng LRT noong magsagawa sila ng strike noong 2000.

Pinaboran

ng

NLRC

at

Supreme

Court

ang

mga

manggagawang sa kanilang isinampang kasong Illegal Dismissal subalit lumipas ang panahon ni Arroyo at naupo si Aquino ay wala pa ring hustisya. Namatay ang ilan sa mga manggagawa dahil sa sakit na tagal ng paghihintay. Dagdag pa niya na siya ring tagapagsalit ng RILES Network, double standard ang ginagawa ng gobyernong Aquino sa pagtugon sa operasyon ng LRT at MRT. Aniya niya na hindi marunong magbayad ang gobyerno sa mga manggawa nito. Kayo po na nakaupo, Subukan niyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw na ninyo Ang tunay na kalagayan ko Ipinapahiwatig sa saknong ito ang mga opisyales sa gobyerno na nakaupo lamang sa kanilang mga posisyon na hindi kumikilos

upang

tumulong

nangangailangan ng tulong

sa

mga

taumbayan

na

at bigyang pansin ng pamahalaan

ang mga taong nasa ibaba. Pumupukaw ito sa mga mahihirap na lumaban at ibsan ang kahirapang dinaranas. Ang pagiging

30

mahirap ay hindi mananatili kung maghahanapbuhay ang bawat isa para sa ikakaunlad natin at kinakailangan ang pagkakaisa. Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Alam niyo bang pantakal ng bigas naming ay Di puno Ang ding-ding ng bahay naming ay pinagtagpiTagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Ipinapahiwatig sa saknong ito ang buhay ng mayayamang pulitiko na naging bulag sa mga mata ng mahihirap. Inihalintulad sa saknong ito ang buhay ng mayayaman at mahihirap na umaasang mabigyang atensyon. Maranya ang buhay ng politiko subalit taliwas ito sa buhay ng mahihirap. Ipinaparating rito na kung sino ang mayaman o kaya kung sino ang nasa gobyerno sila

rin

ang

nakakalamang.

Sa

kabilang

dako,

ang

mga

nakakababa ang mga naghihirap sa lipunan na ito. Sinasabi rin ditto na mas importante ang mga kagustohan at kaisipan ng mga nakakalamang kaysa sa mga nakakababa. Nagbanggit nang ilan sa

mga

kahirapan

na

hinaharap

araw-araw

para

lamang

mahikayat na tignan ng mayayamang gobyernong naninirahan sa malalaking bahay ang buhay ng mahihirap at maging pantay ang lipunan. Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa’g wag magalit O bato-bato sa langit Ang matamaan ay Wag masyadong halata Wag kang masyadong halata

31

Pinaparating sa saknong ito ang sarkastikong pananaw ng sumulat ng kanta na kung gagawa man ng kababalaghan ang mga lider kontra sa ikabubuti ng taumbayan kailangang wag itong magpahalata sa gagawin niya. Sinasabi sa saknong ito na likas na sa mga politiko ang pandaraya at alam ng taumbayan na mayroong pandaraya’t pangungurakot na nangyayari ngunit wala silang magawa ukol dito dahil wala silang kapangyarihan. Nagsisilbing pananaw at boses ng masaka ukol sa mga reklamo nilasa institusyon ng pilipinas. Sa pamaraang ito sinikap ni gloc 9 na imulat ang mga mata ng mga politiko kahit na sinabi niya ang katagang: Kahit sa dami ng pera niyo Walang doctor na makapagpalinaw ng mata niyo. Sa pamamagitan ng saknong ito umaasa siyang luminaw ang mga mata ng gobyerno o nasa pamahalaan at mabigyang pansin nila ang mga taong mahihirap. 4.1.2 Maruming Pamahalaan Pamagat ng Awitin: Silup 4.1.3 Maruming Pamahalaan Pamagat ng Awitin: Bugtong Pumapatungkol ito sa pagbabalat kayo ng pamahalaan na nangingibabaw ang korapsyon. Ipinapahiwatig ng musikero na mahilig magsinungaling ang mga taong nasa pamahalaan at ang pagbibitaw ng mga salitang hindi tinutupad. Idinaan lamang niya ito sa bugtong na kung saan huhulaan kung sino ang tinutukoy niya at may malalim na pagpapakahulugan subalit makikita sa kanyang bawat liriko na ang pamahalaan ang binabatikos nito. Inilalarawan sa awiting ito ang katangian at pamumuhay ng isang gobyerno o pamahalaan. Ang pagbubulag bulagan ng

32

pamahalaan sa mga nagaganap sa kanilang paligid. Hindi nila napapansin ang mga mahihirap na humihingi ng tulong sa kanila. Ipinapahiwatig ditto na kailangan nating alamin at bigyang halaga kung sino ang binoboto natin. Malalaking kaso ng katiwalian laban sa matataas na opisyal ng gobyerno ang itinuturong dahilan kung bakit muling tumaas ang antas ng korapsyon sa bansa batay sa pinakahuling korapsyon perception index ng Transparency International. Ilan sa mga isyung ito ay ang mga kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay, pork barrel scam na nagdidiin sa ilang senador at ang kwestyonabeleng paggamit ng disbursement acceleration program. Mula sa 85th rank ay umakyat ang pilipinas sa 95th rank nitong 2015 mula sa kabuuang 168 na bansa sa korapsyon perceptions index ng anti-korapsyon watchdog na Transparency International. Ayon sa ahensya ito ay malaking batik sa imahe ng administrasyong Aquino na ang pangunahing platoparma ay paglaban sa korapsyon at tuwid na daan. Sa datos ng Transparency International Malaki n asana ang improvement sa ginagawang paglaban sa katiwalian ng pamahalaan sa mga nakalipas na taon. Noong 2012 nasa ika-105 ang posisyon ng pilipinas. Umangat ito sa 94th rank noong 2013 at nagging 85th rank. Subalit kapansin pansin na sa loob lamang ng isang taon ay bumulusok ito at naungusan pa ng 10 bansa pagdating sa pagsugpo sa korapsyon. Ayon naman sa Malacanang, patuloy ang pagsisikap ng administrasyon na bantayan ang mga nanunungkulan sa gobyerno at mapanatili ang katapatan sa kanilang mga trabaho. ( Marje Navarro/UNTV News. January 29,2016) Laganap ang korapsyon sa ating bansa. Isa itong seryosong problema na ikinakaharap ng ating bansa. Nakaugat ito sa Sistema ng pulitiko dito sa pilipinas. Napakatagal na panahon na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon”. Kabilang sa mga paraan ng korapsyon na isinasagawan sa pilipinas ang graft, panunuhol at paglustay ng salapi. Maraming ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korapsyon sa pilipinas subalit patuloy pa ring

33

laganap

sa

kadahilanang

hindi

lubos

na

nabigyang

ng

kapangyarihan ang mga ahensiya upang labanan ang korapsyon. Ang pagsugpo ng korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. May kakayahan ang lahat na sumugpo sa korapsyon. Malamang ang ibinoto mo’y Kurako’tao Nang kanyang likod ang Ginagawang harap Sa saknong na ito ipinapahiwatig na bilang isang Pilipino karapatan ng bawat isa

na malaman ang mga pangyayari sa

pilipinas lalo na kung tumutukoy ito tungkol sa gobyerno. Sa panahon ngayon, dumaranas ang pilipinas ng talamak na korapsyon sa ating pamahalaan. Hindi maitatanggi na sa pamahalaan ay may mga tao na korakot, ang mga taong pilit gumagawa ng kilos na maaaring ikasira ng bansa. Hindi ito patas para sa mga mamamayan ng pilipinas dahil nais nilang mamuhay sa isang bansa na may maayos at patas na pamahalaan. Gumagawa ang mga Pilipino ng paraan upang maging maayos ang bansa. Sila ang mga taong may malasakit at ang nagnanais na gumanda at umunlad ang pilipinas. Tutungtong sa entablado At makikiharap Dumudura ng mga Kasinungalingang Masarap pakinggan. Marami sa mga politiko ngayon na nagbibitaw ng mga magagandang salita tuwing nangangampanya sila sa taong bayan. Ipinapakita sa saknong ito na karamihan sa mga politiko ay

mahilig

bumitaw

ng

mga

magagandang

salita

at

kasinungalingan. Hindi na natin ito maitatangi dahil nangyayari

34

na at nagaganap sa lipunang ating ginagalawan ang mga ganitong pangyayari. Tikman mo ang paet, Parang di ka nahihiya Napakarami ang gutom Pero ika’y nakahiga Nagpapasaya sa Kayamanang kay bilis Mong nakuha sa pinagsama-sam Naming buwis. Ipinapahiwatig ang kawalang pansin ng mga politiko sa mga taong mahihirap. Ang mga politikong nasa magandang buhay na hindi man lang nakikita at napapansin ang pamumuhay na mayroon ang mahihirap. Nagpapakasaya sila sa kanilang kayamanan na galing sa kaban ng mamamayan samantalang nagugutom ang mga taong nasa kanilang paligid. Iminumulat sa saknong

ito

na

magising

ang

mga

pamahalaan

sa

mga

nangyayari sa paligid at ang paggising nila galing sa pagbubulag bulagan nila. 4.1.4 Maruming Pamahalaan Pamagat ng Awitin: Hari ng Tondo Ang tondo ang isa sa mga lugar kung saan laganap ang maraming krimen

at kilala ang tao roon na mga basagulero,

laging napapaaway at hirap sa buhay kaya’t kapag naririnig ang”Hari ng Tondo” naiisip ng bawat isang an glider ng mga basagulero at laging nasasangkot sa mga gulo o krimen. Inilalarawan ang Maynila na sa unang tinging animo’y isang mapayapang lugar ngunit sa likot nito hindi mapapansin ang mga

35

pangyayari na krimen at iba’t ibang transaksyon na nagaganap at lingid sa kaalaman ng lahat lalo na sa pamahalaan. Inilalarawan sa awiting ito ang mga taong takot sa mga may kapangyarihan at takot ilahad ang mga nasasaksihang krimen dahil inaalala nila ang mga maaaring mangyari sa kanila at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang mga taong inaabuso ang mga kapangyarihan at gumagawa ng masama sa lipunan at sa kapwa at ang mga taong pinipiling gumawa ng masama at kumapit sa patalim, kumapit lamang ng pera at makaraos lamang sa isang araw. Pumapatungkol ang awiting “Hari ng Tondo” sa buhay ni Asiong Salonga na naging buhay na rin ng bawat isa at naging daan upang ilahad din ang talamak na krimeng nagaganap ditto sa ating pamahalaan. Ang lugar na kinamulatan ng isang taong malaki

ang

naging

impluwensiya

sa

pagbuo

ng

kanyang

pagkatao. Namulat si Asiong sa Tondo kung saan talamak ang “gang” at kung sino ang malakas siya ang nasusunod o naghahari. Kapag malakas ang isang tao siya ang nasusunod o naghahari. Kinatatakutan ng lahat ang mga taong malakas kahit mali ang pamamaraan. Tumutukoy ito sa realidad na hindi nakikita at naoobserbahan lalo na ang pamahalaan. Iminumulat nito ang mga mata na dapat pantay-pantay lamang ang ating pagtingin at sa kapwa at dapat mas piling gumawa ng tama at huwag ipagpapalit kailanman ang dignidad at prinsipyo para sa sariling pangangailangan. Ayon sa ABS-CBN News.Com (August 22, 2010). “Tondo Manila has highest Crime rate in Manila”. Kapag naririnig ang lugar na tondo madalas naiisip ng tao ang mga imahe ng kahirapan at ang pagiging pugad nito ng mga criminal. Tila

36

kinukumpara ito ng stadistika. Lumalabas na ang tondo ang may pinakamataas na crime rate sa buong maynila. Karamihan ng krimeng nagaganap ay snatching. Sa panahon ngayon, karamihan sa mga balita sa araw-araw ay tungkol sa mga pagpatay, pagdukot, pagnanakaw, panggagahasa at iba pang karumal-dumal na krimen.Ang mga krimen ay lalong nagiging brutal, na parang ginawa ng mga halimaw, at ang pangunahing dahilan ay ang pagkakasangkot ng illegal na droga.Kaya nga malimit nating nababalitaan ang mga nasa impluwensiya ng droga na pinapatay o inaabuso ang kanilang sariling pamilya.Sa ngayon, lumalaki ang paniniwala ng mga mamamayan na patuloy ang paglubha ng problema sa kapayapaan at ilegal na droga.Dahil dito, ang mga estadistika na pinalalabas ng mga awtoridad tungkol sa pagbaba ng krimen ay sinasalubong ng pag-aalinlangan. Noong Agosto, nalathala ang ulat ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa krimen sa unang anim na buwan ng 2015.Ayon sa PNP, ang bilang ng krimen sa Metro Manila ay bumaba ng 60 porsiyento kung ihahambing sa bilang sa unang anim na buwan ng nakaraang taon.Ngunit sinabi rin ng PNP na sa buong bansa, ang bilang ng krimen ay tumaas ng 46%.Sa aking pananaw, ito ay indikasyon na dumarami ang krimen sa mga lalawigan. Sa nakalipas na panahon, sinasabi natin na ang mga mapayapang komunidad ay nasa mga lalawigang malayo sa Kamaynilaan.Batay sa ulat ng PNP, ang index crimes sa buong bansa ay tumaas ng 37.3% mula sa 256,592 noong unang anim na buwan ng 2014 hanggang sa 352,321 ngayong 2015.Ang mga tinatawag na index crimes ay ang pagpatay, panggagahasa at pagnanakaw.Ang bilang ng kasong murder ay umabot sa 7,245 sa unang anim na buwan ng 2015, mula sa 5,004 sa parehong panahon noong 2014. Ang mga kaso ng homicide ay tumaas mula sa 4,091 hanggang sa 6,607.Ang kalagayang pangkapayapaan sa Pilipinas ay sinusubaybayan ng ibang bansa upang matulungan ang kanilang mga negosyante sa paggawa ng desisyon kung saan mamumuhunan.Sa ulat na “Overseas Business Risk-Philippines”, na may petsang Hulyo 2015, binanggit ng pamahalaan ng Britanya ang mataas na bilang ng mga bayolenteng krimen sa Pilipinas, kabilang ang paggamit ng baril, sa paggawa ng krimen.Hindi naman nagiisa ang Pilipinas sa suliranin sa droga. Ayon sa 2015 World Drug Report ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), may kabuuang 246 na milyong tao ang gumamit ng ilegal na droga sa daigdig noong 2013. Sa nasabing taon, 187,100 tao ang namatay na may kaugnayan sa droga.Sinuman ang mahalal na uupo sa Malacañang ay mangangailangan ng mahusay na pangkat at lahat ng suportang makukuha upang malutas

37

ang mga problemang ito sa susunod na anim na taon, para sa kapakanan ng bayan at kinabukasan ng mga mamamayan. (http://balita.net.ph/2015/11/04/ang-pilipinas-noong-2010-at-sa-2016/) Ipinapahiwatig sa pahayagan na ito na sa panahon ngayon tumataas na ang bilang ng krimeng nagaganap sa loob ng bansa subalit hindi nabibigyang pansin ang karamihan. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng mga salat sa buhay kundi pati na rin ng mga nakakaangat. Dahit dito, kabilang ang pilipinas sa isa sa mga bansa na mayroong pinakamaraming nagaganap na krimen taun-taon sa buong mundo. Kapansin-pansin ang mga krimeng nagaganap ngayon tulad ng pagpatay, pagnanakaw, panggagahasa at panloloko. Maraming Pilipino ang natatakot at naaalarma. Hindi maitatago ang katotohanan na may dahilan ang mga taong ito kung bakit patuloy nilang ginagawa ang mga bagay na alam nilang mali. Minsan sa isang lugar sa Maynila Maraming nangyayari Ngunit takot ang dilang sabihin ang lahat Animo’y kagat-kagat Ipinapahiwatig sa saknong ito na may mga taong hindi kayang sabihin ang mga masasamang krimeng nagaganap dahil takot silang masangkot. Inilalarawan sa saknong ito ang pagiging takot ng tao sa isang nagsisiga siga na tao at ang lugar na mayroon sila. Mga bitukang halang Isang

halimbawa

ng

idyomatikong

pagpapahayag

na

tumutukoy sa masamang tao o kaya naman mga taong pumapatay ng tao. Ang mga taong wala nang ginawang tama dahil puro kasamaan lang ang ginagawa halimbawa na rito ang magnanakaw, mga mamamatay tao, mga kidnaper at mga holdaper. Isinasaad ang paggawa ng kasamaan. Baka mabansagan ka na hari ng tondo

38

Ipinapahiwatig rito ang mga taong nag hahari-harian, mga taong malalakas at matapang at mga taong basagulero na kinatatakutan ng lahat. 4.1.5 Maruming Pamahalaan Pamagat ng Awitin: The Bobo Song Pumapatungkol

ang

awiting

ito

sa

mga

politikong

gumagamit ng mga kapangyarihan para lamang makuha ang atensyon ng mga tao. Karamihan na sa mga politiko ngayon ay gumagamit ng mga artista o mga sikat na taong tinatangkilik ng mga tao para makuha ang boto ng mga tao. Nagsisilabasan sa mga telebisyon ang mga anunsyon ng mga politiko na pawang kasinungalingan lamang. Hindi na maitatangi ang karumihang pamahalaan mayroon ang pilipinas. Kumukuha sila ng mga artista at dumudura ng milyong milyon pera na galing sa kaban ng bansa kapag nangangampanya ang mga politiko. Ayon sa inquirer.net na pinamagatang “Social media ads mas patok, pero TV ads pa rin ang ‘credible’-analyst (May 3, 2016). Bagaman tila patok na patok ngayon ang paggamit ng social media sa pangangampanya para sa halalan ngayon hindi pa rin naman nito nahihigitan ang laki ng impact ng television advertisements. Maaaring mas marami nang gumagamit ng social media, ngunit dahil sa mga isyu ng kredibiliada mas pinili pa rin ng mga pulitiko ang telebisyon para iparating ang kanilang mga mensahe at plataporma sa publiko. Iba-iba rin ngayon ang mga diskarte ng mga politiko sa paggamit ng TV ads, at kung ikukumpara sa dati mas kaunting artista na ang ginagamit nila. Gayunman, dahil sa mahal ng bayad sa mga TV ads, maraming politiko na rin ang gumagamit ng social media bukod sa libre ito rin ang ginagamit ng mga kabataan na bumubuo na ngayon sa malaking bahagi ng populasyon ng mga botante. (radio.inquirer.net/30086/social-media-ads-patok.com) Makikita sa pahayag na ito na laganap na ngayon ang social media ads na nananatili

namang

mas

ma-impluwensya

ang

TV

ads.

Itinuturing

39

pinakamakapangyarihang medium ang telebisyon. Hindi maaaring iasa lang sa social media ng mga kandidato sa pangangampanya. Hindi pa rin aniya napapatunayan ang kredibilidad ng social media sa pangangampanya dahil kaya rin itong manipulahin ng mga kalaban na partido. Pulitiko na sa showbiz possible na pala Ang dami nang artista sa pulitika pa nga Bobo, inutil, walang pinag-aralan Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata Upang mapansin ka ng madla Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmula 1 2 3 teka lang nauna me Makikit ka nang mga natapakan sa tv Habang kinakainma yung kanin, chicken adobo Ayoko ng ganito nakaka-bobo Makikita sa saknong ito ang paggamit ng kapangyarihan ng mga politiko sa pangangampanya. Ipinapahayag sa lirikong ito na karamihan sa mga politiko ay nagsasalita ng mga kasinunggalingan at mga pangako ng mga kandidato kapalit ng boto. Lahat ng gusting marinig ng mga tao, asahang sasabihin nila.Maraming artista at iba pang impluwensiyal na personalidad ang naglalahad ng kanilang saloobin sa mga isyung political, lumalahok sa iba’t ibang gawaing pampulitiko at nag-eendorso at kumakampanya para sa mga kandidato at partido. Maraming models ang ginagamit upang lubos na maipahayag ang nais na sabihin. Tuwing eleksyon hindi maiiwasang usapang politiko ang mamamumuno sa lahat na nasasakop ng medya. May kakayahan ang medya nan a mamili ng mga taong tampok sa kanilang mga nailalathala. Dahil dito, mas naging pamilyar ang masa sa mga pangalan na ito kahit walas silang maayos na pagkilala sa nakaraan at mga nakamit ng tao na ito. 4.1.7 Maruming Pamahalaan Pamagat ng Awitin: Limang kanta lamang Pumapatungkol ang awiting ito sa pagtingkilik ng mga awiting Ingles o awiting banyaga

na walang kahulugan. Mas pinapahalagahan ang awitin na

galing sa iba kahit na hindi ito kaaya-ayang pakinggan. Tinatangkilik ang mga

40

ibang awitin o awiting Ingles dahil sa nangaling ito sa sikat na artista o musikero. Hindi lang sa usaping awitin sa ibang bansa kundi pati na rin sa mga awiting pinoy na nangaling sa mga tanyag na mga mang-aawit na hinahangaan ng mga tao. Mahilig ang mga kabataan ngayon sa awiting banyaga at sa ibang awiting galing sa sikat na mang-aawit at artista dahil sa pag-uugali ng mga inidolo nilang artista. Nahihilig din sila sa dayuhang musika dahil sa kultura ng isang bansa. Isa pa sa mga dahilan ng pagkahilig ng kabataan sa musikang dayuhan ay ang napakalakas na colonial mentality na taglay ng mga kabataan dahil sa pananakop noon ng iba’t ibang bansa sa pilipinas. May ibang mga kabataan na nahihilig sa musikang banyaga dahil sa uso ito at para makasali sa usapan ng mga kaibigan at iba pa.Ayon sa Blog ni Suzettie na pinamagatang “k-pop: Ang pagtangkilik at epekto ng musika ng mga koreano sa mga Pilipino (Disyembre 1, 2016). Isa sa mga libangan ng mga Pilipino ay ang kumunta. Mapatagalog, Ingles o kahit anong lenggwahe pa iyan basta’t nagustohan nila asahan mo’t kakantahin nila ito kahit hindi nauunawaan ang liriko. Maliban sa mga awiting Pilipino marami pa ring mga awitin na nagmula sa iba’t ibang bansa ang mas tinatangkilik ng mga Pilipino lalong-lalo na ang mga kabataan sa panahon ngayon.Nandiyan ang A-pip, J-pop at higit sa lahat ang k-pop. Ang k-pop ay mga awiting nagmula sa bansang korea partikular sa bahaging Timog ng Korea. Dahil sa likas na hilig ng mga Pilipino sa iba’t ibang uri ng awitin madaling nakuha ng k-pop ang atensyon ng mga kabataang Pilipino. Karamihan sa mga nahuhumaling dito ay paulit-ulit na pinapanoodo pinapatugtog ang mga music video ng kanilang mga iniidolo. Malaki ang naging impluwensya ng K-pop sa industriya ng musika sa pilipinas. Kung mapapansin natin ngayon may mga nagsusulputan na ding mga grupo ng kalalakihan at kababaihan sa bansa na sumasayaw habang kumakanta. Maraming usap-usapan na untiuntingnamamatay o natatabunan ang mga opm songs dahil sa pagdating ng k-pop sa bansa. (suzettie.blogspot.com/2016/12/kpopangpagtangkilik.com). Sa pahayag na ito ipinapakita na halos kakaunti lamang ang maririnig na mga awiting nasa wikang Filipino. Maraming mga sikat na mang-aawit ngayon ang higit na pinipiling umawit ng mga banyagang kanta o di kaya’y muling awitin ang mga lumang kanta, OPM man o banyaga. Mas naririnig sa mga paligsahan ang mga awiting Ingles kagaya lamang nina Maria Carey, Celion Dion at Whitney

41

Houston. Naglalaho rin ang pagkatao kasabay ng pag-iawa sa mga awiting nasa sariling wika. Nawawala ang identidad bilang mga Pilipino sa patuloy na pagtangkilik sa mga banyagang awit nang higit pa kaysa sa mga awiting nasa wikang Filipino. Sa ngayon mas matingkad ang wikang Filipino sa Pinoy rap tulad ng mga likha ni Gloc 9 na bukod sa mapangahas ito sa pagbatikos at pagpuna sa pamahalaan at lipunan ay nasa wikang Filipino din ang mga ito. Alam mo tol matagl ko nang gusting itanong Bakit ang musika nati’y laging nasa labas Nang bubong Kahit napakarami ang nagsasabi na your da best Bakit di ka naming nakikita sa October fest Di pina patugtog ang awit kapag hindi ingles Kahit na tunog kanluran,bakit nakaka depress yes Alam na nila kung sino ang tinutukoy Kasi may mga awit ng malambot pa sa okoy And nasa kanilang playlist,pero bakit tunog luma ang kanilang laylist Walang pananampalataya parang atheist Hindi na kanilang sabihin ang alias,were thje craziest Makikita sa liriko na ito na ang pagtangkilik sa mga awiting Ingles o sa ibang bansa. Sa panahon ngayon ay hindi na binibigyang pansin ang mga awitin na nasa wikang Filipino kahit na may malalim na kahulang nais iparating ng musikero. Naging kasabay sa pagmulat ng mga kabataan ang ibang mga nagsisidatingang uso at sa mga makabagong teknolohiya at makabagong henerasyon. Iminumulat ang mga tagabasa na may mga awiting nasa wikang Filipino mas malaki ang mapupulot na aral o kahalagan. Sa usapin ng mga musikero ipinapakita na kapag hindi sikat na mang-aawit ang gumawa sa awiting ito ay hindi na ito papakinggan ng mga tao kahit na may magandang kahulugan. 4.1.8

Krimen at Kahirapan Pamagat ng Awitin: “Lando” Pumapatungkol ang awiting ito sa dalawang nagmamahalan na magkaiba

ang estado ng buhay ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.

42

Pinapakita ng awiting ito na hindi nagbabase sa estado ng buhay ang pagpili ng taong iibigin. Sa naging climax ng awitin, ipinakita nito ang pangyayaring maaring mangyari sa kahit sino man. Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao Upang ating paghatian pagdating ng hapunan Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa Sa tagiliran isang makalawang na lanseta Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa… Sa mga nakaraang taon, mataas ang pursyento ng krimen sa bansa. Hindi ligtas ang paglalakad sa mga kalye at eskina maging umaga an o gabi. MANILA, Philippines - While the Philippine National Police (PNP) claimed a 60 percent decrease in crimes in Metro Manila, the number of crimes committed nationwide increased by about 46 percent during the first six months of the year as compared to the same period last year. Records from the PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) showed that theft, car theft, physical injuries and rape were among the crimes that had a huge increase. The PNP said 885,445 crimes were reported from January to June, compared to 603,085 cases during the same period last year. There were 352,321 index crimes for the first six months of the year, which is 37.3 percent more than the 256,592 cases reported in the same period last year. (Philstar, 2015) Masakit isipin na maraming krimen ang nangyayayri sa bansang kinalakihan. Hindi tulad sa ibang karatig bansa na masyadong disiplinado ang mga tao at natatakot na gumawa ng krimen dahil na rin sa mahigpit ang batas nila. Tulad na lamang sa nangyari sa babae sa awiting “Lando”, nasayang ang buhay niya sa paglaban sa tulisan na nais kunin ang kaniyang pitaka habang siya ay naglalakad patungo sa lugar kung saan sila magkikita ng kanyang bana. Ang ganitong uri ng pangyayari ay totoong nangyayari sa bansa, hindi nakakasigurado ang bawat isa sa sekyuridad nila lalo na sa mga madidilim at wala gaanong taong makikita o dumadaan na mga eskinita. Ngunit hindi lamang sa mga eskinita masasaksihan ang ganitong pangyayari, kahit na sa mga pampublikong lugar,

43

maraming mga mandurukot na kayang pasalangin ang biktima matapos nitong makuha ang mga bagay na ninanais. MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na Korean national nang umalma at barilin ng sinasabing kasabwat ng mga ‘batang hamog’ na mandurukot sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw. Namatay habang ginagamot sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City ang biktimang si Joong Chulan, binata, at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 21-H Malate Bayview Tower, Adriatico St., Malate, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan. Tinutugis na ang mga magkakasabwat na batang hamog na kinilalang sina Henry Patriminio, alyas “Buknoy”, tinatayang 25-28 anyos; Michael Velarde, alyas “Peping”, ng J. Bocobo St., Malate at Romalyn Fernandez, ng 941 Ma. Orosa St., Malate, Maynila. Sa ulat ni PO3 Christian Caparas ng Manila Police DistrictHomicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Adriatico at Remedios Sts., Malate, Maynila. Nabatid na kagagaling lamang sa isang bar ng biktima pauwi sa tinutuluyang hotel nang palibutan umano ng isang grupo ng batang hamog na hindi bababa ang bilang sa 10 hanggang 15. Dinukutan umano at inagawan pa ng cellphone ang biktima subalit pumalag. Nakita umano ng dalawang kasapakat ng mga batang hamog na binatukan ng dayuhan ang mga paslit na nambiktima sa kanya kung saan naglabas ng baril at malapitang pinaputukan ng suspek ang biktima. (Philstar, 2013)

Hindi lang mga nasa edad o matatanda ang may kakayahang gumawa ng ganitong krimen, kahit mga bata o mga menor de edad ay nakikita sa telebisyon o naririnig sa radyo na nasasangkot sa paggawa ng ganitong krimen. Hindi na bago sa pandinig ng mga Pilipino ang ganitong uri ng pangyayari, hindi na kagulatgulat kung makakakita o makakarinig ng ganitong balita at ito ang masakit na katotohanan na hinaharap ng Pilipinas. 4.1.9

Krimen at Kahirapan Pamagat ng Awitin: “The Bobo Song”

44

Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga Nakapangalumbaba simula pa nung bata Di naman importanteng magpakadalubhasa Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan Maniwala, pero wag umasa sa himala Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong Mas masahol pa sa bobo ang bobo nagmarunong Kung ang pag-iisip para sayoy nakakangawit Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao…

Maraming mga taong hindi nakapag-aral na agad naniniwala sa lahat ng ipinapalabas sa mas midya sapagkat ito lamang ang impormasyon na naririnig o nalalaman. Magdamag na nakatungaga sa telebisyon at sa mga social media sites at nakakakuha ng mga balita o impormasyon na mayroong kaakit-akit na heading at agad-agad itong pinapaniwalaan na totoo sa walang pagdadalawang isip na maaring magdulot ng mga hidwaan o di pagkakaintindihan sa isa’t isa. Minsan umaabot pa ito sa pagbibintang sa mga taong wala naman talagang kinalaman sa mga isyung lumilitaw sa mga social media sites. Martes nang kumalat sa social media ang video ng pag-aaway ng dalawa na napunta sa suntukan na nauwi sa paghugot ng baril ng suspek mula sa sasakyan nito saka pinagbabaril ang biktima. Dahil dito, agad umaksyon ang mga nakanood ng naturang video, na kalauna'y naging viral, para matunton ang noo'y hindi pa kilalang suspek. Isa ang Top Gear Philippines sa nag-post ng litrato ng sasakyan at drayber ng umano'y suspek na noo'y tinukoy na si Nestor Punzalan.

45

Ngunit nitong Martes din ay dumulog si Punzalan sa National Bureau of Investigation (NBI) at itinanggi na siya ang may-ari ng tinukoy na sasakyan. Naglabas naman ng public apology ang Top Gear Philippines, partikular na ang kanilang editor na si Vernon Sarne, para iklaro ang maling pag-akusa kay Punzalan. Sa kabila ng paglilinaw, inamin ni Punzalan at ng misis nito na nakatanggap sila ng samu't saring pambabatikos at pananakot kabilang na ang death threat sa social media, na siyang dahilan para i-deactivate ang kanyang account. Samantala, lumitaw sa imbestigasyon na ang Army reservist na si Vhon Tanto ang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Geralde. Kinilala na rin ito ng isang testigo. 'MOB MENTALITY' Dahil sa inabot na online shaming ni Punzalan, nagpaalala si Prof. Christine Cox ng Department of Communication Research ng University of the Philippines (UP) Diliman na kailangang sigurado muna ang netizens sa ibinabahagi nila sa social media. "Since 'yung information sobrang dami, mahirap i-filter so hindi nila alam san papanig o saan maniniwala." Aniya, sa bilis ng paglabas ng mga balita at impormasyon sa social media, mabilis din ang panghuhusga. "By then, lahat ng tao gusto makisali sa usapan pero hindi nila alam ang buong istorya, picture lang nakikita mo tapos konting description. Nagiging emosyonal sila, parang may mob mentality," banggit nito. (ABSCBN News, 2016)

Ipinapakita nito ang kakulangan ng mga tao na mapatunayan muna ang mga ipormasyon o balitang nakita o nabasa. Nauuna ang mga reaksyong hindi naman naayon sapagkat mali ang impormasyng natanggap at ito ang pinagmumulan ng mga alitan sa social media o maging sa personal man nap ag-

46

uusap. Hindi man kontrolado ang mga lumalabas sa internet sapagkat obligasyon na ng mga mambabasa na siguraduhing totoo o tama ang mga nakikita upang maiwasan ang ganitong uri ng pangyayari. Ayon pa kay Gloc 9 sa kanyang awitin na nakaka-bobo ang lahat ng kanyang nakikita dahil na rin sa mga mali-maling impormasyon na lumalabas kahit saan. Minumulat ng awiting “The Bobo Song” ang isipan ng mga Pilipino. Ninanais niyang ipakita ang mga kakulangan at dapat baguhin upang makaiwas sa mga hindi kanais-nais na pangyayari.

4.1.10 Krimen at Kahirapan Pamagat ng Awitin: “Balita”

Ako ay pilipino sa isip at sa gawa Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan May pamilyang kumakain na kulang sa dalawang Beses sa isang araw minsan wala pang pang lugaw Bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom Na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso Bagkus isang taong gulang nyang kapatid at may baso sa harapan Na nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan Mga pinunong bago mamatay at magkasakit…

47

Sa awiting ito matutunghayan ang kahirapan sa Pilipinas. Makikita na maraming mga politikong nagpapakasarap sa buhay samantala ang nasasakupan ay naghihirap. Marami ang walang trabaho at hindi halos makakain sa isang araw. Ang mga batang dapat naglalaro at nagpapaka-aliw sa kanilang pagiging musmos ay nagtatrabaho upang makakain, na maraming batang nakikita sa mga tambakan ng basura upang mangalkal dahil umaasa sa paglubog ng araw, ang mga basurang naipon ay magiging pera at makakabili ng kanin at ulam para sa pamilya at may mga batang pinipiling hindi makapag-aral o makapagtapos upang maghanap ng trabaho para lamang matulungan ang mga magulang sa paghahanap-buhay. Hindi man nakatutuwang isipin bagkos ito ang nakikita sa Pilipinas. Maraming tao ang naghihirap at kumakayod ng husto araw-araw ngunit hindi pa rin sapat ang kinikita upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. Nasa 5.49 milyon ang mga batang manggagawa sa bansa. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa bukid, minahan, asinan, pabrika, konstraksyon at may nagbebenta ng “laman”. Nasa edad lima hanggang 17 ang mga batang manggagawa. Karamihan sa kanila ay dating nagaaral subalit dahil sa kahirapan ng buhay, napipilitan silang tumigil para tulungan ang kanilang mga magulang sa paghahanapbuhay. Masakit man sa kanilang kalooban, kailangan nilang magbanat ng buto para magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Ayaw man nilang tumigil sa pag-aaral, wala silang magawa sapagkat mamamatay sila sa gutom pati ang kanilang pamilya. Ayon sa National Statistics Office (NSO), mula lima hanggang siyam na taong gulang ay nag-aaral pa ang mga bata (mga 90 percent) subalit habang tumatagal ay nababawasan na ang kanilang bilang. Pagdating ng edad 15 ay 50 percent na lamang ang nasa school. Iba’t ibang trabaho na ang kanilang pinapasok para matulungan ang mga magulang at para magutom. Ayon sa International Labor Organization, dahil sa maagang pagsabak ng mga kabataan sa pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang normal bilang mga bata. Nawawala rin ang kanilang dignidad at potensiyal. Bumabagsak sila sa pagiging alipin, maaagang nawawalay sa kanilang mga magulang at nalalantad sila sa panganib ng pagkakasakit. Ang masama pa, marami sa kanila ang

48

nasasadlak sa masamang gawain. Dahil iba’t ibang uri ng tao ang kanilang nakakasalamuha, naaakit o naiimpluwensiyahan sila na gumawa ng masama. Ang ilan sa mga kabataang babae ay nasasadlak sa prostitusyon. Nakakasanayan na nila ang ganoong klase ng trabaho na madaling kumita ng pera. Kahirapan ng buhay ang ugat kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa. Ilang administrasyon na ang nagdaan subalit ang problema sa child labor ay hindi nabawasan kundi dumami pa nga. Nararapat alamin ng gobyerno ang mga lugar sa bansa na maraming batang manggagawa at tulungan silang makaahon sa pagka-alipin. Bigyan ng trabaho ang kanilang mga magulang para hindi ang kanilang mga anak ang magbanat ng buto. Ang mga bata ay nararapat sa eskuwelahan. (Philstar, 2012)

Isa pang kaganapang panlipunan na makikita sa awiting “Balita” ay ang kaguluhan o giyerang nangyayari sa loob ng Pilipinas. Gobyero laban sa mga terorista o rebelde. Marami ng ganitong balita ang natunghayan ng mga Pilipino. Minsan may mga dinudukot na mga tao ang mga terorista o rebelde bilang kapalit. Ginagawa nila ito upang makuha ang ninanais ng kanilang grupo na mangyari. Tintakot ang gobyerno upang maibigay agad-agad ang hinihiling. Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga Tangan tangan at balot nakasuot ng pang digma Bakit di mapag tugma ang mayaman at dukha Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa Pare-parehong sundalo muslim man o kristyano Ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo Pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang Pinangako respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago

49

Ayon sa kay Roson ng Bandera News (2011), may labing-siyam (19) katao ang napatay sa labanan sa Basilan. Labindalawang (12) sundalo at pitong (7) rebelde ang namatay sa bakbakan na sumiklab alas 5:30 ng umaga. Bukod sa mga namatay na mga sundalo, labing-isa (11) ang naiulat na sugatan habang sampu (10) ang tinangay ng mga nakaenkwentro ng mga ito ayon kay Lt. Col. Randolph Cabangbang, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command. Ayon pa sa balita, hinahanap ng mga sundalo ang nakawalang preso sa Basilan Provincial Jail nang makaharap ang mga armado. At ayon kay Col. Arnulfo Burgos, hepe ng Armed Forces Public Affairs Office, na Abu Sayaff at lawless elements ang nakasagupa ng mga sundalo. Matagal na ang ganitong kaso na makikita sa Pilipinas, ang kahirapang nararanasan ng mga Pilipino at ang giyera ng mga rebelde at gobyerno, kaya sa awitin ni Gloc 9 na “Balita”, ipinararating niya na kailangang tutukan ang mga problemang ito sa bansa sapagkat malaki ang nagiging epekto nito sa mamamayan at pati na rin sa bansang kinabibilangan. Ang kahirapan ang isa sa matagal ng problemang hinaharap ng Pilipinas ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa rin nabibigyan ng solusyon at mas lumalaki pa ito dahil na rin sa hindi mapigilan na paglaki ng populasyon ng bansa. At ang giyerang pabugso-bugsong nangyayari ay nakaka-apekto sa larawan ng bansa. Nagiging isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming mga dayuhang natatakot na bumisita o pumunta dahil sa mga balitang natatanggap nila na magulo ang Pilipinas. Nagiging hadlang ito upang maipakita sa mundo ang kagandahang tinataglay ng bansa.

4.1.11 Krimen at Kahirapan Pamagat ng Awitin: “Salbahe”

50

Sa awiting ito matutunghayan ang mga nararanasan ng mga estudyante noon at kahit pa man ngayon ngunit hindi na gaanong palasak dahil na rin sa mga batas na ipinatupad. …Itong guro ko na masungit, pangala'y Ginang Buenaofra Parang ayoko nang pumasok kase kung makatingin ay parang cobra pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta di na nga matapos sa pagsusulit , wala pang makuha na suporta 'pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano Ang pabaon lagi ay burong , dapat mataas ang marka sa bunot Buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot Mawalang galang na po Ma'am, di po ba kayo makaramdam Sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y parang kagat lang ng langgam?...

Makikita sa siniping taludtod ng awitin ang pang-aabuso ng isang guro sa isang estudyante. Sa awitin mayroong isang uri ng guro na pinangalanang Ginang Buenaofra na nanakit ng kanyang estudyante kaya natatakot itong pumasok sa kanyang klase. Bago pa maipasa ng DepEd ang Child Protection Policy, maraming estudyante ang nakaranas ng ganitong kalagayan. Nagiging pisikal ang ibang guro lalo na’t hindi nagagawa ng tama ang inuutos at hindi makasagot kaagad ang estudyante sa klase at kung hindi man pisikal na pananakit ang natatanggap ng estudyante ay napagsasabihan sila ng mga salitang hindi nararapat na matanggap ng bata katulad ng “bobo”, “estupido”, “gago” at mga pagmumura galing sa guro. Maraming lumabas na balita sa telebisyon, radyo at pamahayagan ang ganitong sitwasyon. Kadalasang nakararanas ng ganitong sitwasyon ay ang mga estudyanteng nasa sub-urban na lugar, yaong mga batang nasa mababang estado ng buhay. Taong 2012, isinulong ng DepEd ang enclosed copy ng Child Protection Policy kaya bumaba ang kaso ng pagmamaltrato ng mga ilang guro sa kanilang mga estudyante. Ang pang-aabuso sa isang bata, pisikal, berbal at mental ay nagiging balakid sa pag-aaral pagkatuto nila. Imbis na maganahan ang isang

51

bata na pumasok sa paaralan nagiging takot sila sa kanilang guro. Ngunit kahit mayroon ng ganitong palisiya na ay mayroon pa ring mga guro na hindi sumusunod dito at may mga estudyante pa ring naabuso. Isa pang isyung panlipunan na matutunghayan sa awitin ay ang pagkakalulong sa droga. Malaki ang pursyento ng mga taong gumagamit at ginagawang hanapbuhay ang pagtitinda ng droga. Isa ito sa malaking problemang hanggang ngayon ay pilit na tapusin ng gobyerno. Pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si Onse Kase palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit saang poste At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe Upang makahingi sa'yo ngkahit na konte, akin na bente pesos kase pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si Remedios Pero ang totoo po niyan , para di kumalam ang kaniyang tiyan Sa tindahan ng semento pagbilan, ng pandikit ng sapatos oh ayan ! E-e-e-enhale, exhale .. pwede ba tigilan mo na nga yang rugby

Ngunit ang mahirap pa sa problemang ito, maraming kabataang gumagamit na ng pinagbabawal na gamot. Sa musmos pa lamang na edad, alam na nilang gumamit nito. May mga taong nalululong sa iligal na droga at dahil sa kahirapan at gutom mas pinipili nilang gumamit nito upang hindi mapansin ang kumakalam na tiyan. Isa sa mga halimbawa nio ang mga nakikitang kabataan sa lansangan na may bitbit na mga plastic cellophane at pinaglalagyan nila ng rugby. Inaamoy nila ito hanggang sa maging high ang pakiramdam nila. Isa ito sa naging pantawid gutom nila dahil nawawala ang kalam ng kanilang sikmura kapag nakakagamit sila ng rugby. Ito rin ang naging dahilan ng paggawa ng krimen ng mga batang lansangan. Nagnanakaw sa mga taong dumadaan o nakikipagsiksikan sa mga lansangan upang masustinahan lang ang hilig ng katawan. Ninanais iparating ni Gloc 9 sa awiting “Salbahe” na ang hindi paggawa ng tama sa kapwa at maging paggawa ng mga bagay na labag sa batas ay may malaking kaparusahang naghihintay. May mga kabayaran ang lahat ng bagay na

52

ating ginagawa. Sa awiting ito, binabantaan ni Gloc 9 ang mga tao na dapat maging maingat sa mga kilos na gagawin dahil maaari itong pagsisihan sa huli. 4.1.12 Krimen at Kahirapan Pamagat ng Awitin: “Inday”

Isa pang uri ng trabaho ang talamak sa bansa ang pamamasukan ng mga taong hindi nakapagtapos sa pag-aaral bilang katulong sa bahay. Marami ng lumabas na mga balita tungkol sa mga kasambahay na minamaltrato at inaabuso ng mga amo. Ganito ring uri ng buhay ang ipinapakita sa awitin ni Gloc 9 na “Inday”. Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko? Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko

Maraming mga taga-probinsya ang pinipiling makipagsapalaran sa Maynila sa pag-aakalang giginhawa ang buhay ngunit dahil sa hindi nakapagtapos ng pag-aaral, hindi makakuha ng trabaho na may malaking sahod. Kadalasan, nauuwi sila sa pagiging utusan o hindi kaya katulong. Hindi ipagkakaila na naging isa sa isyung panlipunan ang hinharap ng mga katulong, ang pag-aabuso at pagmamaltrato sa kanila. Marami sa kanila ang itinuturing na parang hindi tao ng kanilang mga amo. Mas nagiging swerte pa ang mga hayop na kanilang inaalangaan kumpara sa taong naging katulong nila sa mga gawaing pambahay.

4.1.13 Krimen at Kahirapan Pamagat ng Awitin: “Walang Natira”

53

Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahingay iipunin para magamit paguwi Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri

Sa awiting “Walang Natira” pinapakita sa awiting ito ang paninilbihan ng ibang tao sa ibang bansa para lang matustusan ang pangangailan ng pamilya. Pumupunta sa ibang bansa ang ilan sa kadahilanang kulang ang trabaho at hindi sapat ang binayad ng mga nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Tulad na lamang ni Mary Jane Veloso na isang OFW, ang kawalan ng trabaho ang nagtulak sa kanya upang mangibang bansa. Ayon kay Misty Lorin ang Deputy-Secretary General ng Gabriela, “Kung anu-anong trabaho na lang ang pinapasukan gaya ng paggugupit, pagtitinda, paglilinis ng kuko, at kung anu-ano pa para lamang may mapakain sa pamilya. Lahat naghahanap at nawawalan ng trabaho sa bansa dahil na rin sa neoliberal na mga polisiyang ipinatutupad ng gobyernong Aquino.”

Iginigiit ng Gabriela sa Administrasyon na lumikha ng mga pambansang industriyang nagbibigay ng trabaho sa loob ng bansa upang hindi mapilitang umalis ng Pilipinas ang maraming Pilipino (Pinoy Weekly, 2015). Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan Sasanla lahat ng kanilang pag-aari Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano O barko kahit saan man papunta. Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Maraming Pilipino ang mas ginigusto na mangibang bansa at manilbihan sa mga dayuhan kahit na mapalayo sa pamilya. Ginagawa nila ito sapagkat mas malaki ang kanilang nagiging sahod doon. Maraming mga nakapagtapos ng may

54

digri na hindi nagagamit ang kanilang mga napag-aralan dahil iba ang nagiging tabaho nila sa bansang kanilang pinagtatrabahuan. Tinitiis nila ang hirap at lumbay na nadarama para lamang makapagpadala ng pera sa mga minamahal. Ipinapakita ni Gloc 9 sa awiting “Walang Natira” na nasasayang ang ma manggawang Pilipino na may malaking kakayahan na makatulong sa ikaka-unlad ng bansa ngunit dahil sa kakulangan ng trabaho at maliit na sahod, napipilitan silang umalis ng bansa. Ninanais niyang ipahayag na kailangan ng gawan ito ng aksyon at bumuo ng mga solusyon upang makatulong sa mga manggagawang Pilipino.

4.1.13 Krimen at Kahirapan Pamagat ng Awitin: “Magda”

Isang hanapbuhay na hindi dapat pasukan ng sinumang tao ang ipinapakita sa awiting “Magda”. Ang pagiging bayarang babae na bunga ng kahirapan. Madaling kumita sa ganitong uri ng hanapbuhay kaya naging talamak ito sa ating bayan ngunit kahit hindi man isang kaaya-ayang trabaho ang pagbebenta ng katawan ay maaari pa ring makatagpo ng isang taong magmamahal sa iyo ng tunay. Lumuwas habang nagdarasal na maabutan Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan Iba man ang kulay ng buhok 'di ko malilimutan Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta Sa maliit na entablado ay nakita ko na

55

Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?

Ayon sa Phil Star Ngayon, sa taong 2010, patuloy ang pataas ng kaso ng prostitusyon sa bansa. Karamihan sa mga niktima nito ang mga minor de edad pinapasok sa mga bar at prostitusion den. Maraming uri ng estilo ng pagbebenta ng katawan, kalimitan sa cybersex den ibinebenta ang mga babae at sinusunod nila ang mga ninanais ng kanilang costumer na nakikita lamang sa loob ng isang kompyuter, mayroon ding estilo kung saan ibinabahay ang mga babae sa isang casa o hotel dahil mas madali ang paglalako ng mga kababaihn sa ganitong paraan. Isa rin sa mga estilo ng pagbebenta ng katawan kung saan lantaran na makikita sa kahabaan ng EDSA, Cubao at Quezon City. Hinaharangan ang kalalakihan at inaalok ng serbisyo at kapag pumayag sila na mismo ang nagdadala ng kanilang kliyente sa isang motel. Isa sa pinakamalaking problema sa bansa ang prostitusyon. Naging palasak ito bunga na rin ng kahirapan ng buhay. Ang mas nakababahala sa ganitong uri ng hanapbuhay, maraming mga menor de edad ang pumapasok at pinipili ang gawin ito. Hindi lamang sakit ang makukuha ng mga babaeng ito ang hanapbuhay, may mga kliyenteng nananakit sa mga babaeng ito at may napapabalitang namamatay matapos pumayag sa pagsama sa kliyente. Naging mapait ang buhay ng mga bayarang babae dahil kahit sa hindi nila ito ninanais na trabaho ay napipilitan silang gawin upang mabuhay lamang at matustusan ang mga pangangailangan.

56

4.2

Ang mga Kaganapang Panlipunan sa mga Piling

Awitin ni Gloc 9 Korapsyon, polusyon, kakulangan sa mga pasilidad sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan tulad sa edukasyon, sa mga ukol sa pangkalusugan tulad ng ospital, health centers, clinic, ang utang ng pamahalaan sa ibang bansa, ang pagtaas ng mga bilihin at kung tumataas ang ekonomiya sa bansa, ang kahirapan at higit sa lahat ang napapanahong pagpatay ng isang nilalang ang ilan lamang sa napapanahong isyu tungkol sa pilipinas ngayon. Isa sa mga mabibigat na problema sa ating bansa ang kahirapan. Sa unang limang awiting “Upuan”, “Silup”, “Bugtong”, “Hari ng Tondo” at “The Bobo Song” ipinapakita ang pagbubulagbulagan ng mga tao sa pamahalaan, may mga mabuting pulis at mga masamang pulis sa ating lipunan, larawan ng mga uri ng politiko sa pilipinas, tumutukoy sa realidad na hindi natin nakikita at naoobserbahan lalo ng pamahalaan. Tulad na lamang ng mga naririnig, nakikita at nababasa natin sa mga balita, marami ng naging isyu tungkol sa mga pulis na hindi ginagawa ng tama ang mga tungkulin o nang-aabuso sa kapangyarihang taglay nila. Isa na dito ang nangyari noong ika-14 ng Enero taong 2017, isang pulis na nagngangalang SPO3 Ricky Sta. Isabel ang nahuli bilang isang suspek sa pag-kidnap sa isang Koreanong negosyante na si Jee Ick-Joo kasama ang kasambahay nito. Naging malinaw na ebidensya ng isyung ito ang isang camera footage na nakuha ng mga PNP laban kay Sta. Isabel na siya mismo ang kumuha ng

57

pera sa isang ATM gamit ang ATM card ni Jee. Napag-alaman rin ng PNP na nadawit na noon si Sta. Isabel sa kidnapping pa rin (Radyo Inquirer, 2017). Isa na ang korapsyon sa malaking problema ng Pilipinas na kay hirap na masulosyonan. Dahil sa pagnanakaw ng mga politiko sa kaban ng bansa ay mas naging mayayaman at dumarami ng husto ang kanilang mga ari-arian. Isang napakalaking halimbawa nito ang pagnakaw ng mga Marcos noong sila ay nasa puwesto pa lamang. Bilyon-bilyon ang nakuha nila sa pera ng bayan. Nakabili ng mga ari-arian sa loob at labas ng bansa. Sa taong 2000, sa isang panayam ng Philippine Inquirer, nagwika si Imelda Marcos na “There is more Marcos wealth that

government is not aware of. But for the time being I can only admit that there is only $800 million kept in various international banks.” (Facts and Details, 2005). Tuwing eleksyon, nagsisislabasan ang mga artista sa mga kampanya ng mga kandidato. Ginagamit sila upang manghikayat sa mamamayan na piliin ang kandidatong nais manalo sa eleksyon. Malaki ang tulong nila dahil sa dami nilang taong naiimpluwensiyahan at umiidulo sa kanila, nakukuha nila ang loob ng sangkatauhan na iboto ang kandidatong pinapaburan. Iminumulat ng mga awitin ni Gloc 9 ang ating mga mata sa mga nangyayari sa ating lipunan. Ipinapahayag niya na dapat pantay-pantay lamang ang pagtingin sa kapwa at ang paggamit ng mga politiko sa mga tanyag o sikat na artista para makuha ang atensyon ng mga mamamayan na nangingibabaw ang pagbabalatkayo ng mga politiko. Ipinapahiwatig sa awiting “Limang Kanta Lamang” na ang bawat indibidwal ang siyang susi sa pag-unlad ng bansa. Hindi dapat hanggang reklamo a salita lang ang bawat isa kundi kailangang mayroon itong dapat gawin upang hindi makulong sa buhay ng kahirapan. Ang pagtatangkilik ng ibang awit na galing sa isang sikat na mang-aawit o di kaya’y nasa wikang Ingles kahit na wala itong kahulugan na awitin. Nakabase ito sa kompositor o mang-aawit kung sikat ito o hindi. Inilalarawan dito na kapag tanyag ang umawit ng isang awitin, binabaliwala lamang ito ng

58

mga tao. Makikita at maririnig ang ganitong ganapan sa mga music chart sa telebisyon katulad ng Myx Philippines. Isa itong uri ng cable television program kung saan maaring makita ang mga music video at live performance ng isang mang-aawit. Sa mga nagdaang taon, isa sa programa ng Myx Philippines, ang Myx Daily Top 10, matutunghayan ang pagkasunod-sunod ng mga awitin batay sa mga vote ng mga manonood. Kapansin-pansin na mas maraming mga awiting pasok sa top 10 na galing sa mga artist na taga-ibang bansa. Kadalasan, ang nangunguna rin sa ranking ang mga awiting sikat kahit na wala itong saysay. Maraming mga kaganapan sa mga awiting “Lando”, “The Bobo Song”, “Balita”, “Salbahe”, “Inday”, at “Magda”. Makikita ang kaibahan ng estado ng dalawang nagmamahalan subalit hindi ito naging hadlang upang magkahiwalay silang dalawa. Ang kayamanan

at

kahirapan

ang

siyang

magdudulot

ng

kapahamakan. Maraming mga taong hindi nakapag-aral na agad naniniwala sa lahat ng ipinapalabas sa mas midya sapagkat ito lamang ang impormasyon na naririnig o nalalaman. Maraming mga namumuno sa bansa na masyadong maranya ang buhay na tinatamasa ngunit naghihirap ang kanyang pinamumunuan at halos hindi makakain sa isang araw. May mga taong nalululong sa iligal na droga at dahil sa kahirapan at gutom mas pinipili nilang gumamit nito upang hindi mapansin ang kumakalam na tiyan. Isa sa mga halimbawa nio ang mga nakikitang kabataan sa lansangan na may bitbit na mga plastic cellophane at pinaglalagyan nila ng rugby. Inaamoy nila ito hanggang sa maging high ang pakiramdam nila. Isa ito sa naging pantawid gutom nila dahil nawawala ang kalam ng kanilang sikmura kapag

59

nakakagamit sila ng rugby. Ito rin ang naging dahilan ng paggawa ng krimen ng mga batang lansangan. Nagnanakaw sa mga taong dumadaan o nakikipagsiksikan sa mga lansangan upang masustinahan lang ang hilig ng katawan. Isang hanapbuhay na hindi dapat pasukan ng sinumang tao ang ipinapakita sa awiting “Magda”. Ang pagiging bayarang babae na bunga ng kahirapan. Madaling kumita sa ganitong uri ng hanapbuhay kaya naging talamak ito sa ating bayan ngunit kahit hindi man isang kaaya-ayang trabaho ang pagbebenta ng katawan

ay

maaari

pa

ring

makatagpo

ng

isang

taong

magmamahal sa iyo ng tunay. Ayon sa Phil Star Ngayon, sa taong 2010, patuloy ang pataas ng kaso ng prostitusyon sa bansa. Karamihan sa mga niktima nito ang mga minor de edad pinapasok sa mga bar at prostitusion den. Maraming uri ng estilo ng pagbebenta ng katawan, kalimitan sa cybersex den ibinebenta ang mga babae at sinusunod nila ang mga ninanais ng kanilang costumer na nakikita lamang sa loob ng isang kompyuter, mayroon ding estilo kung saan ibinabahay ang mga babae sa isang casa o hotel dahil mas madali ang paglalako ng mga kababaihn sa ganitong paraan. Isa rin sa mga estilo ng pagbebenta ng katawan kung saan lantaran na makikita sa kahabaan ng EDSA, Cubao at Quezon City. Hinaharangan ang kalalakihan at inaalok ng serbisyo at kapag pumayag sila na mismo ang nagdadala ng kanilang kliyente sa isang motel. Isa pang uri ng trabaho ang talamak sa bansa ang pamamasukan ng mga taong hindi nakapagtapos sap ag-aaral bilang katulong sa bahay. Marami ng lumabas na mga balita tungkol sa mga kasambahay na minamaltrato at inaabuso ng mga amo. Ganito ring uri ng buhay ang ipinapakita sa awitin ni

60

Gloc 9

na

“Inday”/

Sa

awiting “Walang Natira” ito

ang

paninilbihan ng ibang tao sa ibang bansa para lang matustusan ang pangangailan ng pamilya. Pumupunta sa ibang bansa ang ilan sa kadahilanang kulang ang trabaho at hindi sapat ang binayad ng mga nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Tulad na lamang ni Mary Jane Veloso na isang OFW, ang kawalan ng trabaho ang nagtulak sa kanya upang mangibang bansa. Ayon kay Misty Lorin ang deputy-secretary general ng Gabriela, “Kung anu-anong trabaho na lang ang pinapasukan gaya ng paggugupit, pagtitinda, paglilinis ng kuko, at kung anu-ano pa para lamang may mapakain sa pamilya. Lahat naghahanap at nawawalan ng trabaho sa bansa dahil na rin sa neoliberal na mga polisiyang ipinatutupad ng gobyernong Aquino.” Iginigiit ng Gabriela sa Administrasyon na lumikha ng mga pambansang industriyang nagbibigay ng trabaho sa loob ng bansa upang hindi mapilitang umalis ng Pilipinas ang maraming Pilipino (Pinoy Weekly, 2015). Samantalang sa mga awiting “B.I” at “Sirena”. Mga batang nagkulang sa atensyon at gabay ng mga magulang kaya nakagagawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya katulad ng pagbibisyo at paggawa sa isang bagay na nararapat lamang sa mga taong kasado. Sa panahon ngayon, ang tinatawag na mga Millenial ang humaharap sa mga kaganapang pagkalulong sa bisyo sa murang edad pa lamang. Hindi lamang impluwensiya ng kanilang lipunang kinabibilangan ang nag-udyok sa kanila upang pasukin ang mga ganitong gawain kundi pati na rin ang kakulangan ng atensyon at gabay ng mga magulang. Maraming mga magulang ang naging tutok sa paghahanap=buhay dahil na rin sa kahirapan ng panahon at ninanais na makaraos araw-araw at nagiging sanhi ito ng pagkukulang ng oras sa mga supling.

61

Pananaw ng mga tao sa mga lalaking binabae at sa mga babaeng may kilos lalaki. Hinuhusgahan sila ng lipunan sapagkat mayroong mga taong hindi tanggap kung paano sila kumilos, magsalita at kanilang pananamit. Dahil sa pagiging iba nila ito ang nagiging dahilan ng pananakit ng mga taong nasa palibot nila, pisikal man o emosyonal. Noong tang 2011, nagkaroon ng parade ang LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual or Transgender) Community sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman upang gunitain ang ika-42 na taon ng Stonewall Riot na kinikilala bilang nagpasimula sa pandaigdigang kilusan para sa karapatan ng LGBT (Pinoy Weekly, 2011). 4.3

Ang mga Paghihimagsik ni Gloc 9 sa Kanyang mga

Piling Awitin Batay sa sa isang mabisang pagbasa at pagsuri sa mga paksa, mensahe at ang paghihimagsik ni Gloc 9 sa mga napiling labingpitong awitin ni Pollisco Aristotle o mas kilala sa pangalang Gloc 9, mapapansin ang limang (5) matitingkad at mas tiyak na paksang may kinalaman sa bayan at sosyo-politika: Maduming pamahalaan, makabayan, krimen at kahirapan, mapanghusga sa kapwa at pamilya at homopobya. Sa mga awiting “Upuan”, “Silup”, “Bugtong”, “Hari ng Tondo” at “The Bobo Song”, tinalakay sa mga awiting ito ang mga paghihimagsik ni Gloc 9 tungkol sa korapsyon, pandaraya sa mga maliliit na tao, pagbabalat kayo ng mga politiko, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagbaliwala sa mga tungkulin, pagbubulag-bulagan ng mga politko sa mga nangyayari sa lipunan. Ang awiting “Upuan” na isa sa mga pinakasikat na awitin ni Gloc 9 ay tumatalakay pa rin tungkol sa politiko at korapsyon. Malinaw na ang pinapatamaan ng awiting ito ay ang pangulo ng Republika ng Pilipinas ngunit

62

maari rin itong tungkol sa mga iba pang namumuno sa bansa na hindi binibigyang pansin ang mga hinanaing ng mga taong pinamumunuan. Sa mga katagang “Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Mga bantay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka barong” malinaw na ang Palasyo ng Malacañang ang tinutukoy nito ngunit maari ring ang mga bahay ng mga iba pang politiko ang pinapatamaan nito. Sa pamamagitan ng paghahambing sa pamumuhay ng pangulo at ng mga maralitang taga-Lungsod, pinapakita ng mang-aawit ang iskandalo ng kahirapan at kapabayaan.

Naibanggit

din

sa

awitin

ang

makikita

sa

Malacañang na “walang butas ang bubong”, “ang kanin ay simputi ng gatas” at “sa lamesa may hamon”, samantalang ang mga bahay ng mga maliliit na tao na pinamumunuan ay pinagtagpi-tagping mga yero, ang mga panggatong nila ay nagmula lang sa mga nakuhang mga estero at nagagamit lamang ang mga kaldero nila kapag sumusweldo ngunit lagi naman itong kulang. “Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod O nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pera niyo Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo” Ayon pa sa awitin, tila hindi nakikita ng mga mayayamang politiko ang pagdurusa ng mga mahirap habang sila ay nagpapakasarap.

63

Hinango sa binaligtad na salitang “pulis” ang awitin ni Gloc 9 na pinamagatang “Silup” at ginawa ito kasama ang isa pang mang-aawit na si Denise Barbacena. Pumatugkol ito sa isang babaeng humihingi ng saklolo sa mga alagad ng batas dahil siya ay nadukutan: “Mamang pulis Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis Pwede ba ako humingi sa inyo ng saklolo Upang hindi ako malapastangan.” Isang marangal at matinong pulis ang rumisponde sa kaniya na nagngangalang SPO2 Ruben. Ipinakita ni SPO2 Ruben ang kanyang pagiging matapat sa kanyang tungkulin. Hindi siya nabibili ng pera dahil para sa kanya, mas importante ang kanyang dangal at naniniwala siyang marami pang kapulisan na katulad niya sa kasalukuyan: “Ang pangalan koy SPO2 Ruben Di ako mukhang pera kaya ‘wag mo ‘kong utuin Tsapa ko’y akong dangalin ‘di mo ‘to kayang bilhin.” Ngunit mas maraming mga pulis ang gahaman sa kapangyarihan, hindi ginagawa ng maayos ang tungkulin sa bayan, nangongotong sa mga maliliit na mga tao at bumabatak sa mga drogang nakompiska: “Pero meron din naman Parang tulog kahit gising Sa kapangyarihan ay Lasing, budhi na tila maitim Kapag kailangan ay tawagan pero Ba’t kaya walang dumarating…” “Sangkot sa kotong at jueteng Isang tiwaling hepeng Laging nagpapalusot kung May padulas at may pwedeng Maibulsa ang mairing parak Na parang buteteng laot.”

64

Malinaw na binabatikos ng awiting ito ang katangian at imahen ng mga pulis. Makikita sa awiting ito na kahit mayroong mga mabubuting pulis, mas marami naman ang mga pulis na hindi ginagawa ang tungkulin

at

ginagamit

ang

kapangyarihan

upang

makapanlinlang ng mga maliliit na tao. Isang pagpuna sa imahen ng politiko na binalangkas sa tradisyonal na pagbubugtong ang awiting “Bugtong” at ginawa ito kasama ang isa sa mga sikat na mang-aawit na si Yeng Constantino. Makikita sa liriko ng awitin na tinatanong ng babaeng mang-aawit na: “Pwedeng tao, pwedeng hayop, Sino kaya ang tinutukoy ko ? Parang tao, parang hayop Sino kaya ang tinutukoy ko ?” Makikita rin sa liriko na sinagot ito ni Gloc 9 na parang alam daw niya kung “Ano ang dahilan at kasagutan sa larong hulahulaan,”. Bumanggit siya ng mga katangian ng politiko na tinutukoy sa bugtong: may sintunadong ugali, may patongpatong

na

kabit,

tamad,

kurakot,

mandaraya

at

parang

nakaabang na buwaya. Marami ang ganitong uri na mga pinuno sa kasalukuyan kaya nabanggit ni Gloc 9 sa kanyang awitin na madalas iniisip na lamang niya na iwan ang pamilya sa ibang bansa at ipagpalit. Naitanong din niya sa kanyang awitin kung may pag-asa pa ang baying nakataya. “Malamang ang ibinoto mo'y corrupt Tao n'ang kanyang likod ang ginagawang harap Tutungtong sa entablado at makikiharap Dumudura ng mga kasinungalingang masarap pakinggan Parang awitin na laging nasa tono Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado Tituladong abogadong milyonaryong mabaet May isan dosenang anak sa patong-patong na kabet

65

Tingnan mo ang baet, parang di ka nahihiya Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat walang natitira, simot lahat,pati buto't balat Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya Na sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan at kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan.”

Makikita sa kanyang liriko ang pagbabatikos sa mga politiko na nagbabalat kayo sa mga taong nakapalibot sa kanya. Ipinapahayag niya na sa usaping politiko, laging ipinapakita ang mga positibong ugali subalit inililihim ang kaitiman ng budhi ng mga politiko. Isinisigaw ni Gloc 9 na huwag agad maniwala sa mga taong maganda ang inilalabas na mga salita sa kanyang bibig dahil puro lamang ito kasinungalingan at lahat ng mga pangako ay napapako. Ang imahen ng kawalan ng kapangyarihan ng maliliit na tao sa harap ng mga makasariling politiko ay may mayaman ding kabuluhan. Naging isang soundtrack ang awiting “Hari ng Tondo” ni Gloc 9 sa pelikulang “Kingpin ng Manila: Asiong Salonga”. Isa rin ito sa mga pinakasikat na awitin ni Gloc 9. Tungkol ito sa isang siga o makapangyarihan na gumagawa ng masasamang gawain na ginagawana rin ng ibang mga tao sa iba’t ibang lugar. Masasabing ang awiting ito ay ang buhay ni Asiong Salonga sa pelikula. Isa siyang taga-Tondo at siya ay isang gang lider na ang tanging hangarin na mapatalsik ang ibang mga siga sa Manila na nang-aabuso sa mga mahihirap. Tinawag si Asiong Salonga bilang ang “Robin Hood ng Manila”.

66

“Kahit sa patalim kumapit Isang tuka isang kahig Ang mga kamay na bahid ng galit Kasama sa buhay na minana Isang maling akala Na ang taliwas kung minsan ay tama Ang hari ng tondo hari ng tondo.” Inilarawan sa awitin ang katangian ng isang Hari ng Tondo. Hindi katulad sa isang tunay hari ang pamumuhay ng isang Hari ng Tondo. Katulad ng mga tao doon, isang mahirap na tao lamang ang tinatawag nilang Hari at nasasangkot ito sa pagbabasag-ulo at kaguhuluhan ngunit kahit ganon pa man, may mabuting hangarin naman siya para sa mga taong kanyang sinasakupan. “Minsan sa isang lugar sa maynila Maraming nangyayare ngunit takot ang dilang Sabihin ang lahat.” Makikita rin sa awitin na maraming mga taong natatakot na sabihin at ilantad ang mga maling pamamalakad ng ibang namumuno kahit sa isang payak na lugar man ito, maliit man o malaki, dahil ayaw nilang masangkot o mapahamak ang kanilang mga sarili. Ginawa ang awiting “The Bobo Song” ay ginawa kasama ang si Loonie ng Stifiggas. Ipinapahiwatig ng awiting ito ang paksa tungkol sa pagpili ng masinsinan sa mga taong iboboto sa eleksyon.: “Pulitiko na sa showbiz posible na pala. Ang dami nang artista sa pulitika.” Inilalarawan ng awiting ito ang pagpili ng mga kandidato kahit hindi naman nararapat. Maraming bumuboto ng mga artista kahit alam naman na wala itong kakayahan na mamuno sa bayan at ang tanging dahilan laman sa pagboto rito ay siya ay sikat at palaging nakikita sa telebisyon.

67

“…Bobo, inutil, walang pinag-aralan Hangal, hung-hang sino bang pinagmanahan Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata Upang mapansin ka ng madla Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu…” Makikita sa liriko na may mga politikong gumagamit ng mga kapangyarihan para sa kanilang ikakabuti kagaya ng paggamit ng mga artista sa pangungumpa nila sa mga taong nakapalibot sa kanila. Gumagamit sila ng mga nagsisitaasan na mga Tarpaulin sap ag-aanunsyo upang mapansin lamang sila ng mga tao.

Sa awiting ito, iminumulat tayo ng mang-aawit sa

katotohanan. Ang awiting “Limang Kanta Lamang” ay tungkol sa paghihimagsik ni Gloc 9 sa pagtangkilik ng mga awiting tanyag at mga awiting walang kahulugan at pagtunganga lamang at hindi paggawa ng solusyon para sa ika-uunlad ng ban

Inawit nina Gloc 9 at Loonie

na isa sa mga kilalang emcee sa larangan ng fliptop battle ang awiting “Limang Kanta Lamang”. Sa awiting ito tinalakay na maraming mga Pilipino ang tumatangkilik ng mga awiting Ingles kumpara sa mga awiting Pilipino: “Di pinapatugtog

ang

awit

kapag

hindi

Ingles

Kahit na tunog kanluran, bakit nakaka depress yes”. Marami ring tinatangkilik ang mga Pilipino na mga awiting tintawag na catchy dahil sa tono nito na napapasayaw ka o mabilis ang beat ngunit wala namang laman ang liriko at isinasantabi ang mga awiting puno ng mensahe: “Kasi may mga awit ng malambot pa sa okoy And nasan kanilang playlist, pero bakit tunog luma kanilang laylist Walang pananampalataya parang athiest Hindi na kanilang sabihin ang alias, were the craziest” Kahit na nakakalungkot ang awitin o wala itong saysay ay iyon pa rin ang pinipili ng karamihan na paulit-ulit na ipatugtog upang makasabay sa trend ng

68

mga bagong awitin. Marami na ang mas pumipili ayon sa tono at ritmo ng awiting kaysa sa pakinggan at unawain ang mensaheng nais iparating ng awitin sa madla. Tinatalakay naman ng mga awiting “Lando”, “The Bobo Song”, “Balita”, “Salbahe”, “Inday”, “Magda” at “Walang Natira” ang paghihimagsik ni Gloc 9 laban sa estado ng buhay, pang-aabuso sa mga taong walang pinag-aralan, prostitusyon, mga gawaing iligal, pangingibang-bansa ng mga Pilipino, pagkukulang ng trabaho sa bansa at pagmamaltrato sa mga kasambahay. Napapalooban din ang ilang awiting tungkol sa pag-ibig, pagkukulang sa edukasyon at mas midya. Ang awiting “Lando” ay makikitaan din ng paksang pag-ibig. Ayon sa awit, magkasintahan si Lando at Elsa ngunit magkalayo ang estado ng buhay ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan: “Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando At kahit parang pagkakataon ay nakakandado Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig” Ngunit ipinagpala ang dalawa dahil sa krimeng nangyari kay Elsa. Nainakawan at sinaksak siya sa isang eskinita sa Ermita habang pauwi at hindi na naabutan ni Lando ang iniibig na humihinga.: “Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao Upang ating paghatian pagdating ng hapunan Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa Sa tagiliran isang makalawang na lanseta Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka.”

69

Ipinapakita sa awiting ito na hindi sigurado ang kaligtasan kahit na nasa mabuting estado ka ng buhay at mababang uri ang iyong kinabibilangan. Maraming krimen ang maaring mangyari sa iyo sa araw-araw na iyong pakikipagsapalaran sa buhay. Dahil sa pangyayaring ito, ayaw ng maulit ni Lando ang nangyari sa asawa ay naging isa siyang tagabantay sa dilim kahit na napagkakamalan siyang taong grasa at baliw ng karamihan: “Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas Akong sinusunod baliw sa mata ng marami Siguro nga di ko na kilala aking sarili Pangala'y taong grasa may patalim na gamit At ang tanging alam ay isang malungkot na awit” “Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim Di ka hahayaan na muli pang masaktan Wag ka nang matakot sa dilim.” Ipinapakita rin sa awiting ito na kahit na maraming mga taong nakagagawa ng hindi mabuti sa kapwa ay may mga tao pa ring handang gumawa ng kabutihan may kapalit man itong gantimpala o wala. Natalakay rin sa liriko ng awiting “The Bobo Song” ang pagkulang ng mas midya sa madla. Maraming imporamsyon ng ipinapalaganp sa lipunan kahit hindi naman ito ang totoo o kulang ang impormasyong inalahad o hindi kaya ay sobra ito. “Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga Nakapangalumbaba simula pa nung bata Di naman importanteng magpakadalubhasa Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan Maniwala, pero wag umasa sa himala” Ang mga maliliit na mga taong hindi nakapag-aral ang siyang unang naniniwala sa lahat ng mga naririnig o nakikita

70

mula sa telebisyon, radyo, Facebook at iba pa. Pinapakain sila ng mga maling impormasyon na siyang nagiging pondasyon nila sa mga nangyayari sa lipunan. Sa awiting “Balita” tungkol ito sa kahirapan ng mga tao. Kahirapan na pinagdadaanan samantalang ang mga politiko ay masagana ang kanilang pamumuhay. Hindi nila nakikita ang mga paghihirap at pagdudusa ng mga taong nasa mababang uri. Isinisigaw ni gloc 9 sa awiting ito sa kanyang paghihimagsik sa mga politiko na makasarili at sakim sa kapangyarihan hindi lamang sa kapangyarihan kundi pati na rin sa pera. “Ako ay pilipino sa isip at sa gawa Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan May pamilyang kumakain na kulang sa dalawang Beses sa isang araw minsan wala pang pang lugaw Bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom Na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso Bagkus isang taong gulang nyang kapatid at may baso sa harapan Na nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan Mga pinunong bago mamatay at magkasakit Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig.” Ipinapakita sa awiting ito ang kahirapan na hinaharap ng mga tao. May mga taong halos hindi makakain sa isang araw dahil wala silang pera na pambili subalit hindi napapansin ng mga pinuno ang mga ganitong sitwasyon samantalang sila ay nagpapakasarap sa kanilang buhay. Makikita sa liriko sa awiting ito na sa murang edad ng mga mahihirap ay kinakailangan nilang tumulong sa pamilya. May mga bata na kailangan nilang mamasokan, tumulong sa gawain ng bahay at

71

iba pa. sa awiting ito, nananawagan ang mga mahihirap na mabigyan sila ng atensyon. Sa awiting “Inday” tungkol ito sa isang kasambahay na may mataas na pangarap sa buhay. Nangarap siyang maging doktor subalit hanggang pangarap lamang ito sa kadahilanang wala silang panggastos sa pag-aaral. Isang magsasaka ang kanyang tatay at walang trabaho ang kanyang nanay. Sa murang edad, pumunta siya sa Maynila upang manilbihan sa iba para sa kanyang kinabukasan. “Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko? Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko” “Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya Gusto ko sanang maging doktor ng medisina Ngunit si itay ay magsasaka lang ang kapatid ko ay pito Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito…” Makikita sa awiting ito ang estado ng mga mahihirap. Ipinapakita sa awiting ito na may mga pangarap silang minimithi subalit hindi nila ito makakamit dahil wala silang sapat na pera. Inilalahad sa awiting ito na sa murang edad nila ay naninilbihan na sila upang matustusan ang kanilang pangangailangan hindi lamang sa kanilang pangangailangan kundi pati na rin sa kanilang pamilya. “Pagtapos kanang kumain ang sahig punasan mo Mula baba hanggang taas lampasuhin hagdanan ko Dapat walang alikabok nikatiting sa mga muebles Ayokong inuulit ng higit sa isang beses Sa lahat ng utos ko, walang tanong kang susunod Pagkausap mo ako, kulang nalang ay lumuhod Bilisan mo maglakad, sige! Buhatin mo lahat Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka ng dilat At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat Kahit gaano kadumi, ang mabaho’y amuyin Tuwing ako’y malalasing lahat ng gusto ko’y sundin Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama “Oo” ang isasagot sa gusto kong ipagawa O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita

72

Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita Makakaalis kana, di na kita kailangan Bago tumawag ng pulis dahil ako’y ‘yong ninakawan.” Inilalarawan dito ang hindi magandang pagmamaltrato sa isang tao. Kinakailangan na malampasan at matiis ang lahat ng pagod at pawis na pinagdadaanan upang makatulong sa pamilya at makakuha ng pera. Maliban sa pokus na paksa tungkol sa krimen at kahirapan, ang awiting “Magda” ay pumapaksa rin tungkol sa prostitusyon. Sa liriko awitin inalahad ang uri ng trabaho mayroon tauhan ng awitin: “Magdalena ano'ng problema Bakit 'di ka makawala sa kadena? At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda” “…Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta Sa maliit na entablado ay nakita ko na Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?” Dahil sa kahirapan ay maraming mga tao ang pumapasok sa ganitong uri ng hanapbuhay, kumakapit sa patalim upang matustusan ang pangangailangan niya sa araw-araw at pati na rin ng kanyang pamilya. Naging talamak na ang prostitusyon sa ating lipunan na kahit ang mga batang nasa murang edad pa lamang ay pinapasok na ito dahil na rin sa wala silang pinag-aralan o hindi kaya dahil sa karanasan niya katulad ng pagkagahasa sa kanya. Kahit ang mga babaeng may anak at pamilya na, pinapasok pa rin ang ganitong trabaho upang may malapag lang sa lamesa sa araw-araw. Itinuturing ang hanapbuhay na ito bilang isa sa mga isyung panlipunan na kailangang bigyang pokus upang matapos na ito. Ngunit kahit ganito ang hanapbuhay, hindi pa rin imposible na makahanap ng isang tao na tunay na magmamahal sa iyo. Sa awiting “Walang Natira” ay ginawa kasama ang isang babaeng mang-aawit na si Sheng Belmonte. Tinatalakay ng

73

awiting ito ang pangingibang-bansa ng mga Pilipino bilang bunga sa kakulangan ng trabaho dito sa bansa. Personal para kay Gloc 9 ang awiting ito dahil naging isang OFW (Over Seas Worker) ang kanyang ama noong siya ay bata pa. Marami ang mga guro, nars, enhinyero, karpentero, kasambahay at labandera sa ating bansa ngunit bakit tilang wala ng natira. Ang penomenong kagustuhan ng marami sa ating mga kababayan ang gustong yumaman agad at ang pagkukulang ng ating mga pinuno ang sinisisi ni Gloc 9 sa awiting ito:

“Nauubusan ng batas parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas” Makikita na kinukwesiyon ng awiting ito ang pagiging makabayan ng mga OFW sa puntong iginiit ng awitin na kaya nagkukulang ng guro, nars, enhinyero, karpentero, kasambahay at labandera sa bansa dahil sa naaakit ang kapwa Pilipino sa imahe ng dolyar na makapagbibigay sa kanila at sa kanilang pamilya na mas maginhawang buhay. Makikitaan ng paghihimagsik ni Gloc 9 tungkol sa hindi pagtanggap sa kasarian ng isang tao, pagmamaltrato ng ama sa anak, kawalan ng atensyon at gabay ng mga magulang sa anak, paggawa ng mga gawaing impluwensiya ng makabagong henerasyon, kawalan ng respeto ng ibang tao. Makikita ang paghihimagsik sa awiting “B.I” ang tungkol sa napabayaan ng magulang kaya lumihis ito sa tamang daan. Mapapansin natin sa henerasyon ngayon na marami ng mga bata na nagsisimulang magbisyo kahit na sila ay minor de edad pa lamang dahil na rin ito sa impluwensiya ng kanyang lipunang kinagagalawan:

74

“Pagkatapos noon ay sinasama doon Sa bahay sa Makati walang tao doon Ang sabi ko ‘Naku mukhang Malabo yata ‘yun. Ang sabi niya, ‘Ano k aba hindi Malabo ‘yun. Out of town si Daddy, nasa trip si Mommy Umalis si kuya bukas ang balik ‘yan ang sabi.” Makikita sa lirikong ito na kaya nakakagawa ng hindi mabuti ang anak dahil sa kawalan ng atensyon at gabay ng mga magulang. Pinaparating ni Gloc 9 sa awiting ito ang pagkakaroon ng oras at gabay ng mga magulang sa kanilang anak kahit na wala silang sapat na oras para sa ilaan sa kanilang anak. “Kami'y nasa loob ng room niya Lumapit siya agad at tinanong niya Ako kung gusto ko raw na mapanood siya Na sumayaw magaling raw siya sa rumba Medyo diniliman ang ilaw buti na lang mata'y malinaw Kumuha ng baso kasi nauhaw Medyo maalat ang nakain ko na lugaw Habang sumasayaw ng malupet Gumagalaw sa saliw ng awit na makulet Mga labi saki'y pilit na idinidiket Teka muna miss we just met isusumbong kita.” Ipinapahayag ni Gloc 9 sa lirikong ito ang mga impluwensiya na galing sa makabagong henerasyon. Tinatahak ang maling landas dahil sa nakikita niyang kalaswaan sa lipunang kanyang kinabibilangan. Hindi lamang sa atensyon ng mga magulang kundi pati na rin sa impluwensiya ng mga kaibigan na sumasabay sa modernisasyon upang mabilang sa kung ano ang mga nababago. Sa awiting “Sirena”, tungkol ito sa homopobya at pagmamaltrato ng ama sa kanyang baklang anak. Ginawa ang awiting ito kasama ang isang mang-aawit na si Ebe Dancel. Isa itong istorya ng isang indibidwal na lumaki sa pambubugbog ng kanyang ama ta mga kapatid sa kadahilanang siya ay isang bakla: “Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang Upang matakpan ang mga pasa sa mukha Na galing sa aking ama Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan Laging nalalatayan.”

75

Ipinakita sa liriko ng awitin ang pangungutya ng karamihan sa kanya dahil naiiba siya: “Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin Ano bang mga problema nyo? Dahil ba ang mga kilos ko'y iba, Sa dapat makita ng inyong mata.” Kalaunan napatunayan niya sa kanyang ama na kahit na iba ang kanyang kasarian marunong siyang manindigan para sa kanyang responsibilidad bilang anak: “Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla.” Sa mga usaping bakla nangingibabaw ang diskrimansyon ng mga tao subalit ipinapakita sa lirikong ito na hindi binabasehan ang tapang ng tao sa kasarian nito dahil maraming mga bakla na kayang gumawa ng kahit ano.

76

TSAPTER 5 BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Makikita sa tsapter na ito ang mga nabuong Buod, Konklusyon na nakabatay sa natuklasang mga kaalaman at ang Rekomendasyon ng mga mananaliksik kaugnay ng pag-aaral na ito. 5.1

Buod Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri tungkol sa mga awitin ni Gloc 9 na

pinamagatang “Isyung Panlipunan: Ang Paghihimagsik ni Gloc 9 sa kanyang mga awitin.” Naglalayon ang pag-aaral na ito na masuri ang mga awitin ni Gloc9 na kasasalaminan ng mga isyung panlipunan na nagaganap sa lipunan. Pinagsikapang sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na mga katanungan: 1.1.1

Sino si Gloc 9? Ano-ano ang mga kantang kanyang isinulat at

1.1.2 1.1.3

inawit? Ano-ano ang mga paksa ni Gloc 9 sa kanyang mga piling awitin? Ano-ano ang mga kaganapang panlipunan ang sinasalamin ng

1.1.4

kanyang mga awitin? Ano-ano ang paghihimagsik ni Gloc 9 sa kanyang mga piling

awitin? Palarawan o deskriptibong disenyo ang ginamit sa pag-aaral. Gumamit ang mga mananaliksik ng Purposive Sampling sa pagpili ng mga awitin. Ang kopya ng liriko ng mga awitin ni Gloc 9 ang naging datos o dokumento. Ang pagdulog na ginamit ay ang Sosyolohikal na Pagdulog. Mula sa nakalap na limampung (50) mga awitin ni Gloc 9, pumili lamang ang mga mananaliksik ng labing tatlo (13) na awitin na sumasalamin sa mga isyung panlipunan na nangyayari. Ang mga awitin na ito ay “Limang Kanta Lamang”, “Lando”,“B.I”, “Upuan”, “The Bobo Song”, “Balita”, “Walang Natira”, “Bugtong”, “Salbahe”, “Hari ng Tondo”, “Sirena”, “Silup”, “Inday”, at “Magda”. May ipinapahiwatig na paksa at mensahe ang kanyang mga awitin. Masasalaminan ng mga isyung panlipunan na nangyayari sa lipunan ang kanyang mga awitin kagaya ng korapsyon, pandaraya sa mga maliliit na tao, pagbabalat kayo ng mga politiko, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagbaliwala sa mga

77

tungkulin, pagbubulag-bulagan ng mga politko sa mga nangyayari sa lipunan, pagtangkilik ng mga awiting tanyag at mga awiting walang kahulugan, pagtunganga lamang at hindi paggawa ng solusyon para sa ika-uunlad ng bansa, paghihimagsik laban sa estado ng buhay, pang-aabuso sa mga taong walang pinagaralan, prostitusyon, mga gawaing iligal, pangingibang-bansa ng mga Pilipino, pagkukulang ng trabaho sa bansa, pagmamaltrato sa mga kasambahay, crab mentality, mapang-abusong tao sa kapwa, hindi pagtitiwala sa kakayahan ng iba, pang-aapi ng mga mayayamang tao sa mga mahihirap, hindi pagtanggap sa kasarian ng isang tao, pagmamaltrato ng ama sa anak, kawalan ng atensyon at gabay ng mga magulang sa anak, paggawa ng mga gawaing impluwensiya ng makabagong henerasyon, kawalan ng respeto sa ibang tao 5.2

Konklusyon Batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral, nabuo ang sumusunod na

konklusyon: 5.2.1 Ang mga awitin ay maaaring maging repositori ng mga panghihimagsik na nabubuo sa isipan ng kumatha niyon. 5.2.2 Isang mapayapang paraan ng pagsisiwalat ng mga sama na loob sa lipunan ang liriko ng mga awitin. 5.2.3 Malawak ang kaugnayan ng awit sa buhay ng tao. 5.2.4 Ang mga awitin ni Gloc 9 ay salamin ng nagbabago-bagong lipunan ng bansang Pilipinas sa iba’t ibang taon o panahon. 5.3 Rekomendasyon Batay sa mga natuklasan at nagawang konklusyon sap ag-aaral, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 5.3.1 Magsagawa pa ng pag-aaral tungkol kay Gloc 9 at sa iba pa niyang mga awitin. 5.3.2

Magsagawa ng pagsusuri tungkol sa mga isyung panlipunan

subalit naka pokus ito sa ibang mang-aawit o kompositor. 5.3.3 Magkaroon ng kaugnay na pananaliksik sa iba pang kompositor na ang pokus ay iba’t ibang paraan ng pagkakamit ng kapayapaan. 5.3.4 Mas mainam kung igawa ng dokumentaryo ng mga Video si Gloc 9 sapagkat mas mararamdaman ang kahulugan ng kanyang mga awit sa kanyang kilos at galaw.

78

Related Documents

12345
March 2021 0
12345
February 2021 2
12345 Final.docx
March 2021 0
Bab 12345
February 2021 0

More Documents from "ALEX PAV"

12345 Final.docx
March 2021 0
P2h
January 2021 6
5g Ran2.0 Beam Management
January 2021 0
Chapter Five Class 9th
January 2021 1