Panimulang Linggwistika (kabanata 1)

  • Uploaded by: Ma. Kristel Orboc
  • 0
  • 0
  • March 2021
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Panimulang Linggwistika (kabanata 1) as PDF for free.

More details

  • Words: 9,721
  • Pages: 40
Loading documents preview...
LAPU-LAPU CITY COLLEGE

COLLEGE OF EDUCATION Don B. Benedicto Road, Gun-ob, Lapu-Lapu City 6015

FM 102

Panimulang Linggwistika Modyul ng Mag-aaral

Inihanda ni: Ma. Kristel J. Orboc, MAEd Instruktor ng Kurso

FM 102 Panimulang Linggwistika MODYUL NG MAG-AARAL

Inihanda ni: Ma. Kristel J. Orboc, MAEd Instruktor ng Kurso 2

Pangkalahatang-ideya ng Modyul Ang Panimulang Linggwistika ay nagpapakita sa pag-unawa sa nilalaman sa mga batayang kaalaman at makaagham na pag-aaral ng wika. Binibigyang diin nito ang palatunugan, palabuuan at palaugnayan ng wika.

Upang matulungan ang iyong pagkatuto sa mga aralin, ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa loob ng isang kabanata. Ang bawat aralin ay dapat maisagawa sa loob ng dalawang linggo at ito ay nahahati sa mga bahagi, tulad ng sumusunod: 1. Layunin sa Pagkatuto

Ang bahaging ito ay gabay sa resulta ng pagkatuto para sa yunit ng pag-aaral.

2. Alam mo ba?

Naglalayon itong mapukaw ang isip sa ilang mga kagiliw-giliw na katotohanan na may kaugnayan sa aralin.

3. Magsimula na Tayo!

Matapos ang pagkilala sa mga kinalabasan at pangkalahatang-ideya para sa bawat aralin, bibigyan ka ng isang gawain na hahantong sa iyo sa mga pangunahing konsepto na tatalakayin sa yunit.

4. Tayo na at Tumungo!

Ang aktibidad ay susundan ng mga gabay na tanong na humahantong sa iyo sa mga konsepto na saklaw ng aralin. Dito, susuriin mo ang iyong nagawa.

5. Siyasatin Natin!

Ang mga pangunahing konsepto at isyu ng pangunahing aralin ay tinalakay nang mabuti sa seksyong ito na kailangan mong basahin at intindihing mabuti. Bilang karagdagan, sa iyong pagbabasa ay may mga Pagsasanay bilang mga kasanayan sa pag aaral para sa iyo na sagutin nang ilang sandali bago ganap na magpahinga.

6. Gaano Na Kalayo Ang Ating Narating?

Upang suriin kung natutugunan ang mga naibigay na resulta ng pagkatuto, bibigyan ka ng isa pang gawain upang masuri ang lawak ng pag-unawa.

7. Pagyamanin Natin!

Ang bawat yunit ay natapos sa mga iminungkahing aktibidad para sa pagpapayaman ng pag-aaral at karagdagang aplikasyon ng natutunan.

8. Mungkahing Pagbasa

Ang bahaging ito ay nagbibigay sa iyo ng isang listahan ng mga iminungkahing karagdagan na pagbabasa (karamihan sa online) kung nais mong mapalalim ang iyong kaalaman sa mga aralin.

Kasama rin sa modyul na ito ang isang Kabanata ng Pagninilay sa katapusan ng bawat kabanata upang isulat ang iyong mga saloobin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na self-introspective. Ang mga rubrik ay matatagpuan din Apendiks ng 3

modyul para sa iyong sanggunian sa paggawa ng iyong mga awtput. Sundin lamang ang mga tala sa ibaba ng bawat ehersisyo at aktibidad para sa paggabay. Panghuli, ibinigay ang isang Puna sa Kurso sa pagtatapos ng modyul na ito upang maibahagi mo ang iyong puna sa modyul na ito. Ang bahaging ito ang magiging batayan namin para sa pagpapabuti at sa rebisyon sa hinaharap.

Paano matuto sa Modyul na ito? Alam kong sabik ka nang magsimula. Gayunpaman, may ilang mga bagay na kailangan mong tandaan upang malaman nang higit ang modyul na ito. 1. Subukan ang paunang pasulit bago magpatuloy sa mga aralin. Ang iyong iskor sa pagsubok ay magbibigay sa iyo ng ideya kung gaano karaming oras ang kailangan mong italaga sa bawat aralin. 2. Basahin ang mga tagubilin at alamin ang mahahalagang bagay na dapat gawin. 3. Bago gawin ang mga aktibidad siguraduhin na ang lahat ng mga bagay na kailangan mo ay handa na. 4. Sagutin ang mga pagsasanay sa bawat aralin at huwag kalimutang sagutin ang pagtatasa dahil sa gayon ay masusuri mo kung gaano karami ang natutunan mo sa modyul.

Maligayang pagdating sa pakikipagsapalaran sa pag-aaral na ito!

4

KABANATA 1

Ang Linggwistika

5

Aralin 1

Linggwistika: Kahulugan, Kahalagahan at Kasaysayan Alam mo ba?

Layunin sa Pagkatuto

Ang linggwistika ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang dalubwika (o linggwista) ang mga dalubhasa dito.

✓ Naipakikita ang kaalaman sa pagtalakay

sa

kahulugan,

kahalagahan ng linggwistika sa guro ng wika. ✓ Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng linggwistika sa daigdig at sa Pilipinas. ✓ Naipaliliwanag batayang

ang

kaalaman

mga ng

linggwistika sa paglinang ng wikang Filipino.

Magsimula na Tayo! Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga salitang maiuugnay mo sa Wikang Filipino.

WIKANG FILIPINO

6

Tayo na at Tumungo! Bago natin simulan ang ating talakayan, tanungin mo ang iyong sarili kung saan ba nagsimula ang ating wika. Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masagot ang mga katanungan. Halina’t ating buksan ang ating isipan sa panibagong kaalaman at alamin kung isa ka ba sa mga taong malalim ang alam sa wika. Tayo na at tumungo!

Siyasatin Natin!

Kahulugan, Kahalagahan at Kasaysayan ng Linggwistika

Linggwistika ▪

Ang lingguwistika ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang dalubwika (o lingguwista) ang mga dalubhasa dito.



Ayon kay Consuelo J. Paz ang linggwistika ay sayantipik na pag-aaral ng wika ng mga tao.



Ayon naman sa aklat na Ang Wika, Linggwistika at Komunikasyon sa Aspeto ng Pakikinig at Pagsasalita, pinag-aaralan at sinusuri sa linggwistika ang istruktura, katangian, pag-unlad at iba pang bagay na may kaugnay sa isang wika at ang relasyon nito sa iba pang wika.



Ang ama ng Linggwistikang Filipino ay si Dr. Cecilio Lopez

DALUBWIKA Ang taong nag-aaral ng wika, sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika.

POLYGOT Ang isang taong maraming nalalamang wika ay tinatawag na POLYGOT MGA KATANGIAN NG WIKA 1. Balarila (grammar) Palatuntunan (phonology) Palabuuan (morphology) 7

Palaugnayan(syntax) 2. Talasalitaas (Lexicon) 3. Palatitikan (orthography) 4. Panitikan (literature) 5. Saling wika (Translation)

Gamit ng Linggwistika : •

Pagsalin ng isang salita sa ibang wika



Pag-aaral ng kasaysayan ng wika



Basehan sa paggawa ng bagong salita o sa pagpapalago ng isang wika



Basehan sa tamang paggawa at pagamit ng mga pangungusap

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA PILIPINAS Panahon ng Kastila

I.

Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas: ➢ Ayon kay Scheerer (1918), ay isinasagawa ng mga misyunerong Kastila na karamihan ay mga paring Heswita at Dominikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa dakong ito ng daigdig. Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wikang katutubo noong panahon ng Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594. ➢ Ang kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuitas ➢ Ibinigay din sa mga Augustinian ang Ilocos at Pampanga. ➢ Ang Intsik at mga lalawigan ng Panggasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican. ➢ Ang mga Franciscan naman ang pinangasiwa sa kabikulan. Ang katagalugan ay nahati sa apat na Orden. Dahil dito ay nagkaroon ng sigla ang pagaaral sa mga katutubong wika na humantong sa paglimbag ng mga gramatika at diksyunaryo. Hindi kukulangin sa dalawampu’t apat na aklat, ayon kay Phelan, ang nalimbag tungkol sa wikang Tagalog. Samantalang lima lamang sa mga wikang Bisaya. ❖ Nagsimula noong ika-16 na daantaon at natapos noong ika-19 na daantaon. ❖ Layunin nila na mapabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan. ❖ Noong Pebrero 13, 1965 dumating sa Cebu ang anim na paring Augustinian kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi upang maisagawa ang pagpapalaganap ng relihiyong Romano Katoliko.

8

❖ Noong 1994, hinati ang kapuluan sa apat na orden. Ang kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuit. Ang mga Intsik ay sa lalawigan ng Pangasinan at Cagayan ay sa Dominican. Ang Franciscan naman ay sa Kabikulan.

II.

Panahon ng Amerikano

Ayon kay Constantino,sa mga pangunahing lainggwistika noong panahong ito ay nagsisipanguna ang mga sumusunod: ❖ Leonard Bloomfield (Amerikano) ❖ Frank R. Blake (Amerikano) ❖ Cecilio Lopez (Pilipino) ❖ Carlos Everett Conant (Amerikano) - Disiplinang Historikal ❖ Otto Scheerer (Aleman) – Disiplinang Historikal ❖ Morice Vanoberbergh (Misyunerong Belhikano) ❖ H. Costenoble (Aleman) - Disiplinang Historikal ❖ Nagsimula noong ika-19 na daantaon at natapos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. ❖ Layunin nila ay maihasik sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko. ❖ Tatlong makaagham na gramatika ng tagalong na sinulat nina Bloomfield (1917), Blake (1925), at Lopez (1941).

Ang kontribusyon ni Conant ➢ The RGH Law in Philippine Language (1910) at The Pepet Law in the Philippine Languages (1912). o Ito ang mga pinakakilalang pananliksik niya na tumatalakay sa nagaganap na pagbabago sa mga tunog ng iba’t-ibang wika sa kapuluan. o May walumpung wika sa Pilipinas (hindi kasali ang mga dyalekto) RGH Law ni Conant ❖ Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo na pangalawang pinakamalaking angkan sa buong daigdig ay lumaganap sa mga kapuluan sa Pasikpiko at sa gawing kanluran ng Madagascas. ❖ Ang mga wika sa Pilipinas (maliban sa Chavacona, Zamboanga at Ermita) ay sinasabing nagmula sa wikang Indonesyo. ❖ Halimbawa: o Tunog ng isang Malayo-Polinesyo ay ang *R. Ang Proto-Malayo-Polinesyo *R (PMP *R) ay maaaring nananatiling r sa ibang wika; at maaaring sa ibang wika naman ay naging g, h, o kaya ay y. ✓ Ang ganitong phenomenon ay waing isang batas na nagaganap sa mga wikang Malayo-Polensyo. Dito nahango ang naging kilalang RGH LAW ni Conant.

9

o Halimbawa: Ang vein, ‘nerve, o sinew’ sa Malay ay urat, sa tagalog ay ugat, sa Dayak ay uhat, at sa Lampong ay oya. Nagyayari rin na kung minsan ay nawawala ang *R, tulad sa uat sa Javanese. Ayon kay Conant bilang tagapagsaling-wika ng pamahalaan, ang karamihan sa mga wikang Pilipinas ay may tunog na g sa RGH na katining na ang ibig sabihin ay nagiging g sa karamihang ng wika sa Pilipinas ang PMP *R, ngunit may ilan ding nagiging r, l, o kaya naman ay y. kaya’t pinangkat ni Conant ang wika sa Pilipinas ayon sa kinauwian ng RGH na katinig. ➢ Sa pagsusuri ni Conant ay lumabas na ang Tagalog, Bicol, at mga wikang Bisaya tulad ng Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kinaray-an, at Romblomanon ay mga wikang g, gayundin ang Ibanag, Magindanao, Tausog, Sulu, at Bagobo. o Ang mga Ilocano at Tirurai ay wikang r. o Ang mga Kankana-ey, Ibaloi, Bontoc, Calamian, at Pangasinan ay wikang L. o Ang mga Pampango, Ivatan at Sambal ay wikang y. ➢ Ang mga sumusunod na mga ilang halimbawa lamang ay mga patibay ni Conant na ipinapakita ang kinauwian ng RGH na katinig sa mga pusisyong inisyal, medyal, at pinal: WIKANG

INISYAL

MEDYAL

PINAL

Tagalog

gamót

ugát

íkog

Ibanag

gamút

ugát

íkug

Bagobo

ramót

ugát

íkog

Bisaya

gamót

ugát

íkog

Bikol

gamót

ugát

íkog

Magindanao

gamut

ugát

Sulu

gamut

ugát

íkog

Iloco

ramút

urát

bibír ‘lip’

Tiruri

Ikohok ‘rib’

urat

igor

Pangasinan

lamót

ulát

íkor

Kankanai

lamót

uwát

Inibaloi

damót

ulát

Bontoc

lamót

oát,wad, uát

Calamain

lamót

darála ‘girl’

bibil ‘liip’

Pampango

yamút

uyát

íkiʔ

Ivatan

yamót

úyat

itiói ‘egg’

Sambal

yábi ‘night’

búyas ‘rice’

tolói ‘sleep’

G

niúg ‘coconut’

R

L

íkor

Y

Sa halimbawa sa Ibanag na gamut at ugat, ang t sa pusisyong pinal ay hindi binibigkas, tulad din naman sa iba pang walang boses na istap na k at p na pawing 10

napapalitan ng tunog na impit o glottal stop. Ngunit lumitaw ang mga ito kapag ang mga salitang nagtatapos sa alinman sa ganitong tunog ay hinuhulapian. Halimbawa, yubú /yubu?/ ‘ask’ na nagiging yubutan. Batay sa kanyang natuklasan, nagbigay siya ng konklusyon na ang mga tunog na g na taglay ngayon ng mga wika sa Pilipinas ay mahahati sat along klase ayon sa pinagmulan: orihinal na g, g sa RGH , g sa RLD. Pepet Law Ang mahabang pagtatalakay ni Conant sa Pepet Law. Kinuha niya ang kanyang datos sa tatlumpu’t apat na wika sa Pilipinas at higit na sampung wikang Austronesian. Ang ebulusyon ng patinig na pepet (Proto-Austronesian) ay tinunton ni Conant sa pitong uri ng kaligiran: 1. AP-class ❖ Mga salita na may Ə sa unang patinig na dadalawahing patinig na salita at ang ikalawang patinig ay pepet, hal. atƏp. 2. PA-class ❖ Mga salitang may pepet sa unahang pantig at sa ikalawang pantig, hal. bƏgas. 3. IP-class ❖ Mga salitang may I sa unang patinig at pepet sa ikalawang patinig, hal. ngipƏn 4. PI-class ❖ Halimbawa: bƏli 5. UP-class ❖ Halimbawa: pusƏd 6. PU-class ❖ Halimbawa: pƏnu 7. PP-clas ❖ Halimbawa: lƏbƏng Pagkatapos ng kanyang pagpapangkat-pangkat sa mga wika ayon sa kinauwian ng patinig na pepet. Lumabas ang kanyang pagsusuri: ❖ Ang tagalog – halimbawa ay wikang I ❖ Ilokano at Pangasinan – nagiging Ə ❖ Ang kapangpangan – nagiging a ❖ Bisaya at Bikol – nagiging u.

1) Blake Nakasulat si Blake ng hindinkukulangin sa dalawampu’t pitong artikulo tungkol sa iba’tibang wika sa Pilipinas. Halimbawa ng isinulat: ❖ Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Bisaya ❖ Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Bisaya at Tagalog 11

❖ Ang mga hiram na Tagalog sa Sanscrino Ang pinakamahalagang kontribusyon niya ay ang kanyang aklat tungko sa “Gramatika ng Tagalog”. •

Sa kanyang paraan ng paglalahad ay malinaw na makikita ang impluwensya ng mga mahuhusay na mambabarilang Kastila, tulad ni Totanes.



Sa pagsusuri ni Blake sa Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay labis na niyang napag-ukalan ng pansin ang tatlong magkaunay na mga yunit sa grammatika: verb, voice at case. Sinasabi niya na bilang alituntuning pangkalahatan masasabing ang lahat ng salita sa Tagalog ay maaaring gawing pandiwa.

2) Bloomfield Ang kalahatang aklat niya na may pamagat na “language noon1933 na kinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sa gramitikang Tagalog at kaalinsabay na paglaganap ng linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Higit na maagham ang pagsusuri ni Bloomfield sa gramatikang Tagalog kaysa kay Blake. Ang pagsusuri niy ay nahahati sa tatlo sa Tagalog: •

Bahagi I – kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa transkripsyong pamponemika, kasunod ang katumbas sa Ingles.



Bahagi II – kinapapalooban ng kanyang pagsusuri sa Tagalog na hinati niya sa Phonetics, syntax, at Morphology.



Bahagi III – katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng glossary.

Inilarawan niya ang makabuluhang tunog ng Tagalog, ang pagpapantig at Sistema ng diin. • • •

Ayon sa kanyang hindi magkaibang ponema ang tunog na i at e, gayundin ang o at u, maliban nalang sa mga salitang hiram. Inilarawan niya ang dalawang uri ng diin sa tagalog ang malakas at mahina. Inilarawan din niya ang pagtaas ng tono at ang paghaba ng patinig na napapalangkap sa bawat diin.

Sa Morpolohiya ng Tagalog: •

Binigyan diin niya ang paggamit ng mga panlaping active at passive, ang relasyon ng isa’t-isa at sa ibang panlapina nagbubunga ng: o Mga salitang waring gerund na tinatawag niyang ‘abstracts of action’; o o Mga nominals na tinatawag niyang ‘special static words’.

12

3) Lopez - Siya ang kauna-unahang linggwistikang Pilipino - Ama ng Linggwistikang Pilipino - Lumabas ang isang festschrift na may pamagat na Parangal kay Lopez noong 1975 na handog ng Linguistic Society of the Philippines. Manwal na nauukol sa gramatika ng wikang Pambansa (1941) ➢ Ito ang pinalimbag niya na pinakamahalagang ambag sa larangan ng linggwistikang Pilipino. ➢ Ang manwal na ito ay isang maagham na pagattalakay sa gramatika ng Tagalog na angkop gamit ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Pambansa. ➢ Nahati ito sa apat na bahagi: o Isa sa Ponetika o Dalawa sa Morpolohiya o Isa sa Sintaksis Ang mga sumusunod ay ilan sa kanyang mga isinulat: ➢ ➢ ➢ ➢ ➢ ➢ III.

Origins of the Philippine Language 1967 Contributions to comparative Philippine Syntax 1065 Some new morphemes in Philippine Languages 1970 The Spanish Overlay in Tagalog 1965 Paghahambing sa mga Wika sa Pilipinas 1972 A Comparative Philippines Word-list

Panahon ng Kalayaan: ❖ Nagsimula noong 1946 pagkatapos makamit ng Pilipinas ang kanyang kalayaan. ❖ Tatlong salik o pangyayari na nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng linggwistika sa Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig: 1. Ang pagkakatatag ng Summer Institute of Linguistics noong 1953. 2. Ang paggamit ng makalinggwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa

mga Pilipino na lumikha ng pagnanais na suriin ang mga

wika sa kapuluaan. 3. At ang huli, ang gradwal na pagdami ng mga Linggwistang Pilipino. ❖ Ang Pilipinas ay nagsilbing laboratoryo ng mga linggwistang dayuhan na karamihan ay Amerikano. Sa mga panahong ito masasabi na ang pag-aaral ng wika ay nauuri sa tatlo: Pag-aaral na nauukol sa klasipikasyon ng wika sa Pilipinas; Pagsusuring historikal; at ang huli ay Pagsusuring Palarawan.

Ang linggwistang Pilipino ay nahahati sa dalawang pangkat: ➢ 1. Ang mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng Estados Unidos at ng Canada o Costantino at Casambre sa UP o Sibayan at Otanes ng PNC o Gonzalez ng De La Salle o Llamzon at Pascasio ng Ateneo 13

o Natividad ng DEC, atb. ➢ 2. Ang mga Ph. D. in Linguistics o Ma. Lourdes Bautista o Elvira Vergara o Gloria Chan-Yap o Rosa Soberano o Sis. Maria Isabelita Reigo de Dios o Casilda Luzares o Teresita Rafael o Emma S. Castillo Summer Institute of Linguistics ➢ Ang pinakamalaki at pinakamalaganap na sanay sa Pilipinas. ➢ Higit na pinag-uukulan ng pansin ang mga wikangdi gaano malaganap. ➢ Isinasalin sa mga wikang ito ng nasabing pangkat ang Bibliya at iba pang mga babasahing panrelihiyon. Overt Relation Markers in Maranao ni McKaughan ➢ Nagbibigay konklusyon na isa sa nga katangian ng Maranao (at iba pang wika sa angkan na Malayo Polinesyo) ay to: o Ang binabanghay na pandiwa ay nagsasaad hindi lamang ng panahon, uri ng kilos, at iniisip na sikolohikal na nagsasalita kundi pati narin ng relasyong gramatikal ng pandiwa at ng paksa ng pangungusap; na ang relasyong gramatikal ng actor, layon, du-tuwirang layon, at gamit ay nakikilala sa Maranao sa pamamagitan ng katagang o, sa, at ko.

Departamento ng mga Wikang Oryental at Linggwistika sa Unibersidad ng Pilipinas ➢ Ang pangkat na ito ay maituturing pinakamatanda sa lahat ng pangkat. ➢ Naisasagawa agn paghahambing na pagsusuri sa iba’t-ibang wika sa kapuluan. ➢ Ayon kay Constantino ay hindi kukulangin sa 2000 pangungusap na naglalarawan ng hulwarang morposintaktikal at mahigit 4000 salitang-ugat ang natitipon na mula sa 300 na mga wika at wikang sinusuri ang nakalap ng pangkat na ito. ➢ Ang manuskripto at tapes ay iniingatan sa Archives of Philippine Languages and Dialects. Language Study Center ng PNC ➢ Nagsasagawa ng mga pagsusuring-wika sa makalinggwistikang pamamaraan upang iangkop sa pagtuturo ng wika. 1. Dyen ng Unibersidad ng Yale ➢ Isa sa itinuturing pinakakilala sa mga nagsagawa ng pananaliksik na historikal. ➢ Siya ay nakapaglathala ng isang monograp at maraming artikulo tungkol sa rekonstruksyon ng ilang ponema at salita sa Proro-Austronesian na tinatawag na

14

Proto-Malayo-Polinesian. ➢ Tinalakay niya sa isa sa kanyang mga artikulo ang kanyang Teorya na ang D ng Proto-Austronesian ay nagiging d sa Tagalog sa mga prinsipyong inisyal at kapag pinangungunahan ng patinig. 2. Fr. Llamzon ➢ Noong 1966 sumulat ng isang artikulo na tumatalakay sa kanyang isinagawang muling pagsusuri sa Ə ng Proto-Austronesian. o Nagbigay ng konklusyon na ang Ə ng PA ay regular na nagiging i at diregular na nagiging a o kaya’y u sa Tagalog. Mga Modelo sa Paglalarawang-wika 1. Modelong ginamit ni Bloomfield sa Paglalarawan ng Tagalog at Ilocano. 2. Tagmemic Model ni Kenneth Pike – ang karaniwang ginagamit ng mga Linggwistika ng SIL. 3. Transformational-generative Model ni Chomsky – ito ang higit na pinaniniwalaan ng mga linggwistika sa UCLA at sa UP. *Nagkakaiba-iba lamang nila ay sa paraan ng pag-aayos o paglalahad at sa pagbibigayngalan sa reulta ng pagsusuri. 3. Constantino ➢ May sinulat noong 1965 tungkol sa mga padron ng pangungusap sa dawampu’t anim na wika sa Pilipinas, kasama roon ang walong pangunahin. ➢ Inilahad niya sa nasabing artikulo ang ‘immidiate constituent (IC) analysis’ ng pangungusap ng wika. ➢ Pinangkat niya ang pangungusap na predikatibo ayon sa balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri: ‘definite, indefinite, at situational’. Bawat isa sa mga IC na pangungusap na tiyak ay pinangungunahan ng ‘particle’ o ‘marker’. ➢ Masasabing ang pagsusuri ni Constantino sa mga simuno at panaguri ng mga wika sa Pilipinas ay may malaking pagkakaiba sa tradisyunal na pagsusuri. 4. Remedios Cayari (1956) ➢ Unang sumuri sa Ponolohiya ng Tagalog nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. ➢ Ito ay ang hindi niya pagkilala na magkaibang ponema ang /e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/ sa Tagalog, kahit na may mga salitang hiram o katutubo sa Tagalog na magagamit upang ikontrast ang mga ito. 5. Robert Stockwell (1957) at Teodoro Llamzon (1966) ➢ Sa dalawa pang pag-aaral sa ponolohiya ng Tagalog na ito ay kinilala ng mga awtor ang pagkakaiba ng mga ponemang /e/ at /i/, gayundin ang /o/ at /u/ sa Tagalog, gayundin ang mga klister at mga padron ng intonasyon ng Tagalog. 6. Andrew Gonzales ➢ Siya ang pinakahuling nagsagawa ng pagsusuri tungkol sa palatunugan ng Pilipino na nalathala sa PHONETICA. ➢ Acoustic Correlates of Accent, Rhythm, and Intonation in Tagalog

15

➢ Sinuri niya ang diin, nimo, at intonasyon ng Tagalog sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong instrumenting pangwika sa Unibersidad ng California, Berkeley, California. ➢ Ito ang mga instrumenting ginamit niya: o Linc-8 Computer o Trans-Pitchmoter o Kay Sonograph o Pitch extractor ➢ Lumitaw sa kanyang pag-aaral na ang tono, lakas, at haba ay nagiging resulta lamang ng diin o ‘stress’. 7. Elmer Wolfenden (1961) ➢ Restatement of Tagalog Grammar ➢ Isinagawa niyang pag-aaral sa gramatika ng Tagalog. 8. Paul Schachter at Fe Otanes ➢ May isinulat na ‘Tagalog Reference Grammar’ ➢ Ito ay kasalukuyang kaba-kabanatahing isinasalin sa Tagalog. 9. Silverio (1962) ➢ Siya ang sumuri sa mga pandiwa at mga pangungusap na ‘passive’ sa tagalog ➢ Isa siya sa mga apat na tesis na tumalakay sa iba’t-ibang aspekto ng gramatika ng Tagalog. 10. Gonzales (1962) ➢ Isa siya sa mga apat na tesis na tumalakay sa iba’t-ibang aspekto ng gramatika ng Tagalog. ➢ Siya ang tumalakay sa mga pandiwa at pangungusap na ‘active’. 11. Cayari (1963) ➢ Isa siya sa mga apat na tesis na tumalakay sa iba’t-ibang aspekto ng gramatika ng Tagalog. ➢ Siya ang nagklasipika ng mga pandiwang pamanahon ng Tagalog ayon sa distribusyon. 12. Paz (1972) ➢ Isa siya sa mga apat na tesis na tumalakay sa iba’t-ibang aspekto ng gramatika ng Tagalog. ➢ Siya ang nagsuri sa morpolohiya at syntaksis ng mga pangngalan at pang-uri sa Tagalog. 13. Pineda (Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa) (1972) ➢ Sumulat ng aklat na may pamagat na ‘An Introduction To Tagalog Transformational Syntax’ ➢ Sa unang bahagi nagbigay siya ng tuntunin sa pagbuo ng mga pangungusap sa Tagalog. ➢ Sa ikalawang bahagi naglahad siya ng mga trasnpomasyon at nagbigay ng mga halimbawa .

16

Cebuano Anderson (1965)– nagsagawa siya ng paghambing na pagsusuri sa Cebuano at Inles na ginamitan naman ng transformational model ni Chomsky. John Wolff (1966-1967) – nagpalathala ng dalawang bolyum ng mga araling Cebuano. Ilocano H. McKaughan at J. Foster (1952) ➢ Inilahad ang Intensive Coure na isyang unang nagawang diskripsyon sa gramatikang Ilocano. ➢ Inihanda ito para magsilbing patnubay o modelo sa paghahanda ng katulad ng mga gramatika sa ibang wika sa Pilipinas. Constantino ➢ Isa naming Transformational-generative grammar ng Ilocano ang isinulat niya para sa kanyang disertasyon sa Ph.D. B. Sibayan ➢ Sa kanyang disertasyon para sa Ph.D ay nagsagawa siya ng paghambing na pagsusuri sa mga ponemang segmental sa Ilocano at Ingles noong 1961. Kapangpangan Castrillo ➢ Sa isang tesis niya sa M.A. noong 1955 ang ang sulat sa UP na tumalakay sa balangkas ng mga pangungusap sa Kapampangan. Clarity ➢ Noong 1958, sumuri siya gn ponema ng Kapangpangan, ang kanilang alopono at distribusyon. Perez ng PNC (1964) ➢ Sumulat ng tesis na may pamagat na ‘Pampango ang Pilipino Cognates: Sound and Relationship’ Bautista, Maria Lourdes S. ➢ The Filipino Bilingual’s Competence: A model based on an Analysis on TagalogEnglish Code Switching (1974) ➢ Inilarawan niya ng paglilipat-lipat ng mga salita sa Ingles at Tagalog. ➢ Nagbigay siya ng tuntunin na ‘Phrase structure and transformational rules’ ➢ Lumabas ang kanyang pagsusuri na ang ‘code-switching’ ay nagaganap sa iba’tibang antas ng wika – salita, parirala, sugnay, at pangungusap.

Chan-Yap Gloria ➢ Hokkien Chinese Loanwords in Tagalog (1975)

17

➢ Sinuri niya ang mga salitang Tagalog at inalam ang mga salitang mula sa Hokkien Chinese. ➢ Inilarawan niya ang naganap na pagbabago sa tunog at sa kahulugan ng mga salitang Tagalog na hiram sa Hokkien Chinese. Sobreno, Rosa P. ➢ The Dialects of Marinduque Tagalog 1976 ➢ Sinuri niya ang palatuntunan, palugnayan, at talasalitaan ng TagalogMarinduque. Ang isang layunin ay upang malaman ang pagkakaiba ng TagalogMarinduque at Tagalog-Maynila. ➢ Natuklasan niya na Malaki ang pagkakatulad ng penemang segmental ng iba’tibang dayalekto ng Tagalog-Maynila ngunit higit na malaki ang pagkakatuladtulad ng ponemang segmental sa isa’t-isa ng nasabing mga dayalekto o wika. Vergara, Elvina C ➢ Subcategorization and selectional restrictions of English words 1975 ➢ Sinuri niyia ang pandiwang iisahin salita na nakasama sa General Service List ni West (1965). ➢ Lumabas sa pagsusuri na ang ga pandiwang iisahang salita sa Ingles ay mapapangkat ayon sa mga sumusunod: basic, experimental, benefactive, at locative. Luzares, Casilda ➢ The Morphology of Selected Cebuano Verbs: A Case Analysis (1975) ➢ Tinangka ni Luzares na alamin ang mga kaukulan na maisasama sa bawat pandiwa, pangkatin ang mga pandiwa ayon sa katangian ng kaligiran ng mga kaukulan, at bumuo ng isang set ng mga tutunin na magpapakita kung papaano ito hinango ang pandiwa ayon sa katangian ng kaligiran ng mga kaukulan, at bumuo ng isang set ng tuntunin na magpapakita kung papaanong hinango ang pandiwa sa iba’t-ibang uri ng paglalapi. Rafael, Teresita C. ➢ Negativation in the Bisayan Languages: A Case Study of the Evolution of a Subsystem 1976 ➢ Inilarawan niya sa kanyang pag-aaral ang ‘negativation’ sa labinlimang wiakng Bisayan. ➢ Pinagtuunan niya ng interes ang anim na uri ng pananggi na tinatawag niyang ‘NEG [Events]’s, NEG [State]’s, NEG [Know]’s, NEG [Desiderative]’s, NEG [Exixtantial]’s, at Pohibitives’.

Castillo, Emma S ➢ A Test for Communication Competence in Pilipino for Prospective Elementary School Teachers 1978 ➢ Isa itong instrument ng pagsubok sa kakayahan sa pakikipagtalastasan sa Pilipino ng isang magiging guro sa elementarya, batay sa hinuha na ang isang mahusay sa wika ay may kakayahang magsabi at mag-unawa sa mga pananalitang angkop sa kontekstong sosyo-kultural. 18

Riego de Dios, Maria Isabelita ➢ Chavacano Dictionary 1977 ➢ Wala pa sa aklatan ang kanyang tesis.

Mga kilalang Dalubwika sa Pilipinas 1. Si Cecilio Lopez ay ang pinakaunang linggwistang Pilipino. Natapos niya ang kanyang Ph.D sa Linggwistiks sa Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Sinulat niya noong 1940 ang kanyang gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama ang Tagalog bilang batayang wika sa wikang pambansa. 2. Isa pang kilalang linggwista sa Pilipinas ay si Ernesto Andres Constantino. May mga 11 na artikulo kanyang naisulat mula 1959 hanggang 1970. Isinulat niya noong 1964 ang "Sentence patterns of the ten major Philippine languages" na naghahambing sa istruktura ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Tausug, Ilokano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan. Sa 1965 lumabas ang kanyang "The sentence patterns of twenty-six Philippine languages." Tinatalakay dito ang uri ng mga pangungusap batay sa mga istruktura na bumubuo nito at ang mga kaukulang transpormasyon. Noong 1970 ay sinulat niya ang "Tagalog and other major languages of the Philippines" na naglalahad ng deskripsyon at ebalwasyon sa mga naisagawang pag-aaral sa linggwistika ng Pilipinas mula sa panahon ng mga Kastila hanggang 1970. Lumabas ang prepublication na isyu ng kanyang English -Filipino Dictionary noong 1996 at noong 1997 naman ay lumabas ang Diskyonaryong Filipino-Ingles. 3. Si Consuelo J. Paz ay sumulat ng deskripson at ebalwasyon sa mga naunang pagaaral sa humigit-kumulang 50 na maynor na wika sa Pilipinas. Isa pang malaking ambag ni Paz sa linggwistika sa Pilipinas ay ang kanyang historikal na pag-aaral na pinamamagatang "A Reconstruction of Proto-Philippine Phonemes and Morphemes" (1981). 4. Si Fe Otanes ang katuwang na awtor ni Paul Schachter sa pagsulat ng gramatika ng wikang Tagalog (1972) na nakatulong sa maraming iskolar sa larangang ito. 5. Si Julio Silverio ay gumawa ng mga diksyonaryo sa Ingles-Pilipino-Ilocano, Ingles-Pilipino-Pangasinan, Pampango-Pilipino-Ingles noong 1976; PilipinoPilipino, Bicolano-Pilipino-Ingles, Ingles-Pilipino-Bicolano noong 1980. 6. Si Mario Tunglo ay gumawa ng trilinggwal na diksyonaryo sa Ingles-Pilipino at Ilocano, Bicolano, Cebuano, Ilongo, Maranao, Pampango, Pangasinan, Waray at ng bilinggwal Ingles-Pilipino, Pilipino-Ingles mula 1986 hanggang 1988.

KASAYSAYAN NG LINGGWISTIKA SA DAIGDIG Unang Panahon

I.

A. Teologo (theologians) – nilikha ng diyos ang wika

19

B. Plato at Socrates ➢ Sinuri nila ang matandang wika ginamit sa nasabing himno – sa palatuntunan, palabuuan, palaugnayan – sa layuning makatulong sa pagpapaliwanag ng diwa. ➢ Ang pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay nagging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa. ➢ Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang mambabalarilang Hindu na hangngang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagong mambabalarila at linggwistika. C. Griyego at Latin ➢ Sa wikang ito unang nagkaanyo ang linggwistika sa tunay na kahulugan nito dahil ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at lumaganap ng puspusan sa Europa nang mga panahong iyon. ➢ Ang mga linggwistika sa panahong iyon na lagging binabanggit ang pangalan ay si Aristotle , ang pangkat ng mga Stoics an itinuturing na siyang nagsipanguna sa larangang agham-wika. Kalagitnaang Siglo Hindi gaano umunlad ang agham-wika dahil iba angnapagtutuunan ng pansin ng mga palaaral noon. Ito ang pagpapanatili ng Latin. II.

Panahon ng Pagbabagong-isip Dahil sa mabilis na sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa iba’t-ibang panig ng daigdig mula sa Gresya at Roma, ay naging masusi at mapuspusan ang pagsusuring panglinggwistika sa mga wikang Griyego at Latin. Wikang Erbeo Orihinal na wikang kinasusulatan ng Matandang Tipan ay pinaniniwalaang siyang wikang ‘sinasalita sa Paraiso’ kaya’t inakal ng lahat ng wika sa daigdig ay ditto nag-ugat. III.

IV. 19th Siglo Sa panahong ito ay nakilala ang Tungkung-kalan sa linggwistika: 1. Bopp (sanskrino) 2. Grimm (Aleman) 3. Rask (Icelantic) na labis ang impluwensya sa larangan ng lingwistika sa Europa. Iba pang linggwistika: Muller at Whitney 1860-75 - Nagsikap na mapaging payak ang pagtalakay ng mga prinsipyo at simulain ng agham. Mga disiplina sa linggwistika: 1. Linggwistikang Historikal (Historical linguistics) ➢ Kauna-unahang disiplina sa linggwistika. ➢ Ito ay naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t-ibang disiplina. ➢ Naging matagumpay ito kaya’t noong 1970 ay masasabing napangkat na halos ang lahat ng wika sa daigdig.

20

Blumentritt • isa sa mga nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo an pinagmulan ng iba’t-ibang wiak sa Pilipinas. 2. Linggwistikang Istruktura (structural Linguistics) ➢ Ito ay nagbibigay diin sa pagsusuri ng distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap. ➢ IPA (International Phonetic Alphabet) – lumabas noong 1970 at meron itong hindi kukulangin sa 400 na simbolo. Leonard Bloanfield • namukod-tangi ang pangalan niya sa panahong ito. Zellig Harris • pinayaman at pinabuti ang ‘logical syntax’ na hindi nagtaggal ay tinawag na ‘Transformational’ o ‘generative grammar’. ➢ Ang psycho-linguistics o linggwistikang sikolohiyaay sinasabing bunga ng gramatika heneratibo upang lalong matugunan ang pangangailangan sa larangan ng sikolohiya. Boas, Sapir,Whorf, Malinowski, Kroeber, at Trager • Sila ang nagunguna sa anthropological linguistics Kenneth Pike ➢ Tagmetic Model o Nagbibigay diin sa pagkakaugnayan ng anyo at ng gamit. o Ang isang anyo o gamit sa modelong ito ay itinuturing na isang yunit na may sariling lugar sa isang wika. o Ang isang yunit ay may iba’t-ibang antas: ▪ Antas ng ponema ▪ Antas ng morpema ▪ Antas ng salita ▪ Antas ng parirala ▪ Antas ng sugnay ▪ Antas ng pangungusap ▪ Antas ng talajayan Noam Chomsky • ‘Phrase-Structure Transformational Generative Model’ • Ang disciplinang ito ay may pagkakahawig sa linggwistikang sikolohiko – ang pagtarok sa ‘sinabi’at di’sinabi ng nagsasalita sa kanyang sariling wika. Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe, atb. • Generative-semantics – kung saan binibigyan diin ang kahulugan. V. Kasalukuyan Mathematical Linguistic o Linggwistikang Matematikal ➢ Minsang tinatawag na ‘computational lunguistic’ ➢ Ito ang pinakahuli at malamang na siyang magiging pinakamalaganap at gamitin sa darating na mga araw.

21

Mula sa Toeryang Tore ng Babel, nagkaroon pa ng iba’t ibang maka-agham na pag-aaral hinggil sa pinagmulan ng wika gaya ng Teoryang Bow-wow, Toeryang Pooh-Pooh, Teoryang Ding-dong at iba pa. Ang wika, ayon kay Gleason (mula sa aklat nina Dolores, T., Petras, J. at Geronimo, J., 2016), ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. May mga taong naniniwala at nagsasabing ang wika ay tinatawag ding Linggwistika. Gayunpaman, ang Linggwistika o Dalubwikaan ay ang pag-aaral sa wika ng tao. Tinatawag naman na isang linguistic o linggwista ang mga dalubhasa rito. Ayon kay McGregor (2009) ang Linggwistika ay isang penomenang pangkultura (cultural phenomena) na palagiang gawain sa ibang kultura. Tulad ng ibang penomenang pangkultura, ito ay may kasaysayan, kasama na ang mga tanong kung paano ito ginagamit. SINAUNANG PANAHON: Tradisyong Babylon (Babylonian Tradition) - Ang pinakaunang tekstong-naisulat sa cuneiform sa tabletang luwad (clay tablet) ay mahigit 4,000 taon na ang nakalilipas. Sa simula ng ikalawang siglo ng milenyo, sumibol ang balarilang tradisyon sa katimugang bahagi ng Mesopotamia (ngayon ay bahagi ng Iraq, Kuwait, Syria, Turkey at Iran) na tumagal nang halos 2,500 taon. Ang linggwistikong teksto mula sa sinaunang tradisyon ay mga listahan ng mga Pangngalan sa Sumerian (isang nabubukod tanging wika), wikang panrelihiyon at mga tekstong legal. Sa pang-araw-araw na gamit, ang wikang Sumerian ay napalitan ng wikang Akkadian (Afro-asiatic). Subalit, nanatili namang prestihiyoso ang wikang Sumerian at patuloy na ginagamit sa mga kontekstong panrelihiyon at legal. Dahil dito, ito ay itinuturo bilang wikang banyaga (foreign language) gamit ang mga nakalimbag na sulatin. Tradisyong Hindu (Hindu Tradition) - Ang tradisyong Hindu sa linggwistika ay nagsimulang lumakas noong unang milenyo buhat ng pagbabagong naganap sa Sanskrit (Indo-European, India), ang banal na wika ng mga tekstong panrelihiyon. Ang mga sinaunang Indyano ay nangailangan ng tamang sagot at paliwanag sa mga tekstong Vedic. Ang ritual ay nangangailangan ng tamang berbal na pagtatanghal sa mga tekstong panrelihiyon, at ang balarilang tradisyon ay sumipot upang maging tuntunin sa sinaunang wika. Ang mga mambabalarilang Hindu ay kinikilala bilang kaunaunahang pangkat sa larangan ng Linggwistika. Ang pinakakilalang mambabalarila sa tradisyong ito ay si Pānini, na nagsulat ng pormal na deskripsyon ng wikang Sanskrit sa kanyang Astādhyāyī. Ang balarila ni Pānini ay kinapapalooban ng ponetiko at morpolohiya. - Pagkaraan ng ilang siglo, ang organisasyon ng mga tunog sa bawat yunit ay mas naging malinaw at ang mga katinig na may impit ay naging maayos. Ang pagbabagong ito ay nagbunga ng isang sistematikong alpabeto, ang Brāhmī. Ang tradisyong Hindu sa linggwistika ay malayong malampasan ng anumang nagawa sa Europa sa mahabang panahon. Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa.

22

Linggwistikang Griyego (Greek Linguistic) - Nilinang ng mga griyego ang alpabeto batay sa dating gamit ng mga Phoenicians. Nagdagdag sila ng tanda para sa mga patinig at sa ibang katinig upang matugunan ang linggwistikang pagbabagong kinakailangan upang mapaliwanag ang mga epiko ni Homer. Ang mga mahahalagang ambag ng linggwistikang griyego ay ang pinagmulan ng wika, sistematikong bahagi ng pananalita, relasyon sa pagitan ng wika at isipan, at ang relasyon sa pagitan ng dalawang aspeto ng tanda sa salita – iconicity (ang anyo at kahulugan ay konektado sa kalikasan) o arbitrary (purong kumbensyon). - Ang Cratylus ni Plato (427-347 BC) ay kumakatawan sa argumento ni Socrates (469- 399 BC) na humihimok sa orihinal na likas na ugnayan, na sa dakong huli ay nakubli ng kumbensyon. Sa kabilang banda, si Aristotle (384-322 BC) naman ay panig sa kumbensyon higit sa kalikasan. Ang unang natitirang balarilang Europa ay ang paglalarawan ni Dionysius Thrax (c. 100 BC), ang Téchnē grammatikē. Ito ay tumatalakay sa ponetiko, morplohiya (kasama na ang bahagi ng pananalita), at maraming impluwensya sa deskriptibong balarila. Ang palaugnayang Griyego (Greek syntax) ay naipaliwanag naman ni Apollonius Dyscolus (c. 110-175 AD) dalawang siglo na ang nakararaan. Tradisyong Romano (Roman Tradition) - Ang pangunahing kapakinabangan ng Tradisyon Romano ay sa morpolohiya, kasama ang mga bahagi ng pananalita at anyo ng pangngalan at pandiwa. Sa ikaapat na siglo, sinulat ni Aelius Donatus ang balarilang Latin, ang Ars 23agging23g23ana nagbigay kahulugan sa tekstong pampaaralan noong Panahon ng Kalagitnaang Siglo (Middle Ages). Ang mas maliit na bersyon nito, ang Ars Minor ay tumalakay naman 23agging23g bahagi ng pananalita, na 23agging kaunaunahang librong nailimbag noong ika-15 siglo. Tradisyong Tsina (China Tradition) - Katulad ng tradisyong Hindu, ang pilolohiyang Tsina (Xiaoxue o paunang pagaaral) ay nagsimula upang maunawaan ang klasiko sa Dinastiyang Han. Ang Xiaoxue ay nahahati sa tatlong bahagi, ang Xungu (exegesis) o pag-iintindi ng teksto, ang Wenzi (analysis) o pagsusuri at Yinyun (study of sounds) o ang pagaaral ng tunog. - Dalawa sa pinakaunang nagawa sa panahon ng Dinastiyang Han ay ang Fangyan, ang unang gawang Tsino hinggil sa dayalekto at Shiming, na nakatalaga sa pinagmulan ng salita. Ang pag-aaral ng ponolohiya sa Tsina ay nagmula sa impluwensiya ng tradisyong Hindu, matapos maging tanyag ang Budismo sa Tsina. Tradisyong Arabe at Ebreo (Arabic and Hebrew Tradition) - Ang tradisyong Griyego ay nagbungad na malaking impluwensiya sa Tradisyong Arabe, na nakatuon sa morpolohiya. Ang tradisyong ito ay kilala sa eksaktong deskripyon ng mga ponetiko. Pinaniniwalaang nagsimula ito noong ika-7 siglo sa pamamagitan ng gawa ni Abū alAswad ad-Du alī (c. 607-688). Sinasabing ang tradisyong Arabe ay nakaimpluwensya sa tradisyon Ebreo na nagsimula bandang ika-9 na siglo. Gumawa si Saadya ben Joseph al-Fayyūmī (882-942) ng unang balarila at diksyunaryong Hebrew (Afroasiatic, Israel). Mas nakilala ang balarilang Ebreo noong ika-13 siglo dahil sa gawa ni David Qimhi (c. 1160-1235), na nakaimpluwensiya ng malaki sa linggwistikang Europa.

23

PANAHON NG KALAGITNAANG SIGLO SA EUROPA: - Hindi gaanong umunlad ang pilolohiya sa kalagitnaang siglo sapagkat ang napagtuunang-pansin ng mga pala-aral ay kung papaanong mapapanatili ang Latin bilang wika ng simbahan. Pedagohikong balarila sa Latin ang lumabas para sa mga hindi taal na Latin. Subalit, unti-unting nagkaroon ng interest ang mga iskolar sa wikang bernakular at lumitaw rin ang paraan ng pagsulat nito. Noong 1000, isang abbot sa Britanya ang nagsulat ng balarilang Latin para sa mga batang Anglo-Saxon. Nailimbag din ang deskriptibong balarila sa mga wikang bernakular.

MODERNONG LINGGWISTIKA - Nagsimula ang modernong linggwistika sa pagtatapos ng ika-19 na siglo kung saan ay nagkaroon ng ibang tuon mula sa historikal na pagbabago ng wika patungo sa wikang may sariling sistemang istruktural. Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng wika na humantong sa pagkakapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa pinagmulang angkan. Lumitaw rin ang iba’t ibang disiplina sa linggwistika. Noong ika-18 siglo, sinuri nina James Burnett at Lord Monboddo ang napakaraming wika at hinuha ang mga lohikal na element ng pag-uswag ng wika ng tao. Ang kanyang pagiisip ay napagitnaan ng naunang konsepto ng ebolusyong bayolohikal. Sa The Sanskrit Language (1786), iminungkahi ni Sir William Jones na ang Sanskrit and Persian ay may hawig sa mga wikang Klasikong Griyego, Latin, Gothic at Celtic. Mula sa ideyang ito, sumibol ang mga disiplinang komparatibong linggwistika (comparative linguistic) at historikal na linggwistika (historical linguistic), na naglalayong makita ang pinaka-ugat ng wika at mabakas ang pag-uswag nito. Lumitaw rin sa Historikal na Linggwistika ang semantiko at ilang anyo ng pragmatiko. - Sa Europa, mayroong katumbas na paglinang ang linggwistikang istruktural na higit na naimpluwensyahan ni Ferdinand de Saussure. Si Saussure ay mayroong Teorya ng Kahulugan (Theory of Meaning). Napuna niya na ang wika ay isang hanay na magkakadikit na pangkat na natatangi sa walang katiyakang kalagayan ng ideya at tunog. Para sa kanya ang isang salita ay pinagsamang konsepto at imaheng-tunog na nagkakahulugan sa isip. Mula sa kanyang pananaw, umusbong ang iba’t ibang ideya sa linggwistika tulad ng Descriptionist, ang hinuha ni Sapir-Whorf, Functional Linguistics: The Prague School, The London School, Noah Chomsky and Generative Grammar at ang Relational Grammar. Sinundan ng Linggwistikang Istruktural (Structural Linguistics) ang Historikal na Linggwistika, na nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap. Iba’t ibang mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga dayalekto sa Asya, Australya at sa Amerika sa ilalim ng disiplinang ito. Taong 870 lumitaw ang International Phonetic Alphabet (IPA) na gumagamit ng hindi kukulanging 400 na simbolo. Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes), na naging payak sa paglalarawan sa palatunugan ng isang wika sapagkat kakaunting simbolo na lamang ang ginagamit. Gumagamit din ang mga istrukturalista ng katawagang morpema (morpheme) sa pagsusuri sa palabuuan ng mga salita ng isang wika. Sa kasalukuyan, marami pang iba’t ibang modelo ang lumitaw sa linggwistika. Patunay lamang na ang wika ay dinamiko, buhay at patuloy na nagbabago.

24

Maligayang pagbati! Natapos mo na ang nilalaman sa unang Aralin, ngayon sigurado akong handa ka na sa pagsagot sa mga katanungan.

Pagsasanay Pagbuo ng Graphic Organizer Panuto: pagtalakay sa mga paksa sa pamamagitan ng Graphic Organizer. (Makikita sa Apendiks ang rubrik sa pagmarka)

25

Gaano na Kalayo ang Ating Narating?

Pagbasa, Pagbabalangkas at Analisis Panuto: Pagbasa at pagbabalangkas ng limang (5) nalathalang babasahin tungkol sa debelopment ng Filipino kasabay ng paglinang sa pag-aaral ng linggwistika. Itala ang anumang nakuhang impormasyon at ibahagi sa paraang discussion.

26

Pagyamanin Natin

Pagbuo ng Timeline Panuto: Pagbuo ng timeline hinggil sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng linggwistika sa Pilipinas at Daigdig. (Gamitin ang espasyo at makikita sa Apendiks ang rubrik sa pagmarka)

27

MUNGKAHING BASAHIN: Basahin at panoorin ang mga sumusunod na artikulo at bidyu sa tinukoy na website.

✓ https://www.slideshare.net/jhengcute/kasaysayan-ng-linggwistika-1 SANGGUNIAN Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang linggwistika sa Pilipino. REX Book Store. Maynila Dela

Cruz, Rosalyn V. (2013). Kasaysayan ng www.slideshare.net/jhengcute/kasaysayanng-linggwistika-1

Linggwistika.

28

Aralin 2 Ugnayan ng Wika at Kultura at Simu-simula ng wika at ng mga angkang MalayoPolinesyo at Ang Mga Wika sa Pilipinas. Alam mo ba? Ang mga wikang MalayoPolynesian ay isang subgroup ng mga wikang Austronesian, na may humigit-kumulang 385.5 milyong nagsasalita. Ang mga wika ng Malayo-Polynesian ay sinasalita ng mga taga-Austronesian ng mga islang bansa ng Timog-silangang Asya at ng Karagatang Pasipiko, na may mas maliit na bilang sa kontinentalAsya.

Layunin sa Pagkatuto ✓ Naipakikita

ang

kaalaman

sa

pagkakaiba-iba at pagkakaugnayugnay

ng

wika,

kultura

at

kaalaman

sa

dalubwika. ✓ Naipakikita

ang

wastong paggamit ng kasanayang ICT sa pagpapakita ng simu-simula ng wika at ng mga angkang Malayo-Polinesyo at ang mga wika sa Pilipinas.

Magsimula na Tayo!

Panuto: Ipaliwanag ang ugnayan sa mga imaheng nakita sa larawan.

_____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________

29

Tayo na at Tumungo! Bago natin simulan ang ating talakayan, bigyang pansin ang kaugnayan ng wika sa kultura paano nga ba ito nagsimula? Sa tingin ko ikaw ay handa na matapos mong masuri ang mga nakatala sa itaas. Halina’t ating alamin kung tama ba ang iyong obserbasyon tungkol sa wikang Filipino. Tayo na at tumungo!

Siyasatin Natin!

Ang Relasyon ng Wika at Kultura Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura? Bakit walang wikang superyor sa ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at kultura? At gaano bang kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Paano ito mapapahalagahan? Ano ang Kultura? Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979) Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhat, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain. (Rubrico, 2009) May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura. (Delmirin, 2012) Ano ang Wika? Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Gleason) Ang bawat Wika ay angkop sa bawat Kultura Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Magagamit din ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit maganap sa mga bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na 30

pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang gamitin ng mga “Indios” na may ibang kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kultura ng mga Kastila, kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay relihiyon. Subalit hindi sapat ang gayon upang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang nakapag-aral sa Europa. (Santiago, 1979) Bawat wika ay natatangi. Bawat wika ay naiiba sa ibang wika. Dahil sa iba iba nga ang kultura ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba iba rin sa lahat ng panig sa mundo. May etnograpikong pagkakaiba rin sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic groups) ang mga lahi o lipi. (Bernales, et al., 2001) Bawat pangkat ay may kulturang kaiba sa kultura ng ibang pangkat. Ang kultura ng isang pangkat o grupo ay nakatanim at kusang umuusbong ang isang wikang likas sa kanila. Walang Wikang Superyor sa ibang Wika Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni Franz Boas ng nagsimula ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin ni Boas na kaya ng lahat wikang ipahayag ang anumang gustong ipahayag ng katutubong nagsasalita nito ngunit sa iba-ibang kaparaanan at estilo ayon sa kulturang iniiralan ng nasabing wika. Pinakamabisa sa mga Amerikano ang wikang Ingles para sa kanilang kultura; gayundin ang wikang Niponggo sa mga Hapon, ang Mandarin sa mga Intsik, ang Filipino sa mga Pilipino atbp. Hindi maipipilit ng mga Amerikano na mas mabisa ang kanilang wika kaysa sa mga Pilipino. Mas mabisa ang wikang Ingles kung Amerikano ang gumagamit at ginagamitan, gayundin sa wikang Filipino, higit na mabisa kung ang kausap ay kapwa Pilipino. Ang Wika at Kultura ay Magkabuhol Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng isang kultura. (Santos, et al., 2009) Sa kultura ng mga Eskimo, may labinlimang (15) katawagan sila sa iba’t – ibang kalagayan ng nyebe (snow). Snowflake, Frost, Fine Snow, Drifting Particles, Clinging Particles, Fallen Snow, Soft Deep Fallen Snow, Crust on Fallen Snow, Fresh Fallen Snow, Fallen Snow floating on Water, Snow Bank, Snow Block, Snow Cornice, Blizzard, at Severe Blizzard. (Woodbury, 1991) Hindi maaaring isang katawagan lamang ang gamitin ng mga Eskimo sa iba’t-ibang kalagayan ng nyebe (snow) sapagkat ang snow ay parte na ng kanilang kultura at ang labinlimang (15) katawagan na yun ay napagkasunduan ng pangkat nila. Sa kabilang dako, hindi rin naman angkop sa ating mga Pilipino na gamitin ang labinlimang katawagan sapagkat wala namang nyebe dito sa bansang Pilipinas. Sa madaling sabi, hindi ito parte ng ating kultura.

31

Bagama’t isang salita lamang ang ginagamit ng mga Pilipino–nyebe– (wala talagang katawagan tayong mga Pilipino sa snow sapagkat ang nyebe ay galing sa wikang Kastila na Nieve) ngunit hindi nangangahulugan na mahinang uri ng wika ang Filipino kung ihahalintulad sa wika ng mga Eskimo. Pansinin din natin na kung mayroon silang iba’tibang katawagan sa nyebe wala naman silang mga katawagan tungkol sa pagsasaka. Sabihin na nating sa mga uri ng bigas sa Pilipinas katulad ng Sinandomeng, Bordagol, Banay, Masipag atbp. O hindi kaya sa iba’t-ibang luto ng bigas na sa wikang Ingles ay tinatawag nilang rice. Upang mas maging malinaw tignan ang dayagram sa ibaba. Makikita sa dayagram na mula sa pagiging palay, nagiging bigas ito kung naalisan na ng balat. Kung naisaing na ang bigas, kanin na ang tawag dito. Kung malamig na ang kanin, bahaw na ang tawag. Ang nakadikit sa pinaglutuan ng bigas na naging kanin, tutong ang naging tawag natin. Ngunit sa mga Amerikano, isa lamang ang tawag nila sa mga ito – rice na dinagdagan lamang ng pang-uri. Old o Cold rice para sa kaning lamig o bahaw, fried rice para sa sinangag at burnt rice para sa tutong. ANG KAHALAGAHAN NG WIKA AT KULTURA Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa. Ang kultura naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa isang lugar. (Ignacio, 2011) Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala tayong komunikasyon sa kadahilanang walang naguugnay sa bawat tao sa isang bansa, walang pagkakaisa at higit sa lahat walang mabubuong kultura. Ang wika ay ang tagapagbigkis ng isang lipunan. (Buensuceso, et al., 1991) Ang simpleng paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga. Ating gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na kagalang-galang o ginagalang ng lahat at tayo’y makakabuo ng isang bansang may pagkakaisa at higit sa lahat may tiwala sa isa’t-isa. Sa pangwakas, ang wika ay balangkas ng pinili at isinaayos na set o kabuuan ng silasalitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pagpapahayag ng damdamin, kaisipan, kaugalian at uri ng pamumuhay o kultura ng isang pangkat sa isang bansa o lipunan.

32

Pagsasanay Pagbuo ng Historical Chart Panuto: Pagbuo ng historical chart hinggil sa naging simu-simula ng mga wika sa Pilipinas at ang naging debelopment ng wikang Filipino.

33

ANGKANG MALAYO-POLINESYO AT MGA WIKA SA PILIPINAS •

. •



• •

• •







Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang daang (100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga Ang mga wikang katutubo sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga bansang napapaloob sa Polynesia. Hindi nagkakaisa ang mga pag-aaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa kapuluan. Ngunit marami ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng Kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng Kulturang Ang paglikas ng mga tao ay nahati. Isang pangkat ay lumikas na pakanluran patungong Indiya, Indo-Tsina, at Indonesya. Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot sa Pilipinas at sa iba pang kapuluan sa Pasipiko. Hindi nagkakaisa ang mga pag-aaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa kapuluan. Dahil dito ay kapani-paniwalang iisa lamang ang pinagmulan ng iba’t ibang sistema ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuluan, katibayang iisa lamang ang pinagmulan nito. Ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa Alifbata ng Arabia, na nakaabot sa Pilipinas, daang India, Java, Sumatra, Borneo, at Malaya. Ipinalalagay na pumasok ang Alifbata sa Pilipinas nang maitindig ang emperyo ng Madjapahit sa Java sapagkat noon mabilis na lumalaganap ang impluwensiya ng Malay sa pulu-pulo mula Java hanggang sa Pilipinas. Ang ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang BAHASA MELAYU (Malay) na pinaniniwalaang nagmula rin sa Alifbata ay naging lingua franca sa TimogSilangang Asya sa pagitan ng A.D.700 at A.D. 1500. Ang lingua franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang grupong etnolinggwistiko na sumasalamin sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa ibang bansa ayon sa wika, kultura, at etnisidad. Sina David Thomas at Alan Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba’t ibang wikang ating nakikilala sa ngayon. Sila ay naniniwala na nahahati sa tatlong panahon ang malakihang paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.

Pitong pangalan na ginamit sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa Pilipinas (ayon kina Thomas at Healey ng Summer Institute of Linguistics, Anthropological Linguistics, Vol. 4, No. 9) 1. Southern Philippine Family 2. Northern Philippine Family 3. Southern Mindanao Family 4. Chamic Family 5. Philippine Stock 6. Malay Stock 7. Philippine Superstock • Ang Southern Philippine Family, noong 110 B.C. ay nahahati sa mga sumusunod na pangkat ng wika: Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol, Cebuano, Butuanon, Surigao, Kalagan, Mansaka, Batak, Cuyunon, Maranao, Maguindanao, Binukid, Dibabaon, Western Bukidnon Manobo, Southern Bukidnon Manobo, at Subabon. 34



• •

Ang Northern Philippine Family, noong 200 B.C., ito ay nahahati sa mga sumusunod na pangkat ng wika: Inibaloi, Ifugao, Kankanai, Bontoc, Kalinga, Ilokano, Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, at Agta. Noong 1100 B.C., ang Philippine Superstock ay nahati sa Philippine Stock at iba pang wika sa Timog Luzon, tulad ng Ivatan, Ilongot, at Baler Dumagat. Noong 1300 B.C. ang malalaking pangkat ng mga wikang kilala sa uring ProtoIndonesian ay nahati sa “Philippine Superstock,” Southern Mindanao Family/Bilaa, Tagabili, at maaaring kasama rito ang Tiruray/, at isang angkan na kasama ang Malay at ang “Chamic Family” ng Vietnam.

Klasipikasyon ng mga Wika sa Pilipinas • Sa klasipikasyon ni Conklin 1952 ay pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa dalawa: Iloko-type at Tagalog-type, batay sa korespondensya ng mga tunog at iba pang katangiang panlinggwistika. • Ang Ilokano at Pangasinan ay isinama niya sa pangkat ng Iloko-type, samantalang ang Tagalog, Bicol, Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa pangkat ng Tagalog-type. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito. • Ang isa pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na ginagamit din ng lexicostatistics ay ang kina Fox, Sebley, at Eggan 1953. Gumawa sila ng panimulang GLOTTOCHRONOLOGY para sa Katimugang Luzon. • Ang Glottochronology ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na wika sa kanilang inang wika, at gayundin, kung anu-anong petsa nakahiwa-hiwalay o nagkawatak-watak ang nasabing mga anak na wika pagkatapos mahiwalay sa inang wika. • Sang-ayon sa kanila, ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon, matangi sa Ilongot, ay mapapangkat lamang sa isa. • Ang Northern Luzon Type, anila pa, ay mahahati pa rin sa mga sumusunod: Northern Division, Central Division, Southern Division, Southeastern Division. • Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinakapangunahing lingwistika ng wikang Malayo-Polinesyo sa mga wikang Austronesian ay mababanggit din dito. Lexicostatistical din ang paraang ginamit ni Dyen, kasama sa kaniyang pag-aaral ang 60 wika sa Pilipinas. • Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging resulta ng pag-aral ni Dyen, matangi sa isang pagkakaiba: Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang relasyon ng Tagalog at Kapampangan. Sinabi niyang higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at Kuyunon kaysa Kapampangan. Mapapansin sa nasabing klasipikasyon na: 1. Ang Tagalog, Kapampangan, Cebuano, at Bicol ay higit na magkakalapit sa isa’t isa kaysa Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa isa’t isa; 2. Ang Tagalog ay higit na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bicol.

Maligayang pagbati! Natapos mo na ang nilalaman sa unang Aralin, ngayon sigurado akong handa ka na sa pagsagot sa mga katanungan.

35

Gaano na Kalayo ang Ating Narating?

Pagbuo ng Venn Diagram Panuto: Pagbuo ng Venn Diagram na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba sa ugnayan sa wika at kultura batay sa kontekstong ng wikang lokal. (Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa kasagutan at makikita sa Apendiks ang paraan ng pagmamarka)

36

Pagyamanin Natin

Panonood at Pagsusuri Panuto: Manood ng mga dokumentaryo hinggil sa simula ng wika, mga prinsipal na angkan ng wika, ang angkang Malayo Polinesyo at ang mga wika sa Pilipinas, ang wika at ang dalubwika, ang wika at ang kulturaat suriin ito upang makapagsagawa ng malayang talakayan hinggil sa mga nilalaman nito.

37

MUNGKAHING BASAHIN:

Basahin at panoorin ang mga sumusunod na artikulo at bidyu sa tinukoy na website. ✓ http://gabayngwika.blogspot.com/2008/05/ano-ba-ang-wika.html ✓ https://prezi.com/5he28srag3q7/angkang-malayo-polinesyo-at-ang-mga-wika-sapilipinas/ SANGGUNIAN Bernales, Rolando A. et al., 2001. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t – ibang Disiplina. Mutya Publishing House, Inc. Valenzuela City. Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Bookstore Inc. Manila, Philippines. Santos, Angelina L. et al., 2009. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Mutya Publishing House Inc. Malabon City. Wardhaugh. Ronald. 1992. An Introduction to Sociolinguistics. 2nd ed. Blackwell. Oxford, UK.

REPLEKSIYON NG KABANATA Sagutin ang mga sumusunod na katanungan dito bilang iyong dyornal at ibahagi ang iyong mga sagot sa loob ng chat sa pangkat ng Facebook Messenger bilang bahagi ng aming pagsubaybay. 1. Ano ang iyong alam tungkol sa paksa bago ito tinalakay? Ano ang natutuhan mo pagkatapos ng araling ito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Paano mo mailalapat ang iyong natutunan sa iyong kasalukuyang buhay bilang isang mag-aaral at sa iyong pangarap na pangarap? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________

38

3. Ano ang iba pang mga bagay na may kaugnayan sa aralin na gusto mong matutunan? Bakit? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________

APENDIKS RUBRIKS SA KABANATA 1, Aralin 1

Pagsasanay: Rubrik sa Pagbuo ng Graphic Organizer PAMANTAYAN

Napakahusay

Mahusay

Katamtaman

Kulang sa kasanayan

5

3

2

1

1.Naipahayag ang detalye ng binasang paksa 2.Ang lahat ng kasapi ay nakiisa sa Gawain 3.Nasabi ng buong husay ang ginawang organizer

Pagyamanin Natin: Pagbuo ng Timeline

Nilalaman

NAPAKAHUSAY

MAHUSAY

KATAMTAMAN

KAILANGAN NG PAGSASANAY

Lahat ng impormasyong kinuha ay tama at makabuluhan.

Walumpong porsyento (80%) ng impormasyong kinuha ay tama at makabuluhan.

.Animnapung porsyento (60%) ng impormasyong kinuha ay tama at makabuluhan

Halos lahat ng impormasyong kinuha ay mali.

8

6

Kahanga- hanga ang grapikong pantulong na ginamit sapat upang madaling maunawaan ang mensahe.

Mahusay ang grapikong pantulong na ginamit sapat upang madaling maunawaan ang mensahe.

Katamtaman ang grapikong pantulong na ginamit sapat upang madaling maunawaan ang mensahe.

6

4

2

10

Kaangkupan ng Ginamit na Grapikong Pantulong gayundin ang paraan ng pagkakalahad ng mga ideya.

2 Hindi angkop ang grapikong pantulong na ginamit kaya’t nahirapang maunawaan ang mensahe. 1

39

Kasiningan

Kitang- kita ang kalinisan at kaayusan ng timeline na ginawa

Kita ang kalinisan at kaayusan ng timeline na ginawa 3

4

Bahagyang nakita ang kalinisan at kaayusan ng timeline na ginawa

Hindi nakita ang kalinisan at kaayusan ng timeline na ginawa 1

2

RUBRIKS SA KABANATA 1, Aralin 2

Gaano na Kalayo ang Ating Narating: Rubrik sa Venn Diagram Pamantayan Kaayusan ng Konsepto (10%)

Marka

Nilalaman (80%) Kaugnayan ng Nilalaman (10%)

KABUUAN

PUNA SA KURSO Sa bahaging ito maaring magtala ng mga puna sa kurso. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

40

Related Documents

Kabanata 1 - Ang Wika
March 2021 0
Kabanata 28
February 2021 3
Kabanata 22.docx
January 2021 1
1-1
January 2021 2

More Documents from "azitagg"